Sa kanyang ikatlong SONA, pinahanga na naman tayo ni Duterte. Pinahanga sa kapal ng mukha niyang mangako ng mga bagay na dalawang taon na niyang ipinapangako pero wala namang tinutupad. Kailangang ipaalala sa kanya, at sa sambayanang Pilipino, na dalawang taon na siyang Pangulo at hindi kakaupo lang sa Malacañang. There is a need to state the pressing issues and the true state of the nation, not just the usual script and empty talk of Duterte. The Filipino people need to know and be enlightened about how this regime has been destroying our culture with the senseless killings, divisiveness, lies, misogyny and disregard for the rule of law. In his SONA, Duterte once again attacked human rights advocates and bragged that his War on Drugs would not be sidelined, but would, instead, continue to be “relentless and chilling.” This corrupt and twisted perception is the reason why our nation has become a “killing field” in the past two years of the Duterte regime. He paved the way for a normalized economy of murder and a prevailing culture of impunity. Duterte boasted that his War on Drugs resulted to the seizure of billions worth of illegal drugs, but did not mention the thousands of lives lost during the brazen killings in our society. Just last July 18, two more were killed in Caloocan City in a span of a few hours. Jennifer Taburada and Alvin Teng were mercilessly killed by unidentified perpetrators in Bagong Barrio. Jennifer was a mother of two who had barely recovered from the death of her husband, Ryan Taburada, who was also tortured and killed by men behind masks.
Paano na ngayon ang dalawa nilang anak na ganap nang ulila?
1
Ang mga ganitong pangyayari ang mga balitang gumigising sa atin sa umaga. Na dahil sa sobrang dalas ay namamanhid at nasasanay na lamang tayo. Pero hindi sila mga estadistika lamang. Bawat biktima ay mukha ng kawalang katarungan, ng pagpatay nang labag sa batas, nang walang kalaban-laban. Bago pa sila, libo-libo na ang naging biktima. Mga biktimang may karapatan. Mga Pilipinong may pamilya. Gaya ni Genesis “Tisoy” Argoncillo. Nagpapa-load lang sa tindahan malapit sa kanilang bahay nang dinakip siya ng mga pulis, dahil sa utos ni Duterte na arestuhin ang mga tambay. Habang nakakulong at nasa kamay ng mga pulis, binawian siya ng buhay. May mga pasa sa katawan, tanda na pinahirapan si Tisoy habang nasa kulungan. Ganito rin ang sinapit na kapalaran nina Kian Loyd delos Santos, Carl Arnaiz, Reynaldo “Kulot” de Guzman, at Aldrin Castillo. Mga pinaslang nang walang kalaban-laban, at hanggang ngayon ay wala pa ring nakakamit na katarungan. Bago mapaslang ang apat na taong gulang—ulitin ko, apat na taong gulang, na si Skyler Abatayo ng Cebu, marami na ring bata ang nadamay sa War on Drugs ni Duterte. Nariyan ang 7-taong gulang na si Saniño Butucan ng Cebu, 5-taong gulang na sina Danica May Garcia ng Pangasinan at Francisco Manosca ng Pasay, pati na ang apat na taong gulang din na si Althea Fhem Barbon ng Negros Oriental. Mga bata. Mga batang nagsisimula pa lang mangarap. Mga inosenteng sa isang iglap ay nawalan na ng kinabukasan. Wala nang natitira pang pagkatao ang mga nasa likod ng mga kasuklam-suklam na krimeng ito. Anong klaseng lider ang hahayaan lamang at uudyukan pa ang ganitong kasamaan?
2
In filing Senate Resolution No. 9 on July 13, 2016, as then Chairperson of the Senate Committee on Justice and Human Rights, I called for an investigation on the spate of extrajudicial killings in the country. It was reported that the death toll of extrajudicial and summary killings had already reached 136 at that time. But what happened? Instead of an in-depth investigation on these blatant violations of human rights, politicking prevailed and I was removed as Chair of the said committee. The rest is history. Two years since the Duterte regime took office, there are already more than 22,000 deaths as a result of his War on Drugs. 22,000 lives. 22,000 Filipinos. And he even had the gall to say that his concern was “human lives” and not human rights?
22,000+ DEATHS
UNDER DUTERTE’S ‘WAR ON DRUGS’
Kung noon pa lang, naitulak na ang mas maigting na imbestigasyon ukol sa mga patayang ito, kung tumigil na si Duterte sa kakadaldal at kakautos sa kapulisan na pumatay, marami pa sanang mga ama, ina, asawa, anak, kapatid, kaibigan, at mahal sa buhay ang kasama pa rin ng kanilang pamilya. Wala daw balak ipahinto ni Duterte ang mga patayan at karahasan. Ngayon nga, pati mga pari at lokal na opisyal, biktima na rin. Ibig sabihin, tuloy ang pagpatay at ang paggawa ng mga palusot ng mga nasasangkot.
3
Hindi na po natin magagawa pang ibalik ang buhay ng mga napatay. Pero kaya pang mapigilan ang pagkitil sa maraming buhay. Gaya ni Sr. Juanita “Nenetâ€? DaĂąo ng Religious of the Good Kaninong buhay nga ba ang Shepherd. Nababahala siya sa pinoprotektahan ni Duterte? walang habas na patayan sa kanilang lugar sa San Andres Bukid. Kasama ang kanyang mission partners, tinutulungan nila at ginagabayan ang mga pamilya ng biktima. Dumulog na sina Sr. Nenet sa Korte Suprema para isumite ang mga kaso ng pagpatay sa kanilang komunidad, sa hangaring mahinto na ang karahasan at protektahan ang mamamayan. Kailangan natin ng marami pang tulad ni Sr. Nenet na naniniwala at kumikilos para imulat ang iba pa nating kababayan: Hindi sagot ang pagpatay ng mahihirap na Pilipino, para matigil ang ilegal na droga sa Pilipinas. There are deliberate attempts to mislead the public. They disseminate wrong information and fabricate lies to deceive all of us.
Kung sino pang Pangulo, siya pa ang sinungaling at tsismoso. Sinimulan nila sa pagsira sa kredibilidad ng mga kritiko. Ipinakulong ako gamit ang mga pekeng ebidensya at pekeng testimonya dahil sa pagtutol ko sa laganap na patayan, at paglaban para sa karapatang pantao. Habang walang humpay ang propaganda at pagpapalaganap ng fake news, ginigipit naman ang mga nag-uulat ng makatotohanang balita. Nariyan pa ang pagpatay sa mga mamamahayag para patahimikin at takutin ang iba pang maglalakas ng loob na ilantad ang totoong pangyayari sa lipunan.
4
Inatake ang ating mga institusyon gaya ng Commission on Human Rights, Ombudsman, Korte Suprema, maging ang Simbahang Katolika. Minura na nga ang Santo Papa, hindi pa nakuntento itong si Duterte, pati ang Diyos ay kanyang binastos at inalipusta. Pinatalsik ang Chief Justice ng Korte Suprema gamit ang Quo Warranto na labag sa Konstitusyon. Inalis ang seguridad ng isang Senador. Kinakasuhan at tinatakot ang iba pang nagtatangkang tumutol sa mga kabaliwan at baluktot na polisiya ng gobyerno ni Duiterte.
They are doing it on purpose to deflect the attention of our countrymen away from the real social issues which pile up every day.
Sa paraang ito, pilit nilang pinalalabas na may integridad si Duterte, habang unti-unting tinitibag ang ating demokrasya, ang ating kultura, at ang ating dangal bilang Pilipino. Katulad na lamang ng usapin sa ating soberanya at teritoryo. Kapag may nagpahayag ng pagtutol sa mga patayan sa Pilipinas mula sa international community, todo angal itong si Duterte. Kaliwa’t kanang mura ang aabutin ng mga dayuhang “nakikialam� daw sa pamamahala sa bansa. Kagaya ng pagbatikos niya sa European Union, sa United Nations, at sa iba pang human rights organization sa buong mundo. Pati ang 72-taong gulang na si Sr. Patricia Fox, na 27 taon nang naninirahan sa Pilipinas bilang misyonaryo, ipinadedeport ng Bureau of Immigration dahil umano sa pagsama sa mga kilos-protesta.
5
Pero ang paulit-ulit na paglapag ng mga eroplanong militar ng Tsina sa Davao na hindi malinaw ang dahilan at mukhang si Duterte lang ang nakakaalam, ang pagpasok ng bilyon-bilyong halaga ng shabu mula sa China na sinubukang ilusot sa Customs, ang panggigipit sa ating mga mangingisda at pagkuha sa kanilang mga huli ng Chinese Coast Guard sa Panatag Shoal, ang pag-angkin ng Tsina sa ating mga teritoryo, idagdag pa ang paglalagak nila ng missiles na naglalagay sa atin sa tiyak na peligro, inireklamo ba ni Duterte? Hindi. At wala siyang balak na manindigan ukol dito. Ito ba ang sinasabing “ama” ng bayan? Sunud-sunuran na nga, tila isinasangla pa ang bansa sa bilyon-bilyong pag-utang sa Tsina. Na sa halip na arugain ang kanyang mga anak, ay siya pa mismo ang nagpapahirap at pumapatay sa kanila. At tulad ng iba pang pangako ni Duterte na wala namang nangyayari, tuloy pa rin ang mga tiwali sa paggatas sa kaban ng bayan. Ang korupsyon sa Immigration, ang maanomalyang kontrata ng Department of Tourism (DOT) at Presidential Communications Operations Office (PCOO), ang kaduda-dudang paglobo ng budget ng Tanggapan ng Pangulo, ang patuloy na kalakalan ng droga sa Bilibid, ang sabwatan sa Customs—lampas-lampasan na ang 3 to 6 months pero tuloy pa rin ang piyesta ng mga corrupt. Anyare, Duterte? Paalala lang: Hindi sapat ang pagtatanggal sa mga opisyal na nasangkot sa korupsyon, na sa simula’t sapul ay si Duterte naman ang nagluklok sa gobyerno. Kapamilya man, ka-brod, o kaalyado ng nakaupo sa Malacañang, kailangan silang imbestigahan, kasuhan, at papanagutin kapag napatunayang nagkasala.
6
Duterte professes to be pro-poor. But the truth is, he does not care for the poor. He merely acts based on his whims and those of his cronies.
Siya na mismo ang nagsabi: “Mahirap kayo? Putang ina, magtiis kayo sa hirap at gutom, wala akong pakialam!� At sa lahat ng ito, si Duterte pa ang may kapal ng mukhang magsalita kung sino ang incompetent. Ano ba ang maipagmamalaki niya? Magaling lang siya sa pagpatay ng libo-libong tao. Magaling sa pagmumura. Magaling manggipit ng mga kritiko. Magaling sa pagtatanggal kuno sa mga opisyal na may bahid ng korupsyon, na ililipat lang naman niya sa ibang posisyon. Dahil ang SONA ay pagpapahayag ng sitwasyon natin ngayon, kamusta na nga ba ang lumalalang trapiko, ang paglobo ng utang ng Pilipinas, ang pagbagsak ng piso, ang mas mataas na buwis dulot ng TRAIN law, ang pagmahal ng bigas, gasolina, pamasahe? Tumaas na nga ang unemployment rate, hindi pa matupad-tupad ang pangakong tapusin ang Endo. Ang masaklap, mula nang lagdaan ni Duterte ang Executive Order (E.O.) 51 na magwawakas dapat sa isyu ng kontraktuwalisasyon, nawalan pa ng trabaho ang 200,000 na contractual workers mula sa NutriAsia, PLDT, Hanjin shipyard, Manila Harbor Center, Jollibee at Monde Nissin. Dalawang taon ka na Duterte sa pwesto. Mahiya ka naman.
7
Now, their grand solution to address these issues? Federalism. A new system which is estimated to cost anywhere from P44 billion to P72 billion.
Imbes na gastusin dito ang pondo, bakit hindi nila tanungin: Sa bilyon-bilyong pondong ito, ilang libong eskwelahan ang kayang maipatayo para sa mga estudyante? Ilang pabahay ang pwedeng ilaan para sa mahihirap? Ilang kalsada at tulay ang pwedeng ipagawa? Ilang magsasaka o mangingisda ang pwedeng bigyang ayuda para magkaroon ng masaganang ani? Mas maraming gastos. Mas marami pang politiko. Ang tanong: Mapipigilan ba ang pagkapit-tuko nila sa pwesto kung ngayon pa lang, nag-aagawan na sa liderato sa Kongreso? Ayon sa pinakahuling survey, mas nakararaming Pilipino ang tutol sa pagpapalit ng Saligang Batas. Pero hindi po sapat ang ating dami kung mananahimik lang tayo sa isang tabi.
Ang pagsusulong ngayon ng Pederalismo ay hindi para sa Pilipino kundi para sa politiko.
Nakita natin kung anong klaseng mga pinuno ang bumabalik sa poder dahil sa ating pananahimik. Sa pagwawalang kibo, gumagalaw ang mga galamay ng mga nais na namang maghari-harian sa pamahalaan.
8
Filipinos should keep in mind that silence is a sign of complacency. By allowing themselves to become an accessory to abuse, they become an abuser. We should have a united voice in opposing the evil and crooked policies of this regime.
Sa loob ng dalawang taon, nakita natin kung paanong naging sirang-plaka ng mga bigong pangako si Digong. Napatunayan na natin: Hindi mapagkakatiwalaan si Duterte.
Manatili tayong nakatutok sa mga nangyayari dahil inililihis tayo ng gobyerno sa mga tunay na isyu. Manatili tayong nagkakaisa dahil gumagawa ng paraan ang ilan para magwatak-watak tayo, para mas madali nilang isakatuparan ang mga pansariling agenda.
Malinaw ang kanilang balak: Manatili sa poder si Duterte, pati na ang kanyang mga kapamilya at kaalyado, para habambuhay nang matakasan ang kanilang pananagutan. Tulad ng pag-withdraw ng Pilipinas bilang bahagi ng Rome Statute at sakop ng hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC), ang hindi pagbibitiw ni Duterte sa puwesto kung si Vice President Leni Robredo ang papalit na Pangulo, at ang pagtiyak niyang poprotektahan siya ng China para hindi matanggal sa puwesto. Ganyan kaduwag si Duterte.
9
Mga minamahal kong kababayan, pinamumunuan tayo ng isang diktador, na napapaligiran ng mga bantay-salakay sa kapangyarihan. Silang mga kumikitil sa diwa ng demokrasya, at niyuyurakan ang ating kalayaan at karapatan. Oras na para tumindig at muling mangibabaw ang ating tinig. Ipaglaban natin ang ating mga institusyon na gagabay sa atin pabalik sa landas ng katotohanan at katarungan, at magpanunumbalik sa ating dignidad bilang mga Pilipino.
Maraming salamat at isang mapagpalayang araw.
10