The De Lima Express (June 2018 issue) READ NOW!

Page 1

INSIDE STORY:

De Lima, kabilang sa ‘50 Greatest World Leaders' TOMO 1 BILANG 3

cpahina 3

Abril - Hunyo 2018

Sa kabila ng di-makatarungang pagkakulong

De Lima, tuloy pa rin ang trabaho

TULOY ANG TRABAHO. Sa kabila ng mga limitasyon dahil sa ilegal na pagpapakulong sa kanya ng rehimeng Duterte, patuloy ang pagsusulong ni Sen. Leila M. de Lima ng mahahalagang panukalang batas at resolusyon para makatulong sa nangangailangan, lalo na sa mga maralita nating kababayan

Libro tungkol kay De Lima, inilunsad

Sa pangunguna ng tinaguriang “Running Priest” na si Fr. Robert Reyes, inilunsad ang kanyang inakdang aklat ukol sa buhay at mga karanasan ni Sen. Leila M. de Lima sa loob ng piitan na pinamagatang “Prisoner of Conscience, Prisoner of Hope” sa Ermita sa lungsod ng Maynila noong ika-31 ng Mayo. Ayon kay Fr. Reyes, mahalagang instrumento ang pagsusulat, lalo na sa mga panahon ng pag-iisa at pangungulila, upang hindi “maburyong” o magkaroon ng pakiramdam ng kawalang pag-asa. Nagpasalamat naman ang Senadora sa suporta ni Fr. Reyes, na linggo-linggo ay nagdaraos ng misa sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame kung saan nakapiit ang Senadora. cpahina 4

Si Fr. Robert Reyes, may-akda ng librong “Prisoner of Conscience, Prisoner of Hope” na nagsasalaysay sa buhay ni Senadora De Lima sa loob ng kulungan

Nananatiling aktibo at may dedikasyon sa pagtupad sa tungkulin si Sen. Leila M. de Lima sa kabila ng hayagang panggigipit ng rehimeng Duterte. Ito ang pinatunayan ni De Lima sa patuloy niyang pagsusulong ng mahahalagang panukalang batas at resolusyon sa Senado, kahit pa kasalukuyang nakakulong dahil sa mga imbentong kasong isinampa laban sa kanya. Hindi man nakadalo si De Lima sa Second Regular Session ng ika-17 ng Kongreso dahil sa paniniil ng kasalukuyang gobyerno, nakapagsulong pa rin ang Senadora ng 66 panukalang batas at 86 resolusyon kahit nakakulong. Sa kabuuan, mayroon nang nailatag na 91 batas at 108 resolusyon si De Lima sa kanyang termino. Ilan lang dito ang Anti-Extrajudicial Killings, Commission on Human Rights Charter, Magna Carta for Disabled Persons, Expanded Magna Carta of Public Health Workers Act, Qualified Reclusion Perpetua Act for Extraordinary Heinous Crimes, Autism Care Act, at ang Human Rights Defenders Act of 2018. cpahina 3

De Lima, kinilalang ‘Most Distinguished Human Rights Defender’

Sa kauna-unahang “Ignite Awards” ng Amnesty International, iginawad kay Sen. Leila M. de Lima ang prestihiyosong “Most Distinguished Human Rights Defender” noong Hunyo 2 dahil sa kanyang hindi matatawarang pagtatanggol sa karapatang pantao at pagtuligsa sa mga pag-abuso ng madugong War on Drugs ng rehimeng Duterte. Tinanggap ng mga kapamilya ng Senadora ang nasabing parangal, kabilang ang mga kapatid niyang sina Vicente “Vicboy” de Lima, Vicente “Nonoy”, Caroline, at anak na si Israel. cpahina 2

Duterte: Pambansang Protektahan at tulungan ang mga refugee – De Lima tambay – De Lima Maigting na kinondena ni Sen. Leila M. de Lima ang hindi makatarungang polisiya ng rehimeng Duterte na pagpapaaresto sa libo-libong tambay. Dahil sa kautusan ni Duterte, dinakip ng mga pulis ang mga tambay sa Kamaynilaan, kahit pa wala naman silang ginagawang krimen o ilegal. cpahina 2

De Lima: Itigil ang panggigipit sa mga mangingisdang Pinoy Sa paglalatag ng Senate Resolution No. 766, isinulong ni Sen. Leila M. de Lima ang imbestigasyon ukol sa nararanasang panggigipit umano ng mga Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal na teritoryo ng Pilipinas. cpahina 2

Isinulong ni Sen. Leila M. de Lima ang panukalang batas na naglalatag ng malinaw na mekanismo at proseso sa pagbubukas-palad sa mga refugees at stateless persons, o ang mga sapilitang lumikas sa sariling bayan dahil sa kaguluhan, pang-aabuso, kalamidad at mga hindi inaasahang kaganapan. “Sa ating kasaysayan, naging isang ligtas na kan-

lungan ng refugees ang Pilipinas. Sa panukalang batas na ito, ipinapakita natin ang mabubuting katangian ng Pilipino: matulungin, may malasakit at respeto sa buhay ng kapwa,” saad ni De Lima sa paglalatag ng Senate Bill No. 1854, o ang Refugees and Stateless Persons Protection Act of 2018.

(Mula sa kaliwa) Si Atty. Fhillip Sawali, Chief of Staff ng Tanggapan ni Sen. De Lima, kasama sina Sr. Malou Baaco ng Asilo de San Vicente de Paul, Fr. Graziano Battistella ng Scalabrini Migration Center, Fr. Restituto Ogsimer mula sa CBCP, at Bro. Jess Ferrer ng Couples for Christ sa pagpapahayag ng kanilang suporta sa Refugees and Stateless Persons Protection Act of 2018 na isinusulong ng Senadora


2

Abril - Hunyo 2018

De Lima, binatikos si Duterte sa pag-atake sa Diyos at Simbahan

Mariing kinondena ni Sen. Leila M. de Lima si Duterte sa pagsira sa kredibilidad ng Simbahang Katolika at paglapastangan sa Diyos. Sa kaniyang mga talumpati, ipinapakalat ni Duterte ang umano’y mga katiwalian at krimeng kinasasangkutan ng mga pari. Hinihikayat pa ni Duterte ang mga tao na basahin ang librong “Altar of Secrets” para mabatid ang mga kasalanan ng mga alagad ng Simbahan.

“Hindi nakuntento sa pagmumura sa mga pari, sinapian na si Duterte ng sukdulang kademonyohan nang alipustahin at insultuhin niya ang Diyos na tinawag pa niyang estupido,” wika ni De Lima. Ayon kay De Lima, gusto ni Duterte na sirain ang kredibilidad ng Simbahan dahil sa pagkondena nito sa madugong War on Drugs na kumitil sa libolibong mahihirap na Pilipino, habang hinahayaan lamang ang mayayaman, mga kapamilya, kumpare

Imbestigahan ang pagpatay sa mga abogado – De Lima

Sa harap ng nakakaalarmang mga pagpatay at pag-atake sa mga abogado at miyembro ng legal na propesyon, inihain ni Sen. Leila M. de Lima ang Senate Resolution No. 668 upang itulak ang imbestigasyon sa mga nasabing karumal-dumal na krimen. Ayon kay De Lima, mula nang magsimula ang termino ni Duterte bilang presidente, tumaas ang bilang ng mga pinatay na abogado na wala man lamang legal o kaukulang mga aksyon ang isinagawa. Bilang isa ring abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao, lubos na nabahala ang Sena-

dora, lalo pa’t nakapagdudulot ito ng takot at panggigipit sa mga nasa legal na propesyon. “Lalong lumalala ang karahasan at patayan sa ating bayan sa ilalim ng rehimeng Duterte, binibiktima ang mahihirap nating kababayan, at ngayon pati mga abogado,” wika ni De Lima. Nauna rito, inihain na rin ni De Lima ang Senate Bill No. 1721 na naglalayong protektahan ang mga miyembro at opisyal sa legal na propesyon sa pamamagitan ng pagtataas ng multa sa mga krimen laban sa nasabing sektor.

Hamon ni De Lima kay Duterte: Hulihin ang big-time drug lords

Makalipas ang dalawang taon mula nang ilunsad ni Duterte ang madugong War on Drugs, hinamon ni De Lima ang gobyerno na hulihin ang mga “bigtime” drug lords at drug users sa halip na gawing target ang mahihirap na Pilipino. Hindi naniniwala ang Senadora na magtatagumpay ang “drug war” kung laging sinisisi at inaatake ang mga maralita na walang kakayahang ipagtanggol ang sarili, at hindi inaaksyunan ng pamahalaan ang pinaka-ugat ng problema.

“Pansinin ninyo, kung anong ingay ni Duterte ukol sa problema sa ilegal na droga sa Pilipinas, siya namang tahimik nito sa bilyon-bilyong pisong halaga ng droga na galing China, at sa pagkakaabswelto ng sinasabing drug lord at kumpare niyang si Peter Lim, gayundin ng umamin nang nagbebenta ng droga na si Kerwin Espinosa,” saad ni De Lima. Kahit siya ay nakakulong dahil sa mga gawagawang akusasyon laban sa kanya, tuloy pa rin ang laban ni De Lima para sa karapatan ng lahat.

De Lima bilang ‘Most Distinguished Rights Defender’... Mula pahina 1 “Isang malaking karangalan ang pagkilalang ito ng Amnesty International sa aking paninindigan para sa karapatang pantao. Higit pa rito, ikinalulugod ko na patunay ang pagkilalang ito na hindi ako nagiisa sa aking mga ipinaglalaban,” wika ng Senadora. Nagpahayag naman ng pagbati ang mga kapwa Senador ni De Lima, gayundin ang mga dating kasamahan sa Gabinete, mga kaibigan at tagasuporta sa panibagong parangal na natanggap. Bukod sa pagkilalang ito ng Amnesty International, kinilala rin si De Lima bilang “Leading Global Thinkers” ng Foreign Policy noong 2016 at 2017, at “Most Influential People” ng TIME Magazine noong 2017. Kabilang din si De Lima sa “50 World Greatest Leaders” ng Fortune Magazine, at “Prize for Freedom” ng Liberal International. Mahigit isang taon at kalahating taon nang nakakulong ang Senadora dahil sa mga imbentong kaso laban sa kanya ng rehimeng Duterte.

Duterte, tahimik sa Chinese ‘missiles’ sa Spratlys

Pinatutsadahan ni Sen. Leila M. de Lima si Duterte dahil sa pagkibit-balikat lang nito sa paglalagay ng mga missiles ng China sa Spratly islands. Ayon kay De Lima, kung ang ibang mga bansa gaya ng Vietnam ay nagpapahayag ng pagtutol sa ganitong hindi makatwirang aksyon ng Tsina, bakit umano nababahag ang buntot ng gobyernong Duterte sa usaping ito. Bukod pa sa pagtanggi sa bantang dulot nito, tila ipinagtatanggol pa umano ito ng gobyerno. Dagdag pa ni De Lima, kailangang tutukan ng Armed Forces of the Philippines ang nasabing paglalagay ng missiles ng mga Tsino sa Spratly islands dahil malinaw na malaking banta ito sa ating seguridad. Ayon sa mga ulat, malaki ang posibilidad na maging target ng Tsina ang Palawan. Kung matatandaan, ipinangako ni Duterte na ipaglalaban nito ang teritoryo ng Pilipinas, at sinabi pang handa siyang sumakay ng jet ski para manindigan sa ating soberanya. Pero ngayon, nanahimik lang siya sa isyu ng pag-angkin ng Tsina sa ating mga teritoryo. “Isa na naman itong halimbawa ng pagiging duwag at sinungaling ni Duterte,” wika ni De Lima.

De Lima, kinuwestiyon ang pagdagsa ng mga Tsino sa Pinas

Tinanggap ng anak ni Sen. Leila M. de Lima na si Israel (nasa gitna) ang parangal para sa Senadora na“Most Distinguished Human Rights Defender sa kauna-unahang ‘Ignite Awards for Human Rights’ ng Amnesty International. Kasama ni Israel (ayon sa pagkakasunod-sunod mula sa kaliwa) ang kapatid ng Senadora na sina Vicboy at Nonoy de Lima, AI Philippines Director Butch Olano, at Human Rights Advocate, Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno sa naganap na awarding ceremony sa lungsod ng Quezon noong ika-2 ng Hunyo

Mangingisdang Pinoy...Mula pahina 1 Pambansang tambay...Mula pahina 1 Sa isang ulat, ipinahayag ng ating mga mangingisda sa Panatag Shoal na kinukuha ng mga Tsino ang kanilang mga huli. Dagdag pa nila, malinaw na nasa kontrol ng mga Tsino ang karagatan dahil sa presen-sya ng mga barko nito. Bahagi pa ng testimonya ng ating mga mangingisda, binibigyan daw umano sila ng mga Tsino ng tubig, sigarilyo, o noodles, kapalit ng pagkuha sa kanilang mga huling isda. “Hindi naman pumapalaot ang ating mga mangingisda sa karagatan para makakuha ng noodles at sigarilyo. Hindi makatarungang maging dayuhan ang ating mangingisdang Pilipino sa ating sariling bayan!,” wika ni De Lima. Bukod sa panukalang ito para protektahan ang mga mangingisda, nauna nang pinaimbestigahan ni De Lima sa Senado ang biglaang pagdagsa ng mga Tsino sa Pilipinas, ang mga kaduda-dudang pag-utang at malalaking kontratang pinasok ng rehimeng Duterte sa bansang Tsina.

at ka-brod ng Pangulo na sangkot sa ilegal na droga at iba pang mga anomalya. Dagdag pa ni De Lima, paraan din ni Duterte ang pagmumura, pambabastos at kasinungalingan para ilihis ang atensyon ng publiko sa mga tunay na isyu sa ating bansa, kabilang na ang pagmamadaling palitan ang Konstitusyon tungo sa Pederalismo, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pagtaas ng presyo ng gasolina, ng pamasahe, paglobo ng utang ng Pilipinas, at kawalan pa rin ng sapat at tiyak na kabuhayan ng mga Pilipino.

Ang hindi makatarungang polisiyang ito ay humantong sa pagkamatay ni Genesis “Tisoy” Argoncillo, matapos siyang arestuhin at ipakulong noong Hunyo. Ayon sa mga saksi at kaanak ni Tisoy, dinakip umano siya dahil lamang hindi nakasuot ng t-shirt habang nagpapa-load sa tindahan malapit sa kanilang bahay. Ayon pa sa mga ulat, nakaranas ng pambubugbog si Tisoy na makikita sa mga pasa sa kanyang katawan, na naging dahilan para siya ay bawian ng buhay. “Ganito kawalang pakialam si Duterte sa mahihirap. Sa halip na tulungan silang makahanap ng trabaho at iahon sa kahirapan, ipinapaaresto at pinapatay ang maralita nating mga kababayan,” wika ni De Lima. “Kung naghahanap ng tambay ang PNP, doon sila pumunta sa Malacañang. May bastos, palamura at tsismosong siga doon. Si Rodrigo Roa Duterte ang pambansang tambay!,” giit ng Senadora.

Nais paimbestigahan ni Sen. Leila M. de Lima ang pagdagsa ng mga Chinese nationals na namamasukan at naninirahan sa Pilipinas. Inihain ni De Lima ang Senate Resolution No. 751 para udyukan ang Senado na suriin kung gaano ka-epektibo ang pagpapatupad sa mga batas ukol sa paggawa at imigrasyon. Ito ay upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa mga negatibong epekto ng biglaang pagdami ng mga dayuhang pumapasok sa bansa. Tinukoy rin ni De Lima na sa nakalipas na 19 na buwan mula nang maupo sa puwesto ang administrasyong Duterte, mahigit 50 dayuhang kompanya—na karaniwang naglilingkod sa mga kliyenteng Tsino—ang nabigyan na ng gobyerno ng lisensya para magpatakbo ng kanilang pasugalan dito sa Pilipinas. Nagbunsod ito ng mahigit 200,000 na empleyado sa casino, karamihan dito ay mga Tsino na nagsimulang magsidatingan sa bansa noong 2016. Bukod sa nagkakaroon ng kumpetisyon sa mapapasukang mga trabaho ang mga Pilipino sa sariling bayan, nababahala din si De Lima sa panganib na dumepende na lang ang ating ekonomiya sa mga turista at kliyenteng Tsino, na anumang pagbabago sa polisiya ng kanilang gobyerno ay makasasagabal, kung hindi man makakapilay sa ating lokal na ekonomiya. Pinuna rin ni De Lima na kasabay ng pagdami ng mga manggagawa at turistang Tsino sa bansa, marami rin sa kanila ang nahuhuling sangkot sa mga krimen at ilegal na gawain gaya ng black sand mining sa Zambales at illegal online gambling sa Pampanga.


Abril - Hunyo 2018

3

De Lima, kabilang sa ‘50 Greatest World Leaders’– Fortune Magazine Lubos na ikinatuwa ni Sen. Leila M. de Lima ang pagkakasama sa taunang listahan ng “50 Greatest Leaders” ng Fortune Magazine, isang prestihiyosong pahayagan na naka-base sa New York, USA. Panibagong pagkilala na naman ito kay De Lima bilang tagapagtaguyod ng hustisya at karapatang pantao sa kabila ng matinding panggigipit sa kanya ng rehimeng Duterte. Nagpapasalamat si De Lima sa pagkilalang ito bilang unang prominenteng bilanggong politikal sa ilalim ng rehimeng Duterte. “Nagawa man ni Duterte at ng kanyang mga alipores na mapakulong ako nang walang basehan, bigo pa rin sila na pahinain ang aking loob at patahimikin ako, lalong-lalo na sa mga usapin ng katarungan, demokrasya at karapatang pantao,” ani De Lima. Dahil sa mariing pagtutol ni De Lima sa madugong kampanya kontra droga ni Duterte, si De Lima lamang ang nag-iisang Senador at Pilipino na

napasama sa listahan ngayong 2018. Bukod sa parangal na ito, kinilala din si De Lima ng Foreign Policy bilang isa sa mga “Leading Global Thinkers” sa taong 2016 at 2017, ng TIME Magazine bilang isa sa “100 Most Influential People”, ng Amnesty International bilang “Most Distinguished Human Rights Dahil sa walang takot na paglaban at pagtutol sa mga baluktot na polisiya ng rehimeng Defender”, at “Prize for Duterte lalo na sa madugong War on Drugs, kinilala si Sen. Leila M. de Lima bilang isa Freedom Awardee” ng sa World Greatest Leaders ng Fortune Magazine ngayong 2018 Liberal International dahil sa katangi-tangi at buong tapang niyang pakikipaglaban para sa hustisya at karapatang-pantao.

De Lima, suportado ng De Lima, naiyak sa graduation ng bunsong anak European Parliament

Ikinalungkot ni Sen. Leila M. de Lima ang hindi pagpayag ng Muntinlupa Regional Trial Court na dumidinig sa mga kasong isinampa laban sa kanya para makadalo sa pagtatapos ng kaniyang anak na si Vincent Joshua de Lima Bohol sa law school sa San Beda Alabang College of Law noong ika-3 ng Hunyo. “Ito ay isa sa mga pinakamalungkot na araw na nadanas ko simula nang ako ay ikinulong dahil sa mga kasinungalingan ng gobyerno laban sa akin. Nais ko talagang makasama ang aking anak sa espesyal na araw na ito,” ani De Lima.

“Hindi ko lubos maisip na wala ako sa tabi ng aking anak para makita ang kanyang tagumpay at magampanan ang aking tungkulin bilang ina,” dagdag ni De Lima. Inamin ni De Lima na ang hindi pagpayag sa kaniya para makadalo sa pagtatapos ng kaniyang anak ay ikinaiyak niya dahil sa labis na kalungkutan. Tanggap na umano niya na wala siyang matatanggap na hustisya mula sa rehimeng Duterte. Bukod sa hindi pagpayag na makadalo sa graduation ng anak, hindi rin pinapayagan si De Lima na makadalo sa mga pagdinig sa Senado. “Ganito katindi ang panggigipit sa akin ng rehimeng Duterte. Pero mananatiling buo ang loob ko para ipaglaban ang tama at makatarungan para sa aking pamilya, at sa ating bansa,” wika ng Senadora. Kahit nakakulong, tuloy pa rin sa paglalatag ng mahahalagang batas at resolusyon si De Lima sa Senado Isa sa mga espesyal na okasyon na ipinagdiwang ng pamilya ni Sen. Leila M. de Lima. para makatulong sa Sa kanyang hindi makatarungang pagkakulong, lubos na nangungulila ang Senadora nangangailangan. sa pagkakawalay sa kanyang ina, mga anak, apo, kapatid at mga mahal sa buhay

Dengvaxia Report ni Gordon, maraming butas

Umalma si Sen. Leila M. de Lima sa ulat ng komite ni Sen. Richard Gordon ukol sa usapin ng Dengvaxia na diumano’y ginagamit lamang ni Gordon sa pamumulitika at pagdiin kay dating Pangulong Benigno S. Aquino III. Ayon kay De Lima, tila nakaligtaan ng ulat ni Gordon ang mahahalagang pangyayari ukol sa usapin at nagdagdag ng balu-baluktot na mga impormasyon. Matatandaan na nagtungo mismo ang dating Pangulong Aquino sa Senado upang ipaliwanag ang kanilang naging desisyon para sa nasabing bakuna laban sa Dengue, bagay na hinangaan ng marami dahil patunay umano ito sa kahandaan ni PNoy na humarap sa mga katanungan. Ayon kay PNoy, laganap ang Dengue sa panahon ng kanyang termino, kaya naman kinailangan ang paghahanap ng tugon sa nasabing nakamamatay na sakit.

Subalit sa kabila ng maayos na paliwanag ng dating Pangulo at pagsagot sa mga katanungan ng komite ni Gordon, pinakakasuhan pa rin si PNoy. Ayon kay De Lima, hindi raw dapat kaligtaan ng komite ni Gordon ang mga nakalap na salaysay mula sa mga dalubhasa at madaliang magbigay ng konklusyon na kasuhan ang sinuman nang walang sapat at matibay na ebidensya. “Malinaw na ang Dengvaxia ay mayroong napakaraming benepisyo. Tagumpay ang mga “clinical trials” ng Sanofi Pasteur kaya ito ikinonsidera ng World Health Organization sa mga bansang tulad natin na maraming nagkakasakit ng dengue; mas marami itong magiging tulong sa pagsugpo sa sakit kaysa sa mga panganib na maaring dulot nito,” ani De Lima. Hinala ni De Lima, ginagamit ang isyu ng Dengvaxia hindi lamang sa politika, kundi para ilihis na naman ang atensyon ng publiko sa tunay na mga isyung dapat tutukan ng rehimeng Duterte, gaya ng namamayaning karahasan at patayan sa lipunan, ang isyu ng paglala ng trapiko, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mababang pasahod at kawalan pa rin ng sapat at tiyak na trabaho.

Malugod na tinanggap ni Sen. Leila M. de Lima ang panawagan ng European Parliament (EP) sa gobyerno ng Pilipinas na ibasura na ang mga pekeng kaso at itigil na ang anumang uri ng panggigipit laban sa Senadora. Lubos ding nagpapasalamat si De Lima sa pahayag ng pagsuporta sa kanya ng mga partido tulad ng Party of European Socialists at iba pang mambabatas sa Europa sa matapang nitong pagpuna sa libolibong kaso ng pagpatay o extrajudicial killings at paglabag sa karapatang-pantao sa bansa na may kinalaman sa madugong kampanya kontra droga ni Duterte. “Inosente ako, at malinis ang aking konsensya. Kailanman, hindi ako tumanggap ni isang kusing mula sa mga drug lords at hindi ako nasangkot sa anumang anumalya sa gobyerno. Lahat ng mga kasong ibinibintang nila sa akin ay pawang mga gawa-gawa lamang. Ang suportang ito na aking natatanggap mula sa European Parliament ay mas lalo pang nagpapalakas ng aking loob para lumaban para sa taumbayan, hustiya, demokrasya at karapatang-pantao,” pahayag ng Senadora. “Muli, lubos po ang aking pasasalamat sa mga kapwa ko mambabatas sa Europa na nagpahayag ng kanilang simpatya at nagbigay boses upang labanan ang mga kamalian at paglabag sa karapatangpantao ng rehimeng Duterte,” dagdag ni De Lima. Noong ika-19 ng Abril, nagpasa ng resolusyon ang European Parliament na naglalayong palayain ng rehimeng Duterte si De Lima at ang agarang pagbasura sa mga kasong politikal na isinampa laban sa Senadora. Bukod sa pagkondena ng EU sa mga pagpatay at karahasan sa Pilipinas, nanawagan din ito na alisin na sa listahan ng mga terorista ng gobyerno ang mga human rights defenders pati na rin si UN Special Rapporteur for Indigenous Peoples Victoria Tauli-Corpuz. “Dalangin ko na gaya ng pagkamulat ng ibang mga bansa sa tunay na nangyayari sa ating bayan, ay mamulat na rin ang maraming Pilipino at mga pinuno sa kawalang katarungan at pananagutan dito sa Pilipinas,” wika ni De Lima.

Tuloy pa rin...

Mula pahina 1 “Ipakulong man nila ako, patuloy man nila akong gipitin, hinding-hindi ako susuko. Lalaban ako dahil inosente ako, at tutuparin ko ang mandatong ipinagloob sa akin ng mahigit 14 milyong Pilipino,” wika ng Senadora. Mahigit isa’t kalahating taon nang nakakulong ang Senadora dahil sa mga imbentong kaso laban sa kanya ng rehimeng Duterte. Sa kabila nito, patuloy ang pagkilalang natatanggap ng Senadora sa loob at labas ng bansa dahil sa kanyang pakikipaglaban para sa karapatang pantao, katarungan at demokrasya.


4

Abril - Hunyo 2018

Tapusin ang ‘Endo’, huwag paasahin ang Pilipino - De Lima Libro kay De Lima... Noong nakaraang Araw ng Paggawa, hinimok ni Sen. Leila M. de Lima ang gobyerno na tunay na tugunan ang usapin ng“endo”o kontraktuwalisasyon, na nagpapahirap sa mga Pilipinong manggagawa. Ayon kay De Lima, na kilalang tagapagtanggol ng karapatang tao, dapat nang tapalan ng gobyerno ang mga butas sa labor law na ginagamit ng mga employer para “apihin ang mga api na.” Marami umanong butas ang batas at mga patakaran na ginagamit upang abusuhin ang mga manggagawang Pilipino. “Napapanahong tugunan na ang sanlaksang mga duda o problemang ito sa usapin ng “Endo” at kontraktuwalisasyon na may epekto sa, at naaapektuhan din ng mga pundamental na usapin

ng mga manggagawa; seguridad sa hanapbuhay, sapat na sweldo, at mga karapatan sa pag-oorganisa at pakikipag-negosasyon sa employer,” dagdag ng Senadora mula sa Bicol. Nanawagan si De Lima sa rehimeng Duterte na tuparin nito ang pangako na tugunan ang usapin ng Endo, at hindi paikut-ikutin lang sa mga pekeng pangako ang ating mga manggagawa. Matatandaan na noong tumatakbong Pangulo si Duterte, ipinagyabang pa nito na kaya niyang tugunan ang nasabing usapin sa loob lamang ng ilang buwan. Pero dalawang taon na mula nang siya ay maupo sa pwesto, hinaing pa rin ng mga manggagawa ang kontraktuwalisasyon, isabay pa ang mababang pasahod at kawalan ng trabaho.

Panagutin ang mga sangkot sa anomalya sa DOT - De Lima

Sa kanyang inihain na Senate Resolution No. 740, nanawagan si Sen. Leila M. de Lima na itulak sa Senado ang imbestigasyon ukol sa maaksaya at kaduda-dudang paggastos sa Department of Tourism sa panahon ng panunungkulan ng nagbitiw na Secretary Wanda Tulfo-Teo. Maaalala na napilitang magbitiw sa pwesto si dating Kalihim Wanda Teo Tulfo dahil sa eskandalong nabunyag nang pumasok ang DOT na kanyang pinamumunuan noon sa kontratang nagkakahalagang 60-milyong piso para sa tourism ads sa programa ng telebisyon kung saan producer at host ang mga kapatid niyang si Ben at Erwin Tulfo.

Ang pamilya Tulfo ay kilalang mga taga-suporta at kaalyado ng Pangulong Duterte. Para kay De Lima, kaduda-duda ang transaksyon na ito na pinasok ng DOT, gamit ang malaking halaga na mula sa buwis ng taumbayan. Kailangan umanong malaman kung nagkaroon ng hokuspokus dito upang mapanagot ang mga tiwali at hindi na muli pang mangyari ito. Si De Lima ay ipinakulong gamit ang mga gawa-gawang kaso ng rehimeng Duterte. Walang ebidensyang nailabas laban sa kanya. Sa kabila ng panggigipit, tuloy pa rin sa pagganap ng kanyang tungkulin si De Lima bilang Senador ng bansa.

De Lima, hinimok ang gobyerno na pabilisin ang pagkakaloob ng tulong sa mga taga-Marawi Hinimok ni Sen. Leila M. de Lima na pabilisin ng administrasyong Duterte ang pagkakaloob ng mga tulong sa mga nagsilikas sa Marawi, lalonglalo na sa mga nasa evacuation centers pa. Ani De Lima, maraming taga-Marawi ang hindi sigurado kung makababalik pa sila sa kanilang mga tahanan matapos ang pag-atake ng teroristang grupo na Maute sa Marawi noong Mayo ng nakalipas na taon. Sinabi rin ni De Lima na ang mga nakaraang pagbibigay ng humanitarian assistance, lalo na ng mga pagkain sa Marawi ay iregular. Kulang umano o hindi sapat ang ayudang natatanggap ng ilan sa mga bakwit.

Ayon din kay De Lima, ang mga kapatid natin sa Marawi ay biktima ng karahasan ng masasamang elemento, na ibinunsod rin ng pag-udyok ni Duterte sa mga kalaban ng estado na atakehin ang nasabing lungsod. Matatandaan pa na sinabi ni Duterte na kaya niyang tapusin ang gulo sa Marawi sa loob ng tatlong araw. “Ang hangad natin: Makabalik sa lalong madaling panahon, sa normal na pamumuhay ang mga kapatid nating naipit sa kaguluhan, at masigurong hindi na mauulit ang trahedyang ito. Sana magdoble-kayod pa ang gobyerno sa pag-asikaso sa kanilang mga pangangailangan,” wika ni De Lima.

Mula pahina 1

Ang nasabing libro ay koleksyon ng mga isinulat ni Fr. Reyes, at ng mga kapamilya, kaibigan, katrabaho, at mga taga-suporta ng Senadora na bumisita sa kanyang piitan. Isinabay ang paglulunsad ng aklat sa isinagawang “Lamay para sa Demokrasya” sa tapat ng Korte Suprema dahil na rin sa pagpapatanggal kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, at nangyayaring kawalang hustisya sa ating bayan. “Tuloy lang po tayo sa pagdarasal. Tuloy lang tayo sa pakikipaglaban para sa demokrasya at makatarungang kinabukasan,” wika ni De Lima.

Tamang benepisyo para sa ‘health workers’, ipatupad!

Isinulong ni Sen. Leila M. de Lima ang resolusyon sa Senado na naglalayong lalong itaguyod ng gobyerno ang pagbibigay ng wastong kompensasyon sa ating mga “Public Health Workers” na magpapaginhawa sa kanilang katayuang pinansyal at estado ng pamumuhay. Sa Senate Resolution No. 716, inaatasan ang Congressional Commission on Health (HealthCom) na gumawa ng reporma para sa mas epektibong implementasyon ng pagbibigay benepisyo sa ating health workers. Layon nitong matuldukan ang hindi malinaw na pagpapatupad at hindi makatarungang mababang pasahod sa mga PHWs. “Marapat lamang na ang mga propesyonal na nag-aaruga sa ating kalusugan, ay bigyang kalinga rin ng pamahalaan, upang mas epektibo nilang magampanan ang kanilang tungkulin. Sa ganitong paraan, mapapabuti rin nila ang estado ng kanilang pamilya,” wika ni De Lima.

Kung kayo po ay may mungkahi o nais ipaabot na mensahe, mangyari po sanang iparating ito sa amin sa: leiladelima.comms@gmail.com; o sa mga sumusunod na social media accounts:

/leiladelimaofficial @SenLeiladeLima

/senleiladelima /senatorleilam.delima /SenLeilaMdeLima


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.