Pahayag ng Indignasyon sa Di-makatarungan at Walang Katiyakang Detensyon ni Senator Leila M. de Lima

Page 1

Pahayag ng Indignasyon sa Di-makatarungan at Walang Katiyakang Detensyon ni Senador Leila M. de Lima Marubdob kaming nakikiisa kay Leila M. de Lima, Senador ng Republika ng Pilipinas at tagapagtanggol ng karapatang pantao, na nasa ika-1,000 araw na ng di-makatarungang pagkabilanggo sa 20 Nobyembre 2019. Ipinakulong siya ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 24 Pebrero 2017 batay sa mga gawa-gawang kaso at motibasyong politikal. Siya ang pinakamatinding kritiko ng madugong “war on drugs” ni Duterte at iba pang polisiyang lumalabag sa karapatang pantao. Kinokondena namin ang mali at walang katiyakang pagkabilanggo ni Senador Leila de Lima, na ang mga kaso ay napakatagal nang dinidinig at inuusig gamit ang mga pekeng testimonya ng mga bilanggong kriminal. Sa kauna-unahan ding pagkakataon, bumuo ang Department of Justice ng isang lupon na binubuo ng 18 miyembro para usigin – o gipitin – si Senador De Lima. Binago ang isinampang kaso (mula sa pagkalakal ng ilegal na droga ay ginawa itong pakikipagsabwatan para magkalakal ng ilegal na droga) matapos ang mahigit isang taon ng pagkabilanggo ng Senadora, nang walang panibagong imbestigasyon. Nangyari ito sa ilalim ng umiiral ngayong uri ng paghuhukom kung kailan naganap din ang politikal na pagpapatalsik sa isang Punong Mahistrado at pag-aresto sa iba pang mga kritiko at aktibista. Tutol kami sa walang habas na panggigipit kay Senador Leila de Lima na ang dahilan pagkakabilanggo ay ang kanyang paninindigan at mga pahayag laban sa paglabag karapatang pantao sa Pilipinas, ayon na rin sa pagsusuring ginawa ng UN Working Group Arbitrary Detention (UNWGAD). Pinangunahan ni Senador De Lima ang imbestigasyon laganap na patayan bunsod ng “war on drugs” ni Duterte. Kahit nakakulong, patuloy ipinaglalaban ni Senador De Lima ang kanyang mga adbokasiya at paniniwala.

ng sa on sa na

Nananawagan kami na itigil na ni Duterte at ng kanyang mga kaalyado, pati na ng kanilang mga taga-suporta sa media at social media, ang paninira kay Senador Leila de Lima, na ginawa siyang target ng pambabalahura, pagmumura, pambabastos at pagpapakalat ng maling impormasyon. Maliwanag na sa ilalim ng gobyernong ito, patuloy na nakararanas si Senador De Lima ng diskriminasyon bilang babae at tagapagtanggol ng karapatang pantao. Malinaw na ang panggigipit kay Senador Leila de Lima – na pinatatampok ng patuloy niyang pagkabilanggo – ay resulta ng kanyang paninindigan at mga opinyon na sang-ayon sa kanyang konsensya, ng pagsasabuhay sa karapatan niyang makilahok sa mga usapin sa pamahalaan bilang mamamayan at Senador, na nakabalangkas sa Universal Declaration of Human Rights (UDHR) at International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) kung saan pumaloob ang Pilipinas. Sa harap ng walang basehang mga kaso laban kay Senador Leila de Lima at lantarang paglabag sa kanyang mga karapatan, iginigiit namin sa Gobyerno ng Pilipinas ang agaran niyang paglaya at pagbasura sa kanyang mga kaso. Ang pagwawasto sa kalagayan ni Senador De Lima, sa lalong madaling panahon, ay pagpapakita sa sambayanang Pilipino at sa buong mundo na ang Pilipinas ay nananatiling naninindigan sa pagtatanggol ng kalayaan at karapatang pantao.

#1KNotOK #FreeLeilaNow


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.