INSIDE STORY:
De Lima itinanghal bilang ‘flag-bearer’ ng human rights sa Asya
TOMO 1 BILANG 2
Enero - Marso 2018
cpahina 4
Isang taon ng ilegal na pagkakulong
De Lima mas naging matatag Sa paggunita sa unang taon ng di-makatwirang pagkakulong sa ilalim ng mapaniil na rehimeng Duterte, ipinahayag ni Sen. Leila M. de Lima ang kanyang saloobin bilang isang bilanggong politikal. Sa ipinaabot niyang mensahe na inihayag ni former Rep. Erin Tañada sa Bulwagang Ka Pepe sa Commission on Human Rights noong Pebrero 23, ibinahagi ni De Lima ang lalong paglakas ng kanyang loob na ipagpatuloy ang laban. “Isang taon ito ng pagyurak sa aking pagkababae at pagkatao, gamit ang mga pekeng ebidensya at pekeng testimonya. Pero isang taon din ito ng patuloy na paglaban at paglilingkod-bayan,” aniya. Isa pa sa naging tampok para gunitain ang unang taon ng pagkapiit ng Senadora ang pagdaraos ng Banal na Misa sa pangunguna ni Arsobispo Socrates Villegas sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame na dinaluhan ng mga kilalang personalidad gaya ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III, dating kasamahan sa Gabinete ng Senadora, mga kaibigan at tagasuporta. cpahina 3
De Lima nagpasalamat sa IPU sa muling panawagan na palayain siya Pinasalamatan ni Sen. Leila M. de Lima ang Inter-Parliamentary Union (IPU) sa muling panawagan nito para igalang ang kanyang karapatan sa isang makatarungang paglilitis at para sa kalayaan niya. “Lubos ang aking pasasalamat sa IPU sa kanilang pag-aalala sa aking ilegal na pagkakabilanggo at sa paghikayat nila sa Senado na hayaan akong magampanan ang aking trabaho,” wika ni De Lima. Ayon sa IPU, ang pagkabilanggo ni De Lima ay bunga ng pagtuligsa niya sa “War on Drugs” sa ilalim ng administrasyong Duterte. cpahina 3
BANTAY-SARADO. Ganito ang nararanasan ni Sen. De Lima sa tuwing dadalo sa mga pagdinig ng mga inimbentong kaso laban sa kanya. Hindi siya halos makakaway sa mga tagasuporta at makapanayam ng media.
Unang e-book ni De Lima, inilunsad
Bilang bahagi ng paggunita ng unang taon bilang bilanggong politikal ng rehimeng Duterte, inilunsad ang unang electronic book ni Sen. Leila M. de Lima Imahe ng kaunaunahang e-book ni De Lima na “Dispatches from Crame I.” Maaaring ma-download ang aklat na ito sa: http://bit. ly/2FoqmpR
Protektahan ang human rights defenders – De Lima Sa kabila ng tumataas na kaso ng mga pag-abuso sa karapatan ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao o “human rights defenders” (HRDs) sa ilalim ng administrasyong Duterte, nagpanukala si Sen. Leila M. de Lima ng batas na naglalayong pagtibayin at ipatupad ang mga obligasyon ng estado sa pagbibigay proteksyon sa kanilang mga karapatan.
Binigyang-diin ni De Lima ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga epektibong mekanismo para protektahan ang karapatan ng mga HRDs. “Sa simula pa lamang ng administrasyong Duterte, mahigit isang taon at kalahati na ngayon, nasaksihan natin kung paano niya ininsulto at hinamak ang konsepto ng karapatang pantao,” aniya sa paghahain ng Senate Bill (SB) No. 1699. cpahina 4 Sa pangunguna nina dating Sen. Rene Saguisag, dating CHR Chair Etta Rosales, Atty. Alex Padilla at iba pang human rights advocates, inihain ang Human Rights Defenders Bill ni De Lima noong ika-21 ng Pebrero.
na pinamagatang “Dispatches from Crame I.” Ang librong ito ay koleksyon ng kanyang mga repleksyon at naging pahayag ukol sa mahahalagang isyu sa ating lipunan, na kanyang isinulat-kamay mula sa kanyang piitan. cpahina 2
De Lima tutol sa biglaang pagsasara ng Boracay
Nagbabala si Sen. Leila M. de Lima sa publiko na bantayan ang isyu ukol sa pagpapasara ng Boracay. Naniniwala siya sa negatibong epekto nito para sa mahihirap na residente at manggagawa sa isla. “Kailangan maging hayag, malinaw at makatwiran ang plano ng gobyerno para maisaalang-alang ang interes ng ating mga kababayan,” pahayag niya. Para kay De Lima, tatak diktador ang ganitong mga padalos-dalos na mga desisyon. “Ano na naman kaya ang niluluto ng mga taong nasa likod ng mga pabago-bago at pabigla-biglang pananalitang ito? Bakit land reform? Iyon ba ang tunay na pinakakapaki-pakinabang na paggagamitan ng lupain sa isla ng Boracay?,” tanong ni De Lima. Nauna rito, nabahala rin ang Senadora sa posibleng pagtatayo ng gobyerno ng mga casino sa isla. Bagay na dapat bantayan ng publiko, lalo na’t usapin na naman dito ang pagpabor sa interes ng malalaking negosyante kaysa mahihirap na residente.
Donasyon para sa mega-drug rehab center, paimbestigahan
Nanawagan si Sen. Leila M. de Lima ng imbestigasyon sa Senado para siyasatin ang mga pribadong donasyon sa planong pagpapatayo ng mega drug rehabilitation centers, para hindi maulit ang nangyari sa kontrobersyal na rehab center sa Nueva Ecija. cpahina 2
2
Enero - Marso 2018
De Lima ayaw sa Cha-Cha at Pederalismo
Ipinahayag si Sen. Leila M. de Lima ang kanyang mariing pagtutol sa plano ng administrasyong Duterte na baguhin ang Saligang Batas. Sinabi ng Senadora na ang planong ito ay nahahaluan ng pansariling adyenda ng mga nagtutulak nito. “Isa lamang itong trabahong tamad,” saad ni De Lima, na naniniwalang dapat tutukan ang kahirapan kaysa ang pagpapalit sa anyo ng Saligang Batas. Dagdag pa ni De Lima: “Ang pinakamahirap dito ay ang katrayduran na gagawin nila sa taumbayan.
Ang mga nag-akda rito ay siguradong may mga ikinukubli dahil mayroon at mayroon silang itinatagong pansariling adyenda.” Upang mapalitan ang kasalukuyang anyo ng pamahalaan, ang mga akda na nagbigay ng kanikanilang mga mungkahing pagbabago sa Saligang Batas mula sa partido PDP-Laban ay nagsumite na ng kanilang paunang balangkas noong Setyembre ng nakaraang taon. Mungkahi ng mga nagtutulak sa Cha-Cha na
De Lima buo ang suporta kina Robredo at Sereno
Ipinahayag ni Sen. Leila M. de Lima ang kanyang pagsuporta kay Bise Presidente Leni Robredo ukol sa protestang kinahaharap ng kapwa niya Bicolana. Inihalintulad ni De Lima ang hinaharap na protesta ni VP Robrero mula sa kampo ng natalong si Bongbong Marcos sa pagprotesta din sa kanya ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino sa pagkapanalo bilang Senador. Ani De Lima, hindi nadaya ang kanilang mga katunggali, kundi natalo. Kailangan umanong tanggapin ito ng mga nagpoprotesta sa kanila, at
De Lima binisita ni PNoy at Villegas
Sa unang taon ni Sen. Leila M. de Lima sa kanyang di-makatwirang pagkakulong, nag-umapaw ang suporta sa kanya ng maraming personalidad. Sa isang misang idinaos sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, ipinahayag ni dating Pangulong Benigno S. Aquino ang kanyang paghanga kay De Lima. Dagdag pa ni PNoy, napapaisip siya kung hanggang kailan magpapatuloy ang pagsubok na ito na dinaranas ni De Lima. Batid ni PNoy na maraming naniniwala sa pagiging inosente ni De Lima, at nananalig siyang bahagi lamang ito ng pagsubok ng Panginoon na kaya nating lampasan.
huwag gamitin ang usapin ng pandaraya para lang makakuha ng simpatya sa publiko. Nagpahayag din ng pagkadismaya si De Lima sa panggigipit ng rehimeng Duterte sa mga pinuno ng independent institutions gaya ng CHR, Ombudsman at Supreme Court. Pinakahuli dito ang pagbatikos ni Duterte kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Matatandaan na bago sampahan ng mga imbentong kaso si De Lima, siniraan at binastos din siya ni Duterte sa publiko, na naging estilo na ni Duterte para pabagsakin ang kanyang mga kritiko.
Para naman kay Arsobispo Socrates Villegas, maituturing na simbolo ng mga kamalian sa lipunan ang pagpapakulong kay De Lima. Para sa Arsobispo na nanungkulan ding dating Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), huwag sanang susuko ang Senadora sapagkat ang kanyang sakripisyo ay tiyak na magbubunga ng mabuti sa ating lipunan. Para naman sa dating Kalihim Mar Roxas, tiwala siya sa integridad ni De Lima. “Pinaparating ko ang aking pakikiisa kay Leila at naniniwala ako na gawa-gawa lang ang kaso laban sa kanya,” ani Roxas. Nagpasalamat naman si De Lima sa lahat ng dumalo, at tiniyak na sa kabila ng mga pagsubok, umaasa siya hindi lamang sa kanyang paglaya, kundi maging sa paglaya ng bayan mula sa kawalang katarungan, karahasan at mga kasinungalingan.
De Lima hinamon ang kabataan laban sa pekeng balita
Nanawagan si Sen. Leila M. de Lima para sa isang nagkakaisang pagkilos upang labanan ang mga naglipanang pekeng balita, lalo na sa social media. Hinikayat niya sa inisyatibang ito ang lahat, lalo na ang mga kabataan na madalas na gumagamit ng social media. “Nilalason ng fake news ang kamalayan at pagtanaw ng ating mga kababayan sa kung ano ang tama at totoo. Kailangang mgatulungan ang lahat, mula sa social media users, mga kompanya sa larangan ng teknolohiya, at mga mamamahayag para labanan
Drug Rehab...
Mula pahina 1
Sa inihain na Senate Resolution (SR) No. 630, sinabi niya na ang pagkabigo ng administrasyong Duterte na gamitin ang pasilidad para sa drug rehabilitation sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija ang lalong nagpaduda sa kanya sa pinaplanong bagong rehabilitasyon. “Kahit pa ang pagpapatayo ng mga pasilidad na ito ay mula sa pribadong donasyon ng mga dayuhan, ang gagastusin naman para sa operasyon nito ay manggagaling sa buwis ng taumbayan,” wika ni De Lima. Kaya naman para kay De Lima, kailangan umanong pag-aralan muna nang maigi ang nasabing plano para hindi lang masayang ang perang gagastusin sa proyekto. “Hindi pwedeng bara-bara na naman ang mga plano sa ganitong kalaking proyekto, lalo pa’t gagastusan ito ng kabang-bayan,” pagbibigay-diin ng Senadora mula sa Bicol.
ito,” wika ni De Lima. Matatandaan na nagkaroon ng privilege speech si De Lima sa Senado noong Enero 24, 2017 para isiwalat ang paglaganap ng fake news sa simula ng panunungkulan ng rehimeng Duterte. Si De Lima ay malinaw na pangunahing biktima ng fake news, kung saan ginamit ng rehimeng Duterte ang pekeng mga impormasyon, pekeng ebidensya at pekeng mga testimonya ng convicted drug lords para idiin siya sa isang kaso na wala naman siyang kinalaman.
gawing federal-parliamentary government na ang pamamahala sa Pilipinas. Ayon sa Senadora, makakasama sa bansa ang pagpapalit ng Konstitusyon para lang palawigin ang termino at manatili sa kapangyarihan ang mga politiko.
Pag-inhibit ni Guerrero, ikinatuwa ni De Lima
Ikinatuwa ni Sen. Leila M. de Lima ang pag-inhibit ni Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204 sa paghawak ng kanyang kaso sa diumanong paglabag niya sa Section 26-B ng Republic Act 9165 o illegal drug trade sa New Bilibid Prison. Ayon kay De Lima, ang desisyon ni Guerrero na mag-inhibit ay isang hakbang para mapunta sa tamang direksyon ang pagdinig at maiwasan ang pagkiling sa mga nakabinbin niyang kaso. Para sa Senadora, hinihingi lang ng pagkakataon na mag-inhibit mula sa kaso si Judge Guerrero dahil sa nakaraang naging mga desisyon nito, kapansinpansin ang kanyang mga pagkiling. Bagay ito na ikinatuwa ng Senadora para mahawakan umano ang kanyang kaso ng mas karapat-dapat na mahistrado. Sa kasalukuyan, makalipas ang mahigit isang taon ng pagkapiit ng Senadora, hindi pa rin na-arraign si De Lima. Patunay ito na walang matibay na kaso laban sa kanya dahil mga pekeng ebidensya lamang ang ginamit laban sa Senadora.
De Lima sa kanyang unang libro... Mula pahina 1
Nahahati ang libro sa mga tema ng politika, demokrasya at soberanya, extrajudicial killings, at pamamahala. Marami naman ang pumuri sa librong ito gaya ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III. Pahayag ni PNoy na inilimbag sa nasabing libro, “Makikita naman natin: Si Leila, klarong-klarong may prinsipyo. Sa pinagdadaanan niya, malinaw na tayo ang kanyang ipinaglalaban. Mainam namang maipadama natin kay Leila, na sa labang ito, hindi siya nag-iisa.” Nakapaloob rin sa libro ang mga mensahe ng paghanga para kay De Lima ng mga dating kasamahan sa Gabinete, mga kapwa tagapagtanggol ng karapatang-pantao, at kaibigan. Inaasahan naman na masusundan pa ang nasabing libro dahil sa marami pang hitik na pahayag at opinyon ng Senadora.
Dagdag proteksyon sa IP, isinulong ni De Lima
Naghain si Sen. Leila M. de Lima ng isang resolusyon para imbestigahan ang mga naiulat na pag-abuso laban sa Indigenous Peoples o IP. Sa paghahain ng Senate Resolution (SR) No. 667, iginiit ni De Lima ang pangangailangang amyendahan ang Republic Act No. 871 o ang Indigenous People’s Rights Act of 1997 para pagtibayin ang pagtatanggol at pangangalaga sa karapatan ng mga kapatid nating IP. Sa nasabing resolusyon, ipinahayag ng Senadora ang ilang halimbawa ng pagpatay sa mga IPs. Kabilang dito ang pagpaslang sa pinuno ng tribong Ati na si Dexter Condez noong 2013, ang hindi pa nareresolbang Isang pagtitipon na dinaluhan noon ni De Lima kasama ang pagpatay sa mga Lumad sa Mindanao at Igo- mga katutubo para ipaliwanag ang kanilang mga karapatan. rot sa Cordillera, at paglabag ng mga kompasiyasatin ang ugat ng paglikas ng mga katutubo nya sa pagmimina sa mga katutubo. sa kanilang mga lugar at ang marapat na tugon Una nang nakapaghain ng Senate Resolution ng Estado para arugain at protektahan sila. (SR) No. 195 si De Lima kung saan nais din niyang
Enero - Marso 2018
3
Mga taga-suporta at kasamahan, inilunsad ang ‘Buwan ni Leila’ Matagumpay at naging makulay ang paglulunsad ng “Buwan ni Leila” bilang paggunita sa unang taon ni Sen. Leila M. de Lima bilang bilanggong politikal. Ginanap ang nasabing paglulunsad noong Pebrero 14 sa Senado, na dinaluhan ni Sen. Sonny Trillanes at ng mga tagasuporta ng Senadora. Sa nasabing pagtitipon, iginiit ni Trillanes na muli niyang hihikayatin ang Senado na makiisa sa kanyang panawagan na palayain na ang Senadora. Nag-alay din ng kani-kanilang mensahe ng pagsuporta ang iba’t ibang organisasyon na dumalo sa pagsisimula ng “Buwan ni Leila.” Ang “Buwan ni Leila” ay serye ng aktibidad mula Pebrero 14 hanggang Pebrero 24, ang unang taon ng Senadora sa ilegal na pagkakulong. Bahagi nito ang pagdiriwang ng mga Novena
Masses, at ang motorcade kung saan tampok ang pagparada at pagaalay ng bulaklak para sa Senadora mula sa Quirino Grandstand patungong Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame. Lubos naman ang pasasalamat ng Senadora sa patuloy na tiwala at suporta sa kanya ng marami.
Noong Pebrero 14, kasama si Sen. Trillanes at mga taga-suporta ni De Lima, inilunsad ang “Buwan ni Leila.” Ipinakita ng kanyang mga tagasuporta ang pagmamahal nila kay De Lima sa harap ng hayagang panggigipit sa kanya ng rehimeng Duterte.
De Lima kinuwestyon ang desisyon ng DOJ na ipawalang-sala sina Espinosa at Lim
Kinuwestyon ni Sen. Leila M. de Lima ang pagabswelto ng DOJ sa ilalim ng pamumuno ng nagresign nang si Sec. Vitaliano Aguirre kina Kerwin Espinosa at Peter Lim, at iba pang sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga. Matatandaan na si Kerwin Espinosa ay siya mismong umamin sa isang pagdinig sa Senado na nagbebenta siya ng ilegal na droga at kumita ng milyon-milyong piso mula dito, habang ang negosyante namang si Peter Lim ay pinangalanan mismo ni Pangulong Duterte na isang drug lord.
“Ang pag-abswelto ng rehimeng Duterte kina Espinosa at Lim ay patunay lamang sa pagiging peke ng drug war na isinusulong ng gobyerno ni Duterte,” wika ni De Lima. Tanong pa ni De Lima: “Bakit tinatarget at pinapatay ng drug war ni Duterte ang mahihirap habang pinapalaya naman ang mga tunay na kriminal at drug lord?” Noon pang nakaarang taon, sinabi na ni De Lima ang sabwatang rehimeng Duterte at mga drug lord para idiin siya at sirain ang kanyang kredibilidad.
Ligtas ako at nasa mabuting kalusugan – De Lima
Ligtas sa anumang malubhang sakit si Sen. Leila ang aking kilos, akin pa ring ginagampanan ang M. de Lima. Ito ang napag-alaman sa naging re- tungkulin ko bilang Senador. sulta ng kanyang pagsusuri, matapos ang isang Dahil sa magandang resulta ng pagpapatingin, araw na medical furlough, sa Philippine Heart lalong nabuhayan ng loob si De Lima at kanyang Center noong Marso 12. mga taga-suporta na ipagpatuloy ang paglaban “Nagpapasalamat tayo sa Panginoon, at sa sa kanyang mga adbokasiya. dasal ng ating mga kababayan. Wala na pong “Huwag po kayong maawa sa akin. Maawa po dapat ikabahala sa aking naging medical exami- kayo sa ating bayan. Patuloy niyo po sana akong nation na bunsod ng nakitang ‘impression of a ipagdasal at ang ating bansa,” wika ni De Lima. liver mass.’ Di ko na po kailangan pang dumaan sa isang operasyon,” wika ni De Lima. Nauna rito, nabanggit ni De Lima na bahagi ng kanyang pananagutan bilang lingkod bayan ang ipagbigay alam sa publiko ang estado ng kanyang kalusugan. “Sa nakalipas na mahigit isang taon na ako po ay nasa piitan dahil sa paniniil sa akin, Noong Marso 12, nagpasuri si De Lima sa Philippine Heart Center matapos siyang nilimitahan man payagan ng Korte para sa isang araw na medical furlough. Ligtas at naging positibo ang resulta ng nasabing check-up.
Mas tumatag pa...
Mula pahina 1
Ayon sa Senadora, nagkakamali ang rehimeng Duterte sa pag-aakalang mapapatahimik siya sa pagpapakulong sa kanya. Hindi umano siya mapapatahimik kahit patuloy man siyang gipitin. Ngayon, maging ang buong mundo ay naririnig at batid na ang kanyang mga ipinaglalaban. Patuloy din sa pagkilala at paggawad ng parangal ang iba’t ibang organisasyon sa loob at labas ng bansa sa katapangan ni De Lima bilang pinakamahigpit na kritiko ng rehimeng Duterte.
De Lima nagpaabot ng pakiiisa sa ika-32 anibersaryo ng EDSA
Sa pagdiriwang ng ika-32 anibersaryo ng EDSA Revolution na ginanap sa People Power Monument, Quezon City noong Pebrero 25, ipinahayag ni Sen. Leila M. de Lima ang kanyang pakikiisa sa paglaban sa diktadurya. “Ngayon, muling nagbabadya ang diktadurya at pinapatay ang demokrasya. Pinaslang ang libolibong Pilipino. Ginawang bayani ang diktador. Ipinakulong ang inosente at kritiko ng gobyerno. Ginigipit ang media at nakikinabang sa fake news. Ipinamimigay ang ating teritoryo. Ngayon naman, gustong palitan ang Saligang Batas para lamang maging unlimited ang kanilang mga termino,” pahayag ni De Lima. Ipinakulong si De Lima batay sa gawa-gawang paratang sa kanya noong Pebrero 24 ng nakaraang taon, bisperas ng pagdiriwang ng EDSA. Marami ang kumondena sa pagpapakulong sa kanya, kabilang ang iba’t ibang organisasyon sa ibang bansa. Dahil sa panggigipit kay De Lima, lalong naging malinaw ang panunumbalik ng mala-diktador na pamumuno sa ilalim ng rehimeng Duterte.
Salamat sa IPU...
Mula pahina 1
Ayon kay De Lima, inaasahan niya na ang panawagan ng IPU ay magsisilbing “wake-up call” para sa kanyang mga kasamahan sa Senado at mga tagasuporta ni Duterte na tumigil na sa pagbubulag-bulagan sa mga kawalang-katarungan na nararanasan sa ilalim ng kasalukuyang gobyerno. Ayon sa Senadora, inaasahan niyang magsisimula na si Senate President Koko Pimentel na magsalita sa ngalan ng Senado at kanyang mga kasamahan, imbes na sa ngalan ni Duterte. Nais ng Senadora na maipakita ng Senado ang pagiging independent nito, at hindi magmukhang sunud-sunuran lamang sa kagustuhan ni Duterte. Bukod sa IPU, marami pang international organizations ang nauna nang nagpahayag ng kanilang pagsuporta para kay De Lima, at sa agarang pagpapalaya sa kanya. Kabilang dito ang Liberal International, ASEAN Parliamentarians for Human Rights, Council of Asian Liberals and Democrats, Amnesty International at marami pang iba. Naniniwala sila na si De Lima ay biktima ng panggigipit ng rehimeng Duterte.
De Lima isinulong ang basic enforcement training sa barangay Itinulak ni Sen. Leila M. de Lima ang batayang pagsasanay para sa sa pagpapatupad ng mga batas at patakaran ng mga barangay tanod, kabilang na ang kasanayan sa pag-aresto, pagbibigay ng paunang lunas, at paggalang sa karapatang pantao. “Bilang pangunahing tagapagpatupad ng kaayusan sa komunidad, kailangang sanayin at magkaroon ng programa para sa mga boluntaryo at mga tanod sa barangay para maayos nilang magampanan ang kanilang tungkulin,” wika ni De Lima.
Kailangan umano ito upang maiwasan ang pagabuso sa pagpapatupad ng kaayusan sa barangay. Maalala na noong nakaraang Disyembre 30, isang grupo ng mga pulis at barangay tanod ang nagpaulan ng bala sa isang sasakyan na nakapaslang sa dalawang sibilyan sa Shaw Boulevard sa lungsod ng Mandaluyong. Ang mga insidenteng ito umano ang kailangang maiwasan upang tunay na maisulong ang kapayapaan sa ating mga barangay.
4
Enero - Marso 2018
Arugain ang mga ‘special children’ – De Lima Isinulong ni Sen. Leila M. de Lima ang pagbubuo ng malinaw na polisiya ng gobyerno at mga komprehensibong programa na magsisiguro na nabibigyan ng karampatang edukasyon at suporta ang mga kapwa nating may autism, lalo na ang nabibilang sa mahihirap na pamilya. Sinabi ni De Lima na sa kasalukuyang mga programa para sa may autism, tanging mga pamilya na nakaaangat sa estado lamang ang may kakayahang magbayad para sa wastong pangangalaga at edukasyon. Noong Mayo 2017, inihain ni De Lima ang Senate Bill (SB) No. 1433 na nag-uutos sa pamahalaan na bumuo ng national roadmap para sa autism. Kaakibat nito ang pagtatatag ng Autism Council of
the Philippines upang ipalaganap sa publiko ang kaalaman ukol sa autism. Sa nasabing panukalang batas, iminungkahi ni De Lima ang pangangailangan na magsagawa ng masusi at kumpletong “epidemiological surveys” sa tunay na estado ng autism sa bansa upang makapagbigay ng mas malalim na pag-unawa at pagtugon sa autism. Si De Lima ay may anak at apo na may autism kaya naman personal sa kanya ang pangangalaga sa kapakanan ng may mga autism. Nais niyang matiyak na ang mga Pilipinong may autism ay mauunawaan sa lipunan, kayang mamuhay nang marangal at walang diskriminasyon at maging produktibong bahagi ng ating lipunan.
De Lima kinondena ang ‘impunity virus’ sa high-profile na mga kaso
Kinondena ni Sen. Leila M de Lima ang “impunity virus” o ang kawalan ng pananagutan sa mga malalaking kaso sa ilalim ng rehimeng Duterte. Partikular na dito ang naging desisyon ng Court of Appeals sa pag-abswelto kay dating Governor Joel Reyes sa kasong pagpatay sa environmentalist at mamamahayag na si Dr. Gerry Ortega. Sa pag-upo umani ni Duterte, tila nahawa ng buong gobyerno ng sakit ng kawalang pananagutan sa mga krimen ng mga kilalang indibidwal, at may koneksyon sa kapangyarihan. Kabilang sa mga binanggit ni De Lima ang pagbaligtad sa desisyon ng Court of Appeal sa kaso
ni Janet Lim Napoles sa kasong illegal detention o kidnapping, at ang pagpayag ng korte na makapagpiyansa si dating Senador Jinggoy Estrada sa kasong pandarambong. Nagbabala rin si De Lima sa ginagawa ngayong panggigipit ng rehimeng Duterte sa Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno, at plano ng Malacañang na palitan siya sa puwesto na magiging sunud-sunuran kay Duterte. “Kapag nangyari ito, maasahan natin na magiging normal na ang ganitong “impunity virus” o pagpapawalang sala sa mga tunay na sangkot sa katiwalian,” wika ni De Lima.
‘Flag-bearer’ ng human rights sa Asya... Mula pahina 1 Kabilang si Sen. Leila M. de Lima sa listahan ng Asian Correspondent ng limang prominenteng bilanggong politikal sa Timog Silangang Asya dahil sa walang-takot nilang pagsusulong sa hustisya at karapatang pantao. Pinamagatang “Democracy behind bars: A look at the cases of 5 jailed Asean leaders,” si De Lima lamang ang Pilipinong napasama sa listahan ng nasabing pahayagan na inilabas noong Enero 26. Kasama ni De Lima sa nasabing pagkilala ng Asian Correspondent sina dating Deputy Prime Minister ng Malaysia Anwar Ibrahim, dating gobernador ng Basuki na si “Ahok” Tjahaja Purnama, lider ng Cambodian National Rescue Party (CNRP) na si Kem Sokha at dating Punong Ministro ng Thailand na si Yingluck Shinawatra.
Ayon sa ulat, si De Lima ang pinakamatapang na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaresto batay sa mga imbentong kaso ng ilegal na droga dahil pinamunuan niya ang imbestigasyon ng Senado ukol sa extrajudicial killings sa Pilipinas. Noong Marso 18, kasama din si De Lima sa listahan ng Asian Correspondent sa mga nangungunang “Power Women of Southeast Asia” para sa tapat na pagtataguyod ng karapatang pantao. Sa artikulong pinamagatang “The Power Women of Southeast Asia, tinagurian si De Lima bilang “flag-bearer for human rights in the Philippines and beyond,” dahil na rin sa walang takot na pagtatanggol sa karapatang pantao. Nakakulong man, patuloy na kinikilala at pinaparangalan si De Lima kahit maging sa ibang bansa.
Human rights defenders... Mula pahina 1
Kinastigo rin ni De Lima, na dating Kalihim ng Department of Justice, ang pahayag ni Duterte noong nakaraang taon na iuutos nito ang pagbaril sa human rights workers. Patunay umano ito sa kawalang-pagpapahalaga ni Duterte sa karapatang-pantao. Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng Senadora sa iba’t ibang institusyon upang maisabatas ang panukala niyang protektahan ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao.
De Lima pinuri ang Kamara sa proteksyon ng human rights Pinuri ni Sen. Leila M. de Lima ang ilang miyembro ng Mababang Kapulungan sa pagtatanggol sa karapatang pantao sa kabila ng hayagang panggipit ng rehimeng Duterte sa usaping ito. Sa isang mensahe ng pakikiisa ni De Lima sa paglulunsad ng Mambabatas Para sa Karapatang Pantao (MAKATAO) noong Marso 9, sinabi ni De Lima na kailangan ng mga taong handang manindigan at lumaban sa mga pag-abuso. Kabilang sa mga miyembro ng MAKATAO sina Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr., Quezon City 6th District Rep. Kit Belmonte, at Akbayan Rep. Tom Villarin. Kailangan umanong malaman ng publiko ang benepisyo ng sama-samang pagkamulat at paglaban sa mga mapang-abuso upang maitama ang mali at mapanagot ang mga tiwali. Kailangan din umanong punahin ang gobyerno sa mga kamalian nito upang hindi ito masanay sa mga paglabag sa batas.
Kung kayo po ay may mungkahi o nais ipaabot na mensahe, mangyari po sanang iparating ito sa amin sa: leiladelima.comms@gmail.com; o sa mga sumusunod na social media accounts:
/leiladelimaofficial @SenLeiladeLima
/senleiladelima /senatorleilam.delima /SenLeilaMdeLima