/LEILADELIMAOFFICIAL
@SENLEILADELIMA
/SENLEILAMDELIMA
TOMO 1 BILANG 7
ABRIL - HUNYO 2019
Ateneo valedictorian na anak ng tsuper, pinuri ni De Lima
3
4Ps, magna carta, batas na!
Kasama ang mga benepisyaryo, mga magulang, at mga kasapi ng Samahan ng mga Nagkakaisang Pamilyang Pantawid (SNPP), masigasig na itinaguyod ni Sen. Leila M. de Lima ang pagsasabatas ng Magna Carta of the Poor at 4Ps Act sa isang forum sa Cebu City noong Hunyo 15.
Labis na ikinagalak ni Sen. Leila M. de Lima ang pagiging ganap nang batas ng Republic Act No. 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act at Republic Act No. 11291 o Magna Carta of the Poor na siya ang pangunahing may-akda. Sa pamamagitan ng 4Ps Act, mananatili na ang programa para sa mahihirap kahit magpalit ng administrasyon. Pinapalawak din ng nasabing batas ang mga serbisyong hatid nito para sa mga benepisyaryo, na may kaakibat pa ring mga kondisyon gaya ng pangangalaga sa kalusugan ng ina at mga sanggol at pagpasok sa paaralan ng mga bata. Sa ilalim naman ng Magna Carta of the Poor Law, titiyakin na natutugunan ang mga pangangailangan ng mahihirap, lalo na sa aspekto ng pagsusulong ng mabuting kalusugan, sapat na pagkain, marangal na trabaho at disenteng pabahay. Bilang Chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, maigting na tinutukan ni De Lima ang pagtataguyod ng mga nasabing batas, mula sa pagsasagawa ng mga konsultasyon sa iba’t ibang ahensya at organisasyon, hanggang sa mga deliberasyon sa Senado. Nagpasalamat si De Lima sa liderato ng Senado sa pamumuno ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, at sa kanyang Vice Chairman sa Social Justice Committee na si Sen. Antonio “Sonny” Trillantes IV.
SUNDAN SA PAHINA 2
De Lima, saludo sa De Lima, dismayado sa mabagal na laban ng Otso Diretso rehabilitasyon ng Marawi
Hinangaan ni Sen. Leila M. de Lima ang mga kandidato ng Otso Diretso sa kanilang buong loob na pagtanggap sa hamon na tumakbo para pangalagaan ang demokrasya at itaguyod ang katarungang panlipunan at karapatang pantao. Saad ni De Lima, hindi man pumabor sa kanila ang resulta ng halalan, mananatili naman ang pag-asa at inspirasyon na naibigay ng mga kandidato ng oposisyon sa taumbayan upang patuloy na tumindig laban sa pang-aabuso ng gobyerno. “Lubos po akong nagpapasalamat sa mga kandidato ng Otso Diretso na pinangunahan ang ating laban. Buo ang aking tiwala, na nandiyan pa rin sila, ang oposisyon, at ang marami pa nating kababayan para tumindig at tumutol sa mga baluktot na polisiya ng kasalukuyang pamahalaan,” ani De Lima. Dagdag pa ng Senadora, nagtagumpay silang walo na pag-alabin ang ating pagmamahal sa bayan at makiisa sa paghahanap ng solusyon sa mga problema ng bayan tulad ng kahirapan, inhustisya, paglapastangan sa demokrasya at soberanya, at kawalan ng katarungang panlipunan.
SUNDAN SA PAHINA 2
Labis ang pagkadismaya at pagkabahala ni Sen. Leila M. de Lima sa mabagal na pag-usad ng rehabilitasyon sa Marawi, at pagtugon ng gobyerno sa kahabag-habag na sitwasyon ng mga kapatid nating Maranao. Ani De Lima, kitang-kita pa umano ang mukha ng pagkawasak sa siyudad. Libo-libo pa rin nating mga kababayan ang hanggang ngayon ay walang mauwiang tahanan, nagsisiksikan sa mga tent, at wala pa ring katiyakan na makababalik sa normal at marangal na pamumuhay. “Sa halip na magparatang nang walang basehan, nawa’y gamitin nang tapat ang nakalaang pondo ng gobyerno, kasama na ang ayuda mula sa ibang bansa, upang makabangon ang mga komunidad na winasak ng kaguluhan,” wika ni De Lima. Makalipas ang mahigit dalawang taon mula nang matapos ang kaguluhan sa Marawi bunsod ng pag-atake ng mga terorista, napakabagal ng naging rehabilitasyon sa lungsod. (Larawan mula sa Reuters)
SUNDAN SA PAHINA 3
Human Rights Defenders bill, Imbestigahan ang patayan Hustisya para sa pinaslang na muling isusulong ni De Lima sa Central Luzon – De Lima mga magsasaka! – De Lima Ipinangako ni Sen. Leila M. de Lima na muli niyang itataguyod sa ika-18 Kongreso sa Senado ang kanyang panukalang batas na naglalayong protektahan ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao o ang Human Rights Defenders (HRDs) bill. Ang bersiyon nito ay naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan noong Hunyo. “Nakakalungkot na naisantabi pa ito sa Komite at hindi agarang nakausad para maging ganap na batas. Pero hindi tayo titigil hangga’t hindi naipapasa ang panukalang batas na ito sa Senado,” saad ni De Lima. “Sa panahon kung kailan lantarang ginagamit ng mga nasa kapangyarihan ang kanilang impluwensya at posisyon para makapang-abuso at yurakan ang ating pagkatao, kailangan natin ng batas para protektahan at bigyang lakas ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao,” dagdag niya. Sa ilalim ng panukalang batas ni De Lima o Senate Bill No. 1699, responsibilidad ng gobyerno na siguraduhin na ang HRDs ay napoprotektahan mula sa anumang panganib habang ginagampanan nila ang kanilang trabaho.
Nang dahil sa nakababahalang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng pagpatay sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Luzon bunsod ng mga operasyon kontra-droga ng kapulisan, agad na naghain ng resolusyon sa Senado si Sen. Leila M. de Lima para imbestigahan ang mga karumal-dumal na krimen. Hangad ni De Lima na agarang matukoy at maparusahan ang mga salarin sa likod ng dumaraming biktima ng patayan, lalo pa’t tila naging bagong sentro ng extrajudicial killings ang nasabing rehiyon, gaya na lamang ng nangyari sa Kamaynilaan nang inilunsad ang pekeng War on Drugs ni Duterte. Batay sa datos ng 2018 na inilabas ng Philippine National Police (PNP), nasa 542 na drug suspect ang napatay sa operasyon ng pulis sa Central Luzon, o katumbas ng 29.6 na porsiyento ng kabuuang mga napaslang sa operasyon kontra droga ng PNP sa nasabing taon. Matatandaan na si De Lima ang unang naghain ng resolusyon sa Senado noong 2016 para imbestigahan ang mga nangyayaring pamamaslang sa Kamaynilaan, simula nang maupo ang rehimeng Duterte. Ang imbestigasyon na ito ang sinasabing dahilan kung bakit ginipit at ipinakulong ang Senadora ng mapaniil na rehimeng Duterte.
Naghain ng panukalang resolusyon si Sen. Leila M. de Lima para imbestigahan ng Senado ang nakakaalarmang pagpatay sa mga magsasaka, kabilang na dito ang 14 na napaslang sa isang operasyon ng pulis at militar sa Negros Oriental noong Marso 30. “Patunay ang mga ganitong patayan sa pagkabigo ng pamahalaan na gampanan ang pangunahing mandato nito na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, at panagutin ang mga gumagawa ng krimen at pang-aabuso,” pahayag ni De Lima sa Senate Resolution (SR) No. 1034. Sa dumaraming insidente ng karahasan, sinabi ng Senadora: “Dahil dito, nangingibabaw ang kultura ng kawalang pananagutan at paglabag sa batas.” Magmula nang manungkulan si Duterte noong 2016, may tinatayang 180 na magsasaka na ang napabalitang pinatay—40 dito ay mula sa Negros Island. Sa mga pamamaslang na ito ng awtoridad, mapapansin na laging dahilan nila ay “nanlaban” umano ang mga aarestuhin, bagay na kinukuwestiyon at matagal na ring pinaiimbestigahan ni De Lima.
SUNDAN SA PAHINA 3
2 ABRIL - HUNYO 2019 China, Duterte takot kay Morales De Lima, tinawag na
Tinuligsa ni Sen. Leila M. de Lima ang di-makatarungang pagtrato kay dating Supreme Court Associate Justice at Ombudsman Conchita Carpio-Morales ng mga Chinese immigration officials na pinigilan siyang makapasok sa Hong Kong dahil daw isa siyang “security threat” noong May 21. Ayon kay De Lima, dapat hindi ipagwalang bahala ng administrasyong Duterte ang nasabing insidente, bagkus dapat tignan ito bilang isang usapin ng pambansang seguridad. “Tulad ng marami sa ating mga kababayan, ako ay nangingilabot at nagagalit nang malaman ko ang mga naganap sa Hong Kong airport tungkol sa pagpigil ng mga awtoridad kay dating Justice at Ombudsman” pahayag ni De Lima. Matatandaan na noong Marso, si Morales, kasama ang dating Foreign Affairs Secretary na si Albert del Rosario, ay naghain ng “official communications” sa International Criminal
Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping at ilan pang mga opisyal ng Tsina dahil sa kanilang mga nagawang krimen laban sa sangkatauhan o “crimes against humanity” sa usapin sa South China Sea, partikular na ang pagwasak sa likas na yaman ng Pilipinas sa teritoryo na pilit inaangkin ng Tsina. Ang Hong Kong ay isang Special Administrative Region ng Tsina. Kaya naman ang nasabing insidente sa Hong Kong airport ay sinasabing may kinalaman sa kasong isinampa laban nina Morales at Del Rosario laban kay President Xi. Ayon sa mga ulat, si Morales, kasama ng kaniyang pamilya at mga apo, ay nagtungo sa Hong Kong upang magbakasyon. Naghintay si Morales ng apat na oras sa paliparan ng Hong Kong, at nang payagan na siyang makapasok ay pinili na lamang ng dating Ombudsman na umuwi sa Pilipinas.
Katarungan sa mga pinaslang na abogado! – De Lima Pinaimbestigahan ni Sen. Leila M. de Lima ang patuloy na karahasan at pag-atake sa mga abugado, hukom at iba pang mga opisyal na nagtataguyod ng hustisya sa ating bansa. Giit ni De Lima, tila walang pakialam ang Malacañang, lalong lalo na si Duterte sa walang habas na pagpaslang sa mga abogado at kawani ng institusyong pangkatarungan sa bansa. Sa panukalang Senate Resolution No. 1031, ipinahayag ni De Lima na tila ba nagiging “hit list” ang listahan ng mga abogado bunsod ng palpak na War on Drugs ng rehimeng Duterte. “Ang nakakaalarmang bilang ng mga napapatay na abogado at mga hukom ay marapat lamang na agarang tugunan ng pamahalaan upang matukoy at panagutin ang mga nasa likod ng karumal-dumal na krimen,” ani De Lima. Sa pagsusulong ng imbestigasyon at paghahanap ng hustisya, inilahad ni De Lima ang ilan sa mga naiulat na kaso ng pagpatay.
Magna Carta... MULA PAHINA 1
Kabilang dito si Atty. Rex Jasper Lopoz, kinatawan ng inakusahang sangkot na ilegal na droga, na pinatay noong Marso 13 ng mga hindi pa nakikilalang salarin; ang human rights lawyer na si Benjamin Ramos na pinatay ng riding-intandem noong ika-6 ng Nobyembre 2018, at ang environmental lawyer na si Atty. Mia Manuelita Mascarinas-Green na binaril ng apat na mga salarin na sakay ng motorsiklo na nasaksihan mismo ng kanyang mga anak noong ika-15 ng Pebrero 2017. Bilang abogado at dating Kalihim ng Katarungan, sinabi ni De Lima na dapat mabigyan ng karampatang pagpapahalaga ang seguridad ng mga abogado upang hindi makompromiso ang pagtupad nila ng tungkulin na itaguyod ang batas. Sa simula pa lang ng termino noong 2016, pinaimbestigahan na ni De Lima ang mga pataytan sa bansa mula nang maupo si Duterte.
De Lima, nagpasalamat sa mga kapwa Senador
Nagpapasalamat din siya kay dating Department of Social Welfare and Development Secretary Corazon “Dinky” Soliman, at sa Samahan ng Nagkakaisang Pamilyang Pantawid (SNPP), sa pakikipagtulungan nila upang maabot ang tagumpay na ito para bigyang lakas at pagkakataon ang mga maralitang Pilipino. Sa kabuan, 153 panukalang batas na ang naihain ni De Lima, habang 161 naman ang isinulong niyang resolusyon sa Senado. Mula sa bilang na ito, 116 na panukalang batas at 138 na resolusyon ang kanyang itinaguyod kahit siya ay nasa loob ng piitan. Patunay lamang ito na sa kabila ng walang tigil na panggigipit, paninira at kasinungalingan laban sa kanya ng rehimeng Duterte, patuloy pa rin sa pagtatrabaho si De Lima at sa pagtupad ng mandatong ipinagkatiwala sa kanya ng mahigit 14 milyong Pilipinong bumoto sa kanya. Ayon nga kay Sotto sa pagtatapos ng 17th Congress, nagpamalas umano ng propesyunalismo ang Senadora mula sa Bicol, na kahit nakakulong, ay tuloy-tuloy pa rin sa pagtupad ng tungkulin bilang Senador.
De Lima, nakidalamhati sa mga biktima ng EJKs, desaparecidos Kasabay ng pakikidalamhati sa mga pamilya ng mga desaparecido o mga nawawalang indibidwal, at mga biktima ng extrajudicial killings sa bansa, nanawagan si Sen. Leila M. de Lima na manatili silang matatag para sa paghahanap ng katarungan sa sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay. Sa kanyang mensahe na binasa ni Fr. Robert Reyes sa isang pagtitipon na may temang “Kalbaryo ng Kawalang Katarungan” na ginanap bilang bahagi ng paggunita sa Semana Santa, ipinaabot ni De Lima ang kahalagahan ng patuloy na pagkakaroon ng pag-asa, at hindi pagsuko sa laban. “Ang kalbaryo ng mga biktima ng EJK at enforced disappearance ay magsisilbing ningas sa masidhing pagkilos upang mabigyan ng hustisya ang mga pinaslang at inabuso, at upang papanagutin ang mga nagkasala,” ani De Lima. Panawagan pa ng Senadora sa mga pamilya ng biktima, “huwag dapat tayong mawalan ng pag-asa sapagkat sa pamamagitan ng sama-samang pagsusumikap at pagkilos, makakamit ang hustisya at mananagot ang mga umaabuso sa kapangyarihan.”
sinungaling si Bikoy
Mariing itinanggi ni Sen. Leila M. de Lima na may kinalaman ang oposisyon sa paggawa at pagpapakalat ng kontrobersyal na videos na pinamagatang “Ang Totoong Narcolist” na isinasangkot ang pamilya Duterte at mga kaalyado nito sa sindikato ng ilegal na droga. Sinabi ni De Lima na wala ni isa sa kanya o kanyang mga tauhan ang nakakakilala kay Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ na ngayo’y inaakusahan ang oposisyon sa paggamit sa kanya para magsinungaling at siraan ang gobyerno ni Duterte at mga kaalyado nito. Paliwanag ni De Lima, “Noong una kong marinig ang balita tungkol sa mga isiniwalat ni ‘Bikoy’, ang pinakaunang tanong ko ay: Totoo ba ang sinasabi ni ‘Bikoy’, o manloloko rin ba siya? Ginagamit ba siya sa ilang mga taktika para sa dulo ay siraan lang din ang oposisyon?” Dagdag pa ng dating Kalihim ng Katarungan, siya mismo ang nagpatawag ng imbestigasyon kaugnay sa mga akusasyon ni Advincula sa kontrobersyal na mga video upang malaman ang katotohanan tungkol sa kanya at sa kanyang salaysay. Isang biktima ng pulitikal na panggigipit sa ilalim ng rehimeng Duterte, muling iginiit ni De Lima ang kanyang kawalang-kasalanan sa mga gawa-gawang kasong isinampa laban sa kanya ng gobyerno ni Duterte na pawang batay sa mga testimonya ng mga nahatulang mga kriminal at mga gawa-gawang ebidensya. “Kahit na pinagbali-baligtad na ni Duterte ang mundo sa paghanap ng ebidensya na ako ay sangkot sa droga, wala pa rin silang maipakitang pruweba maliban sa mga kasinungalingan ng mga so-called witnesses... Kaya wala akong alinlangan na tahasang itanggi ang akusasyon na ako o ang aking opisina ay may kinalaman sa mga exposé ni ‘Bikoy,’” sabi ni De Lima. Sa mahigit dalawang taon ng pagkakulong at patuloy na panggigipit ng rehimeng Duterte, hinaharap ni De Lima ang mga pekeng kaso laban sa kanya sa Korte, at nilalabanan ang lahat ng kasinungalingan para siya ay siraan. Bukod dito, patuloy na ginagampanan ni De Lima ang kanyang tungkulin bilang Senador sa pagsusulong ng mga makabuluhang batas at resolusyon sa Senado.
De Lima, pinuri ang poll watchers at volunteers
Sa kabila ng pagpapakulong kay Sen. Leila M. de Lima ng gobyerno ni Duterte, patuloy siya sa pagsusulong ng mga makabuluhang batas at resolusyon sa Senado.
Pinasalamatan ni Sen. Leila M. de Lima ang kanyang mga kasamahan sa Senado, na pinamumunuan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, sa pagkilala sa kanyang pagsisikap na magsulong ng mga makahulugang batas kahit na patuloy siyang ginigipit ng rehimeng Duterte. Ani De Lima, ang pinagsamang pagsisikap nila ng kanyang mga kasamahan sa Senado ay nagresulta sa produktibong trabaho na nagawa nila sa Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na kanyang pinamumunuan. “Ang suporta ng aking mga kapwa Senador - sa tulong ng aking mga staff at mga kasamahan natin sa Senate Secretariat ang naging susi para mapagtagumpayan natin ang atuing mga layunin para sa mga kababayan nating nasa laylayan,” wika ni De Lima. Sa huling araw ng ika-17 Kongreso noong Hunyo 4, pinuri si De Lima ng kanyang mga kasamahan at hinangaan ang kanyang katatagan at kontribusyon sa Senado sa gitna ng mga pagsubok na kanyang hinaharap bilang bilanggong politikal ng rehimeng Duterte.
Hinangaan at pinapurihan ni Sen. Leila M. de Lima ang mga poll watchers at volunteers dahil sa ipinamalas nilang malasakit, pagmamahal sa bayan at serbisyo-publiko para isulong ang maayos at payapang halalan noong Mayo 13. Sinabi ni De Lima na ang kanilang dedikasyon at sakripisyo para maprotektahan ang boto ng mga Pilipino ay dapat bigyang pugay, at magsilbing inspirasyon sa marami nating kababayan para protektahan ang demokrasya. “Nagpapasalamat po tayo sa ating mga volunteers na naging katuwang natin sa pagprotekta at pagsasabuhay sa diwa ng ating demokrasya—silang hindi lamang bumoto, kundi nagbuhos din ng panahon at dedikasyon para gabayan ang ating mga kababayan sa mga karapat-dapat na maging pinuno ng ating bansa” sabi ni De Lima. Umaasa rin ang Senadora sa mas maayos na kinabukasan ng Pilipinas ngayong dumarami na ang mga nagsasalita at nakikiisa sa paglaban sa mga pang-aabuso sa gobyerno. Tanda umano ito na sa kabila ng mga banta, pananakot at pagkakalat ng kasinungalingan ng ilang inuuna ang pansariling interes, marami ang patuloy na nagsusumikap na maibalik ang tapat at mabuting pamamahala. “Hindi po natatapos sa halalan ang pakikipaglaban natin para sa katotohanan, katarungan, at demokrasya. Nanalo man ang mga kaalyado ni Duterte, ang sambayanang Pilipino pa rin ang bukal ng kapangyarihan sa ating bansa,” dagdag ni De Lima.
De Lima, saludo sa... MULA PAHINA 1 Kasama sa hanay ng Otso Diretso sina dating Sen. Bam Aquino, Rep. Gary Alejano, human rights lawyer Dean Chel Diokno, civic leader Samira Gutoc, dating Solicitor General Florin Hilbay, election lawyer Romy Macalintal, dating Senador Mar Roxas at dating Rep. Erin Tañada. “Ang naging resulta ng halalan ay panibagong hamon para sa ating lahat: lalo pa tayong maging mapanuri, magsikap at magkaisang tuparin ang kolektibong hangarin para sa bayan,” saad ni De Lima. Hangga’t naniniwala tayo sa isang malinis na pamamahala at hindi tumitigil sa pagkondena sa pangaabuso ng mga mapagsamantala sa gobyerno, makakaahon din ang ating bansa sa pagkakalugmok na dulot ni Duterte,” dagdag niya.
ABRIL - HUNYO
3
de lima: IPAGTANGGOL ANG MGA pilipinong MANGINGISDA, HUWAG ANG TSINA! Kinondena ni Sen. Leila M. de Lima ang matagal na pananahimik at pagmamaliit ni Duterte sa nangyaring insidente sa Recto Bank kung saan naiulat na binangga at iniwanan ng barkong pangisda ng mga Tsino ang bangka ng mga Pilipinong mangingisda. Sakay ng nasabing bangka ang 22 na mangingisda, na pinangungunahan ng kapitan nitong si Junel Insigne, na siyang nagsalaysay sa nangyari sa kanila sa laot na muntik na umano nilang ikinasawi. “Nasaan na ang tapang na ipinakita nina Duterte at Locsin laban sa Canada,” wika ni De Lima sa kawalang imik ng Pangulo sa nasabing insidente sa loob ng mahigit isang linggo. Ang lalo pang ikinadismaya ng Senadora, nang basagin ni Duterte ang kanyang ilang araw na pananahimik, at sa mga pahayag ng kanyang Gabinete, tila ba binabaligtad pa nila ang nangyari, at ipinagtatanggol pa nila ang Tsina, sa halip na kondenahin ang ginawa sa ating mga mangingisda. Bagay ito na ikinasama rin ng loob ng mga mangingisda at ng kanilang pamilya, na muntik na ngang mamatay sa pagbangga ng mga Tsino, nawala na nga ang kanilang kita, at nasira pa ang pangunahing pinagmumulan ng kabuhayan, ay sila pa ngayon ang tila may kasalanan sa nangyari.
De Lima, pinasiyasat ang operasyon ng human trafficking sa NAIA
Ang mga Pilipinong mangingisda na binangga ang bangka at pinabayaan lamang ng barkong pangisda ng mga Tsino sa Recto Bank.
Trillanes, Paring Anak ni De Lima, pasado Bert, dinepensahan sa Bar Exams ni De Lima Ipinagtanggol ni Sen. Leila M. De Lima sina Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV at Fr. Albert “Paring Bert” Alejo, S.J., sa pagdadawit sa kanila ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ sa paggawa ng kontrobersyal na mga video na, “Ang Totoong Narcolist” na ginamit diumano sa paninira sa pamilya Duterte at sa kanyang mga kaalyado. Bilang unang prominenteng bilanggong politikal sa ilalim ng rehimeng Duterte, sinabi ni De Lima na hindi makatarungan ang pagsangkot kay Trillanes at Alejo sa mga kasinungalingan ni ‘Bikoy’. Ayon kay De Lima, nakapagtataka umano kung paanong tahimik lamang ang rehimeng Duterte at kapulisan sa mga unang rebelasyon ni ‘Bikoy’ na tinawag pa nilang sinungaling at hindi mapagkakatiwalaan. Pero nang bumaligtad si Advincula sa mga paratang niya, bigla namang sinuportahan ng gobyerno ang sinasabing gumawa at nagpakalat ng kontrobesyal na video. Matatandaan na unang lumapit si ‘Bikoy’ sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang humingi ng tulong legal dito, sa layuning magsampa ng kaso laban sa pamilya ni Duterte at mga kaalyado nito na ayon kay ‘Bikoy’ ay kasabwat ng sindikato ng ilegal na droga. Subalit dahil sa kakulangan ng matibay na ebidensya, tinanggihan si ‘Bikoy’ ng IBP. Ilang araw matapos nito, dumulog naman si ‘‘Bikoy’ sa kapulisan upang baligtarin na ang kanyang testimonya, at pinalalabas naman na pinilit lamang siya nina Trillanes at Paring Bert na magsinungaling. Kahit pa may una nang panawagan ang pinuno ng Philippine National Police na si Dir. Gen. Oscar Albayalde na huwag paniwalaan si ‘Bikoy’, ay nagsagawa pa mismo ang kapulisan ng press briefing para magsalita si Advincula sa bago nitong akusasyon. “Sa mga kaganapang ito, nakikita natin ang pagiging doble-kara ng rehimeng Duterte. Kungsabagay, pareho lang ang gobyernong ito kay ‘Bikoy’, paiba-iba ng sinasabi, at napakagaling magsinungaling at manlinlang ng publiko,” wika ni De Lima. Mariin ding itinanggi ni De Lima na kilala niya si ‘Bikoy’ at wala siyang kinalaman sa paggawa ng kumalat na video ng pagsangkot sa mga Duterte sa ilegal na droga.
Hustisya para sa mga magsasaka... MULA PAHINA 1 Ani De Lima, dapat ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ay “sumusunod sa lokal at pandaigdigang batayan ng mga operasyon, upang matiyak na ang pagpapatupad ng batas ay may pagrespeto sa karapatang pantao at alinsunod sa mga makatwirang pamamaraan.” Simula pa lang ng kanyang panunungkulan, mariin nang kinokondena ni De Lima ang karahasan at araw-araw na patayan na inuudyukan ni Duterte.
Iminungkahi ni Sen. Leila M. de Lima na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa Senado ukol sa mga naiulat na operasyon ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng isang sindikato na protektado diumano ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II. Sa paghahain ng Senate Resolution No. 1038, nagpahayag ng pagkaalarma si De Lima sa mga isiniwalat na impormasyon ni Ramon Tulfo, special envoy ni Duterte sa Tsina, sa kanyang column sa Manila Times na nagpapahiwatig na ang sindikato ay pinoprotektahan pa umano ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI). Ayon kay Tulfo, ang human trafficking syndicate sa NAIA ay kumikita ng 10 milyong piso at 50 milyong piso araw-araw para sa “pagpapahintulot sa mga kababaihan na pumunta sa ibang bansa bilang mga turista para gawing mga sex workers o pagpapahintulot sa mga pasahero na hindi pinahintulutan ng batas na umalis sa bansa.” Kilalang kampeon ng karapatang pantao at katarungang panlipunan, pangunahing adbokasiya ni De Lima ang paglaban sa human trafficking. Layunin ni De Lima na mapanagot ang mga nasa likod nito lalo na ang mga opisyal ng gobyerno.
Ateneo valedictorian na anak ng tsuper, pinuri ni De Lima Si Sen. Leila M. de Lima, kasama ang kanyang anak na si Vincent Joshua na kabilang sa mga nakapasa sa 2018 Bar Exams.
Itinuturing ni Sen. Leila M. de Lima na pinakamasayang araw niya sa mahigit dalawang taon ng di-makatwirang pagkakakulong ang balitang nakapasa ang kanyang anak na si Vicent Joshua Bohol sa 2018 Bar Exams. Nagpasalamat ang Senadora sa Panginoon para sa gabay at panibagong biyaya na natanggap ng kanyang anak at ng kanilang pamilya. Nagpasalamat din si De Lima sa lahat ng bumati at nagpahayag ng suporta. Matatandaan na hindi pinayagan ng Korte na makadalo si De Lima sa graduation ni Vincent sa San Beda College Alabang noong nakaraang taon, na labis niyang ikinalungkot bilang isang ina. Kaya naman gayon na lamang ang pasasalamat ni De Lima nang pahintulutan siyang makasama ang pamilya ,kahit sa loob lamang ng ilang oras, upang makadalo sa ginanap na “thanksgiving dinner” para sa pagpasa ng anak sa abogasya.
Nagpahayag ng paghanga si Sen. Leila M. de Lima kay Reycel Hyacenth Bendaña, anak ng isang jeepney driver na nagtapos bilang 2019 Class valedictorian ng Ateneo de Manila University. Ani De Lima, ang tagumpay ni Bendaña ay patunay na ang pagbibigay ng tulong sa mahihirap nating kababayan ay nagbibigay sa kanila ng oportunidad na mapaunlad ang kanilang pamumuhay. “Hindi lamang tayo pinahanga ni Reycel sa kanyang nakamit na tagumpay, nagsisilbi din itong hamon at inspirasyon sa atin na basta’t nagsisikap tayo at nagtutulungan, malayo ang kaya nating marating,” saad ni De Lima. Bago ang kanyang pagtatapos, sumulat ng isang sanaysay si Bendaña na pinamagatang “Prayer for Generosity” kung saan inilahad niya ang mga naranasang pagsubok ng kanyang pamilya para siya ay mapag-aral, at ang malaking tulong na ipinagkaloob sa kanya ng Ateneo bilang iskolar. Tulad ng ipinagkaloob na tulong ng Ateneo kay Bendaña, hiling ni De Lima na maayos ding maipatupad ang itinaguyod niyang Magna Carta of the Poor at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act para mabigyan ang mga nasa laylayan ng sapat na ayuda para makaahon sa kahirapan. Ayon kay De Lima, ang mga batas na ito ang magbibigay ng kakayahan sa mga mahihirap nating kababayan hindi lamang para mapaunlad ang pamilya kundi pati ang kalakhang lipunan.
Pagtanggal ng 200 pro-Duterte FB page, dapat lang! – De Lima Ikinalugod ni Sen. Leila M. de Lima ang pagtatanggal ng kompanyang Facebook sa mga pekeng accounts na nagkakalat ng mga mapanlinlang at pekeng mga balita at impormasyon. Bilang pangunahing biktima ng mga fake news sa ilalim ng rehimeng Duterte, hinikayat ni De Lima ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa, lalo na sa social media. Ani De Lima, may malawakang propaganda ang gobyerno ni Duterte para sirain ang integridad ng mga nasa oposisyon, upang malihis ang atensyon ng publiko sa mga tunay na isyu. “Ang pagbura sa mga pinagmumulan ng fake news na ito ay tagumpay natin sa pagsusulong ng katotohanan. Ipinaaabot ko ang aking pagsuporta sa Facebook para labanan ang pagkakalat ng maling impormasyon sa bansa,” wika ni De Lima. Dagdag pa ng Senadora, “Di magtatagal, siguradong
De Lima, dismayado sa mabagal na... MULA PAHINA 1 Matatandaan na noong taong 2017, inudyukan ni Duterte ang mga teroristang grupo na atakehin
gagawa at gagawa na naman ng mga bagong pekeng account at FB pages ang mga bayarang trolls para suportahan ang rehimeng Duterte. Kaya naman, nakasalalay po sa ating patuloy na pagbabantay at pagsusuri ang pagpigil sa pagkallat ng fake news. “ Ayon sa mga ulat, sa dalawandaang mga pekeng pahina na nagpapakalat ng mga fake news na tinanggal ng Facebook, konektado ang lahat ng ito sa Social Media Manager ni Duterte na si Nic Gabunada. Sa De Lima ay ipinakulong ng rehimeng Duterte base sa mga kasinungalingan at gawa-gawang mga paratang. Hanggang ngayon, nagkalat pa rin ang mga maling impormasyon ukol sa Senadora, bilang bahagi ng lantarang panggigipit at paninirang-puri ng gobyerno laban sa kanya.
ang Marawi, at sa loob lamang daw ng ilang araw ay tatapusin niya ang kaguluhan. Sa kasamaang palad, tumagal ng limang buwan ang kaguluhan sa siyudad, dahilan para mawasak ang maraming kabahayan at marami pang estruktura sa lungsod. Nananawagan din ang Senadora na ipagpatuloy ang panalangin para sa Mindanao at sa buong bansa.
4 2 ABRIL - HUNYO 2019 Int’l community, tuloy ang suporta kay De Lima Patuloy na ikinalulugod ni De Lima ang nakukuha niyang suporta at malasakit ng international community sa hinaharap niyang pagsubok bilang bilanggong politikal ng rehimeng Duterte. Noong Abril 4, ang mga mambabatas mula sa Estados Unidos na sina Senador Marco Rubio, Edward Markey, Richard Durbin, Marsha Blackburn, at Chris Coons ay naghain ng isang resolusyon, partikular na ang US Senate Resolution No. 142, na nananawagan sa sa gobyerno ng Pilipinas para sa “pagpapalaya sa lalong madaling panahon, kay Senadora De Lima, ibasura ang mga kasong isinampa laban sa kaniya, at tanggalin ang mga balakid para malaya niyang matupad ang mandato bilang Senadora.” Nauna dito, suportado din si De Lima ng mga mambabatas mula sa European Parliament (EU), InterParliamentary Union (IPU), ASEAN Parliament for Human
Rights (APHR), Parliamentarians for Global Action (PGA) Canadian at Australian Parliament, at marami pang institusyon. Gayumpaman, sa kabila ng pakikiisa ng iba’t ibang personalidad at organisasyon sa buong mundo, hindi maitago ni De Lima ang kanyang pagkadismaya sa ilang mga kasamahan sa Senado na imbes na suportahan ang panawagan para sa pagpapalaya sa kanya at pagbibigay ng patas na paglilitis, ay kikokontra pa ang mga ito. Partikular dito ang ilang pahayag kung saan ikinukumpara ang sitwasyon niya sa mga dating Senador na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla. “Napakalaki ng pagkakaiba ng sitwasyon ko ngayon sa mga sangkot sa pork barrel scam. Matibay ang mga ebidensya laban sa kanila, samantalang sa akin ay mga testimonya lamang ng mga convicted druglords ang pinagbatayan,” wika ni De Lima.
3 aktibistang pari, SUPORTADO ni De Lima
Buo ang suporta ni Sen. Leila M. de Lima sa tatlong aktibistang pari sa kanilang katapangan sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao at demokrasya sa bansa sa kabila ng patuloy na mga pananakot at pagbabanta sa kanilang buhay. “Nagpapasalamat ako na makilala, maging kaibigan at tagapayong espiritwal ang tatlong matatapang na mga alagad ng Diyos na patuloy na ipinaglalaban ang mga Pilipino na sina Fr. Robert Reyes, Fr. Albert Alejo o ‘Paring Bert,’ at Fr. Flavie Villanueva,” wika ni De Lima. Kahit na nakakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay, patuloy pa ring tinututulan ng mga nabanggit na pari ang laganap na karahasan at araw-araw na patayan sa bansa, at ang paghahanap ng hustisya para sa mga biktima ng extrajudicial killings. Makailang beses nang binantaan ni Duterte ang mga obispo at kaparian sa kanyang mga naging talumpati. Bukod pa sa sinisiraan din ng Pangulo ang mga alagad ng Panginoon, minura ang Santo Papa, ay tinawag pang estupido ni Duterte ang Diyos. “Anong klaseng tao at pinuno ang walang respeto sa ating relihiyon at sa ating Panginoon?,” saad ni De Lima. Bukod sa pagkondena sa panggigipit sa mga pari, nanawagan din ang Senadora na ipagtanggol ng mga Pilipino ang kanilang pananampalataya, at kondenahin ang karahasan at mga karumal-dumal na patayan na inuudyukan ni Duterte.
De Lima, ikinalugod ang ‘Safe Spaces Act’
BANTAYOG NG MGA BAYANI, Quezon City - Ilan sa mga aktibidad kung saan nakiisa ang Tanggapan ni Senadora Leila M. de Lima, kaisa ng mga kabataan, para kondenahin ang laganap na vote-buying sa nakaraang halalan, noong Mayo 17 (kaliwa), at bigyan ng hustisya ang mga biktima ng extrajudicial killings at enforced disappearance sa isang protesta na ginanap noong Abril 17 (kanan).
Lubos na ikinagalak ni Sen. Leila M. de Lima ang pagkapasa ng Safe Street and Public Spaces Act, o kilala rin bilang “Bawal Bastos” bill. Layunin ng batas na pigilan ang anumang uri ng sexual harassment sa mga pampublikong lugar. Ayon sa Senadora, napapanahon lamang ang pagsasabatas nito, dahil kadalasang nabibiktima ng sexual harassment ang mga kababaihan at mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community sa ilalim ng pamumuno ng isang bastos at walang modong Pangulo. “Walang sinuman ang may karapatan na mang-abuso at magtaguyod ng diskriminasyon laban sa kasarian” wika ni De Lima. Dagdag pa ni De Lima, “Sa ilalim ng batas na ito, ligtas at mapapangalagaan, lalong lalo na ang mga kababaihan at ang mga kasapi ng LGBT mula sa pambabastos at pang-aalipusta sa mga kalsada, lansangan, paaralan, at sa komunidad. “ Kabilang sa mga gawaing maituturing na “sexual harassment” ang pagmumura, catcalling, wolf-whistling, malaswang pagtingin, pang-iinsulto, at mga birong bastos. Bilang isa sa mga may-akda ng nasabing batas, ipinaabot ni De Lima ang kanyang pasasalamat sa mga kasamahan sa Senado, partikular na kay Sen. Risa Hontiveros na siyang pangunahing may-akda nito, para sa pagsusulong at pagpapatibay ng Safe Spaces Act. “Sa panahong lantaran ang pambabastos sa ating mga kababaihan at diskrminasyon sa kasarian, kung saan mismong ang Pangulo pa ang umaalipusta at ginagawang biro ang panggagahasa, kailangan natin ng batas na ito para protektahan ang mga biktima at matuldukan na ang mga pang-aabuso.” Bahagi ng panggigipit at paninirang-puri ng gobyerno kay De Lima ang pambabastos ni Duterte at ng kanyang mga kaalyado sa Kongreso sa pagkababae at pagkatao ng Senadora.