The De Lima Express (December 2019 Issue) READ NOW!

Page 1

INSIDE STORY:

Kilalang Filipino designer, nagbigaypugay kay De Lima TOMO 1 BILANG 5

Oktubre - Disyembre 2018

cpahina 3

De Lima, kabilang sa ‘Women Heroes’ ng 2018

Dahil sa natatanging pakikipaglaban para sa karapatang pantao, at pananatiling matatag sa kabila ng politikal na panggigipit sa kanya ng kasalukuyang gobyerno, kinilala ng RINJ Foundation si Sen. Leila M. de Lima bilang isa sa mga Women Heroes o “Sheroes” ng 2018. Kabilang si Sen. Leila M. De Lima sa itinanghal na Women Heroes (Sheroes) ng 2018 para sa kanyang patuloy na pakikipaglaban sa karapatang pantao at paghamon sa mga hindi makataong patakaran ng gobyerno na nagsusulong ng karahasan at patayan. Iginawad ang nasabing pagkilala ng RINJ, isang pribadong orga-nisasyon na nakabase sa Canada na nakatala sa ilalim ng United Nations. Ayon sa RINJ, kahanga-hanga ang paninindigan ni De Lima para tutulan ang extrajudicial killings sa ilalim ng gobyerno ni Duterte na pumaslang ng libolibong mahihirap na Pilipino, mga taga-simbahan, aktibista, at politiko. cpahina 2

Pagdami ng junket casinos, imbestigahan! — De Lima

Nanawagan si Sen. Leila M. de Lima sa Senate Games and Amusement Committee para muling suriin at pag-aralan ang mga batas na nakatuon sa regulasyon ng mga casino, online gaming sites at mga tinatawag na “junket casinos” sa bansa. Sa paghahain ng Senate Resolution (SR) No. 953, pinuna ni De Lima ang kawalan ng mahigpit na polisiya sa pag-monitor ng mga operasyon ng mga casino resorts, online gaming sites, at junket casinos. Ito umano ang nagbibigay daan sa mga katiwalian, ilegal na transaksyon at sabwatan dito. Inihalimbawa ni De Lima ang isyu sa diumano’y panunuhol ng sinasabing online gaming industry expert na si Wenceslao Sombero Jr., na nasakote sa CCTV na nag-aabot ng payola sa mga opisyal ng Bureau of Immigration noong 2016. cpahina 3

Dagsa ng Chinese nationals, kinuwestyon ni De Lima Pinasisiyasat ni Sen. Leila M. de Lima, tagapangulo ng Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development ng Senado, ang pagdagsa ng mga manggagawa at naninirahang Tsino sa Pilipinas. Ang pagdami ng nasabing mga dayuhan ay nagiging kaagaw pa sa trabahong puwedeng mapasukan ng mga Pilipino. cpahina 4

Korte, pinayagan ang De Lima, nalathala bilang media coverage sa huwarang lider sa Asya hearing kay De Lima Malugod na tinanggap ni Sen. Leila M. de Lima ang naging desisyon ng Korte Suprema na pahintulutan ang media coverage sa mga pagdinig sa mga imbentong kasong isinampa sa kanya sa Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206. Nagpapasalamat si De Lima sa Kataas-taasang Hukuman sa paggalang sa malayang pamamahayag, at sa karapatan ng publikong mabatid ang mga nangyayari sa hukuman, at ang karapatan niya sa isang patas at bukas na pagdinig sa kanyang kaso. Ani De Lima, “Dapat lang na bukas at hayag ang mga nangyayari sa korte, para mapakinggan ang mga pahayag ng mga pekeng testigo, pati na ang argumento ng bawat partido, para talagang lumabas ang katotohanan.” cpahina 2

Lubos ang pasasalamat ni Sen. Leila M. de Lima sa panibagong pagkilalang ibinigay sa kanya ng Council of Asian Liberals and Democrats (CALD), sa pagkakabilang sa kanya sa bagong libro nito tungkol sa 16 na huwarang kababaihan sa Asya na nakikipaglaban para sa demokrasya at karapatang pantao. Sa kanyang sulat na ipinadala sa CALD noong ika10 ng Disyembre, ipinaabot ni De Lima ang saya at inspirasyon na hatid ng pagkakasama niya sa librong pinamagatang “Compelled by Duty, Conscripted by Destiny,” na inakda ni John Joseph S. Coronel. Dito, inilarawan siya bilang katangi-tanging babae na nananatiling matatag sa kabila ng mabibigat na pagsubok at unos sa buhay. Ani De Lima, patunay ang ganitong pagkilala na marami ang naniniwala sa kanyang pagiging inosente at sa mga ipinaglalaban niyang adbokasiya. Kaya sa kabila ng ilegal na pagpapakulong sa kanya, malakas pa rin ang kanyang loob na lumaban. cpahina 4

Otso Diretso, pag-asa ng Pinas – De Lima Buo ang suporta ni Sen. Leila M. de Lima sa Otso Diretso, ang mga kandidato sa pagka-senador sa susunod na eleksiyon. Itinuturing sila ng Senadora bilang mga pag-asa para makabagon muli ang bansa. Para kay De Lima, sina Magdalo Rep. Gary Alejano, Sen. Bam Aquino, human rights lawyer Jose Manuel Diokno, election lawyer Romy Macalintal, dating

Senador at Kalihim ng Department of the Interior and Local Government Mar Roxas, dating Rep. Erin Tañada, dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay, at Maranao leader Samira Gutoc-Tomawis ang magpapabago sa takbo ng magulong politika sa ating bansa sa kasalukuyan. cpahina 3 Inihayag ni Sen. De Lima ang kanyang suporta sa Otso Diretso, na ayon sa kanya, ay mga pag-asa para makabangon ang nalulugmok nating bayan. Kabilang sa OK sina Magdalo Rep. Gary Alejano, Sen. Bam Aquino, human rights lawyer Atty. Chel Diokno, dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay, election lawyer Atty. Romy Macalintal, dating Senador at Kalihim ng Gabinete Mar Roxas, dating Rep. Erin Tañada, at Maranao leader Samira Gutoc-Tomawis.


2

Oktubre - Disyembre 2018

De Lima, nagbabala sa epekto ng palpak na ‘War on Drugs’ Nagbabala si Sen. Leila M. de Lima sa masamang epekto ng nagpapatuloy pa ring madugong “War on Drugs” ni Duterte kung saan libu-libong Pilipino na ang napaslang nito kasama na ang inosenteng bata. Sa isang mensahe noong ika-70 anibersaryo ng Unibersal na Deklarasyon ng Karapatang Pantao, sinabi ni De Lima na ang Pilipinas ay kasalukuyang humaharap sa isang malagim na kabanata dahil sa nangingibabaw dito ang karahasan at kultura ng kawalang pananagutan. “Sa dami ng patayan at pang-aabuso na nangyayari ngayon dahil sa baluktot at marahas na polisiya ng rehimeng ito sa pagsugpo ng ilegal na droga, isang hamon para sa ating lahat ang maging mulat sa

kawalang-hustisya at hindi matakot na magsalita laban sa mga paglabag sa ating karapatan,” ani De Lima. Ayon kay De Lima, mula sa respetadong imahe ng Pilipinas noon sa international community, hindi na maganda ang pagtingin ng buong mundo sa bansa dahil sa kawalang pagpapahalaga ng gobyerno sa buhay at karapatang pantao. Marami na ang pandaigdigang organisasyon ang kinondena ang mga patayan at karahasan sa Pilipinas, kabilang na ang United Nations, Human Rights Watch, Liberal International, European Parliament, ASEAN Parliamentarians for Human Rights, at iba-ibang samahan na nagtataguyod sa

Para mapatatag ang mandato at pagiging malayang institusyon ng Commission on Elections (Comelec), nagpanukala si Sen. Leila M. de Lima na bigyan ng kapangyarihan ang ahensya na gumawa ng mga tanggapan at dagdagan ang kanilang mga tauhan para sa darating na halalan. Inihain ni De Lima ang Senate Bill (SB) No. 2025 na naglalayong amyendahan ang mga probisyon ng Batas Pambansa Blg. 881, na kilala rin bilang “Omnibus Election Code.”

“Ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Comelec na lumikha ng sariling mga opisina at kumuha ng mga empleyado ayon sa pangangailangan, ay pagsisiguro ng Estado na protektado at sagrado ang boto ng mga tao, kung saan nagmumula ang lahat ng kapangyarihan ng gobyerno,” ani De Lima. Sa ilalim ng SB No. 2025, magtatakda ang gobyerno ng Comelec field offices na hiwalay sa lokal na pamahalaan, at may sapat na empleyado para masiguro ang integridad nito at maayos na serbisyo.

karapatang pantao. Para sa Senadora mula sa Bicol, kung mananatiling nakatutok si Duterte sa palpak na kampanya niya laban sa droga, walang magandang kakahinatnan ang ating bansa dahil marami pa umanong problema ang dapat bigyang pansin ng gobyerno. “Ano ang sagot ng gobyerno sa mataas na presyo ng mga bilihin, tumaas na pamasahe, presyo ng gasolina, mataas na buwis dahil sa TRAIN Law, habang nananatili ang mababang pasahod at kawalan ng tiyak na trabaho?” hamon ni De Lima, na siyang Tagapangulo ng Commitee on Social Justice, Welfare and Rural Development sa Senado.

Lima: imbestigahan ang De Lima, nais patatagin ang mandato ng Comelec De dayuhang si Michael Yang

Protekhan ang kapakanan ng mga katutubo — De Lima Nagpahayag ng pakikiisa si Sen. Leila M. de Lima sa mga tagapagtaguyod ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebeldeng pangkat, upang mawakasan na ang deka-dekadang tunggalian at karahasan na umangkin na ng buhay ng libo-libong mga Pilipino, at sumira sa kinabukasan ng napakaraming pamilya at kabataan. Sa kanyang mensahe sa isang peace forum na ginanap sa University of Santo Tomas, sinabi ni De Lima na ang isa sa mga pinakabiktima at naiipit sa labanan ng ating mga sundalo at rebeldeng grupo ay ang Indigenous Peoples (IPs) o mga katutubo. “Sumasang-ayon po ako sa inyo na isa sa pinakamatinding naaapektuhan ng nagaganap

Disenteng pabahay para sa maralita , isinusulong ni De Lima

Ipinanukala ni Sen. Leila M. de Lima ang pagbuo ng mga lokal na konseho para gabayan at kumalinga sa mga kababayan nating mahihirap upang magkaroon ng disente at abot kayang tahanan. Sa pagpapanukala ng Senate Bill No. 2092, pinaaamyendahan ni De Lima ang Urban De velopment and Housing Act of 1992 upang itaguyod ang “people’s planning approach” bilang pangunahing modelo sa pagbibigay ng pabahay para sa maralitang tagalungsod. “Batayang karapatan ng bawat isa ang magkaroon ng maayos na tahanan, subalit napakarami nating kababayan ang napagkakaitan nito. Kaya naman dapat lang na tugunan ito ng pamahalaan,” paliwanag ng Senadora mula Bicol. Sa panukalang batas ni De Lima, magkakaroon ng Local Housing Board sa bawat lungsod at sa lahat

na tunggalian ay kayong mga kapatid nating katutubo. Kayo na nabibiktima ng mga pag-abuso at mga paglabag sa karapatang pantao na dulot ng kaguluhan,” wika ng Senadora mula sa Bicol. Para kay De Lima, dapat seryosong tugunan ng gobyerno ang paghihirap ng ating mga katutubo, llalo pa’t isa sila sa marhinalisadong sektor ng lipunan at matagal nang napapabayaan. Nauna rito, nakapaghain na sa Senado ng panukalang resolusyon si De Lima para sa pagsigurong hindi naaabuso ang karapatan ng mga katutubo, lalo na sa napapaulat na militarisasyon sa mga komunidad ng mga kapatid nating Lumad. Nagdesisyon ang Korte Suprema na payagan ang media coverage sa mga pagdinig sa kaso ni De Lima, bagay na lubos na ikinatuwa ng Senadora. Aniya, isa itong malaking hakbang para lumabas ang totoo at magkaroon ng patas na paglilitis.

Media Coverage...

Mula pahina 1

Mapapansin na sa mga hearing na dinadaluhan ni De Lima, sangkaterbang mga kapulisan ang nakapalibot sa kanya, at hinaharangan siyang makapanayan ng media. Ni hindi man lamang siya hinahayaan na makapagsalita nang maayos o kaya naman ay makuhanan man lang nang maayos na litrato. “Bakit ipinagkakait sa media ang bahagi ng propesyon nilang mabantayan at mailahad ang mga pangyayari sa mga hearing? May kailangan bang itago, pagtakpan o kinatatakutang lumabas sa publiko?” tanong ni De Lima.

Women Heroes 2018... Mula pahina 1 ng 1st and 2nd class municipality upang masiguro ang wastong pagpaplano at implementasyon ng mga programang pabahay para sa mahihirap.

Pinas, naging ‘narco-state’ sa ilalim ni Duterte - De Lima

Ang Pilipinas ay naging narco-state o bansang nasa kontrol ng mga nasasangkot sa malawakang transaksyon ng droga sa ilalim ng pamumuno ng administrasyong Duterte. Ito ang igiiit ni De Lima dahil sa hindi pagpapanagot ng gobyerno sa mga big-time drug lord at patuloy na pagpapalusot sa Bureau of Customs ng bilyon-bilyong halaga ng shabu. Habang hindi pinapanagot ng administrasyong Duterte ang mga prominenteng personalidad na nagpapasok ng tone-toneladang shabu sa bansa, walang preno naman ito sa pag-utos na patayin ang mga small-time drug pushers at users.

Naglatag ng resolusyon sa Senado si Sen. Leila M. de Lima para imbestigahan ang pagkakatalaga sa gobyerno ng dayuhang Tsino na si Michael Yang na naiulat na economic adviser ng Pangulo. Sa kanyang Senate Resolution No. 922, nais ni De Lima na imbestigahan ng kaukulang lupon ng Senado kung ano ang tunay na papel na ginagampanan ni Yang, at kung ano ang lawak ng tungkulin at impluwensya nito sa Malacañang. Para kay De Lima, kailangan masiguro ang pagiging malaya ng Estado mula sa kontrol ng mga dayuhan, kaya naman hindi basta-basta makakapagtalaga ng mga Tsino gaya ni Yang sa gobyerno. Kilala rin bilang Yang Hong Ming, nagpapakilala umano si Yang bilang “presidential economic adviser” gamit ang kanyang business cards na may opisyal na sagisag ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, kasama ang opisyal na logo ng kanyang kompanya na Full Win Company. Iminungkahi din ni De Lima ang mas mabigat na parusa sa mga dayuhan na ginagamit ang mga sagisag ng gobyerno, partikular na ang Tanggapan ng Pangulo, para sa kanilang pansariling interes.

Ayon kay De Lima, halata umano si Duterte na pinagtatakpan ang mga kaalyado, kamag-anak o kumpare niyang sangkot sa droga. “Si Duterte pa ang madalas na unang nagbibigay ng pahayag na inosente ang mga sangkot sa pagpasok ng mga ilegal na droga sa bansa,” ani De Lima. Napaulat na rin na sangkot ang anak ni Duterte na si Paolo “Pulong” Duterte sa ilegal na transaksyon ng droga, pati na ang mga kaibigan nito sa Davao. Minsan na ring naimbitahan sa pagdinig sa Senado si Pulong pero hindi naman ito sumagot sa maraming katanungan.

Noong ika-isa ng Enero, inilathala ng RINJ foundation ang listahan ng mga kababaihan na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa libo-libong tao sa buong mundo, lalo na sa mga kababaihan at mga bata, sa kanilang prinsipyo sa trabaho at mga adbokasiya. Kasama ang mga bilanggong politikal at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao tulad ni De Lima, kinilala din ng RINJ foundation si Huawei Technologies CFO Sabrina Meng, Muslim rights advocate Israa al-Ghomgham at Saudi Women’s right activist Loujain al-Hathloul. Kabilang din sa listahan nito ang Senadora mula sa US na si Elizabeth Ann Warren Inilarawan ng RINJ si De Lima hindi lamang bilang isang abogado, tagapagtanggol ng karapatang pantao at guro, bagkus isa ding “extraordinary human rights defender.” Magdadalawang-taon na nga mula nang dimakatarungang ipinakulong si De Lima gamit ang mga pekeng kaso at testimonya laban sa kanya.


Oktubre - Disyembre 2018

3

De Lima, pina-iimbestigahan ang ‘palit-puri’ scheme Pinaiimbestigahan ni Sen. Leila M. de Lima sa kanyang Senate Resolution (SR) No. 930 ang sinasabing “palit-puri” scheme na ginagawa umano ng ilang kapulisan matapos mailantad ang sunudsunod na kaso ng mga sekswal na pag-abuso sa mga kaanak ng mga nakakulong na suspek kapalit ng kanilang paglaya. Sa paghahain ng resolusyon na ito, ginawang halimbawa ng Senadora ang naiulat na paggahasa ng isang pulis sa isang menor-de-edad na dalagita

kapalit ng kalayaan ng mga magulang nito, na sangkot sa ilegal na bentahan ng droga. Ayon sa Center for Women’s Resources, 56 na pulis na ang naitalang sangkot sa 33 kaso ng pag-abuso sa mga kababaihan simula ng maupo si Duterte. Dahil sa lumalalang pag-abuso sa karapatan ng kababaihan at kabataan sa ilalim ng kasalukuyang gobyerno, nakapaghain na si De Lima ng mga panukalang batas sa Senado upang protektahan ang mga kanilang mga karapatan.

Ilan sa mga ito ang Senate Bill No. 1438 kung saan naglalayon itong protektahan ang mga kababaihan na nasa kustodiya ng estado. Nariyan din ang SR No. 670 o ang tapat na implementasyon ng Gender and Development Plan. Layunin din ng panukalang batas na ito na mapalawak pa ang partisipasyon ng kababaihan sa pagtataguyod ng bansa.

Kilalang designer, nagbigay pugay kay De Lima Paglaya ni Imelda Marcos, Nakakulong man dahil sa mga imbentong kaso laban sa kanya, patuloy pa rin si Sen. Leila M. de Lima sa pagbibigay inspirasyon sa mga Pilipino na kinikilala ang kanyang paglaban para sa katarungan at karapatang pantao. Kabilang dito ang Filipino designer na si Mitch Desunia, isang kilalang designer na gumawa ng gown para kay De Lima bilang pagbibigay-pugay sa katapangan at katatagan ng Senadora. Dating naka-base sa London, United Kingdom, ipinakita ni Desunia ang kulay asul na gown na may itim na panuelo sa kauna-unahang Manila Fashion Ball na ginanap noong Oktubre 25 sa Manila Polo Club, sa Lungsod ng Makati, para sa benepisyo ng mga single parents at mga kababaihang dumanas ng mga pang-aabuso at karahasan. “I made this gown for her para sa Manila Fashion Ball. This is representing her,” saad ni Desunia. “This black ribbon (‘panuelo’) symbolizes sadness and oppression na gliterry siya because sometimes kahit tayo ay oppressed at malungkot, we still have to put some spark in our lives,” dagdag ng fashion designer. Sinabi ni Desunia na alalahanin sana ng mga kababaihan ang patuloy na pakikibaka ni De Lima para magkaroon sila ng lakas ng loob sa kanikanilang mga personal na laban para sa katarungan.

di-makatarungan — De Lima

Ang gown na ginawa ng designer na si Mitch Desunia, na iniaalay niya para kay Sen. De Lima, at itinanghal sa kauna-unahang Manila Fashion Ball. Para kay Desunia, inspirasyon niya ang katapangan ni De Lima sa pakikipaglaban para sa karapatan ng kababaihan.

Kasunduan sa pagitan ng Pinas at Tsina, linawin! — De Lima Iginiit ni Sen. Leila M. de Lima na isapubliko at ipaliwanag ng Malacañang ang 29 na kasunduan na pinasok nito sa China noong bumista si Chinese President Xi Jinping noong Nobyembre 2018 sa Pilipinas. Ipinaliwanag ni De Lima, bilang tagapangulo ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, na ang mamamayang Pilipino ay may karapatang malaman at maintindihan ang mga kasunduan ng Pilipinas at China para matiyak na ang mga proyektong ito ay tiyak na makakatulong sa bayan. “Kung susuriing mabuti, ang interes ng China ay taliwas sa mga interes natin, lalo na sa isyu ng West Philippine Sea. Dapat ring sundin ng gobyerno ang

Otso Diretso...

Mula pahina 1

sa demokrasya at hangaring matigil na ang nangingibabaw na kultura ng karahasan, patayan at kawalang katarungan sa ilalim ng rehimeng Duterte. Pinangunahan ni Bise Presidente Leni Robredo ang paglulunsad ng nasabing Senatorial slate noong Oktubre 24. “Tinitingnan natin yung walo, sasabihin natin hindi pa naman ubos iyong pag-asa sa pulitika. Mayroon pa tayong pagkakataon para linisin kung anumang dumi ang nandiyan,” wika ni Robredo. Hinimok naman ni De Lima ang walong kandidato na patuloy na itaguyod ang bagong mukha ng politika na hindi isinusulong ang pansariling agenda, kundi ang kapakanan ng mga maralita. “Silang walo ay kumakatawan sa kakayahan at kahandaan ng oposisyon na tindigan at ipaglaban ang mga tunay na isyu ng bayan: kahirapan, pagyurak sa mga karapatan, paglapastangan sa demokrasya at soberanya, at kawalan ng katarungang panlipunan,” wika ni De Lima.

mga prinsipyo ng “transparency at accountability“ na kinakailangan sa kahit ano mang kasunduan para mapagtanggol ang ekonomiya at seguridad ng ating bansa,” sabi ni De Lima. “Nakakabahala na ang Malacañang ay hindi nagbigay ng kumpletong paliwanag sa napagkasunduang Memorandum of Understanding sa China maliban sa dami ng mga kasunduan at ang titulo nito,” dagdag ni De Lima. Matatandaan na sa kabila ng pagkakapanalo ng Pilipinas sa kasong inihain nito sa Arbitral Tribunal para sa usapin sa teritoryo, ay patuloy pa ring inaangkin ng China ang ating mga isla. Bagay ito na ikinababahala ni De Lima sa pagpasok ng gobyerno sa mga nasabing kasunduan.

Casino junkets...

Mula pahina 1

Ginawa umano ang panunuhol para palayain ang Chinese nationals na naaresto sa ilegal na operasyon ng online gambling sa bansa. Mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ng Tsina ang mga pasugalan sa kanilang bansa kaya naman may mga kumpanya ang mga Tsino na sa Pilipinas ginagawa ang kanilang operasyon. Sa nasabing resolusyon, nagpahayag din si De Lima ng kanyang pagkabahala sa pagkakaroon ng mas mataas na posibilidad sa sekswal na panggigipit sa mga dealers, kabilang na ang mga kababayan nating Pilipina sa online games dahil pinagsusuot umano sila ng maiikling damit. Noong Setyembre 2018, pinahintulutan ng Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) ang 57 dayuhang kompanya na nakapaloob sa ilalim ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Marami pa umanong casino ang nakatakdang magbukas sa mga susunod na taon sa ilalim ng administrasyong Duterte kaya naman pinababantayan ni De Lima ang regulasyon dito.

Ang desisyon ng Korte na hayaang makapagpiyansa si Imelda Marcos, ang dating Unang Ginang at asawa ng diktador na si Ferdinand Marcos, matapos siyang hatulang nagkasala sa mga kaso ng katiwalian ay sumasalamin di-patas na sistema ng hustisya sa bansa, ayon kay Sen. Leila M. de Lima. Sa halagang P150,000 na piyansa, nagawang hindi maaresto at makulong ni Imelda Marcos sa kabila ng pagiging guilty sa patong-patong na kaso ng pagnanakaw sa kaban ng bayan, mula pa man noong nanunungkulan pa ang kanilang pamilya sa Malacañang. Para kay De Lima, balewala ang daan libong pisong piyansa ni Marcos kung ikukumpara sa bilyun-bilyong ninakaw nito sa kaban ng bayan na napatunayang tinago sa mga Swiss bank account. Pinaalalahanan din ng Senadora mula sa Bicol ang publiko na bantayan ang kasong ito ni Imelda Marcos upang tunay na managutan ang kanilang pamilya sa kanilang mga anomalya. “Hindi makatarungan na ang inosente at mahihirap ay napakadaling ipakulong, samantalang ang makapangyarihan na nagnakaw ng bilyon-bilyon ay hinahayaan lang na makalaya,” wika ni De Lima. Dagdag pa ni De Lima, kailangan ding manatiling mulat ng mga Pilipino sa ginagawa ng ilan na pagbabago sa kasaysayan para makabalik sa kapangyarihan ang mga Marcos. Isa na rito ang pagpapahintulot ng administrasyong Duterte sa pagpapalibing sa diktador na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa kabila ng pagtutol ng maraming Pilipino.

Panganib ng Pederalismo, nag-uumapaw — De Lima Sa kaniyang mensahe sa isang forum ukol sa Pederalismo sa Ateneo de Naga University (ADNU) noong Oktubre 2018, muling iginiit ni Sen. Leila M. de Lima ang mga panganib sa isang Pederal na pamamahala sa ilalim ng rehimeng Duterte. Pinaalalahanan ni De Lima ang mga law students ng ADNU na laging bantayan at maging mapanuri sa mga desisyon ng gobyerno, lalong-lalo na sa mga planong may malaking epekto sa pamamahala ng bansang Pilipinas. “Bilang mga mag-aaral ng batas, sinanay kayo sa pagkilatis ng mga desisyon ng pamahalaan, na marapat alinsunod sa ating Konstitusyon,” sabi ni De Lima. Kaya naman dapat lamang imulat din ang iba nating kababayan sa banta ng Pederalismo, na ayon sa kanya ay para sa mga politiko at hindi para sa kapakanan ng mga Pilipino. Para sa Senadora mula sa Bicol, posibleng magbunsod lang ito ng lalong paghahari ng mga dinastiya sa mga rehiyon. Mas magastos din umano ito, at mas marami pang buwis para sa mamamayan. Nauna rito, nagpanukala na rin ang ilang mga Kongresista sa kagustuhan nilang magkaroon ng “unli-term” kung saan wala nang term limit ang kanilang pagiging mambabatas. “Sa ganito ba nating mga klaseng pinuno ipagkakatiwala ang kinabukasan ng Pilipinas sa ilalim ng Pederalismo?” tanong ni De Lima.


4

Oktubre - Disyembre 2018

20 patunay na inosente si De Lima Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na sinumang magsalita laban sa polisiya at baluktot na pamamalakad ng kasalukuyang gobyerno ay mapag-iinitan ni Duterte at ng kanyang mga tauhan. Para kay Sen. Leila M. de Lima, ang kanyang kalayaan ang naging kabayaran sa kanyang pagtindig laban sa mga pang-aabuso ng gobyerno. Sa kabila ng walang humpay na paninira sa integridad ni De Lima, narito naman ang mga dahilan kung bakit malinaw na inosente ang Senadora mula sa mga gawa-gawang paratang laban sa kanya. 1. Matapang na humaharap si De Lima sa korte kaugnay sa mga kaso niya. Maaari siyang tumakas sa batas o magtago sa kinauukulan pero hindi ito ginawa ni De Lima. Katunayan, tinanggihan niya ang mga mungkahi ng political asylum sa ibang bansa. 2. Pawang imbento lamang lahat ng mga kaso laban kay De Lima. Sa utos ni Duterte, gamit lamang ang pekeng ebidensya, pinilit ng Department of Justice at ng mga ahensya sa ilalim nito na maghain ng mga kaso laban kay De Lima para patahimikin siya. 3. Walang anumang ebidensya ang makapaguugnay kay De Lima sa droga. Walang maipakita ang gobyerno na anumang pisikal na ebidensya na nag-uugnay kay De Lima sa ilegal na droga. Wala silang maipresenta sa korte na aktwal na droga, o bank account kung saan diumano’y dineposito ang pera mula sa pagbebenta ng droga. Katunayan, nabunyag kalaunan na peke ang mga nasabing bank transaction slips na nanggaling sa dating DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II. 4. Mismong gobyerno, hindi magkasundo kung anong kaso ang isasampa nila laban kay De Lima. Dahil desperado na idiin ang inosenteng Senadora sa ilegal na droga, hindi magkatugma ang ikinakaso ng DOJ at ng Tanggapan ng Solicitor General laban sa Senadora. Binago din nila ang kanilang orihinal na akusasyon – mula sa pagbebenta ng droga, pinalitan ito ng pakikipagsabwatan sa pagbebenta ng droga. 5. Ang mga pangunahing testigo laban kay De Lima ay mga bilanggong kriminal. Walang kredibilidad at hindi nararapat maging “state witnesses” ang 13 testigo ng prosekusyon laban kay De Lima dahil sila ay mga kriminal na hinatulan sa mga kasong may kinalaman sa “moral

turpitude” — katulad ng murder, kidnapping at drug trading. 6. Gumaganti lamang kay De Lima ang mga nagsampa ng kaso laban sa kanya. Maraming nasagasaan si De Lima dahil sa matapat at walang takot na paninilbihan sa bayan. Bukod kay Duterte ay nasagasaan rin niya ang ilan pang mga taong maimpluwensya dahil pinaimbestigahan at kinasuhan niya ang mga ito. 7. Desperado ang mga pulis na ilayo si De Lima sa media. Todo-bantay ang mga pulis kay De Lima tuwing siya ay dadalo sa mga pagdinig sa korte. Para bang natatakot ang mga ito na hindi makapagsalita sa media si De Lima dahil alam nilang magsasabi lang ito ng totoo at ng kanyang pagkontra sa baluktot na polisiya ng gobyerno. Pinipigilan din ng mga pulis ang mga kawani ng media na makausap o makuhanan man lamang ng litrato si De Lima. 8. Ipinagbabawal ang pagbisita ng mga dayuhan kay De Lima. Sa kabila ng karapatan ni De Lima na tumanggap ng mga bisita, hindi pinapayagan ng Philippine National Police (PNP) ang mga foreign visitors na makita o makausap ang Senadora. Halatang ayaw nilang masaksihan ng mga dayuhang bisita, na tumutulong kay De Lima na makakuha ng patas na paglilitis, ang tunay na kalagayan ng Senadora. 9. Inimbestigahan ni De Lima si Duterte at ang Davao Death Squad. Bilang dating Commission on Human Rights Chairperson, inimbestigahan ni De Lima si Duterte at ang kaugnayan nito sa vigilante group na “Davao Death Squad.” Kaya noon pa man ay may personal na galit na si Duterte kay De Lima. Ani De Lima, ang kanyang pagkakakulong ay ang “katuparan ng kagustuhan ni Duterte na makaganti sa akin.” 10. Nagsagawa si De Lima ng mga high-profile raids sa New Bilibid Prison. Bukod sa mga ibinalik na pribilehiyo sa loob ng kulungan, ang mga Bilibid convicts ay tumestigo rin laban kay De Lima bilang ganti sa kanya. Si De Lima kasi ang kauna-unahang Kalihim ng DOJ na nagsagawa ng malakihan at matagumpay na raid sa loob ng Bilibid. Pina-demolish ni De Lima ang mga kubol ng mga high-profile inmate, sinupil ang mga ilegal na transaksyon, at inalis ang kanilang luho. (Ipagpapatuloy...)

Huwarang lider...

Mula pahina 1 Matatandaan na noong ika-31 ng Agosto 2017, binisita si De Lima ng mga pinuno ng CALD Women’s Caucus upang suriin ang kanyang sitwasyon bilang bilanggong politikal at talakayin ang nakakabahalang paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas ng kasalukuyang gobyerno. Kasabay nito, nanawagan din ang CALD sa agarang paglaya ni De Lima at pagbibigay sa kanya ng isang patas na paglilitis, upang mabigyan siya ng pagkakataon na magampanan nang maayos ang kanyang tungkulin bilang Senador.

Mga Tsino sa Pinas...

Mula pahina 1

Ani De Lima, “sa pagdagsa ng mga Tsino, naroon ang banta ng pagkaubos ng mga trabaho para sa Pilipino lalo sa mga lugar na karamihan sa mga negosyo ay nag-eempleyo ng nasabing dayuhan.” Sa paghahain ng Senate Resolution (SR) No. 751, hangad ni De Lima na imbestigahan ng nararapat na Komite sa Senado ang epektibong implementasyon ng mga umiiral na batas sa imigrasyon at paggawa para maprotektahan ang kapakanan ng mga Pilipino sa ganitong pagdagsa ng mga dayuhan. Ayon sa Department of Tourism’s Annual Visitor Sample Survey ng 2017, lumago ang bilang ng mga Tsinong dumayo sa Pilipinas ng 54.43 percent noong nakaraang taon, na nagresulta sa 371,429 dayuhang Tsino sa Pilipinas sa unang bahagi ng 2018. Bunsod nito, nakikita din ang panganib na maging palaasa na lamang ang ekonomiya ng bansa sa mga turista at kliyenteng Tsino, na ang anumang maging pagbabago sa polisiya ng gobyerno ng Tsina ay makakaapekto sa ating ekonomiya. Kapansin-pansin din umano ang magaspang at aroganteng pakikitungo ng mga dayuhang ito sa mga Pilipino, sa mga pamilihan, pasyalan at mga establisyamento.

Kung kayo po ay may mungkahi o nais ipaabot na mensahe, mangyari po sanang iparating ito sa amin sa: leiladelima.comms@gmail.com; o sa mga sumusunod na social media accounts:

/leiladelimaofficial @SenLeiladeLima

/senleiladelima /senatorleilam.delima /SenLeilaMdeLima


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.