De Lima Express January - March 2019 Issue

Page 1

INSIDE STORY:

Hulyo 12, kikilalanin bilang ‘West Philippine Sea Victory Day’

TOMO 1 BILANG 6

cpahina 2

Enero - Marso 2019

Huwag magpaloko sa mga corrupt at sinungaling na kandidato

De Lima, tiwala sa integridad ng ‘Otso Diretso’ Nagbigay ng babala si Sen. Leila M. de Lima sa mga botante para sa napipintong halalan sa Mayo— huwag umanong magpaloko sa mga kandidatong sinungaling at sangkot sa mga anomalya. Payo pa ni De Lima, maging mapanuri sana ang lahat sa pagpili ng mga pinuno. Magsaliksik dapat sa kakayahan at integridad ng mga kandidato, upang hindi mabiktima ng kanilang mga panloloko, pagsisinungaling at pang-uuto. Kamakailan lamang, mismong si Pangulong Duterte ang nanira at bumatikos nang walang basehan sa mga kandidatong kasama sa Otso Diretso, na agad namang sinagot ng Senadora mula sa Bicol. csundan sa pahina 3

De Lima, ikinalugod ang suporta ng mga mambabatas sa US

Lubos na ikinalugod ni Sen. Leila M. de Lima ang suportang nakuha niya mula sa Senado at House of Representatives ng Estados Unidos para ipanawagan ang agaran niyang paglaya mula sa di-makatwiran niyang pagkakakulong bunsod ng mga pekeng kaso ng rehimeng Duterte. Partikular na nanawagan ang mga nasabing mambabatas na itigil na ang panggigipit kay De Lima, at hayaang magampanan niya ang kanyang mandato para sa mga Pilipino. Bilang bilanggong politikal sa ilalim ng rehimeng Duterte, nagpapasalamat si De Lima sa mga kapwa niya mambabatas sa US sa pagsusulong ng kanyang karapatan hindi lamang bilang Senador kundi bilang isa isa ring tagapagtanggol ng karapatang pantao. csundan sa pahina 3

Sa kabila ng di-makatarungang pagpapakulong kay Sen Leila M. de Lima sa loob ng mahigit dalawang taon, doble-kayod pa rin ang Senadora sa pagtupad ng kanyang tungkulin sa paggawa ng mga batas. Kabilang nga sa mga naipasa na sa Senado ang isinulong niyang Magna Carta of the Poor, 4Ps Act, at Senior Citizens Act.

De Lima, minarkahan Dapat imbestigahan si ang ikalawang taon bilang Michael Yang – De Lima ‘Prisoner of Conscience’ Noong Pebrero 24, kasama ang mga kapamilya, kaibigan at tagasuporta, minarkahan ni Sen. Leila M. de Lima ang ikalawang taon ng kanyang pagkakakulong bunsod ng mga imbentong kaso ng rehimeng Duterte laban sa kanya. Nalimitahan man ang kanyang mga kilos at kalayaan, hindi naman naging hadlang sa Senadora mula sa Bicol na gampanan ang kanyang tungkulin na umakda ng mga makabuluhang batas at resolusyon. csundan sa pahina 2

De Lima, kinondena ang ‘fake news’ laban sa oposisyon

Kinondena ni Sen. Leila M. de Lima ang mga kumakalat na fake news laban sa kanya at sa mga kandidato ng Otso Diretso. Binalaan niya ang publiko na pawang mga masamang propaganda lamang ito para sirain ang kanilang imahe, at iangat naman ang mga nasa likod ng paninirang ito. Kabilang sa mga kandidato ng Otso Diretso na nauna nang inendorso ni De Lima sina Rep. Gary Alejano, Sen. Bam Aquino, human rights lawyer Chel

Diokno, civic leader Sam Gutoc, dating solicitor general Florin Hilbay, election lawyer Romy Macalintal, dating senador Mar Roxas at dating Kongresista Erin Tañada. Ayon kay De Lima, ang pagsira sa pangalan ng Otso Diretso ay patunay lamang sa paglakas ng kampanya ng oposisyon. Dahil alam umano ng mga kalaban ng Otso Diretso na malinis at tala-gang may kakayahan ang walong kandidato.

OTSO DIRETSO. Habang palapit nang palapit ang halalan, palakas naman nang palakas ang laban ng mga kandidato ng Otso Diretso. Para sa seguridad, nariyan si Alejano; sa edukasyon si Aquino; sa katarungan naman si Diokno, at kapayapaan ang tutok ni Gutoc. Pamilyang Pilipino naman ang kay Hilbay, kapakanan ng PWDs at senior citizens ang kay Macalintal, habang sagot naman ni Roxas ang ekonomiya at trabaho at sweldo ang isusulong ni Tañada.

Naghain ng panukalang resolusyon si Sen. Leila M. de Lima para imbestigahan ang diumano pagkakasangkot ng dating economic adviser ni Pangulong Duterte na si Michael Yang, isang dayuhang Tsino, sa kalakalan ng ilegal na droga sa bansa. Matatandaan na nitong Marso, lumantad sa publiko ang dating anti-narcotics operative na si Eduardo Acierto at inilahad na ayon sa kanyang mga nakalap na impormasyon, sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga itong si Yang. Ayon sa mga ulat, inakusahan ni Acierto si Duterte at ang Philippine National Police na tila binalewala lamang ang intel report ukol sa pagkakadawit ni Yang sa ilegal na gawain, at nagtaka kung bakit wala ito sa inilabas na “narcolist” ng Pangulo. csundan sa pahina 4

Mga kandidato ni Duterte naduduwag makipagdebate Pinuna ni Sen. Leila M. de Lima ang pagtanggi ng mga kandidato ng administrasyon na kabilang sa Hugpong ng Pagbabago para magkaharap sila ng mga kandidato ng Otso Diretso sa isang debate. Para sa Senadora mula sa Bicol, na tiwala sa integridad at kakayahan ng Otso Diretso, makatutulong ang pagkakaroon ng debate upang makilatis ng taumbayan kung sinong kandidato talaga ang may malasakit at pangmatagalang plataporma para sa bayan. “Hindi naman tama na daanin lamang sa pagsasayaw at pagkanta ang pagpapakilala ng mga kandidato. Dapat masaksihan ng taumbayan kung paano sila mag-isip at tumugon sa mahahalagang usapin sa ating bayan,” wika ni De Lima. Sa bahagi naman ng mga kandidato ng Otso Diretso, nakahanda umano silang lahat para sa isang patas at makatotohanang pagtalakay sa mahahalagang isyu sa bansa.


2

Enero - Marso 2019

Tigilan na ang pagbabanta laban sa mga obispo, pari — De Lima Mahigpit na tinutulan ni Sen. Leila M. de Lima ang hayagang pananakot at pagbabanta sa buhay ng mga alagad ng Simbahan, kabilang na ang mga obispo at kaparian, na bunga ng kanilang pagtutol sa nangingibabaw ngayon na kultura ng karahasan at patayan sa ilalim ng rehimeng Duterte. Matatandaan na makailang ulit na ring binantaan ni Duterte ang mga obispo at kaparian, na tila inuudyukan pa ang publiko na saktan at huwag paniwalaan ang mga alagad ng Simbahan. Pahayag ni De Lima, dapat tantanan ni Duterte ang mga alagad ng Diyos lalo pa’t ginagawa lamang nila ang tungkulin na itaguyod ang aral ng Panginoon

at pinapahalagahan nila ang buhay ng mga Pilipino. Kabilang sa mga nakatatanggap ng pagbabanta sina Bishop Virgilio “Ambo” David, Archbishop Soc Villegas, at Father Albert Alejo S.J., Robert Reyes, at Flavie Villanueva. “Nakakakilabot at nakakagalit ang mga pananakot na ginagawa ngayon sa ating mga obispo at kaparian. Anong klaseng pagkatao at prinsipyo mayroon ang mga nagbabanta nang masama sa mga alagad ng Diyos?,” saad ni De Lima. Dagdag pa ni De Lima: “Ganito ang impluwensya at epektong nagagawa ng mga gaya ni Duterte, na sobra na ang kademonyohang pinapasok sa kaisipan

Sa isang press conference na ginanap sa Saint Vincent School of Theology sa Tandang Sora, Quezon City noong Marso, ibinahagi nina Father Robert Reyes, Father Albert Alejo, at Father Flavie Villanueva ang mga pagbabanta sa kanilang buhay, na malinaw na bunga ng pagtutol nila sa mga nangyayaring mali sa lipunan.

Hulyo 12, hirangin bilang ‘West Philippine Sea Victory Day’ - De Lima Upang hindi makalimutan ang pagkapanalo ng Pilipinas laban sa Tsina sa kaso ng pag-angkin nito sa karagatang bahagi ng ating teritoryo, naghain si Sen. Leila M. de Lima ng panukalang batas na nagtatalagang gawing “West Philippine Sea Victory Day” ang Hulyo 12 ng bawat taon. Ayon sa Senate Bill (SB) No. 2201 na iniakda ni De Lima, ang Hulyo 12 ay dapat italaga bilang isang “special non-working” holiday para markahan sa kasaysayan ang naging hatol ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague, Netherlands. “Marapat lamang na ilaan ang Hulyo 12 sa pagpapaalala sa mga Pilipino ng ating pagkapanalo laban sa patuloy na pag-angkin ng Tsina sa ating

teritoryo. Ang desisyong ito ay dapat nating ipagmalaki at hindi kalimutan,” ayon kay De Lima. “Kailangan din nating udyukan ang ating pamahalaan na gamitin at pagbasehan ang desisyon ng ating pagkapanalo sa paggawa at pagpapatupad ng mga polisiya ng ating bansa,” dagdag ng Senadora. Matatandaan na noong 2013, sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III, naghain ng kaso ang mga kinatawan ng Pilipinas - na nakasaad sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), upang tutulan ang Tsina sa kanilang “Nine-Dash-Line” na inaangkin ang teritoryo natin sa West Philippine Sea.

Hindi nagustuhan ni Sen. Leila M. de Lima ang masamang biro ng dating Philippine National Police (PNP) Chief na si Ronald “Bato” dela Rosa na ipapa“Tokhang” niya ang mga ayaw pumalakpak sa kanya noong siya ay nangampanya sa Calamba, Laguna. Tinawag itong kawalan ng pakundangan ng Senadora dahil aniya, “libo-libong kababayan natin ang napaslang sa Oplan Tokhang at patuloy pa ring nabibiktima ng pekeng kampanya laban sa droga ng gobyerno.” Bilang dating PNP Chief, si Dela Rosa ang nanguna sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang kung saan libolibong small-time drug pushers ang napatay dahil diumano’y “nanlaban” ang mga hinihinalang suspek, bagay na tinututulan ng mga human rights groups.

Binatikos rin ni De Lima ang pagkabigo ni Dela Rosa bilang dating pinuno ng Bureau of Corrections na puksain ang ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison. Aniya, ang nagawa lang ni Dela Rosa ay ang mangalap ng tsismis sa kulungan para suportahan ang mga imbentong kaso laban sa kanya. Isa si Dela Rosa sa mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago na tumatanggi din sa hamon na makipagdebate sa mga kandidato ng Otso Diretso. Patuloy pa ring nakapiit ang Senadora sa PNP Custodial Center sa Camp Crame kahit na walang ebidensiya laban sa kanya, maliban na lamang sa mga sabi-sabi at pekeng testimonya ng mga convicted drug lords.

De Lima dismayado sa birong ‘Tokhang’ ni Bato dela Rosa

De Lima, kinuwestiyon ang pagiging abusado ni Bong Go Abusado. Yan ang patutsada ni Sen. Leila M. de Lima kay dating Special Assistant to the President o SAP Bong Go dahil sa paggamit nito sa pondo ng gobyerno para sa kanyang pangangampanya. Aniya, nakapagtataka kung bakit si Go ang naglulunsad ng mga proyekto ng pamahalaan katulad ng mga Malasakit Centers sa mga pampublikong ospital, gayong nagbitiw na ito sa kanyang puwesto. Duda rin si De Lima sa sinseridad ni Go na tumulong sa taumbayan dahil imbes na ilatag ang kanyang plataporma ay panay photo-ops lang naman daw ang ginagawa nito.

“Kung totoong nagmamalasakit ka sa mga Pilipino, itigil na ninyo ang pag-epal. Ilatag mo ang iyong plataporma at ang mga solusyon sa tunay na isyu sa ating bayan,” sabi ni De Lima. Hinamon rin ng Senadora si Go na bumisita sa mga pamilyang naging biktima ng extrajudicial killings o EJKs na naging talamak dahil sa inilunsad na madugong kampanya kontra droga ni Duterte. Gaya ni De Lima, naninindigan din ang mga kandidato ng Otso Diretso laban sa EJKs, sa pagtataguyod ng karapatang pantao, at katarungang panlipunan.

ng mga Pilipino. Binabatikos na nga ang Simbahan, ultimo ang Diyos tinawag pa niyang estupido.” Noong Marso, nagkaroon ng isang press conference sina Father Reyes, Alejo at Villanueva at ibinahagi nila ang mga banta sa kanilang buhay. “Kung ayaw ni Duterte na batikusin siya ng mga alagad ng Diyos, ipatigil na niya ang patayan na siya naman talaga ang tunay na pasimuno. Oras na para gawin niya ang naaayon sa batas,” ani De Lima.

Opisyal ng UN, nababahala sa kalagayan ni De Lima Isang opisyal at eksperto ng United Nations (UN) ang naghayag ng kaniyang pagkabahala sa kalagayan at pagtrato ng rehimeng Duterte sa sitwasyon ni Sen. Leila M. de Lima. Sa isang opisyal na ulat na isinumite sa 40th session ng UN Human Rights Council na naganap mula Pebrero 25 hanggang Marso 22, sinabi ni Special Rapporteur on the situation of human rights defenders Michel Forst na si De Lima ay isa sa mga “women human rights defenders under threat” sa bansa. Lubos naman ang pasasalamat ng Senadora sa patuloy na suporta sa kanya ng mga kapwa nagtataguyod ng karapatang pantao sa buong mundo. Patunay lang ito sa katotohanan na siya ay inosente. Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta kay De Lima ang US Congress, European Parliament, Canadian Parliament, Australian Parliament, the United Nations Working Group on Arbitrary Detention, Inter-Parliamentary Union, Amnesty International, Liberal International, Human Rights Watch, Parliamentarians for Global Action at ASEAN Parliamentarians for Human Rights.

Ikalawang taon...

Mula pahina 1

Kahit na pinagbawalan na gumamit ng anumang gadget sa detention quarters gaya ng computer, cellphone, o internet, nagawa pa rin ni De Lima na mag-akda ng 115 na batas at 128 na resolusyon. “Anumang pilit ng rehimeng Duterte na pabagsakin ako at isuko ang aking mga ipinaglalaban, patuloy siyang mabibigo, dahil alam ko at alam ng Diyos na ako ay inosente” paliwanag ng Senadora. Sa kasalukuyan, nakapaglabas na rin si De Lima ng mahigit 500 “Dispatches from Crame”, na naglalaman ng kanyang mga pahayag at saloobin sa mahahalagang isyu sa bansa. Kasabay ng paggunita sa kanyang ikalawang taon, nailimbag na rin ang kanyang pangatlong aklat na pinamagatang “Faith, Hope, & Love”. Nauna rito ang mga librong inakda rin niya na “Dispatches from Crame I” at “Fight for Freedom”. Bilang isang bilanggong politikal, patuloy na umaani ng pagkilala at parangal si De Lima mula sa iba’t ibang organisasyon sa buong mundo dahil sa kanyang paglaban para sa demokrasya, karapatang pantao at katarungang panlipunan.

Noong Pebrero 24, inilunsad ang ikatlong libro ni De Lima, ang “Faith, Hope, & Love.” na naglalaman ng kanyang mga saloobin at karanasan bilang bilanggong politikal. Maaaring i-download ang kopya sa: https://issuu.com/ senatorleilam.delima/ docs/dispatches_ii_ faith_hope_love


Enero - Marso 2019

3

De Lima kay Mayor Sara, Panelo: Dapat lahat, tapat! Mahigpit na tinutulan ni Sen. Leila M. de Lima ang pahayag nina Davao City Mayor Sara Duterte Carpio at Presidential Spokesman Salvador Panelo ukol sa pagbalewala sa katapatan ng mga kandidato sa pagtakbo sa halalan. Ayon sa anak ni Pangulong Duterte na siya ring tumatayong campaign manager ng Hugpong ng Pagbabago, lahat umano ng mga tumatakbo ay sinungaling, at hindi na dapat maging usapin ito, bagay na hindi ipinagkibit-balikat ng Senadora.

Ayon kay De Lima, nakasaad mismo sa SaligangBatas na dapat panatilihin ng Estado ang integridad at katapatan nito sa serbisyo publiko. Dagdag pa ng Senadora, sinasalamin ng ganitong pahayag ang mali sa gobyerno at kung paano nito pinapalubha ang sitwasyon sa bansa. “Sa susunod na halalan, nasa kamay natin kung gugustuhin ba nating iluklok at manatili ang mga sinungaling, magnanakaw at mandarambong o babaguhin natin ang status quo sa pagpili ng mga

Nanawagan si Sen. Leila M. de Lima na panagutin ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno at mga private water concessionaires sa kabiguan nitong magsupply ng sapat at malinis na tubig sa mga lugar sa kalakhang Maynila. Bilang kampeon ng karapatang pantao at katarungang panlipunan, isinulong ni De Lima ang Senate Resolution No. 1029 para imbestigahan ang sinasabing krisis sa tubig, na bunsod umano ng pagkaunti ng lebel ng tubig sa La Mesa dam. “Karapatan ng bawat isa ang malinis na supply ng tubig, hindi ng kung sinumang mayaman o makapangyarihan lang. Dapat na nabigyan ng sapat na babala man lamang o panahon ang ating mga kababayan para paghandaan ang kakulangang ito sa tubig, lalo pa’t nariyan ang banta ng El Niño,” saad ni De Lima. Dahil sa sinasabing krisis sa tubig, nagpanukala sina Finance Secretary Carlos Dominquez at

Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Reynaldo Velasco na matutugunan ito sa pagpapasimula ng proyekto ng Kaliwa Dam na nagkakahalaga ng 12 bilyong piso. Batid naman ni De Lima na maraming sektor ang tutol dito lalo pa’t isa na naman ito sa proyektong popondohan ng Tsina. Ayon kay De Lima, sa mga palagiang pag-utang sa Tsina, para tayong nahuhulog na mismo sa kanilang “debt trap” o patibong kung saan malulubog tayo sa utang. Magdudulot umano ito ng labis na pag-asa ng ekonomiya ng Pilipinas sa Tsina, na nagpapasok na rin ng napakaraming trabahador na Tsino sa bansa. Saad ni De Lima, dapat na suriin ng gobyerno ang kakayahan nitong maipagkaloob sa mga Pilipino ang kanilang mga batayang pangangailangan, na bigong matugunan ng rehimeng Duterte sa loob ng halos tatlong taon.

tapat na kandidato,” wika ni De Lima. Nauna nang naendorso ni De Lima ang mga kandidato ng Otso Diretso kabilang sina Rep. Gary Alejano, Sen. Bam Aquino, human rights lawyer Chel Diokno, civic leader Samira Gutoc, dating solicitor general Florin “Pilo” Hilbay, election lawyer Romy Macalintal, dating senador Mar Roxas at dating Kongresista Erin Tañada.

Panagutin ang maysala sa water crisis! — De Lima De Lima kay Jinggoy

Estrada: Huwag kang magpanggap na inosente Pinatutsadahan ni Sen. Leila M. de Lima si dating Senador Jinggoy Estrada sa pagsisinungaling at pagbatikos nito sa kanya para lamang pagtakpan ang katiwaliang kinasasangkutan ukol sa kasong pandarambong kaugnay sa isyu ng PDAF scam. “Nagtataka talaga ako sa lakas ng loob ng mga gaya niya na kumandidato, humarap sa mga tao at magreklamo tungkol sa dinanas daw nilang panggigipit sa nakaraang administrasyon. Pero kung titingnan naman kung gaano katibay ang mga ebidensya laban sa kanila, malinaw na sangkot sila sa mga anomalya,” sabi ni De Lima. “Magpakatotoo na sila, lalong-lalo na si Jinggoy, dahil hindi lang nila niloloko ang kanilang sarili, kundi ang taumbayan,” wika ni De Lima. Ayon sa mga ulat, ginagawa umanong katatawanan ni Estrada ang pagkakukong ngayon ng Senadora. Buwelta naman ni De Lima, “magkaiba kami ng sitwasyon. Matibay ang ebidensya laban sa kanya. At hindi karapat-dapat sa Senado ang mga sinungaling at mandarambong.”

‘Otso Diretso’...

Mula pahina 1

“Imbes na siraan mo ang mga kandidato ng oposisyon, tumutok ka na lang sa mga suliranin ng bansa tulad ng tubig, kuryente, bigas, pabahay at sapat na pasahod. Pero mas pinili mong atakihin ang mga kandidato ng Otso Diretso na sina Sec. Mar, Sen. Bam, Cong. Gary, Dean Chel, Samira, Atty. Pilo, Atty. Macaromy at Atty. Erin na tumututol sa iyong mga di-makataong polisiya”, wika ni De Lima. Isinulong din ni De Lima na magkaroon ng debate ang mga kandidato, dahil dito mas matitimbang ng mga botante ang kakayahan ng mga tumatakbo. Matatandaan na sumang-ayon sa debate ang mga kandidato ng Otso Diretso at umatras naman ang mga kabilang sa Hugpong ng Pagbabago.

Suporta ng US...

Sa nakalipas na halos tatlong taon, walang patid ang pangunguna at pakikiisa ng Tanggapan ni Sen. Leila M. de Lima sa mga makabuluhang inisyatiba at adbokasiya para higit pa nitong mapabuti at mapalawak ang serbisyo, lalo na sa mga higit na nangangailangang sektor ng lipunan.

Mula pahina 1 “Talaga pong nakagagalak at malaking karangalan na kahit malayo man, ipinararamdam ng mga kapwa ko mambabatas sa ibang bansa ang kanilang suporta at pakikiisa sa aking mga ipinaglalaban,” wika ni De Lima. Dagdag pa ni De Lima, “malaking hamon ito sa gobyerno ni Duterte na itigil na ang paglabag sa aking mga karapatan at ang kawalang katarungan laban sa akin.” Bukod sa mga mambabatas mula sa US Congress, suportado din si De Lima ng European Parliament, Canadian Parliament, Australian Parliament, United Nations Working Group on Arbitrary Detention, Inter-Parliamentary Union, Amnesty International, Liberal International, Human Rights Watch, Parliamentarians for Global Action, at ASEAN Parliamentarians for Human Rights. Naniniwala sila na dapat nang palayain ang Senadora na ipinakulong lamang ng kasalukuyang gobyerno dahil sa kanyang paniniwala at pagkontra sa madugong “War on Drugs” na wala namang narating simula nang inilunsad ito ni Duterte.


4

Enero - Marso 2019

panukalang batas 20 patunay na inosente si De Lima 3ni De Lima, pasado na <...Pagpapatuloy>

11. Si De Lima ang nagsimula ng imbestigasyon sa Senado tungkol sa mga patayan o EJKs kaugnay ng madugong kampanya kontra droga. Lalong tumindi ang galit ni Duterte kay De Lima noong naghain siya ng resolusyon sa Senado para imbestigahan ang sunod-sunod na extrajudicial killings sa ilalim ng madugong kampanya kontra droga ng gobyerno noon bilang neophyte senator. 12. Pinagkaisahan si De Lima ng mga kongresistang kaalyado ni Duterte. Sa pagsisiyasat ng Kongreso sa paglipana ng ilegal na droga sa Bilibid, pinagpiyestahan ang personal na buhay ni De Lima. Inusisa ng mga kongresistsang kaalyado ni Duterte ang mga personal na detalye sa buhay ni De Lima na wala namang kinalaman sa imbestigasyon. 13. Paboritong biktima si De Lima ng mga statesponsored fake news Kadalasang biktima si De Lima ng mga kasinungalingan. Ang mga fake news ay pinapakalat sa iba’t ibang social media platforms ng mga proDuterte pages para sirain ang kanyang kredibilidad. 14. Walang sex video si De Lima. Halata namang hindi si De Lima ang babae sa sinasabing sex video na pinakalat ni Duterte at ng kanyang mga alipores 15. Political persecution ang ginagawa kay De Lima ayon sa mga eksperto sa batas. Sa pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon ng Senadora para ipawalang-bisa ang arrest warrant laban sa kanya, anim na Mahistrado ang nagpahayag na hindi makatwiran ang pag-aresto kay De Lima.

Kabilang dito sina Antonio Carpio, Estela Perlas Bernabe, Marvic Leonen, Francis Jardeleza, Aflredo Benjamin Caguioa, at ang noo’y Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno. 16. Tinawag na “one of the grossest injustices” ang pagpapakulong kay De Lima. Tinawag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang apela ni De Lima bilang isa sa pinakagarapal o kasuklam-suklam na inhustisya na nangyari sa kasalukuyang panahon 17. Malinis ang track record ni De Lima. Mula sa kanyang pagiging abogado hanggang sa pagiging lingkod-bayan, ang reputasyon ni De Lima ay walang anumang bahid ng korapsyon o pangaabuso sa kapangyarihan. 18. Nakikiisa at naniniwala ang iba’t ibang organisasyon sa mundo na inosente si De Lima. Patuloy sa panawagan na palayain si De Lima ang mga pandaigdigang samahan at komunidad ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao kabilang na ang Inter-Parliamentary Union, European Parliament, at US Congress. 19. Patuloy na umaani ng papuri si De Lima. Patuloy na nakakakuha si De Lima ng mga parangal at papuri sa loob at labas ng bansa para sa kanyang bukod-tanging pakikipaglaban para sa hustisya at karapatang pantao sa kabila ng matinding panggigipit sa kanya ng rehimeng Duterte. 20. Nanatili ang maayos na kalusugan ni De Lima kahit nasa kulungan. Malinis ang kanyang konsensya kaya wala siyang iniindang mga karamdaman. Hindi siya nagkukunwaring may sakit para lang makalaya.

Lubos na ikinagalak ni Sen. Leila M. de Lima ang pag-apruba ng kanyang mga kapwa senador sa kanyang tatlong mahahalagang panukalang batas para matulungan ang mahihirap na pamilya at mga senior citizen. Kabilang sa mga inaprubahan ang Senate Bill (SB) No. 2121 o ang “Magna Carta of the Poor” na sinisiguro ang paggarantiya ng gobyerno sa karapatan ng mahihirap nating kababayan sa pagkain, trabaho, edukasyon, tirahan, kalusugan, at maging sa agarang pagtugon ng pamahalaan sa panahon ng kagipitan o kalamidad. Aprubado na rin sa Senado ang SB 2159 o ang “Senior Citizens Act” para mas mapaganda ang mga programa at benepisyo para sa mga nakatatanda, gayundin ang SB 2117 o “4Ps Act” na magpapalawak sa serbisyo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Sisiguruhin nito na kahit magpalit ng administrasyon ay magpapatuloy ang serbisyo ng 4Ps.

Imbestigahan si Yang... Mula pahina 1 Kamakailan, lumabas at naging viral din sa social media ang pasabog ng umano’y dating miyembro ng malaking sindikato kaugnay sa ilegal na droga, na itinago ang pagkakilanlan bilang si “Bikoy”. Sa video na pinamagatang “Ang Tunay na Narcolist”, inilatag ang mga dokumento bilang katibayan na dawit bilang mga principal ng sindikato sina Polong Duterte, Honeylet Avanceña, dating Special Assistant to the President Bong Go at Mans Carpio. Habang isinusulat ang artikulo, mayroon pang inanunsyong ilalantad si “Bikoy” tungkol sa estruktura at operasyon ng nasabing sindikato.

Umulan man o umaraw, patuloy ang pakikiisa ng mga kaibigan, kapamilya at taga-suporta ni Senadora De Lima sa tuwing dumadalo siya sa mga hearing. Ang kanilang malakas na pawagan: Palayain si Leila de Lima! Pekeng ebidensya, ibasura!

Kung kayo po ay may mungkahi o nais ipaabot na mensahe, mangyari po sanang iparating ito sa amin sa: leiladelima.comms@gmail.com; o sa mga sumusunod na social media accounts:

/leiladelimaofficial @SenLeiladeLima

/senleiladelima /senatorleilam.delima /SenLeilaMdeLima


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.