INSIDE STORY:
TOMO 1 BILANG 4
Hulyo - Setyembre 2018
Batas para sa karapatan ng maralita, itinulak ni De Lima
cpahina 3
Mas matatag at malawak na 4Ps, isinulong ni De Lima sa Senado
SUPORTA PARA SA PAGPAPALAWAK NG 4Ps — Mahigit sa limandaang libong lagda (500,000) ang nalikom para suportahan ang panukalang batas ni Sen. Leila de Lima na pagpapalawak at pagpapatatag sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para mas marami pa nating mahihirap na kababayan ang matulungan.
Sa kanyang inihain na Senate Bill No. 2016, isinulong ni Sen. Leila M. de Lima ang pagpapapalakas pa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na nagbibigay ayuda sa mga maralita nating kababayan. Layon ng panukalang batas na ito na manatili ang nasabing programa kahit pa magpalit ng mga administrasyon dahil naniniwala si De Lima na epektibong natutugunan ng 4Ps ang pangangailangan ng mga kapus-palad. Sa pamamagitan ng 4Ps, napagkakalooban ng suportang pinansyal ang mga piling benepisyaryo, basta’t natutugunan nila ang mga kondisyon na ibinibigay ng gobyerno gaya ng pagpapaaral sa mga anak at pagtutok sa kanilang kalusugan. cpahina 2
De Lima, masayang nagdiwang ng ika-59 na kaarawan
Sa ikawalang pagkakataon, ipinagdiwang ni Sen. Leila M. de Lima ang kanyang kaarawan sa Philippine National Police Custodial Center kung saan siya kasalukuyang nakakulong dahil sa mga imbentong kaso laban sa kanya ng rehimeng Duterte. Kagaya ng nakaraang taon, nagdaos ng Misa sa loob ng PNP Custodial Center na dinaluhan ng kanyang mga kapamilya, mga personalidad gaya nina Sen. Sonny Trillanes at Sen. Risa Hontiveros, Rep. Gary Alejano, dating Rep. Erin Tañada at Barry Gutierrez, dating Solicitor General Florin Hilbay, gayundin ng kanyang mga taga-suporta. cpahina 2
Bawal ang epal! – De Lima
Naghain si Sen. Leila M. de Lima ng panukalang batas para ipagbawal ang anumang uri ng maagang pangangampanya ng mga inaaasahang kakandidato, isang taon bago ang lokal at pambansang halalan. Kilalang election lawyer, isinulong ni De Lima ang Senate Bill No. 1893 na naglalayong tukuyin ang mga gawain na maituturing na “premature campaigning” o maagang pangangampanya, lalo pa’t kapansin-pansin na maraming politiko ang laging umaabuso dito. Hindi pa man naghahain ng kanilang kandidatura, marami na sa mga opisyal ng gobyerno ngayon ang nag-iikot sa bansa para dumalo sa mga pagtitipon, nagkalat ang mga poster, at ipinalalagay pa ang pangalan sa mga tarpauline, maski sa mga uniporme ng mga manlalaro sa liga. cpahina 4
De Lima, labis ang pasasalamat sa ‘Prize for Freedom’ award De Lima, inalmahan ang pagtestigo ng mga preso Lubos ang pasasalamat ni Sen. Leila M. de Lima sa iginawad sa kanyang parangal ng Liberal International bilang Prize for Freedom awardee noong Hulyo 28. Ang Prize for Freedom ay ang pinakamataas at prestihiyosong parangal na taunang iginagawad ng Liberal International sa mga indibidwal mula sa iba’t ibang panig ng mundo na may di-matatawarang kontribusyon sa pagsusulong ng karapatang pantao at kalayaang politikal. Sa kasaysayan, si De Lima ang pangalawang Pilipino na nabigyan ng naturang parangal. Ang unang nakatanggap nito ay ang Ina ng Demokrasya na si dating Pangulong Corazon Aquino. Ani ni De Lima, “Nagpapasalamat ako sa patuloy na tiwala. Patunay ang parangal na ito na hindi ako nag-iisa.” Dinaluhan ang nasabing okasyon ng mga kilalang personalidad, kasama na sina Bise Presidente Leni Robredo, dating Pangulong Benigno S. Aquino III, Pangulo ng Partido Liberal, Sen. Kiko Pangilinan, at ng mga opisyal ng Liberal International. cpahina 3
Umalma si Sen. Leila M. de Lima sa tila minadaling desisyon ng korte ukol sa hiling ng kanyang kampo na madiskwalipika ang 13 testigo laban sa kanya sa gawa-gawang kasong isinampa sa kanya sa Muntinlupa Regional Trial Court. Matatandaan na ang mga testigong ito ay mga nahatulan na sa mga krimeng may kaugnayan sa tinatawag na “moral turpitude” o mga karumal-dumal
na gawain. Ayon sa batas, hindi sila karapat-dapat na sumalang bilang mga testigo at gawing mga saksi ng Estado o pamahalaan. Ang mga kasong kinasangkutan ng mga nasabing testigo ay kinabibilangan ng murder, homicide, robbery, kidnapping, at illegal drug trade. cpahina 3
Gaya ng karaniwang ginagawa ng mga kapulisan sa tuwing dumadalo si De Lima sa mga pagdinig, bantay-sarado na naman siya sa ginanap na pagdinig sa New Bilibid Prison noong Oktubre 2. Sa dami ng nakaharang na guwardiya sa kanya, hindi na naman nagawang makapagsalita o makapanayam ng media ang Senadora. Naniniwala ang kampo ni De Lima na bahagi ito ng politikal na panggigipit ng rehimeng Duterte.
2
Hulyo - Setyembre 2018
Pagbawi sa amnesty ni Trillanes, isang ‘paggahasa ng hustisya’ – De Lima Nadismaya si Sen. Leila M. de Lima sa pagbawi sa amnesty na ipinagkaloob ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III kay Sen. Antonio Trillanes IV na halata naman na isa lamang paraan ng panggigipit ng rehimeng Duterte. Si Trillanes ay nahatulan ng rebelyon dahil sa pinamunuan nitong pag-aaklas, ang “Oakwood Mutiny” laban sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Gamit ang Presidential Proclamation No. 572,
binawi ng gobyerno ni Duterte ang iginawad na amnestiya kay Trillanes. Ayon sa panayam kay Trillanes, isang malaking kalokohan umano ang ginawang ito nina Solicitor General Jose Calida at Duterte. “Kahit gaano pa man karaming mga abogado ang magsama-sama, o mag-maang-maangan sa ginagawa nilang ito kay Sen. Trillanes, hindi nila kayang baligtarin kung ano ang tama at nararapat sa batas,” wika ni De Lima.
Para kay De Lima, isang malinaw na “pag-atake sa Saligang Batas at panggagahasa sa hustisya” ang ginagawang paglapastangan ni Duterte sa sistemang pangkatarungan. “Kungsabagay, ito naman talaga ang legasiya ni Duterte, ang baluktutin ang batas,” saad ni De Lima. Para kay dating Pangulong Aquino, ang pagbawi sa amnesty ni Trillanes ay magdudulot ng kawalan ng tiwala sa sistemang pangkatarungan at sa gobyerno sa susunod na pagbibigay ng amnestiya.
‘Cash-for-work program’ para sa maralita, suportado ni De Lima Imbestigahan ang pang-aagaw Layunin ni Sen. Leila M. de Lima na maisabatas ployment Assistance Program Act”. Sa ilalim nito, ng lupa sa Boracay — De Lima ang “cash-for-work” na programa para sa mga miy- ang mga nangangailangan ay makakatanggap ng embro ng mahihirap na pamilya, partikular sa mga naninirahan sa kanayunan na karaniwang naaapektuhan ng sigalot o kalamidad, o kaya naman ay kapos sa kaunlaran. Inihain ni De Lima, pinuno ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, ang Senate Bill (SB) No. 2012 o “Rural Em-
sahod para sa mga trabaho na magpapaunlad din sa kanilang komunidad. Kabilang sa mga trabahong ito ay ang pag-aayos ng mga kalsada o pasilidad na napinsala ng kalamidad, pagtatanim ng mga bakawan bilang depensa sa bagyo, pagtatayo ng mga daycare at health centers, at iba pang makabuluhang programa.
Sereno, hanga sa katapangan ni De Lima
Batid ng buong mundo ang hindi makatarungang pagpapakulong kay Sen. Leila M. de Lima dahil sa buong tapang niyang pagtataguyod sa hustisya at karapatang pantao. Ito ang ipinahayag ng dating Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Maria Lourdes Sereno sa kanyang mensahe ng pagsuporta kay De Lima na aniya ay sigurado na sa kanyang lugar sa kasaysayan—sa panig ng tama at katarungan. Dagdag pa ni Sereno, nakakamangha rin ang pagiging matibay at buo ng loob ni De Lima sa kabila ng patuloy na panggigipit sa kanya. Inaabuso raw ni Pangulong Duterte ang kapangyarihan nito para siraan ang mga kritiko, o kaya naman ay patalsikin sila sa kanilang puwesto sa gobyerno—panggigipit na naranasan mismo ni Sereno noong siya ay inalis bilang pinuno ng Korte Suprema sa paraang labag sa Saligang Batas, isang “quo warranto petition” sa halip na impeachment. Para kay Sereno, sawa na ang mga Pilipino sa paulit-ulit na pagsisinungaling ni Duterte at pagatake nito sa mga kritiko nang walang basehan.
Emergency volunteers dapat bigyan ng proteksyon — De Lima Binisita ng dating Punong Mahistrado na si Maria Lourdes Sereno ang Tanggapan ni Sen. Leila M. de Lima kung saan inahayag ni Sereno ang kanyang pagsuporta at paghanga sa katapangan at paninindigan ng Senadora.
De Lima nais paunlarin ang mga ‘child development workers’
Naghain si Sen. Leila M. de Lima ng panukalang batas na magbubuo sa isang Magna Carta for Child Development Workers (CDWs). Titiyakin nito ang seguridad sa trabaho ng mga CDWs, pati na rin ang kanilang mga benepisyo kung sila man ay magkasakit, magkaroon ng kapansanan, o magretiro sa serbisyo. Kinikilala ni De Lima, Chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga CDWs sa paghubog sa kaisipan ng mga kabataang Pilipino.
De Lima, tinawag na ‘purong imbento’ ang mga kaso
Nanindigan si Sen. Leila M. de Lima na ang mga kaso ng ilegal na droga na isinampa laban sa kanya ay puro imbento lamang at gawa-gawa ng rehimeng Duterte sa kagustuhang ipakulong siya. Sabi ni De Lima, ang unang prominenteng bilanggong politikal ng rehimeng Duterte, na ang kasong pinalitan at pilit na binibintang laban sa kanya ng Department of Justice ay batay lamang sa patung-patong na kasinungalingan. Maalala na ang orihinal na kaso na isinampa ng DOJ laban kay De Lima ay illegal drug trading. Ngunit, pagkatapos ng pagdinig ng Korte Suprema sa batayan ng “Arrest Warrant” laban sa kanya ay pinalitan ito ng mga Prosecutor ng “conspiracy to commit illegal drug trading”. Sa kabila ng panggigipit at mga kasinungalingan sa kanya ng gobyerno at pagharap sa mga kaso,
Nais ni Sen. Leila M. de Lima, Chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, na imbestigahan ng Senado ang kasalukuyang rehabilitasyon ng Boracay na diumano’y ginamit na dahilan ng mga malalaking negosyo para magpatayo ng kanilang mga pasilidad sa mga lupang kinamkam nila mula sa mga Indigenous Peoples (IPs). Inihain ni De Lima ang Senate Resolution (SR) No. 902 na inuudyukan ang mga kapwa niya Senador na siyasatin ang mga napapabalitang pag-aangkin ng lupa. Ito ay upang masiguro na ang rehabilitasyon ng isla ay hindi lumalabag sa karapatan ng mga IPs sa lupang minana nila sa kanilang mga ninuno. “Bago pa man naging pangunahing kabuhayan sa Boracay ang pagiging kaakit-akit nito sa mga turista, matagal na itong tahanan ng mga katutubo. Kaya naman sa anumang pagsisikap na pangalagaan ang isla ay dapat laging isinasaalang-alang kung paano maapektuhan ang mga residente nito,” ani De Lima.
Sa ngayon ay aabot sa 49,568 ang CDWs sa Pilipinas. Para sa Senadora na tubong Bicol, dapat maglaan ang gobyerno ng dagdag na sahod at allowance para sa mga CDWs upang mas marami pa ang mahikayat na maglingkod bilang tagapagalaga ng mga bata. Sa ilalim ng panukalang batas, magtatalaga ng mga permanenteng civil service positions sa mga child development centers sa bawat barangay. Bukod dito, magkakaroon rin ng patuloy na pagsasanay at programa para humusay at umunlad ang kasanayan ng mga CDWs.
Sinisikap ni Sen. Leila M. de Lima na mabigyan ng karampatang proteksyon ang mga lisensyado at awtorisadong volunteers mula sa pananagutan tuwing may tutugunan silang emergency o hindi inaasahang krisis. Sa inihaing Senate Bill (SB) No. 2013, binigyangdiin ni De Lima na mahalagang may nakalatag na mekanismo para proteksyunan ang mga volunteers—kung hindi naman sila tahasang nagpabaya sa sitwasyon—mula sa mga hindi makatuwirang multa, pagkakakulong, at maging mga kasong kriminal kaugnay sa pagganap ng kanilang tungkulin. Nilalayon rin ng “Emergency Volunteer Protection Act of 2018” ang pagkakaroon ng insurance para sa mga kwalipikadong volunteers. Ito ay para kung sakaling sila mismo ang mapahamak, magkasakit o masawi sa kanilang pagresponde sa panahon ng kalamidad o sakuna, ay siguradong may matatanggap silang tulong pinansyal.
Kaarawan ni De Lima...Mula pahina 1
Sa kabila ng lahat ng pagsubok na kanyang pinagdadaanan dahil sa panggigipit ng rehimeng Duterte, nananatiling matatag si De Lima, at patuloy sa pagganap ng kanyang tungkulin. Sa kasalukuyan, 91 panukalang batas at 101 resolusyon na ang kanyang naihain kahit siya ay nasa loob ng kulungan.
Isulong ang 4Ps...
Sa pagdinig sa Metropolitan Regional Trial Court sa Quezon City noong Oktubre 4, hindi na naman nakapanayam ng media si De Lima dahil sa pagharang ng mga PNP personnel sa kanyang pagdating at pag-alis sa korte.
patuloy naman sa pagganap ng kanyang tungkulin sa Senado si De Lima sa pamamagitan ng paglalatag ng mga batas at resolusyon.
Mula pahina 1 “Marami nang natulungan ang 4Ps, at tiwala akong mas marami pa itong matutulungan kung mas mapapalawak pa natin ang saklaw nitong mga benepisyaryo,” saad ni De Lima. Sa panukalang batas na ito ni De Lima, tutugunan ang mga isyu ukol sa programa at palalakasin pa ang mga benepisyong hatid nito sa tulong ng Joint Congressional Oversight Committee na magsusuri sa implementasyon nito.
Hulyo - Setyembre 2018
3
Insurance at hazard pay sa mamamahayag, isulong! - De Lima Nais isabatas ni Sen. Leila M. de Lima ang pagkakaroon ng insurance coverage at hazard pay ng mga mamamahayag, lalo na kapag sila ay nadestino sa delikadong lugar. Kasama sa panukalang batas ni De Lima ang pagkakaroon ng mga pinansyal na benepisyo, na di-bababa sa P200,000 at di-hihigit sa P350,000 na tulong pinansyal sa oras ng pagkakaroon ng karamdaman at pagkakaospital. “Isang napakahalagang tungkulin ang ginagampanan ng mga kapatid natin sa larangan ng pamamahayag sa ating demokrasya ngunit nananatiling mapanganib pa rin ang kanilang propesyon,” wika ng butihing Senadora. Ayon sa Center for Media Freedom and Responsibility at sa National Union of Journalists in the Philippines, mahigit kumulang siyam na mamamahayag na ang naitalang napatay sa ilalim ng rehimeng Duterte. Dagdag pa rito ang mga patuloy na pag- aakusa ng rehimeng Duterte ng mga walang kabuluhang kaso laban sa mga mamamahayag tulad ng libel,
pagbabanta sa kanilang buhay, at panggigipit. Ayon kay De Lima, dahil sa mga banta at panganib, marami sa mga miyembro ng media ang maaaring naaapektuhan ang trabaho. Nais ring maitulak ni De Lima ang karagdagang Tinaguriang “The Fourth Estate, napakahalaga ng ginagampanan ng media sa pagtataproteksyon sa mga guyod ng demokrasya. Kaya naman nais ni Sen. De Lima na pagkalooban sila ng higit campus journalists o na proteksyon at ayuda sa kanyang inihaing panukalang batas. mga mamamahayag sa mga paaralan laban sa anumang uri ng panggigipit, lalo na sa may kaugnayan sa kanilang mga isinusulat o ipinahahayag na impormasyon at balita.
‘Magna Carta of the Poor’, itinulak ni De Lima
Sa pangunguna ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV, dininig sa Senado ang mga panukalang batas sa ilalim ng Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na pinamumunuan ni Sen. De Lima. Hindi nakakadalo si De Lima dahil sa pagpapakulong at panggigipit sa kanya ng rehimeng Duterte.
Human Rights attachés para sa mga OFWs – De Lima Sa panukalang Senate Bill No. 1230 ni Sen. Leila M. de Lima, inaatasan nito ang gobyerno na magkaroon ng mga “human rights attachés” sa mga piling embahada at mga konsulado ng Pilipinas sa iba’t ibang bahagi mundo. Nilalayon ng batas na maisaayos ang mga kaso at mabawasan ang lumalalang bilang ng mga karahasang sekswal at iba pang mga pang-aabuso na dinaranas ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) lalo na ang mga domestic workers sa kamay ng kanilang mga amo. “Nararapat at napapanahon lamang na magtalaga ang ating pamahalaan ng mga ‘human rights Attachés’ sa ating mga embahada’t konsulado lalo na sa mga ibang bansa kung saan talamak ang mga ulat ng pang-aabuso sa ating mga kababayan,” ani De Lima. Inihalimbawa ng Senadora ang kaso ni Joanna Demafelis kung saan nakita na lamang ang in-
abandonang bangkay nito sa loob ng freezer, sa isang apartment sa Kuwait noong Pebrero 2018. Kamakailan pa ay ang kaso rin ni Mary Jane Veloso, isang biktima ng human trafficking sa Yogyakarta Airport sa Indonesia kung saan nahatulan din ito na naturang korte ng bansa. “Dapat ay unang prayoridad pa rin ng gobyerno ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga OFWs na itinuturing nating ‘modern heroes’. Kung kinakailangan na maibalik sila sa lalong madaling panahon sa ating bansa dahil sa mga pang-aabuso na kanilang natatamo, ora mismo sasagipin natin sila,” pagbibigay diin ni De lima. Sinasabing ang gobyerno ni Duterte ay mayroong malakas na suporta mula sa OFWs. Para kay De Lima, kailangan itong suklian ng gobyerno ng tunay na pangangalaga sa kanilang mga kapakanan, sa halip na mga bigong pangako na naman, gaya ng ginagawa nila ngayon sa mga maralita sa ating bansa.
Para kay Sen. Leila M. de Lima, dapat maging mandato ng gobyerno na tulungan ang mga mahihirap na tiyakin ang kanilang pagkain, kalusugan, edukasyon, tirahan at iba pang mga pangunahing pangangailangan. Kaya naman inihain ni De Lima, Chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, ang Senate Bill (SB) No. 2010 o “Magna Carta of the Poor.” Dito, malinaw na tinutukoy ang karapatan ng mahihirap sa garantisadong serbisyo at suporta mula sa estado. Ani De Lima, mahirap man pero hindi imposible ang pagpapatupad dito kung ilalaan ang pondo ng gobyerno sa mga pinakakailangang tugunan. “Isusulong ng panukalang ito ang kasiguruhan sa pagkain, trabaho, edukasyon, tirahan at kalusugan bilang bahagi mismo ng karapatan at dignidad ng tao. Sa ganitong pananaw, kahit papaano, ay maiibsan man lang ang mga balakid sa pag-unlad ng mga matagal nang naisantabi sa laylayan ng lipunan,” wika ni De Lima. Hinihikayat din ng Magna Carta of the Poor ang pribadong sektor na maging katuwang ng gobyerno sa pagpopondo at pag-iimplementa sa mga programa at proyektong tutulong sa mahihirap.
‘Prize for Freedom’...
Mula pahina 1
“Wala po akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko sa aking buhay, dahil narito ako sa kalagayan ko ngayon, kasama ang mga tulad ninyo, dahil sa aking paninindigan para sa tama at makatarungan,” wika ni De Lima sa kanyang mensahe na binasa ng kanyang kapatid na si Vicente “Vicboy” de Lima II. Sa kanilang naging mensahe, pinuri nina Bise Presidente Robredo at PNoy ang tapang at dedikasyon ni De Lima sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao sa kabila ng patuloy na panggigipit ng rehimeng Duterte.
Ligtas na kalsada para sa mga PWDs, ipasa! – De Lima Tuloy ang pagtestigo... Nais isulong ni Sen. Leila M. de Lima sa bisa ng kanyang Senate Bill (SB) No. 1861 ang pagkakaroon ng lahat ng traffic signal poles ng mga Accessible Pedestrian Signals (APS) upang masigurado ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa mga kalsada lalo na para sa mga bulag at may mga visual-impairment. “Mahigit kumulang dalawang milyong Pilipino ang may kapansanan sa mata, mga bulag, may mahinang paningin, kaya naman kapag naisabatas na ang SB No. 1861, magkakaroon sila ng mga APS na dapat ay prayoridad ng De partment of Public Works and Highways (DPWH) bilang gabay sa pagtawid at paglalakad sa mga pook upang masigurado ang kanilang kaligtasan at kapakanan sa kanilang pagbiyahe,” diin ni De Lima.
Ipinaliwanag din ni De Lima na ang mga APS na ilalagay ay gumagamit ng mga tunog na may ritmo at at espisipikong mga tono na naaayon sa pandaigdigang pamantayan para magabayan ang ating mga kababayang may kapansanan sa mata upang sila’y ligtas na makalakad ng matiwasay sa anumang pook. Matatandaang nauna nang naipanukala ni De Lima ang SB No. 1622 na naglalayong magkaroon ng siguradong parking spaces ang mga may kapansanan sa anumang publikong lugar. Gayundin, isinulong din niya ang resolusyon sa senado na hinihikayat na talakayin ng senado kung paano tumatalima ang mga lokal ng pamahalaan sa “barrier-free environment” para sa mga kababayan natin may kapansanan.
Mula pahina 1 Ayon kay De Lima, mismong si Judge Lorna Navarro-Domingo ang sumalungat sa kanyang kautusan na pagbibigay ng panahon sa kampo ng Senadora para maghain ng kasagutan sa oposisyon ng prosecution na idiskwalipika ang mga nasabing witness. Naniniwala ang Senadora na ang mga convicted witnesses na kasalukuyang nakakulong ay pinilit lamang o kaya naman ay pinangakuan ng pribilehiyo para lamang magsabi ng kasinungalingan laban sa kanya. Aapela ang Senadora sa pagpapatuloy ng pagsasalang sa mga testigo. Kasabay ng pagharap sa mga imbentong kaso laban sa kanya, patuloy pa ring nagtatrabaho si De Lima sa pagsusulong ng mga makabuluhang batas at resolusyon sa Senado, para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
4
Hulyo - Setyembre 2018
De Lima: Isulong ang ‘unified corrections and jail system’ Bawal ang epal... Isinusulong ngayon ni Sen. Leila de Lima ang Senate Bill (SB) No. 1879 na naglalayong pag-isahin ang ahensya na mamamahala sa mga bilangguan sa buong bansa para sa mas epektibo at maayos na programang rehabilitasyon para sa mga nakabilanggo. “Sa ika-510 araw ng aking di-makatarungang pagkakabilanggo, bilang kauna-unahang bilanggong politikal ng rehimeng Duterte, sa pagdiriwang ng Sentenaryo ng Araw ni Mandela, isinusumite ko ngayon ang panukalang batas upang magsagawa ng progresibong reporma para sa ikaaayos ng mga bilangguan sa buong bansa,” wika ni De Lima. Ipinunto ni De Lima ang kasalukuyang kondisyon
ng mga bilangguan sa bansa kung saan nilalabag nito ang Saligang Batas ng 1987 at United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners, na kilala rin bilang “Nelson Mandela Rules.” Ayon sa Senadora mula Bicol, nagresulta na ang malalang suliranin ng pagsisiksikan ng mga bilanggo sa mga mas malala pang suliraning kalusugan sa loob ng bilangguan. Naniniwala si De Lima na ang kanyang panukalang batas ay maisasaayos ang hiwa-hiwalay at kalatkalat na sistema ng mga bilangguan sa bansa, na nagtutulak sa mga preso na masangkot sa krimen. Maisasaayos din umano nito ang makatarungang pagtrato sa mga preso sa pagkakaroon ng mga opisyal na mas malawak ang kaalaman.
na pamahalaan sa buong bansa na bumuo ng kanikanilang mga natatanging programa na magbibigay ng agarang tulong aa mga Persons with Disabilities (PWDs) lalo na sa panahon ng unos o kalamidad. Binigyang-diin ni De Lima na kasalukuyang Chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development ang pangangailangan na makapagbigay ng tulong ang gobyerno sa mga PWDs at maging handa sa pagsagip at pagtulong sa kanila anumang klase ng sakuna o kalamidad ang mangyari. “Mahalagang magkaroon ng kaalaman ang bawat
praktikal na paraan o sistemang pangkaligtasan na kanilang kakailanganin sa panahon ng sakuna,” ani De Lima. “Higit pa rito, nararapat lamang na madaling maintindihan ng mga may kapansanan ang mga programang ito dahil sila rin ang makikinabang dito sa oras ng pangangailangan,” wika ni De Lima. Malapit sa puso ng Senadora ang adbokasiya para sa mga PWDs lalo pa’t ang kanyang anak na panganay at apo ay pawang mga special children. Nais niyang arugain ng lipunan ang mga tulad nila at higit na unawain ang kanilang kalagayan.
Mula pahina 1 Ngayon ngang nagsimula nang mag-file ng mga Certificate of Candidacy ang mga kakandidato ngayong darating na eleksyon sa Mayo 2019, inaasahan na mas mapapansin pa ang mga garapal na maagang mangangampanya. Naging kontrobersyal nitong mga nakaraang buwan ang diumano maagang pangangampanya ng Special Assistant to the President dahil sa inilalagay nito ang pangalan sa mga ipinagkakaloob na ayuda sa mga nasalanta ng kalamidad. “Kung nais talagang tumulong, dapat mula ito sa puso, hindi sa pamumulitika,” wika ni De Lima.
De Lima binansagang palpak Tulong sa PWDs sa panahon ng sakuna, hiling ni De Lima ang ‘War on Drugs’ ni Duterte Hinikayat ni Sen. Leila M. de Lima ang mga lokal miyembro ng pamilya na may PWDs at ng mga
Huwag magpaloko sa samahang MarcosArroyo-Duterte (MAD)! - De Lima Nagbabala si Sen. Leila M. de Lima sa taumbayan na maging mapagmatyag laban sa pag-aalyansa nina Rodrigo Duterte, Gloria Macapagal-Arroyo at ng mga pamilya Marcos na nais na namang makabalik sa tuktok ng kapangyarihan. Naniniwala si De Lima, ang pinakaunang prominenteng bilanggong politikal ng rehimeng Duterte, sina Marcos, Duterte at Arroyo ay nasa likod ng mga kasinungalingan sa pamahalaan at ang panggigipit sa mga kritiko ng administrasyon. “Huwag magtiwala sa M.A.D (Marcos, Arroyo, Duterte) triumvirate! Huwag na huwag nating kakalimutan ang mga kasalanan nila sa bayan. Huwag magpauto sa kanila!” ika ni De Lima sa
isang pahayag matapos ang isa sa kanyang mga pagdinig sa Muntinlupa City Regional Trial Court noong Agosto 10. Sa kasalukuyan, si Bongbong Marcos ay ipinagpipilitan pa rin ang kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo. Inamin na rin ni Duterte sa publiko na ayaw niyang pumalit sa kanya si VP Robredo oras na bumaba siya sa pwesto. Si Arroyo naman, na nakuha na ang pagiging House Speaker, ay isinusulong pa rin ang pagbabago sa Konstitusyon o Pederalismo na sinasabing magiging tulay nya sa higit na kapangyarihan. Para kay De Lima, ang Pederalismong ito ay “hindi para sa Pilipino, kundi para sa mga politiko.”
Iginiit ni Sen. Leila M. de Lima na dapat nang itigil pagpapatupad ng “War on Drugs” ng administrasyong Duterte na kumitil na ng mahigit dalawanlibong buhay, na karamihan ay mga mahihirap, subalit hanggang ngayon naman ay hindi pa rin napipigilan ang bilyong halagang mga transaksyon ng ilegal na droga na nanggagaling sa bansang Tsina. “Niloloko na lang ni Duterte ang sarili niya sa pagiisip na gumagana ang palpak niyang War on Drugs. Sa loob ng dalawang taon, nagbunsod lang ang marahas at madugo niyang polisiya sa pagpatay sa libu-libong maralitang Pilipino, habang malaya pa rin, kundi man inaabswelto ang malalaking drug lords,” sabi ni De Lima. “Kungsabagay, wala naman talaga tayong aasahan kay Duterte. Wala pa talaga siyang nagawa sa kanyang termino kundi ang magpapatay, magmura, mambastos at manira ng kredibilidad ng kanyang mga kritiko,” dagdag niya.
Kung kayo po ay may mungkahi o nais ipaabot na mensahe, mangyari po sanang iparating ito sa amin sa: leiladelima.comms@gmail.com; o sa mga sumusunod na social media accounts:
/leiladelimaofficial @SenLeiladeLima
/senleiladelima /senatorleilam.delima /SenLeilaMdeLima