[Transcript] Former President Benigno S. Aquino III’s ambush interview at Novotel after the LI Prize for Freedom awarding ceremony 28 July 2018
Note that video recording did not capture first few minutes of ambush interview. But there is this also this quote from Aquino as reported by CNN Philippines: Aquino told reporters in a chance interview at Novotel: “I’m sure Leila is going to be very pleased, not because she need all the accolades, but it really helps for a person in her situation to be recognized for achievements and her struggles to be acknowledged and recognized by other people, even those not in our country.” “Gabi-gabi pinagdadasal ko po si Senator Leila, atin pong mabuting kaibigan at talagang tapat na public servant…tayo ay buong tiwala na lalabas at lalabas ang katotohanan.” Q: Reaction, sir, now that former President GMA is now back in power. What can you say to this? Aquino: Parang iisipin mo na siya po ay nasa last term na niya. More or less, effectively, ano pa bang puwedeng magawa sa Kongreso sa natitirang period na ito na nagbukas na yung last session. Next year, galing naman tayo sa Kongreso, alam natin kung gaano kahirap yung mga session sa election year. So sa ilang buwan na natitira sa taong ito, baka ilang session na lang natitira pag nag-resume ang Kongreso next year. Sasabay pa siyempre lahat ng…may Holy Week na break, may Christmas break, ang daming break. Tanong natin dito, sana wala namang napaplanong paspasan dito sa natitirang maiksing panahon. Q: Sir on the possibility that she could become Prime Minister. Aquino: Masyadong speculative naman yata yun. Hindi pa tayo nakakasigurado na magkakaroon tayo ng bagong Saligang Batas. Tayo ba’y nakakasiguradong magkakaroon ng parliamentary form of government after that? Parang, sa mga kasing edad ko, makakaalala siguro na sinubukan din yan ng Constitutional Convention na nagpatupad
ng 1973 at hindi katanggap-tanggap nung panahon na yun, at hinintay na magkaroon ng Martial Law bago tayo nag-shift sa parliamentary system. Naalala ko nga nung isang araw, parliamentary system parang naging hybrid, kumuha ng kung saan-saang components. Sa dulo hindi na natuwa yung tao doon. Bumalik tayo sa presidential set-up. So tignan natin. Ako’y hindi muna magsasalita dun sa panukalang bagong Saligang Batas, mga 1 inch po yung dokumento. At sabi nga nila pag Saligang Batas na ang pinag-aaralan, bantayan mo na lahat ng period, semi-colon, colon, baka may exclamation mark. Tignan muna nang mabuti at pag-aralan nang mabuting-mabuti. Q: Sir, recently the Bangsamoro Organic Law was already passed. Anong masasabi niyo? I know your administration was pushing for this to happen as well. Aquino: Siyempre, natutuwa tayo na meron na tayong itong batas na puwede mong sabihing panibagong pag-uumpisa. Yung pinaka-simple siguro nating puwedeng intindihin ito, sabi nga mabalik tayo sa Math, kung yung equation mo ay pareho nang pareho, parang hindi ka puwedeng mag-isip na magbabago yung resulta. So wala tayong babaguhin, paano tayo magkakaroon ng pagbabago? At kung wala tayong pagbabago, ganun na lang ba pag tinignan natin yung Mindanao, lalo na yung ARMM, puro patayan, puro lamangan, puro karahasan. Yun na ba ang gusto nating mangyari? Kung ayaw natin yun, baguhin natin yung equation. At itong Organic Law ang magpapa-umpisa ng paraan para tugunan yung kanilang mga suliranin sa paraan na angkop sa kanila at pinaniniwalaan nila para mabigay ang todo-suporta para talagang may pagbabagong mangyari diyan. At yun nga, siguro tulad ni Presidente Duterte, ako nama’y nasabi ko rin noong araw yun, talagang the Promised Land kaya inaambisyon natin na promises fulfilled. Q: (On Duterte’s stand on the West Philippine Sea issue) Aquino: Parang sinabi niya, ni-reiterate na we’re not giving up anything. Tapos siguro magandang malaman ano ba yung mga steps na gagawin natin—either ginagawa or ginawa na natin. Sabi nila mayroon raw mga napag-usapan, binaggit niya yung Code of Conduct. 2002, sinbukang gumawa ng Code of Conduct ang China at saka ASEAN. Hindi nangyari, nagkaroon ng Declaration of Conduct—para bang statement of principles. Ngayon, yung hinahabol mo diyan yung binding na rules na lalabas sa Code of Conduct. Nung pagbaba ko sa puwesto, pagkatapos ng arbitration, sinabi ng China patungo na tayo dun. Dun nag-umpisa yung mga preliminary meetings leading to the formal meetings on the creation of a Code of Conduct. Sorry ha, iko-quote ko lang more or less yung sinabi nila nung panahon na yun. So puwede bang malaman gaano na tayo kalayo? Parang mag-uusap kayo kung kailan kayo magmi-meeting nang pormal, ibalangakas yung kasunduang ito. So matanong lang, andun yung intensyon na magkikita na tayo
2002, may intensyon na nun. 2012, pinaalala ko sampung taon na tumakbo wala pa rin tayong unang meeting diyan. Nasa 2018 na tayo, papunta na nga ba talaga tayo sa merong konkretong Code of Conduct. Tapos kung pakiusap, baka puwedeng ipakita yung mga negosasyon nila, mas maging transparent tayo dito para walang agam-agam ang mga kababayan natin. Pero kung kawalan ng impormasyon, ay medyo kung anu-ano ang papasok sa kaisipan. Tulad nung isang beses, parang may nabasa ako, isa sa mga miyembro ng kasalukkuyang administrasyon sinabi na ngayon mas maganda na napapahintulutan na tayong mangisda sa tubig natin. Hindi ako kumportable doon sa sinabing ganung statement. Di ba exclusive economic zone, napapahintulutan kang mangisda sa exclusive mo. Parang may mali yata dun sa statement na yun. Q: Sir, are you satisfied with how this administration is handling the West Philippine Sea issue? Aquino: I’ll leave that answer to you. If you’re satisfied, I’ll ask you why you’re satisfied. Was that I think, is a rhetorical question. Q: (On Duterte saying human lives, not human rights) Aquino: Sinabi nga niya ‘I’m more interested in human lives than human rights’. Siyempre, alam niyo naman saan ako nagmula. Parang puwede bang paghiwalayin yun? Puwede bang wala kang karapatan? Universal nga eh. Maski saang parte ng mundo, parepareho yung mga basic na karapatan. At babalik ka nga doon—sorry ah, pumapasok kasi sa isip ko ngayon yung due process. Alam naman niyo yung kamakailan na nangyari sa akin sa NBI. Hindi maliwanag kung may process na sinunod. At kung wala pa yung process, hindi ko naman masabi kung yung natira ay may “due”, kung karapat-dapat ba yung… So binigyan ako ng subpoena ng NBI. Pagdating dun walang binigay na reklamo, walang binigay na copy, basta mag-submit kayo ng ebidensya niyo. So para bang nagtanong, pero hindi ko rin puwedeng malaman yung tanong. Tapos meron silang finding, so in effect, parang sa eskuwelahan, binigyan ka ng grado na hindi ka pinag-exam. Sa dulo nga nun, parang binabagsak ako sa hindi ko nga alam na paglilitis. Ulitin ko lang, pinatawag ka, lumitaw ka dun, lumitaw actually yung mga abogado ko doon, walang sinabi kung ano yung iniimbestigahan nila except yung general topic ng Dengvaxia. Walang tinutukoy kung anong bagay dun, magdala ka ng ebidensya mo. Anong ebidensya? Walang sinabi. Sa dulo parang meron raw probable cause kaya ibibigay raw nila sa Ombudsman. So ulitin ko, pinaulit-ulit ko nga, everybody is entitled to due process. Paulit-ulit yan sa Saligang Batas. Sa akin hindi maliwanag yung proseso o kung yun lang ang proseso ng
NBI. Kasi dapat yung puwede mong malaman yung akusasyon, puwede mong malaman sino nag-aakusa, puwede mong malaman ano yung ebidensya. Ang sinagot ng ating Secretary of Justice pagdating ko raw sa Ombudsman, finelan ako ng kaso, dun ko na lang raw gawin. So hindi man lang nila opisina, dun raw ako maghanap ng due process. At sana, pagdating dun baka may due process. So tinatanong sa akin human rights, ako’y dating pangulo ng bansa, maliwag siguro yung mga puwede naman na mga basic na karapatang ng lahat. Hindi puwede yatang umubra ito sa akin, sa pananaw ng mga gumawa ng report sa NBI. Hindi ko naman nilalahat. Ang tanong dito, kung ganun, siguro lahat kami. Naalala ko lang yung sinabi ng tatay ko noong araw, pag pinayagan mong yurakan ang karaptang ng isa, hinanda mo yung pagkakataon na yung karapatan mo na yung mayurakan. Q: Sir, speaking of human rights, ano pong masasabi niyo sa continuous intimidation, if not jailing of critics like Senator Leila? Aquino: Yung kay Leila, ang pagtingin ko dun, dahil napag-usapan natin yung process, isa sa mga pinaka-basic na sinabi ni Leila, ina-accuse siya ng drug trafficking. At walang nagsabi kung anong drug. Minodify yung information na finile para meron pa ring drug. Nung inaresto siya, kinulong siya, hindi sinabi—di ba may krimen ka, anong krimen yun? Drug trafficking. O sinong lumilitis sayo? Baka yun na nga RTC etc. Kung ang kinakaso sa akin nung umpisa may mga kakuntsaba ka na mga drug traffickers, unang-una, yung pagsusuhol, ang pag-iimbestiga nun sa Ombudsman. Yun ang batas. Dadalhin ka sa Sandiganbayan. Bakit dinala sa RTC at yun nga, pilit. Ano yung pilit? Pilit na sasabihin mong nagda-drugs ka, tinanong anong drugs, walang binanggit. Puwede ba yun? Anong binenta mo? Wala. Parang ganun eh, pag hindi mo tinukoy, paano mo mapapatunayan na ito ay kasama siya sa pagbebenta. Hindi mo na binaggit kung ano yung ano, pagkatapos na lang nung na-detain na. Dapat, bago i-detain. Q: Sir, additional message for Senator De Lima. Aquino: We are proud of her. She really inspires a lot who are undergoing some of the pressure that she has already undergone. And her ability to keep the faith really should continue to inspire so many of us.