The De Lima Express (NOVEMBER 2017 issue) READ NOW!

Page 1

Nakapaloob na istorya...

JUSTICE • TRUTH • DEMOCRACY VOL. 01 ISSUE 01

Senadora De Lima, “Prize for Freedom” awardee ng Liberal International

Nobyembre 2017

cpahina 4

Mga kapwa senador at supporters, kinondena ang desisyon ng SC sa petisyon ni De Lima Kinondena ng mga kapwa Senador at taga-suporta ni Senadora Leila M. de Lima ang desisyon ng mayorya ng Supreme Court (SC), sa botong 9-6, na ma-dismiss ang petisyon ng Senadora para ipawalang bisa ang pag-aresto sa kanya base sa mga imbentong kaso ng ilegal na droga at palayain siya sa pagkakabilanggo. Tinawag na “unfortunate” ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV ang desisyon ng Korte Suprema. Ipinapakita lang umano nito, sa kasamaang palad, na sukdulan na ang pagkontrol ni Pangulong Duterte sa tatlong sangay ng gobyerno. Ayon pa kay Trillanes, pinatitibay lang ng nasabing desisyon ng Korte Suprema ang politikal na panggigipit kay De Lima ng rehimeng Duterte. “Dapat tinidigan natin ito,” hamon ni Trillanes na nauna nang nanawagan sa mga kapwa Senador na samahan siya sa panawagang palayain si De Lima. Para naman kay Sen. Risa Hontiveros: “Nakakalungkot ang desisyon. Ganun pa man, tuloy ang laban para palayain si Senator Leila de Lima sa pagkakapiit gamit ang mga peke at walang basehang kaso.” “Nakakalungkot. Ang aking paniwala, dapat Ombudsman ang mag-hear nito [ng kaso ni De Lima]... I hope the SC can take a close second look at the decision,” ang sabi naman ni Sen. Franklin Drilon. cpahina 2

Nagpasalamat si Sen. De Lima sa patuloy na pakikiisa ng ating mga kababayan. Sa botong 9-6, ipinagkait ng Korte Suprema ang pagpapawalang bisa sa kanyang ilegal na pagkaaresto batay sa imbentong mga kaso.

De Lima, ikinalungkot ang desisyon ng SC sa kanyang petisyon Kampo ng Senadora, naghain na ng Motion for Reconsideration Ikinalungkot ni Sen. Leila M. de Lima ang naging desisyon ng mayorya ng Supreme Court (SC) noong Oktubre 10, na hindi nagpapahintulot sa petisyon niyang ipawalang-bisa ang kanyang pagka-aresto. Sa boto na 9-6, hindi tinanggap ng mayorya

ng Korte Suprema ang petisyon ni Senador De Lima na makalaya mula sa pagkabilanggo na batay lamang naman sa gawa-gawang mga kasong isinampa sa Muntinlupa Regional Trial Court. “Labis kong ikinalulungkot ang naging desisyon ng mga mahistrado sa Korte Suprema. Hindi nila alam kung gaano kasakit para sa akin ang manatili sa kulungan nang walang kasalanan. Hindi nila nauunawaan ang pagdurusa ng isang inosenteng pinagkakaitang makalaya, wika ni De Lima. Sa kasalukuyan, siyam na buwan nang nakakulong si De Lima. Pahayag ng pagsuporta kay De Lima sa Misa noong Oktubre 10, 2017 cpahina 2

Kabataan, pinakabiktima ng ‘War on Drugs’ – De Lima “Minsan lang sila bata.” Ito ang binigyang-diin ni Sen. Leila M. de Lima sa kanyang mensahe, na binasa ng kanyang kapatid na si Vicente de Lima, sa naganap na pagtitipong “Dinner / Dance for a Cause” sa San Juan, Greenhills noong Agosto 9. Sa pagtitipon na ito na inorganisa ng mga miyembro ng Coalition DAMPI (Democratic Alliance

Movement of the Philippines-International), kabilang ang samahang Edsa30 Pagkakaisa, FABS, LAPP, at RiPARO Organization), ipinahayag ni Sen. De Lima ang kanyang pagkabahala sa pagtaas ng bilang ng mga napapatay na inosente, lalong-lalo na ang batang walang kalaban-laban, sa “War on Drugs” sa ilalim ng administrasyong Duterte. cpahina 3

De Lima, ipinagdiwang ang ika-58 na kaarawan

Ipinagdiwang ni Sen. Leila M. de Lima ang kanyang ika-58 na kaa-rawan sa pamamagitan ng isang simpleng salu-salo na dinaluhan ng mga kaibigan, pamilya at kapwa senador sa kanyang detention quarters sa Camp Crame noong Agosto 27. Pinangunahan nina Bishop Socrates Villegas ang nasabing misa, kasama ang iba pang mga pari kabilang sila Fr. Albert Alejo, Fr. Robert Reyes, Fr. Hector Cañon at Fr. Flavie Villanueva. Bukod sa kanyang mga kapamilya, kamaganak, kaibigan at tagasuporta, ilan sa mga personalidad na bumisita kay De Lima sa kanyang kaarawan sina Sen. Sonny Trillanes, Sen. Bam Aquino, at Sen. Franklin Drilon, dating COMELEC chairman Sixto Brillantes, dating DSWD Sec. Dinky Soliman, dating Budget Secretary Butch Abad, Presidential Management Staff Julia Abad, at dating Comelec Chairman Christian Monsod, at ang asawa niya, ang ekonomista at mamamahayag na si Mareng Winnie Monsod. Nagpahayag din ng mensahe at pagbati ang iba pang kapwa Senador ni De Lima, kabilang na sina Senador Francis “Kiko” Pangilinan at Risa Hontiveros, Vice President Leni Robredo at mga Kongresista na kabilang sa “The Magnificent 7.” cpahina 4


2

Nobyembre 2017

Protesta ni Tolentino, aksaya lang ng panahon at pera ng taumbayan – De Lima Isa lamang umanong pag-aaksaya ng panahon at pera ang pagbilang muli sa mga balota na kasama sa inihaing protesta ng nabigong kandidato sa pagkasenador na si Francis Tolentino sa Senate Electoral Tribunal (SET) laban kay Sen. Leila de Lima. Ito ang binigyang-diin ni De Lima sa kanyang naging pahayag ukol sa pag-apela ni Tolentino sa kanyang pagkatalo noong nakaraang 2016 elections. Ayon kay De Lima, sa simula pa lang ay hindi na kailangan pang magkaroon ng “recount” dahil sa kawalang basehan o ebidensya ng mga akusasyon ni Tolentino laban sa kanya. Sa resulta ng nakaraang halalan, nakakuha si Senadora De Lima ng kabuuang 14,144,070, mas mataas ito ng mahigit sa isang milyong boto sa nakuhang boto ni Tolentino na 12,811,098, ayon sa opisyal na proklamasyon ng Commission on Elections. Pinunto pa ni De Lima na sa 74 na balotang pinabuksan, di hamak na mas lamang pa rin si De Lima kay Tolentino. Kaya naman ayon sa kampo ni Sena-

dora De Lima, hindi na umano kailangan pang magaksaya ng oras dito. Ayon pa kay Sen. De Lima, hindi maaaring gamitin na rason ni Tolentino ang pagkakamit ng “zero vote” sa ilang mga lugar na tinukoy niya sa reklamo, sapagkat miski ang Senadora ay wala ring nakuhang boto doon. “Halatang desperado lang si Tolentino at ang kanyang kampo na mapaalis ako sa puwesto. Pati nga ang mga balota na lehitimong nabilang at pumabor sa akin ay pilit pa rin nilang inirereklamo nang walang basehan,” giit ni De Lima. Si Tolentino ay dating Chiarman ng Metro Manila Development Authority noong nakaraang administrasyon at ngayon ay isa nang political adviser ni Duterte. “Posibleng nasa likod na naman ng lahat ng ito ay si Duterte na wala nang ginawa kundi yurakan at siraan ako sa publiko. Ngayon naman, ang gusto nilang mangyari ay ipagkait sa akin ang mandato ko

Suporta kay De Lima, dumagsa!

International organizations, nanawagan din sa kanyang paglaya Muling pinagtibay ng international groups ang suporta nila para kay Sen. Leila M. de Lima habang kinakaharap niya ang mga pekeng kasong inimbento laban sa kanya ng rehimeng Duterte. Ilan sa mga bumisita sa kanya sa bilangguan ay ang mga miyembro ng Inter-Parlimentary Union (IPU) noong Mayo 24, European Parliament (EP) noong Hulyo 19, Liberal International (LI) noong Hulyo 22, Women’s Caucus of the Council of Asian Liberals and Democrats (CALD) noong Agosto 31, ASEAN Parliamentarians for Human Rights (APHR) noong Setyembre 19, at Global Progressive Forum nitong Nobyembre 11. Labis na ikinatuwa at ipinagpasalamat ng Senadora ang suportang natatanggap niya mula sa international community. Aniya, nagsisilbi itong malaking inspirasyon sa kanya na ipagpatuloy ang pagtataguyod sa karapatang pantao at ang patuloy na paglaban sa baluktot na pamamalakad ng rehimeng Duterte, partikular na ang paglulunsad ng madugong kampanya laban sa droga. “Lubos akong nagpapasalamat sa mga grupo na

nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa sitwasyon ko bilang ‘prisoner o conscience,’ na pinagkaitan ng kalayaan dahil sa pagtatanggol sa karapatang pantao, laban sa walang humpay na mga pagpatay at paglabag sa batas ng rehimeng Duterte,” saad niya. Ayon kay De Lima, ang pagbisita ng ilang grupo na nagmula pa sa ibang bansa ay isang patunay na binabantayan ng mga pandaigdigang institusyon ang klase ng pamamahala ni Duterte at kung ano ang kalagayan ng karapatang pantao dito sa Pilipinas. “Sa mga pagbisita ng mga kinatawan ng iba’t ibang organisasyon, sa loob at labas ng bansa, masasabi natin: World is Watching. Gaya ng sabi ko, hangga’t nagbabantay ang ibang mga bansa, hangga’t may sumusuporta po sa ating mga kababayan, patuloy man nila akong gipitin, hindi ako susuko sa aking mga ipinaglalaban,” wika ni De Lima. Umaasa din ang Senadora na kagaya ng pagkamulat ng ibang bansa sa nangyayari ngayon sa bansa, ay mamulat din sana ang maraming Pilipino sa katotohanan. Mga kababaihang miyembro ng Coalition on Asian Liberals and Democrats (CALD). Mula sa kaliwa: Chairperson ng CALD Women Caucus na si Jayanthi Balaguru, dating Chairperson ng Hongkong Democratic Party Emily Lau at Vice President ng Taiwan Foundation for Democracy Maysing Yang. Nanawagan sila sa agarang paglaya ni De Lima.

Kapwa ipinahayag nina Liberal International (LI) Human Rights Committee Chairman Markus Loning (kaliwa) at LI President Dr. Juli Minoves (kanan) ang kanilang pakikiisa kay Sen. De Lima. Sa kanilang pagbisita noong Hulyo 22, hindi pinayagan si Dr. Minoves na makapasok sa detention quarters ng Senadora dahil umano sa “administrative reasons.” Para sa kanila, tanda raw ito ng panggigipit kay Sen. De Lima ng rehimeng Duterte.

bilang senador. Lahat ng ito, bahagi lang ng walang tigil na panggigipit sa akin,” dagdag ni De Lima. Nagsampa na ng mosyon sa SET upang ipa-contempt si Tolentino dahil sa mali at mapanlinlang na mga pahayag nito sa mga iregularidad diumano sa nakaraang halalan. Naniniwala si De Lima na nilabag ni Tolentino ang batas sa “sub judice” nang maglahad ang natalong kandidato ng iba’t ibang pahayag sa media na makakasira at nagdudulot ng duda sa pagkapanalo ni De Lima bilang Senador. Sabi pa ni De Lima, hindi dapat gamitin o sirain ang kanyang pangalan para lang sumipsip kay Duterte, at ikampanya ang sarili para sa susunod na eleksyon.

De Lima sa DOJ: Ibalik ang dangal at kredibilidad Hinamon ni Sen. Leila M. de Lima ang kanyang mga dating katrabaho sa Department of Justice (DOJ) na isalba ang Kagawaran mula sa kahihiyan at mga kabulustugang dulot ng kasalukuyang pamunuan nito. Sa kasalukuyan, sangkot sa kaliwa’t kanang isyu ng kapalpakan ang pinuno nitong si Secretary Vitaliano Aguirre II. Pinayuhan ni De Lima ang mga taga-DOJ na huwag mapilitang gawin ang mga bagay na pinaniniwalaan nilang mali at labag sa kanilang loob. Bilang dating Justice Secretary, itinuring ni De Lima ang DOJ bilang kapamilya. Kabilang sa mga naging tagumpay ng DOJ noon ang paglilinis ng Bilibid mula sa mga kontrabando at paggiba ng mararangyang kubol ng druglords doon. Sa pamumuno din ni De Lima sa DOJ, inupgrade sa Tier 2 ranking ang bansa sa Trafficking in Persons (TIP) report ng US State Department. Patunay ito sa epektibong pagsugpo ng gobyerno sa human trafficking ng mga sindikato. Bilang Senador, gipitin man ng administrasyong Duterte, at naipakulong man dahil sa mga imbentong kaso, patuloy na kinilala si De Lima bilang tagapagtanggol ng karapatang pantao at katarungang panlipunan.

De Lima, ikinalungkot ang desisyon ng SC… Mula pahina 1

Nagpasalamat naman si De Lima sa anim (6) na Mahistradong pumabor sa kanyang petisyon na kinabibilangan nina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Associate Justices Antonio Carpio, Estela Perlas-Bernabe, Alfredo Benjamin Caguioa, Francis Jardeleza, at Marvic Leonen. Noong Nobyembre 3, naghain na ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Sen. De Lima para sa kanyang agarang paglaya. Sa kanyang apela, iginiit niyang hindi magkasundo ang mga hukom sa kasong isinampa laban sa kanya. Labag umano ito sa karapatan niya bilang akusado at dapat siyang palayain sa lalong madaling panahon. Nauna nang sinabi ng kampo ni De Lima na ang hukom ng Muntinlupa RTC Branch 205 na si Judge Juanita Guerrero ay umabuso sa pag-isyu ng warrant of arrest kahit siya ay may nakabinbin pang “motion to quash.” Nanawagan naman si De Lima na patuloy siyang ipagdasal sa kanyang laban para sa katarungan.


Mga senador at supporters...

Nobyembre 2017

3

Mula pahina 1

Patuloy namang umaasa si Sen. Bam Aquino na hindi pipigilan ng Korte Suprema si Sen. De Lima sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin bilang senador. Bukod sa magkakahiwalay na pahayag, naglabas din ang minority senators, kabilang sina Hontiveros, Trillanes, Drilon at Aquino, ng nagkakaisang pagkondena sa di-makatarungang pagkakakulong kay De Lima. Ang ilang mga grupo, kabilang ang Free Leila Movement #TindigPilipinas at #EveryWoman, ay nakiisa din sa panagawang itigil na ang politikal na pangigipit sa Senadora. “Makaraan ang mga taon ng pag-usad ng Pilipinas, muli bang tayong tinatawagan para isalba ang ating mga pamilya at mga anak sa kapalpakan ng ating mga institusyon? Kung kinakailangan, handa

kaming makipaglaban. Kami ay #EveryWoman, at nanindigan kami kasama si Sen. Leila de Lima, ayon sa pahayag ng nasabing grupo ng kababaihan. Ayon naman sa pa- Ikinalungkot ng mga kasapi ng minority Senators ang naging desisyon ng hayag ng #TindigPili- mayorya ng SC sa petisyon ni De Lima pinas, binigo ng Korte Suprema ang sambayanang Pilipino sa “madilim na Bukod sa suporta ng kanyang mga kasamahan kabanata ng ating kasaysayan.” sa pamahalaan, bumuhos din ang suporta kay Sen. Dagdag pa ng grupo, dahil sa desisyong ito ng De Lima sa social media, gayundin sa international Korte Suprema na ipagkait kay Sen. De Lima ang community. Nanindigan sila na inosente si Sen. De kanyang paglaya, naipagkait na rin sa atin ang pag- Lima at dapat niyang makamit ang katarungan sa kakatoon ng “checks and balances” sa gobyerno. lalong madaling panahon.

De Lima, pinaiimbestigahan ang pag-iisyu ng OFW ID

Sama-samang nagprotesta ang mga kabataang mag-aaral para tutulan ang mga patayan at karahasan sa bansa, na kumitil ng mga inosenteng bata, sa ilalim ng administrasyong Duterte

Kabataan, biktima ng ‘War on Drugs’... Mula pahina 1 Sa ilalim ng madugong kampanya sa ilegal na drogang pinasimulan ng administrasyong Duterte, nasa mahigit 13,000 katao na ang napatay. Kabilang dito ang pitong taong gulang na si Saniño Butucan ng Cebu, limang taong gulang na si Danica May Garcia ng Pangasinan at Francisco Manosca ng Pasay City, apat na taong gulang na si Althea Fhem Barbon ng Negros Oriental, 17-taong gulang na si Kian delos Santos at 19-taong gulang na Carl Arnaiz, parehong taga-Caloocan. “Sa pinaiiral na karahasan ng gobyernong utak-pulbura at makitid ang pag-iisip, ang mga bata ang pinaka-biktima—mga batang naulila ng mga pinaslang na magulang, mga batang natigil sa pag-aaral dahil sa kaguluhan, mga batang lumalaki sa kultura ng kawalan ng pananagutan, wika ni Sen. De Lima.

Krisis sa Marawi, dapat tutukan ng gobyerno Nanawagan ni Sen. Leila M. de Lima sa administrasyong Duterte na tutukang maigi ang kinakaharap na “humanitarian crisis” sa Marawi, kung saan marami sa ating mga kababayan ang naipit sa labanan ng ating mga sundalo sa pagtugis nila sa teroristang grupo na Maute. Sa kanyang inihain na Senate Resolution No. 512, nais ng Senadora na imbestigahan ng Senado ang pagtugon ng gobyerno sa mga pangangailangan sa Marawi, at paglalaan ng tulong lalo na sa mga maysakit, nakatatanda, may kapansanan, kababaihan at kabataan. “Mahalaga na tuluyang masugpo ang terorismo sa lungsod ng Marawi, gayumpaman, kailangan ding matutukan agad ang kalagayan ng ating mga kababayan na sapilitang lumikas dahil sa bakbakan.,” wika ni De Lima. Ayon sa tala ng UN High Commissioner for

Refugees (UNHCR), umabot sa halos 360,000 ang internally-dispaced persons (IDPs) o mahigit 78,500 na pamilya ang lumikas patu- ngong evacuation centers mula sa 16 na munisipalidad sa Lanao de Norte at Lanao del Sur. Para kay De Lima, ang pagtugon sa krisis na kinahaharap ngayon ng Marawi ay hindi lamang madadaan sa material na mga bagay, kundi sa pagtugon din sa kanilang mga espiritwal at kultural na mga pangangailangan, upang makabalik sa normal nilang pamumuhay. “Sa pagtulong sa ating mga kapwa Pilipino, lalo na sa panahon ng pangangailangan, nasusukat ang tunay nating pagka-makabayan. Dito natin hinahawan ang landas tungo sa tunay at pangmatagalang kapayapaan.”

Nanawagan si Sen. Leila M. de Lima para sa isang imbestigasyon sa Senado sa bagong lunsad na identification card system para sa Overseas Filipino Workers (OFW). Sa kanyang Senate Resolution No. 452, pinaiimbestigahan ni De Lima ang paglalabas ng OFW ID, na kilala rin bilang i-DOLE na inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE ) para palitan ang Overseas Employment Certificates (OEC) o mas kilala bilang “exit pass.” Ayon kay De Lima, kailangan imbestigahan ang pamamahagi ng mga OFW ID sapagkat maaari itong maging “gatasan” lamang ng mga tiwaling opisyal, lalo pa’t ang mga OFW ang maaaring maging target ng modus kaugnay nito. Ayon sa mga ulat, ang nasabing ID ay nagkakahalaga ng P701, kung saan P501 dito ay gugugulin sa mga plastic cards, habang ang nalalabing P200 ay nakalaan para sa pag-deliver . “Bukod sa uulitin lang naman nito ang OEC, di hamak na mas malaki pa ang gagastusin ng ating mga OFW sa pagkuha ng nasabing ID,” wika ng Senadora. “Napakalaki ng ambag ng ating mga OFW sa pagpapaunlad ng pambansang ekonomiya. Kasama ng kanilang pagsisikap na makapagpundar sa pamilya, ay napakalaking tulong ng kanilang remittances para tulungan ang gobyerno para pondohan ang mga serbisyo-publiko,” dagdag ni De Lima. Nanawagan si De Lima sa mga kapwa niya mambabatas na tutukan ang isyu ukol sa OFW ID. Nais niyang siguruhin na hindi na dagdag pang pasanin ang pamamahagi nito sa mga nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Nauna na rito, pinuna ni De Lima ang mga insidente kung saan napapauwi bigla ng Pilipinas ang mga OFW dahil nabiktima o nadamay bilang “collateral damage” ang mahal sa buhay. Kabilang dito ang OFW na si Ginang Lorenza delos Santos, nagtatrabaho sa Saudi Arabia, at ina ng 17-taong gulang na si Kian delos Santos, na pinatay ng mga pulis sa Kalookan. Gaya ng nabiktimang si Kian, nariyan din ang 19-taong gulang na si Carl Arnaiz, na isa ring OFW ang ina na nagtatrabaho sa Dubai. Tanong ni De Lima: “Ganito bang klase ng pagbabago ang ipinangako ni Ginoong Duterte sa ating mga OFW?”


4

Nobyembre 2017

“Prize for Freedom” award... Matapos kilalanin noong 2016 bilang isa sa Top 100 Global Thinkers ng Foreign Policy sa Washington D.C. at isa sa Top 100 Most Influential Persons ng Time Magazine ngayong taon, panibagong pagkilala ang matatanggap ngayong taon ni Sen. Leila de Lima mula sa Liberal International (LI)-- ang “Prize for Freedom” award dahil sa buong tapang na pakikipaglaban sa karapatang pantao at sa kanyang dedikasyong itaguyod ang demokrasya. Sa ginanap na 199th Executive Committee ng LI sa Johannesburg, South Africa, ibinoto si De Lima ng mga pinuno mula sa iba’t ibang bansa para sa nasabing parangal. Si Sen. De Lima ang pangalawa lamang sa natatanging Pilipino na makatatanggap ng pinakamataas na karangalang ito sa pagtataguyod ng karapatang pantao na ipinagkakaloob ng LI, sunod sa dating Pangulo at simbolo ng demokrasya na si Corazon Aquino noong 1987. Ayon sa Chairman ng LI Human Rights Committe na si Markus Loning, napili si De Lima para sa nasabing karangalan dahil nagsisilbi siyang matingkad na halimbawa sa iba pang tagapagtanggol ng karapatang pantao sa Pilipinas man at maging sa

ibang bayan. Kahit umano nakabilanggo, patuloy na ipinaglalaban ni De Lima ang pangingibabaw ng batas at ang dignidad ng indibidwal. “Nagpapasalamat ako sa Liberal International. Ang karangalan pong ito ay hindi lamang para sa akin o sa aking pamilya, kundi maging sa lahat ng bilanggong politikal, at biktima ng kawalan ng hustisya,” wika ni De Lima. Ayon pa kay De Lima, patunay ito na batid ng mga pinuno at organisasyon sa ibang bansa na siya ay inosente. Umaasa siya na kaakibat ng pagkamulat ng mga pandaigdigang organisasyon sa kanyang kalagayan bilang “prisoner of conscience” ay mamulat din ang maraming Pilipino sa katotohanan. Sa kasalukuyan, siyam na buwan nang nakabilanggo si Sen. De Lima dahil lamang sa mga kasong walang batayan at nababatay sa kasinungalingan at pekeng ebidensya. Gaya ng iba pang international organizations, nagpahayag ang LI ng matinding pagkondena sa nararanasang politikal na panggigipit kay Sen. De Lima, at nanawagan sa kanyang agarang paglaya mula sa panggigipit ng rehimeng Duterte.

De Lima, sa selebrasyon ng ika-58 na kaarawan... Mula pahina 1

Ayon sa mensahe ni Sen. Hontiveros: “Sa aking mahal na kabaro, sa kabila ng lahat, maligayang kaarawan! Sa mga pagsubok na ito, ang iyong boses at lakas ng loob ay patuloy na mananatiling lakas at inspirasyon ng mga mamamayan. Totoo nga, walang makapagpapatumba ng mabuting babae tulad mo. Laban Leila!” Sinabi naman ni Sen. Pangilinan na magpapatuloy siyang manalangin para sa agarang paglaya ni Sen. De Lima at tiniyak niya na susuportahan niya ang adbokasiya ng Senadora. Hiling naman ni VP Robredo, lumakas pa sana ang loob ng Senadora sa mapanghamong panahon na ito. Naniniwala siyang sa huli, laging mananaig ang mabuti. “Senator Leila, maraming salamat po sa lahat. Patuloy lang po namin kayong ipagdarasal at susuportahan,” dagdag ni VP. Robredo.

Autism Care Act ni Sen. De Lima, umani ng suporta mula sa iba’t ibang sektor Pinasalamatan ni Sen. Leila M. de Lima ang mga miyembro ng Initiative for Disability Rights and Welfare (iDRAW) dahil sa kanilang suporta para sa isinusulong niyang Senate Bill (SB) No. 1433 o Autism Care Act. Ang iDRAW ay grupo na kinabibilangan ng mga persons with disabilities (PWDs) at ng kanilang pamilya, mga sektor mula sa kabataan, akademya, pagnenegosyo, mga propesyonal at opisyal ng gobyerno na nagtataguyod sa karapatan ng mga taong may kapansanan. Kabilang sa panukala ni De Lima sa Autism Care Act ang pagkakaroon ng isang national roadmap na tutugon sa usapin ng autism. Kabilang dito ang pagtatatag ng Autism Council of the Philippines na siyang magpapalaganap ng kaalaman sa publiko tungkol sa sakit sa pag-iisip na dapat ay ituring na isang pambansang isyu sa kalusugan. Malapit sa puso ni Sen. De Lima ang adbokasiyang ito lalo pa’t ang kanyang anak na panganay ay isa ring special child, gayundin ang kanyang panganay na apo. Itinuturing niyang mga anghel ang anak at apo, na siyang nagbibigay lakas at inspirasyon sa kanya sa kanyang personal at propesyunal na buhay. “Ang kailangan nila: Hindi awa, kundi pangunawa. Kaya nilang makibahagi at maki-ambag sa ating lipunan, basta pagkalooban lamang sila ng sapat na gabay at kakayahan ng estado,” wika ni Sen. De Lima.

Mga miyembro ng Initiative for Disability Rights and Welfare (iDRAW), at kinatawan ng Tanggapan ni Sen. De Lima sa paglulunsad ng iDRAW

Kung kayo po ay may mungkahi o nais ipaabot na mensahe, mangyari po sanang iparating ito sa amin sa: leiladelima.comms@gmail.com; o sa mga sumusunod na social media accounts:

/leiladelimaofficial @SenLeiladeLima

/senleiladelima /senatorleilam.delima /SenLeilaMdeLima


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.