4 minute read
COVID-19 testing sa masa, ikasa
Kasalukuyang nahaharap ang mundo sa isang krisis at ang iisang salarin ay ang kalabang hindi nakikita o nahahawakan. Ito ang 2019 Novel Corona Virus na mas kilala sa tawag na COVID-19 at mapahanggang ngayon ay wala pa ring tiyak na lunas. Libu-libong mga Pilipino na rin ang nagpositibo rito anupa’t ang usapan tungkol sa mass testing ay iniharap na sa kamara.
Advertisement
Ayon kay Spokesman Harry Roque, walang bansa ang kayang mag-test ng lahat ng mamamayan. Dagdag pa niya
Gayunpaman, target ng gobyernong i-test ang isa o dalawang porsyento sa ating populasyon lalo na sa mga
Sila ay magsasagawa ng “Expanded Target
Testing” nang sa gayon ay limitado lang ang mga taong itetest at bibigyan ng prayoridad ang mga Overseas Filipino Workers (OFW)
“Itest ang
Cebu City, 95% ng 1,749 na kumpirmadong kaso ang asymptomatic o ang mga hindi nakaramdam ng sintomas ng sakit pero naging positibo sa COVID-19.
Subalit ayon kay Mayor Edgardo Labella ng
Sa isang taong magpopositibo, siya’y posibleng makahawa ng 10 katao
at ang mga nahawaang iyon, isa-isa sa kanila ay maaring makahawa rin ng 10 pa. Kung ang mga ‘targeted’ na pasyente lang ang bibigyan nila ng pansin, hindi nila malalaman kung hanggang saan na ang nararating ng virus.
May mga bansang nagsasagawa ng mass testing tulad ng Russia at Germany kung saan libo sa isang daang kaso ang kanilang nakumpirma.
Pati na rin sa mga lugar sa Middle East kung saan pinakamaraming naiitalang kaso bawat araw. Dahil sa mass testing, mas nalalaman nila kung saan ang mga eksaktong lugar na kailangang isailalim sa striktong quarantine.
Gayunpaman, nawa’y huwag limitahan ang kakayahan nilang magsagawa ng COVID-19 mass testing sa nakararami. Mas nabibigyan ng impormasyon ang mga mamamayan tungkol sa mga lugar at taong mabilis at posibleng mahawaan ng virus.
Dahil sa quarantine maraming Pilipino ang naghihirap at halos lahat ay nawalan ng trabaho. Hindi nakikita kung saan umaatake ang ating kalaban at walang panlaban ang mga kaawa-awang mamamayan na walang pambili ng gamot o kahit kakayahang pumunta ng ospital. Para sa lahat ang testing kits, hindi lang para sa mga politiko o mga taong may kakayahang bumili ang kits.
Hindi lang Pilipinas ngunit buong mundo ang humaharap sa kasalukuyang krisis at isang paraan ang mass-testing para makita ng mamamayan ang reyalidad ng nararanasan ngayon. Hindi bumababa ang kaso ng mga positibo at marami nang mga tao lalo na ang mga frontliners ang namamatay. Kung hindi kikilos ang pamahalaan ngayon, kailan pa?
Realtalk lang, Bawal pikon!
BAKIT KA MATATAKOT? TERORISTA KA BA?
NI: SHEKIJAH JABAGAT
Sa ngayon, maayos ang kalagayan ng Pilipinas. Tuloy-tuloy pa ang tulong sa mga mamamayang nasa laylayan ng lipunan. Maigting din ang pagpapatupad ng ‘quarantine protocols’ at mayroong ‘mass testing’. Mataas din ang sweldo ng ating mga ‘frontliners’ at bumababa na ang kaso ng may Corona Virus 2019. Talagang umuusad na tayong mga Pilipino! Biro lang, praktis lang ‘yon. Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), nakasaad sa probisyon ng ‘Anti Terrorism Bill’ ang habang-buhay na pagkakulong ng sinumang mahuling nakikiisa sa gawaing-terorismo. Posible ring makulong ng 12 na taon ang isang tao sa pagsali, pagsuporta at pag-’recruit’ ng mga miyembro sa isang grupo na hindi kinikilala ng gobyerno.
Dagdag pa riyan, nakapasa na rin sa ‘third reading’ ang nasabing bill at lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang
upang tuluyan itong maging batas.
Bagaman kung susuriin, mabuti ang hangarin ng ‘Anti Terrorism Bill’ ngunit ito’y tinututulan ng masa. Una, dahil umano’y hindi ito naaayon sa ating konstitusyon na nagbibigay-karapatan sa mga Pilipino na malayang makapagpahayag ng kanilang hinaing. Sa pagpapatupad ng bill na ito ay mawawalan ng karapatan ang mga mamamayan na ipabatid sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa gobyerno. Ika nga nila, ito’y tila isang paraan ng pamahalaan upang itikom ang mga bibig ng kritiko sa kalagitnaan ng nararanasang pandemya.
Hindi rin malabong maraming maikukulong nang hindi makatarungan dahil lamang napagkamalang terorista. Kung usapang Non-Government Organizations (NGO), mayroong
mga organisasyong mabubuti ang layunin gaya ng pagsasagawa ng mga ‘charity works’. Hindi ibig sabihin na kung hindi kinikilala ng gobyerno ang organisasyon o ‘di kaya’y may mga nagtitipon ay mga grupo na agad ito ng mga nais pabagsakin ang administrasyon.
Hindi ba’t tayo’y nahaharap sa pandemyang hanggang ngayon ay wala pa ring konkretong lunas? Bawat araw ay tumataas ang bilang ng kaso ng mga nagpopositibo at namamatay dahil sa COVID-19. Tila wala sa bokabularyo natin ang tinatawag na ‘flattening the curve’. Isa pa, kailangan ding pag-usapan ang
prayoridad at kung sakaling magpapatupad man ng batas, sana iyong mapagpapakinabangan sa kasagsagan ng krisis. Dahil sa ‘Anti Terrorism Bill’, imbes na kaligtasan ang uunahin ay minabuti pa rin ng iilan na tumayo sa kalye at manindigan sa kanilang karapatan.
Ang biro ko’y hindi naman imposibleng mangyari kung itutuwid lang ng gobyerno ang kanilang prayoridad.Naiintindihan namang mayroong
banta ng terorismo