Ang Karangyaan ng Dating Unang Ginang

Page 1

ANG KARANGYAAN NG DATING UNANG GINANG

1


NILALAMAN 3

Panimula

4

Mahahalagang Konsepto

5-7

Sino si Imelda Marcos?

8-9

Aparador ni Imelda

10-12

Kinumpiskang Alahas

13-16

Koleksyon ni Imelda: Mga Likhang Sining

17 18-19

Ating Pagnilayan Suriin Natin!

Ang modyul na ito ay bunga ng mga tungkulin para sa asignaturang EDSSE 105 (Social Studies Education) ng Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, A.Y. 2016-2017, ikalawang semestre. Isinulat nina: Raeven Davis & Sellena Gonzales Disenyo ni: Sellena Gonzales 2


PANIMULA Maaaring narinig mo na mula sa iyong mga aralin sa kasaysayan, sa mga kwento ng kapamilya o kaanak, at maski na sa mga balita ang apelyidong Marcos. Kaakibat ng ngalang ito ang imahe ng dating presidente ng Pilipinas, ang dating unang pamilya, pati na ang dating unang ginang. Pangalan ito na alam ng buong bayan (at maaaring buong mundo pa) mula sa mga taong 1960s hanggang kalagitnaan ng 1980s. Ngayon, matunog pa rin ang nasabing pangalan sa tainga ng masa. Hindi maipagkakaila na maraming pangyayari ang kontribusyon ng mga Marcos sa kasaysayan ng bansa. Iba-iba man ang pananaw ng mga tao sa kanilang naging pamamalakad, buhat na rin ng iba’t-ibang lalawigang pinagmulan ng tao, nananatili pa ring saklaw ng kasaysayan ang katotohanan. Sa kabila ng pagkakaiba ng interpretasyon sa naturang katotohanan (o misteryo) na bumabalot sa pamilyang Marcos, karapatan pa rin ng isang mag-aaral na malaman ang parte ng kwentong ito. Tungkulin pa rin ng guro na ipabatid sa kanyang mga estudyante kung paano naapektuhan ng hinahawakang kwento ang ating bansa. Sari-saring kontrobersiya ang kapares ng pangalang Imelda Marcos. Sapagkat masyadong malawak (at malalim) ang kwento ng mga Marcos na maaaring ipaalam sa estudyante, ninais na lamang ng pahayagang ito na aralin ang kwento ng isa sa pamilya: ang kanilang ilaw ng tahanan at ang nagsilbing unang ginang ng Pilipinas sa tagal ng dalawampung taon. Maituturing na isang kumplikadong pagsubok ang talayakin si Imelda Marcos dahilan ng mga patuloy na diskurso kung tama o mali ba ang kanyang naging pamamalakad; kung may katuwiran ba sa kung paano siya namuhay at ginamit ang naibigay sa kanyang kapangyarihan. Malaking salik sa paksang ito ang konsepto ng salapi na galing sa pera ng bayan. Hindi maiiwasang sa paksa ng pulitika at gobyerno na mapag-usapan ang siyang konsepto.

Ang dating unang pamilya papaakyat sa palasyo ng Malacañang matapos ang inagurasyon ng ikalawang termino ni Ferdinand Marcos (Source: malacanang.gov.ph)

Ang mga sumusunod ang apat pangunahing layunin ng modyul na ito: 1. Ipabatid sa mag-aaral ang iba’t-ibang balita ukol sa mga kontrobersiyang hinarap at hinaharap ng Gng. Imelda Marcos; 2. Magsilbing gabay sa paghubog ng mambabasa ng kanyang pananaw patungkol sa mga gawain ng dating unang ginang ng Pilipinas; 3. Tulungan ang mag-aaral na paliwanagin ang pangkritikal niyang pag-iisip at rasyonalidad kaugnay ng mga pangyayaring nakasulat; at 4. Ipahiwatig sa mambabasa ang kahalagahan ng paglingon sa kasaysayan upang lalong maintindihan ang kasalukuyan. Nawa’y maging makabuluhan ang iyong pagbabasa’t lakbay-aralin! - Ang mga may akda 3


MAHAHALAGANG KONSEPTO Martial Law/ Batas Militar Noong Setyembre 21, 1972, isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o Martial Law sa pagdedeklara ng Proclamation 1081 ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang batas na ito ay nagsadlak sa bansa sa ilalim ng militar na awtoridad, at nagsuspende sa karapatang pantao ng mamamayang Pilipino. Sa panahong ito, napunta sa iisang tao ang lahat ng kapangyarihang kontrolin ang bansa. Naipatupad and curfew sa buong bansa, ipinigbawal ang mga pagpupulong, at ipinasara ang mga institusyong pamamahayag.

Ill-gotten wealth Tumutukoy sa mga pagmamay-aring napasakamay gamit ang ilegal na mga pamamaraan, gaya ng maling paggamit ng pondo ng bayan sa mga pansariling interes. Ang pamilya Marcos as inaakusahang may mga ill-gotten wealth na tinatayang $5,000,000,000- $10,000,000,000 ang suma total na halaga. Sa kasalukuyan, P 170,000,000,000 ($3.6 bilyon) na ang nababawi ng PCGG sa loob ng 30 taong imbestigasyon.

Crony Tawag sa isang taong naupo sa pwesto o trabaho hindi dahil sa kanyang mga katangian at kwalipikasyon, ngunit dahil kaibigan o malapit siya sa kanyang amo. Ang mga crony ay talamak sa larangan ng pulitika, gaya noong panahon ng pamumuno ng mga Marcos.

Presidential Commission on Good Government Ang grupong naatasan ng dating pangulong Corazon Aquino, sa ilalim ng Executive Order no. 1 noong 1986, na mag-imbestiga at bawiin ang ill-gotten wealth ng mga Marcos. Kasama rin sa mga tungkulin nito ay ang pagiimbestiga ukol sa korupsyon batay sa utos ng presidente, at ang pagsusulong ng mga institusyonal na pangagalaga upang maiwasan ang korupsyon sa gobyerno.

EDSA People Power Revolution Pebrero 25, 1986 nang sama-samang nagpulong ang mga Pilipino sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) upang magsagawa ng mapayapang pag-aklas laban sa rehimeng Marcos. Ang kolektibong aksyon na ito ay ang nagpatalsik sa 20 taong pamumuno ng mga Marcos at ang nagbalik ng demokrasya sa bansa.

4


SINO SI IMELDA MARCOS? Bago kilalaning Unang Ginang ng Pilipinas at asawa ng dating diktador na si Ferdinand Marcos, naroon si Imelda Remedios Visitacion Romualdez. Ika-2 ng Hulyo 1929 nang isilang si Imelda kay Vicente Orestes Romualdez at Remedios Trinidad sa Maynila. Lingid sa kaalaman ng marami, hindi buhay-prinsesa ang kwento ng mga unang taon ni Imelda bilang panganay na anak. Ang kanyang inang si Remedios ang ikalawang asawa ni Vicente Romualdez, at mapait ang naging karanasan nilang mag-iina buhat ng unang pamilya ng kanyang ama. Si Vicente ay abogado at dating dekano ng St. Paul's College, habang si Remedios naman ay isang modista. Suportado ng mas prominenteng mga kapatid ang amang si Vicente habang ang pamilya Romualdez ay namuhay sa Kalye Heneral Solano, San Miguel, Maynila - malapit sa Palasyo ng MalacaĂąan. Kung walang salapi para pangkain, tumutugtog ang padre de familia ng piano upang makalimutan ang gutom. Madalas ding gawan ng inang si Remedios ng mga bestida ang anak at si Imelda nama'y pinapakanta sa gitna ng sala sa tuwing may panauhin.

Batang Imelda (Source: Marcos Presidential Center)

Tumira ang mag-iina ni Remedios sa itinayong karton sa garahe nang lumala ang relasyon ng mag-asawa. Wika nga ni Imelda, "...para kaming nagbahay-bahayan."

Ang Lakambini ng Maynila (Source: Marcos Presidential Center)

Sa kasamaang palad at sa pighati ni Imelda, pumanaw ang inang si Remedios dahil sa sakit na pulmonya noong ika-7 ng Disyembre 1938. Kasabay rin nito, nagsimulang humina ang karerang abogasya ng amang si Vicente. Kinailangang ibenta ni Imelda isa-isa ang diyamante sa kwintas ng ina para magkaroon ng kahit kaunting pera. 'Di kalaunan, lumipat ang pamilya Romualdez sa Tacloban, Leyte kasama ang lima pang nakababatang kapatid ni Imelda at mga kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama. Nag-aral siya sa Holy Infant Academy at pinalaking Katoliko. Sa kanyang kadalagahan, binoto si Imelda bilang pinakamagandang dilag sa probinsya at hinirang na "Rose of Tacloban" at "Miss Leyte."

5


Pagbalik sa kamaynilaan para tumira kasama ang isang pinsang pulitiko, nasungkit ni Imelda ang titulong "Muse of Manila" noong 1953. Sa taong 1954, doon na nagsimula ang ikot ng kanyang buhay nang makilala si ginoong Ferdinand Edralin Marcos - isang batang congressman ng Ilocos Norte. Agad na nagkasundo ang dalawa at para kay Marcos, nabihag ni Imelda ang kanyang puso. Isang oras at kalahati matapos ang kanilang pagkakakilala, hiningi ni Marcos ang kamay ni Imelda upang pakasalanan sana ang dalaga. Pagkalipas ng 11 na araw, nagpakasal ang dalawa sa isang maliit na seremonyang sibil. Pagkaraan ng isang buwan, naghandog si Ferdinand at Imelda ng magarbong pagdiriwang ng kanilang kasal kasama ang mga kaibigan at pamilya. Magmula roon, hindi na mapaghihiwalay ang mag-asawa at kasama na si Imelda Marcos sa buhay-politikal ni Ferdinand Marcos, lalung-lalo na sa pangangampanya para sa pagka-presidente ng Pilipinas pagdating ng 1960s. Nang dahil sa malawak at malakas ang hatak ni Imelda sa masa, hindi nagtagal at umakyat sa kapangyarihan ang mga Marcos. 1965 nang manumpang presidente si Ferdinand kasama ang unang ginang at kanilang apat na anak na sina Maria Imelda o Imee, Ferdinand Jr. o Bongbong, Irene, at Aimee. Sa 20 na taong pagiging Unang Ginang ng Pilipinas ni Imelda Marcos, hindi maipagkakaila na ubod ng gara at nababalot ng sikreto ang naging buhay ng mga Marcos. Sa ilalim ng rehimeng ito, naapektuhan din ang pagkarami-raming mga Pilipino ng pamamalakad ng unang pamilya. Bukod sa mga ginawang proyekto para sa ikauunlad ng bansa at pakikipagkapwa sa mga lider ng mundo, ginamit din ang kaban ng bayan para sa pansariling interes ng mga Marcos at lalo na ni Imelda. Dulot ng hilig ng unang ginang sa mga mamahaling damit, sapatos, alahas, at mga pagdiriwang, milyun-milyon ang naging kabuuang gastos na mapasahanggang ngayon ay hinahanap pa rin. Sa kabila nito, nakaranas ang bansa at ang mga maralita ng matinding panlulupig sa loob ng Batas Militar na ipinatupad noong 1972.

Ang G. at Gng. Marcos (Source: Marcos Presidential Center)

Mula 1975 hanggang 1986 ay nanilbihang gobernador ng Metropolitan Manila si Imelda Marcos. Taong 1978 din nang maging minister siya ng Human Settlements. Sa ilalim ng pamamalakad ng hinirang na "Iron Butterfly", maraming naipatayong imprastraktura si Imelda na kinikilalang "state of the art" ang pagkakagawa. Ilan sa mga ito ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, Philippine International Convention Center, Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, Tulay ng San Juanico, at ang kontrobersiyal na Manila Film Center. Ginamit ang mga gusaling ito para sa mga internasyonal na pagpupulong, pagbibigay-pugay sa kultura't sining ng bansa, at lalo na sa pagpapaganda ng siyudad. 6


Sa pagtatapos ng rehimeng Marcos noong 1986 buhat ng EDSA People Power, tumakas patungong Hawaii ang dating unang pamilya. Daang-daang sapatos at personal na ari-arian ang naiwan sa palasyo ng MalacaĂąang. Naiwan din ang libu-libong human rights violations at mga kaso ng korupsyon. Mula taong 1990, hinarap ni Imelda ang maraming kaso sa kanya at sa pumanaw nang asawa, ngunit iilan lamang sa mga kasong ito ang kinondenang siya nga ay may sala. Mula 1995-1998 naman nang manilbihan si Imelda sa House of Representatives. Sa mga taong 1992 at 1998 sinubukang tumakbo ng ginang sa pagka-presidente ngunit hindi itinuloy. Naging congresswoman siya ng Leyte noong 1995 at sa kasalukuyan, nasa ikatlo at huling termino na niya bilang 2nd district representative ng Ilocos Norte.

Si Gng. Imelda Marcos sa harap ng CCP (Source: Marcos Presidential Center)

Kasabay ng bagong pulitikal na buhay ni Imelda at ng kanyang pamilya, isang hindi natatapos na proseso pa rin ang paghahanap (at pagpapabalik) sa ninakaw na pera ng bayan. Tulad noong 2016 lamang, ang koleksyon ng alahas ni Imelda na may halagang $21M ay ipina-auction ng gobyerno. Karamihan naman sa mga sapatos niya ay ngayo'y nasa Marikina Shoe Museum. Para sa mga binili niyang dibuho na gawa ng mga prominenteng pintor, marami sa mga ito ay nawawala pa rin. Sa edad na 87, simpleng buhay na diumano ang dinaranas ni Imelda Marcos sa piling ng kanyang pamilyang aktibong-aktibo sa kasalukuyang administrasyon.

Si Gng. Imelda Marcos ngayon sa libing ng yumaong asawa at dating presidente sa Libingan ng mga Bayani (Ted Aljibe, 2016)

7


APARADOR NI IMELDA Walang tiyak na numero ang makapagsasabi kung ilan nga bang sapatos, damit, o alahas ang talagang nasa posesyon ng dating Unang Ginang na si Imelda Marcos noon hanggang ngayon. Sa tulong ng Presidential Commission on Good Government, na may layuning iwasan at patigilin ang korupsyon sa loob ng gobyerno, maraming annual report na rin ang kanilang nailabas patungkol sa pera at ari-arian ng mga Marcos na ngayo'y naibalik na sa bayan. Subalit, marami pa rin sa mga ito ang patuloy na iniimbestigahan. Sa pagtatapos ng EDSA People Power I at sa pagtakas ng pamilyang Marcos patungong Hawaii, humigit-kumulang na libo-libong ari-arian ni Imelda ang natagpuan nang sugurin ng taumbayan ang palasyo ng Malacanang. Mayroong 2,142 piraso ng alahas, 508 na mga gown, 427 na mga bestida, 71 pares ng sunglasses, at 1,060 pares ng mga sapatos. Sa mga bilang pa lamang, tila totoo nga ang mga sabi-sabing hindi nag-uulit ang dating ginang ng damit o sapatos; ayon na rin sa kwento ng kanyang mga kakilala (Diaz, 2003).

“They went into my closets looking for skeletons, but thank God, all they found were shoes, beautiful shoes.� - Imelda Marcos Taong 2012 nang madiskubreng ang mga naiwan na sapatos at iba pang mga gamit sa palasyo ay nasira na nang dahil sa mga anay at mga baha. Mahigit 150 na kahon din ang inilipat sa Pambansang Museo noong 2010 para maitago, ngunit nasira din dahil hindi inalagan at walang sapat na pasilidad para sila'y maipreserba. Iilan lamang sa mga ito ang nailigtas at kasalukuyang nasa Marikina Shoe Museum. Ang mga mamahalin at branded na sapatos (tulad ng Chanel, Dior, at Ferragamo) ng dating ginang ay nanggaling pang Amerika at Europa. Dagdag ni Imelda, maraming pares din sa kanyang koleksyon ay regalo ng mga sapatero ng Marikina. Ani Jimmy de la Rosa, isa sa mga staff ng Shoe Museum, noong panahon ng mga Marcos ay $6-$11 ang halaga ng mga lokal na pares at $100 o higit pa naman para sa mga imported na pares. Mula high heels, sandals, flats, bota hanggang tsinelas ang mga klase ng sapatos na nasa museo.

Mga nasirang sapatos at bag dulot ng panahon (Source: Daily Mail UK)

Isang parte ng exhibit sa Marikina Shoe Museum (Shirley Escalante, ABC News)

8


ALAM MO BA? 21.6 centimeters o 8 1/2 ang shoe size ni Gng. Marcos. Nang itanong kung alin ang pinakapaborito niyang pares, sinabi ng dating ginang na lubos niyang nagustuhan ang gawa ng Italyanong si Beltrami. Kasyang-kasya raw kasi sa kanya ang nasabing sapatos na hindi napigilang bumili pa ng mas maraming pares si Gng. Marcos na nasa ganoon ding disenyo.

Litrato ng basement ng Malacanang (1986)

“If she saw a pair of shoes she liked, she ordered a dozen at a time.” - Beth Day Romulo, from Inside the Palace: The Rise and Fall of Ferdinand and Imelda Marcos (1987)

“I was born ostentatious. They’ll list my name in the dictionary someday. They will use Imeldific to mean ostentatious extravagance.” - Imelda Marcos

(Source: ABC News)

Litrato sa ibaba: Natagpuang istante ng sari-saring sapatos ng ginang


KINUMPISKANG ALAHAS Mayroong kinikilalang tatlong koleksyon ng mga alahas ni Gng. Imelda Marcos na ngayo'y hawak na ng gobyerno. Humigit-kumulang na $21M ang siyang kabuuang halaga ng mga alahas, ngunit wala pang tiyak na numero sapagkat patuloy pa rin ang proseso ng appraisal ng mga eksperto mula sa dalawang auction houses na Christie's at Sotheby's. Sa kabila ng mga kuro-kuro na napalitan daw ang mga tunay na alahas ng peke (sa kadahilanang tatlong dekada silang itinago sa Bangko Sentral ng Pilipinas), ipinabatid ni PCGG commissioner Andrew de Castro na lahat ng alahas ay totoo nang sila'y inilagay sa opisyal na inspeksyon.

1. HAWAII COLLECTION - 300 piraso ng sari-saring alahas - Kinumpiska ng US customs pagkadating ng pamilya Marcos sa Hawaii noong Pebrero 1986

Appraisal ng mga eksperto (Noel Celis / AFP / Getty Images)

- 'Di kalauna'y hawak na ito ng Presidential Commission on Good Government

2. ROUMELIOTES

3. MALACANANG

COLLECTION

- Mahigit 400 piraso ng alahas at iba pang mamahaling gamit - Naiwan sa palasyo matapos ang EDSA I - Idineklara ng Sandiganbayan noong 2014 na parte ang koleksyon sa ninakaw na kaban ng bayan ng mga Marcos

COLLECTION

- 60 piraso ng alahas lamang, ngunit inaakalang pinakamahal sa lahat ng mga koleksyon - Kinumpiska mula sa inaakusang crony ng mga Marcos na si Demetriou Roumeliotes nang subukan niyang ilabas ang koleksyon papalabas ng bansa - Hawak na ng Bureau of Customs 10


Ilan sa mga alahas na parte ng Roumeliotes Collection ni Imelda Marcos (Mga litrato ni Diana Limjoco, 1986)

11


NASAAN NA NGAYON ANG MGA ALAHAS? Plano ng gobyerno na ipa-auction ang lahat-lahat ng mga alahas matapos ang appraisal ng mga eksperto. Ayon sa pinakabagong balita, inaprubahan ng gobyerno ang pagbenta ng Hawaii Collection noong Pebrero 2016. Inilagay muna ito sa isang exhibit para sa publiko bago ang opisyal na auction. Ang salaping makakalap ay isasauli sa kaban ng bayan at gagamitin para sa mga proyekto. Pebrero 2017 naman nang ideklara ng Korte Suprema na parte nga ng ill-gotten wealth ng mga Marcos ang dalawang natitirang koleksyon. Natalo ang dating ginang sa kaso na sana'y mapasakanya muli ang naturang mga alahas. $110,055 hanggang $153,089 ang sinasabing halaga ng Roumeliotes at Malacañang Collection.

“The collection is a critical part of the past. We believe that the exhibition of these ill-gotten jewels will be a great vehicle to raise awareness - especially for the younger generation and those who have forgotten - and to remind the Filipino people of the perils of the two-decade regime of corruption that was under the Marcoses.” - Richard Amurao, PCGG Chairman (2016)

DALAWANG KLASE NG TIARA NG DATING UNANG GINANG

(Joel Nito / AFP / Files, 2005)

(Noel Celis / AFP / Getty Images, 2015-2016)

Mayroong isang kwento na noong 1971 sa Persepolis, dumalo si Imelda Marcos sa pagdiriwang ng Shah ng Iran at ang asawa nitong si Empress Farah Diba. Bago ang salu-salo, kasama ni Imelda ang anak na si Imee at ang kaibigang si Christina Ford sa tent kung saan siya'y inaayusan ng hairdresser na si Carling Mercado. Patapos na nang ayusan ang pusod na buhok ng dating unang ginang noong mapansin ni Ford ang kumikislap na tiara na dapat sanang ilalagay ni Mercado. Wika ni Ford, "Meldy, you cannot wear that tonight, it's a royal reception and only crowned heads and blue blood royalty can wear their crowns and tiaras." Binati ang kumentong ito ng katahimikan at matapos ang ilang saglit, nagbigay ng suhestiyon si Mercado: "Worry not Madame, let's just wear it on the back of your pusod upside down like a necklace." Sinuot nga ni Imelda ang tiara nang pabaliktad at siya nama'y naging sentro ng usapan pagsapit ng pagdiriwang. 12


KOLEKSYON NI IMELDA: MGA LIKHANG SINING Hindi lang sapatos at alahas ang bumubuo sa imahe ng ginang. Kilala rin si Imelda Marcos sa kaniyang pangongolekta ng mga likhang sining gaya ng mga larawang nagmula pa sa iba-ibang bahagi ng mundo, at gawa ng iba’t ibang tanyag na pintor.

Figure 1. Si Imelda Marcos sa kanyang tirahan sa Manila, 2007 (Rome Gacad/ AFP-Getty Images)

Ayon sa Presidential Commission on Good Government o PCGG, ang mga Marcos ay nagtalaga ng $ 20,000,000 o humigit kumulang P 1,000,000,000, sa pagbili ng mga larawang ito—halagang labis na disproposyonado sa kanilang disposable income na $ 957, 487.75 lamang, ayon sa kanilang income tax declaration. Ang malaking pagitan sa mga numerong ito ay nangangahuluhan na ang mga Marcos ay gumamit ng pera ng bayan upang mabili ang mga nasabing larawan, na walang humapay pa ring itinatanggi ni Imelda. Sa pagtatapos ng EDSA Revolution, natagpuan sa Malacanang Palace ang mga resibo, dokumento at kuwadro na nagsilbing ebidensya ng pagbili ng ginang sa mga larawan. Samakatuwid, ang mga likhang sining na ito ay kasama sa ill-gotten wealth ng mga Marcos na patuloy pa ring binabayaran ng mga mamamayang Pilipino. Ang PCGG ang naatasang magimbestiga at bawiin ang mga larawan, kasama ang iba pang ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos. Ang ilan sa mga nabawing larawan ay natagpuan sa Metro Manila lamang, samantalang ang iba naman ay umabot sa malalayong panig ng mundo gaya ng Paris, France.

13


Timeline ng pagbili ni Imelda ng mga likang sining Si Ralph Wolfe Cowan, isang pintor mula Florida ay sinabing nagkaroon ng 19 na transaksyon kay Imelda sa loob ng 12 taon, mula 1977 hanggang 1990. Tinatayang ang bawat canvas na kanyang ipininta par sa ginang ay nagkakahalagang $43,000. Samakatuwid, humigit-kumulang $750,000 ang ibinayad ni Imelda sa mga likha ni Cowan. Ilan sa mga ipininta nito para kay Imelda ay larawan ni Pope John Paul II, nila Ronald at Nancy Reagan, at Jimmy at Rosalynn Carter (dating pangulo ng Estados Unidos at kanilang asawa), ni Mikhail Gorbachev (dating lider ng Soviet Union), ng mga lider sa Arabia, at ng mga Marcos. Ang ilan sa mga nabanggit na larawan ay binigay ni Imelda bilang regalo sa mga taong nakapinta rito, kung saan ang iba ay tinanggap at ang iba naman ay tinanggihan.

Figure 2. Isa sa mga larawan ni Imelda (gitna) sa San Juan na likha ni Cowan (Myles Garcia/ Thirty Years Later…Catching Up with the Marcos Era Crimes)

Taong 1991 nang naitala ng New York Times ang pagbenta ng gobyerno ng Estados Unidos sa 25 Old Master paintings na nakumpiska mula sa negosyanteng Arabo na si Adnan Khashoggi sa France Ayon kay Khashoggi, ang mga larawan (38 ang orihinal na bilang) ay binili niya kay Imelda noong 1986 sa halagang $6.7 milyon. Walo sa 25 na nakumpiska ay peke umano, kabilang ang Rembrandt, Portrait of a Man. Ang auction ay naganap sa Christie’s sa New York sa parehong taon, kung saan ang gobyerno ng Pilipinas ay ibinenta ang 74 “Old Masters paintings” na pagmamay-ari rin ni Imelda, na nakasabit noon sa Metropolitan Museum of Manila (MMA). Humarap sa kasong “racketeering at fraud” ang dalawa sa korte sa New York noong 1991 ngunit sila’y napawalang-sala. Noong 2012, nasadlak sa anim na taong pagkakakulong si Vilma Bautista, ang dating sekretarya ni Imelda Marcos, dahil sa ilegal na pagbebenta ng “Old Masters Paintings” at ng Le Bassin aux Nympheas ni Claude Monet—isa sa kulang-kulang isang daang canvas na naglaho sa bahay ng mga Marcos sa New York at Olypmpic Tower, matapos ang kanilang pamumuno. Naibenta ang likha ni 14


Monet sa halagang $ 32,000,000 sa isnag gallery sa London, at binili naman ni Alan Howard, isang hedge-fund manager sa halagang $43,000,000. Bilang kilala si Imelda sa pagbili nang dose-dosena sa isang bagsakan, nagkaroon ang ginang ng interes sa pagkolekta ng sining na gawa ng iisang pintor—si Paule Gobillard na isang French Impressionist. Ang Knoedler-Hammer Gallery noon any mayroong 52 larawang likha ni Gobillard, na galing sa isang ‘di matagumpay na gallery show. Dahil sa reputasyon ni Imelda, binili niya ang 52 larawan sa halagang $273,000, kung saan ang mga mas mukhang tunay ay kinuha niya para sa kanyang sarili at ang iba naman ay nilagay niya sa Metropolitan Art Museum of Manila. Noong 2014, nakumpiska ang 15 larawang likha ni Gobillard—11 umano ay tunay—sa tirahan ng mga Marcos sa San Juan City. Itinatayang nagkakahalagang $1,000,000 ang presyo ng mga ito. Sinasabing ang pinakamahal na larawang nasa kamay ni Imelda ay sining na gawa ni Michelangelo, na binili niya sa halagang $3,500,000. Figure 3. Fortitude ni Giovanni Antonio Guradi (1648-1760) na naibenta sa Christie’s noong 1991 (Murvyn/ Flickr)

Sa kasalukuyan, mahigit 200 na larawan pa rin ang nawawala, kasama rito ang mga likha ni Picasso, Francisco de Goya, at Paul Gaugin. Tignan natin ang iba pang larawang binili ni Imelda Marcos sa kanilang pamumuno simula 1965 hanggang 1984, na nabawi at naibenta na ng PCGG.

Figure 6. A Cello Player ni Jan Harmensz van Bijlert; Naibenta sa halagang $110,000

Figure 5. Madonna and Child ni Michelangelo (PCGG)

15


Figure 7. Portrait of Marqueza de Sta. Cruz ni Francisco de Goya na nagkakahalagang $800,000 (PCGG)

Figure 8. Kitchen Interior with Figures ni Dirck de Vries; Naibenta ng PCGG sa halagang $50,000

Figure 10. Lorette with Cup of Tea ni Henri Matisse; Naibenta ng PCGG sa halagang $1,040,000

Figure 9. David with the Head of Goliath ni Francisco de Zurbaran; Naibenta ng PCGG sa halagang $750,000

16


ATING PAGNILAYAN Sa modyul na ito, lalo nating nakilala si Imelda Marcos. Natunghayan natin kung anong klaseng pamumuhay ang mayroon ang ginang bago pa man siya maging isang Marcos. Nakita rin natin ang karangyaan na kanyang ipinamalas noong maluklok ang kanilang pamilya sa pamumuno. Ang mga sapatos, alahas, at likhang sining, ay ilan lamang na patunay sa labis-labis na perang ginastos ni Imelda para sa kaniyang pansiriling interes at kaligayahan—perang pagmamay-ari ng mamamayang Pilipino, at perang ninakaw ng mga Marcos mula sa bayan. Mahalaga sa bawat tao ang tuklasin ang kasaysayan ng kanilang bansa. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, responsibilidad natin na alamin at aralin ang nakaraan upang tayo’y maging mabuting Pilipino sa kasalukuyan. Sa pagsasaliksik sa nakaraan, maaari tayong makangalap ng mahahalagang impormasyon na makatutulong sa pagpapaunlad ng ating sarili at ng ating bansa, sa kasalukuyan at pati na rin sa hinaharap. Imelda at Ferdinand Marcos (Pinterest): Maraming manunulat ang nakapagsasabing ang administrasyong Marcos ay isang kapangyarihan na binuo sa pagsasanib-pwersa ng mag-asawa.

Noong 2016, naitala ng PCGG na P170 bilyong halaga na ng ill-gotten wealth ng mga Marcos ang kanilang nababawi, sa loob ng halos 30 taong imbestigasyon at paghahanap. Sa mga susunod na taon, at sa pamumuno ng bagong administrasyong Duterte, magiging aktibo pa rin kaya ang PCGG sa kanilang tungkulin?

Ang ill-gotten wealth ng mga Marcos ay isang halimbawa ng kahalagahan ng pag-aaral ng kasaysayan. Ngayon, alam na natin kung bakit patuloy pa rin ang pagtaas ng binabayarang buwis ng mga Pilipino; alam na natin kung bakit hanggang ngayon ay mabagal pa rin ang pag-unlad ng bansa; alam na natin na tunay ngang hindi maituturing na “Golden Age” ang pamumuno ng mga Marcos; higit sa lahat, alam na natin na hindi na dapat nating hayaang maulit pa ang kasaysayan, at ang pang-iisa sa atin ng mga namumuno sa bansa. Subalit, nakululungkot na marami pa ring Pilipino ang naniniwalang pinakamahusay ang termino ng mga Marcos. Ito ay dahil sa kawalan ng kalamaan sa kasaysayan, at kawalan ng motibasyon upang alamin ito. Sa pagkakataong malaman ng marami kung gaano kalaki ang perang ninakaw at ginastos ni Imelda sa pagbili sa kaniyang mga koleksyon, tatangkilikin pa rin kaya nila ang rehimeng Marcos? Kaya ikaw na nakabasa ng modyul na ito, ay may kakayahang magbahagi ng iyong nalaman ukol sa kasaysayan. Nawa’y magamit mo ang iyong mga natutunan sa modyul na ito sa pagpapalaganap ng katotohohan. Matutong mangalap ng impormasyon ukol sa nakaraan, at gamitin ito sa makabuluhang pakikipagdiskurso. Ang mga nakalap na impormasyon tungkol sa kasaysayan ay gamitin din upang maging kritikal at matalino sa pagpili ng ating mga desisyon at paniniwala sa buhay.

17


SURIIN NATIN! Gawain #1: Paggawa ng graph

Panuto: Base sa listahan ng mga gastusin ni Gng. Imelda Marcos sa kanyang pananatili sa New York noong 1983, gumawa ng bar graph. Maaaring ilagay sa iisang grupo ang magkakatulad na mga gamit. Gawing x-axis ang kagamitan, at y-axis naman ang presyo. Mula sa natapos na graph, magbigay ng maikling paliwanag ukol sa iyong paraan ng pagsasaayos ng datos. Anong mga impresyon ang maaaring makuha sa gawain? Ilagay ang mga sagot sa susunod na pahina. Gastusin sa mga alahas: 

Gawain #2: Pagsulat ng maikling repleksyon ayon sa primeryang datos Panuto: Basahin ang excerpt sa isang panayam ng Philippine Daily Inquirer kay Gng. Imelda Marcos (Agosto 2011). Mula sa teksto, ano ang kanyang pilosopiya o pananaw sa buhay? Paano naimpluwensiyahan ng pananaw na ito ang kanyang paraan ng pamumuhay at mga desisyong pampulitikal? Sa loob ng 3-5 pangungusap, suportahan ang iyong sagot sa susunod na pahina. Gumamit ng mga mapagkakatiwalaang sanggunian at siguruhing itala ang mga ito. Inquirer: You’ve just celebrated your birthday. What makes you still strong and beautiful in your 80s? What’s your secret? Imelda: Eighty-second birthday. First of all, I am

$100,000 - emerald, diamond, and ruby

very, very lucky because I’m so blessed. I had parents

necklaces

who taught me, gave me education and values and attitude, and to be a true believer. Sometimes they

$200,000 - antique jewelry

$8,500 - gold cuff links

$200,000 - diamond bracelet

$208,000 - emerald and diamond bracelet

the good, true and beautiful.” The same thing with

$52,000 - heart-shaped earrings

Plato, who said, “God is made real with the good, true

$29,312 - Bulgari jewelers

and beautiful.”

Iba pang gastusin:

laugh at me, with the good, the true and the beautiful, which is God made real. Even Confucius said, “What is peace? Peace is the giving of love. Love is the giving of

Sometimes, when I get exasperated, [when others say] ‘eto naman si Ma’am with the good, true and the

$23,000 - books

$43,370 - silver flatware

$10,000 - antique dessert service

$34,880 - limousines

$20,046 - unspecified "shopping"

So when I get this criticism of the good and beautiful,

$10,340 - bedsheets

sinasabi ko sa kanila na hindi ako magiging bunga

$100 - tips for Waldorf Towers bellboys

kung hindi ako magandang bulaklak muna.

beautiful, [I think it’s] just common sense. My mother died when I was eight, and I was nurtured in Leyte, which was practically a paradise. If you see Olot, it’s really paradise. Nature is resplendent and beautiful.

18


Gawain #1

Gawain #2

19


SANGGUNIAN Associated Press. 2014. Philippines seizes 15 paintings from Marcos family. Inquirer. Retrieved from http://lifestyle.inquirer.net/173362/philippines-seizes-15-paintings-from-marcos-family/ Associated Press. 2016. Who deserves millions in arts seized from Marcoses? Inquirer. Retrieved from http://lifestyle.inquirer.net/245660/deserves-millions-art-seized-marcoses/ Cabacungan, G. 2012. US officials seize Marcos porperties worth P1B. Inquirer. http://globalnation.inquirer.net/57227/us-officials-seize-marcos-properties-worth-p1b

Retrieved

from

Catap, R., Jr. (2013, November 9). [Infographic] Martial Law by the Numbers. Retrieved April 15, 2017, from https://www.behance.net/gallery/12015453/Infographic-Martial-Law-by-the-Numbers Chua, X. (2013, July 2). Ang Lihim na Kwento ni Imelda Marcos. Retrieved April 7, 2017, from https://xiaochua.net/2013/07/03/xiao-time-2-july-2013-ang-lihim-na-kwento-ni-imelda-marcos/ Drogin, B. (1986, March 22). Imelda Marcos' Shopping Gave 'Spree' New Meaning. Retrieved April 7, 2017, from http://articles.latimes.com/1986-03-22/news/mn-21969_1_imelda-marcos Escalante, S. (2016, October 2). Imelda Marcos shoe museum: The excess of a regime that still haunts the Philippines. Retrieved April 15, 2017, from http://www.abc.net.au/news/2016-10-02/imelda-marcos-shoe-museum:-the-excess-of-a-regime/7877098 Functions of the Presidential Commission on Good Government. http://en.wikipilipinas.org/index.php/Presidential_Commission_on_Good_Government Francisco, K. 2016. Martial Law, the dark chapter in Philippine history. http://www.rappler.com/newsbreak/iq/146939-martial-law-explainer-victims-stories

Retrieved

Rappler.

Retrieved

from from

Garcia, M. Thirty Years Later… Catching Up with the Marcos-Era Crimes. Retrieved from https://books.google.com.ph/books?id=q9zbCwAAQBAJ&pg=PT51&lpg=PT51&dq=khashoggi+paintings&source=bl &ots=Emd1IKQ7k-&sig=JBtgKf1hWBHEamZHKVNMjI99bso&hl=en&sa=X&ved=0ahUKEwipy_7T06bTAhXMa7wKHZJ LBRoQ6AEISjAK#v=onepage&q=khashoggi%20paintings&f=false Imeldific at 82. (2011, August 14). Retrieved April 8, 2017, from http://lifestyle.inquirer.net/9585/imeldific-at-82 Imelda Marcos Biography. (2016, November 30). http://www.biography.com/people/imelda-marcos-21062601

Retrieved

April

7,

2017,

from

Imelda Marcos Fast Facts. (2016, June 29). Retrieved http://edition.cnn.com/2015/10/09/asia/imelda-marcos-fast-facts/

April

7,

2017,

from

Limjoco, D. (2014, July 4). The jewelry of Imelda Marcos collection called Roumeloites, photographed in 1988 for PCGG. Retrieved April 16, 2017, from http://jewels-of-imelda-marcos.blogspot.com/ Lustre,P. 2016. Recovering Marcos’ ill-gotten wealth: After 30 years, what? Rappler. Retrieved from http://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/123664-recovering-marcos-ill-gotten-wealth-30-years Mateo, J. 2015. PCGG prepares to auction Imelda jewelry. Philippine Star. Retrieved http://www.philstar.com/headlines/2015/12/24/1535916/pcgg-prepares-auction-imelda-jewelry Neuendorf, H. 2015. Philippines Launches Online Search for Imelda Marcos’ Missing Masterpieces. Artnet Worldwide Corp. Retrieved from https://news.artnet.com/art-world/imelda-marcos-missing-art-philippines-373709

from

20


Oliver, A. (2012, September 23). Imelda Marcos' famous collection of 3,000 shoes partly destroyed by termites and floods after lying in storage in the Philippines for 26 years since she exiled. Retrieved April 15, 2017, from http://www.dailymail.co.uk/news/article-2207353/Imelda-Marcos-legendary-3-000-plus-shoe-collection-destroyed -termites-floods-neglect.html Perry, J. (2016, February 16). Philippines to sell Imelda Marcos's 'ill-gotten' jewels, worth millions. Retrieved April 16, 2017, from http://edition.cnn.com/2016/02/16/luxury/imelda-marcos-jewelery-auction/ Philippine Commission on Good http://www.missingart.ph/about

Government.

The

Missing

Philippine History. EDSA People Power http://www.philippine-history.org/edsa-people-power-revolution.htm

Art

Movement.

Revolution.

Retrieved Retrieve

from from

Philippine Star. (2015, November 26). PCGG: Marcos jewelry intact. Retrieved April 16, 2017, from https://sg.news.yahoo.com/pcgg-marcos-jewelry-intact-000000872.html?linkId=19083556 Picture source. Flickr. Retrieved from https://www.flickr.com/photos/63840771@N02/16379167955 Picture source. Flickr. Retrieved from https://www.flickr.com/photos/apolakay/16101970551/in/photostream/ Presidential Commission on Good Government: Mission & http://pcgg.gov.ph/the-commission/mandate/mission-vision/

Vision.

Retrieved

April

15,

2017,

from

Rappler. (2016, February 10). Imelda's jewelry collection belongs to gov't - court. Retrieved April 16, 2017, from http://www.rappler.com/nation/47862-court-forfeits-imelda-jewels-for-ph Rappler. (2017, February 13). SC affirms forfeiture of Imelda Marcos' 3rd jewelry set. Retrieved April 16, 2017, from http://www.rappler.com/nation/161338-supreme-court-forfeiture-imelda-marcos-jewelry-malacanang-collection Reif, R. 1991. Auctions. The New York Times. Retrieved from http://www.nytimes.com/1991/01/04/arts/auctions.html Republic Act no. 7080. Section 1-D. Ill-gotten wealth. http://www.ombudsman.gov.ph/docs/republicacts/Republic_Act_No_7080.pdf

Retrieved

from

Romulo, Beth D. (1987). Inside the Palace: The Rise and Fall of Ferdinand and Imelda Marcos. New York: Feffer & Simmons, A Baker & Taylor Company. Samonte, J. (2015, February 24). Infrastructures Built During Marcos’ Time. Retrieved April 7, 2017, from https://www.hoppler.com.ph/blog/design-and-architecture/infrastructures-built-during-marcos-time Santos, E. 2016. Timeline: Jewels, properties, and billions of Marcos ill-gotten wealth. CNN Philippines. Retrieved from http://cnnphilippines.com/news/2015/11/25/timeline-marcos-ill-gotten-wealth-jewels-properties-paintings.html?i ndex=9

21


MAYO 2017

22


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.