/LEILADELIMAOFFICIAL
@SENLEILADELIMA
/SENLEILAMDELIMA
TOMO 1 BILANG 8
AGOSTO 2019
De Lima ‘bayani at martir’ – ‘Mareng Winnie’ 4
‘FREE LEILA COMMITTEE’ INILUNSAD Dating mga Senador, suportado ang pagdalo ni De Lima sa sesyon
PALAYAIN SI LEILA! – Sama-samang nagpahayag ng suporta para sa agarang pagpapalaya kay Sen. Leila M. de Lima sina Senador Risa Hontiveros, dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV at Rene Saguisag, dating Presidential Adviser for the Peace Process Teresita “Ging” Quintos-Deles, Atty. Antonio La Viña at Vicente de Lima II sa pormal na paglulunsad ng Free Leila Committee sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City.
Inilunsad ang isang komite na nagsusulong ng agarang pagpapalaya kay Sen. Leila M. de Lima sa makasaysayang Club Filipino sa San Juan noong ika-26 ng Agosto, bisperas ng kanyang ika-60 kaarawan. Tinawag na “Committee for the Freedom of Leila M. de Lima”, isinabay ang paglulunsad nito sa paggunita ng Araw ng mga Bayani. Kabilang sa pangunahing miyembro ng komite ang kilalang ekonomista na si Prof. Solita Collas-Monsod, Dean Tony La Viña, dating Sec. Teresita “Ging” Deles, Bro. Armin Luistro at dating Senador Rene Saguisag. Naniniwala ang komite na dapat palayain si De Lima dahil inosente siya sa mga imbentong kaso na isinampa ng pamahalaan gamit ang mga saksing nkabilanggo para sa iba’t ibang kasong kriminal. Tampok sa paglulunsad ng komite ang pagbasa ng joint statement mula sa walong dating Senador na sumusuporta sa panawagan na mas magampanan ni De Lima ang kanyang trabaho bilang Senador na inihalal ng taumbayan. Kamakailan, naghain sina Senate Minority Leader Franklin M. Drilon at Sen. Panfilo Lacson ng Senate Resolution No. 51 na isinusulong na payagan si De Lima na makadalo sa plenary sessions sa pamamagitan ng elektronikong pamamaraan gaya ng teleconferencing o video conferencing. Ilang ulit nang iginiit ni De Lima na wala siyang kasalanan at sinabing ito’y bahagi ng ganti ng admistrasyong Duterte dahil sa kanyang pagiging kritiko sa mga maling polisiya ng gobyerno.
Pangako ng Senadora sa Panukala ni De Lima para sa senior citizens, batas na Kamakailan, naaprubahan ang Republic Act No. 11350 o kanyang ika-60 kaarawan ang National Commission of Senior Citizens Act, kung saan si Nangako si Sen. Leila M. de Lima na dodoblehin pa ang pagsisikap na isulong ang mga adbokasiya sa karapatang pantao at katarungang panlipunan sa kabila ng panggigipit ng kasalukuyang administrasyon. “Tuloy pa rin ang pagtatrabaho ko upang matiyak na protektado ang karapatang pantao ng mga Pilipino, sa kabila ng panggigipit at pagpapahirap sa akin ng gobyerno,” wika ni De Lima, na nagdiwang ng kanyang ika-60 kaarawan noong ika-27 ng Agosto. Ito ang ikatlong taon na nagdiwang si De Lima ng kaarawan sa loob ng detention center bunsod ng mga imbentong kaso ng gobyerno gamit ang mga saksing nahatulan na sa iba’t ibang kaso. Sa kabila nito, determinado si De Lima na maisulong ngayong 18th Congress ang mga panukala niya ukol sa reporma sa mga bilangguan, Human Rights Defenders Protection Act, Anti-EJK Act at Refugee and Stateless Persons Protection Act. Kabilang din sa unang naihain na mga panukalang batas ni De Lima ngayong 18th Congress ay ang Barangay Health Workers Bill at Statement of Assets, Liabilities and Net Worth Bill. SUNDAN SA PAHINA 2
Human Rights Defenders Bill, muling itinulak ni De Lima Sa harap ng walang humpay na atake at pag-abuso laban sa human rights defenders (HRDs) sa bansa, muling inihain ni Sen. Leila M. de Lima ang panukalang titiyak sa kanilang kaligtasan upang magampanan ang tungkulin nang hindi nakararanas ng anumang panggigipit. Isinumite ni De Lima, kilalang kampeon ng karapatang pantao at katarungang panlipunan, ang Senate Bill (SB) No. 179 na layong itaguyod at protektahan ang karapatan ng human rights defenders (HRDs) na matapang na tumatayo laban sa mga pag-abuso ng gobyernong Duterte. Paliwanag ni De Lima, layunin ng panukala na obligahin ang pamahalaan na protektahan ang HRDs at magtakda ng mga remedyo sakaling makaranas sila ng paglabag sa kanilang mga karapatan. Batay sa rekord ng human rights group na Karapatan, nasa 134 HRDs na ang napapaslang mula nang maupo si Duterte noong Hunyo 2016. Nakapasa sa Kamara ang katulad na panukala noong 17th Congress, subalit hindi umusad ang panukala ni De Lima sa Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Richard J. Gordon. Umaasa si De Lima na mabibigyang pansin at importansiya ang panukalang ito ngayong 18th Congress.
HANDOG SA SENIOR CITIZENS -- Magandang regalo ni Sen. Leila M. de Lima para sa senior citizens ang batas na magtatayo ng komisyon para sa kapakanan ng mga nakatatanda sa bansa.
Ikinatuwa ni Sen. Leila M. de Lima ang pagsasabatas ng panukalang lilikha ng pambansang komisyon na tututok sa kapakanan ng milyun-milyong senior citizens sa bansa.
De Lima: ‘POGO Island’ posibleng umpisa ng Chinese invasion Nangangamba si Sen. Leila M. de Lima na posibleng umpisa na ng unti-unting pananakop ng China ang itatayong 32 hektaryang “POGO Island” sa Kawit, Cavite. “Puwede itong maging simula ng unti-unting pananakop ng Tsina kapag nagpasya silang okupahan ang iba pang malaking lupain sa bansa. Mas malala pa ito sa ginawa nila sa West Philippine Sea kapag nagkataon,” wika ni De Lima. Kasunod ito ng ulat na binili ng isang mayamang Chinese-Filipino businessman ang dating Island Cove Resort mula sa pamilya Remulla at ginawa itong lugar para sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers na galing China. Batay sa ulat, nasa 20,000 manggagawang Tsino ang
Duterte, di dapat santuhin ng ‘Bawal Bastos’ Act — De Lima Umaasa si Sen. Leila M. De Lima na susunod si Ginoong Duterte sa Republic Act (RA) No. 11313, o ang “Safe Streets and Public Spaces Act” na kanyang pinirmahan kamakailan. Ayon kay De Lima, mahalagang maipatupad nang maayos at walang santuhin ang batas, na kilala rin bilang “Bawal Bastos Act,” lalo na si Duterte na kilala sa kanyang mga malisyosong pagpapatawa at bastos na pananalita sa kababaihan. “Hindi siya exempted sa batas na ito,” wika ni De Lima, na ilang beses ding nakatanggap ng mga bastos na pananalita
De Lima ang principal sponsor at co-author sa Senado. “Sa pamamagitan ng batas na ito, mas mapapagtibay natin ang pagpapatupad ng mga programa na magbibigay ayuda sa mga nakakatanda nating mga kababayan upang sila ay mabuhay nang marangal at makaambag sa pagpapaunlad ng ating bansa,” wika ni De Lima, na siyang chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development. Sa ilalim ng batas na ito, itatatag ang National Commission on Senior Citizen (NCSC) na siyang tututok sa kapakanan ng senior citizens kapalit ng National Coordinating and Monitoring Board. Titiyakin ng NCSC ang mahigpit na implementasyon ng batas para sa senior citizens at aatasan ang Department of Social Welfare and Development na bumuo ng mga polisiya at programa para sa kanilang mga benepisyo.
kayang umokupa sa nasabing lugar kapag nagbukas ito sa susunod na buwan. Aakyat ang bilang na ito sa 50,000 kapag natapos na ang complex. “Baka isang araw, magising na lang tayong puro Tsino na ang mga kapitbahay natin kapag dumami ang mga katulad nitong POGO island,” wika ni De Lima. Kasabay nito, hiniling ni De Lima sa pamahalaan na tiyaking sumusunod ang POGO operators sa mga batas ng Pilipinas ukol sa paggawa at pagbubuwis. Noong 17th Congress, isinumite ni De Lima ang Senate Resolution No. 1030 noong Marso 2019 para maimbestigahan ang mga paglabag ng POGO sa mga panuntunan ng pamahalaan pagdating sa mga dayuhang manggagawa. Naghain din si De Lima ng resolusyon para imbestigahan ang pagdagsa ng mga dayuhang Tsino sa Pilipinas na naging kakumpitensiya ng mga Pilipino sa trabaho. mula kay Duterte. “Masaya po tayo sa pagiging ganap ng batas na tutugon sa mga pang-aabuso sa mga kababaihan at miyembro ng LGBT community na madalas na nagiging biktima ng pambabastos sa pampublikong lugar,” giit ni De Lima, isa sa mga may-akda ng nasabing batas. Sa ilalim ng batas, bawal na ang pagmumura, pagsipol, mga bastos na pananalita at iba pang uri ng pambabastos sa kababaihan at LGBT sa mga lansangan at iba pang pampublikong lugar. May katumbas na parusang 12 oras na community service sa unang paglabag hanggang 11 hanggang 30 araw pagkabilanggo sa ikatlong paglabag ang sinumang lalabag sa nasabing batas.
22
ABRIL - HUNYO 2019
DE LIMA, PABOR SA HABAMBUHAY NA KULONG KAYSA DEATH PENALTY
Sa harap ng planong pagbuhay ng death penalty ng mga kaalyado ni Ginoong Duterte, naghain si Sen. Leila M. De Lima ng panukalang magpapataw ng parusang habambuhay na pagkabilanggo o qualified reclusion perpetua sa mga karumaldumal na krimen, tulad ng kasong may kinalaman sa droga at pandarambong. Sa kanyang Senate Bill No. 187, nais ni De Lima na patawan ng habambuhay na pagkabilanggo ang tinatawag na extraordinary heinous crimes sa halip na bitay, na hindi naman napatunayang nakababawas sa bilang ng karumal-dumal na krimen sa bansa. Kapag naisabatas, papatawan ng tinatawag na qualified reclusion perpetua o pagkabilanggo ng 50 taon na walang posibilidad na mabigyan ng parole ang mga mapatutunayang nagkasala ng treason, piracy, murder, infanticide, kidnapping at serious illegal detention, robbery with violence against or intimidation of persons, destructive arson, panggagahasa, plunder at paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.
Saklaw din ng panukala ang iba pang krimen tulad ng carnapping, human trafficking, kalupitan laban sa mga kababaihan at bata, paglabag sa Republic Act No. 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, genocide, torture at terorismo. Maliban sa qualified reclusion perpetua, ang mapatutunayang nagkasala ng karumal-dumal na krimen ay pagmumultahin ng P5 milyon. Paliwanag ni De Lima, maliban sa katotohanan na hindi nakabawas sa karumal-dumal na krimen ang death penalty, na tanging mahihirap na walang pambayad sa abogado ang tatamaan ng parusang bitay. Sinabi pa ni De Lima na hindi napapanahon ang pagbuhay sa parusang bitay dahil sa napakabagal na usad ng hustisya sa bansa, maliban pa sa ilang isyu ng katiwalian at kapalpakan na ibinabato sa hudikatura. Ayon pa kay De Lima, mismong Korte Suprema ang nagsabi na aabot sa 71.77 porsiyento ang pagkakamali pagdating sa kasong may parusang bitay.
Butas sa SALN Law, nais remedyuhan ni De Lima Naghain si Sen. Leila M. de Lima ng panukalang batas na reresolba sa mga butas sa pagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) upang mas maging epektibo ito sa pagsugpo sa katiwalian. Sa kanyang Senate Bill No. 186 o ang Comprehensive Statement of Assets, Liabilities and Net Worth Act of 2019, nais ni De Lima na magpasok ng ilang probisyon sa Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees para magkaroon ng linaw ang ilang malabong bahagi ng batas. Matatandaan na nagamit ang usapin sa pagsusumite ng SALN sa inihaing quo warranto
Pangako ng Senadora sa kanyang ika-60 kaarawan MULA PAHINA 1 Kasama naman sa ikalawang batch ng panukala ni De Lima ang Anti-Extrajudicial Killing Bill, amyenda sa Partylist Law, pagpapalakas ng Philippine National Police (PNP) Human Rights Affairs Office at pagpapaunlad ng operasyon ng Social Welfare and Development Agencies (SWDA). Nagpasalamat si De Lima, na naitalagang muli bilang Chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, kay Senate President Vicente Sotto III at mga kapwa senador sa kanilang tiwala na maisusulong niya ang maraming mahalagang batas. Sa pamumuno ni De Lima, apat na panukala na kanyang iniakda na dumaan sa komite ang naging batas. Kabilang dito ang Republic Act No. 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (or 4Ps) Law at Republic Act No. 11291 o Magna Carta of the Poor Law at Republic Act No. 11350 o National Commission of Senior Citizens Act. Naisabatas din ang Senate Bill No. 2172 bilang Republic Act No. 11135 o ang Community-Based Monitoring System Act kung saan isa siya sa mga may-akda. Sa kabuuan, 116 panukalang batas at 138 resolusyon ang naihain ni De Lima sa loob ng tatlong taon ng kanyang panunungkulan.
De Lima sa VACC: Katotohanan ang mananaig sa imbentong kaso Isinantabi lang ni Sen. Leila M. de Lima ang pahayag ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na malakas ang kanilang kaso laban sa kanya, sa paniwalang mananaig ang katotohanan laban sa mga kasinungalingang dala ng mga ginipit na saksi ng pamahalaan. “Hinding-hindi masasabing matibay na ebidensya ang mga kasinungalingan! Sa huli, malaki ang tiwala ko na mananaig pa rin ang katotohanan sa gitna ng mga lantarang kasinungalingan ng mga tinakot at ginipit na saksi laban sa akin,” sabi ni De Lima. Sa mga nakalipas na pagdinig sa kaso ng Senadora, kapansinpansin ang magkasalungat na testimonya ng dalawang saksi ng prosekusyon na sina dating Bureau of Corrections (BuCor) officer in charge Rafael Ragos at dating National Bureau of Investigation (NBI) agent Jovencio Ablen, Jr. Sinabi ni De Lima na inakusahan ni Ragos si Ablen na sangkot sa ilegal na droga habang itinuro naman ng huli ang dating BuCor OIC na tumatanggap ng “tara” mula sa mga nakabilanggong drug lords. Paniwala ni De Lima, ang pinakamatapang na kritiko ni Mr. Duterte at ng peke nitong kampanya laban sa ilegal na droga, na tumestigo lang sina Ablen at Ragos para mailigtas ang kanilang sarili at manatili bilang opisyal at ahente ng NBI. Sa huli, kumpiyansa si De Lima na malalaman din ng buong bansa ang katotohanan na mapapatunayan na isa siyang inosente at biktima lamang ng panggigipit ng rehimeng Duterte.
laban kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Sa nasabing proseso, sinabi ng mambabatas mula sa Bicol na isa sa mga kuwestiyon ay kung dapat bang itabi ng mga empleyado ng pamahalaan ang kanilang SALN sa panahon ng kanilang paninilbihan sa pamahalaan. Sa panukala ni De Lima, itinatakda nito ang mga saklaw na pampublikong opisyal at empleyado at inilalatag ang lahat ng legal na obligasyon ng lahat ng kaukulang partido ukol sa paghahain at pagtatabi ng kopya ng SALNs. Nakasaad din dito ang pinatinding parusa sa mga empleyado ng pamahalaan na mabibigong sumunod sa patakaran.
De Lima sa PNP: Gaano ba tayo kaligtas? “Gaano tayo kaligtas?” Ito ang tanong ni Sen. Leila M. de Lima sa Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagbatikos sa ibinida ng PNP na nananalo ang gobyerno sa kampanya kontra ilegal na droga. Ginawa ni De Lima ang pahayag kasunod ng pagpatay sa gurong si Ruby Marcha Domalanta sa Dasol, Pangasinan habang bumibiyahe kasama ang asawa. “Ligtas pa ba tayo sa ating mga lansangan, lalo ngayong pati simpleng guro ay pinapatay na rin nang walang kalaban-laban?” wika ni De Lima, na maigting na tumututol sa mga patayan sa bansa dulot ng war on drugs ni Duterte. Kinondena din ni De Lima ang pagkamatay ni Myca Ulpina 3-anyos na batang babae, sa isang buy-bust operation na si Myka Ulpina sa isang operasyon ng mga pulis sa Rizal noong Hunyo 30. “Ito ba ang panalo para sa gobyernong ito? Ang pagpaslang sa isa na namang inosenteng bata tulad ni Myka, at sa libo-libong mahihirap na Pilipino?” wika ni De Lima. “Panalo ba nilang maituturing na pagkatapos ng tatlong taon, bilyon-bilyong halaga ng ilegal na droga pa rin ang naipupuslit sa bansa, habang nananatiling malaya ang mga tunay na drug lords?” dugtong pa ni De Lima. Ayon kay De Lima, ang pahayag ni Albayalde ay pinakabago sa mahabang listahan ng kasinungalingan na ikinakalat ng pamahalaang Duterte para malihis ang atensiyon ng publiko sa libu-libong kaso ng extrajudicial killings na nag-ugat sa war on drugs ng pamahalaan. “Kung sabagay, sadyang binabaligtad nila ngayon ang lahat sa rehimeng Duterte. Ang inosente, ikinukulong at pinapatay. Ang kriminal, pinapalaya at pinagtatakpan. Ang para sa Pilipino, ipinamimigay sa dayuhan,” punto ni De Lima.
Pagbusisi ng US Congress sa human rights violations sa bansa, suportado ni De Lima
Nagpasalamat si Sen. Leila M. de Lima sa kanyang mga tagasuporta na walang sawang dumadalo sa kanyang pagdinig sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) noong Agosto 9, 2019. Ikinalugod ni Sen. Leila M. de Lima ang ginawang pagsusuri ng United States Congress ukol sa lumalalang sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa, kabilang ang talamak na patayan at panggigipit sa mga nagtatanggol sa karapatang pantao at mga kritiko ng gobyerno. Sa isang pahayag, nagpasalamat si De Lima, na kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao, sa US House of Representatives’ Committee on Foreign Affairs sa pamumuno ni Rep. Brad Sherman, at iba pang organisasyon kaugnay ng nasabing pagkilos. Nagpaabot rin ng pasasalamat si De Lima sa mga resource person sa pangunguna ni Francisco Bencosme ng
Amnesty International na siyang nagpabatid sa sitwasyon ng karapatang pantao sa Pilipinas sa public hearing na ginawa noong ika-25 ng Hulyo sa Washington D.C. Noong ika-29 ng Hulyo, nag-post sa Twitter ang staff ni De Lima ng link sa video ng pagdinig ng mga mambabatas mula Estados Unidos, na nagkakaisang kinondena ang paglabag sa karapatang pantao ng rehimeng Duterte. Kasabay nito, muling iginiit ni De Lima sa UN Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang kabi-kabilang patayan at talamak na pang-aabuso sa karapatang pantao sa ilalim ng pamahalaang Duterte.
De Lima: UN probe pipigil sa Duterte ‘killing machine’
Malaki ang maitutulong ng imbestigasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) para mapigil ang ratsada ng Duterte “killing machine” na kumitil sa buhay ng libu-libong Pilipino. Sa kanyang komentaryong “How to stop the Duterte killing machine” na inihathala ng Rappler noong Hulyo 12, iginiit ni De Lima na makatutulong ang imbestigasyon ng UNHRC para mapanagot si Duterte sa libu-libong pinaslang sa kanyang madugong kampanya kontra ilegal na droga. Ayon kay De Lima, kailangang manghimasok na ang UNHRC dahil sa kawalan ng anumang seryosong pagkilos mula sa pamahalaan para imbestigahan ang talamak na extrajudicial killings (EJKs) sa bansa. Nagpasalamat naman si De Lima sa UNHRC sa pagapruba nito sa resolusyon na humihingi ng malawakang pagsusuri sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa,
lalo na sa madugong kampanya ng pamahalaan kontra droga. Para kay De Lima, kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao, ang resolusyon ng UNHRC ay magandang simula para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng napakaraming Pilipino at mapanagot ang mga nasa likod ng mga pag-abuso sa karapatang pantao. Ang resolusyon na isinumite ng Iceland noong ika-11 ng Hulyo ay inaprubahan ng UNHRC at pinirmahan ng 18 member-states. Subalit ito’y tinawag ng pamahalaang Duterte bilang panghihimasok sa lokal na usapin ng bansa. Bago rito, ilang beses nanawagan si De Lima sa UNHRC na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga nangyayaring patayan sa bansa kaugnay ng pekeng laban ni Duterte kontra ilegal na droga.
ABRIL - HUNYO
33
DE LIMA: PAG-ABUSO SA PARTYLIST Reporma sa mga bilangguan, SYSTEM WAKASAN NA! correctional isusulong ni De Lima Upang matigil ang pag-abuso sa sistema ng partylist, naghain si Sen. Leila M. de Lima ng panukalang batas na titiyak na tanging kinatawan ng mga lehitimong sektor ang makakaupo sa Kongreso at hindi mayayamang pulitiko at negosyante. Isinumite ni De Lima ang Senate Bill No. 372, na layong amyendahan ang Republic Act 7941 o ang Partylist Law, para klaruhin ang mga probisyong inaabuso ng mga pulitikong may pansariling interes para mailuklok ang sarili sa kapangyarihan. Ayon kay De Lima, hindi dapat payagan ang pag-abuso sa sistema ng partylist at panahon na upang matiyak na tunay na kinatawan ng mga sektor ang makakakuha ng upuan sa Kongreso. Paliwanag ni De Lima, intensiyon ng mga nagbalangkas ng 1987 Constitution na gawing daan ang partylist system upang mahikayat ang paglago ng tinatawag na multi-party system. Sa kaso ng Bayan Muna vs. COMELEC, binanggit ni De Lima na mismong si dating Chief Justice Artemio Panganiban ang nagsabing magkakaroon ng tsansang makalahok ang mahihirap sa pagbuo ng mga batas sa tulong ng partylist system. Ngunit nagbabala rin si Panganiban na maaaring gamitin ng mga taong may pansariling interes ang partylist system upang mailuklok ang sarili sa posisyon. Ngayon, sinabi ni De Lima na nagkatotoo na ang pangamba ni Chief Justice Panganiban dahil ilan sa mga kinatawan ng partylist ay galing sa pamilya ng mga pulitiko at mayayamang negosyante. Sa panukala ni De Lima, lilinawin ang terminong “bona fide member” ng isang partylist para matiyak na kabilang nga sa kanila ang tatayong kinatawan sa Kongreso. Nakasaad din sa panukala ni De Lima na bawal nang sumali ang isang partylist sa halalan kapag lahat ng nominee nito ay hindi na makakaupo sa puwesto kapag nagsimula na ang election period. Pagbabawalan na rin ang sinuman na maging nominee kapag mayroon itong kamag-anak na halal na opisyal hanggang sa ikatlong antas, kabilang dito ang mayor, vice mayor, gobernador, bise gobernador, kongresista, party-list representative, senador, bise presidente at pangulo.
De Lima, may remedyo sa mabagal na usad ng hustisya sa bansa Upang maresolba ang mabagal na usad ng hustisya sa bansa, muling isinumite ni Sen. Leila M. de Lima ang panukalang magpapadali sa imbestigasyon sa mga kasong kriminal sa bansa at titiyak na mapapanagot ang may sala. Sa tulong ng Senate Bill No. 182 o “Criminal Investigation Act of 2019”, nais ni De Lima na mapabilis at mapalakas ang proseso ng imbestigasyon sa mga kasong kriminal upang agad na matamo ang hustisya. Nais ng panukalang baguhin ang Republic Act No. 5180, o ang “An Act Prescribing a Uniform System of Preliminary Investigation by Provincial and City Fiscals and their Assistants, and by State Attorneys or their Assistants” para maiakma sa kasalukuyang panahon. Ayon kay De Lima, dahil sa lumang sistema kaya bumabagal ang usad ng kaso na kadalasan nauuwi sa matagal na pagkabinbin nito. Dahil dito, sinabi ni De Lima na nauuwi ang sitwasyon sa “justice delayed is justice denied.” Sa kasalukuyan, lalong bumagal ang usad ng hustisya sa bansa nang magsagawa ang Philippine National Police (PNP) ng pinatinding kampanya laban sa ilegal na droga. Karaniwan na para sa isang akusado na maghintay ng ilang buwan sa pagitan ng mga hearing, na madalas pang naaantala kung may sakit ang hukom na may hawak nito o kung malipat ang kaso sa ibang hukuman. Sa panukala ni De Lima, bibigyang halaga ang dalawang bahagi ng imbestigasyon sa kasong kriminal – ang tinatawag na proper investigation at preliminary hearing. Paliwanag ni De Lima, na dating justice secretary, na dapat magkasamang nag-iimbestiga ang kapulisan at prosecutor sa pagkalap ng mga ebidensiya para makabuo ng matibay na kaso. Pagdating naman sa preliminary hearing, sinabi ni De Lima na dito titimbangin ng hukom ang mga ebidensiya ng dalawang partido at magdedesisyon kung dapat bang ituloy ang pormal na pagdinig sa isang kaso o hindi.
Hawak ng kapatid ni Myca Ulpina, ang pinakabatang biktima ng anti-narcotics operation ng pulisya, ang kabaong ng kanyang kapatid sa burol nito noong Hulyo 9. | Larawan mula sa REUTERS/Eloisa Lopez
De Lima: Mga utak ng talamak na patayan lagot sa EJK Bill
Sa gitna ng talamak na patayan sa bansa na puntirya ang mga sangkot umano sa ilegal na droga, muling isinumite ni Sen. Leila M. de Lima ang panukalang sisiguro na may mananagot sa talamak na patayan sa ilalim ng pamahalaang Duterte. Sa kanyang Senate Bill No. 371, sinabi ni De Lima na nananatiling banta ang extrajudicial killing, hindi lang sa Pilipinas, kundi sa iba’t ibang bahagi ng mundo, na dapat matugunan sa pamamagitan ng batas. Ayon kay De Lima, ang EJK ay malinaw na banta sa karapatang pantao ng mga Pilpino na ginagarantiya ng Saligang Batas. Kabilang dito ang karapatan para mabuhay, mabigyan ng tamang proseso at pagiging inosente hanggang hindi napatutunayang nagkasala ng hukuman. Habang itinakda ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang death toll sa kampanya kontra droga ng pamahalaan sa 5,000 mula Hulyo 2016, sinabi naman ng Commission on Human Rights (CHR) na ang bilang ay umakyat na sa higit 27,000 dahil sa kawalan ng sapat na impormasyon mula sa pamahalaan. Kung dati’y sa Metro Manila laganap ang EJK, ngayon ay lumipat na ang sentro ng kampanya kontra droga ng pamahalaan sa kalapit na Central Luzon, kung saan umakyat ang bilang ng kaso ng napatay sa mga operasyon ng kapulisan. Layon ng SB No. 371 na itakda ang EJK bilang sinadyang pamamaslang sa mga indibidwal at grupo ng mga tauhan ng pamahalaan, sa halip na arestuhin, imbestigahan at papanagutin sa batas. Sa ilalim ng panukala, palalakasin ang kakayahan ng ilang ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang CHR, National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP), na imbestigahan ang EJKs.
Naghain si Sen. Leila M. de Lima ng dalawang panukala na magsusulong ng reporma sa mga bilangguan at correctional ng bansa, kabilang ang pagpapaganda sa pasilidad at mga programa para sa pagbabago ng mga bilanggo. Sa pagsisimula ng 18th Congress, isinumite ni De Lima, na kilalang kampeon ng karapatang pantao at katarungang panlipunan, ang Senate Bill (SB) Nos. 180 and 181, na kilala bilang “Prison Reform Act of 2019” at “Unified Corrections and Jail Management System Act of 2019,” ayon sa pagkakasunod. Para kay De Lima, mahalagang maipasa ang mga nasabing panukala upang masimulan ang kailangang reporma sa mga piitan, mabigyan ng makataong pagtrato ang mga bilanggo at mapabuti ang trabaho ng mga tauhan nito. Nais simulan ng SB No. 180 ang mga repormang may kinalaman sa tinatawag na restorative justice upang maging epektibo ang rehabilitasyon at muling pagbabalik sa lipunan ng mga bilanggo. Kapag naisabatas ang panukala, ang sinumang nagkasala ay mabibigyan ng pagkakataong magbagong-buhay upang mabawasan ang tsansa na sila’y muling lumabag sa batas. Inaalarma ang UN Committee against Torture sa hindi makataong sitwasyon ng mga bilangguan na hindi pasado sa pandaigdigang pamantayan at maaari pang ituring na torture.
Security of tenure, tamang bayad ibigay sa ‘child daycare workers’ – De Lima Bilang pagkilala sa mahalaga nilang papel sa paghubog sa mga batang Pinoy, nais ni Sen. Leila M. de Lima na bigyan ng security of tenure at tamang bayad at benepisyo ang lahat ng child daycare workers sa bansa. Bilang pangalawang magulang, sinabi ni De Lima na malaking tulong ang child daycare workers sa pagpapalago ng kaisipan ng mga batang Pinoy. Kaya sa ilalim ng Senate Bill No. 184 ni De Lima, gusto ng mambabatas mula Bicol na bigyan ng tamang kompensasyon at seguridad sa kanilang kasalukuyang trabaho ang mga child daycare workers. Ayon kay De Lima, karamihan sa mga nasabing daycare workers ay mataas ang natapos na kolehiyo at ilang taon na ring nasa serbisyo kaya nakalulungkot na hindi pa sila permanente sa trabaho at mababa pa ang suweldo. Para maresolba ito, isinusulong ni De Lima ang pagsabatas ng isang Magna Carta for Child Daycare Workers na magbibigay sa daycare workers ng seguridad sa trabaho at sapat na insentibo. Sa panukala, maglalagay ng plantilla position para sa Child Daycare Worker I at isang Child Daycare Worker II sa lahat ng child development centers nationwide sa buong bansa. Bibigyan din sila ng dagdag na kompensasyon at benepisyo, tulad ng overtime pay, hazard allowance, subsistence allowance at libreng serbisyong legal sa mga kasong may kaugnayan sa kanilang trabaho. Nagpahayag na ng suporta ang Department of Social Welfare and Development sa pagsasabatas ng panukala.
De Lima: May AFP death squad ba sa Negros Oriental? Inilutang ni Sen. Leila M. de Lima ang posibilidad na mayroong Armed Forces of the Philippines (AFP) death squads na gumagala sa Negros Island at tinatarget ang mga sibilyan at opisyal na nabansagang kaalyado ng komunistang grupo, sa harap ng talamak na patayan sa rehiyon. Sa kanyang Dispatch from Crame No. 566, sinabi ni De Lima na kung mayroong police death squad para sa umano’y drug offenders, malaki ang tsansa na mayroon na ring AFP death squad sa Negros Island. Ayon kay De Lima, tumaas ang bilang ng pinapatay na sibilyan kasunod ng implementasyon ng Memorandum Order (MO) No. 32 noong Nob. 22, 2018, na iniatas ang pagpasok ng dagdag na tropa sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region para puksain umano ang
karahasan sa mga nasabing lugar. Sa pagtaas ng bilang ng patayan sa Negros Island, kumbinsido si De Lima na ibang giyera na ang pinasok ni Duterte, sa pagkakataong ito ay laban naman sa mga sibilyan, lingkod bayan at human rights defenders na binansagan nilang kaalyado ng mga makakaliwang grupo... Giit ni De Lima, kapag nagpagamit ang AFP sa madugong kampanya ni Duterte, hindi na maaaring maghugas kamay ang institusyon sa mga krimen na kinasasangkutan ng kanilang commander-in-chief. Ngayong 18th Congress, muling isinumite ni De Lima ang Senate Bill (SB) No. 179, na layong itaguyod at protektahan ang karapatan ng human rights defenders na matapang na tumatayo laban sa pag-abuso ng pamahalaang Duterte.
2 44
ABRIL - HUNYO 2019
De Lima, ‘bayani at martir’–‘Mareng Winnie’
WOMEN POWER! – Nagpaabot ng pagbati ang mga miyembro ng #EveryWoman kay Sen. Leila M. de Lima sa pagdiriwang nito ng ika-60 kaarawan noong Agosto 27. Isinabay ng #EveryWoman sa kaarawan ni De Lima ang kauna-unahang “Leila de Lima Lecture Series” sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City. Si Prof. Solita Collas-Monsod, na kilalang ekonomista at kolumista, ang tumayong lecturer sa “Lecture Series.”
Kabayanihan ni De Lima vs EJK, kinilala Kinilala ng isang international human rights lawyer ang kabayanihan ni Sen. Leila M. de Lima sa pagtuligsa nito sa talamak na extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng madugong kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga. Binanggit ni Irwin Cotler, chairman ng Raoul Wallenberg Centre for Human Rights at dating Minister of Justice and Attorney General ng Canada, kung paano nakulong si De Lima dahil sa kanyang pagtatanggol sa karapatang pantao at pagsusulong ng katarungan. “She’s an incredible expression of heroism,” wika ni Cotler, na pinuri rin ang pagtugis ni De Lima sa kultura ng karahasan sa Pilipinas noong panahon niya bilang pinuno ng Commission on Human Rights (CHR), kalihim ng Department of Justice (DOJ) at hanggang sa siya’y maging Senadora. Ayon kay Cotler, sa halip na ituring na bayani dahil sa kanyang katapangan at pagtatangol sa karapatang pantao, siya ay ipinakulong, hiniya at ginipit ng pamahalaang Duterte.
Ginawa ni Cotler ang pahayag sa isang panayam ng ABC-Radio National sa Australia kung saan tinalakay niya ang kabayanihan ng Senadora at lumalalang pagabuso sa karapatang pantao sa Pilipinas sa ilalim ni Mr. Duterte. Sa panayam, pinuri ni Cotler ang katapangan ni De Lima nang magsumite ito ng resolusyon na humihinging imbestigahan ang talamak na EJK na nagugat sa kampanya ng pamahalaan kontra droga. Ngayong 18th Congress, muling isinumite ni De Lima ang panukalang magpapaigting sa pananagutan ng mga taong nasa likod ng EJKs sa bansa. Pinuri rin ni Cotler ang tuloy-tuloy na pagganap ni De Lima sa kanyang tungkulin bilang Senador habang nakakulong bunsod ng mga imbentong kaso ng pamahalaan gamit ang mga nahatulang kriminal bilang saksi. Hanga si Cotler kay De Lima dahil nagagampanan nito ang trabaho kahit walang computer, telebisyon o maging telepono sa kanyang detention center.
Tinawag ng kilalang ekonomista at kolumnista na si Prof. Solita “Mareng Winnie” Collas-Monsod si Sen. Leila M. de Lima bilang “bayani” at “martir” sa ginawa niyang pagsakripisyo ng kalayaan upang labanan ang kawalan ng katarungan at politikal na panggigipit sa ilalim ng kasalukuyang rehimen. Ayon sa talumpati ni Monsod sa unang “Leila de Lima Lecture Series” sa Club Filipino, San Juan City noong ika-27 ng Agosto na siya ring kaarawan ni De Lima, nakulong ang Senadora dahil sa pagsisikap nitong sugpuin ang drug trade sa Bilbid. Ayon pa kay Monsod, buong tapang na nagsagawa si De Lima ng raid sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa kung saan tinanggalan niya ng mga luho at marangyang pamumuhay ang mga convicted druglord doon. Naglatag din si Monsod ng mga pagkilos para maisulong ang agarang pagpapalaya kay De Lima, ang pinakamatapang na kritiko ng mga maling polisiya at talamak na pag-abuso sa karapatang pantao ng pamahalaang Duterte Kabilang na rito ang pagsasagawa ng mga talakayan para maisiwalat ang sabwatan para mapatahimik si De Lima. Nagpasalamat naman ang Senadora kay Monsod sa pagbibigay ng lecture at sa women’s rights group na #EveryWoman na nag-organisa sa naturang pagtitipon. “Sa panahon na sistematikong pinapababaw ang pag-unawa natin sa mga nangyayari sa ating paligid, napakahalaga ng patuloy na pag-aaral sa mga isyu ng lipunan,” wika ni De Lima sa isang mensahe na binasa ng kapatid na si Vicente de Lima II.
Kapakanan ng PWDs, nais itaguyod ni De Lima
Ipinanukala ni Sen. Leila M. de Lima ang pagtatatag ng isang tanggapan na tututok sa kapakanan ng Persons with Disabilities (PWDs) at titiyak na naibibigay ang kanilang pangangailangan sa kalusugan, edukasyon at trabaho. Muling inihain ni De Lima ang kanyang National Commission for Disability Affairs (NCDA) Bill bilang Senate Bill No. 188, na nagnanais gawin ang National Council on Disability Affairs (NCDA) bilang komisyon na siyang tututok sa karapatan ng PWDs. Sa panukala, ang NCDA ay gagawin nang National Commission for Disability Affairs na siyang mangangasiwa sa pagpapatupad ng mga polisiya para sa sektor ng PWDs . Iginiit din ni De Lima na mababa ang kita ng PWDs dahil sa kanilang kalagayan at madalas, malaki pa ang ginagastos ng mga ito dahil sa kanilang kondisyon. Sa isang survey na ginawa noong 2010, sinabi ni De Lima, chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, mula sa sa tinatayang 92.1 milyong populasyon, nasa 1.4 milyon ang PWDs. Ayon kay De Lima, isa sa pinakamalaking hamon ay ang kakulangan ng sapat na impormasyon ukol sa sektor ng PWDs kaya madalas silang napag-iiwanan pagdating sa mga programa ng pamahalaan. Kapag naisabatas ang SB No. 188, tututukan ng NCDA ang pagbuo ng data ukol sa PWDs sa pamamagitan ng National Registration Program for Persons with Disabilities.