Ng Kanyang Banal na Pagpapala SRILA BHAKTI RAKSAK SRIDHAR DEVA GOSWAMI MAHARAJ
Sri Chaitanya Saraswat Math
Purihin ang Kadakilaan ni si Sri Guru at ni Sri Gauranga
Tinipon mula sa mga impormal na pakikipag-usap ng Tagapagtatag at Acharyya ng Sri Chaitanya Saraswat Math si SRILA BHAKTI RAKSAK SRIDHAR DEV-GOSWAMI MAHARAJ Sa ilalim ng pamamahala ng Kasalukuyang Acharyya si SRILA BHAKTI SUNDAR GOVINDA DEV-GOSWAMI MAHARAJ
SRI CHAITANYA SARASWAT MATH, Kolerganj, P.O. Nabadwip, Dt. Nadia, W. Bengal, 741302, India
Unang Paglilimbag sa Wikang English 1993 ŠAng lahat ng karapatan sa aklat na ito ay pag-aari ng Sevaite-Tagapangulo at Acharyya ng, Sri Chaitanya Saraswat Math, Nabadwip Isinalin ni Sri Mahananda Dasa Bhakti Ranjan Unang Inimprenta noong ika 8 ng Nubyembre, 1993 Ang Araw ng Banal na Pagdating ng Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj Isinalin sa wikang Filipino noong ika 3 ng Marso 2007, Ang dakilang Araw ng ika 521 Taong Gaurabda, Ang Banal na Paggunita sa Araw nang Pagdating ng Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhu Inalay nang mga Filipinong deboto para sa kasiyahan ng Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj Bagong Edisyon sa Wikang Filipino: March 05, 2015 Unang Inilimbag at Inimprenta Para sa: Sri Chaitanya Saraswat Math, Kolerganj, P.O. Nabadwip, Dist. Nadia, West Bengal, PIN 741302, INDIA Lokal na sangay: Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines Sri Nama Hatta Center #66-D H. Ocampo St., Pook F. Amorsolo, Barangay U.P. Campus, Diliman, Quezon City 1101 Contact no.: (+63) 0949-8332414 E-mail: scsmathphilippines@yahoo.com Facebook: www.facebook.com/scsmathphilippines SCSMath Books in Filipino: www.scribd.com/scsmathphilippines
Mga nilalaman PAMBUNGAD Banal na Pagbabago .
.
.
.
.
.
.
.
i
.
.
1
.
.
.
7
.
.
.
11
Unang Kabanata Mga Paglalakbay ng mga Deboto sa mga Banal na Pook .
Ikalawang Kabanata Ang Paghahanap sa Sikreto ng Buhay
.
.
Ikatlong Kabanata Ang Paraan Kung Papaano Makikilala ang Dibinidad
Ikaapat na Kabanata Ang Nasa Kaloob-loobang Lupain .
.
.
.
.
.
21
.
.
.
.
.
27
Ang Pinakabanal sa Lahat ng Gawain . ..
.
.
.
.
31
.
.
.
.
.
35
Ang May-akda at ang Kanyang Misyon ..
.
.
.
.
40
Ikalimang Kabanata Ang Pinakadakilang Bendisyon . .
Pangwakas
Dagdag Pahina I Sri Rupa Manjari Pada .
.
.
Dagdag Pahina II
Ang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Ang Kasalukuyang Sevaite na Tagapangulo at Acharya ng Sri Chaitanya Saraswat Math
Om Vishnupada Srila Bhakti Sundar Govinda Deva Goswami Maharaj Humaliling Sevaite na Tagapangulo at Acharya ng Sri Chaitanya Saraswat Math
Om Vishnupada Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj Nagtatag at Pangunahing Acharya ng Sri Chaitanya Saraswat Math
Om Vishnupada Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur Prabhupada Ang Maestrong Pang-espirituwal ni Srila Sridhar Maharaj Ang Nagtatag ng Sri Gaudiya Math na may 64 na sangay sa iba’t-ibang panig ng India.
Srila Gaura Kisora dasa Babaji Maharaj Ang Maestrong Pang-espirituwal ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Goswami Maharaj Prabhupada
Srila Sachidananda Bhakti Vinod Thakur May-akda ng iba’t-ibang babasahin at literaturang ginagamit ng mga Gaudiya Vaishnavas. Tinaguriang Ikapitong Goswami nang mga pangunahing deboto ng Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhu. Nanguna noong ika 19 na siglo sa pagpapalaganap ng kamalayan kay Krsna sa buong mundo.
Srila Jagannath dasa Babaji Maharaj Kinilala bilang pangunahing deboto at pinakalider nang mga Gaudiya Vaishnavas ng Sri Vrindaban-dham at Sri Nabadwip-dham.
Ang Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhu Ang Pinagsamang katauhan nina Sri Krsna at Srimati Radharani Ang Nagpasimula nang sama-samang pag-awit ng Hare Krsna Mahamantra
Ang Bantog na Templo ng Magkawalay na Pagsasama Ng Sri Chaitanya Saraswat Math sa Sri Nabadwip-dham, India.
Purihin ang Kadakilaan ni Sri Guru at ni Sri Gauranga
Pambungad Banal na Pagbabago Isang sipi mula sa Ikatlong Kabanata ng Jaivva Dharmma na sinulat ni Srila Bhakti Vinod Thakur [Sinalin sa Wikang English ni Sripad B.A. Sagar Maharaj] Isang gabi, makalipas ang ilang oras matapos magdilim, noo’y mag-isang nakaupo si Sannyasi Thakur, habang umaawit ng Banal na Pangalan. Ito’y nakaupo sa isang maliit na tumpok ng lupa sa isang ilang na balag ng mga halaman sa loob nang kagubatan ng Sri Godruma. Habang ito’y nakatingin sa dakong pahilaga, pumaimbulog ang kabilugan ng buwan, na naglahad nang di-mapapantayang kagandahan sa kabuuan ng Banal na Lupain ng Sri Nabadwip. Sa di-kalayuan, ay natambad ang Sri Mayapur. Napabulalas si Sannyasi Thakur, “Oh! Ano itong kagandahang ito? Isang napakasayang banal na lugar ang nakikita ko. May nakikita akong palasyo, templo, at mga daan, na pawang gawa sa mamamahaling hiyas. Ang kabuuan ng tabing ilog ay naiilawan dahil sa kanilang kinang. At naririnig ko, ang sabay-sabay na malakas na hiyawan ng Hari-nama Sankirttana mula sa iba’t-ibang panig, na abot-langit ang dagundong. At ngayon nama’y nakikita ko ang daan-daang deboto na kahawig ng ermitanyong si Narada at nagpapatugtog nang kanilang vinas, habang sumasayaw at umaawit ng Banal na Pangalan. At sa ibang dako nama’y naroroon ang maputing diyos ng mga diyos, Si Mahadeva, habang tangan-tangan nito ang kanyang tambol na Dambaru, at tumataghoy nang, “Oh Visvambhara, maawa po Kayo sa akin!” Habang parang baliw itong nagsasayaw, at nagpapagulung-gulong sa lupa. At sa kabilang dako, habang kasamang naka-upo ang mga Rishis na palaging umuusal nang mga panalanging Veda ay makikita ang may-apat na ulong Panginoong Brahma, na umaawit naman ng Vedic na mantra, mahan prabhur vai purusah sattvasyaisah pravarttakah, sunirmmalam imam praptim isano jyotir avyayah.1 1 Si Mahaprabhu ang Supremong Katauhan; Tanging Siya lamang ang Bukal ng ating kaalaman. Tanging sa pamamagitan lamang ng Kanyang pagpapala maaaring makamit ang busilak na katahimikan. Siya ang Pinaka-Supremong Katauhan, ang Di-nakikita.”
i
“At ibinigay ng Panginoong Brahma ang kanyang transedental na paliwanag tungkol sa kahulugan nitong mantra. Habang sa ibang dako, ang lahat ng mga diyus-diyosan na pinamumunuan nang Panginoong Indra ay naglulundagan at nagtatalunan, habang umaawit ng, ‘Jaya Prabhu Gaurachandra, Jaya Nityananda—purihin ang Panginoong Gaurachandra, purihin si Sri Nityananda!’ Samantala lahat nang nakadapong ibon sa mga sanga ng punong kahoy ay sabay-sabay na umaawit nang, ‘Gaura-Nitai, Gaura-Nitai!’ Lahat ng bubuyog mula ng uminom nang nektar ng Pangalan ni Gaura ay biglang nalasing, at naging abala sa kanilang pag-awit sa buong halamanan. Dahil sa labis na kalasingan matapos tikman ang Estatikong Pag-ibig kay Gaura, ang nektar nito’y tumagas sa lahat ng direksyon, at ang Kanyang kagandahan ay inilatag ng Inang Kalikasan sa buong kapaligiran. Kamangha-mangha pagmasdan! Kailanman mula’t-sapul ay wala pa akong nakikitang ganitong klaseng bagay sa Sri Mayapur! Ano ba itong aking nakikita?” At pagkatapos nito’y naalala niya ang kanyang Banal na Maestro, “Panginoon, malinaw kong naiintindihan na ako’y pinagpala po ninyo dahil binigyan po ninyo ako ng isang sagradong pananaw upang makita ang Banal na Mayapur. Kaya magmula ngayon, ipapakita ko sa mundo kung papaano ako naging kasapi ng partido ni Sri Gaurachandra. Napansin ko, lahat ng tao dito sa Banal na Lupain nang Sri Nabadwip ay maykwintas na Tulasi sa kanilang leeg at naaadornohan ng tilaka ang kanilang katawan at gayun din ng mga Banal na Pangalan bilang kanilang palatandaan. Kung ganoon, ganito din ang aking gagawin.” Matapos niya itong sabihin, nawalan ng malay si Sannyasi Thakur. Makaraan ang ilang sandali, muli itong nagkamalay. Walang-dudang ito’y may malay, subalit wala na sa kanyang paningin ang napakagandang pangitain. At ito’y tumangis, at nagwika, “Labis-labis akong pinagpala. Dahil natanggap ko ang pagpapala ng aking Sri Guru, bagama’t ang nakita ko ay saglit lang, ganunpaman, ito’y sagradong pananaw dahil nakita ko ang Sri Mayapur Dham.” Kinabukasan, itinapon ni Sannyasi Thakur ang kanyang mayavada sannyasa-danda sa ilog. At ito’y nagtali nang tatlong paikot na butil ng Tulasi sa kanyang leeg at naglagay ng tilaka sa kanyang noo bilang palatandaan na siya’y isang Vaishnava. At ito’y nagsasayaw habang umaawit ng “Hari! Hari!” At noong makita ng mga Vaishnavas sa Godruma ang kanyang bagong-silang na kaanyuan at nakakaakit na kasuotan, sila ay nag-alay nang kanilang mga paggalang, at itinuring siyang higit na pinagpala. Medyo nahihiyang nagsalita si Sannyasi Thakur, “Walang-dudang tinanggap ko ang kasuotang ito bilang isang Vaishnava, upang maging karapat-dapat ako sa kanilang mga pagpapala, subalit ngayon nalalagay naman ako sa isang sitwasyon, sa isang balag ng alanganin. Dahil ang talatang ito ang paulit-ulit kong naririnig sa bibig ng aking Sri Gurudeva:” trnad api sunicena, taror api sahisnuna ii
amanina manadena, kirttaniyah sada harih2 [Chaitanya-charitamrta, Antya-lila 20.21] “Kung ganoon, kung ang mga Vaisnavas na ito na itinuturing kong aking mga Guru, ang siyang yumuyukod at nagbibigay-galang sa akin, anong klaseng kapalaran ang naghihintay sa akin?” Habang ganito ang laman ng kanyang isipan, nagpasya itong pumunta kay Paramahamsa Babaji at nag-alay nang kanyang nakadapang paggalang. Noo’y naka-upo si Babaji Mahasaya sa ilalim ng mga balag ng baging na Madhavi at nagdarasal nang Banal na Pangalan. Nakita niya ang ganap na nagbagong kaanyuan ni Sannyasi Thakur, at ang puso nitong namumukadkad sa pag-ibig sa Pangalan, at niyakap ni Babaji Mahasaya ang kanyang disipulo, at pinaliguan ito ng kanyang mga luha. At kanyang sinabi, “O Vaishnava Dasa, ngayon, nagkaroon na nang katuparan ang aking ambisyon dahil nadampian ko na ang iyong pinagpalang katauhan.” Dahil sa mga pananalitang ito, ang dating pangalan ni Sannyasi Thakur ay naglaho na. At ito’y naging si “Vaishnava Dasa’ na. Dahil narating na nito ang isang napakahalagang katayuan, ang isang bagong buhay. Ang dati niyang kasuotang ermitanyong mayavadi, ang kanyang mapagmataas at palalong katawagan at mga titulo ng ganoong kaayusang sannyasa, at ang kanyang kahambugan---ang lahat ng ito ay pawang naglaho na sa kanya. Isang hapon, maraming Vaishnavas mula sa Sri Godruma at sa Sri Madhyadwip ang noo’y bumisita sa Sri Padyumna Kuñja upang magbigay ng kanilang mga paggalang at upang makaharap din si Paramhamsa Babaji Mahasaya. At silang lahat ay palibot na umupo sa kanyang harapan, habang umaawit ng Banal na Pangalan sa kanilang mga pandasal na butil na Tulasi. Ilan sa kanila ang lumuluha, at nananawagan, “Ha Gauranga, Nityananda,” o kaya ng, “Ha Sitanatha,” o kaya nang, “He jaya Sachinandana.” Nag-uusap-usap noon ang mga Vaishnavas tungkol sa mga espirituwal na bagay. Umikot noon ang mga bumibisitang Vaishnavas sa Banal na punong Tulasi, at nag-alay ng kanilang nakadapang paggalang sa mga naninirahang Vaishnavas. Kasabay din nito’y umikot din si Vaishnava Dasa kay Sri Vrndadevi, at inihagis ang kanyang sarili sa alikabok likha ng mga paglakad nang mga nabanggit na Vaishnavas. Ilang deboto ang nakapansin sa kanya, at maging ang ibang matataas at mga iginagalang na Vaishnavas ay napabulalas, “Hindi ba’t siya si Sannyasi Thakur—Kahangahanga siyang pagmasdan! Bigla siyang nagbago!”
2 Kapag itinuring mo ang inyong sarili na masmababa pa kaysa sa damo sa lupa, higit na mas-mapagtiis kaysa sa isang puno, walang pinanghahawakang kahit anumang kahambugan, at handang mag-alay ng kanyang paggalang sa iba—ikaw ay patuloy na makapag-uusal ng Banal na Pangalan. iii
Sa harap nila’y nagpagulong-gulong si Vaishnava Dasa sa lupa. Ito’y pinakiusapang magsalita, at ganito ang kanyang sinabi, “Ngayon, nagkaroon na nang katuparan ang misyon ko sa buhay. Dahil nakamit ko na ang mga alikabok mula sa paanan ng mga Vaishnavas. Dahil sa pagpapala ng aking Sri Gurudeva, napag-alaman kong wala palang ibang ligtas na lugar para sa isang kaluluwa kundi doon lamang sa alikabok na nasa paanan ng mga Vaishnavas. Dahil ang alikabok sa paanan ng mga Vaishnavas, ang mala-nektar na tubig na ipinanghuhugas sa paa ng isang Vaishnava, at ang mga tira nilang pagkain—ang tatlong ito ang siyang gamot para sa karamdaman ng kamunduhan, at ito ang masustansyang pagkain sa araw-araw para sa mga may ganitong karamdaman. At ito’y hindi lamang nagpapagaling ng sakit, kundi nagkakaloob din ng pinakamataas na ekstasi, nang kalugud-lugod na kasiyahan sa mga malulusog na kaluluwa. “O mga Vaishnavas, huwag po ninyong isiping ipinagyayabang ko ang aking kagalingan dahil sa ako ay isang iskolar. Noong mga nakalipas na araw, ang kahambugan sa puso ko ay napurga nang lahat. Ako po’y isinilang mula sa isang pamilyang brahmana, lahat ng Banal na Aklat ay napag-aralan ko na, at ngayon, ako’y nandito na at nakapasok na sa ikaapat na kaayusan, ang buhay ng isang asetiko, buhay ng nagpapakasakit. Dahil dito, maslalu pang lumago ang aking ego, ang aking kahambugan. Subalit mula nang maakit ako sa mga pinaniniwalaang prinsipyo ng mga Vaishnavas, naitanim na sa aking puso ang binhi ng pagpapakumbaba. Dahil sa pagpapala ninyong lahat, unti-unting nawawaglit ang aking kahambugan, ang pinanggalin kong pamilya, ang aking kayabangan dahil sa pagiging iskolar, at ang karangalan ng pagiging isang ermitanyo. Subalit ngayon, napansin ko, wala pala talaga akong kakayahan, at ako’y isang sawing-palad na kaluluwa lamang. Wala na po akong ibang masisilungan maliban sa lotus na paanan ng mga Vaishnavas. Ang pagiging brahmana, ang pagiging iskolar, at ang pagsa-sannyasa—ang lahat ng ito’y naging dahilan upang ako’y bumagsak. Ngayon, lahat ng ito’y aking ikinukumpisal sa lotus na paanan ninyong lahat; tanggapin po ninyo ako bilang inyong tagapaglingkod.”
iv
Isang sipi mula sa Sri Dasa-mula Na sinulat ni Srila Bhakti Vinod Thakur [Isinalin sa wikang English ni Sripad B.A. Sagar Maharaj] yada bhramam bhramam hari-rasa-galad-vaisnavajanam kadacit sampasyams tad-anugamane syad ruci-yutah tada krsnavrttya tyajati sanakair mayika-dasam svarupam vibhrano vimala-rasa-bhogam sa kurate [8] Kapag ang isang nagkasalang kaluluwa, matapos libutin ang mga matataas at mabababang uri ng buhay, ay nabindesyunan ng kahit isang banal na sulyap mula sa isang vaishnava, na ang puso’y natunaw dahil sa labis na pag-ibig sa Supremong Panginoong Hari, sisibol sa nagkasalang kaluluwang ito, ang kanyang pagkaakit na mamuhay katulad ng sa mga Vaishnavas. Dahil sa kanyang walang-tigil na pag-awit at pag-usal sa Banal na Pangalan at mga Kadakilaan ng Panginoong Krsna, ang kanyang mala-ilusyung kabuhayan ay unti-unting nawawala. Di-magtatagal makakamit din nito ang kanyang katutubong kaanyuan at siya’y maaari nang makisaya sa mga dalisay na Tagapaglingkod ni Sri Krsna.
v
Sri Yoga-pith, Mayapur. Ang pinagpalang lugar na sinilangan nang Supremong Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhu noong 1507 Sakabda, buwan ng Phalgun sa kalendaryong Bengali.
vi
Purihin ang Kadakilaan ni Sri Guru at ni Sri Gauranga
Unang Kabanata
Ang Paglalakbay ng mga Deboto sa mga Banal na Pook Deboto: Maaari po bang sabihin ninyo sa amin ang tungkol sa Sri Nabadwip Dham Parikrama (mga paglilibot sa banal na lugar). Srila Guru Maharaj (Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj): Mahalagang malaman muna natin kung ano talaga ang tamang pananaw sa Nabadwip. Maraming sangay ang Nabadwip Dham: siyam na pangunahin. At sinasabing sila’y kumakatawan din sa siyam na bahagi o sekta ng debosyon: sravanam kirtanam visnoh smaranam pada-sevanam arcchanam vandanam dasyam sakhyam atma-nivedanam Ang Simantadwip ay kumakatawan sa sravana-bhakti, ang pagdinig ng mga bagay tungkol kay Krsna. Ang pag-awit ng tungkol kay Krsna, ang kirttan, ay matatagpuan naman sa Godrumadwip; samantala ang paggunita sa Panginoon, ang smaranam, ay nasa Madyadwip; ang paglilingkod sa paanan ng Panginoon, ang pada-sevanam, ay naririto naman sa Koladwip; ang pagsamba sa pamamagitan ng lamparang may ghee, atbp., ang arcchanam, ay nasa Rtudwip; ang mga pag-aalay ng mga panalangin, ang vandanam, ay nasa Jahnudwip; ang paglilingkod tulad ng ginagawa nang isang katulong, ang dasyam, ay nasa Modadrumadwip; ang paglilingkod sa Panginoon bilang isang matalik na kaibigan, ang sakhyam, ay nasa Rudrawip; at ang ganap na pag-aalay ng sariling katauhan, ang atma-nivedanam, ay kinakatawan naman ng Sri Antardwip, ng Mayapur. Sila’y sunud-sunod na nakaugnay sa siyam na pangunahing uri ng debosyunal na paniniwala. Kapag naglakbay tayo sa mga lugar na ito maaalala natin ang mga pangyayaring nakapaloob dito kung bakit kanyang kinakatawan ang lugar na ito. Anila, ang kabuuan nang lahat ng ito ay ang tamang debosyon. At sa kabuuan, ang atma-nivedanam, ang ganap na pagsuko ng mga sarili natin, ang siyang pinakabasehan nang lahat ng ito. At sa loob ng atma-nivedanam, ang buhay natin ay unti-unti nang magbabago. At sa sandaling sumuko na tayo sa Sentro, lahat ng ginagawa natin ay magiging debosyon na. Ito ang debosyon. At doon na nadadagdagan ang atma-nivedanam natin, ang di-natin pagiging makasarili, nang pag-aalay ng mga sarili natin. Ang pag-aalay ng sarili ay isang gawaing di-makasarili. Lahat ng makasariling gawain ay agad nang nahihinto at maging ang pagiging di-makasarili ay malalampasan din natin, at pagkatapos, doon na nagsisimula ang buhay nang pag-aalay ng sarili—at ito ang simula ng tamang debosyon. 1
Sa buhay ng isang deboto ay walang pansarili o makitid na interes. Ito’y kumikilos lamang tanging para sa pangsandaigdigang interes ng Di Mapag-aalinlanganang Kalubusan. Sa kapatagang ito, ang mga deboto ang sundalo. Lahat ng ginagawa nila, anuman ito, maging ang isipan at inspirasyon nila’y nagmumula sa pinakasentro, sa Mabuting Kalubusan. Bagama’t kung ating titignan sila’y naririto sa kapatagang ito ng mayroong pag-aaway-away, subalit sa loob ng puso nila, sila’y nakakunekta sa Mabuting Kalubusan; kung ganoon, ibig sabihin, lubusan na talagang nag-iba ang kanilang kulay. Ganap na talagang nagbago ang ikinikilos nang mga deboto bagama’t kung ating titignan ang ginagawa nila’y katulad din nang ginagawa ng mga taong makamundo. Ang mga makamundong tao ay kumakain, gayun din ang mga deboto, kumakain din sila, subalit ang totoo’y hindi sila kumakain: kundi, naglilingkod sila sa mga tirang pagkaing ipinadala ng Panginoon. Ganito ang takbo ng kanilang buhay. tvayopabhukta-srag-gandha-, vaso ‘lankara-carccitah uccista-bhojino dasas, tava mayam jayema hi Sabi ni Uddhava sa Srimad-Bhagavatam, “Isang bagay lamang ang aming gagamitin sa paglupig sa mapanlinlang na enerhiya (ni Maya). Ano ito? Anuman ang dumating sa aming buhay ay amin paring tatanggapin at lahat ng ito’y gagamitin namin sa aming paglilingkod. Dahil lahat ng ibinibigay Mo sa amin, O Panginoon, ay Inyo nang natikman at nagustuhan, at ang mga tirang ito’y amin namang paglilingkuran upang tuluyan ng masira ang mapalinlang na kapangyarihan.” Noo’y isang magaling na propesor, na Kapatid ko din sa Pananampalataya ang hinamon ng nakakabata niyang kapatid na siguro’y nakapagtapos din ng pag-aaral, “Bakit mo nasabing naiiba ang ginagawa ninyo sa loob ng inyong Math? Hindi ba’t pareho lamang sa ginagawa natin dito?” Sumagot ang propesor na ito, “Aba hindi, hindi, totoo talagang naiiba ang ginagawa namin sa loob ng aming Math.” “Ibig mong sabihin hindi kayo kumakain?” “Hindi, hindi talaga kami kumakain.” “Papaano mong nasabing hindi kayo kumakain? Hindi ba’t kitang-kita naman talagang kumakain kayo?” “Aba hindi, hindi talaga kami kumakain. Iba ang ginagawa namin at hindi talaga kami: hindi ba’t kayo kapag kumakain mga solidong bagay ang inilalagay ninyo sa inyong sikmura, subalit iba ang sa amin. Naglilingkod kami sa Maha-prasadam. Ang ginagawa namin ay hindi abot ng inyong isipan. Iba ang ginagawa namin. Wala sa aming isipan na kami ay kumakain. Wala kaming pansariling-hangarin kapag kumakain, ang ginagawa nami’y pawang pagbibigay-galang lamang sa mga tirang pagkain ng Panginoon.” 2
Ito ang kaibahan sa ginagawa ng mga totoong Vaishnavas at nang mga makamundong tao. Bagama’t kung ating titignan halos pareho lamang ang kanilang ginagawa: naglalakad, natutulog, kumakain, kasa-kasama ng ibang tao, naghahanap-buhay, gumagastos, at marami pang ibang animo’y magkakatulad na gawain; subalit ang paninindigan nila sa buhay ay lubos na magkaiba. Dahil ang ginagawa ng mga deboto, ang bawat kilos at galaw nila’y nakaugnay sa Sentro. At umaayon lamang kung saang direksyon gustong gumalaw ng Sentro, samantalang ang mga makamundong tao nama’y nagagabayan nang kanilang pansarili at makitid na interes. Ganito ang kaibahan nilang dalawa, may mga taong nagagabayan ng makasariling interes, samantalang ang iba nama’y ng Kalubusan, at ang kaibahan nilang dalawang ay sadya talagang malayung-malayo. Ang mga Vaishnavas ay nasa bahagi ng pagwawalang-bahala sa sarili, sila’y nasa kabilang panig, sa bahagi nang mga tumiwalag sa makamundong buhay. Sa pagitan nilang dalawa, ng materyalistang tao at mga Vaishnavas ay may-isang lupain, ang lupain ng ganap na pagtalikod sa materyalistang buhay. At silang dalawa ay kapwa nasa magkaiba at magkahiwalay na bahagi. Ang mahalaga ay kung papaano ang tamang debosyon. Kadalasan, ang mga bagay na nakikita nila sa mga deboto ay hindi nila nauunawaan, at mauunawaan lamang kapag inilagay nila sa tamang anggulo ang kanilang pananaw. Kaya dapat kailangang baguhin natin ang anggulo ng ating pananaw. Napakaraming mga pangyayari, mga istorya, mga eksenang nakaugnay dito sa Sri Nabadwip Dham Parikrama, subalit ang lahat ng ito’y upang tulungan tayong maging maayos ang ating buhay sa Kalubusan. Kung ito’y mahuhuli ninyo, habang nagpa-parikrama kayo sa iba’t-ibang banal na lugar at narinig ninyo ang lokal na ‘makasaysayang’ kaganapan doon, makakamit ninyo ang eternal na pag-aaral tungkol sa iba’t-ibang konsepto ng debosyon. Magiging inspirado kayo. Ang parikramang ito’y hindi katulad ng mga parikrama nang ordinaryong tao sa bahagi ng mga Hindus na naglalakbay din sa iba’t-ibang banal na lugar. Kadalasan ang mga taong iyon ay nagpupunta sa mga banal na lugar at nakikisalamuha sa mga banal na tao, subalit ang tunay nilang pakay ay upang matulungan sila sa kasalukuyang buhay nila. Gusto nilang maging maganda ang kanilang buhay sa pamamagitan ng tulong ng mga diyus-diyosan. Ang bagay na ito’y punya-karmma—ayon sa kanilang paniniwala, ito’y upang magkaroon lamang ng mabuting merito at maging matagumpay ang kanilang buhay. Subalit ito’y hindi Suddha-bhakti. Ang layon ng mga taga Gaudiya Math ay medyo kakaiba at hindi kayang unawain maging nang mga taong may mataas na pinag-aralan. Kung kaya’t hanggang ngayon hindi parin nila mawari, nang matatalinong-tao natin ngayon, na posible palang mamuhay sa mundong ito na may dalisay at purong espirituwal na buhay. Ayon sa kanila, dahil sa sobrang kahirapan sa buhay ito’y likha lamang daw ng ating isipan. Ayon sa pananaw nang mga tinatawag nating siyentipikong iskolar, ang hinahanap nating espirituwal na buhay ay tulad daw sa paghahabol ng tao sa kanyang anino at sa mga bagay na kathang-isip lamang. Ayon sa kanila, ito’y guniguni at pamahiin lamang ng mga deboto. 3
ya nisa sarvva-bhutanam, tasyam jagartti samyami yasyam jagrati bhutani, sa nisa pasyato muneh [Srimad-Bhagavad-gita 2.69] Baliktad, dahil ang alam natin, sila ang naghahabol sa isang guni-guni. Lahat ng gusto nila’y pawang mortal na kahilingan. Ayon sa kanilang palagay ang imortalidad, ang pagkakaroon nang walang-kamatayan, ay hindi natin maaaring makamit, hindi ba’t para lamang patunayan ang bagay na ito, kailangang magbuwis pa ng kanyang buhay si Socrates sa sinabi niyang ang kaluluwa ay immortal, walang kamatayan. Subalit ganun paman, ito’y hindi parin nila pinaniwalaan, “Hindi iyan totoo, wala talagang immortal na bagay, lahat ng bagay ay namamatay, kaya isang malaking kabaliwan kapag binalewala natin ang mortal na kasiyahan, kaya dapat magpakaligaya tayo ng husto.” Ito ang kanilang pananaw. Ang punto natin ay ganito, ang nais natin ay manatiling mulat sa antas ng ganoong klaseng buhay, na ayon sa kanila’y isang madilim na lugar. Ang kaluluwa ay immortal, at may mundong immortal—hindi lamang immortal kundi mala-nektar na katotohanan pa. Srnvantu visve amrtasya puttrah: “O kayong mga anak ng nektar, tandaan ninyo. Kayo ay eternal at mga anak ng lupaing iyon. Bakit kailangang maghirap pa kayo. Kayo’y naging biktima ng mortalidad subalit ang totoo hindi kayo mortal. Mataas ang hinaharap ninyo sa buhay subalit ito’y nakatago lamang. Magsibalik na kayo. Bumalik na kayo sa dati ninyong kalagayan. Umuwi na kayo sa inyong tahanan.” Ito ang pangkalahatang panawagan ng Upanishads, ang pinakamatanda at sinaunang nahayag na Banal na Aklat. Ang panawagan nang mga tagasunod ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ay hindi lamang para sa teistikong buhay, hindi lamang para sa relihiyosong buhay, kundi ito’y para sa ganap na teistikong buhay: na tumutukoy sa Diyos bilang bahagi ng ating pamilya—kapamilya ang Maganda at Marikit na Kalubusan. “Doon lamang tayo sa kandungan nang mapagmahal na ama, o kaya sa kandungan ng inyong minamahal.” “Mamatay upang mabuhay” ito ang kasabihan ng mga tagasunod ni Mahaprabhu. Bakit hindi natin subukan. Pagsikapan nating makamit ang tunay na sariling hangarin natin sa buhay. Walang ibang kompromiso. Huwag tayong bibigay, dapat ito ang ating ipinaglalaban hanggang sa kadulu-duluhan, hanggang sa wakas, at ito ang dapat nating paghandaan. Ang aming Guru Maharaj, si Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, ay Acharya ng buong Gaudiya Math at ito ang kanyang paninindigan. Kailanma’y hindi siya nagpapadalosdalos, hindi din siya nagbaka-sakali o nakipag-kompromiso—wala, wala siyang ganito. Noo’y halos mag-isang nakipaglaban si Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur laban sa buong mundo—laban sa lahat nang iba’t-ibang klaseng kultura ng mundo. At tanging Srimad-Bhagavatam at si Sriman Mahaprabhu lamang ang kanyang kakampi at kaagapay. Sa pamamagitan ng ganitong klaseng kaisipan ‘naka-timo sa puso at nagagabayan ng Diyos.” Nasa kanyang ulo si Mahaprabhu at Bhagavatam. Mag-isa itong nakipaghamok para sa Kanila. 4
Hindi lamang sa Bengal siya nakipaglaban, sa probinsya ni Mahaprabhu, at hindi lamang dito sa India, kundi ibig din niyang makipagdigmaan sa labas ng bansa. Ang gusto niya’y atakihin ang pinakamataas na posisyon ng sibilisasyon—ang Kanlurang bahagi ng mundo, ang mala-siyentipikong sibilisasyon. Dahil sa labis na kahambugan nang Kanluran, ang buong istraktura ng maling sibilisasyong ito ay gustong gibain ni Srila Saraswati Thakur Prabhupad. Ang sabi niya, kapag ito’y kanyang nasira na sa ibabaw nito ay magtatayo siya ng isang banal na templo. Ibig niyang magtayo ng templo nang Diyos sa ibabaw ng materyal na mundo. Ang gusto niya’y buong katotohanan at hindi kalahating katotohanan, ang kabuuan ng kalubusan: ayon sa kanya, “ito ang ganap na kalubusan ng teismo” na ayon sa ibinibigay na aral ng Srimad-Bhagavatam. At hindi tayo dapat tumitigil sa kalagitnaan o kaya magkasya sa kaunting pagsulong lamang, kundi dapat hanggang maabot natin ang kaduluduluhan, hanggang lubusan, dahil ito ang sinasabi ng Srimad–Bhagavatam. avismrtih krsna-padaravindayoh Naririto sa linyang ito ang konsepto ng teismo. Ang walang-katapusang pamumuhay sa ilalim nang banal na proteksyon ng Banal na Talampakan ni Krsna: ang tuluy-tuloy na pagganap ng iba’t-ibang tungkulin habang ganito ang nasa ating isipan, “Nasa aking ulunan ang aking gabay. Nakatuntong ang Banal na Paa ni Krsna sa aking ulunan.” Sa pamamagitan ng ganitong pag-iisip, madali nating matatanggal ang mga bagay na hindi natin kailangan. Kaya kapag patuloy nating naaalala ang Lotus na Paanan ni Krsna, ang kuneksyon natin kay Krsna, hindi magtatagal lahat ng nakaharang sa ating dadaanan, maging ang lahat ng kasamaan at lahat ng hindi marangal ay mapapawing lahat. Sabi nga nang aming Srila Guru Maharaj, “Ang Gaudiya Math ay naninindigan para sa lahi ng sangkatauhan.” Mahalagang maunawaan natin kung bakit ang pagpapaka-alipin kay Krsna ang pinaka-maringal na kalagayan. At ang lahat ng lumalaban sa pamantayang ito’y isang kawalang-hiyaan. Ang tanging pamantayan sa buhay para sa isang marangal na buhay ay ang malaman at tanggapin ang posisyon na nagpapailalim sa Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan. Ang tumanggap ng kung ano ang tama at makatotohanan, at sa paraang ito natin isinusulong ang ating buhay ay hindi masama. Ang maunawaan ang tamang kalagayan natin at maunawaan ang tamang tungkulin at ang pagsasagawa nito—ay buhay ng isang marangal na tao; ang tanggapin kung ano ang katotohanan. Di magtatagal, ang sinasabi nating kasamaan ay mawawala din. Samantalang ang mga bagay na para talaga sa ating kabutihan at kapakinabangan ay magiging malago naman. Sa kasalukuyan kayo ay nasa maruming konsepto pa ng buhay. Kung ganoon, ibig sabihin ang inyong isipan, ang inyong katalinuhan, at maging ang ginagawa ninyo, ang iba’t-ibang klaseng pagsasamantala, lahat ng ito, ay marumi. Subalit sa pamamagitan nang kamalayan kay Krsna, lahat ng ito, lahat nang klaseng dumi, ay mawawala sa inyong buhay. Magiging malinis ang inyong buhay at ang busilak na kadakilaan nang tunay na sariling nasa kaloob-looban natin ay ating matatagpuan, mauunawaan mong mayroon ka palang masayang debosyunal na kuneksyon sa Super na Kaluluwa, sa Super-kaalaman. Dahil makakaharap mo mismo ang
Karunungan—malinaw na malinaw, dahil personal mo Siyang makakaharap—maging lahat nang nasa paligid Niya at ang buhay mo’y magiging sistematikong kabuhayan. Lahat ng umaakit sa inyo, sa loob ng materyal na mundong ito, ay mapapalitan. Dahil sa Kanya na mababaling ang ating pagtingin. At sa Kanya mo matatagpuan ang tamang pagmamahal. Sa kasalukuyan, ang pagmamahal ninyo, ang mga bagay na inyong kinagigiliwan, at iniibig ay nasa maling direksyon, subalit ganunpaman, sa pamamagitan ng kamalayan kay Krsna matatagpuan din ninyo ang tamang lugar at katayuan. Ang isang magandang katangian nito, matatagpuan ninyo ang isang totoong lugar at katayuan, kung saan, mismong katauhan nang lahat ng kapangyarihan, nang pinagsamang kapangyarihan, ang tutulong sa atin, Siya mismo ang magtuturo sa atin kung saan dapat dumaan. Ito ang debosyon.
5
Purihin ang Kadakilaan si Sri Guru at si Sri Gauranga
Ikalawang Kabanata Ang Paghahanap sa Sikreto ng Buhay Dapat sa halip na sa mga ordinaryong tao tayo nakiki-halubilo dapat doon tayo sumasama sa matataas na saddhus. Dahil kapag nangangaral tayo o kaya nanghihingi nang donasyon, at iba pa, kung sinu-sinong tao ang nakakahalubilo natin, at marami sa kanila ang kontra sa paniniwala natin. vaco vegam manasah krodha-vegam jihva-vegam udaropastha-vegam etan vegan yo visaheta dhirah sarvvam apimam prthivim sa sisyat [Upadeshamrtam 1] Dahil sa payo ni Sriman Mahaprabhu naging inspirado si Rupa Goswami kung kaya’t inilagay nito ang payo ni Mahaprabhu sa pamamagitan ng makatang pananalita. Vaco vegam—dapat hindi tayo matabil; hindi dapat madaldal, masama man ito o kaya mabuti, at kung anu-ano ang mga pinagsasabi. At ang isa pa, ay ang manasah, dapat nakokontrol natin ang takbo ng ating isipan. Kadalasan ang nasa loob ng ating isipan ay palaging sa pakikipagdigmaan, pakikipag-away, pakikipagtalo, at pagkahilig sa paghahanap ng mga kamangha-manghang bagay na natuklasan nang siyensya, ang walang-humpay na paghahanap ng pera, at marami pang iba. Sa mga sakim ang gusto nila’y mga milyunaryo ang kasa-kasama, subalit huwag nating hayaang ganito din ang hinahanap ng ating isipan. Sa mga taong punung-puno naman ng kalibugan, nang kamunduhan, ang palagi nilang hinahanap ay iba’t-ibang konsepto ni Narayan. Kaya dapat nakokontrol natin ang ating isipan at hindi natin hinahayaang mapunta sa pagsasamantala, at sa mga kaaya-ayang bagay. Kaya dapat huwag nating hayaan na kung saan-saan tayo hinahatak ng ating isipan. Krodha-vegam. Minsan nagagalit din tayo, kaya lamang lumilikha lamang ito ng kaguluhan. Dahil kapag nagagalit tayo hindi kailang ito ay may reaksyon din sa atin, kung ganoon dapat ito ay kinokontrol din natin. Ganunpaman, lahat ng natira ay gamitin natin sa paglilingkod kay Krsna. Kama krsna-karmmapane krodha bhakta-dvesi jane. Ang mga pagbabaka-sakali, ang mga pagpaplano, atbpa, ay maaaring gamitin din natin sa Paglilingkod kay Krsna. Gamitin din natin ang ating galit sa pagtatanggol sa mga deboto, dahil hindi magtatagal sa pamamagitan ng 6
pamamaraang ito, ang galit na nasa loob natin ay mawawala rin. Ang malayang kaisipan naman natin ay maaaring gamitin sa pamamagitan ng saddhu-sange harikatha. Ang Prajalpa ay mga walang-saysay at mga walang-kwenang usapan tungkol sa mga makamundong buhay. Piliin din natin kung sino ang dapat nating makasama kung sila ba’y mga mabubuting tao o hindi. Jihva-vega ay pagka-akit naman natin sa isang partikular na lasa. May mga taong mahilig sa mga maaanghang, ang iba naman ay sa mapapait, meron din diyan ang gusto matatamis naman, ang iba sa maaasim, atbp. Dapat nakokontrol din natin ang ating dila kung ano ang gusto nitong tikman. Ngunit papaano? Ito ang paraan, bago ninyo ito kainin, dapat itanong muna ninyo sa inyong sarili kung ito ba’y natikman na nang saddhu, ng Guru, o kaya nang Panginoon. Dapat lahat ng materyal na bagay ay pumapailalim at ginagamit natin sa pagsisilbi sa Panginoon at dapat dito nakatuon ang ating isipan, kung ito ba’y nagustuhan ng nasa itaas natin. Ito ang isang palatandaan kung papaano tayo makakalaya sa materyal na panlasa. Lahat ng masasarap na pagkain ay iniiwasan ni Mahaprabhu; “Ako’y isang Sannyasi. Kaya dapat nagpapakita Ako nang isang halimbawa. Malamang Ako ay kanilang gagayahin kapag puro masasarap ang Aking kinakain at ito’y makakasama sa kanila.” Subalit ganito ang naging sagot ni Swarup Damodar, “Ito ang nasa negatibong bahagi, subalit ang positibong bahagi, dapat ang kinakain natin ay Prasadam. Dapat nating matikman ang mga inihaing pagkain kay Jagannath.” Kaya magmula sa mundong ating ginagalawan, magtungo tayo sa mundong minimithii natin sa buhay. At dapat lahat ng damdamin natin ay ating ipunin at ating gamitin sa masmataas na lupain, at alisin na sa masmababang kapatagan. Udara-vega. “Gutom pa ako. Hindi pa ako busog, gusto ko pang kumain.” Ang ganitong pag-uugali na walang kabusugan ay tinatawag na udara-vega. Jihva-vega ay para sa lasa, sa kalidad, at ang udara-vega naman ay para sa dami, ang magkamal nang marami. Ang upastha-vega ay pagnanasa na makasama ang mga kababaihan. Ibinilin sa atin na ang tatlong ito ay nasa iisang linya lamang at magkakaugnay at nagtutulungan: ang jihva-vega, udara-vega at ang upastha-vega. Kailangang maging maingat tayo sa pag-aalis ng mga bagay na ito. Dahil ang tatlong ito’y nagdadala o nagdudulot sa atin ng higit na kapahamakan sa ating buhay. Marami na silang sinirang buhay. Kaya kailangang maging maingat tayo sa pahihikarap natin sa tatlong bagay na ito. “Etan vegan yo visaheta dhirah, sarvvam apimam prthivim sa sisyat. Ang sinumang makakakontrol nang tatlong mahihirap na bagay na ito ay masasabing tunay na isang Goswami, at ang buong mundo’y maaari na niyang makontrol. Lahat ng tao sa mundo ay kaya niyang gawing disipulo. Dahil kahit dumami pa ang kanyang disipulo hindi parin nagbabago ang kanyang paninindigan.” Ito ang mga puntong ibinigay bilang babala sa mga saddhus sa ilalim ng watawat ni Sri Chaitanyadeva. 7
Kung ganoon paano natin masusuyo ang isang saddhu? dadati pratigrhnati, guhyam akhyati prcchati bhunkte bhojayate caiva, sad-vidham priti-laksanam [Sri Upadeshamrtam, 4] Upang mapalapit tayo at mapamahal sa atin ang isang saddhu bigyan natin siya nang kanyang lulutuin at pagkatapos tanggapin ang kanyang Prasadam—ika nga, bigayan. Bigyan natin siya nang mga bagay na maaari niyang magamit, at tanggapin ang mga bagay na kailangan lamang natin, at dapat ito’y dumaan na muna sa kanya. Huwag nating tanggapin ang anumang bagay na bago, sa halip maghangad tayo sa mga bagay na ginamit na nang Guru at ng mga Vaishnavas, kahit mga buklaklak pa na isinabit sa kanyang leeg, mga damit na nasuot na, mga ginamit na dekorasyon, o kahit anupamang bagay. Kailangang mabuhay lamang tayo sa mga ganoong bagay na ginamit na nang mga Vaishnavas. Ibigay natin sa mga saddhus ang mga bagong bagay, at mamuhay sa pamamagitan ng kanilang mga tira-tirahan. Guhyam akhyati—Dapat nating ilahad sa saddhu kung ano ang ating damdamin: Buhat sa kaloob-looban ng aking damdamin ganito po ang aking nararamdaman. Masama po ba o mabuti ang nararamdaman kong ito? At kung ito po’y masama, ano po ang lunas dito?” Kailangang ilahad natin sa kanya ang nilalaman ng puso natin upang ito’y kanyang masuri at maayos tayong sumusulong. Prcchati—magtanong tayo sa saddhu, “Ano po ba ang sikreto ng inyong kabanalan? Sabihin po ninyo at ito po ang aking gagawin nang makawala din po ako sa kinalalagyan ko. Papaano po ba kayo nakalaya?” Kaya kailangang kolektahin natin sa saddhu ang sikreto ng kanyang tagumpay sa buhay. Bhunkte bhojayate caiva—siya ay ating pakainin, at tanggapin ang kanyang kinakain bilang Prasadam. Kapag nasunod natin ang mga tagubiling ito mapapalapit tayo sa taong ito. Kapag 9 masamang tao ang nakasama natin magiging masama din tayo, at kung ito’y mabuting tao, magiging mabuting-tao din tayo. May dalawang uri ng tubig: malinis at marumi. Ang maruming tubig ay maaaring linisin parin. Kahit masamang isipan ay kayang alisin ng matataas na saddhus nang hindi nahahawa. Dahil naninirahan sa puso nila si Govinda. Si Govinda ay walang-hangganan at kahit anumang dami ng maruruming bagay ay kaya Niyang inumin, samakatuwid ang puso ng mga saddhu ay hindi nadudumihan. yare dekha, tare ‘krsna’—upadesa amara ajnaya guru hana tara ei desa [Chaitanya-charitamrta, Madhya-lila 7.128]
8
“Sinuman ang makaharap mo, sinuman ang makausap mo, si Krsna lamang ang ikwento mo.” Ito ang dapat nating maging motto, o salawikain. Ang sinumang makasusunod sa kautusang ito ay tunay na tagasunod ni Mahaprabhu—at hindi ni Krsna. Si Krsna ay halos naroroon lamang sa Kanyang mga ka-grupo subalit noong Ito’y pumanaog bilang si Mahaprabhu ang Kanyang pangunahing layunin ay buksan ang daan patungo sa Kanyang Lupain. “Sige ipagsabi ninyo. Sige ipagkalat ninyo. Sa umpisa’y ikalat ninyo ang Aking katauhan bilang isang tunog. Dahil napakalawak ang bagay na ito, pino at epektibo. Doon ang lahat ng bagay ay unti-unti ninyong makikita. Ito’y matatagpuan ninyo sa umpisa sa pamamagitan ng Aking katauhan bilang isang tunog.” Ang Kanyang katauhan bilang isang tunog ay yumayakap sa lahat ng bagay. Kahit mula sa napakalayong lugar ito’y nakararating, at ganun din ang Kanyang Pigura, ang Kanyang Kulay, at ang Kanyang Katangian, ang Kanyang mga Kasamahan, ang Kanyang mga naging Aliwan. At sa panahong iyon ang deboto ay napapalapit sa isang partikular na gawain kung saan siya ay sumasali sa Lila ng Panginoon.
9
Purihin ang Kadakilaan ni Sri Guru at ni Sri Gauranga
Ikatlong Kabanata Ang Paraan Kung Papaano Natin Mauunawaan ang Dibinidad Deboto: Noong nandirito pa po ang aking Diksha-gurudeva siya din po ang nagbigay sa akin ng espirituwal na aral, samakatuwid siya din po ang naging siksha-guru ko. Subalit magmula noong siya’y pumanaw na ang mga aklat niya at naka-tape na aral ang naging gabay ko. Kung ganoon, siya pa rin po ba ang aking Siksha-guru? Ang mga aklat po ba niya at mga tape recordings ay Siksha-guru ko din po ba? Srila Guru Maharaj (Srila Sridhar Maharaj): Oo naman, kaya lamang hindi natin maaaring kausapin ang kanyang aklat. Kadalasan masmabuti pa ang galaw ng Chaittya-guru. Hindi ba’t minsan hindi tayo makausad-usad sa ating binabasa dahil hindi natin maintindihan ang nakasulat na talata. Ito’y dahil hindi natin makausap ang nasa ating harapan, ang tangan nating aklat, at kadalasan, kailangan pang pigain ang katas nito bago natin maintindihan; at madalas ang nakikita ng ibang Vaishnava ay iba sa nakikita natin. Kung kaya’t kadalasan, ganito ang maririnig nating sinasabi sa atin, ‘Jaho bhagavata pada vaisnavera sthane.’ Kung magbabasa ka ng Bhagavatam dapat magpatulong ka sa isang Vaishnava Acharya, sa isang titser na Vaishnava, at basahin ito sa ilalim nang kanilang patnubay, dahil maaaring magkamali ka sa pag-unawa sa tunay na pananaw nito. Basahin ninyo ang Banal na Aklat na pang-Vaishnava sa pamamagitan nang tulong ng isang Vaishnava Acharya. Maaaring paalalahanan ka nang walang-imik na Siksha-guru [sa pamamagitan ng pagbabasa nang aklat], subalit papaano kung hindi mo ito maunawaan, hindi ka pupuntahan ng libro para pawiin sa iyong isipan ang maling konsepto. Kundi doon lamang sa isang buhay na Siksha-guru, doon lamang sa saddhu, at sila ang maaaring magpaliwanag sa inyo at magturo upang itama ang mga maling kabatiran ninyo. Ang saddhu at ang shastra ay kapwa mahalaga, subalit ang saddhu ang masmahalaga. Kung walang buhay na Banal na Aklat—kung walang buhay na saddhu—naririto ang walang-imik na Banal na Aklat— ang ating shastra—upang tulungan tayo. Deboto: Ang Chaittya-guru po ba ay maaari din nating makausap? Srila Guru Maharaj: Hindi natin talaga siya nakakausap, dahil siya’y nasa loob natin, at hindi din natin siya naaaninag at kadalasan hindi din natin napapansin kung ano ang gusto niyang ipahayag sa atin. Kung ganoon, sadya palang napakahirap unawin kung ano talaga ang gusto niyang ipahiwatig sa atin. Deboto: Ang Chaittya-guru po ba ay maaaring maging manipestasyon din ng ating Gurudeva at ni Krsna? 10
Srila Guru Maharaj: Oo. Halimbawa nasa harapan natin ang ating Gurudeva at nagsasalita, minsan, may mga katanungan tayo, at ito’y nasa loob lamang natin, “Gurudeva, nalilito po ako. Ano po ba ang dapat kong gawin. Pagpayuhan po ninyo ako.” Sa pagtatanong nating ito, bagama’t sa loob lamang ng mga sarili natin, ang katanungan nati’y agad niyang binibigyan nang katugunan: “Ah, ganito pala ang ibig niyang sabihin.” Kaya kung malinis at dalisay ang ating kalooban madali din nating makukuha ang tunay na solusyon sa kanyang sinasabi. Maaari din nating tanungin si Krsna kapag nagbabasa tayo ng Bhagavad-gita, “Ano po ba ang ibig sabihin nang mga sinasabi Ninyo? Sana po’y maunawaan ko ito.” Ayon sa ating kakayahan maaari nating maunawaan kung ano ang sinasabi ni Krsna, “Ito ang ibig sabihin ng mga sinasabi Ko….” Kaya lamang ang bagay na ito’y malabo, hindi malinaw at depende din sa inyong kamulatan kung papaano mauunawaan. Deboto: Marami sa amin ang hindi pa po nakakausap o hindi pa nakikita ng aming Gurudeva, kung ganoon, papaano po nalalaman nang Maestrong pang-Espirituwal ang ginagawa ng kanyang mga disipulo? At ang isa pa, minsan malayo sa kanyang mga disipulo ang Maestrong pang-Espirituwal, ang tanong ko, papaano po sila nagkakaugnayan? Srila Guru Maharaj: Sa pamamagitan nang mga ipinapadalang sulat ng kanyang disipulo, ang Guru ay nagkakaroon ng pangkalahatang pananaw, ganun din sa mga pananalita ng kanyang disipulo at mula din sa ibang tao. Mula sa isa o kaya sa dalawang tao nakakakuha siya ng balita tungkol sa kanyang disipulo at kung ano ang ginagawa nito. Sa pamamagitan din ng kanyang mga gawain, ang mga pahayag nang kanyang disipulo, at maging ang adhikain nito sa buhay, ang mga bagay na ito’y hindi mahirap unawain madali lamang malaman kung ano ang kalagayan at katayuan ng kanyang disipulo. Napakaraming pamamaraan kung papaano sila sinusuri. Hindi ba’t madalas nating naririnig na ang pagkatao ng isang tao ay wala sa damit niyang isinusuot, kundi nasa kanyang pananalita. Subalit sa debosyunal na buhay makikita din natin ang pagkatao ng isang tao sa damit na kanyang sinusuot at maging sa kanyang mga pananalita, mga gawain, mga kinagigiliwan, atbp. Batid ng isang computer expert kung ano ang sira nang isang computer. Katulad din nito, ang ang katayuan ng isang tao ay makikilala natin sa pamamagitan nang kanyang mga pananalita at gawa. Ang kanyang mga pagkamasigasig at pagkaakit sa iba’t-ibang gawain ay ilan lamang sa mga palatandaan kung ano ang kanyang katayuan, kung ano ang kanyang paninindigan. Kadalasan, may mga taong gusto ng renunsiasyon, o pagtalikod sa mga materyal na buhay, may mga taong ang gusto ay magsamantala, at may ilang tao na naaakit sa larangan naman ng debosyon. Sa bahagi ng mga nagde-debosyon may mga taong ang debosyon ay nagagawi sa pagsamba sa mga Imahen, may ilan naman ang debosyon ay nasa mga Vaishnavas, meron din sa debosyon sa Guru. Maaari nating suriin ang kalagayan ng isang deboto ayon sa kanyang 11
natural na pangangailangan. Ano ba ang ibig nitong malaman? Nakalista sa shastras ang iba’tibang yugto ng mga pagtatanong at mga tagubilin. Deboto: Sa pagpanaw nang Maestrong pang-Espirituwal, nananatili parin po bang kunektado sa kanya ang kanyang disipulo? Nalalaman parin po ba nang Maestrong pang-Espirituwal kung ano ang ginagawa ng kanyang disipulo? Srila Guru Maharaj: Dapat palagi nating ilagay sa ating isipan na mula doon sa itaas, tayo ay kanyang nakikita. Dahil sa totoo lang, hindi natin talaga lubusang makikilala ang ating Gurudeva. Isang deboto noon na labinlimang taon nang tuluy-tuloy na nagsisilbi bilang isang sannyasi ang pinagsabihan noon ng aming Guru Maharaj, ni Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, “Hindi mo parin ako lusang nakikilala. Hanggang ngayo’y hindi mo parin alam kung sino ako.” Sa halimbawang ito, mahirap talagang tantyahin ng mga disipulo kung ano talaga ang ating Gurudeva. Ang sannyasi na ito ay isa sa mga sikat na sannyasi noon na disipulo din ni Srila Prabhupada, kaya lamang noong huling araw ni Srila Prabhupad may ginawa ito na ikinagalit naman nang aming Guru Maharaj, “Hanggang ngayon ay hindi mo parin ako kilala; hindi mo parin ako lubusang kilala.” Sa madaling-salita, naintindihan din namin kung ano ang gustong sabihin ni Guru Maharaj, “Ang hilig mong manghingi sa mga grhasthas—subalit ayaw mo naman akong pagsilbihan. Huwag mo akong ipares sa sarili mo, palibhasa may pera ka at tao, akala mo ganito din ang gusto ko, at ito ang ibinibigay mo. Alam ko ang nasa isipan mo, akala mo pag-aari mo ang lahat ng ito, pera at mga tauhan mo, hindi mo ako masusuhulan nito, alam ko kung ano ang gusto mo, na ikaw parin ang humawak nang mga lupaing hawak mo. Hindi ko kailangan ang lahat ng ito, ang gusto ko’y akin ka lamang, at siyento-por-siyentong para sa akin lamang, at hindi kahati nang anumang naririto sa materyal na mundong ito na umaakit sa iyo. Ang gusto ko’y siyento-por-siyentong naglilingkod ka lamang sa akin. Lahat ng gagawin mo dapat walang kuneksyon alinman sa mga bagay na nasa labas ng mundo. At dapat walang-sinuman at anomang bagay na nasa labas ang nakaka-impluwensya sa iyo. At dapat ang mga bagay na ito ay palaging malinaw sa isipan mo. Sa bawat-kilos at galaw mo sa mundo, dapat wala kang kuneksyon dito o kahit pagmamahal alinman sa mga bagay na nasa loob ng mundong ito. Ang gusto ko’y siyento-por-siyentong akin ka lamang. At ito ang gusto kong sundin mo. Tao kita at walang ibang obligasyon sa labas ng mundong ito. Ayokong kunwari ay debosyon ang inilalapit mo sa tao, at pangalan ko ang ginagamit mo. Ang gusto ko’y akin ka lamang, at siyento-por-siyentong akin lamang, at kapag ganun ka na, anoman ang gawin mo sa labas nitong mundo, tungkol man ito sa tao, pera, katanyagan, o kahit ano pa ito, ay maari mo nang gawin. At dapat, ang kuneksyong ito ay mahigpit na sinusunod ninyo, at hindi kayo dapat maging maluwag dito.” 12
Sa kabilang panig naman, sa ngalan ng tao, noo’y nakikiusap si Vasudeva Datta kay Mahaprabhu, “Sana po’y tanggapin Ninyo sila. Nakikiusap po ako. Kahit na habambuhay akong mapunta sa impiyerno, kapalit nila, basta tanggapin po lamang Ninyo sila.” Subalit ang ganitong klaseng damdamin ay ibang usapin naman. Dahil may pananalig ni Vasudeva Datta sa Sentro; at dito ipinakita niya ang kanyang matinding pananalig sa Sentro; katulad ng mga binitiwan niyang pangungusap, na kahit malagay pa ang kanyang buhay sa panganib, nagmamakaawa ito na matanggap lang ang mga tao. Deboto: Sinasabing, caksu-dana dila yei, janme janme prabhu sei—na ang ibig sabihin tuwing ako’y muling isisilang sa mundong ito, ang taong magbibigay sa akin ng transedental na pananaw ay itinuturing kong aking panginoon. Kung ganoon, ibig sabihin po ba nito eternal din ang kuneksyon namin sa aming Maestrong pang-Espirituwal, tuwing kami’y isisilang? Srila Guru Maharaj: Oo naman. Subalit huwag natin siyang tignan sa nakikita ng pisikal nating mata. Kaya mahalagang makilala muna natin ang kanyang panloob na pagkatao, at habang lumalawak ang ating pananaw dapat tumataas din ang ating nakapaloob na damdamin. Ang pananaw natin ay madadagdagan at lalago pa ng husto, kaya magmula sa prakrta ito’y tumataas at nagiging aprakrta, mula sa materyal na kalagayan ito’y nagiging transedental. At habang nagbabago ang ating pananaw, nag-iiba din ang ating pananaw sa ating Gurudeva. Hindi ba’t kadalasan nakikilala natin ang isang tao dahil sa kanyang panlabas na kasuotan, at pagkatapos sa kanyang katawan, sa kanyang kaisipan, at sa kanyang dunong. Kung ganoon, hangga’t lumalawak ang nakikita ng ating mga mata, nagbabago din ang ating kaalaman. Acaryyam mam vijaniyat—Sabi nga nang Panginoon, “Sa bandang huli makikita mong Ako din pala ang Acharya. Ang pagiging Acharya ay isa sa napakarami Kong gawain, sa dami nito, iba’t-iba din ang naging anyo Ko.” Iba’t-ibang Acharyas para sa isang gawain. Na iisa ang paniniwala sa kanilang Sri Gurudeva, subalit, tulad sa isang punung kahoy, na iba’t-ibang klase din ang sanga. Ganunpaman, naririto ang isang paniniwala, acaryam mam vijaniyat. Kaya magmula sa makapal na kalagayan, mula sa mga bagay na ating nakikita, nadidinig at nadadama, dapat doon naman tayo dumako sa pinong pamamaraan, at doon natin sila tignan. Ito’y depende din sa lalim ng pananaw ng tumitingin, may mga makakapareho ng pananaw at magkakaiba din. Kaya habang lumalalim ang ating pananaw sa Acharya, iba’t-ibang bagay ang unti-unting nalalahad din sa atin tungkol sa kanya at ganoon din sa iba’t-ibang Rasas (Mga iba’t-ibang Klaseng Banal na Pakikipag-relasyon sa Panginoon), unti-unti din nating naaabot ang pinakamataas na kalagayan sa pamamagitan ng unti-unti nating pagkamulat. At kung hindi natin susundin ang ganitong klaseng pamamaraan, ang pananaw natin ay magiging marttyabuddhi, ang konsepto natin sa Kabanalan ay magiging materyal, at ito’y isang krimen; isang kamang-mangan. At ito’y mali.
13
Kaya kung nais ninyong malaman kung ano talaga ang katotohanan, huwag ninyo itong tignan sa kanyang pisikal na kaanyuan. Dahil Ang mata natin ay mapanlinlang; hindi nito nakikita kung ano ang tamang anyo. Ganun din ang ating tainga, ito’y mapanlinlang din. Ang katauhan ng Acharya ay hindi indriya-grahya, kayang tanawin ng ating mga pandama; dahil ito’y isang indriyatita, higit pa sa karanasan ng ating sensya, ng ating mga pandama. Dahil sa pagiging mababa natin, ang pigurang ito, ang anyong nasa harapan natin ang siyang tutulong sa atin, hanggang sa unti-unti tayong makapasok sa nakapaloob na mundo. Kaya dapat, higit nating bigyang-diin ang kahalagahan ang malalim na pagsipat. Hindi ba minsan kapag taglamig ang suot ng Acharya ay pang tag-lamig din? At kapag panahon naman ng tag-init iba na naman ang kanyang damit, kung ganoon, ibig sabihin, hindi natin siya dapat tinitignan sa suot niyang damit bagama’t hindi natin maaaring ihiwalay ang damit sa kanyang katawan. Katulad din nito, minsan bata pa ang ating Acharya subalit sa paglipas ng panahon ito’y nagiging matanda na. Kagaya din nito, sa isang panahon ang Acharya ay may partikular na katauhan at sa ibang panahon ay iba naman. Siya rin ang Acharya na dumadating sa magkakaibang panahon. Kaya mula sa panlabas pumasok tayo sa internal, sa panloob. Dapat ganun din tayo. Kapag nawala na ang katawang ito na gawa sa laman at dugo at ang natitira ay pinong katauhan na lamang, ang Guru na ito ay makikita ko din sa kanyang pinong katauhan, at hindi katulad sa kanyang pisikal na katauhan. May mga Guru din ang mga Devatas, ang mga Gandharvvas, at ang mga Siddhas, subalit ang katawan nila at ganun din ang kanilang Acharyas ay walang materyal na katawan. Kaya kailangang alisin natin ang panlabas na konsepto at doon tayo pumasok sa panloob na konsepto, dahil para sa isang disipulong may matibay na paniniwala ito ang pinakamahalaga sa lahat. Subalit hindi nangangahulugang huwag na nating pansinin ang pisikal na katauhan ng ating Gurudeva, kundi, tignan lamang natin ang tunay na kahalagahan at tunay na katauhang nasa sa loob niya. Sambahin din natin ang mga gamit ng ating Acharya—katulad nang kanyang balabal, sapatos, sandalyas, atbp.—subalit hindi nangangahulugang ang mga bagay na ito’y higit na masmahalaga o mas-superyor pa sa kanyang katawan. Katulad din nito, halimbawa gusto natin siyang hilutin o masahiin subalit ayaw naman niya, ito ba’y itutuloy parin natin? Kahit gusto nating masahiin ang kanyang mga paa subalit kung ayaw niya, “Huwag, huwag, huwag na. Ayoko,” Ito’y huwag na nating gawin. Dapat kung ano ang kanyang internal na kagustuhan, iyon din ang dapat mangibabaw. Kaya sundin natin ang ganitong pamamaraan, magmula sa magaspang magtungo tayo sa pino, subalit hindi nangangahulugang dapat lamang nating kasuklaman ang lahat ng nasa labas. Sila ay dapat din nating ginagalang, subalit dapat higit nating bigyan ng pagpapahalaga ang mga bagay na internal dahil ito’y masmataas, at malalim ang inilalarawan. Eho bahya, age kaha ara. “Mababaw parin, laliman mo pa.” Hangga’t lumalalim ang ating pananaw, ipagpatuloy parin natin ang ating pagsisid. Deboto: Sa kaso naman po ni Bilvamangala Thakur, nangusap ang kanyang guru sa pamamagitan ni Chintamani na isang babaeng kaladkarin, at nakita niya sa katauhan ni Chintamani ang kanyang Guru.
14
Srila Guru Maharaj: Subalit hindi niya ito binalikan. Tinanggap niya Si Chintamani bilang kanyang unang Guru. Dahil pagkatapos niyang makinig sa mga payo ni Chintamani, agad na itong dumulog kay Somagiri at pagkatapos, nagpunta na siya ng Vrndaban, at iniwan ang nauna niyang gabay. Bagama’t kinikilala niyang kay Chintamani siya talaga unang nagumpisa, hindi siya namalagi sa piling ni Chintamani at naglingkod. Eho bahya, age kaha ara. Ang ibig sabihin ng pagsulong ay pagbabawas. Ang pag-unlad, ang pagsulong, ay parang isang uri din ng pagbabawas, mga pagbabago nang konsepto o kaisipan, dahil kung hindi, hindi ka dinuusad at ikaw ay mananatiling palaging nakapirmis lang. Deboto: Ibig po bang sabihin nito’y magmula sa Santa patungo sa Dasya, sa Sakhya, ay itinatapon na nang progresibong deboto ang mga Rasas na nasa ibaba? Srila Guru Maharaj: Kapag nakita na niya ang kanyang internal na hinahanap doon na siya maglalagi. Hindi na siya maghahanap ng masmataas na Rasa dahil narating na niya ang kanyang huling hantungan. Saanmang lugar at lahat ng bagay ay umiiral ang pag-uuri, iba’t-ibang grado para sa lahat ng bagay. Tulad din sa enerhiya, maraming klaseng enerhiya: may Goloka-shakti, Vaikunthashakti, mayroong Shivaloka, Brahmaloka, Viraja; at maging dito sa materyal na mundo, umiiral din ang pag-uuri nang lahat ng bagay—subalit lahat ng ito’y ayon sa kanyang bigat o kapal. Dito sa materyal na mundo kapag sinusuri ang isang bagay ang kahalagahan nito’y inuumpisahan sa makapal hanggang sa pinong kalagayan. Ganoon din sa mga jivas, iba’t-ibang klaseng jivas, para sa iba’t-ibang antas. May mga jivas na humahantong sa relasyon ng Dasya sa Vaikuntha. May nakakatawid sa Vaikuntha-dasya at nakakapasok sa Dasya ng Krsnaloka, kung saan matatagpuan ang Madhura-rasa-dasya, Vatsalya-rasa-dasya, mga pangkalahatang uri ng dasya, at iba pa. Doon ay walang-hanggan din ang pag-uuri. Ang kaluluwa ay walang-hangganan at doon lahat ng bagay ay walang-hangganan din. Ang mga bagay na ito’y tinatanaw natin mula sa malayo (dig-darshan) bagama’t lahat sila’y kabilang sa walang-hangganan. Ang bawat bahagi ng isang walang-hangganan ay walang hangganan din, kaya madalas ganito ang sinasabi sa atin, “Halika na kayo at mag-umpisa nang magtrabaho. Simulan na ninyong maglingkod. Ang kaalaman ay walang katapusan, kung ganoon dapat walang katapusan din ang ating pag-aaral, kaya ngayon pa lamang ay mag-umpisa na kayong maglingkod—magsimula na kayong magdebosyon.” Jñane prayasam udapasya—walang katapusang mga pagtatanong. Walang kasiyahan. Walang katapusan. Pranipata, pariprasna, sevaya. Ang ibig sabihin ng pranipata ay punung-puno ng pagtitiwala; ang pariprasna naman ay tapat na pagtatanong; at ang seva, ay paglilingkod, at ito ang siyang lahat-lahat. Kung wala kayong seva hindi ninyo maaaring sabihing narating na talaga ninyo ang Kalubusan. Dumulog ka at maglingkod, at mula sa loob ninyo’y malalahad ang tamang direksyon. Kung ganoon, simulan na ninyong maglingkod. Saanman kayo naroroon, isang napakalaking pagpapala para sa inyo ang makapaglingkod. Kahit ang ganitong klaseng pagkakataon ay umaabot din sa mga puno at hayop, may sugo din para sa kanila ang Panginoon.
15
Ang paglilingkod ay siyang lahat-lahat. Ito ang malinaw at konkretong kabuuan; at lahat ng iba pa’y kanyang bahagi lamang. Kung hindi kayo magpapasakop, hindi din kayo maaaring magtanong. Dahil ang pagtatanong ay hindi para sa ating kasiyahan. Ang kasiyahan natin ay nasa paglilingkod. Ito ang realidad, ito ang katotohanan, at kayo’y kanyang susuklian. Bhaktya sañjataya bhaktya. Bhakti, at tanging Bhakti lamang at hindi jñana o nang kahit anupamang bagay ang maaaring magbigay ng Bhakti. Ang bhakti ay malaya, walang sinoman ang maaaring magbigay nito, kahit jñana, dahil wala siyang kakayahan na magbigay ng bhakti. Dahil tanging ang Bhakti lamang ang maaaring magbigay ng Bhakti, samakatuwid nasa negatibong bahagi pala ang jñana. Ang Bhakti ay malaya. Ang Bhakti ay kalubusan. Ito’y hindi nakasandal sa jñana o kaya sa karmma. Tanging ang Bhakti lamang ang nagsisilang ng Bhakti. Ang produkto ng Bhakti ay bhakti din. Wala ng iba. Ahaituky apratihata. Ito’y hindi bunga ng anupamang bagay. Ito’y hindi rin maaaring likhain. Subalit napapalawak ng Bhakti ang kanyang sarili. At ang salitang apratihata—walang sinuman ang maaaring pumigil sa paglago ng Bhakti maliban sa Vaishnava-aparadha, ang magkasala sa mga deboto ni Vishnu, ni Krsna. Ang Vaishnava-aparadha ay maling konsepto ng Bhakti, maling paggamit sa Bhakti. Ang jñana at ang karmma ay hindi makapipinsala o makaka-apekto sa Bhakti dahil ang Bhakti ay apratihata, subalit ang anti-Bhakti ay isang aparadha at ito ang dapat nating pag-ingatan. Yadi vaishnavaaparadha uthe hati-mata. At ang bagay na ito, ang Vaishnava-aparadha, ang partikular na dapat nating pinag-iingatan upang hindi natin magawa. May iba’t-ibang grado din ng Vaishnava-aparadha. Ang Vaishnava-aparadha ay hindi masyadong epektibo kapag gumawa nito’y isang mababang klaseng vaishnava lamang, subalit tungkol naman sa mga di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Vaishnavas, mahalagang tignan muna natin kung sino sa kanila ang pinapaboran nang nasa itaas. Dapat maging masmatimbang ang pinaka-sentrong diwa. Harapin natin ito sa pamamagitan ng ganitong isipan. Si Ambarisa Maharaj ay isang deboto, si Durvasa Muni ay may debosyon din, ngunit tignan natin kung sino sa kanila ang maybasbas mula sa itaas. Si Duryodhana ay deboto at ganun din si Arjuna, subalit silang dalawa ay naglaban. Minsan nakikita natin ang ganitong bagay. Si Bhisma ay isang deboto—isa siya sa labindalawang debotong mahajans—si Arjuna ay deboto din, subalit ang alam natin may alitan din silang dalawa. Minsan ang pag-aaway ay kanilang pagpapasikat lamang, o kaya’y isang palabas at minsan ito’y depende din sa sitwasyon. Subalit kanino tayo dapat kumampi? Halimbawang ang mga ganitong pangyayari ay hindi na natin maiiwasan, kung ganoon mahalagang komunsulta muna tayo sa mataas sa atin. Dahil ito’y buhay na bagay, at hindi patay at magulong batas. Ang Vaishnava-aparadha ay hindi isang napakadaling bagay. Kapag ang kasalanan ay ginawa sa isang Vaishnava, ito’y isang aparadha, subalit kung ang pag-aaway ay bunga ng anartha sa pagitan ng mga gitnang-uring Vaishnava, ito’y hindi isang pagkakasala. Minsan ang isang siyento-por-siyentong vaishnava ay nakikitaan pa natin ng anartha, lalu na’t kapag may sumasalungat sa kanyang anartha, ito’y nagagalit pa. Kung ganoon ito’y hindi dahil sa pagiging 16
vaishnava niya, kundi sa naging takbo ng kanyang isipan lamang—ang mental na kaisipan ng isang Vaishnava at hindi sa kanyang espirituwal na elemento. Kung ang dahilan ng kanyang ngitngit at galit ay dahil napakialaman lamang ang kanyang materyal na interes, masasabing ito’y hindi talaga isang aparadha. Maaaring suriin muna natin at tignan ang mga bagay na ito, subalit ayon sa Banal na Kasulatan: “Na hi kalyana-krt kascid, durgatim tata gacchati—Ang gumagawa ng kabutihan ay hindi napupunta sa impiyerno o kaya napapahamak.” Kung talagang tapat kayo at hindi din ninyo niloloko ang sarili ninyo, kung ganoon, walang sinuman ang maaaring lumoko din sa inyo. Kaya dapat kailangang maging tapat tayo sa ating espirituwal na kalooban. Kailangang maging tapat lamang tayo sa ating paghahanap, para tulungan din tayo ng Panginoong nasa sa loob natin. Dahil palagi Niyang tinutulungan ang mga tapat na kaluluwa. Siya ay nasa lahat ng dako at handang tumulong. na hi kalyana-krt-kascid, durgatim tata gacchati Ang nais ko’y makamit lamang ang pinakamataas na kabutihan, at ang Pinakamataas na Kabutihan ang Siyang magiging kaagapay ko.
17
Purihin ang Kadakilaan ni Sri Guru at ni Sri Gauranga
Ikaapat na Kabanata Ang Nasa Kaloob-loobang Lupain Sa konsepto ni Sanatana Goswami ang gusto niya’y nandoon lang sa Mathura si Krsna at papunta-punta lang ng Vrndaban. Dahil ayon sa kanya, ayaw niyang lumabas ng Mathura si Krsna. Ang mga bagay na ito’y nakita natin sa mga literaturang kanyang sinulat. Subalit doon kay Rupa Goswami nakita nating kanyang pinagdugtong-dugtong ang kuneksyon ng Vrndaban-lila sa Dvaraka-lila. Lahat ng nasa Vrndaban-lila at ang mga Reyna sa Dvaraka-lila. Noong tinanong si Srila Prabhupada kung bakit magkaiba sila, ito ang kanyang naging tugon, “Bakit natin sinasabing ang bagay na ito’y adhoksaja—di-kayang abutin ng ating isipan? Kung ang mga bagay na ito’y madali nating nauunawaan at madaling nailalagay sa ating palad, hindi na ito adhoksaja—acintyah khalu ye bhava, na tams tarkena yojayet.” Ito ang Kanyang matamis na kagustuhan. Samakatuwid, ibig sabihin, ang bagay na ito’y huwag na nating pakialaman, hayaan na lang natin ayon sa Kanyang matamis na kalooban. Dahil kung ang lahat ng tungkol sa Kanya ay madali lamang nating nauunawaan, ibig sabihin pareho lamang tayo ng Kanyang katauhan at kalagayan. Kung ganoon, jñane prayasam: huwag na nating sayangin ang panahon natin na malaman pa ang lahat ng tungkol sa Kanya, kundi dapat Siya’y sundin na lamang natin, kung ano ang ipinag-uutos Niya. At kapag ito’y sinunod at tinanggap natin habang naglilingkod tayo, ang mga bagay na ito’y unti-unting malalahad din sa atin. Kung ikaw ay maliit at may-hangganan, huwag mong tangkaing ‘lamunin’ ang isang Walang-Hangganan—dahil hindi ito kanais-nais. Ang kagustuhang ito na tikman ang lahat ng bagay ay hindi lamang pagsasayang ng ating enerhiya kundi ito din ang magiging hadlang sa ating layunin. Kaya kapag paulit-ulit natin itong ginagawa, ibig sabihin, sa loob ng ating isipan, Siya’y tulad din natin na limitado at may-hangganan at kaya nating abutin, dahil kung hindi, dapat hindi ganito ang takbo ng ating isipan, at hindi din sana tayo naging mapangahas na malaman ang lahat ng tungkol sa Kanya—na makilala natin ang lahat-lahat sa Kanya. Ito ang isang pagpapatunay na nais nating marating ang pinaka-sukdulang kaalaman tungkol sa Kanya. Marahil kung ito’y tungkol lamang kay Maya, baka sakaling magkaroon tayo ng ‘ganap’ na kaalaman, subalit kung ito’y tungkol kay Krsna, sa Adhoksaja, kailanma’y hindi natin Siya kayang abutin. Ang paghahangad ng ganitong klaseng kaalaman ang mag-aalis sa atin upang lalung hindi natin Siya makilala. Sa landas na ito, kailanma’y hindi tayo magkakaroon ng tunay na pag-asenso. Yam evaisa vrnute ten labhyah – dahil ito’y ibinibigay nang nasa itaas. Ang tanging magagawa lamang natin, ng negatibong-bahagi natin, ay makiusap: “Ako’y isang hamak na tao lamang, at labis-labis na makasalanan. Sa lahat ako po ang dumadanas ng matinding kahirapan.” At dapat totoo din natin itong nararamdaman—at hindi pakitang-tao lamang.
18
Ang taimtim na pagsulong ay nakasalalay sa ating katapatan, “Sa lahat, ako po talaga ang kapus-palad at higit na nangangailangan, at sa lahat ako din po ang pinakamasama, ang pinaka masamang-tao.” Dapat ang paraang ito ang ginagamit natin. Kaya jñane prayasam udapasya. Dapat ang mga ganoong klaseng pag-uugali na gusto natin Siyang ‘makilala’ ay iwinawaksi na natin sa ating isipan at dapat ito ay atin nang kinamumuhian. Namanta eva, jivanti sanmukharitam bhavadiya-vartam—sa halip na ganito tayo, saluhin na lang natin ang mga bagay na 17 lumalabas sa bibig ng mga deboto, dahil ang karunungan ay kusang lumalabas mula sa positibong direksyon. Siya ay aking iimbitahin, yayayain at kusang-loob na tatanggapin. Dahil kusa Siyang dumarating. Kung Kanyang gugustuhin, malaya Siyang makakapunta sa atin, at kung ayaw Niya, kahit matinding pagpapasakit pa ang gawin natin hindi parin natin Siya makikilala. Sa madaling salita, dapat saanman Niya maisipang lumabas at magpakilala sa atin ito’y bukal sa kalooban nating tanggapin, at ang isa pa, dapat hindi din natin Siya inaabala sa personal nating kahilingan, “Kayo na po ang bahala kung anoman ang gusto Ninyong ipagkaloob sa akin.” Sthane sthitah—at hindi din mahalaga kung anumang klaseng buhay mayroon tayo ngayon. Ibon ka man o ibang klaseng hayop, hindi din ito mahalaga. Hindi ba’t si Hanuman ay hindi naman tao? Ganoon din si Garuda? Subalit bakit marami silang kaalaman. Sabi ni Krsna, “Maaari silang pumasok sa Aking Lupain, sa loob ng Aking puso. Dahil ang tunay na landas patungo sa Akin ay nasa Debosyon, nasa paglilingkod.” Lahat ng wala sa landas nang paglilingkod, at matindi ang hangarin nilang Ako’y ‘makilala’, ay kailangang dumanas muna nang matinding kahirapan bago sila magkaroon ng ilang konsepto at palagay tungkol sa Aking katauhan. Pawang paghihirap lamang ang magiging pabuya nila. Kaya kung nais ninyo Akong makilala subalit wala kayo sa landas ng paglilingkod, ang tanging gantimpala ninyo’y puro hirap at pasakit lamang. Hindi ba’t ika’y Aking katulong? Kung ganoon, ano ba ang nais mong malaman tungkol sa Akin? Bakit sa iba ka nagtatanong? Huwag kang masyadong agresibo na makilala Ako, kung sino Ako. Dapat gampanan mo muna ang trabaho mo sa Akin. Bigyan mo muna Ako ng kasiyahan. Ako ang Anandam, ang ekstasi, ang kalugud-lugod na kasiyahan. Ito ang pinakamataas na bahagi Ko, at ikaw ang magdadagdag nito.” Dapat ang hinahanap mo ay Krsna-santosa, dahil ito ang tamang paraan kung papaano natin Siya mapapaligaya, kaya lamang ang problema, wala kang pakialam, subalit kung para sa iyong pansariling kasiyahan, kahit maghirap ka ng todo gagawin mo, dahil akala mo naririto ang hinahanap mong kaligayahan, nagkakamali ka, dahil hindi ito ang tamang paraan. Sa madaling-salita, niloko mo maging ang sarili mo. sreyah-srtim bhaktim udasya te vibho klisyanti ye kavala-vodha-labdhaye tesam asau klesala eva isyate nanyad yatha sthula-tusavaghatinam [Srimad-Bhagavatam 2.416] 19
Papaano? Tulad ng halimbawang ito, hindi ba kapag nagpa-giik tayo ng palay dapat bigas ang ating nakukuha? Papaano kung ito’y puro ipa? Ito’y tulad sa pagtatangkang makilala si Krsna. Ang gusto natin ay bigas at hindi ipa. Samakatuwid sayang lamang ang ating pagod kapag puro ipa ang ating nakukuha. Hirap lang ang ating mahihita. Tulad din nito, ang pagtatangkang makilala ng isang maliit at may-hangganan ang Malaki at Walang-hangganan, ay pagsasayang lang nang pagod. Kung kaya’t ganito ang sabi ni Krsna, “Ako si Anandam, tungkulin mong paligayahin Ako, kaya dapat lahat ng nasa sa iyo, gamitin mo sa pagpapaligaya sa Akin.” At ito ang tama at totoong damdamin. May apat na slokas sa Srimad-Bhagavatam na bumabatikos sa jñana. Ang isa dito’y ito: naiskarmyam apy acyuta-bhava-varjjitam na sobhate jñanam alam nirañjanam kutah punah sasvad abhadram isvare na carpitam karmma yad apy akaranam [Srimad-Bhagavatam 1.5.12] Naiskarmam paramam siddhim. Ayon sa palagay ng ibang tao, kung nais daw nating mabuhay dapat ito daw ay ating pinaghihirapan, hindi ba’t masyado naman itong paghamak sa ating katauhan. Ayon sa kanila, ‘magtrabaho ka kung nais mong mabuhay’; hindi ba’t ito’y isang pagyurak sa ating dangal? Dahil sa kaisipang ito, nagsaliksik ang mga sinaunang matatalinongtao, ang mga paham, upang maghanap ng isang lugar kung saan maaari tayong mabuhay na hindi na tayo kailangang maghirap pa, walang kapaguran, walang karamdaman o kalungkutan. Ito ang kanilang ikinampanya at pilit na sinaliksik dahil baka makatuklas sila o kaya maka-imbento sila ng ganoong klaseng kalagayan. Minsan ang naiskarmma ay tanggap sa ating lipunan. Dahil sa dinanas na paghihirap ng tao, nakaimbento sila ng mga computers at iba’t-ibang klaseng makina upang ibsan ang kanilang paghihirap. At ang isa pa, ayon sa mga kapitalista masyadong mapangahas na daw ang mga manggagawa, kaya sa halip na tao ang gumawa ng kanilang trabaho papalitan na lang nila ito ng makina. Ganoon din ang ginawa noon ng mga sinaunang iskolar, abala sila sa pagtuklas nang isang panlipunang kalagayan para sa lahat ng kaluluwa kung saan maaari silang mamuhay nang hindi naghihirap, walang karmma: kundi puro naiskarmma lang. Dumating sa kanila ang paniniwalang ang kasiyahan ng ating sarili, ang atmarama, ay maaaring makamit sa pamamagitan ng ganap o lubos na paglisan o pag-alis sa mundong ito. Bilang pagpapatunay sa kanilang konsepto, ayon sa kanila, ito ang dahilan kung bakit naparito sa mundo sina Buddha at Sankara at ito’y upang tulungan tayo at ituro sa atin ang antas ng Samadhi, na tulad sa isang mahimbing na pagtulog. Ayon sa kanilang paliwanag kapag ang kapatagang iyon ay ating narating, wala tayong mararanasang kahit anumang klaseng paghihirap, doon ang buhay natin ay magiging masaya dahil walang manggugulo sa atin. At ito’y sinang-ayunan din ni Sukadeva Goswami, “Oo, mayroon ngang ganung klaseng lugar, na naiskarmma.” Kaya lamang doon sa Srimad-Bhagavatam isang bagong anyo ng 20
naiskarmma ang binigay ni Sukadeva Goswami: “Hindi ba’t ang sabi ninyo mahirap ang magtrabaho, nakakapagod ang magtrabaho. Hindi ba’t ang sabi ninyo nakapanghihina ang magtrabaho. Kung ganoon, isang antas ng buhay ang ibibigay ko sa inyo kung saan hindi na kayo manghihina, hindi na din kayo mapapagod. Gagalaw kayo, magtatrabaho kayo, subalit hindi na kayo manghihina, hindi na kayo mapapagod pa.” Papaano? “Yatra jñana-viraga-bhakti-sahitam naiskarmmyam aviskrtam—natuklasan na namin, naimbento na namin, ang isang uri ng naiskarmma: ang jñana-viraga-bhakti.” Ang jñana at viraga ay hanggang Samadhi lamang nina Buddha at Sankara nakakaabot, subalit sa paaralang Bhagavata iba ang kanilang sinasabi, “Naku huwag, huwag na huwag kayong pupunta sa lugar na iyon. Dahil bibihagin lamang kayo doon. Huwag kayong papayag na naiskarmma lang ang kapalit ng inyong buhay, at ang isa pa, doon sa lugar na iyon hindi kayo makakakilos at hindi din kayo makakagalaw. At dahil Samadhi ang naiskarmma dito, kahit ang sarili ninyo’y hindi ninyo makikita, kaya lahat nang bibili ng ganitong klaseng naiskarmma ay parang nagpatiwakal na din dahil Samadhi ang kanilang napuntahan. Subalit ang ibibigay namin sa inyo ay Raga-marga, ito’y ibang klase, dito kapag kumilos kayo o kaya nagtrabaho kayo, wala kayong mararamdamang hirap, dahil ang umiiral dito’y pawang pag-iibigan at pagmamahalan. Hindi ba’t ayon sa Srimad-Bhagavatam, ang atma (kaluluwa) ay eternal, walang kamatayan, kung ganoon doon sa eternal na kapatagan, may sarili din kayong katauhan, nakakakilos kayo, maaari kayong gumalaw. Kaya kung ang atma ay masmataas sa mortalidad, masmataas pa sa kamatayan, dapat, doon sa lugar na iyon kapag kumilos at gumalaw ka, hindi ka din napapagod, hindi ka din nahihirapan. Dapat doon sa lugar na iyon, may sarili kang katauhan, may sarili kang pagkakakilanlan at kalagayan, at dapat mabuti din ang inyong buhay.” Madalas magbigay sa amin noon ng halimbawa ang aming Srila Guru Maharaj. Hindi ba’t kapag nasusunog ang silungan ng baka, ang mga baka ay takut na takot at gustong magtakbuhan palabas, dahil dito, tuwing sasapit ang madaling araw o kaya kapag magdadapithapon na, tuwing makikita nila ang mapulang kalangitan, natatakot sila. Ang sabi sa amin ng aming Guru Maharaj, ganito din ang nararamdamang takot ng mga Buddhist at nang mga tagaSankarite, tulad din sila nang mga bakang nakakakita ng mapulang kalangitan. Ayon sa kanilang paniniwala, ang tao kahit nakalaya na sa materyal na kapangyarihan, at nabubuhay na sa espirituwal, ay patuloy na dumadanas pa din ng kahirapan. Subalit ang hindi nila alam, ang nakikitang paghihirap na ito ay bunga ng pag-iibigan, nang pagmamahalan, at sa halip na luha at pighati ang ating nararanasan, ito’y nagbibigay pa sa atin ng kalugud-lugod na kasiyahan, nang anandam. Doon hangga’t gumagalaw ka, lumalakas ka, tumitindi din ang anandam mo, at dahil nandoon ka na sa walang-hangganang kapatagan, hindi ka din mauubusan ng lakas; ito’y sapagkat eternal ka din. Lahat ng nasa eternal na kapatagan, ay hindi nauubusan ng enerhiya at doon, nananatiling maysarili kang katauhan, na kaaya-aya, at ang buhay mo ay magiging masagana. Naroroon na sa lugar na iyon ang katuparan ng iyong minimithi. Doon, magiging 21
maunlad ang buhay mo. Lahat ng bagay ay makukuha mo, subalit huwag kang mag-alala, ang lugar na ito’y hindi tulad ng mortal na mundong ito, na palagi na lamang kinakapos ng lakas. Doon, makapaglalaro ka nang husto, at walang mangyayaring reaksyon sa ginagawa mo na maaaring ikamatay o ikapahamak mo. jñana-viraga-bhakti-sahitam naiskarmmayam aviskrtam Ang pagseserbisyo sa Panginoon ay hindi mahirap gawin. Dahil Siya ay maawain, mapagbigay. Dahil hangga’t nagseserbisyo ka sa Kanya, lalu kang lumalakas. Higit pang humahaba ang inyong buhay. Samakatuwid, nakapagpapahaba pala nang buhay ang dalisay na paglilingkod, hindi pala ito kumikitil ng buhay; hindi din pala ito nakakabawas ng lakas, kundi pinag-iibayo pa ang ating lakas. Doon sa eternal na kapatagan, ang nangyayari doo’y kabaligtaran sa nangyayari dito, lalu na doon sa bahagi ng Goloka kung saan ang lahat ng bagay ay kumikilos dahil sa pag-iibigan. Iba ang takbo ng isipan nang mga residente ng Goloka, ayon sa kanila, kapag wala silang ginagawa, sila’y nag-aayuno, at kapag meron silang ginagawa sapat na pagkain ang kinakain nila. Dahil ang paglilingkod ay nagpapahaba ng buhay, ito’y nagbibigay-sustansya. Sa paglilingkod ay walang pagkasaid; at ito’y hindi din nakamamatay. Kung ganoon, hindi na natin kailangang magkaroon pa ng mataas na karunungan, upang malaman ang lahat ng bagay, kundi dapat ang inaalam natin ay kung papaano natin magagamit ang ating mga sarili para sa pinakamataas na gawain: sa paglilingkod, sa pagseserbisyo. naiskarmmyam apy acyuta-bhava-varjjitam na sobhate jñanam alam nirañjanam kutah punah sasvad abhadram isvare na carpitam karmma yad apy akaranam [Srimad-Bhagavatam 1.5.12] Ang naiskarmma ay sikat sa mga iskolar at ito’y tanggap nila, subalit ang naiskarmma na ito, tulad ng mga tumatangkilik nito sa materyal na mundo, ay wala talagang lugar sa paaralang Bhagavata. Maging ang naiskarmma, na ginagalang ng mga matataas na lider katulad nina Buddha at ni Sankara ay tinatapon din natin—tahasang binabalewala at itinatapon natin. Maglingkod, maglingkod, maglingkod. Natatakot kayong maglingkod dahil akala ninyo ang gawaing ito’y nakakapagod, nakakapanghina. Ang paglilingkod ay nagdudugtong ng buhay. Nagpapakain sa atin. Kaya marapat lamang na magserbisyo tayo! Mamatay upang mabuhay. Kailangang maging matapang tayo at handang mamatay para kay Krsna, doon makikita ninyong nagniningning ang kaluwalhatian nang lahat ng bagay. Kaya, maglingkod kayo; dahil ito ang pangunahing bagay. Walang-saysay ang Siya’y ating makilala. Para saan? Para gamitin sa ating pag-aaral? At upang magkaroon lamang ng mga kaalaman? Hindi maaari. Dahil isa Siyang adhoksaja. 22
Bakit magkaibang konsepto ang ibinigay sa atin nina Sanatana Goswami at ni Rupa Goswami? Hindi ba’t kapwa sila nagkakaisa, kung ganoon bakit magkaiba ang kanilang inilabas? Ang sabi sa amin ng aming Guru Maharaj, “Ito’y isang adhoksaja. Kaya huwag mong piliting ito’y maunawaan pa, dahil ito’y Maya.” Kundi dapat ito’y ginagalang na lang natin. Dahil hindi natin Siya kayang kilalanin at kailanma’y hindi maaaring makilala natin. Subalit tutulungan tayo ng ating pananalig upang ‘mamatay’ at mabuhay.
23
Purihin ang Kadakilaan ni Sri Guru at ni Sri Gauranga
Ikalimang Kabanata Ang Pinaka-dakilang Bendisyon Satyam priya-hitam ca yat. Mangusap ka ng makatotohanan. Magsabi ka ng totoo, at hindi kasinungalingan, at ilagay mo din sa iyong isipan, huwag kayong magsasalita nang mga nakakasakit na katotohanan. Subalit hindi nangangahulugang kailangang magsinungaling kayo dahil masmabuti pa ito. Dapat pawang katotohanan lamang ang sinasabi natin subalit dapat ito’y nakalulugod, kung hindi man lang kailangan, huwag na tayo masyadong magsalita ng kung anu-ano pa. Ang ibig sabihin ng priya ay masarap, nakalulugod. Minsan ang katotohanan ay hindi talaga kalugud-lugod o kasiya-siya, kung ganoon saan natin maaaring ilagay ang salitang ‘kalugud-lugod?’ Ang salitang ito’y masmataas pa sa katotohanan. Dahil ito’y maawain. Ang katotohanan ay parang hustisya, parang katarungan, parang isang paglilitis, subalit ang pagiging ‘kalugud-lugod’ ay nasa kategorya ng pagiging mahabagin—na higit pa sa katarungan. Kung gannon, mayhihigit pa pala sa katotohanan. Nakikiramay, nakiki-simpatya, mahabagin, mapagpala, pag-ibig, kariktan, at kagandahan, ang mga ito’y pawang higit pa o masmataas pa sa hubad na katotohanan. Kapag inalis natin ang lahat ng katangiang ito, ang katotohanan ay magiging parang isang batas lamang, walang lasa, walang linamnam, walang sarap, at sa bandang huli ay humahantong sa konseptong Brahma na pantay-pantay lang ang kalagayan. Ang ibig sabihin ng Lila ay maganda, nagbibigay-buhay, mga Pagsasaya na punung-puno nang pagmamahalan. Ang Lila, kapag walang umiiral na pag-iibigan, ay walang-kwenta, balewala, walang silbi, dahil ganito si Maya. Kapag tinanggap natin ang konseptong ang habag o awa ay higit na masmataas pa kaysa katarungan, ibig sabihin, magkakaroon tayo ng positibong konsepto o paniniwala tungkol sa pinakamataas na realidad, doon sa pinakamataas na katotohanan. Malalaman nating napaka-dakila pala ng Kanyang kabutihan. Tayo ang mga makasalalang laging pinupuntahan ni Nityananda Prabhu at kinakatok sa bawat pintuan at pinapakiusapan, “Tanggapin ninyo ang katotohanan. Ang katotohanan ay napakaganda dahil ito’y mayroong awa, mayroong habag.” Hindi man tayo karapat-dapat, subalit may pag-asa tayo dahil meron palang mahabaging lupain. Dumaan man sa atin ang lahat ng dapat dumating, darating din sa atin ang habag. Malaki ang maitutulong nito sa mga nangangailangan. Ang tawag dito ay Prema. Bagamat kinalaban at minaltrato si Nityananda Prabhu nina Jagai at Madhai, sila’y Kanyang kinahabagan parin. Hindi ba’t ito’y di-masusukat na kabutihan! Nilapitan sila ni Nityananda Prabhu para sa kanilang kabutihan subalit kanilang kinalaban at sinaktan pa. Subalit Siya’y nagtyaga pa din. May pag-asa tayo dahil meron palang pagpapala, mayroon palang habag, 24
awa! At ito’y masmataas pa sa katotohanan. Ito ang tinatawag na Banal na Pag-ibig. Ito ang sundaram. Ito ang ibig sabihin ng kariktan, nabighani at pagkaakit sa Di-mapapasubaliang Lupain, doon sa lupain ng Kalubusan. Ito’y tuluy-tuloy at awtomatiko, at ito ang pangunahing bagay na pinaka-ugat nang lahat ng bagay. Mabuting kalooban. Ang lahat ng ito’y nakasalalay sa mabuting kalooban. Mayroong iba’t-ibang klaseng anyo ng habag at pagpapala. Noong bago mag-sannyasa si Mahaprabhu, lahat ng malapit sa Kanyang kalooban ay Kanyang tinawag at kinausap. Sa panahon ng digmaan ang bansa ay nasa maselang kalagayan, at kagaya din nito ang mga bilin ni Mahaprabhu ay maselan ang kahalagahan: “Dapat palagi ninyong iisipin si Krsna. Kahit habang kumakain, natutulog, o kaya gising; dapat araw at gabi parin ninyong palaging nasa isip. Dahil nasa peligro kayo. Delikado ang inyong kalagayan dahil anumang sandali maaari kayong kunin ni kamatayan. Lagi ninyong ilagay sa inyong isipan na delikado ang inyong kalagayan kaya alamin ninyo ang kamalayan kay Krsna, ang Krsnanusilana—ang tuluy-tuloy at walang-patid na kamalayan kay Krsna.” Dapat, ang kamalayang ito kay Krsna ay hindi ito katulad ng pagsimba isang beses isang Linggo, o kaya pagdadasal nang limang beses isang araw, o isipin ang Diyos tatlong beses sa isang araw, kundi dapat si Krsna ay palagi nating isinasaisip, inaalala at pinaglilingkuran sa tuwi-tuwina. Ganito din ang inihabilin ni Mahaprabhu noong naglibot Ito sa Katimugang bahagi ng India upang mangaral: yare dekha, tare kaha ‘krsna’-upadesa amara ajñaya guru haña tara ei desa [Chaitanya-charitamrta, Madhya 7.128] Lahat ng makakaharap ninyo, kahit sino pa sila, kailangang ipaalam mo parin sa kanila ang tungkol kay Krsna. Ito ang kahilingan Ko at ipinag-uutos Ko sa inyong lahat. Iligtas ninyo ang mga naghihirap na kaluluwa dahil nasa peligro ang kanilang buhay. Tulungan ninyo silang lahat dahil nalulunod sila sa ilusyon at sa kamang-mangan. Gawin ninyo ang lahat ng paraan mailigtas lang silang lahat sa pagkakalunod. Kailangan natin silang iligtas sa pagkakalunod. Makipag-sapalaran kayo, lumundag kayo, lumusong kayo sa karagatan ng ilusyon at iligtas ang lahat ng nalulunod sa kamang-mangan at ilusyon. Mula sa kadiliman, hilain ninyo silang lahat tungo sa liwanag.” Hindi ba’t parang katawa-tawa na kailangang ipaalam pa muna natin sa hepe nang pamatay-sunog kapag may sunog, at mag-antay tayo ng utos bago kumilos, bago sugpuin nang mga bumbero ang isang sunog. Sabi nga ni Mahaprabhu, “amara ajñaya guru haña tara ei desa: Ibibigay Ko ang lahat ng klaseng tulong mailigtas lang silang lahat sa pagkakalunod sa karagatan ni Maya. Kaya dapat tumulong na rin kayo.” 25
Noong nasa sangay pa ako ng Gaudiya Math sa Madras kinausap ko ang Ministro nang Edukasyon dahil gusto ko sanang humingi ng rekumendasyon upang magamit namin sa aming pangangaral sa kanyang loob ng kanyang nasasakupan. Anya, “Swamiji, Tamil ang salita nang lahat ng tao dito. Wala silang alam sa salitang English o Bengali o kaya Sanskrit, kaya sa palagay ko kailangang mag-aral muna kayo ng Tamil upang epektibo kayong makapangaral dito.” Agad ko din siyang sinagot, “Papaano po kung halimbawang sa paglalakad ko isang bata ang nakita kong nalulunod sa inyong ilog, sa palagay po ba ninyo dapat muna akong mag-aral ng salitang Tamil upang masabi ko sa mga tagarito na may nalulunod na isang bata? O masmainam na sabihin ko sa kanila sa pamamagitan ng mga senyas at kumpas na may nalulunod na bata?” Sabi ng ministrong pang-edukasyon, “Masyado ka naman?” “Oo. Ganun ang kahalagahan nito. Sadya talagang napakahalaga ng kamalayan kay Krsna kung kaya’t kahit sa papaanong paraan, marunong man kaming magsalita ng English, Hindi o kahit anupamang lenggwahe. Basta ang mahalaga, maibigay namin ito sa kanila.” Dahil ito ang ipinag-uutos ni Mahaprabhu, “Yare dekha, tare kaha ‘krsna’—upadesa. Kagipitan na ito. Kailangang-kailangan na ito. Kaya sinuman ang makita mo, sabihin mo sa kanila ang tungkol kay Krsna. Huwag ka nang mag-antay ng sertipiko o katibayan mula sa mga awtoridad. Ibinibigay Ko na sa inyong lahat ang kapahintulutan, ang sertipiko na nagaawtorisa sa inyo, na ipahayag ito.”
26
Kahit sa huling sandali ng kanyang buhay, kahit ginupo na nang katandaan, nanatiling isang magiting at maringal na mangangaral parin nang kamalayan kay Krsna ang dakilang Tagapangalaga ng Debosyon, si Srila Sridhar Maharaj.
27
Purihin ang Kadakilaan ni Sri Guru at ni Sri Gauranga
Pang Wakas Pinaka-banal sa Lahat ng Gawain “Ika’y matalik Kong kaibigan, kaya hindi Kita lolokohin. Maniwala ka sa Akin. Sumpa man.” Hindi nahihiyang ganito ang naging pahayag ni Krsna! Naparito Siya upang ipagmakaawa nang husto ang Kanyang sarili, at ito’y upang tulungan tayo. Ang bagay na ito’y naka-rekord sa Srimad Bhagavad-gita upang ating maging gabay. Higit sa lahat, mismong si Krsna pa ang nagpunta dito upang ipangaral ang Kanyang sarili. Siya mismo ang nangalap ng tao kasama ang Kanyang grupo at maging si Srimati Radharani ay isinama rin Niya: “Kung kinakailangan, ipapakita Ko kung bakit labis-labis na napakaganda at marangal ang maglingkod. Kaya halina kayo samahan ninyo Ako.” Pumanaog din dito si Baladeva at naging si Nityananda upang mangalap ng tao. Kaya noong pumanaog sa mundo sila Krsna at Balarama, Sila ay naging sina Mahaprabhu at Nityananda. Naparito din maging ang Vrndaban at naging Nabadwip naman. Hindi ba’t masmalaki ang utang na loob natin sa taong mismong nangampanya kaysa grupong kanyang kinakatawan? Hindi ba’t sa lahat, masmalapit ang loob natin sa taong unang nangaral sa atin kung kaya’t sila muna ang pinasasalamatan natin? Kung ganoon, papaano na kung ang Panginoon mismo ang personal na nangaral? Hindi ba’t ang ganda nito, hindi ba’t napakadakila, dahil Siya pa mismo ang nagsakripisyo para sa atin! Hindi ba’t ito’y isang uri ng Banal na Pag-ibig!
Hindi ba’t kaya tayo naparito ay dahil naghahanap tayo ng kung ano ang mabuti sa atin, at si Mahaprabhu ang nagturo sa atin nang daan. Subalit habang tinatahak ko ang daan, agad akong nabighani at ganito ang aking naramdaman, “Oo nga, talaga palang ang lugar na ito’y kaakit-akit, sadyang napakaganda, at talagang nakakabighani.” At pagkatapos, hinanap ko kung sino ang nagbigay nito sa akin, na nagpasaya ng puso ko, at napag-alaman ko ang aking Maestro pala. At isang bagay ang napansin ko, tanging si Mahaprabhu lamang ang kanyang ikinakampanya, at talaga namang matindi niyang ikinakampanya—at siya’y punung-puno ng walang katapusang enerhiya habang kumikilos para kay Sri Gauranga. Sobra talaga ang kanyang kasipagan! At siya’y tinanggap ko at inialay ang aking sarili upang kanyang kunin at kupkupin. Sa abot ng aking makakaya pinagsikapan kong sundin ang kanyang mga ipinaguutos, kung kaya’t hanggang ngayon, nananatiling nandirito parin ako sa ilalim ng kanyang pangangalaga at patuloy na ginagampanan ang kanyang mga tagubilin. Kaya habang lumilipas 28
ang mga araw inilalaan ko ang aking panahon sa pagbabasa ng iba’t-ibang Banal na Kasulatan tulad nang Srimad Bhagavad-gita at Srimad-Bhagavatam, dahil nais kong maunawaan kung ano talaga ang pinakabuod ng mga itinuturo niyang aral at gayun din kung saan humahantong ang mga ipinaliwanag ni Mahaprabhu at nang mga Gurudeva natin. At habang lumalalim ang aking kamulatan, unti-unti din akong nasisiyahan. Hindi makatwirang sabihing hindi ako naging masaya sa piling ng aking Gurudeva at ng kanyang mga kasamahan. Bukod-tanging sila lamang ang nakaakit sa akin. At habang lumilipas ang araw, lalung tumitibay ang paniniwala ko sa mga aral ni Mahaprabhu, ni Vyasadeva, sa Vraja-lila, atbp. Wala Silang-hangganan, subalit patuloy Silang matibay na nananatili sa loob ng puso ko, at kahit kakaunti lamang ang nakukuha ko, masaya parin ako . At ang isa pa, nararamdaman ko ang paniniwalang ito, ang ganitong klaseng buhay, kung kaya’t nais ko din itong ibigay sa iba. Kaya araw-araw palaging ganito ang ginagawa ko. Walang masama sa ginagawa nating pagpapalaganap nang mensahe ni Mahaprabhu, dahil ayon sa ating paniniwala, sa lahat, ito na ang pinaka-banal na gawain. Sa lahat ito ang pinakabanal, kaya ipagpatuloy natin ang ganitong klaseng programa na magdulot ng kabutihan sa lahat, dahil ito ang pinakamainam sa lahat, at gayun din para sa ating sarili. Dahil tanging ito lamang ang banal na Gawain at wala ng iba pa. Ito ang pinakabanal na gawain at ito’y may bendisyon nang Panginoong Nityananda at ng Panginoong Sri Gauranga. Ito ang ating tungkulin sa Kanila. Ito ang Kanilang departamento. Ang pinaka-espesyal na departamento nina Sri Gauranga at Nityananda Prabhu ay ang pangangaral. Ang Nabadwip Dham ay lugar na Kanilang pinagpala. Ang dalangin lamang natin sa Kanila, sana’y patawarin Nila ang lahat ng pagkakasala natin, at sana tayo ay Kanilang magamit. Ang Koladwip, Nabadwip, ay ang lugar kung saan lahat ng kasalanan ay binibigyan nang kapatawaran, aparadha-bhanjan-pat, kaya ipanalangin natin na sana’y patawarin Nila ang lahat nang kasalanan natin at sana makapaglingkod din tayo sa Kanila upang maikalat ang kamalayan kay Krsna at ang kamalayan kay Gauranga.
29
srimac-caitanya-sarasvata-mathavara-udgita-kirtir jaya-srim bibhrat sambhati ganga-tata—nikata-navadvipa-koladri-raje yatra sri-gaura-sarasvata-mata-nirata-gaura-gatha grnanti srimad-rupanuga sri-krtamati-guru-gauranga-radha-jitasa “Ang Sri Chaitanya Saraswat Math ay maningning na nakatayo Sa tabing-ilog ng Ganges sa Koladwip, Nabadwip, Ang bandila nito’y napakatayug at nagwawagayway, Umaawit nang kanyang kadakilaan sa buong mundo. Lahat ng tagarito ay walang-sawang umaawit nang mga kadakilaan ng Panginoong Gauranga At mithi nilang makapaglingkod kina Sri Sri Radha-Govinda sa linya ni Sri Rupa.
30
Ang Tagapangalaga ng Debosyon Srila Sridhar Maharaj
31
Dagdag Pahina 1
Nilikha ni Srila Narottama Dasa Thakur Binigyan ng komentaryo ni Srila Guru Maharaj (Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj) Sri Rupa Mañjari Pada
sri-rupa-mañjari-pada, sei mora sampada, sei mora bhajana-pujana sei mora prana-dhana, sei mora abharana sei mora jivanera jivana sei mora rasa-nidhi, sei mora vañcha-siddhi sei mora vedera dharama sei vrata, sei tapa, sei mora mantra-japa, sei mora dharama-karama anukula ha’be viddhi, sei-pade ha’be siddhi nirakhibo e dui nayane se rupa-madhuri-rasi, prana-kuvalaya-sasi, praphullita habe nisi-dine tuwa adarsana-ahi, garale jaralo dehi, ciro-dina tapita jivana haha rupa doya, deho more pada-chaya narottama loilo sarana Sri-rupa-mañjari-pada, sei mora sampada, sei mora bhajana-pujana—ang lahat para sa akin ay ang Banal na Paanan ni Sri Rupa Goswami. Ngayo’y pag-usapan naman natin ang iba’t-ibang klase at antas ng Rasa: hindi ba’t mayroong Santa, Dasya, Sakhya, Vatsalya, Madhura-rasa. Sa loob ng Madhura-rasa, ay may iba’t-ibang kampo, subalit sa lahat, may isang pinaka-espesyal na kampo, at ito ang kampo ni Srimati Radharani. At muli, pagdating sa mga Sakhis, mayroong iba’t-ibang klaseng Sakhis din. Sa grupo ng mga Sakhis, may isang grupo doon ng mga kababaihan, mga batang babae, mga Mañjaris, na malayang nakakagalaw at nakakapunta kina Radha at Krsna. Halimbawa, magkasama sa isang pribadong lugar sina Radha at Govinda, sa 32
tagpong iyon, tanging ang mga Mañjaris lamang ang nakakalapit sa Kanilang dalawa; malaya silang nakakabisita. At halimbawang may kailangan Silang Dalawa habang nandoon sa tagong lugar na iyon, ang mga Mañjaris ang tinatawag ng mga Sakhis. Dahil ayaw pumasok ng mga Sakhis sa loob ng tagong lugar na iyon. Kung ganoon, higit na mas-swerte ang mga Mañjaris dahil pinagkakatiwalaan sila. Dahil kung taguan lang ng sikreto ang pag-uusapan, maspinagkakatiwalaan ang mga Mañjaris. Doon sa pinakamataas na lugar na iyon, lahat sila’y labas-pasok, malaya silang nakakapunta at nakakagalaw, at sa grupo nila, si Rupa Mañjari ang lider nila. Sa lahat ng batang babae, si Rupa Mañjari ang pinaka-lider nang mga Mañjaris, samakatuwid, sa Madhura-bhajan, tanging si Rupa Mañjari ang pinaka-pinuno nilang lahat, siya ang mayhawak nang lahat. At ito ang itinurong aral sa atin ni Srila Narottama dasa Thakur. At tayo – tayong mga bagong hatak– sa grupo natin, ang pinakamataas ay si Rupa Mañjari, at siya ang hahawak sa atin. Sei mora sampada—ang yaman ko’y nasa ilalim ng kanyang paanan. Sei mora bhajanapujana—siya ay aking sasambahin at paglilingkuran din. Sei mora prana-dhana, sei mora abharana nasa kanya mismo ang yaman at diwa ng aking buhay; at lahat ng nakikita ninyong nakasabit na palamuti sa akin, lahat ng ito, ay Biyaya niya sa akin. Sei mora jivanera jivana - tunay ngang, ang mismong buhay ko, at lahat ng nasa sa akin, ay kanya parin. Ako’y para sa kanyang kasiyahan. Lahat ng kailangan ko, lahat ng kasiya-siya para sa aking buhay ay sa kanya ko lamang natatagpuan. Lahat ng Rasa, ang bukal na pinagmumulan nito, ang minang pinanggagalingan nito ay nasa kanyang paanan. Sei mora vañcha-siddhi - lahat ng inaasam-asam ko sa buhay, ay naroroon din sa kanyang paanan. Sei mora vedera dharama - at kung sakaling may ipinag-uutos man ang Vedas na dapat kong gawin, ang gusto ko sana ito’y sa kanyang paanan gawin.
Sei vrata, sei tapa – lahat ng gusto ninyong makamtan dahil sa pagpepenitensya o pamamanata, ay inyong matatagpuan din sa kanya – sei mora mantra-japa – at maging ang paulit-ulit na pagja- japa ay dito din nagwawakas. Kaya lahat ng ginagawa ko ay sa iisang lugar lamang nagwawakas: at ito’y sa paanan ni Rupa Mañjari. At kung si Rupa Mañjari ay aking napaligaya, kung ganoon, lahat ng ginawa kong pamimintuho ay magiging kasiya-siya. Sei mora dharama-karama -at lahat ng konsepto ko sa buhay o paniniwala tungkol sa gawain o anumang klaseng pagkilos ay sa iisang lugar lamang humahantong: at ito’y sa banal na paanan ni Rupa Mañjari. Anukala ha'be viddhi, se-pade ha'be siddhi - kaya doon lamang talaga ako nananalangin sa Nagpapatakbo nang lahat ng ito sa mundo, “O Di-Mapag-aalinlanganang Tagapamahala, maaari po bang ikunekta Ninyo ako kay Rupa Mañjari. Nais ko po sanang ipagkaloob Ninyo sa akin ang aking dinadalangin na sana lahat ng gagawin ko ay maging kasiya-siya sa kanya.” Nirakhibo e dui nayane - at sana malinaw na malinaw ko siyang nakikita na parang nasa harapan ko lamang. Naniniwala akong makakamit ko din ito, at hindi magiging malabo, maaninag ko 33
din siya, dahil hindi siya guni-guni, malinaw ko din siyang makikita dahil ako’y pinagpala ng Kalubusan, nang Tagapangasiwa. Se rupa-madhuri-rasi, prana-kuvalaya-sasi—ano itong aking nakikita, masyado namang napakataas ang grado ng kagandahan nang kanyang banal na paanan! Gusto kong lumundag! Gusto kong maging lotus ang puso ko. Mayroong dalawang klaseng lotus: puting lotus na nanggaling sa araw at pulang lotus na buhat naman sa buwan. Ang kuvalaya ay pinaghalong dalawang lotus na ito. Ang kaningningang nagmumula sa katawan ni Rupa Mañjari ang siyang magsisilbing sustansya ko, tulad ng lotus na kuvalaya, araw at gabi din niya akong bubusugin. Ang kuvalaya ay nabubuhay at nagiging masigla dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan, tulad din ng lotus na ito, ang banal na paanan ni Rupa Mañjari ang siyang pinaka-buhay ko. Kaya harinawang manatiling buhay at masigla din sana ang puso ng aking mga puso sa pamamagitan nang kinang na nagmumula sa kanyang kagandahan. Praphullita habe nisi-dine - at dahil sa taglay na sinag ni Rupa Mañjari, harinawang ang lotus ng aking puso ay kanyang palaguin, at pasayawin. Tuwa adarsana-ahi - ito ang nais ko sanang ipanalangin, kaya lamang nasaan ba ako ngayon, ano ba ang kalagayan ko ngayon? Hindi ba’t, aking kaibigan, O Rupa Mañjari, ako’y nasa kabilang bahagi, nasa negatibong bahagi? Alam po ba ninyo, Kamahalan, kung bakit matindi ang pagliliyab ng aking puso, ito’y sapagkat hindi ka masilayan ng paningin ko. Ito ang nararamdaman ko. Garale jaralo dehi - parang natuklaw ako ng cobra, at matinding sakit ang nararamdaman ng puso ko bunga ng kanyang lason. Isang ahas ang tumuklaw sa akin, at alam ba ninyo kung anong klaseng ahas ito? Ito ang ahas ng pagkakawalay sa inyo. Dahil hindi kita nakikita, aking Kamahalan. Malapit na akong mamatay dahil umabot na sa puso ko ang kamandag nito at ito’y kanyang nabihag na. Ciro-dina tapita jivana – at ang bagay na ito ay hindi lamang ngayon ko lamang naramdaman, kundi mula’t-sapul pa lamang, ganito na ang kirot ng pagkakawalay ang aking naramdaman mula sa isang napakaganda at kaaya-ayang buhay na nagbibigay nang kasiyahan. Ha ha rupa koro doya, deho more pada-chaya, narottama loilo sarana—subalit ngayo’y nasa rurok na ako ng sukdulan at sa huling pagkakataon, ako po ay nagsusumamo sa inyo, sana po’y tulungan ninyo ako, dahil kung hindi, dito narin po nagtatapos ang aking buhay.
Ito’y sinulat ni Srila Narottama Dasa Thakur bilang papuri kay Srila Rupa Goswami. Dito ipinakita niya sa atin ang liwanag na nagmumula sa masmataas na lugar ng buhay bhajan. Ang ating sampradaya ay pinangalanan na Rupanuga-sampradaya, at dito sa linyang ito nakaayon ang ating Guru-parampara. Marami siyang sinulat na awitin at ito’y punung-puno ng mga masusustansyang kalangitan, na labis na kalugud-lugod, at may malalim na paniniwala.
34
Ang Kanilang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goxwami Maharaj at Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj
35
Purihin ang Kadakilaan ni Sri Guru at ni Sri Gauranga
Dagdag Pahina II
Si Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj ay isang beteranong ermitanyo na ang tuntunin sa buhay ay nagmula pa sa orihinal na kinaugaliang pagsasalin-salin ng mga banal na aral na mismong pinasimulan ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, at siya din ang Natatag at Acharya nang banal na templo ng dalisay na debosyon sa Nabadwip, na matatagpuan sa bandang Kanlurang bahagi ng Bengal, India, na kilala sa tawag na Sri Chaitanya Saraswat Math. Ang banal na lugar na ito ng ating pananalig ay itinayo ni Srila Sridhar Maharaj noong 1941, at naging hiyas para sa mga perigrinong deboto sa mundo na tunay na naghahangad na makapasok sa loob ng banal na lupain nang mga nagpapailalim sa Mabuting Kalubusan. Sa kabuuan, ang mga paglalarawan ni Srila Sridhar Maharaj sa mga usaping espirituwal ay kinilala nang lahat at ayon sa kanila ito ay nahahanay sa kasaysayan ng espirituwal na India, at ang pagkilalang ito ay hindi lamang tungkol sa kanyang mala-encyclopedia na kaalaman tungkol sa mga hayag na Banal na Kasulatan, kundi maging sa kanyang di mapagaalinlanganang matalas na pag-iisip bilang tunay na komentarista nang mga tinipong makasaysayang yaman ng mga banal na kasulatan na hinayag nang mga kapuri-puring banal na santo ng Katimugan. Bilang isang magaling na orakulo, si Srila Sridhar Maharaj ay walangkaparis, dahil kaya niyang pigain ang mga nakapaloob na kahulugan at sustansya nang mga Banal na Kasulatan at ibigay ang mataas, malawak, at buhay na konsepto nito. Noong 1985, tatlong taon bago siya pumanaw sa materyal na mundong ito, binigyangkatuparan ni Srila Srdihar Maharaj ang kanyang personal na kagustuhan na apatnapung taon na niyang minimithi, noo’y iginawad niya ang banal na kaayusan ng sannyasa sa kanyang pinakamamahal, pinakamalapit sa kanyang puso at pinakamataas na naglilingkod na kaibigan, si Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj. Nakita ni Srila Sridhar Maharaj, na kilala sa kanyang matalas na kaisipan at espirituwal na pananaw, ang matinding pangangailangan ng kanyang Misyon sa hinaharap. Kung kaya’t pinili niya si Srila B.S. Govinda Maharaj upang humalili sa kanya sa pagiging Acharya at Presidente ng kanyang Math, ng Sri Chaitanya Saraswat Math, at ang mga kaanib na sangay nito. Ang Nektar na ito, na kumalat sa buong mundo mula sa Sri Chaitanya Saraswat Math ay patuloy na dumadaloy pa din dahil sa pagpapala ni Sri Guru at ni Gauranga, na nasa katauhan ni Srila Govinda Maharaj, dahil sa kanya, ang katamisan nito’y higit na naging doble pa. Ipinakilala sa atin ni Srila Guru Maharaj—na kinilala nang lahat bilang “Tagalikha ng Guru”—ang kanyang pinakamamahal na hiyas sa katauhan ni Srila Bhakti Sundar Govinda 36
Dev-Goswami Maharaj. Ayon sa kanya, mismong sa kanyang bibig, at sinasabi din natin, “Salamat at nagkaroon tayo ng isang mabuting kapalaran!�
37