Sinagtala Tomo X, Blg. 1 - Hunyo-Disyembre 2019

Page 1

Sinagtala

BOSES NG KABATAAN, KASANGGA NG TAUMBAYAN

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Tomo 10, Bilang 1 | Hunyo-Disyembre

gintong butil Pagkitil sa

Nakadidismayang

BIDA ANG HANDA

Nangamba

LIWANAG
Duterte
2019. Ang inasahang solusyon sa
ng bigas ay naging sanhi lamang ng dilema sa agrikultura ngayon.
isipin na salungat sa inaasahang epekto ang idinulot ng Republic Act 11203 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo
noong Pebrero
mataas na presyo
SUNDAN SA EDITORYAL PAHINA 6 editoryal
2019
National
Earthquake Drill, pinaigting ang kaligtasan ng publiko ni SHAIRA NUAL HAMON NG PANAHON. Maayos na naisagawa ang pagliligtas sa estudyante ng ika-7 baitang sa tulong ng mga tauhan ng Philippine Red Cross sa naganap na National Earthquake Drill noong Agosto 16, 2019. | Kuha ni: Alyssa Caranguian P atuloy na pinaiigting ng National Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang kamalayan at preparasyon ng mga mamamayan sa National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa buong bansa na ginaganap kada tatlong buwan. Maliban sa paghahanda sa mga posibleng padating ng lindol at iba pang sakuna, ginagawa rin ang natukoy na drill upang suriin ang mga plano at protokol ng mga lokal na pamahalaan sa bansa at kung paano tutugunan ang mga panganib. Pinangunahan ng Calapan City sa Oriental Mindoro noong ika-14 ng Nobyembre ang ikaapat at huling NSED ngayong taong 2019 kung saan ipinakita ang kahandaan kung sakaling muling tatama ang magnitude 7.1 na lindol na nagdulot ng tsunami sa nasabing lugar noong 1994. SUNDAN SA BALITA PAHINA 4
ANG QR CODE para sa karagdagang impormasyon lathalain Sa likod ng PROGRESIBONG PROBINSYUDAD / PAHINA 10-11 / PAHINA 03
Simultaneous
I-SCAN
Pagbabalik ng dengvaxia, pinangangambahan
ang publiko partikular na ang mga magulang sa posibleng pagbabalik ng kontrobersiyal na dengvaxia vaccine... / PAHINA 07
na lamang ang eksena pagkatapos ang sunod-sunod na suntok, tadyak at batok na inabot ng isang kadete sa kamay... isports editoryal SA DILIM
Pagkalas sa yakap ng karahasan Panaghoy
/SinagTalaJourn 23% Pagbaba sa pondo ng CHED sa 2020, mula sa P52.4B badyet noong 2019 5.5 % naman ang itinapyas sa badyet ng DOH mula sa dating P169.45B DE-NUMERONG BALITA BASAHIN ANG KABUUAN SA BALITA PAHINA 4 @SinagTalaJourn P19 opinyon
Dibuho ni KIM JHON SIMON
balita

Blood Olympics, ikinasa sa Taguig

Bilang paggunita sa pagdiriwang ng Blood Diseases

Month sa bansa, isinagawa ng Taguig City Health Office ang kanilang kauna-unahang ‘Blood Olympics’ na ginanap noong ika-25 ng Setyembre, 2019 sa Taguig Lakeshore Hall.

Nakiisa ang 258 katao mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod kung saan sama-samang nagdonate ng dugo ang bawat isa sa layong makatulong sa pagsagip ng buhay.

Itinampok sa nasabing programa ang kahalagahan ng blood donation at ang wastong pamamaraan upang magkaroon nito sa anumang oras ng emergency.

“Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa kakulangan ng suplay ng dugo, mahalaga na magkusa tayo na makapagbahagi ng ligtas na dugo. Sa ganitong pamamaraan, masaya sa pakiramdam na nakakatulong ako sa aking kapwa at nakasagip ako ng buhay dahil sa aking pagboboluntaryo,” ani Anne Colleene Ramos, mag-aaral ng Taguig Science High School.

Nakalikom ng kabuuang 165 bag ng dugo ang aktibidad na isinagawa at pinamunuan ng mga medical practitioners mula sa Taguig-Pateros District Hospital.

Ipinagdiriwang ang Blood Diseases Month tuwing Setyembre.

Ayon sa Department of Health (DOH), mayroong iba’t ibang blood diseases, maaaring ito ay benign o non-cancerous, at ang iba naman ay maaaring ikunsidera bilang uri ng blood cancer.

Payo naman ng DOH, upang maiwasan ang pagkakasakit sa dugo, mabuting magpacheck up sa pinakamalapit na health care units lalo na kung may ibang nararanasan ang katawan upang ito ay agad na malapatan ng angkop na lunas.

‘HINDI KAMI NPA’ - LUMADS

Bakwit Schools, nanawagan kontra Deped Order

Student free ride, inilatag ng DOTr

BENEPISYONG HATID KONTRA TRAPIK

ni ANDREI ALEJANDRO pambansa

SIKSIK LIGLIG. Libre man ang pamasahe, matindi pa rin ang hirap na dinaranas ng mga estudyante sa mala-sardinas na kalagayan sa loob ng mga bagon ng PNR. | Kuha ni: Krista Alapre

MANILA, Philippines - Inihain sa masa ng Department of Transportation o DOTr ang pagpapatupad ng “Student Free Ride Program” kung saan wala nang babayaran ang mga estudyanteng sasakay sa Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR) simula ika-27 ng Hunyo, Lunes hanggang Biyernes, maliban sa holidays.

Isinapubliko ang libreng sakay sa LRT Line 2 simula 4:30 hanggang 6:00 ng umaga at 3:00 hanggang 4:30 naman sa hapon.

Samantala, libre na rin ang sakay para sa MRT 3 para sa mga estudyante simula sa ganap na 5:00 ng umaga hanggang 6:30 at 3:00 hanggang 4:30 naman para sa hapon. Wala naman umanong libreng sakay sa LRT Line 1, ayon sa paunlak ng Light Rail Manila Corporation.

“Malaking tulong yung libreng pamasahe sa mga tren, kasi bawas gastos na rin tapos makakaiwas pa sa trapik,” wika ni Rann Villanueva, isang college student na nakikinabang sa nasabing programa.

Batay naman sa tala ng PNR, ipinatupad nila ang libreng sakay simula 5:00 ng umaga hanggang 6:00 at ganap na 3:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Sa kabila nito, ibinigay rin sa mga estudyante ang pribilehiyong “anti-cut-off pass” kung saan lahat ng estudyante ay awtomatikong parte na ng sakay sa tren at hindi na maaring pababain kung sakali man nakasakay na sobra na sa karga ang tren.

Base sa programa, pasok ang mga mag-aaral mula preschool hanggang kolehiyo, gayundin ang mga nasa trade, arts, technical at vocational schools.

Tinanggal narin ang terminal fee ng mga estudyante sa mga pampaliparan simula nitong ika-1 ng Agosto.

Ipinaglaban ng 55 na paaralan ng mga Lumad sa Mindanao ang kanilang karapatan matapos itong suspindihin ng Department of Education (DepEd) nang ireklamo ni National Security Adviser Hermorenes Esperol na ginagamit umano ng mga New People’s Army (NPA) ang ilan sa mga ito upang kalabanin ang gobyerno.

“Dapat ibasura ang DepEd Order dahil hindi pa naman ito dumadaan sa prose-so at walang imbestigasyong naganap,” pahayag ni Langlang, isang mag-aaral mula sa ika-12 na baitang ng eskwelahan ng Salugpungan.

Nagpunta ang mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas upang manawagan noong ika-2 ng Setyembre, 2019.

Ayon kay Langlang, isang kabataang Lumad, iba ang pagkakakilala ng mga tao sa kanila.

“Ang tawag samin, mga Lumad. Nangangain daw kami ng mga kapwa namin tao.

Mga walang pinag-aralan, mga ignorante,” sabi nito.

“Kasi ang layunin po ng bakwit school, ipanawagan ang aming karapatan sa edukasyon at sa sariling pagpapasya para depensahan ang aming lupang ninuno, at lalong-lalo na [upang] makabalik sa aming komunidad,” pahayag niya.

Kaugnay nito, nanguna sa pagbibigay ng tulong at konsiderasyon sa 49 estudyan- te ng Lumad Bakwit Schools para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa Maynila, ang organisasyong Save Our Schools (SOS), University of the Philippines (UP) na nagbukas ng pintuan para sa mga naapektuhan, at iba’t ibang Non-Government Organization (NGO) sa Pilipinas para sa tulong pinansyal. Binigyang diin ng mga paaralan na nakapaloob sa kanilang kurikulum ang katulad sa nilalaman ng programang K-12 ng DepEd at layuning maging makamasa, makabayan at magkaroon ng siyentipikong edukasyon.

PAGPUPUGAY SA MGA BAGONG BAYANI

TagSci, nakibahagi sa pagdiriwang ng World Teachers’ Month

Bilang pagpupunyagi at pagbibigay ng kahalagan sa lahat ng guro sa buong bansa, idinaos ng Department of Education (DepEd) ang isang buwang pagdiriwang ng National Teachers’ Month (NTM) kaugnay sa World Teachers’s Month (WTM) na taunang ginaganap tuwing ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre.

Kasabay ng nasabing selebrasyon ang pagkakaloob ng lokal na pamahalaan ng Taguig ng lounge para sa mga guro ng mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Binuksan ang kauna-unahang Teachers’ Lounge sa EM’s Signal Village Elementary School (ESVES) noong ika-17 ng Oktubre, 2019 kung saan magsisilbi itong lugar pampahingahan upang maisaayos ang serbisyong makapagpalilinang sa edukasyon ng mga mag-aaral.

Kaugnay nito, isa rin ang Taguig Science High School sa nakiisa sa taunang selebrasyon ng WTM kung saan bakas sa mga mata at labi ang saya ng bawat guro ng nasabing paaralan.

May tema ang nasabing pagdiriwang ngayong taon na “Gurong Pilipino: Handa sa Makabagong Pagbabago,” kung saan nagsilbi ito bilang papuri at pasasalamat sa kanilang kasipagan at pagpupunyagi sa pagtuturo.

Pinangunahan ng Supreme Student Government (SSG) mula Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) ang nasabing selebrasyon upang maayos na maisakatuparan ang layuning bigyan ng kasiyahan ang mga guro sa pamamagitan ng simpleng pamamaraan.

Nagsagawa ng iba’t ibang aktibidades ang SSG officers katulad ng photo contest, song writing contest, spoken word poetry, impromptu speech at vlog making contest na nagsilbing instrumento upang ipakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagmamahal sa mga guro.

Isinagawa rin ang taunang studentteacher project kung saan kakatawan ang mga piling estudyante mula ika-10 baitang

Ayon kay Rias Valle, tagapagsalita ng SOS, na hindi dapat maranasan ng mga batang mahiwalay sa kanilang tribo sapagkat dito na nakaakibat ang kanilang kultura na pinagbabasehan ng kanilang paraan ng pamumuhay.

Samantala, nagsagawa naman ng “cultural night” ang mga mag-aaral pang patuloy na kilalanin at huwag makalimutan ang bawat kultura sa kabila ng pag-alis nila sa kanilang mga katutubong lugar dahil sa malaking papel ng sayaw sa kanila bilang mga Lumad.

“Pinapalayas kami doon sa aming mga lupang ninuno. In return, mawawala ang aming mga kultura. Hindi na namin mapapractice ‘yung aming mga tradisyon. Hindi na kami makakapagsayaw sa mga ilog, sa mga bundok,” ani Valle.

Dagdag pa niya, hindi lamang normal na pagsayaw ang kultura nila ngunit isang buhay, lupa at pakikibaka.

hanggang ika-12 baitang bilang mga guro sa bawat asignatura.

“Sa limang taon ko sa Taguig Science High School, talagang patuloy na nag-i-improve ang celebration ng teachers’ month. Mas kakaiba na ang mga activities at mas nakakapag-participate ang mga estudyante para mapakita nila ang kanilang pasasalamat sa mga guro,” pahayag ni Rogeeann Grace Felipe, mag-aaral sa SHS.

Naghandog rin ng libreng ‘breakfast buffet’ ang pamunuan ng SSG-JHS at SHS para sa lahat ng guro bilang bahagi ng nasabing pagdiriwang.

Nagpakitang-gilas naman ang mga magaaral at naghanda ng kani-kanilang pampasiglang bilang partikular na ang mga nagwagi sa song writing contest at spoken word poetry, na sinundan naman ng Sinag El Musika. Nagtapos ang seremonya sa pagbibigay ng mumunting regalo para sa mga guro na inihanda ng bawat pangkat ng mga mag-aaral.

SINAGTALA Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon balita
BUKAS PINTO. Itinanghal ng mga mag-aaral na Lumad ang kanilang school anthem bilang pagbubukas ng Bakwit School sa University of the Philippines - Diliman noong ika-2 ng Agosto 2019. | Kuha ni Jeremy Edera komunidad
02 TOMO 10, BILANG 1 | Hunyo - Disyembre 2019

SINAGTALA

Pagbabalik ng pinangangambahandengvaxia,

DOH, iminungkahi ang masusing pag-aaral

Nkampus

Pagiging makabayan,

binuhay sa dugo ng Scientians

angangamba ang publiko partikular na ang mga magulang sa posibleng pagbabalik ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine, bilang tugon sa National Dengue Epidemic na idineklara ng Department of Health (DOH) sa buong bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng lumalaganap na sakit mula sa mga lamok. Ayon sa datos ng European Centre for Disease Prevention and Control, sumipa sa 402,694 ang naiulat na kaso ng dengue at mahigit 1,502 na ang nasawi sa pagpatak ng ika-16 ng Nobyembre, 216 porsyento ang itinaas mula sa 189,319 noong nakaraang taon.

402,694

“Nais kong marinig ang pahayag ng mga eksperto, doktor at ibang mga taong makatutulong sa kasong ito. Hindi ko kailangan ng mga dayuhan na magpapaalam sa akin sapagkat mayroon tayong mga Pinoy na mananaliksik na magsasabi at gagabay kung ano ang dapat gawin sa pamamagitan ng kanilang mga

paunawa,” paliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa interview video ng Rappler sa oath taking ceremony ng Philippine National Police (PNP).

Maaalalang binawi ng Food and Drug Administration (FDA) ang certificate of product registration ng Dengvaxia matapos ilahad ng Sanofi Pasteur na mas may malaking panganib kapag nabakunahan ng Dengvaxia ang mga hindi pa nakararanas ng dengue at napag-alamanang ito ang sanhi ng pagkamatay ng

mga ito.

“This is the biggest government funded clinical trial masked as a public health program scam of an experimental drug in the history of DOH,” wika ni Dr. Susan Mercado, dating DOH Undersecretary, sa isang panayam ng GMA News.

Samantala, sinisi umano ng DOH ang isyu dito sapagkat nagresulta ito ng pagbaba ng mga sumasang-ayon na magulang sa immunization program na isinasagawa sa mga paaralan.

Kampanya kontra dengue, mas pinaigting

Anti-dengue socks, clean-up drive, ikinasa

nina AZINETH CHAVEZ at ANDREI ALEJANDRO

Napakagandang hakbang yung pagkakaloob nila ng anti-dengue socks.

Ipinatupad na sa lungsod ng Taguig ang programang Anti-Dengue Socks sa pangunguna ng Kagawaran ng Taguig na naglalathala ng pagpapasuot sa mga estudyanteng kababaihan ng high-knee socks bilang proteksiyon sa laganap na dengue breakout sa bansa.

Naipamahagi sa iba’t ibang pampublikong paaralan ang 90,000 na pares ng medyas sa kotang 145,000 na bilang para sa mga ito sa buwan pa lamang ng Setyembre.

“Thankful po ako na may ganito pong mga project sa Taguig. Mapoprotektahan kami kasi nakakatakot din kapag baka ako o mga kaklase ko ay magkadengue. Marami na rin kasing mga estudyante ang nabiktima ng dengue,” pahayag ni Abbria Jana Alejandro, mag-aaral na benepis-

Ayon sa paunlak, ipinagulong ang programa bunsod na lamang ng pagtaas ng kaso ng dengue sa lokalidad ng Taguig

Kabilang sa mga unang benepisyaryo ang 794 mag-aaral tig-dalawang pares ng medyas base sa tala noong ika-18 ng

Taguig, ipinasok ang proyekto sa isa sa mga self-protective measures na nasa ilalim ng “4s anti-dengue strategy” at tatlo pa ay ang pagpuksa sa mga pugad ng lamok, pag-oobserba ng kapaligiran at pagsasagawa ng fogging o pagpapausok sa lugar bilang pagtugon sa kaso

Samantala, sinig-

uro ng Taguig Science High School na ligtas ang mga mag-aaral nito kontra sa paglaganap ng dengue matapos makiisa sa “Sabayang 4 o’clock habit para deng-get out” na programa ng Department of Health (DOH) mula noong ika-16 ng Agosto.

Nagtulungan ang mga estudyate, guro at mga magulang sa paglilinis ng mga silid-aralan, pasilyo, palikuran, at iba pang parte ng paaralan.

Nagkaroon din ng Dengue clean-up drive ang lokal na pamahalaan sa lahat ng barangay at komunidad ng Taguig, kasama na ang mga pampublikong paaralan, health centers, barangay halls at lahat ng opisina ng gobyerno sa lungsod.

Sa kabilang banda, base sa ulat ng DOH sa unang walong buwan ng 2019, tumaas ng 101 porsyento ang bilang ng kaso ng Dengue sa Taguig kung saan sumipa ito ng 490 mula 243 noong nakaraang taon.

Naitala rin na ang mga lungsod ng Parañaque, Pasay, Mandaluyong, Las Piñas, Muntinlupa, Navotas, Makati at San Juan ay mas mataas rin ang bilang ng kaso ng dengue kumpara sa nakaraang taon.

Pumatak naman sa 10,349 na katao ang tinamaan ng sakit at 45 katao naman ang nasawi sa kabuuan ng Metro Manila nitong buwan ng Agosto.

Ipinakita ng mga mag-aaral ng Taguig Science High School ang pagpapahalaga sa bayan matapos ipagdiwang ang Buwan ng Wika noong ika-29 ng Agosto, 2019. Layunin ng selebrasyon na buhayin ang patriotismo at nasyonalismo sa dugo ng bawat estudyante at kilalanin ang iba’t ibang kultura sa buong bansa mula sa temang ‘Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Pilipino’.

Nagsagawa ng Pista sa Nayon ang buong paaralan kung saan naghanda ng samu’t saring mga putahe o pagkain mula sa bawat rehiyon na nakaatas sa kanila.

Ipinamalas naman ng mga mag-aaral mula sa ika-11 baitang ang talento sa patimpalak ng Filipino Club kung saan ipinakita nila ang tradisyon ng bawat lugar gamit ang etnikong sayaw.

Maliban dito, nagkaroon din ng ibang paligsahan para sa kategoryang indibidwal tulad ng poster-making contest, litratula, pagsulat ng sanaysay at pagsulat ng kanta.

“Nakatutuwa lang na ipinagdiriwang natin ito dahil namumulat ang mga Scientians sa mga kultura ng mga Pilipino, at kahit arkipelago tayo, kinikilala natin ang iba’t ibang tradisyon,” pahayag ni Aya Dionisio, mag-aaral sa ika-10 baitang.

kampus

LIBRENG UPCAT REVIEW

200 mag-aaral, nakinabang sa UP Aggreview

ni SHAIRA NUAL

Naghatid ng libreng review ang UP Aggregates, Inc., isang civil engineer organization ng UP Diliman, sa kanilang proyektong UPCAT Aggreview 2019 para sa mga estudyante ng ika-12 baitang mula sa iba’t ibang paaralan sa Taguig.

Layunin ng proyekto na tulungan sa pag-aaral ang mga estudyanteng nagnanais makapasok sa mga eskwelahan at haharap sa mga college entrance exams, partikular na sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ayon kay Maureen Paunil, UPCAT Aggreview Head, nais ng kanilang grupo na makatulong at magbigay ng tips and tricks sa mga estudyante kung paano makapasok sa mga unibersidad base sa kanilang mga karanasan.

“Although we boast our academic supremacy in engineering, producing several latin honors, we make sure na we also give our best efforts to serve the community,” dagdag ni Paunil.

Maliban sa UPCAT Aggreview, mayroon ding programa ng organisasyon para mga mag-aaral na interesadong tumahak ng civil engineering bilang propesyon tulad ng Civil Engineering Talk, Fix and Focus Forum at Intercollegiate AggregatES Quiz.

HANDA SA UPCAT. Isa sila Krista Alapre (kaliwa) at Paul Gumarin
sa mga mag-aaral ng TSHS na pinalad maging parte ng UPCAT Aggreview ngayong taon. | Kuha mula sa facebook.com/UP.Aggregates
(kanan)
balita
sa: UNITED NATIONS OFFICE FOR COORDINATION OF HUMANITARIAN AFFAIRS at WHO REPRESENTATIVE OFFICE FOR THE PHILIPPINES
Datos
mula
PAGBABAHAGI NG NATATANGI. Tampok ang samu’t saring sayawing bayan mula sa mga natatanging katutubong tribo ng bansa bilang paggunita sa Buwan ng Wika noong ika-29 ng Agosto 2019. | Kuha ni: Jeremy Edera
ni SHAIRA NUAL
’’ IWAS DENGUE. Isa si Isay Magistrado, Grade 12, sa mga unangbenepisyaryo ng proyektong ‘anti-dengue socks’ sa Taguig. | Kuha ni: Jeremy Edera 03 /SinagTalaJourn | @SinagTalaJourn
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon

Free public wifi, isinapubliko ng DICT

100,000 wifi access points, inaasahan bago mag-2022

ni SHAIRA NUAL

Inilunsad na ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang aabot sa humigit kumulang 17 bagong WiFi sites alinsunod sa kanilang inilunsad na programang gawing libre ang mga wifi sa mga pampublikong lugar nitong Martes, ika-8 ng Oktubre.

Ayon sa programang “Free WiFi for all”, nilalayon nitong mabigyan ng mabilis at maaasahang internet ang publiko.

This is envisioned to give free wifi services to about 25 million users in unserved areas within the country.

Pinasinayaan ang programa sa Army General Hospital sa Taguig kasabay ng paglulunsad ng iba pang wifi site sa iba’t ibang panig ng bansa. Kasabay ng paglulunsad ng programa, sinasabing kapaki-pakinabang na umano ito para sa mga pasyenteng sundalo at kamag-anak na nagbabantay ang mas mabilis at maasahang internet sa buong ospital gayon narin sa iba’t ibang lokasyon na natayuan na ng libreng wifi sites.

Ayon sa kasalukuyang pagtatala, umabot na sa 3,000 pampublikong lugar sa bansa ang nakikinabang na sa libreng WiFi na ibinigay sa masa.

Binanggit sa ulat ng DICT na umakyuat na sa 308 na bilang ng “working wifi sites” ang naitayo mula Hulyo 1 hanggang Oktubre 2 kung saan 165 ang nakatakda pang isailalim sa operasyon ngayong taon.

Inanunsiyo rin ng DICT ang planong paglalatag ng aabot sa 104,000 na WiFi access points sa iba’t ibang lokalidad sa bansa bago ang taong 2022 o ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan namang inapruhahan ng pangulo ang Republic Act 10929 o Free Internet Access in Public Places.

P4.1 T badyet para sa 2020, inihain ng palasyo

Pondo para sa edukasyon at kalusugan, tinapyasan

Inilatag na ng administrasyon ni Pangulong

Rodrigo Duterte ang P4.1 trilyon bilang National Expenditure Program (NEP) o budget upang mabigyang daan ang mga planong imprastraktura at serbisyong pangkalusugan at pampamayanan para sa taong 2020.

Tumaas ng 11.8% ang inihaing badyet mula P3.662 trilyon noong 2019, at sinabing 19.4% ng nakikinitang gross domestic product (GDP) ng bansa sa susunod na taon.

Ayon kay Acting Budget Secretary Wendel Avisado, maisasakatuparan ang tunay na pagbabago sa pamamagitan ng pag-unlad ng mga pampublikong imprastraktura at pagbibigay prayoridad sa pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng kalusugan at edukasyon.

“This budget will renew our push for real change by sustaining our investments in public infrastructure and human capital development namely health care, education, and poverty alleviation,” pahayag ni Avisado.

Mula sa pondo, nakalaan ang P972.5 bilyon nito sa “Build, Build, Build Program” ng administrasyon kung saan patuloy na nagpapatayo at nagsasaayos ng 75 daan, tulay at imprastraktura ang bansa na sinimulan noong 2017 at inaasahang matatapos sa 2022, bago umalis sa pwesto si Duterte.

Sa bilang na ito, P203.8 bilyon ang nakalaan sa Department of Public Works and Highways habang ang natitira para sa mga proyekto ng Department of Transportation kung saan P106.7 bilyon ang nakalaan para sa

DAHIL SPES-YAL KA

Benepisyo ng SPES program sa Taguig, ipinamahagi

TAGUIGEÑONG

Nakuha na ng ika-apat na grupo ng mga nagtrabaho sa ilalim ng Special Program for Employment of the Students o SPES ang mga bunga ng pinaghirapang trabaho nito lamang ika-16 ng Oktubre, 2019.

Inilulunsad ang programa na SPES upang makatulong sa mga indibidwal na may kakapusan sa pinansyal pantustos sa pag-aaral, gayon na rin sa mga may pangangailangang pinansyal at pambili ng kagamitan.

Humigit kumulang 500 indibidwal ang nakatanggap ng 60% ng kabuuang sahod mula sa pamahalaang lungsod ng Taguig.

Isinagawa sa Lakeshore Hall ng Barangay Lower Bicutan ang distribusyon ng katapat na benepisyo para sa mga indibidwal na nagsilbi sa iba’t ibang kagawaran ng lungsod sa loob ng 20 araw.

“Syempre masarap sa pakiramdam na nakatulong ka na sa Taguig, nagkaroon ka pa ng benepisyo,” anang mag-aaral na si Jerome Piano na nakibahagi sa SPES Program.

Sinabi na ring bukas ulit sa pagtanggap ng mga mag-aaral ng sekondarya, kolehiyo, mag-

aaral ng teknikal at bokasyon gayundin sa mga out-of-school-youths sa darating na christmas break ang SPES.

“Eh sana matulungan pa yung iba, sana rin di na diyan nagtatapos yan; aasa rin ako na dire-diretso ‘yan taon taon. Mas masarap na marami silang natutulungan,” ani Piano.

Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang pag-usad ng programa sa pakikibahagi ng Department of Labor and Employment o DOLE sa layuning makapagbigay kamay sa mga estudyanteng nangangailangan ng tulong pampinansyal.

9,702 na indibidwal na ang natulungan ng SPES program simula nang ipinatupad ito noong 2011.

Ipinatupad ang nasabing programa alinsunod sa Republic Act No. 7323 na naglalayong makatulong sa mga kabataang edad 15 hanggang 25 na kapos sa pinansiyal na pangagailangan.

Inaasahan namang darating sa Enero ang natitirang 40% benepisyo mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) bilang ‘education vouchers’ na nakabase sa minimum wage sa Metro Manila.

pagsasaayos ng mga tren, P508 milyon ang nakalaan para sa proyektong pandagat at P346 milyon naman para sa pamhimpapawid.

Samantala, bagamat nangunguna ang Department of Education sa mga ahensya na may pinakamalaking parte sa inihaing pondo, kung saan makatatanggap ito ng P673 bilyon, nangangamba naman ang publiko sa pagbaba ng pondo ng Commission on Higher Education (CHED) na maaaring makaapekto sa tuition at scholarships ng mga mag-aaral.

Mula sa P52.43 bilyong budget noong 2019, tanging P40.78 bilyon lamang ang inaprubahan ng pamahalaan, bumaba ng P11.65 bilyon o 23% ng nakaraang pondo.

“Para sa akin, nalulungkot ako na prayoridad ng bansa ngayon ‘yung pagpapalakas ng depensa nito. Nagkaroon kasi ng cut sa pondo ng CHED at bilang incoming college next year, for sure affected kami at baka tumaas pa ang tuition at mabawasan pa ang bilang ng scholars. Malaking hirap ‘yon para sa amin,” pahayag ni Abigail Santos, mag-aaral sa ika-12 na baitang.

Sa kabilang banda, pinasinayaan din ni Duterte ang kaniyang anti-drug campaign kung saan nilagay niya ang Philippine National Police (PNP) bilang prayoridad na makatatanggap ng P184 bilyon. Sa bilang ng pondong ito, kalahating milyon ang nakalaan para sa pagpapatupad ng Philippine Anti-Illegal Drug Strategy. Bibigyan din ang Department of National Defense ng P189 bilyon para sa sinasabing modernisasyon at pagpapalakas para sa anti-terrorism programs.

TANGGAL SAGABAL

No garage, no car policy, road clearing op, ikinasa ng DILG

ni WENDIE LAO komunidad

Itinaguyod ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang panukalang ‘no garage, no car policy’ na naglalayong limitahan ang mga tao sa pagbili ng saksakyan kung wala itong sapat na espasyo para rito. Ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, maiiwasan ang masikip na daloy ng trapiko, lalo na sa Metro Manila kung walang sasakyan ang nakagarahe sa mga lansangan.

“The solution here is a no garage, no car policy. But we would need a law for that. We understand that this is a big problem because of the one million vehicles that have no parking,” pahayag ni Malaya.

Alinsunod sa nasabing panukala, maging ang pagbili ng karagdagang sasakyan ng isang ‘car owner’ ay ipinagbabawal na rin umano na pagbilhan lalo na’t kung wala naman itong parking space sa loob ng kanyang tahanan.

“Aside from illegal vendors, illegally parked vehicles also contribute to traffic,” dagdag nito. Kaugnay rito, pinalawig din ng pamunuan ng DILG ang malawakang ‘road clearing operation’ kung saan layunin ng programang alisin ang lahat ng nakasasagabal sa kalsada tulad na lang ng ‘illegal structures’, ‘illegal vending’ at mga ‘illegally parked vehicles.’

Isa ang lungsod ng Taguig sa nagsagawa ng nasabing operasyon na pinangunahan ng Taguig’s Traffic Management Office, Public Order and Safety Office, Public Transport Office and Barangay Affairs Office kasama ang Philippine National Police (PNP) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Gayunpaman, itinuring ng DILG na isa sa may pinakamababang grado ang lungsod dahilan sa kakulangan nito ng aksyon ukol sa pag-aalis ng mga sagabal sa daanan.

Kinondena ng lungsod ang pagsasagawa ng road clearing operation kung saan pinunto nito na hindi kakayaning makamtan ang nasabing programa sa loob lamang ng 60 araw na deadline lalo na at nasa isang ‘unique situation’ ang lungsod.

“Taking into consideration the unique characteristics of the City of Taguig and its numerous efforts to comply with DILG Memorandum Circular No. 2019-121, the DILG is therefore nullifying the Low Compliance Rating it earlier gave to the city,” ani Malaya.

SINAGTALA Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon balita TOMO 10, BILANG 1 | Hunyo - Disyembre 2019
04
’’
PRODUKTIBO. Ngiti ang namumutawi kay Angelou Alcantara matapos makatanggap ng sahod kapalit ang 20 araw na pakikilahok sa programang SPES 2019 na ginanap sa Lakeshore Hall, Lower Bicutan, Taguig City nitong nakaraang Oktubre. | Kuha ni: Philip Ocena
P3.66 T P4.10 T 2019 Nat’l Budget 2020 Nat’l Budget Kagawarang may pinakamataas na badyet, taong 2020 Badyet ng CHED, DOH para sa taong 2020 P40.8 bilyon P160.15 bilyon 23% mula sa P52.4B badyet noong 2019 5.5% mula sa P169.45B badyet noong 2019 P56.8 B Agrikultura (DA) P189.0 B Tanggulang Pambansa (DND) P673.0 B Edukasyon (DepEd, SUC’s, CHED, TESDA) P26.4 B Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) P166.5 B Kalusugan (DOH, PhilHealth) P238.0 B Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) P543.3 B Pagawaing Bayan (DPWH) P195.0 B Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) P38.7 B Hukuman P147.0 B Transportasyon (DOTr)
mula sa: DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT
ni SHAIRA NUAL
Datos

SINAGTALA

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon

BIDA ANG HANDA

mula sa pahina 1

Nakiisa rin ang Taguig Science High School sa earthquake drill kung saan ipinakita ang posibleng reaksyon ng mga mamamayan sa pagtama ng lindol sa pangunguna ni Florencio Dela Cruz, NDRRMC-TAPAT Coordinator.

Naghatid ng mga bumbero at iba pang tripulante ang barangay na makatutulong sa pagresponde sa paaralan.

“Mahalagang maging handa ang mga bata. Dapat mamulat sila at makasanayan nila kung ano ang dapat na tugon sa mga sakuna upang maiwasan pa ang iba pang aksidente,” pahayag ni Marve Lakampuenga, guro sa nasabing paaralan.

Samantala, umakyat sa siyam ang naitalang patay, isa ang nawawala habang 111 tao naman ang sugatan matapos yanigin ng magnitude 6.9 na lindol ang ilang probinsya sa Mindanao kabilang na ang Davao Del Sur at Soccsksargen noong ika-15 ng Disyembre.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), 700 na aftershock na ang tumama sa nasabing lugar kung saan nakita ang active fault at maaari pang lumaki ang bilang nito.

komunidad

Abot-kaya at dekalidad na produktong para sa masa

Kadiwa ni Ani at Kita, dinagsa sa Taguig

Dinumog at dinaluhan ng mga suking Taguigeño ng probinsyudad ang dekalidad na produkto na sakto sa badget, ang “KAtuwang sa DIwa at GaWA para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita” o kilala bilang “Kadiwa ni Ani at Kita” sa Lakeshore Hall, Brgy. Lower Bicutan noong ika-26 ng Oktubre, 2019.

Layunin ng protekto na tulungan ang mga lokal na magsasaka at mangingisda na kumita at bigyan ng oportunidad ang mga mamamayan na makabili ng mga sariwa at mas mataas na kalidad ng produkto sa halagang mas mura kaysa sa ibang mga pamilihan.

“Malaki ang maitutulong nito sa mga residenteng Taguigeño kasi matutulungan ang mga nagtitinda na madagdagan ang kanilang kita at makakabili pa sa abot-kayang presyo,” sabi ni Regie Tamayo, mamimiling nakiisa sa programa.

Kabilang sa mga ipinagbenta ang iba’t ibang gulay prutas tulad ng saging, dalandan, papaya, talong at kamatis.

Ipinagbili rin ang mga itlog, isda, bagoong, suka, atsara, binatog, virgin coconut oil at iba pang masusustansyang pagkain.

Katuwang sa nasabing pangyayari ang Department of Agriculture (DA) sa pagsusulong nito, sa pangunguna ni Taguig City Mayor Lino Cayetano at DA Secretary William Dar.

DOTr,

komunidad

MAAGANG PAMASKO

TSHS, ipinadama ang tunay na diwa ng kapaskuhan

pinahaba ang motorcycle pilot run testing

17,000 Angkas riders, posibleng mawalan ng trabaho

ni SHAIRA NUAL

Posibleng mawalan ng trabaho ang 17,000 na empleyado ng Angkas matapos limitahan ng Department of Transportation (DOTr) ang bilang ng mga motorcycle drivers nito upang tuluyang mag-operate sa publiko sa susunod na taon.

Kaugnay ito ng pagpapaigting ng motorcycle taxi service pilot run sa Metro Manila at Cebu City na matatapos na sana ngayong ika26 ng Disyembre ngunit napiling pahahabain pa ng tatlong buwan.

Pinayagan naman na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bagong motorcycle taxi service na Move It at JoyRide na magiging kabilang sa nasabing testing.

Sa nilabas na ordinansa ng technical working group (TWG) ng DOTr, mula 27,000 na Angkas drivers, 10,000 motorcycle drivers lamang ang maaaring magmaneho kung kaya delikadong mawalan ng trabaho ang 17,000 na empleyado nito.

Naiulat na 39,000 lamang ang kabilang

komunidad

Regalong hatid sa ika-15 taon

TagSciyang Feeding Program, nagbigay-ngiti sa

mga bata

ni SHAIRA NUAL

Naglunsad ang Campus Integrity Crusaders (CIC) ng isang Crusade Against Hunger Program para sa 100 kapus-palad na mga bata ng Barangay San Miguel.

Isinakatuparan ito bilang pasasalamat sa ika-15 na anibersaryo ng pagkatatatag ng Taguig Science High School kung saan layuning magbigay-ngiti sa mga bata at bahagian sila ng kaalaman sa Matematika, Agham at Pagbabasa.

Ikinatuwa ng mga benepisyaryo ang libreng pananghalian at palaro na inihanda ng programa para sa kanila na noong ika-14 ng Setyembre, 2019.

Pinangunahan ang nasabing Feeding Program ng CIC – TSHS Crusaders Café, kasama ang iba’t ibang Araling Panlipunan Clubs tulad ng PopEd, YIPA, SSS at GADS Zonta na pinamumunuan ni Rechie O. Bula. Nakibahagi rin ang SSG (Supreme Student Government) at Project Watch.

“Bilang adviser ng buong AP Club, adbokosiya namin na tumulong sa mahihirap na kababayan. Nakakataba ng puso, na makita sa mga bata ang saya sa kanilang nga ngiti,” pahayag ni Bula.

Pagkatapos nito, nakatakda sa Nobyembre ang isang outreach program para sa National Children’s Month, at isang pamaskong handog ngayong Disyembre.

komunidad

Libu-libong advocates, minulat ang isipan sa Youth Environmental Forum

KABATAAN AY PAG-ASA NG KALIKASAN

ni JOHANNA MEDINA

Pinaigting ang pagtutuklas ng kaalaman at pagkakaroon ng kamalayan sa kapaligiran, ng mga kabataang Taguigeño kung saan isinagawa ang pagtataguyod ng ideyang magbibigay solusyon sa mga isyu ng komunidad, sa naganap na kauna-unahang Youth Environmental Forum sa Taguig Lakeshore Hall, Brgy. Lower Bicutan noong ika-8 ng Oktubre, 2019.

Tinalakay sa nasabing programa ang iba’t ibang polusyon na nakaaapekto sa hangin, tubig, lupa, at kung pano iiwasan ang paglaganap niyo. Nabanggit din dito ang mga batas at paraan sa pagpapanatili ng kaayusan ng ating kapaligiran, kasama na ang tamang pagbubukod ng basura sa kani-kanilang tahanan.

“Para ito sa lahat ng sektor ng ating lipunan. Ito naman ay para sa awareness tungkol sa pangangalaga ng ating kalikasan. Isa sa pakay natin dito ay ang magkaroon na ng aksyon regarding sa mga environmental issues at ang kalakip na solusyon upang mabago ang kalidad ng kalagayan ng ating environment. Ito rin ang magdisilbing pagkakataon para tayo ay kumilos para sa ikaaayos ng ating lugar,” bahagi ni Mr. Felix Catigay, Head Officer ng City Environment Natural Resources Office (CENRO) sa isang pakikipanayam sa I Love Taguig facebook page.

Nakiisa rin ang bawat dumalo sa mga booth nitong tulad ng urban gardening, Bingwitan, Let’s Segre-GAME, River Wall of Enlightenment, at Sagwanan sa Dalampasigan, na nagbigay saya sa mga kabataan.

Bukod dito, nakapag-uwi rin ang bawat isa ng “eco-friendly” na mga gamit gaya ng bayong, T-shirt, ID lace, at bamboo cutlery, na handog mula sa lokal na pamahalaan ng Taguig.

na riders sa pilot testing kung saan 10,000 sa bawat grupo sa Metro Manila at 3,000 naman sa Cebu.

Naglabas naman ng pahayag ang Angkas sa kanilang Twitter account noong ika-21 ng Disyembre kung saan ipinakita nila ang pagkadismaya sa desisyon ng gobyerno.

“Bakit kailangang bawasan at tanggalan ng trabaho ang mga riders natin? Bakit kailangang parusahan ang mga bikers na nakapag-training at napatunayan na ang galing sa daan?” ani George Royeca, Chief Transport Advocate ng Angkas.

“That’s a compromise to the quality of service you can expect, and a direct blow to 17,000 Filipino families,” dagdag pa nito.

Idiniin din ng Angkas ang kahalagahan ng motorcycle taxis lalo na sa kasagsagan ng trapiko sa Metro Manila.

“The traffic in our thoroughfares is getting heavier each day, and there are more and more commuters to serve as time goes by,” pahayag nito.

Ayon kay Wendie Lao, isa sa mga mag-aaral ng Taguig Science High School na gumagamit ng nasabing serbisyo, malaking tulong ang Angkas upang makapasok siya sa paaralan nang maaga sa kabila ng malalang trapiko.

“Galing akong Sucat, ang daan ko kapag papasok ay sa Bicutan. ‘Yung lala ng traffic sa Bicutan umaabot ng tatlong oras bago umandar sinasakyan mo kaya nagbo-book nalang ako sa Angkas. Kung mawawala ‘yon, apektado rin kami na umaasa sa ganoon upang makapasok na hindi late. Hindi naman kasalanan ng Angkas na traffic o ano, eh. Dapat ang unahin nilang ayusin ay ang malalang trapiko hindi ‘yung tatanggalin nila ang magandang serbisyo na hatid ng Angkas,” sabi ni Lao.

Nagsagawa naman ng Unity Gathering ang Angkas sa EDSA Kalayaan upang kalampagin ang DOTr nitong ika-22 ng Disyembre na dinaluhan ng libu-libong mamamayan, partikular sa mga kasapi ng Angkas.

balita
TRADISYON NG PAGBIBIGAYAN. Pinangunahan ng Taguig Science High School (TSHS) ang ika-15 na taong pamamahagi ng munting kasiyahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng maagang pamaskong handog sa mga mamamayang nangangailangan ng Barangay San Miguel, Taguig City. | Kuha nina: Allysa Caranguian at Aya Dionisio
05 /SinagTalaJourn @SinagTalaJourn
LAMANG ANG MAY ALAM. Minulat ni Teresita Alvarez (gitna), kawani ng CENRO, ang mga kabataang Taguigueño ukol sa epektibong paraan ng urban gardening at mga benepisyo nito. | Kuha ni: Philip Ocena

gintong butil Pagkitil sa

Inaakay dapat ang mga magsasaka paangat sa laylayan, hindi ang mas lalong palubugin sila sa putikan.

akadidismayang isipin na salungat sa inaasahang epekto ang idinulot ng Republic Act 11203 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019. Ang inasahang solusyon sa mataas na presyo ng bigas ay naging sanhi lamang ng dilema sa agrikultura ngayon. Layunin ng Rice Tariffication Law na gawing maluwag ang pag-aangkat ng bigas mula sa mga karatig na bansa tulad ng Vietnam na magpapababa sa presyo nito para sa mga mamimili. Sakop din nito ang pagbibigay proteksyon sa mga magsasakang maaapektuhan ng nasabing panukala sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kita sa rice tariffication na gagamitin sa pagpapaunlad

ni KRIS ARGEL LOPEZ urong sulong

Bigyang

Gng industriya ng bigas. Tinutulan naman ito ni Danilo Ramos mula sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas dahil mahihirapan lang umano ang mga local rice farmers na makipagsabayan sa mga nag-iimport ng bigas.

Giit pa niya, ang rice tariffication law raw umano ay katumbas ng kamatayan sa mga magsasaka at mamamayang kumakain ng bigas.

Maganda man ang hangarin ng administrasyong Duterte sa pagpapatupad ng nasabing batas ay hindi naman ito ramdam ng mga magsasaka.

Nananatili lamang sa papel ang kanilang mga salita at ang masama pa nito, patuloy silang nadurusa sa kakarampot na kita na mas pinababa pa ng taripa.

aksyon ang kalbaryo sa trapiko

asgas na nga marahil ngunit ang krisis sa transportasyon pa rin ang isa sa mga pinakamalaking dagok na dinaranas ng mga Pilipino bawat araw. Libo-libong mamamayan ang nakararanas nito sa buong bansa, lalong-lalo na sa Metro Manila na sentro ng industriya at komersyo.

Pagod at kalbaryo na dala ng bulok na sistema ng trapiko araw-araw sa mga commuter. Mula sa pagpila nang maaga upang hindi mahuli sa pagpasok sa trabaho o eskwelahan hanggang sa pagtitiis sa init at masikip na sasakyan para lamang makapasok sa trabaho.

Sa kabila ng daing ng mga mama-

mayan, hindi pa rin daw maituturing na krisis ang nararanasan ng mga commuters ayon kay Presidential Spokesperson Panelo Salvador na tumugon sa hamon ng madla na suungin ang hirap ng paglulan ng mga pampublikong sasakyan para makarating sa Malacañang na naganap noong Oktubre 9. Dagdag pa niya, baka hindi lamang daw naging ‘creative’ ang mga commuters.

Bagamat nagawa ito at nakarating si Panelo sa palasyo, hindi maisasantabi ang katotohanan na nakarating siya pagtapos magdaan ang apat na oras sa kaniyang pagbiyahe at ang katotohanan na nagmabuting-loob lamang ang ilang mga drayber sa kanya bilang siyang may

edad na kaya’t hindi pa rin maikakaila ang malawakang problema ang kalagayan ng sistema ng ating transportasyon sa Pilipinas.

Bukod rito, hindi pa rin nareresolba ang problema sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) kahit na ilang ulit nang napinsala ang rectifiers nito dahilan upang panandali ang maputol ang tatlong linya ng mga tren sa piling mga estasyon sa loob ng siyam na buwan kabilang na ang Santolan, Katipunan, Anonas.

Ganito rin ang sitwasyon sa kayle ng MRT Avenue sa Hagonoy, Taguig bunsod ng kabi-kabilang konstruksyon sa kalsada. Kasalungat ng inaasam na

Inilarawan naman sa isang pahayag ni Esmenia P. Bilanes, isang magsasaka sa Taguig, ang mas tuminding hirap na dinaranas nila. Dahil bukod sa patong-patong na utang na ipinambili ng abono at iba pang materyales sa pagsasaka ay hindi nila alam kung paano pagkakasiyahin ang kanilang kita sa anim na buwan gayong pikit-mata nilang ipinagbenta sa pitong piso lamang kada kilo ang kanilang ani kaysa naman daw wala silang mapagbentahan.

Idiniin naman ng National Movement for Food Sovereignty na hindi rin nakakamtan ng Rice Tariffication Law ang intensyon nitong mapababa ng P7 ang presyo ng bigas dahil piso hanggang dalawang piso lamang ang

bawas-presyo nito sa merkado. Balintunaan nga kung tutuusin na agrikultural na bansa ang Pilipinas pero mismong mga Pilipino pa ang nakararanas ng gutom at ang mga nasa itaas pa ang nangungunang tumangkilik sa mga produktong banyaga. Dagdag-pasakit lamang ang taripa. Hihintayin pa bang gumapang ang mga magsasaka sa lupa? Kinakailangan nang muling pagaralan at maagapan ang suliraning ito sa lalong madaling panahon dahil unti-unti nang pinapatay ang mga magsasaka ng hanapbuhay na siyang bumubuhay sa atin. Huwag magbingi-bingihan sa kalampag ng kanilang sikmura. Marapat lamang na dinggin na ang sigaw ng mga magsasakang sinasakal ng taripa.

maayos na drainage systems, dulot nama’y pabigat sa daloy ng trapiko sa loob ng halos anim na taon. Naging tipikal na nga sa mga pasahero’t mga motorista ang ganitong lagay ng trapiko sa naturang daan. Tila hindi pa rin nga nasosolusyunan ang transportation crisis sa Pilipinas. Nawa’y wag na sanang magbulag-bulagan at ipagkibit-balikat na lamang ang dilemang ito. Kinakailangan ng mabusising paghahanap ng solusyon na agarang magreresolba sa krisis na nangyayari sa sistema ng transportasyon. Hindi kailangang maging ‘creative’ dahil ang kailangan ay aksyon.

Datos mula sa: waze.com at

opinyon editoryal
LUPONG PATNUGUTAN TOMO 10, BILANG 1 | Hunyo - Disyembre 2019 PUNONG PATNUGOT Wendie Lao PANGALAWANG PATNUGOT Trevor Lomotos MGA TAGAPAMAHALANG PATNUGOT Adrian Dayon, Shaira Nual PATNUGOT SA BALITA Johanna Medina MGA PATNUGOT SA OPINYON Edrianne Fabro, Rose Anne Doblon, Aliah Sotejo
PATNUGOT SA LATHALAIN Jamila Hilboy, Nikki Barnayja, Allysa Maxine De Asis PATNUGOT SA AGHAM Maricris Sarmiento MGA PATNUGOT SA ISPORTS Jon Gumisad, Jomari Reyes TAGAWASTO NG BALITA Edessa Rodriguez MGA DIBUHISTA Kim Simon, Angelo Sanchez
MGA
Jeremy
Bernard
MGA LITRATISTA Edera, Krista Alapre
MGA TAGA-ANYO
Cholo Moises, Althea Dabu, Michael Angelo Valdez Dibuho ni KIM JHON SIMON
Sinagtala 06 SINAGTALA Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon
Esmenia P. Bilanes, isang magsasaka sa Taguig
’’ N
METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Pagkalas sa yakap ng karahasan

Mukhang bumabalik na naman yata ang masalimuot na kaganapan sa mga taong nilulunok na lamang ang dignidad at di na lang lumalaban.

Sa masidhing kagustuhan ng sistema na pangalagaan ang kapakanan ng mga mag-aaral, maging ang mga bagay na inaasahang huhubog sa kanila ay nakaliligtaan na rin. Sa pagpapatupad ng No Homework Policy, kabutihan pa rin ba ng kabataan ang makakamit?

Samu’t saring reaksyon ang nanggaling mula sa mga mamamayan nang ihain ang House Bill No. 3611 ni House Deputy Speaker Evelina Escudero kung saan ay ipinagbabawal ang pagbibigay ng takdang aralin sa mga estudyante mula kinder hanggang senior high school. May mga sumang-ayon ay idinahilan ang ginhawang maibibigay nito sa nga mag-aaral, ngunit marami-rami rin ang tumaliwas. Inaasahan ang mga takdang aralin na magsisilbing gabay at pangsukat ng kaalaman at kasipagan. Kung kaya’t sa pagtatanggal nito ay hindi nasisiguro ang mabuting epekto nito sa kalidad ng edukasyon. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat ang hirap na hinarap ng mga naunang henerasyon, kaya’t ‘tila ba’y humihina na ang kapasidad ng kabataan ngayon, at lalo pang pinahihina. Kasabay din nito ang House Bill No. 3883 ni Quezon City Representative Alfred Vargas na nagsasaad ng pagbabawal sa pagbibigay ng takda tuwing Biyernes. Layunin nito na malimitahan ang gawain ng mga mag-aaral sa Sabado at Linggo, sa halip ay ilaan na lamang ang oras para sa pamilya. Higit na pinapaburan ang suhestiyong ito dahil hindi pa rin tuluyang mawawala ang mga takdang aralin, hindi tulad sa naunang panukala.

Kung tutuusin, edukasyon ang pinakamahalagang sektor sa lipunan. Dapat bigyang pansin ang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon, dahil paano pa’t tinawag na pagasa ng bayan ang kabataan kung hindi rin sila gagawing prayoridad. Hinay-hinay lamang sa pagpasa ng batas upang hindi maantala ang pagbulusok paakyat sa itaas.

Panaghoy na lamang ang narinig matapos ang sunod-sunod na suntok, tadyak at batok na inabot ng isang kadete sa kamay ng kanya mismong mga mistah. Hindi pa rin matigil ang walang habas na panggugulpi sa loob ng kampo. Ang hazing ay isang inisasyon para sa mga gustong maging parte ng isang kapatiran, isang samahan na ngangako ng trabaho, koneksyon at kapangyarihan. Sinusubok ang mga nangangahas na pumasok sa pamamagitan ng isang inisasyon na sumusukat sa kung gaano kadeterminado ang isang indibidwal na makasama at manatili sa ninanais na samahan.

Naging bahagi na ang hazing ng kulturang Pinoy kung saan ay palihim na yumayakap sa karahasan na marahil ay nakaugat sa ideya ng pyudalismo at machismo.

Sa pagkamatay ni kadete Darwin Dormitorio noong Setyembre 18 sa loob mismo ng Philippine Military Academy ay mistulang nanumbalik ang parehong kapalaran na natamo nina Leonardo Villa, Ace Bernabe Ekid, Edward Domingo, Horacio Castillo III, Oliver Estrella, Mervin Sarmiento, Marc Andre Marcos, EJ Karl Intia, Chester Paolo Abracio at iba pa. Sila ang mga nakaranas ng hindi makataong pang-aalila makasali lamang sa grupo ng kapatirang inaasam. Dahil na rin sa labis na karahasan, ang ilan sa mga kasong ito ay nauuwi sa pagkasawi tulad na lamang ng pagkamatay ni Gonzalo Mariano Albert noong 1954 na itinuturing na kauna-unahang biktima ng hazing.

Ayon kay Sen. Bato dela Rosa, hazing ang humubog sa kaniya. Ito umano ay sukatan ng pagiging isang tunay na lalaki na nakaugat sa kulturang pyudalismo at machismo.

‘Tila walang epekto and Republic Act No. 8049 o Anti-Hazing Law dahil nakakabit na sa utak nang nakararami na parte na ng pagsali sa isang kapatiran ang hazing. Lalo pang kinakati ang mga kamay ng mga may kapangyarihan para magpahirap at pumatay. Marami na ang dugong dumanak at estudyanteng tulad ni Dormitorio na sumigaw ng hustisya. Mayroon ngang batas upang supilin ito sa kasalukuyan, subalit ‘tila hindi pa rin ito nahihinto’t patuloy pa rin karahasan. Nararapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang isyung ito kaagapay ang mga lokal na organisasyon sa pamamagitan ng pagpapatibay ng implementasyon ng Anti-Hazing Law. Hindi kailanman naging sukatan ng pagkalalaki ang hazing bagkus ay pinapalubha lamang nito ang karahasan. Salungat sa baluktot na pangangatwirang karahasan ang magpapatibay sa mahal na kapatiran. Hasain dapat ang pangil ng patas na batas. Oras na para itigil ang pamamaraang marahas.

Pulso ng Scientians

Malaki ang maitutulong nito sa akin bilang isang estudyante sapagkat mas magkakaroon ako ng sapat na oras sa aking sarili at pamilya. May mga negatibo rin naman itong dulot sa akin at sa kapwa ko mag-aaral. Halimbawa nito ay kung may isang aktibidad na hindi ko natapos sa araw na iyon, maaaring hindi na kami payagan ng aming guro na iuwi ang aming ginagawa kung saan magdulot ito ng pagbaba ng aming grado.

Hati ang aking opinyon sa panukalang ito kasi may pakinabang nga ang paglilimita ng homework tulad ng makapagpapahinga sa bahay ang mga estudyante ngunit matatambakan naman ng gawain ang mga estudyante sa paaralan.

Ang pagbibigay umano ng homework ay pagnanakaw ng oras sa pamilya, para makapaglaro at makapagpahinga. Ngunit sa kabilang banda, ang takdang aralin ay makatutulong sa mga mag-aaral na lalo pang humusay sa paaralan. Ayon sa Federation of Assocations of private Schools and Administration, “... weekends are considered part of their school days”. Sa katanuyan, mas maraming oras upang makagawa ng takdang aralin tuwing katapusan ng linggo kumpara sa ibang araw.

Bilang estudyante, may mabuti at ‘di mabuting dulot sa akin ang ‘no homework policy,’ sapagkat sa pamamagitan ng takdang aralin ay nababalikan namin ang mga aralin na kailangan pa naming intindihin at dahil dito, nahahasa pa lalo ang aming kaalaman. Kung kaya marapat lamang na masosulusyonan ang problema sa pagbibigay ng takdang aralin maliban sa pagtanggal nito.

Emmily Krishna Pineda

Magandang ideya ang ‘no homework policy’ dahil nararapat na hindi lamang ang academic growth ang ating paunlarin. Sa hindi pagbibigay ng takdang aralin ay mas marami ang oras na ating mailalaan sa ibang mga bagay katulad na lamang ng pakikipagbonding sa ating mga kaibigan at higit sa lahat sa ating pamilya.

opinyon
MGA KONTRIBYUTOR Jan Rhaiza Edeleon Kris Argel Lopez Francelea Nicole Orno Juliana Garcia Maricar San Pedro Sophia Diane Delsocora Maria Ellaine Tobias Emmily Krishna Pineda Sean Kelly Baloro Tiara Bonajos Alliana Lorraine Rodillas Azineth Chavez Leira Vinarao Derick Jalando-on Princess Carzon Jeio AldwinGogolinColeta Cyra Ocañada Margaux Batac Julius Bragais Ronn Mercado Alyssa Caranguian Aya Dionisio Julianne Riosa Francis Autor Jerome Salvador Lorence Dela Cruz Dominic Beler Pauline Cipriano Enrico Reyes Julian Doblon John Jofer Tabia SCHOOL PUBLICATION ADVISER Virginia V. Bayani PUNONGGURO Nelson S. Quintong DIVISION JOURNALISM FOCAL PERSON IN FILIPINO Jennifer G. Rama DIVISION JOURNALISM FOCAL PERSON IN ENGLISH Noel T. Balubal
ni ROSE ANN DOBLON pluma
Basahin muna ang aralin
Alliana Lorraine Rodillas Maria Ellaine Tobias Tiara Bonajos Sean Kelly Baloro
/SinagTalaJourn @SinagTalaJourn 07
Maxene
Andrei Alejandro Temujin Lejada Clarence Ronquillo Philip Ocena SINAGTALA Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon
Dibuho ni KIM JHON SIMON Kartun ni KIM JHON SIMON
Elyza
Alonzo

Bakit amoy baboy sa kongreso?

Umaalingasaw na naman ang baho ng mga kurap na pulitiko dahil sa pag-ungkat ng umano’y nakatagong pork barrel funds ng mga kongresista at deputy speakers sa panukalang 2020 national budget. Tila ba hindi man lamang sila tinataasan ng balahibo gayong may kinalagyan na sa bilibid ang mga nasangkot sa isyu ng korapsyon sa mga nakaraang administrasyon.

Ayon sa isiniwalat na datos ni Sen. Panfilo Lacson, P700 milyon ang nakalaang pork barrel sa bawat kongresista at makatatanggap naman daw ng tumataginting na P1.5 bilyon ang bawat isa sa 22 deputy speakers sa kamara.

Ang lakas naman talaga ng loob ng mga buwayang ito na magpuslit ng ganito kalaking halaga para lamang sa kanilang pansariling kapakanan. Mas pinapatunayan lamang nila ang pasaring na sila’y mga magnanakaw ng kaban ng bayan.

Sakit sa ulo rin ang dulot nito sa Kagawaran ng Edukasyon at Commission on Higher Education (CHED) sapagkat nangangahulugang maging ang pondo sa mga nasabing ahensya ay mababawasan ng malaking halaga. Tinatayang mahigit dalawampung porsyento ang ibinawas sa badyet para sa mga plano at proyek-

Kalasag ng bayan

Ligtas na ang may alam. Ganyan ang isang bansang may malakas na pwersa ng militar at modernong kagamitang sandata para mapanatili ang kapayapaan at maging handa sa terorismo na naglalayong salakayin ang bansa.

Ang ating bansa ay nakaranas na ng terorismo na naging isang malagim na alaala sa ating mga kababayan. Ano kaya ang ginagawang aksyon at seguridad ng ating republika kung sakaling maulit ang ganitong pangyayari?

Sa mga pambobombang naganap sa ibang mga unibersidad, nilayon ng nakatataas na maglatag ng mga pulis at militar sa mga pamantasan upang hindi na maulit pa ang pangyayaring pambabanta at mapanatili ang kapaayaan.

Ngunit agad itong tinutulan ng mga organisasyon ng mga kabataan dahil pinuno nito ng takot ang puso’t isipan ng mga kabataang ang tanging hangad lamang ay makapag-aral. Kaya nag-organisa ang mga estudyante kasama ang mga guro para tutulan ang banta ng militarisasyon sa mga kampus.

Para kontrahin ang banta, inihain ng blokeng makabayan ang House Resolution 223 sa makabayan kapulungan noong Agosto 12 para bigyang proteksyon ang mga mag-aaral sa pag atake ng armadong tunggalian.

Nagbigay ng pahayag ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga tumututol sa paglalagay ng mga pulis at militar sa mga unibersidad sa bansa. Sinambit ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ang mga pamantasan ay lugar ng iba’t ibang pananaw at hindi eksklusibong teritoryo ng isang ideolohiya lamang sapagkat minsan nang naging palaisipan kay Malaya kung bakit iginigiit ng mga militanteng mag aaral ang militarisasyon o martial law gayong wala namang plano ang mga kapulisan at militar na gawing kampo ang mga unibersidad.

Seguridad ang kailangan ng mga unibersidad sa dinadanas na terorismo ng ating bansa, sa mga pagbobomba at pagsalakay ng mga terorista na maging sa mga paaralan ay ganun din. Magkaiba man ang pananaw ng mga estudyante at nakatataas, ang kalayaang pang-akademiko at karapatan mag organisa ang dapat pa ring natatamo ng isang mag-aaral. Iwaksi sa isipan ang pangambang hatid ng pambabantang terorismo. Huwag impluwensiyahan ang kabataan sa nakatatakot na magiging epekto nito.

tong pang-edukasyon sa susunod na taon. Maaari ring mahinto ang pagpapatayo ng mga bagong eskwelahan at ang panukalang K-12 Transition Program sa 2020 dahil budget cut sa sektor ng edukasyon.

Matapos ipinangalandakan na ang nasabing pork barrel ay mula sa alokasyon ng Department of Public Works and Highways, sinigurado ni Lacson na magkakarooon ng pagsusuri at uungkating nilang mabuti ang isyung ito kapag nagharap na ang Kong- reso at ang sangay ng ehekutibo. Idiniin din niya na hindi na muling maulit pa ang bangungot na naganap kung saan nakakulimbat ng malaking halaga ang mga korap na opisyales sa palasyo.

Mukhang hindi na lang ang masangsang na amoy ng mga baboy na nagsisimatay dahil sa African Swine Fever ang peperwisyo sa publiko, pati na rin ang maruming gawain ng mismong mga nakaupo sa puwesto.

Kailangan na busisiing maigi at balatan ang panukalang badyet. Maging gaano man kakunat ang mga sagot sa gagawing pulong kasama ang 22 deputy speakers at mga kongresista, wala dapat ni singkong-duling ang magagasta sa kamay ng mga korap na pulitiko. Ang kaban ng bayan ay para sa bayan. Hindi kulungan ng baboy ang Palasyo.

Tbawal ang pasaway

Pagpasa

Nhalaga ng pork barrel funds

aong 2002 nang gawing opsiyonal na lamang ang Reserve Officer Training Corps (ROTC) nang magsanhi ito ng buhay ng isang estudyante sa kamay ng kanilang course officers. Sa pagnanais ng pamahalaan na ipatupad ito nga-yon sa senior high school, naging kuwestiyonable na sa lahat ang dahilan ng muling pagsasaibabaw ng isyung ito.

Idinidiin na layunin ng programa ang isulong ang patriyotismo at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng military training. Nabanggit din ni Pangulong Duterte na halos lahat ng kabataan ay hindi marunong humawak ng baril na isang kritikal na bagay kung sakaling may sumiklab na digmaaan.

Isa lamang ang ROTC sa mga kursong pagpipilian sa National Service Training (NSTP) program ng gobyerno. Bukod dito, mayroon ding Civil Welfare Training Service (CWTS) at Literacy Training Service (LTS). Layunin nito na ihanda ang mga kabataan sa paglilingkod sa bayan, na hawig rin sa mga programa sa ibang bansa tulad ng United States of America, Bangladesh, at South Korea.

Sa kabila ng mga pangako ng pangulo na hindi na muling mauulit ang mga maling sistema sa kasagsagan ng dating ROTC, marami pa rin ang nagpahayag ng hindi pagsang-ayon sa mosyong ito. Matatandaan na ibinulgar ni kadete Mark Welson Chua, isang miyembro ng UST Corps of Cadet, ang korapsiyong

ng Anti-Bastos

Law para sa pagbabago

gayong kali-kaliwa pa rin ang isyu ng pambabastos sa mga kababaihan maging sa pampubliko man o pribadong lugar, nakikita ng kasalukuyang administrasyon ang pag-asang mabawasan ang mga kaso ng gender-based harrasment kasabay ng paglagda sa Anti-Bastos Law. Ang Republic Act 11313 o ang Safe Streets and Public Spaces Act na nalagdaan noong ika-17 ng

Abril 2019 ay naglalayong mabigyan ng proteksyon ang sinuman laban sa banta ng karahasan gaya ng paninipol, panghihipo, pangugutya, sexual jokes, malaswang pagtitig, catcalling at iba pang karahasan sa daan.

Ilang estudyante na rin ng Taguig Science High School ang nabiktima ng catcalling at pambabas-

tos at karamihan sa kanila ay ipinagkikibit-balikat na lamang ito dahil sa takot. Sa pamamagitan ng batas na ito, magkakaroon na ng lakas ng loob ang sinumang nahaharas na magsalita laban sa mga taong nananamantala ng kanilang kahinaan gaya ng karaniwang nangyayari sa mga mag-aaral.

Iginiit naman ni Senadora Risa Hontiveros na hindi anti-men ang nasabing kautusan at hindi rin ito naglilimita ng right to self-expression gaya pinupunto ng mga hindi pabor sa Anti-Bastos Law. Hindi dapat tignan ng mga mamamayan ang batas na ito bilang isang banta sa kanilang karapatang magpahayag dahil isinasaalang-alang lamang ng gobyerno ang kapakanan ng mga naabuso at hindi lang din naman mga kababaihan ang nilalayong

nagaganap sa mga anino ng programa. Nabunyag ang mga kaso ng pagbili ng tiket palabas sa ROTC kung saan idinadaan na lamang sa pera ang pagpasa nang hindi sumasailalim sa military training. Matapos nito ay natagpuan na lamang ang palutang-lutang na bangkay ni Chua sa Ilog Pasig. Bilang sagot sa tinig ng mga mamamayan, nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Republic Act 9163 o National Service Training Program Act of 2001, kung saan kinakailangan pa rin ng mga mag-aaral na sumailalim sa programa sa loob ng dalawang semestre, gayunpama’y hindi na ito makaaapekto sa kanilang pagtatapos. Sa kasalukuyan, wala nang bisa ang pagiging mandatory ng ROTC, at kapansin-pansin rin ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kadeteng nakalista sa programa. Kung hihimayin ang mga pangyayari noon at ngayon, handa na ba ang Pilipinas na muling sumabak sa parehong sitwasyon?

Sa pamamahala nakasalalay ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa mga inilalatag na programa kung kaya’t hindi na nakapagtataka ang pagtutol ng mga estudyante sa ROTC. Ngayon pa’t hindi pa rin nasusupil ang korapsiyon sa bansa, at maging ang mga pondo sa iba’t ibang sangay ng gobyerno ay bumababa at hindi malinaw kung saan na inilalaan. Muling rebyuhin ang mandatory ROTC dahil sa kasalukuyan, hindi pa handa ang bansa sa ganitong pagbabago.

Hindi malayong matanaw na ng mga Pilipino ang maliwanag na bukas para sa ligtas na daan.

proteksyunan ng batas na ito laban sa karahasan, gayundin ang mga mamamayang kabilang sa LGBTQ+ community.

Magkatuwang ang mga lokal na pamahalaan, Philippine National Police (PNP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Philippine Commission on Women upang masigurong maipairal ang Anti-Bastos Law nang patas at maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga karapatan. Hindi maitatangging isa ito sa mga pinakamagagandang proyekto ng administrasyong Duterte. Mahigpit na implementasyon at kooperasyon mula sa mga mamamayan ang kailangan upang makamit ang tunay na layunin ng batas. Maging susi nawa ito para sa pagbabagong inaasam.

opinyon TOMO 10, BILANG 1 Hunyo - Disyembre 2019
ni JAN RHAIZA EDELEON tindig Defense 195.6 B Debt Burden 461.0 B Public Services 734.5 B Economic Services 1,183.7 B Social Services 1,525.2 B
sektor tinatayang
sa 29.9 B 2019 3.66 B Panukalang National Expenditure Program (NEP) sa 2020 Datos mula sa: DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT
Repasuhin ang Mandatory ROTC
Panukalang badyet kada
umaabot
Grade 11 Grade 12 6 sa 10 mag-aaral ng SHS ang di-pabor sa MANDATORY ROTC 36.67% 40% 10% 13.33% 77% ng di-pabor ay babae Datos mula sa: isang sarbey ng Sinagtalasa 100 mag-aaral ng Senior High School sa TSHS 08 ’’ SINAGTALA Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon 2020 4.10
B ang

Kadenang pag-asa

Anim na taon na ang nakalilipas nang pirmahan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang batas na ang layunin ay bigyang pagkakataon ang mga preso na paikliin ang bilang ng mga araw ng kanilang pagkakakulong sa loob ng bilangguan.

Nabuhay muli ang batas ng Republic Act 10592 o ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law dahil sa mga isyu kaugnay sa pangmatagalang pagkakakulong ng mga preso sa piitan. Isinasaad dito na maaaring mabawasan ang sentensiya ng mga kriminal kung mayroon silang ipinakitang magandang pag-uugali sa kanilang pamamalagi sa loob ng bilangguan.

Subalit, naging mainit sa madla ang usapin.

ni ROSE ANN DOBLON sinsilyo

Bagong bente sa 2020

Sa pag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, isinasaad na ang 20-peso bill ang pinakaginagamit na denominasiyon sa buong bansa kaya nama’y hindi na nakapagtataka kung ito rin ang palaging ipinapapalit sa mga bangko tuwing ito ay nasisira o napupunit. Ngayong naghain na ng solusyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas, saan na aabot ang bente pesos mo?

Kasunod ng pagpapalit ng hitsura ng mga barya, pabaon rin ng BSP sa mga mamamayan ang bagong 20-peso coin kapalit ng dating papel sa pagtatapos ng 2019, na may kalakip na dagdag na seguridad mula sa mga pekeng kopya ng pera. Inaasahan rin na sa pagbabago ng materyales nito ay mababawasan ang mga nasasayang na kopya at higit na makatitipid sa produksyon. Bagama’t ipinangako na ng BSP ang kaibahan nito sa ibang barya, malaki pa rin ang pag-aalinlangan ng mga Pilipino. Matatandaan kasi na malaki ang pagkakahawig ng mga bagong disenyo ng piso, limang piso, at sampung piso. Ngayong dadagdag pa ang bente ay higit lamang na malilito ang mga tao sa pagbabayad at pagsusukli lalo na tuwing nagmamadali. Literal na magiging mabigat din ito sa bulsa ng mga mamamayan dahil gaya nga ng sabi sa pag-aaral ay marami ang gumagamit ng denominasyong ito sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

Malaki ang magiging benepisyo ng pagbabagong ito kung maayos na maiimplementa. Nararapat na isaalang-alang ang sukat, disenyo, kulay sa produksyon nang sa gayo’y maiwasan ang mga pagkakamali. Huwag nang dagdagan pa lalo ang bigat na papasanin ng mga Pilipino sa pagdating ng bagong barya.

SINAGTALA

Liham sa Patnugot

Magandang araw, Punong Patnugot!

Sa anim na taon ko bilang mag-aaral sa hayskul, labis akong nangangamba sa aking mga nababalitaan. Talamak na ang kaso ng teenage pregnancy kung saan ayon sa aking nasaliksik, aabot na sa 9.7 milyong kababaihan na may edad 10 hanggang 19, kung saan pagtungtong ng 19 taong gulang, isa sa lima sa kanila ay nagiging ina (United Nations Population Fund, 2019).

Naisip ko rin na marahil ay nangyayari ang maagang pagbubuntis hindi lamang dahil sa pinili nila ito kundi dahil na rin sa kawalan ng edukasyon, impormasyon at pangangalaga ng kalusugan.

Hindi lingid sa ating isipan na minsan ay dulot ito ng ating kapabayaan sa ating mga sarili. Ngunit, maaari naman itong maibsan kung mayroon lamang sapat na kaalaman ukol sa mga bagay na akma para rito.

Isang karumal-dumal na krimen ang naganap noong 1993 kaugnay sa walang pusong panggagahasa’t pagpatay sa dalawang estudyante ng UP Los Baños na sina Eileen Sermenta at Allan Gomez, na pinamunuan umano ng tinaguriang “convicted rapist-murderer” na si da-ting Calauan Mayor Antonio Sanchez. Dahil sa hindi makataong krimen na nagawa ni Sanchez, agad siyang hinatulan noon ng pinakamatinding sintensiyang ‘Heinous Crime’ at ‘Reclusion Perpetua’. Umalingawngaw din ang kontrobersiya ng pagpapalaya sa mahigit 1700 PDL o Persons Deprived of Liberty sa ilalim ng pamumuno ng napatalsik nang si dating Chief Bureau of Corrections (BuCor) Nicanor Faeldon.

ni KRIS ARGEL LOPEZ patas dapat

UMaling interpretasyon pala ang dahilan ng mistulang bulok na sistema sa piitan. Ayon kay Congressman Rufus Rodriguez, isa sa may akda ng nasabing batas, maraming nilabag ang mga opisyal ng BuCor. Hindi pala nito sakop ang mga hinatulan ng “Heinous Crime” at sinentensiyahan ng “Reclusion Perpetua”. Naging dahilan tuloy ito upang magsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte at magbaba ng utos na ibalik ang mga presong pinalaya at muling kalkulahin ang kanilang GCTA.

Mas mabuting pag-aralan na lamang muna ng maayos at konkreto ang pagsasakatuparan ng batas bago ito iimplementa sa sambayanan upang hindi na mas malaking gulo pa ang kaharapin ng pamahalaan.

Timbangan ng kasarian

mugong sa buong bansa ang pagpasa ng isang batas na kilala sa tawag na SOGIE Bill o Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill bunsod na rin nang mapabalita ang sapilitang pagpapaalis ng isang janitress sa isang transwoman na si Gretchen Custodio Diez sa banyo ng mga babae sa mall sa Cubao, Quezon City.

Ang SOGIE Equality Bill o Anti-Discrimination Act na inaprubahan noong taong 2017 ay ipinasa ng komite ng Women and Gender Equality bilang House Bill no. 4982. Kinikilala ng batas na ito ang pangunahing karapatan ng bawat tao anuman ang kasarian, katayuan, kulay, kapansanan, oryentasyong sekswal, o pagkakakilanlan o pagpapahayag ng kasarian, na malaya sa anumang anyo ng diskriminasyon. Hinihikayat din nito ang positibong paglalarawan ng LGBTQ+ community sa media upang makontra ang mga maling ideya ng iba.

Sari-saring komento at reakyon ang umalingawngaw sa social media. Maraming Pilipino ang nagsabi na may naaapakang karapatan ang batas na ito at masyado na itong pinagtutuunan ng pansin. Ipinaglaban din ng mga estudyanteng nagprotesta, at ilang pulitiko ang kanilang pagtutol sa SOGIE Bill sapagkat maaari raw umanong maabuso ang batas na ito at magamit bilang lisensiya upang makapambastos o mamboso. Opinyon naman ng iilan ay hindi raw umano ito dapat pagtuunan pa ng pansin dahil may mas mabigat pang isyung kinahakaharap ang bansa na dapat ay unahing bigyang solusyon ng senado.

Sa kabilang banda, maraming kabataan naman ng Taguig ang nagpahayag ng pagsang-ayon dahil para sa kanila ay may karapatan din ang LGBTQ+ na magkaroon ng sariling batas at mabuhay nang may karapatan katulad ng pagkikipaglaban ng mga babae para sa kanilang karapataan noon. Hindi lamang din naman ang LGBTQ+

ang makikinabang sa SOGIE. Sa katunayan, ang bawat kasarian ang may ‘SOGIE’ ngunit naiiba lang ang katawagan sa batas na ito. Ipinaglaban ng mga sumusuporta sa SOGIE Equality Bill at LGBTQ+ na nagbigay ng kanilang pananaw sa batas na ito sa People Power Monument noong ika-17 ng Marso. Pinapatupad ang mga batas para sa ikabubuti ng ating bansa at mamamayang nakapaloob dito at ito’y pinag-aaralang mabuti upang proteksyunan ang karapatan sa pagpapatupad nito. Nararapat na maging maalam at bukas ang mga mamamayan at mga kapwa estudyante sa mga sensitibong balita kagaya nito. Kailangan din ng masusing pag-aaral bago ipasa ang ganitong panukala. Pagbibigay ng respeto sa isa’t isa ang maaaring gawin upang maiwasan na maapakan ang karapatan ng kapwa. Bata, matanda, pulitiko, mag-aaral, babae, lalaki, o miyembro ka man ng LGBTQ, nararapat nating kamtin ang ating karapatan sa pagkakapantay-pantay.

Kung kaya’t lubha akong umaasa na posibleng masolusyunan ang nasabing krisis. Nais ko lamang na mabigyang pansin ito ng ating paaralan gayundin ng ating Kagawaran sa Edukasyon.

Lubos na gumagalang, Juliana Garcia

Magandang araw din sa iyo!

Tunay ngang kapansin-pansin ang problemang patuloy na lumalala kaugnay sa teenage pregnancy. Gayunpaman, isa sa mga programa ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagkakaroon sa bawat paaralan ng ‘sex education’ kung saan itinatampok dito ang mga kaalaman at impormasyon na may kaugnayan sa pagiging responsable sa panahon ng pagtatalik. Kasabay nito, paksa rin sa nasabing programa ang sekswalidad ng tao kabilang ang kalusugan, relasyon, pakiramdam, responsibilidad, bahagi ng katawan, sexual reproduction, sexual activity, age of consent at reproductive rights. Ngunit, bihira lamang sa mga paaralan ang mayroong ganitong uri ng edukasyon kung kaya’t bilang lamang ang may karampatang kaalaman dito.

Bukod dito, hindi rin natin masisisi ang pagkukulang ng departamento sa pagbibigay-paalala at impormasyon ukol sa sex education dahil masasabing nasa tao pa rin ang desisyon kung ito ay isasaisip.

Sa kabila ng lumulobong kaso ng maagang pagbubuntis, marapat lamang na isa ring salik ang pagiging responsable ng mga magulang sa kanilang mga anak dahilan sa sila ang tunay na nakakikilala rito. Gayundin ay dapat na magkaroon ng bukas na komunikasyon sa mga anak para maging mas komportable silang magtanong at pag-usapan ang anumang paksa.

Nawa’y magsilbing solusyon ang aking inilatag na pananaw ukol sa paksang tinalakay. Maraming salamat sa iyong pagsulat, Juliana!

Sumasainyo, Punong Patnugot

opinyon
editoryal Para kay Juliana Garcia Dibuho ni KIM JHON SIMON
09 /SinagTalaJourn | @SinagTalaJourn
Dibuho ni MICHAEL VALDEZ
Taguig
Opisyal
na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig
City, Pambansang Punong Rehiyon

Kapag driver, hindi lang basta sweet lover

ni ALLYSA DE ASIS

Pangarap. Ang lahat ng bagay ay nagsisimula sa isang munting pangarap. Mula sa maliit na pundasyon, lalago ang isang indibidwal at gagawa ng paraan upang makamit ang kaniyang mga mithiin. Sabi nga nila, kahit butas ng karayom, papasukin makamit lamang ang inaasam. Mayroong kamalayan ang pamahalaang lokal ng Taguig patungkol sa mga ganitong bagay. Kaya naman ang mga opisyal ng Taguig ay gumagawa ng iba’t ibang proyekto na makatutulong para sa kabataang Taguigeño, pamilyang Taguigeño, at mamamayang Taguigeño. Isa sa kanilang mga programa para sa mga minamahal na mga mamamayan ay ang pagbibigay ng libreng sapatos, uniporme, bag, lapis, ballpen, personal hygiene kit, at pati medyas, libre! Sa Taguig, ang kailangan mo lamang gawin upang umunlad ay maging masipag at mag-aral ng mabuti. Sapagkat lahat ng pangangailangan mo at sagot na ng lokal na pamahalaan. Sa unti-unting progreso at pag-unlad ng Taguig, marami ng mga proyektong naisagawa kung saan maraming mamamayan ang nakinabang. Ilan lamang riyan ang libreng gamit sa eskuwelahan, oportunidad upang magkaroon ng trabaho, libre at kalidad na mga gamot, at iba pa. Isa si Joel sa mga natulungan ng Taguig. Isang tricycle driver sa loob ng walong taon at kasalukuyang nasa edad na tatlumpu’t siyam. Bukod sa pagiging tricycle driver, siya ay isa ring empleyado sa opisina ng lungsod. Siya ay may asawa at may tatlong mga anak, na ayon sa kaniya ay natulungan ng husto ng lokal na pamahalaan. Libreng pag-aaral, kasama na ang lahat ng kakailanganin sa paaralan. Aminado si Joel na ang kinikita niyang limang daang piso sa isang araw sa pagbibiyahe ay hindi sapat para sa kaniyang pamilya. Kaya naman lubos ang pasasalamat ni Joel sa pamahalaan ng Taguig sapagkat libre na ang mga libro, gamit sa eskuwelahan, at pati na rin ang uniporme. Ayon sa kaniya, halos wala ng gagastusin dito sa lungsod ng Taguig. Ang tanging gagawin na lamang ng mga mag-aaral ay pumasok at mag-aral ng husto.

Bilang isang tricycle driver, malaking tulong at ginhawa para kay Joel ang pagkakaroon ng mga waiting shed kung saan maaring pumarada at maghintay ng pasahero ang mga drayber na tulad niya. Ito ay isa sa mga proyekto na inilatag ng pamahalaan upang matulungan ang mga kagaya ni Joel na tricycle driver. Hindi na sila maiinitan at mahihirapang maghanap ng pasahero sapagkat ang mga waiting shed ang nagsisilbing mga munting terminal.

Gaya ng nakararami, may pangarap din si Joel. At ito ay ang mapagtapos ang tatlo niyang anak. Sa tulong ng pamahalaan ng Taguig, unti-unti ng nakakamit ni Joel ang kaniyang pangarap sa buhay.

Siya ay si Joel - isang mamamayan ng Taguig o mas kilala bilang isang Taguigeño na patunay kung gaano kamahal ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan. Kung si Joel ang tatanungin, ang mensahe niya para sa mga kapwa Taguigeño ay matutong magbigayan sa lahat ng pagkakataon lalong lalo na sa mundo ng pagmamaneho. Matutong maging mapagkumbaba sa tuwing hahawak ng

PROGRESIBONG

Mahirap ngunit patuloy na magsisikap para sa bayang kumikislap

Repleksyon ng salamin

ni ADRIAN DAYON

Matatalim na mga matang may kumikislap na salamin ang titig na titig sa gadyet na nasa kaniyang harapan. Tila di mapakali dahil sa dami ng kaniyang gagawing kay hirap ubusin. Di matigil ang pagtipa sa kaniyang gadyet kahit na dalawin ng antok. Dahil para sa kaniya, para sa atin, tayo ang kinabukasan ng bayan natin.

Napakaraming gawain. Dalawang salitang tumpak sa paglalarawan ng sitwasyon ng kabataan sa panahon ngayon. Nariyan ang sandamakmak na aralaing dapat unawain, extra-curriculars, dagdag pa ang gawaing bahay. Na kung maaari lamang hilingin nating hatiin ang ating katawan ay matagal na nating ginawa. Ngunit sabi nga ng isang kapwa natin, ang paggawa at pagsunod ng sariling schedule ay isang malaking tulong upang mabalanse at walang masayang sa ating oras.

“Don’t dwell, move forward”. Ang sabi nga ng labing-walong taong gulang na si Nazka Leosala. Isang magma ng Taguig Science High School na kilala bilang isang napakasipag at matalinong estudyante. Ika nga niya’y dapat na maging matatag tayo sa anumang pagsubok upang hindi tayo maipit sa nakaraan at patuloy lang sa dinadaanan.

Iisa lamang ang ninanais nating mga kabataan sa ating paglaki, ang maibalik ang sakripisyo ng ating mga magulang at makatulong sa kabuuang ekonomiya ng ating bayan. Na kahit na napakarami nang hadlang ngayon sa ating henerasyon tulad ng tukso ng pagseselpon, paggamit ng oras sa di makabuluhang bagay, at katamaran ay nananatili pa ring buo ang ating isipan pagdating sa pangarap na ating nais makamtan.

“Sa madaling salita, pinagsamang katangian ng isang leader, isang follower, at isang teacher”.

Eksaktong salita mula kay Nazka Leosala na nagsisilbing tamang-tamang paglalarawan sa mga pag-asa ng bayan. Tila isang salaming nagpapakita ng repleksyon ng progresibong bayan at kaginhawaan. Marami pang pagsubok ang nakaabang sa atin ngunit ito’y sama sama nating haharapin ay sabay-sabay sasabihing, “Para sa bayan!”

Pagiging isang street sweeper, isang marangal na trabaho

Tingting para sa pangarap na nagniningning

ni ALLYSA DE ASIS

Walis, mop, at dust pan. Ayan ang hawak niya. Sa araw araw, ang tanging hangad ay maging malinis ang kapaligiran para sa kapakanan ng lahat. Dugo’t pawis niya ay alay niya sa bayan at sa kalikasan. Dahil ang tanging nais niya, ay isang komunidad na malinis at kaaya-aya.

Sa loob ng pitong buwan sa trabaho, kakikitaan siya ng sipag at dedikasyon. Hindi siya, “Street sweeper ‘lang’”. Isa siyang, “Marangal na Street

Kabalikat, Kasama, Katulong isang progresibong

Nililigaw ng kalyo ang sinumang kamay. Natanggal na ang natural na balat, nabilad sa araw at tumigas. yong mga daliri. Malalim ang mga rin ang napakagandang istorya na Kailangang mag-antay sa pagkagat sa madla ng sariwang ihahain. Batsa araw na pakikipagsapalaran sa lansangan.

“Palengke”, lugar kung saan lahat mga tindero’t tindera. Isa sila sa mga pamayanan kung wala sila, tiyak kong sa bawat isa. Para sa kanila walang At ang isa ay nais kong ipakilala. ”Handa ka na bang makilala siya?” kita sa Buhay ng isang tindera. “Gulay! Gulay kayo diyan, sariwang-sariwa!”, hikang salita na kapag sinambit ay araw na kaganapan sa buhay ni Remedios gulay sa C6. Bagamat 61 taong gulang upang kumayod upang matustusan langan. Isang bayani kung maituturing naitaguyod niya ang kanyang 5 anak Hindi biro ang paglalako niya sikat ng araw para lamang matugunan sikmura. Sa bawat araw siya ay kadalasang 250 pesos sa pagpapabalik-balik niya masasabing ito ay sapat na sa isang hang malampasan ang balakid sa masinop na tunay na ngang ugali Taong 1976 nang maging isang Remedios. Dahil sa panibagong kalbaryo Gng. Remedios at ng kanyang mag-anak. daan sa kanyang asawa at mga anak Lubos na nakatulong ang programa para sa mga mamamayang manlalayag. ng Taguig ay nagbigay ng mga libreng na magagamit sa pangingisda. Tunay bukas palad na ang Taguig sa minamahal Dagdag ni Gng. Remedios na kinaharap ng Taguig kumpara nung pag-usbong na naganap ang tila nagbukas isa. Sanay sa hirap at lumaking ulila kaya naman siya ang naging katuwang bilang isang ama. Dahil dito, bata kanya ang pagkakataong makapag-aral Pagiging isang guro ang propesiyong Subalit dahil isang hamak na bata ito ay naging imposible sa kanya dahil

Sa kabila ng lahat na kahirapan kasama niya ang Taguig sa pagtupad ngan na mapaginhawa ang buhay

Tulad ng isang bituin sa langit kislap. Marahil ang daan sa tuktok puntong walang kasing hirap ang nagsabi na ang buhay ay madali?

Mas lalong pinahanga ng siyudad kabataang tulad ko. Sapagkat kilala dad” kontraksyon mula sa probinsya hindi lamang para sa sibilisado ngunit napalapit na ang puso sa rural. At Naniniwala ako na sa habang mag-aalab ang apoy ng kagustuhan isang tinderang tulad ni Gng. Remedios kasing rurok ng mga

ni PRINCESS
SA
LIKOD
Matayog
minsang nawalan ng
alapaap.
Bituing
TOMO 10, BILANG 1 | Hunyo - Disyembre 2019 lathalain 10 11 /SinagTalaJourn @SinagTalaJourn

PROBINSYUDAD

Katulong mo para sa progresibong Taguig

ngminsangningning

PRINCESS CARZON

sinumang humawak sa iyong mga na hugis.Inalisan ng pusyaw ang Manhid na sa pukpok ang kinalguhit sa mukha subalit bakas pa na kalakip. pagkagat ng dilim, upang maghatid Batsa ang naging sandata sa arawlansangan. lahat ay namimili. Mayroong mga nagpapayabong ng ating kong magiging kalbaryo ito para walang oras ang dapat sayangin. ipakilala. Kaya’t ang tanong ko ay, siya?” Kung gayon halina at dadalhin sariwang-sariwa!”, ang tila mga maay maaring kumita. Ito ang arawRemedios Ignacio isang tindera ng gulang na hindi ito naging hadlang matustusan ang araw-araw na pangangaimaituturing si Gng. Remedios sapagkat anak sa kabila ng hirap ng buhay. niya sa ilalim ng nakasusunog na matugunan ang mga kumukulong kadalasang kumikita ng halagang niya sa lansangan. Hindi natin isang araw. Ngunit dahil sa kagustu buhay sinikap niyang maging ng mga Pilipino. isang residente ng Taguig si Gng. kalbaryo na dumating sa buhay ni mag-anak. Pangingisda ang naging anak upang makatulong. programa na mayroon ang Taguig manlalayag. Ang lokal na pamahalaan libreng kagamitan tulad ng lambat Tunay ngang kahit noon pa man ay minamahal nitong mamamayan. napakalaking pagbabago ang nung mga nakaraang taon. Ang nagbukas ng mga mata ng bawat ulila sa ama si Gng. Remedios katuwang ng kanyang ina sa pagtayo pa lamang ay naipagkait na sa makapag-aral at sungkitin isa-isa ang propesiyong hiling ni Gng. Remedios. bata na walang kamuwang-muwang, dahil sa napakatinding kahirapan. kahirapan na kanyang nalampasan pagtupad ng mga mumunting kahiling mga tulad niyang hindi langit na minsan ng nawalan ng tuktok ay lubhang matarik. May mga ating lalakbayin pero sino ang

Maraming pintuan ang nagbu siyudad ng Taguig ang mga kilala ito bilang isang “probinsyu probinsya at siyudad, kung saan ito ay ngunit pati na rin sa mga taong isa ang Taguig sa mga pintuang

habang panahon ay mas lalong

kagustuhan na maisasakatuparan ng

Remedios ang kanyang tagumpay na Matayog man kung abutin, magni-

Sa likod ng mataas na kalidad ng edukasyon

Sa labing-limang taon at susunod pa

Labing limang taon. Labing limang taon nang iniaalay ang sarili sa larangang pinili. Labing limang taon na ring naghuhulma ng mga kabataang masasabing edukado’t may magagandang pag-uugali.

Guro. Iyan ang propesyong tinahak ni Gng. Leila Beler dito sa Lungsod ng Taguig sa kabila ng kagustuhan niyang maging isang agriculturist. Kakulangan sa suportang pinansyal ang naging pangunahing dahilan kaya naman hindi tuluyang naisakatuparan ang kaniyang pangarap.

Taong 2003, nang pagpasyahan ni Gng. Leila Beler ang lumuwas dito sa Taguig upang mag-apply bilang guro. Napakahirap kasing maghanap ng mapapasukan sa probinsya nila noon kaya naman kahit malayo, ginawan niya ng paraan upang masuklian ang lahat ng kaniyang pinaghirapan.

Galak ang naramdaman nang palarin siyang makapasok bilang isang volunteer teacher na may Php 5,000 monthly honorarium. Tiyaga ang isa sa kaniyang mga ipinuhunan kaya naman makalipas ang isang taon ay naging regular siya sa pagtuturo sa Ricardo P. Cruz Sr. Elementary School mula noon hanggang ngayong taon.

Bukod sa pagiging pangalawang magulang sa eskwelahan, abala rin siya sa pagiging butihing ina sa kaniyang anim na anak at sa pag-aaral ng masters degree sa tulong ng LEAD program ng lungsod.

Laking tuwa rin ang namayani kay Gng. Beler pati na rin sa iba pang kaguruan dahil sa Lungsod ng Taguig, binibigyang prayoridad ang hanay ng edukasyon. Napakaraming benepisyo ang isinsakatuparan ng lokal na pamahalaan katulad na lamang ng libreng ticket sa panonood ng sine tuwing araw ng mga guro, libreng groceries tuwing Disyembre at ang pinamahalaga sa lahat ay ang monthly allowance na kanilang natatanggap.

Kaya naman sa buong labing limang taon ng pagtuturo, sinusuklian niya ang Lungsod sa pamamagitan ng paghuhulma ng mga kabataang hindi lamang sa larangang akademiko bumibida ngunit pati na rin sa wastong pag-uugali. Buong puso niyang iniaalay ang sarili hindi lamang para sa sariling kapakanan kundi para na rin sa pag-unlad ng Lungsod ng Taguig sa loob ng labing limang taon at panigurado’y sa mga susunod pang mga taon.

Pagdating sa kalusugan, sila ang maasahan

Kapit-kamay

ni NIKKI BARNAYJA

May nagbabantay sa dilim

11:43 PM

Mabilis ang pintig ng aking puso habang lakad-takbo kong binabagtas ang madilim na eskinita pauwi. Bawat paghakbang ay nagyeyelong lamig ng hangin ang humahaplos sa akin. Nagtayuan ang aking mga balahibo ng makarinig ako ng yabag na hindi sumasakto sa pagyapak ko sa semento. Huminto ako upang siguraduhing akin nga ang ingay ng paglapat ng sapatos sa lupa. Nakahinga ako nang maluwag nang tumigil din ang mga ito. Panatag ko na sanang ihahakbang ang aking paa nang marinig kong muli ang mga yabag na ngayo’y mas bumilis. Sa takot ay kumaripas ako sa pagtakbo habang kinakapa ang aking cellphone sa aking bulsa. Huminto ako nang saglit upang tawagan ang aking kapatid ngunit walang sumasagot. Sinilip ko oras sa aking relo.

11:56 PM

Hindi ako tumigil sa pagkontak sa aking kapatid, hanggang sa biglang may kamay na lumapat sa aking balikat. Dahan-dahan kong inilingon ang aking ulo...

“Gabi na ah,” bungad niya sa akin.

Halos mabunutan ako ng tinik sa dibdib nang maaninag ko ang mukha ng lalaki - si Mang Toto lamang pala - ang tanod ng barangay Wawa. Sa edad na 55 ay buong lakas pang nakapaglilingkod si Mang Edgardo o mas kilala sa tawag na Mang Toto sa barangay Wawa sa Taguig. Bakas man sa kaniyang mukha malalalim na guhit at kulubot na dulot ng katandaan ay hindi ito alintana ni Mang Toto basta ang mahalaga sa kaniya ay ang pag-aalay ng serbisyo sa lungsod na kaniyang pinaglilingkuran.

Bilang isang barangay tanod na nagsisilbi na sa loob ng 18 na taon, isa lang ang misyong kaniyang binibigyang-tuon, at ito ang mapanatili ang kaayusan ng barangay Wawa. Katuwang ng kapulisan, maigting na pinapanatili ng mga tanod na gaya ni Mang Toto ang kapayapaan ng nasasakupan. Sa pamamagitan ng mahigpit na pagmamasid ay naihahatid niya sa barangay Wawa ang kaayusan na kaniyang nais na makamtan ng bawat indibidwal dito.

“Minsan napapaaway pa kami, masigurado lang na ligtas ang lugar at ang mga nakatira rito,” pahayag ni Mang Toto.

Tuwing sasapit ang kadiliman ng gabi, mas pinagbubutihan pa ng mga tanod ang pagsubaybay sa lugar na kanilang nirorondahan, dahil ayon kay Mang Toto, sa mga ganitong oras daw lumalabas ang mga taong may masasamang balak. Hindi umano’y kasabay ng pagkagat ng dilim ay kanila ring pagpaplanong maghasik ng lagim.

Sa pagiging alisto, minsan na ring nadakip ng grupo ni Mang Toto, ang magnanakaw ng mga manok na mula pa ‘di umano sa Pasig at napadpad sa Taguig upang maminsala.

Payo ni Mang Toto sa ating mga kapwa Taguigeño, maging mabuti lamang na mamamayan at makakamtan natin ang kapayapaan. Talikdan na raw sana natin ang masasamang gawain upang mas maging maalwan ang ating pamumuhay.

Bukod sa mga kapulisan, nawa’y bigyan din nating pansin ang kabayanihan ng mga tanod na katulad ni Mang Toto. Kahit na pito at batuta lamang ang kanilang armas, ay napoproteksyunan pa rin naman nila ang bawat mamamayan.

Napatunayan na malaki nga ang ambag ng mga kagaya ni Mang Toto sa ating probinsyudad. Kapayapaan at kaayusan ang dulot na paglilingkod ng mga tanod sa ating bayan. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi magiging

LIKOD NG

lathalain

“Gusto mo ba ng cellphone?”

Isang katagang pupukaw sa interes ng isang batang salat sa pera. Kagamitang dahil sa kahirapan ay gugustuhing makamit lalo na’t kung ito ay abot-kamay na. Sa mababang estado ng pamumuhay sa lipunan, isang pagsubok ang sumubok sa katatagan ni Chuchay.

Mula sa seryeng Batang POZ na inilathala ni Segundo Matias, inilarawan dito ang buhay ng apat na kabataang sa ‘di inaasahang pagkakataon ay positibo sa pagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus o mas kilala bilang HIV, isang virus na unti-unting nagpapahina sa resistensya ng isang tao.

ABAKADA kung bakit ka isang dakila

Kulang pa ang hindi mabilang na tala sa langit, para ang pagpupuri sayo’y maiukit. Kulang pa ang samu’t-saring himig ng mga ibon at alitaptap na nagbibigay kulay sa gabing kay dilim...

lathalain / PAHINA 14

Isa sa apat na kabataang ito ay si Chuchay. Dahil sa kasalatan sa buhay ay maagang namulat sa karahasan ng lipunan. Sa kagustuhang makamit ang bagay na matagal na niyang inaasam-asam at upang makatulong sa pamilya, pinasok niya ang mundo ng paghahanapbuhay at sa ‘di inaasahan, siya ay nabugaw sa mundo ng sekswal na pamamaraan.

Dumalas ang kaniyang pakikipagtalik sa taong pinagkukuhanan ng pinansyal na siyang ipinantutustos sa luho’t pangangailangan ng pamilya. Lingid sa kaniyang kaalaman ang pagdapo ng sakit. Hanggang isang araw, sa pagsapit ng bukangliwayway, namumutlang labi at pananakit ng balakang ang gumising sa kaniya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Kalaunan, matapos ang masusing pagsusuri ng doktor, gulat at kaba ang bumalot sa buong pagkatao ni Chuchay nang malaman na siya ay positibo sa HIV.

Huwag basagin ang baboy

Nagulanta ang mga Pilipino nang ibalita ng Department of Agriculture (DA) na mahigit-kumulang isang libong baboy ang namatay dahil sa African Swine Fever (ASF) na iknumpirma ng isang labaratoryo...

agham / PAHINA 17

isports

Liwanag sa dilim

Tila hindi lamang ang 387 medalya ang nasungkit at napagwagihan ng ating bansa sa katatapos lamang na 30th South East Asian Games, bagkus bitbit din natin ang mga sigalot na kinasangkutan...

/ PAHINA 19

Lungkot, mababang kumpiyansa sa sarili at kawalan ng pagasa ang siyang kaniyang naranasan. Ngunit sa kabila ng pasakit na ito ng buhay, naririyan pa rin sa kaniyang tabi ang matalik na kaibigan at mga magulang na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa kaniya sa kabila ng lahat ng kaniyang pinagdaanan sa buhay.

Sa panahon ngayon, laganap at pataas nang pataas ang kaso ng HIV sa mga kabataang may edad 15-24 ayon sa ulat ng Department of Health. Ito lamang ay isang pahiwatig na dapat nating mapalawak at maimulat ang kamalayan ng bawat isa lalo na ang mga kabataan ukol sa ganitong sakit.

Kaya tara na’t simulan nang buksan ang mata ng mga kabataan. Huwag na nating hayaang masira ang kalusugan ng bawat pag-asa ng ating bayan. Dahil kung ang bawat isa ay mulat, tiyak na mabuting kalusugan para sa lahat ang tunay na mamamayani.

Mga dibuho ni KIM JHON SIMON

SPOLIARIUM
ni ALLYSA DE ASIS
I-SCAN UPANG MAPANOOD ANG MGA BATANG POZ EP. 1
SINAGTALA Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon TOMO 10, BILANG 1 | Hunyo - Disyembre 2019 12 13 /SinagTalaJourn | @SinagTalaJourn

“Dumilim ang paligid..”

Isang linya mula sa kantang ipinasikat ng bandang Eraserheads. Sa lalim at talinhaga ng mga salita, tila ba naging palaisipan sa mga tao noon kung ano ang kahulugan ng kanta. Sabi nila, tungkol raw ito sa isang pangyayaring maituturing na bangungot - panghahalay. Maihahalintulad ang titulong ito ng kanta mula sa isang obra ng isa sa ating mga pambansang bayani - si Juan Luna. Sa kaniyang pinta, matatagpuan ang iba’t-ibang uri ng kalupitan. Mayroong isang lalaking labis na pinahihirapan at hinihila ng nakadapa. At sa madilim na sulok ng kwadradong obra, makikita ang isang dalaga. Nakatalikod sa madla, habang ang saplot ay kalahati na lamang ang nakikita.

Kalupitan - ito ang ipinahihiwatig ng dalawang magkaibang klase ng sining. At magpahanggang ngayon, ang iba’t-ibang uri ng pagmamalupit ay patuloy na nangyayari nang hindi bantad sa mga mata ng nakararami. Balangkas ng impyerno kung tawagin ang lahat ng uri ng pagmamalupit sa kapwa tao. Isa na rito ang hazing.

Kamakailan lamang ay gumulantang sa madla ang pagkamatay ng isang kadete na si Darwin Dormitorio. At ang dahilan - hazing. Ika-18 ng Setyembre taong kasalukuyan namatay

tungkol sa ‘asin’ tax na balak isabatas ng Department of Health o DOH nito lamang nakaraang buwan.

Sa ilalim ng panukala ay plano ng DOH na patawan ng batas ang mga pagkaing maaalat gaya ng daing, sardinas, at noodles. Rason ng DOH sa aksyong ito ay upang matuunang pansin ang lumalalang kaso ng non-communicable

Laban Konsyumer Inc. na pagtibayin na lamang ang naisabatas nang ‘An Act for Salt Iodization Nationwide’ o ASIN Law.

Sa ilalim ng nasabing batas, kinakailangang i-iodize ang lahat ng food-grade salt na ima-manufacture ng mga prodyuser.

Sa pamamagitan ng batas na ito ay maaantabayan ang sinasabing problema na maglulugmok sa mga mahihirap sa kahirapan.

Baka imbes na masarap daing ang maihain sa hapag ay daing na lamang ng kumakalam na sikmura ang malasap. Mainit na sinangag na may kasamang daing at kamatis, sabayan mo pa malinamnam na sabaw ng noodleshmmm... isang maalat na pagsasabuwis.

ang kadete dahil sa hazing. Pitong kapwa niya kadete ang kumpirmadong may sala sa kaniyang hindi makatarungang pagkamatay. Nagtamo si Dormitorio ng maraming pinsala sa kaniyang katawan dahil sa sunod-sunod at halos walang tigil na pambubugbog sa kaniya ng kaniyang mga kasama.

Noong sandaling iyon, naalala ko ang kwento ng kaibigan kong itago natin sa pangalang Ben. Normal lamang ang araw na iyon para sa aming magkakaklase nang dumating si Ben. Hindi tulad ng nakasanayan naming ugali at pakikisama niya, matamlay si Ben. Namumutla, nanghihina. Gayunpaman, nagwika siyang wala siyang iniinda.

Hindi ako nakatiis at nilapitan ko siya. Sa oras na iyon, nagimbal ako sa aking nakita. Mga paso ng sigarilyo ang nakita ko sa mga kamay ni Ben. Hindi man niya direktang inamin ang dahilan ng mga pasong iyon, alam ko na. Isang palantandaan ang mga paso ng sigarilyo sa kamay para malaman na ang isang tao ay miyembro ng isang kilalang ‘fraternity’ sa aming lugar. Pinili ni Ben na ilihim sa akin ang pangyayari noong siya ay sumali sa grupo. Ano bang mayroon ang isang fraternity at ‘okay lang’ na saktan ka makasali ka lang?

Proteksyon, iyan ang pangako nila sa kanilang mga kasama. Kapag nasa isang grupo ka, sino man ang umaway o

gumalaw sayo ay kaaway na rin ng buong grupo ninyo. Kung kinakailangang sugurin o magkasakitan ng pisikal, grupo kayo kaya grupo din kayong sasama sa tinatawag na rayot.

Maihahalintulad ang kaso ni Darwin Dormitorio at ng kaibigan kong si Ben sa mga likhang sining ng Eraserheads at ni Juan Luna - Spoliarium. Pagmamalupit ng walang malinaw na dahilan, pagtitiwala sa sinasabing kapatiran ng walang kasiguraduhan. Isa ang hazing sa itinuturing na pinakamalalang paraan ng pagkamatay. Sapagkat sa hazing, para kang isang taong martyr sa pag-ibig. Alam mong sinasaktan ka na ng sobra at hinahayaan mo lang sila, ngunit hindi ka lumalaban. Hindi ka gumaganti.

Kung uunawain maigi ang kahulugan ng obra, kung mariing pakikinggan ang mga liriko ng kanta, kung sisimpatyahin ang balita, at kung hindi lamang sana naglihim sa akin si Ben, sigurado akong kung may pagkakataon ay nakuwento nila sa atin kung gaano kadilim ang paligid habang sila’y pinagmamalupitan. Nakuwento nila sa atin kung gaano kahirap ang kanilang mga dinanas sa kamay ng mga taong walang karapatang saktan sila. Nakuwento siguro nila sa atin kung gaano nila ninais at ipinalangin na...

“Puwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo?”

Rebyu ng ‘Mga Batang POZ’ ni Segundo D. Matias Jr. ni JAMILA HILBOY

lathalain

SINAGTALA

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig

Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon

Bayani ng hapag

Magtanim ay ‘di diro, maghapong nakayuko, ‘di naman makatayo, ‘di naman makaupo.

Isang awiting inawit ng grupong sikat noon pa man na kung tawagin ay Bulilit Singers. Awiting naglalahad ng buhay na mayroon ang mga magsasaka. Buhay na kanilang kinamulatan. Buhay na pilit ginagamot ang kahirapang kanilang tinatamasa.

Pagsasaka ang isa sa mga pinakamahirap na trabaho ng isang Pilipino. Uunahan ang araw na gumising sa umaga upang maghanda sa isa na namang pagsubok ng buhay. Walang tigil sa pagbubungkal ng lupa, walang pag-iinarteng baka mangitim ang buong katawan at walang kapaguran sa pagkayod sa ilalim ng tindi ng sikat ni haring araw. Hanggang sa pag-uwi ay walang aabutang sikat na dadampi sa nangingitim na balat.

Halos limang buwan pa ang hihintayin upang maani ang mga itinanim at sa paghihintay na iyon, kung minsan ay walang makain isama mo pa ang walang kasiguraduhan kung sapat ba ang kikitain upang punan ang kumakalam na sikmura ng pamilya. Idagdag pa ang sigalot sa pagpapataw ng taripa, dulot ay alalahanin kung papaano pagkakasyahin ang pitong pisong bunga ng ilang buwang dugo’t pawis. Imbis na iangat

G!

Gala tayo

ni NIKKI BARNAYJA

“Broom! Broom!” sabi ng e-jeep na aking sinasakyan habang dahan dahang humihinto sa tapat malagong taniman na kung tawagin ay ”Urban Farm”. Nagtataasang mga gusali? Kubong pasyalan sa ibabaw ng lawa? Ah oo, ito nga pala ang tinaguriang, “probinsyudad”. Halika’t hayaan mo akong igala ka aming ipinagmamalaking baryo ng ligaya.

Kilala ang Taguig sa bansag na ito dahil sa pinagsamang urban at rural na pamumuhay. Talaga namang mamamangha ka sa isang pasyalan dito na nakaanyong kubo sa gitna ng lawa na nagpapahiwatig ng mala-rural na pamumuhay. Ang Mercado del Lago ay tinatawag na “Floating Food Park” dahil pagpasok mo pa lamang ay bubungad na sa iyo ang napakaraming food stalls na may barayti ng pagkain maging ang masarap na simoy ng hanging nagmumula sa lawa. Sa gabi naman ay nakabukas ang mga lanterns na nagsisilbing ilaw sa buong lugar tulad ng mga nakaantig na senaryong nakikita natin sa telebisyon. Sa kabilang banda naman ay makikita ang 2500 square meter na Urban Farm na di mo aalakalaing dating tambakan ng basura. Mayroon itong orchidarium, pole garden at vertical farm. Naglalaman ito ng iba’t-ibang pananim tulad ng kamatis, talong, okra, lettuce, at repolyo na talaga nga namang mababakas ang urban-rural na pamumuhay. Kalimitang napupunta sa feeding programs ang mga naaani mula dito kung kaya’t doble tulong talaga ito sa kapaligiran maging sa taumbayan.

Siyempre’y di mawawala ang sasakyang “eco-friendly” na siyang magsisilbing gabay at gulong mo sa anumang lakad. Nitong taon lamang inilunsad ng gobyerno ang e-jeep na imbis gasolina ang nagpapagana, elektrisidad ang nagsisilbing power house ng sasakyang ito. Bawas usok na nga sa daan, mas marami pa ang makasasakay! Bukod pa dito ay air-conditioned ang loob na patok sa mainit na klima ng ating bansa.

Mayaman man o mahirap, kayumanggi man o maputi, lahat tayo ay may karapatang sumaya kasama ang ating pamilya. Ang mala-rural na pamumuhay na nagbabalik satin sa maliligayang ala-ala ng nakaraan at ang nakasisilaw na ganda ng urbang pamumuhay ang siyang magiging bagong paboritong duo ng masa. Kumusta? Masaya ba ang gala mo?

mula sa hukay ng sakahan ay lalo pang ibinabaon sa putik ng kahirapan, na siyang unti-unting gumugutom at pumapatay sa mga tunay na nagpapakain sa atin.

Bukod pa rito, sa kanilang pamamalagi sa sakahan, hindi maiiwasan ang panghihi na ng resistensya na siyang dahilan upang madapuan ng iba’t ibang klase ng sakit. Sa kamulatan sa buhay na mayroon sila, tila itinatanggal sa kanilang mga karapatan magpahinga kahit lamang sandali. Dahil kung hindi magpapatuloy sa pagkayod at magpapadala sa sakit, tiyak na gutom ang aabutin. Walang karapatang magpahinga sa kadahilanang nakaatang sa kanilang balikat ang kaning maihahanda sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino.

Kung bubuksan ang ating puso’t isipan, kahabag-habag ang buhay na mayroon ang mga magsasaka. Mula sa matinding pag tatanim sa sakahan hanggang sa panahon ng pag-ani at sa paghihintay na makamtan ng palad ang kukurampot na sahod. Kalunoslunos. Kaawa-awa.

Kaya sa sandaling mabasa mo ito, sa mahan mo akong bigyan sila ng pagrespeto’t pagpupugay dahil isa rin sila sa maituturing na mga bayani ng ating bayan. Bayani na bubuhay sa Pilipinas. Bayaning pupunan ang hapag ng bawat pamilyang Pilipino.

Dear diary,Scientian na ‘ko!

ni ALYSSA DE ASIS

Unang araw ng klase, nasa panibago akong mundo. Ibang paligid, ibang tao, iba ang lahat. Hindi na tulad ng dati ang buhay ko ngayon. Dear diary, scientian na ko! Tulad ng karaniwan at tradisyunal na nangyayari tuwing unang araw ng klase, isa-isa kaming nagpakilala at tumayo sa harapan. Bawat isa ay kakaiba. Bawat isa ay may kaniya-kaniyang storya. Kumiliti sa aking mga tainga ang bawat salitang ibinigkas nila. Nakagigiliw, sa totoo lang. Sa kanilang mga galaw, iba ang dating! Magiliw, masayahin, maging makitungo sa kapwa Scientian. Sa aking patuloy na obserbasyon, ito ang napansin ko sa kanila. May tanong ka? Isang lapit ka lang, at tutulungan ka nila. Guro ba kamo? Aktibo, matalino, masipag, at higit sa lahat, uunawain ka sa lahat ng aspeto. ‘Yan ang mga gurong Scientian, paniguradong hindi ka uuwi ng walang nalalaman.

Mapagmahal, ngunit hindi nakalilimutan ang disiplina. Supportive, at kaya niyang ibigay ang lahat para sa kaniyang mga guro at mag-aaral. Siya ang natatanging punongguro ng Taguig Science High School, si Ed. D. Nelson S. Quintong. Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming mga kampyonato at parangal ang eskuwelahan. Ito ay dahil sa kaniyang walang sawang suporta para sa kaniyang mga minamahal na mag-

aaral. Mapalad ang mga Scientian sapagkat mayroong isang Sir Nelson na gagabay, susuporta, at magtuturo sa kanila. Nakatutuwa rin ang mga tauhan o mga kasama sa paaralan. Mayroong mga naggagandahan at nagg-gwapuhang mga guwardya na titiyaking ligtas kang makapapasok at makalalabas ng paaralan. Oops, bawal kang lumabas ng paaralan kung wala kang wastong dahilan. Dahil gusto nila tayong protektahan, kaya kung sakaling mabasa niyo po ito Sir at Ma’am Guard, salamat po! Tuwing umaga kapag papasok ako sa paaralan, nakikita ko silang abala sa kanilang ginagawa. Sila ang mga tindera sa canteen. Sa tatlong canteen na mayroon ang TagSci, magugutom ka pa ba? Lahat sila ay madaling kausapin at pakisamahan, kaya naman marami na silang mga mag-aaral na matalik nilang kakilala. Hindi ko man alam ang lahat ng kanilang pangalan, ngunit malaki ang pasasalamat ko sa kanila. Dahil sa pagbebenta ng mga pagkaing hindi magdudulot ng sakit sa mga Scientian. Hay, ang buhay Scientian. Kapapasok ko pa lamang, pero alam kong lalo kong mamahalin at magugustuhan ang TagSci dahil sa mga kasama, kaklase, mga guro, at lalo na ang punongguro. Iba talaga ang pakiramdam, hindi ko halos maipaliwanag. Dear diary, scientian na ko!

ABAKADA kung bakit ka isang dakila

ni PRINCESS CARZON

Kulang pa ang hindi mabilang na tala sa langit, para ang pagpupuri sayo’y maiukit. Kulang pa ang samu’t-saring himig ng mga ibon at alitaptap na nagbibigay kulay sa gabing kay dilim, para ipahayag kung gaano ka kahalaga sa aking buhay. Kulang pa ang mga nagbabadyang patak ng ulan, para iyong masaksihan ang lubos na pagmamahal. Kulang pa ang salitang “salamat” para sa itinuro mong panibagong kabanata na aking tatahakin at hindi malilimutan magpakailanman.

Napakarami mang kulang ang aking naumpisahan, hindi ka naman nagkulang na punan ang blankong patlang sa aking puso’t isipan. Ikaw, oo ikaw nga. Nais mo rin bang punan ang kuryosidad na bumabalot sa iyong isipan? Kung gayon, halika at hayaan mong ako ang maging sulo na magbubuklat sa pahina ng Abakada kung bakit nga ba siya isang dakila.

Simulan natin sa letrang A, Anak. Eskwelahan ang sinasabing pangalawa nating tahanan,sa pagpasok ko sa pinto ng apat na kanto ng silid na ito napagtanto ko na isa kang haligi at ilaw ng aking buhay at itinuring mo na ako na para bang isang iyong anak. BA, bakas sa iyong labi ang saya nang maituro mo sakin ang mga aral na tinitiyak kong dadalhin ko hanggang sa aking pagtanda. KA, kahit mahirap ay hindi alintana,kahit anong balakid ay patuloy na kinakaya.

DA, dahil ayaw mo nga palang tahakin ko ang isang landas na para bang walang kasiguraduhan, kaya patuloy kang magiging E, espesyal para sa aking mga mata. Wala mang materyal na bagay ang maibibigay para mapantayan ang iyong kadakilaan, asahan mong respeto at GA, galang ang buong pusong HA, handog at habambuhay ipapadama.

LA, lagi sanang tatandaan na higit pa sa iyong propesyon an gaming tinitingala kung hindi ang lubos mong kagustuhan na ang mga mali ay maitama.

MA, maaaring saglit na panahon lang ang ating pagsasama. Ngunit NA, nananatiling nakakintal sa aking sistema ang iyong pagpapagal.

NGA, ngayon patuloy kang lumalaban at iyon ang nagiging dahilan para ikaw ay maging huwaran.

O, oras ay hihilinging tumigil upang tanawin ko ang malaking utang na loob na iyong ipinunla.

PA, pagmamahal ng isang pangalawang magulang ang iyong ipinakita, na ipapaalam ang tama sa mali at ang mabuti sa masama.

RA, rason kung bakit natupad ang mga SA, sana. Ibig siguro ng TA, tadhana na tayo ay pagtagpuin para sa ikabubuti.

WA, wala ng makakapantay pa sa iyong kagalingan, kahit pa ikaw ay tao rin at nagkakamali. Para sa huling letra isang mahigpit na YA, yakap ang nais sanang ialay ng inyong nagpapasalamat na anak. Saksi ang Taguig Science High School sa hindi matatawarang pagkalinga at pagmamahal ng mga taong gumabay sa akin. Dahil sa inyo, kami nag-alab, nagsumikap, nangarap at nagpumilit umahon sa hirap ng mga pagsubok. Ang iba’y nag-asam na kayo ay maging katulad. Inspirasyon, ang tulad niyong naghihirap para hubugin ang pag-asa ng bayan. Salamat sa Abakada na sa iyo rin nagmula, naiparating ko kung gaano ka kahalaga. Abakada, na hindi nagtatapos sa mga letrang aking tinipa, sapagkat ito ang magpapatuloy nang habambuhay na pagpaparangal sa inyo. Abakada, kung bakit isa kang dakila. Abakada para sa iyo aming guro, titser, Ma’am, Sir, Ms., Mr., Binibini, Ginoo at Maestro.

Hunyo - Disyembre 2019
TOMO 10, BILANG 1
Pagpupugay sa mga magsasaka ng bayan
Sining ni CHOLO MOISES
ni JAMILA HILBOY
14
DE ASIS Kuha ni: Allysa Caranguian

Huwag basagin ang baboy

DOH: Di dapat katakutan ang African Swine Fever

ni CYRA OCANADA at JON GUMISAD

agulanta ang mga Pilipino nang ibalita ng Department of Agriculture (DA) na mahigit-kumulang isang libong baboy ang namatay dahil sa African Swine Fever (ASF) na iknumpirma ng isang labaratoryo sa United Kingdom na kanilang pinagdalahan ng mga “swine tissue samples”.

Isinaad naman ng Department of Health (DOH), Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development (DOSTPCHRD), World Organization for Animal Health at iba pa na ang ASF ay hindi nakapipinsala sa kalusugan ng tao.

Legalisasyon ng Marijuana: Lunas o Banta?

LSa loob lamang ng isang buwan, pumatay na ng halos 20,000 na baboy ang ASF na siya naming ikinabahala ng mga Pinoy na agad namang pinangakuan ni William Dar, kalihim ng DA, na gagawin nila ang kanilang makakaya para pigilan ang pagkalat ng ASF. Ayon sa World Health Organization, ang African Swine Fever ay isang nakahahawang sakit sa mga baboy at hindi direktang nakahahawa sa mga tao, posible naman itong maisalin ng tao sa baboy kapag nakakain o nakahawak ito ng kontaminadong karne. Unang nakita ang virus sa Sub-Saharan Africa noong 1920, pero nangyari ang unang outbreak nito sa Portugal noong 1957. Sa kabila ng matagal na nitong pagkadiskubre ay wala pa ring lunas o vaccine para dito.

Sintomas ng sakit Ang sintomas na makukuha mula sa ASF ay mataas na lagnat, kakulangan sa ganang kumain, pagkahina, pamumula at pagkakaroon ng ‘spots’ sa balat ng baboy. Tumatagal ang ASF sa katawan ng baboy ng 7-10 araw bago ito tuluyang mamatay. Ligtas pa rin bang kumain ng ‘baboy’? Tulad ng nabanggit, walang epekto ang ASF sa isang tao. Kapag lulutuin ang baboy ay mas lalong magiging ligtas ang mga tao na kainin ito. Tiyakin din na ang bibilhing mga karne ay mula sa mga aprubadong meathouse. Kailangan ring iwasan ang mga karne o produkto mula sa Mekeni na ibinalita na positibo sa ASF para sa mas tiyak na kaligtasan ng taong bayan. Naglaan na ng P82.5 milyon ang Department of Budget and Management para paigtingin ang preventive measure kontra sa ASF upang matanggal ang takot sa mga Pilipino. Nakahanda na rin magpautang ang DA ng P30,000 interest-free loan, na maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon. Bibigyan din ang mga hog raiser ng P3,000 sa bawat baboy na dumaan sa culling procedure.

Epekto sa publiko

Alinsunod ng kabi-kabilang balita sa pagkalat ng ASF sa bansa, kali-kaliwa rin ang naging reaksyon ng mga mamamayan ukol dito. Dulot sa takot sa naturang virus, tumumal umano ang bentahan sa karne ng baboy sa mga pampublikong pamilihan.

“Lubhang naapektuhan yung benta namin nung kumalat nga yung balita tungkol dun sa African Swine Virus. Wala naman kaming magagawa kung takot yung mga tao na kumain ng karne ng baboy,” wika ni Danilo Gutierrez, isang tindero ng karne sa Taguig People’s Market.

Ilang hakbangin din ang isinagawa ng canteen sa Taguig Science High School. Wika ni Joana Guevara, tagapangasiwa ng nasabing canteen, nagpalit umano ng mga putaheng itinitinda sa kantina, sa kadahilanang may takot pa rin ang mga estudyante sa pagkain ng karne ng baboy.

“Yung mga ulam na inihahanda namin, umiikot na lang muna sa iba’t ibang luto ng gulay, isda at manok. Nagbawas kami ng ibang putahe ng baboy, mabuti na rin kasing mag-ingat,” dagdag pa niya. Bumalik naman sa normal ang galaw at bentahan ng karne ng baboy matapos makapaglabas ng pahayag ang DOH patungkol sa isyu.

imang taon na ang nakalipas ngunit hanggang sa kasalukuyan ay isang malaking palaisipan pa rin sa mara- ming Pilipino kung nararapat nga bang gamitin ang marijuana sa larangan ng medisina, gayong hindi kaila na marami ang gumagamit nito sa maling paraan.

Ang Cannabis sativa o mas kilala sa tawag na marijuana ay isang halaman na kinakitaan ng potensyal bilang lunas sa mga malulubhang karamdaman tulad ng kanser, epilepsy, autism, arthritis at iba pang neurological disorders. Dagdag pa rito, maaari ring maging painkiller ang medical marijuana sa mga nakararamdam ng labis na pagkahilo at pagsusuka.

Sa isinagawang pag-aaral ng University of the Philippines-Institute of Human Genetics, National Institutes of Health, 189 sa bawat isandaang libong Pilipino ang may sakit na kanser at apat sa mga ito ang namamatay kada oras.

Patuloy na lumalaki ang bilang ng mga namamatay sa kanser sa paglipas ng panahon dahil hanggang sa ngayon ay wala paring nahahanap na lunas sa sakit na ito. Hindi maipagkakaila na kung tuluyan ngang

E-Cigarette, alternatibo para sa sigarilyo?

ni MARICRIS SARMIENTO

Alternatibo sa paninigarilyo kung ituring ng nakararami ang paghithit ng e-cigarette o vaping dahil sa pag-aakalang mas ligtas ito sa kalusugan.

Ngunit nilinaw ng World Health Organization (WHO) na taliwas ang ipinakakalat ng mga manufacturers at users na ligtas ang paggamit ng vape.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi maaaring gamiting alternatibo ang vape ng mga nagnanais na tumigil sa paninigarilyo.

Gaya ng mga nakasanayang sigarilyo, nagtataglay rin ng Nicotine ang vape.

Maaaring magdulot ng pagtaas ng presyon ng dugo at pagbilis ng tibok ng puso ang naturang kemikal.

Bukod dito, kabilang din sa mga kemi-

magiging ligal ang paggamit ng medicinal marijuana ay magkakaroon ng malaking pag-asang maisalba ang buhay ng mga Pilipinong tinamaan ng naturang sakit.

Sa kabilang banda, lumabas din sa pananaliksik ng UP-National Institutes of Health na ang legalisasyon ng marijuana ay maaaring magdulot ng distance perceptions at humantong sa mas malalang karamdaman tulad ng schizophrenia.

Nagpahayag din si House deputy minority leader Lito Atienza ng pagkabahala sa napipintong legalisasyon ng medical marijuana dahil para sa kanya ay magbubukas lamang ito ng pagkakataon para sa karamihan na abusuhin ang paggamit nito na sa kalauna’y magiging mitsa ng mas malaking dagok para sa mga Pilipino.

“Marijuana is a poison. No amount of sugar-coating will make the illegal drug less toxic,” diin ni Atienza.

Matapos aprubahan ng House Commitee on Health ang House Bill No. 180 o An Act Providing Compassionate and Right of Access to Medical Cannabis and Expanding Research Into Its Medicinal Properties, inilahad ni PDEA Director General Aaron N.

Aquino na napapanahon na nga para maging bukas ang medicinal marijuana sa mga nangangailangan nito.

Nakapaloob umano sa nasabing panukala ang mga paraan kung paano masisigurong hindi aabusuhin ang pagsasaligal ng medicinal marijuana. Isang hakbang ay ang pamamahagi nito sa mga kapsula o tableta sa halip na dahon mismo ng cannabis. Nararapat din aniyang pagtibayin ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na magbibigay ng kaparusahan sa sinumang mangangahas na lumabag sa tamang paggamit ng medical cannabis. Gayong patuloy pa ring inilalakad sa kongreso ang hangaring maisaligal ang medicinal marijuana, magsilbi pa rin sana itong tanglaw sa mga Pilipinong may malulubhang karamdaman at babala naman para sa iilang nagnanais na samantalahin ang paggamit ng medicinal marijuana. Huwag ipagkait ang lunas sa mga may karamdaman. Dapat na maging patas anumang magiging desisyon ng hukom at hindi nakapabor lamang sa mga may pera at kapangyarihan dahil nakasalalay rito ang buhay ng milyon nating mga kababayan.

kal na mayroon ang vape ang formaldehyde na maaaring makapagdulot ng kanser.

Ayon sa kalihim ng Estados Unidos, mayroon ng 1,299 kaso ng sakit na idinulot ng vape at 26 katao mula sa mga ito ang naitalang namatay sa buwan ng Oktubre, 2019. Kasunod nito, pinatawan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng closure orders ang humigit sa sampung vape shops sa lungsod ng Taguig alinsunod umano sa plano ni Pang. Duterte na pagbabawal sa paggamit at pag-import ng vape products sa bansa.

Ayon sa BPLO, kaakibat ito ng aksyon ng lungsod kontra sa paninigarilyo sa mga pambublikong lugar. Matatandaan na ipinatupad sa lungsod ang City Ordinance No. 15 noong 2017, na nagbabawal sa pagtitinda

ng sigarilyo at iba pang tobacco products sa loob ng 100 metrong layo mula sa mga paaralan, public playgrounds, mga ospital at mga pambublikong pasilidad.

Kaugnay nito, inilunsad ng WHO ang bagong ICD Codes para sa mga karamdamang dulot ng vaping.

Isinasaad ng New International Code o ICD 20 Code U07.0 na ito ay isang international tool na gagamitin upang maklasipika at masubaybayan ang mga pasyenteng maitatalang apektado ng sakit na dulot ng paggamit ng vape.

Malinaw na hindi ligtas ang paggamit ng vape mapabata man o matanda ang gumagamit. Bukod pa dito ay hindi rin ligtas ang mga taong makalalanghap ng usok na ibinubuga nito.

agham
15 SINAGTALA Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon
Dibuho ni KIM JHON SIMON
HA-VAPE O WALEY?
N /SinagTalaJourn | @SinagTalaJourn

SINAGTALA

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig

Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon

Watt? Lowbatt na naman?

I-charge na yan, pati ang isipan

ni ADRIAN DAYON

Nakasisilaw ang liwanag na dumadampi sa kaniyang mukha habang naglilikot ang kaniyang mga daliri sa maliit na kwadradong elektronikong kagamitan. Pangiti-ngiti pa ang binata nang biglang dumilim ang paligid. 3% Taong 1800 nang maimbento ni Alessandro Volta ang ‘first true battery’ na kung tawagin ay Voltaic Pile. Gawa mula sa pinagpatong-patong na layer ng copper at zinc na pinaghihiwalay naman ng layer ng cardboard o ‘di kaya ng telang isinawsaw sa brine, ang nasabing imbensyon. Nakalilikha ng tuloy-tuloy na daloy ng kuryente ang Voltaic Pile, ngunit hindi ito nakapagbibigay ng pangmatagalang elektrisidad, na umaabot lamang sa ‘di hihigit sa isang oras. Isa sa mga kinahaharap ng problema sa imbensyon na ito ay ang pagkakaroon ng short-circuit na epekto ng ‘di inaasahang pagtagas ng electrolyte, at ang paglitaw ng mga hydrogen bubbles sa copper na nagpapataas sa internal resistance ng baterya. 10%. Makalipas ang dalawang dekada ay nasolusyonan ng imbensyon ni John Frederic Daniell, isang British chemist, ang pagkakaroon ng hydrogen bubbles sa Voltaic Pile ni Volta sa pamamagitan ng paggamit ng pangalawang electrolyte solution na naprodyus ng unang conductor. Hango sa apelyido ng imbentor ang naging bansag sa imbensyon na Daniell Cell. Binubuo ang Daniell Cell ng zinc electrode na nakalubog sa zinc sulphate solution at copper electrode na nakahalo naman sa copper (II) sulphate solution. Ito ang kauna-unahang baterya na gumamit ng mercury upang maiwasan ang pangangalawang.

Ginamit ni John Dancer, isang instrument maker, ang disenyo ng Daniell Cell noong taong 1838, na binansagang Porous Pot Cell. Ang bateryang ito ay mayroong central zinc anode na nakababad sa earthenware vessel na naglalaman naman ng zinc sulfate solution. Nakalubog naman ang porous earthenware pot sa copper sulfate solution na nakalagay sa loob ng copper can na siyang nagsisilbing cathode ng baterya. 25%. Isa sa mga disadbantahe ng mga naunang nabanggit na baterya ay ang pagig-

ing primary cell lamang ng mga ito. Nangangahulugan na kapag nagamit na ang lahat ng chemical reactions nito ay wala na itong silbi. Hindi na ito muling magagamit pa.

Taong 1859 nang makahanap ng solusyon si Gaston Planté sa ganitong problema sa pamamagitang ng paglikha sa unang rechargable battery - ang Lead-Acid Battery. Ang imbensyon ni Planté ay binubuo ng lead dioxide cathode, sponge metallic lead at sulfuric acid solution electrolyte. Sa pamamagitan ng pagpapasa ng charging at discharging current sa cell, ay mas napapahaba ang kayang itagal ng bateryang ito.

Taong 1866 nang makalikhang muli ng panibagong bersyon ng baterya ang French scientist na si Georges Leclanché. Tinawag ang kaniyang imbensyon bilang Leclanché Cell, isang Carbon-Zinc battery. Ito ay binubuo ng zinc anode at manganese dioxide cathode na nakabalot sa porous material. Ginamitan ang bateryang ito ng ammonium chloride bilang electrolyte solution.

50%. Sa pamamagitan ng pagpapalawig pa sa Leclanché Cell, naimbento ni Carl Gassner ang kauna-unahang dry cell. Gumamit ng Plaster of Paris si Gassner upang malikha ang ammonium chloride paste, na siya namang inihalo sa kaunting dami ng zinc chloride upang mas mapahaba ang life span ng baterya. Isa sa mga naging resulta ng imbensyon ni Gassner ay ang pagiging solido ng baterya. Nakapagprodyus din ito ng 1.5 na boltahe ng kuryente. Tinuring na mainam na imbensyon ang gawa ni Gassner dahil bukod sa matibay, ay mas madaling makagagawa ng maraming dry cell kumpara sa wet cell.

Taong 1899 nang maimbento ang Nickel-Cadmium Battery ng isang siyentipikong nagngangalang Waldermar Jungner. Isa itong secondary cell o rechargable battery na naglalaman ng nickel at cadmium electrodes na ibinabad sa potassium hydroxide solution. Ito ang unang bateryang gumamit ng alkaline electrolyte na siyang naging sanhi upang ito ay makapagprodyus ng mas mainam na energy density kumpara sa lead-acid battery. Bukod sa Nickel-Cadmium

Battery, si Jungner din ang nasa likod ng Nickel-Iron Electric Storage Battery at rechargable alkaline Silver-Cadmium Battery.

75%. Hindi naman nagpahuli si Thomas Edison sa kaniyang Edison Battery na ginamitan ng alkaline cell na may iron bilang anode at nickel oxide bilang cathode. Tinangkilik ang bateryang ito sa industrial at railroad market dahil sa angking tibay na kinakaya ang pagiging overcharged at uncharged.

99%. Isa sa pinakapopular na baterya ang naimbento sa kasalukuyan ay ang Lithium-Ion Battery o ang Li-ion Battery. Karaniwang ginagamit ang Li-ion Battery sa mga portable electronics gaya ng selpon. Makikita rin ito sa mga electric vehicles, military at aerospace applications. Ngunit sino nga ba ang nasa likod ng Lithium-Ion Battery?

Kamakailan lamang ay iginawad ang Nobel Prize in Chemistry 2019 sa tatlong researchers na kinabibilangan nina John B. Goodenough, 97 taong gulang, M. Stanley Whittingham, 77 taong gulang, at Akari Yoshino, 71 taong gulang, bilang pagkilala sa natatangi nilang kontribusyon sa mundo ng siyensya. Sila lang naman kasi ang utak ng patuloy na pag-usbong ng Lithium-Ion Battery.

Nakatutulong ang nasabing baterya upang maiwasan ang labis na pagdepende sa mga fossil fuels. Sa pamamagitan nito ay mapipigilan din ang mabilis na paglaganap ng climate change sa daigdig.

Ayon kay Whittingham, isa sa mga ginantimpalaan ng Nobel Prize in Chemistry 2019, madalas niyang hangarin na yumabong ang Li-Ion Battery, ngunit hindi nila inakalang darating ito sa punto kung nasaan na ito ngayon.

Pinaghatian ng tatlong nagwagi ang premyong nagkakahalagang $900,000.

Fully charged! Please remove the charger. Bumalik ang ngiti ng binata at naaaninag na naman sa kanyang mukha ang nakasisilaw na liwanag - hay! full charged na naman kasi. Buti na lang at naimbento ang rechargable battery.

Muling pagsibol ng binhi ng teknolohiya

ni CLARENCE RONQUILLO

Sa patuloy na pagyabong ng agham at teknolohiya, naging manipestasyon na rin nito ang pagsulong sa larangan ng robotiks. Sa paggamit ng larangang ito, dinidesenyo ang mga taumbakal upang maging kapaki-pakinabang sa tao sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing kumplikado na makapapaginhawa ng buhay.

#SAVEAMAZON Huwag ang likes

Ang paglabas pasok ng Amazon Rainforest Fire sa tainga

Sikat ang social media sa modernong panahon na ito. Ngunit sa dami ng mga naglipanang balita, makatotohanan man o hindi, bakit tila hindi binibigyang pansin ang likas na yamang higit na nagbibigay buhay sa sangkatauhan?

Nitong buwan ng Agosto, uminog sa social media ang bali-balitang ilang linggo nang tinutupok ng apoy ang Amazon Rainforest sa Brazil. Ito ang pinakamalaking rainforest sa buong mundo na kung saan walong bansa ang kaniyang nasasakupan. Sinasabing isa sa bawat 10 hayop sa mundo ang makikita sa Amazon dahil sa kakaibang kapaligiran na itong kinokonsidera ng mga hayop na kanilang tahanan. Karaniwan na ang pagkakaroon ng sunog sa Amazon rainforest na sinasabing resulta ng pag-init ng panahon ngunit naalarma ang mga eksperto dahil sa 84 porsiyento na pagtaas ng bilang ng sunod mula sa nakaraang taon na kanila nang kinokonekta na sanhi ito ng mga tao.

Ayon sa mga eksperto na matagal na itong nangyayari at hindi dapat ikabahala kaagad ng mga tao ngunit dahil sa bilis ng pagkalat ng mga balita at impormasyon sa mga social media, marami na agad ang gumawa ng kanilang bersiyon ng istorya sa pangyayari.

Sinasabing ang pagkasunog ay nag-ugat sa mismong mga taong nakikinabang dito dahil sa pansariling interes. Ang mas masaklap pa ay pati ang mga hayop na naninirahan sa iba’t ibang parte nito ay nadadamay. Makikita sa mga naglipanang larawan sa social media ang kalungkutang bumabalot sa mukha ng isang batang matsing habang hagkan ang ina sa kaniyang kandungan. Masisilayan ang pag-aalalang namumutawi sa elepanteng sa bigat ay nahihirapang tumakbo. Napakaraming buhay ang ibinaon sa hukay.

Agad agad na kumalat ang pangyayari sa Amazon na kung saan iginigiit nila na nawawala na ang mga dapat tagapagbalita ng mga ganoong insidente at hindi na nila ginagawa ang kanilang mga trabaho at ipinalaganap rin nila ang mga hashtags tulad ng “#PrayForAmazon”.

Labis ang pagkalungkot ng iba dahil bakas sa kanilang mga ibinabahagi ang simpatya para sa mga buhay na walang habas na kinikitil ng apoy pero sa kabila ng kaalaman ng mga tao sa Amazon, napansin na walang nangyayaring aksiyon para ayusin ang problema na ito.

Tanging pinapataas lamang ng social media ang kamalayan ng mga tao sa mundo at pinuputol na agad dito ng makabagong teknolohiya na kung saan sa sobrang bilis mong malaman ang impormasyon ay ganoon din kabilis makalimutan ang kaalaman sa isang swipe lamang.

Kalakip ng pagyakap sa pagsulong na ito, isinangkapan ng mga kasapi ng Tagsci Robotics o mas kilala bilang Sciborgs ang pagyabong sa larangang ito upang makalikha ng kapakipa-kinabang na mga imbensyon at taumbakal na kikilalani’t pararangalan sa iba’t ibang lokal at pandaigdigang kompetisyon dahil sa kontribusyon at kapakinabangan nito. Sa bawat paligsahang sinasalihan ng Sciborgs, puspusang pag-ensayo at samu’t-saring seminar ang kinalalahukan upang mapaghandaang lubos ang kompetisyon. Sa bawat kompetisyong nilalahukan, humahakot ng medalya ang Sciborgs dahil sa pagpapakita ng pagsusumikap at kahusayan sa larangang ito.

Lumahok na ang Sciborgs sa mga lokal na kompetisyon katulad na lamang ng Summer Sumo Games 2019 at Fira Nationals World Cup 2019 na waging mag-uwi ng sandamakmak na medalya para sa iskwelahan.

Lumahok din ang Sciborgs sa mga patimpalak na may layuning kilalanin ang mga pananaliksik at inobasyon na may kinalaman sa agham at teknolohiya. Nakuha ng mga kasapi ng Sciborgs ang tatlong unang karangalan sa iba’t ibang kategorya sa Division Science and Technology Fair 2019.

Nitong kumakailan lamang, lumahok din ang mga piling kasapi ng Sciborgs sa International Robotics Olympiad 2019 na ginanap sa Thailand at matagumpay na pinamalas ang kagalingan sa larangang ito na matagumpay na nakasungkit ng dalawang tansong medalya at dalawang techical awards. “Sa isang international robotics competition, malaking karangalan nang magkaroon ng bronze medal o kahit technical award lang kasi sobrang dami ng kalaban, kaunti lang talaga ang nagkaroon ng medalya. Proud kami lahat na irepresent ang ating bansa at paaralan, at asahan niyong babalik kami next year para sa IRO 2020,” pahayag mula kay Jaisa Mataac, kasapi ng Sciborgs na nakapag-uwi ng tansong medalya nitong IRO 2019. Sa larangang robotiks, hindi lamang ito patungkol sa pagkamit ng karangalan at paghakot ng medalya kundi patungkol ito sa kontribusyon at kapakinabangan nagawa sa larangan ng agham at teknolohiya. Dagdag pa rito, nararapat na mayroong dedikasyon at pagsusumikap ang mga kasapi upang tiyak na makikilala’t pararangalan ang mga kontribusyong gagawin sa larangang napili’t minamahal.

“Planet’s lungs” kung tawagin ngunit bakit walang nangyayaring sago tang mga tao sa kabila ng kanilang kamalayan sa sitwaasyon? Paano na ang ating mundo sa ganitong klaseng pamumuhay? Nawa’y pag-isipan na natin ang ating mga galaw at gawin an gating parte na ibalik ang dating kagandahan ng ating mundo.

agham TOMO 10, BILANG 1 | Hunyo - Disyembre 2019
16
Dibuho ni KIM JHON SIMON Dibuho ni CHOLO MOISES

SINAGTALA

komentaryo

Huwag lang Gilas!

Kilala ang bansang Pilipinas sa kanilang walang sawang pagsuporta sa mga atleta ng bansa sa iba’t ibang larangan pero pinakanakatuon ang kanilang mata at hiyaw sa Gilas Pilipinas, ang pambansang koponan sa larangan ng basketbol.

Para sa mga Pilipino, hindi maaaring hindi suportahan ang Gilas sa kanilang mga laban sa iba’t ibang kompetisyon sa mundo na kung saan naitutuon na ng gobyerno ang kanilang suporta para lamang sa koponan na ito at nakalimutan na ang iba pang atleta.

Isa ito sa mga hinaing ni Hidilyn Diaz, bronze medalist noong nakaraang 2016 Rio Olympics, na kaniyang sinaad na nakalilimutan na silang ibang “hindi basketbol” na atleta sa kabila ng kanilang mga karangalan para sa bansa at patuloy na pagbandera ng watawat ng Pilipinas.

DOBOL DRIBOL

Atleta na, sports writer pa

Muling umusbong ang isyu na ito matapos ang palpak na paglahok ng Gilas sa FIBA World Cup 2019 na hindi man lang nakapagtala ng isang panalo kahit na sila ang pang-32 sa pinakamagaling na koponan sa buong mundo. Dahil dito, sumang-ayon na ang taumbayan sa hinaing ni Diaz na hindi lamang Gilas ang suportahan ng bansa.

Nitong kasalukuyan lamang, ipinakilala sa buong mundo ang Pilipinong atleta sa katauhan ni Carlos “Caloy” Yulo na inuwi ang gintong medalya sa 41st FIG Artistic Gymnastics World Championships at ang pagkuha ng ticket pabalik ng Olympics ni Hidilyn Diaz sa larangan naman ng weightlifting.

Marami na ang naiambag ng Gilas Pilipinas sa ating bansa ngunit hindi maaari na sila lamang ang makakakuha ng suporta mula

sa gobyerno lalo na sa kanilang ‘no-show’ sa World Cup at sa kabaliktaran, ang mga atletang nagbibigay ng karangalan sa bansa ay hindi nabibigyan ng importansiya.

Isa rin sa atletang hindi sinuportahan ng bansa ang bagong kampeon sa larangan ng chess na si Wesley So na ngayon ay binabandera ang watawat ng Estados Unidos. Binanggit ni So na ang kaniyang paglipat ng bansang paglalaruan ay sanhi ng kawalan ng suporta ng Pilipinas sa kaniya noon.

Hahayaan pa ba natin na hindi na mabigyan ng parangal ang bansa sa larangan ng isports? O susuportahan natin ang mga atleta ng bansa para magawa nila ang kanilang responsibilidad nang mas maginhawa? Hindi lang Gilas Pilipinas ang atleta ng ating bansa. Marami pang iba.

Isang huwarang estudyante na maituturing ang mga pambato ng paaralan sa iba’t ibang patimpalak lalo na’t kailangang pagsabayin ang pag-eensayo at ang hamon sa loob ng silid-aralan.

ika-8 baitang siya at noong Grade 9 naman ay naging bahagi siya ng SinAg Pep Squad na kung saan pareho siyang nagwagi sa iba’t ibang kompetisyon sa parehong pamamahayag at pagiging atleta.

Isang gintong medalya...

mula sa pahina 20

Dinagdag din nito na anim na beses sa isang linggo nag-eensayo si Yulo na kung saan umaabot ito ng limang oras at sinabi pa na ginagawa nito ang lahat ng kaniyang makakaya.

Ang lolo ni Caloy ang nakakita sa potensyal sa gymnastics ng 19 na taong gulang na kampeon na kung saan dinadala siya nito sa Gymnastics Association of the Philippines sa Rizal Memorial at hindi nila inaasahang aabot sa ganitong posisyon si Yulo.

“We did not expect that he would reach this level,” sambit ng nanay ni Caloy, na si Angelica. “We enrolled him in sports because our main dream was for him to graduate in a nice college without us having to spend money.”

“We enrolled him in sports because our main dream was for him to graduate in a nice college without us having to spend money.”

Binigyan si Caloy ng mga insentibo mula sa gobyerno dahil sa kaniyang pagkapanalo noong bumisita siya sa bansa at sa dating paaralan niya na kung saan tinitingala siya ng mga batang sumisigaw ng “Kuya Caloy”.

Sinabi ni Yulo na hindi siya sanay sa harap ng maraming kamera pero dapat na siyang masanay sapagkat siya ang kinabukasan ng Pilipinong atletang patuloy na ibabandera ang watawat sa buong mundo.

Ibardolaza, isinelyo ang puwesto sa NCR Palaro

TAGUIG, Philippines - Sumipa si Dianne Ibardaloza ng Taguig Science High School (TSHS) ng dalawang gintong medalya sa City Meet at Division Meet Taekwondo Women’s Category upang tuluyang makasampa sa kanyang pwesto sa National Capital Region (NCR) Palaro.

Ipinakita ni Ibardaloza ang kaniyang dominasyon sa flyweight category ng City Meet nang masungkit niya ang kanyang unang ginto matapos pataubin ang kanyang mga kalaban sa unang round sa iskor na 2-0 at final round sa iskor na 16-14.

Mabilis namang nakaabante si Ibardaloza sa NCR Palaro dahil wala itong kalaban sa kanyang weight division, dahilan upang masungkit niya ang kaniyang ikalawang ginto sa isang default win.

“Dalawa po kasi ‘yong nakalaban ko. Para sa akin po pareho pong mahirap ang nakalaban ko pero mas mahirap po ‘yong una kong nakalaban kasi po mas matang kad siya sa’kin. Ang hirap po maka-points sa kaniya kasi everytime na sisipa ako nasasalubong niya yung sipa ko tapos nahihirapan po ako na makadikit sa kaniya para makakuha po ako ng points at saka that time siya yung una kong nakalaban kaya medyo kinakabahan pa po kasi di ko pa po nakikita yung galaw nya,” ani Ibardaloza.

Habang hinihintay ni Ibardaloza ang kaniyang pormal na pagsasanay para sa darating na NCR Palaro ay iginugugol niya ang kaniyang oras sa pagsasanay.

“Sa ngayon po naghihintay po kami ng announcement kung kailan po magkakaroon ng training para sa NCR, pero habang wala pa pong training na para sa NCR nagt-training pa din po ako sa school tapos minsan ‘pag may time ng Saturday nagt-training pa din ako sa Gian’s [Taekwondo Gym],” dagdag pa ni Ibardaloza.

Mahirap man pagsabayin yung akademiks at isports, kakayanin pa rin kung mahal mo talaga yung ginagawa mo.

Kapwa mahalaga para sa isang kalahok sa kompetisyon ang magiging laban nito pati na rin ang kaniyang grado sa bawat asignatura sa paaralan kung saan isa itong salik na magpapakomplika ng kaniyang

Nakamit ang kampeonato ng SinAg Pep Squad sa 2018 Japan Open na nagsilbing isang malaking karangalan sa paaralan at kasabay nito, pumangalawang pwesto rin si JC sa 2019 Regional Schools Press Conference & Contest na kung saan kabilang siya sa Collaborative Desktop Publishing (Filipino) bilang manunulat ng balitang isports.

Isinaad ni JC na hinahangaan niya ang mga atletang tulad nila Hidilyn Diaz at Carlos Yulo na sa kabila ng kanilang kakulangan sa suporta, patuloy pa rin sa kanilang laban at ipinakilala ang kanilang sarili sa mundo.

“Makikita talaga sa kanila ‘yung pusong palaban na kahit andaming hamon sa kanila tapos ‘di pa sila natutulungan, tuloy pa rin sila. Tinitingala ko sila kasi pinapaalam nila na kung mahal mo yung ginagawa mo, kahit anong mangyari magagawan mo ng paraan,” saad ni Reyes.

Mabigat man ang pagbalanse ng buhay bilang isang estyudanteng nakikipagtalastasan ng galing sa mga patimpalak, maaari pa rin nating matularan ang determinasyan at pagpupursigi ng ating mga huwarang estudyante upang maging isa ring huwaran.

DI PAPATINAG NA SINAG

mula sa pahina 20

Kahit hindi nakuha ang kampeonato, kitang-kita sa kanila na masaya silang makapagbigay ng karangalan para sa paaralan at para rin sa mga taong sumuporta sa kanila.

“Proud ako sa kanila dahil nagbunga ang lahat ng kanilang paghihirap, bilib din ako sa kanila dahil sa konting panahon ng ensayo ay nagawa nilang mabuo ng maganda at malinis ang routine. ‘Di man ako nakasayaw ay masaya na ako sa nakamit na karangalan ng SinAg Pep Squad,” ani kay EJ Lara, isa rin sa mga miyembro ng SinAg Pep Squad.

Patuloy pa rin na nag-eensayo ang SinAg para sa kanilang mga susunod na paligsahan upang mapanatili ang kanilang katawan sa larangan na ito.

Isa sa pinaghahandaan nila ang paparating na Philippine Cheer Union Grand Prix na gaganapin sa huling parte ng taon na kung saan makakaharap nila ang mga mas mahuhusay na atleta sa larangan sa buong bansa.

isports
Sining ni MICHAEL VALDEZ
| Kuha ni: Alyssa Caranguian 17 /SinagTalaJourn | @SinagTalaJourn ’’
Jomari Charles Reyes ni FRANCIS AUTOR
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon
IBARDALOZA Kuha ni: Allysa Caranguian

BALIKTRONO

Team Pilipinas, dinomina ang 30th SEA Games

ni CLARENCE RONQUILLO

SINAGTALA

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Taguig

Taguig City, Pambansang Punong Rehiyon

alik-trono sa Pilipinas ang paghahari sa larangan ng isports pagkatapos dominahin ang 30th Southeast Asian Games na ginanap sa New Clark City Pampanga, Bulacan at kalakihang Maynila na nagsimula noong ika19 ng Nobyembre at pormal na winakasan noong ika-11 ng Disyembre taong pangkasalukuyan.

Sa pagsisimula ng kompetisyon, umaatikabong 23 gintong medalya, 12 na pilak at 9 na tanso ang natala ng Pilipinas upang mainit na pasinayaan ang SEA games.

Sa pagtungtong ng ikatlong araw, inungusan na ng atletang Pinoy ang produksyon ng medalya noong 2017 SEA games.

Humakot ng 20 na medalya ang mga Pinoy arnis players, 14 dito ay ginto na may pinakamalaking ambag sa kabuuang bilang ng gintong medalya samantalang wagi din ang Pinoy cyclist na nag-ambag ng 27 na medalya, tinuturing na may pinakamalaking kontribusyon sa kabuuang medalya ng Pilipinas.

Dinepensahan naman ng Gilas Pilipinas ang titulo bilang Southeast Asia Basketball King matapos humakot ng apat na gintong medalya, dalawang ginto sa 5x5 Basketball at dalawang ginto din sa 3x3 Basketball. Tuluyan ring winakasan ni James Depairine ang pangungulelat ng bansa sa larangan ng swimming pagkatapos sisirin ang gintong medalya sa Men’s 100 metre breaststroke, una sa loob ng sampung taon.

Pinamalas din ni Carlos Yulo ang husay sa larangan ng gymnastics na umani ng dalawang gintong medalya at limang pilak sa pitong magkakaibang gymnastic event.

6th

6th

Sa pangkalahatan, humakot ng sandamakmak na parangal ang Pilipinas pagkatapos ungusuan ang 11 na kalahok na bansa sa 30th SEA Games sa pagtala ng 387 na medalya: 149 na gintong medalya, 117 na pilak at 121 na tanso.

Ambag ng atletang Taguigeño

Gumawa ng ugong at nagpamalas ng kahusayan ang mga atletang Taguigeño na sina Carloyd Tejada, Mary Joy Renigen, Mark Jayson Gayon at Rubilen Amit na naging kinatawan sa larangan ng Arnis, Slow Waltz at Billiard na humakot ng medalya at nagbigay dangal sa Pilipinas nitong katatapos lang na 30th SEA Games na dinaos sa ating bansa.

Wagi si Carloyd Tejada na masungkit ang gintong medalya sa larangan ng Arnis makaraang talunin ang pambato ng Vietnam na si Thanh Tung Voung sa +65kg dibisyon. Isa si Carloyd sa nag-ambag ng walong gintong medalya sa larangan ng arnis.

Nakiindak at humakot din ng medalya ang duo nila Mary Joy Reginen at Mark Jayson Gayon pagkatapos magtala ng ginto sa Single Slow Foxtrot maging sa Single Dance Waltz at pilak na medalya sa larangan ng Standard Quick Step Category.

Nagpakitang-gilas din ang ating kababayan na si Rubilen Amit pagkatapos dominahin at pagharian ang 9-ball single at 9-ball double billiard category na sumungkit ng dalawang gintong medalya, nag-uwi rin si Rubilen ng pilak sa 10-ball pool single billiard category.

Sa pangkalahatan, nag-ambag ng limang medalya sa kabuuang 387 na medalyang nakuha ng bansa ang mga atletang Taguigeño nitong nagdaang 30th SEA Games, tatlong ginto at dalawang pilak na medalya.

Preparasyon sa 30th SEA games

Hindi naging madali ang paghahanda sa 30th SEA games sapagkat samut-saring pambabatikos mula sa kritiko, umuugong na potensyal na korapsyon at kakulangan sa pagpaplano ang binato sa Philippine SEA Games Organizational Committee (PHISGOC) bago pa man pormal na pasinayaan ang pagbubukas ng naturang kompetisyon.

Umabot sa sukdulan ang pambabatikos sa pamunuan ng PHISCOG nang mabilis na lumabas at kumalat ang mga litrato sa social media na nagpapakita ng hindi magandang pagtanggap sa mga dayuhang dadalo sa kompetisyon, mga gusaling pagdadausan na hindi pa tapos gawin kahit na papalapit ang SEA games at maling alokasyon ng budget para sa gagastusin sa naturang kompetisyon.

Agad naman itong inaksyunan ni House Speaker Hon. Alan Peter Cayetano, PHISGOC Head, na nagbigay-pahayag na hindi lahat ng binatong batikos sa kanila ay totoo, sa halip ginagawang masama ng media ang paghahandang ginawa nila para sa SEA games at handa raw sila sa anumang imbestigasyon patungkol sa mga paratang na korapsyon.

Dagdag pa rito, binigyang-parangal at kinilala din ng Sports Industry Awards (SPIA) ang PHISGOC. Umani ito ng samu’t saring komento matapos kumalat ang balita ukol sa pagkilala sa PHISGOC bilang ‘Best SEA Games Organizer’ kontra kabi-kabilang isyu at kritisismo sa pamumuno ng nasabing grupo. Nilinaw naman ng SPIA na hindi umano Best SEAG Organizer Award ang iginawad sa kumite kundi isang ‘excellence award’ bunsod ng matiwasay na pamumuno sa 30th SEAG. Matagumpay ding naidaos ang engrandeng seremonya sa pagsisimula ng 30th SEA Games na ginanap sa Philippine Arena na dinaluhan ng libo-libong Pilipino at dayuhan, ang tagumpay ng seremonya ang repleksyon ng lahat ng paghahanda ng ating bansa sa pagdaraos ng naturang kompetisyon.

TOMO 10, BILANG 1 Hunyo - Disyembre 2019 PHI: 149 117 121 VIE: 98 85 105 MAS: 55 58 71 MYA: 4 . 18 . 50 LAO: 1 5 27 TLS: 0 1 5 BRU: 2 5 6 CAM: 4 . 6 . 36 SIN: 53 46 68 INA: 72 . 84 . 111 THA: 92 . 103 . 123 TEAM: Gold Silver Bronze 28th SEA Games 29th SEA Games 29 Gold, 36 Silver, 66 Bronze 24 Gold, 33 Silver, 64 Bronze Performans ng Pilipinas sa SEA Games sa nagdaang 3 taon Datos mula sa: 2019 SEA Games Official App at philippinesports.net medalya 131 medalya 121
isports
Carloyd Tejada Padded Stick Welterweight (Men’s), Gold Rubilen Amit 9-ball Single Billiard, Gold 9-ball Double Billiard, Gold Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen Single Slow Foxtrot, Gold Single Dance Waltz, Gold Standard Quick Step, Silver
18
B

Tila hindi lamang ang 387 medalya ang nasungkit at napagwagihan ng ating bansa sa katatapos lamang na 30th South East Asian Games, bagkus bitbit din natin ang mga sigalot na kinasangkutan ng mga tagapangasiwa nito sa pagsisimula ng patimpalak.

Hindi pa man nagsisimula ang SEA Games, samu’t saring kontrobersiya na ang pumalibot sa palaro. Matatandaang daandaang kabahayan ang tinibag sa isang barangay malapit sa New Clark City, dahilang maitayo ang ‘world class’ athlete’s village at isang 20,000-seater na stadium, na pagbabahayan ng mga delegado at pagdarausan ng ilang laro sa 30th SEAG. Nakalulugmo na sa kagustuhang makapagbigay ng ginhawa sa mga kalahok sa SEA Games, dagok naman ito kung maituturing para sa mga mamamayang napalayas sa kanilang sariling mga lupain.

Muling gumawa ng ingay at matuon ang atensiyon ng publiko sa palaro nang ihayag ang presyo ng ‘cauldron’ na sumisimbolo sa kumpetisyon. Tinatayang nasa 55 milyon ang halagang inilaan upang maisagawa ang kaldero. Matapos kwestiyunin ni Senate Minority Leader, Franklin Drilon ang halaga nito, nanindigan si House Speaker at Chairman Allan Peter Cayetano na ang kaldero ay mahalaga at kinakailangan upang makumpleto ang elemento ng palaro, kinumpirma rin ni Cayetano na talagang malaking halaga ang inilaan dito ngunit itinangging ‘overpriced’ ang kaldero.

Hindi pa rin nilubayan ng kontrobersiya ang palaro matapos magsimulang dumating ang mga manlalaro mula sa iba’t ibang bansa sa Asya. Pumutok sa social media ang ilan sa mga iresponsableng pamamahala ng bansa matapos itong ihayag mismo ng mga atletang nakaranas nito.

“It wasn’t ideal. We had to wait maybe like 8 or 9 hours to get our hotel. But things happen,” ani Cambodia Coach, Felix Dalmas matapos paghintayin sa conference room ang ilan sa kaniyang mga atleta.

Naging usap-usapan din ang pagkaing inihain sa mga atleta na ayon sa ilang mga coach ay walang sustansiya at hindi sapat upang matustusan ang pangangailangan ng mga kalahok.

Liwanag sa dilim

Tayo ay nasa isang demokratikong bansa, responsibilidad ng bawat mamamayan na maging kritikal sa mga isyu sa lipunan. Dapat ay matutong magsalita kung may nararapat na itama. editoryal

“I’m not sure kung paano ang arrangement ng PHISGOC (Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee), but the quality and quantity of food is not enough,” ani Philippine Women’s National Football Team coach Let Dimzon sa isang press conference.

“Supposedly, this is an international competition, it should be international course. Pero, I think, baka ‘yung budget na binibigay ng PHISGOC is not enough to cover ‘yung ganoong klase ng food,” dagdag pa niya.

Agad namang inaksiyunan ng pamahalaan ang mga kontrobersiyang ito at sinigurong wala nang iba pang bato ang maipupukol sa bansa. Hinatak ng pinaghandaang opening ceremony ang pagkakasadlak ng ngalan ng bansa matapos magpamalas ng world class na pagtatanghal at pagpapasinaya ng pormal na pagsisimula ng laro.

Ayon kay Abbegail Aguada, pangulo ng Supreme Student Government ng Taguig Science High School, ang mga pambabatikos at pagpuna ng publiko sa kontrobersiyang ito ay naging daan upang mas pag-igihan ng pamahalaan ang pamamahala dito. Bilang isang mataas na pinuno, marapat lamang na maging responsable at magsagawa ng agarang aksiyon upang maiwaksi ang mga negatibong puna, responsibilidad din ng isang pinuno na bantayan at subaybayan ang kahihinatnan ng proyekto upang mas madali ang paglutas sa mga darating na sigalot.

Walang perpektong pamamahala. Hindi nga naging gaya ng inaasahan ang pagpapasinaya ng ating bansa sa ika-30 edisyon ng SEA Games, ngunit hindi naman maikakailang normal ang magkaroon ng ilang mga iregularidad, ang mahalaga ay maaksiyunan ito kaagad at maipagpatuloy ang layunin ng palaro. Sa kabila ng mga kontrobersiyang ito, tunay na naging matagumpay ang pagbawi ng pamahalaan mula sa mga kahihiyang ito at maituturing na itong isang aral na magtuturo sa pamahalaan sa daan tungo sa mas kaayaayang pamamahala sa hinaharap.

19 /SinagTalaJourn | @SinagTalaJourn
Dibuho ni KIM JHON SIMON

BALIK-TRONO

Team Pilipinas, dinomina ang 30th SEA Games

ni CLARENCE RONQUILLO

B alik-trono sa Pilipinas ang paghahari sa larangan ng isports pagkatapos dominahin ang 30th Southeast Asian Games na ginanap sa New Clark City Pampanga, Bulacan at kalakihang Maynila na nagsimula noong ika-19 ng Nobyembre at pormal na winakasan noong ika-11 ng Disyembre taong pangkasalukuyan.

Quarterscores: 15-22, 28-40, 55-60

Bumangon mula sa isang 17 puntos na lamang ng Pampanga Delta ang Taguig Generals, 84-75, upang patunayan na sila ang hari ng digmaan at mapasakamay ang kampeonato ng National Basketball League (NBL) Season 2 sa balwarte ng mga Taguigeño sa Hagonoy Sports Complex.

Tinapos agad ng Generals ang best-of-3 na serye sa dalawang laro para hindi na muling mabigyang ng tyansa ang Pampanga na makuha ang titulo at sila ang pangalawang koponan na maipanalo ang kampeonato.

Pinangunahan ni Rickson Gerero ang Generals sa isang ‘comeback win’ sa pamamagitan ng kaniyang 13 puntos na naging dahilan upangang tanghaling ‘Finals MVP’ dahil sa pambihirang laro na ipinamalas niya na nagbigay sigla sa kaniyang mga kakampi.

“Masaya sa pakiramdam na mapili bilang Finals MVP pero mas masaya ‘yung manalo at maging lider sa mga laro,” pahayag ni Gerero pagkatapos ng laro.

Pumasok ang Generals sa playoffs bilang ikatlong pwesto at pinatumba ang dating kampeon na Paranaque Aces para makapasok sa finals. Kinuha nila ang unang laro kontra sa Delta, 92-82, sa Bren Z. Guiao Convention Center sa Pampanga.

Nagtala rin si Hel Francisco ng 14 puntos

habang 13 puntos naman ang iniambag ni Mike Sampurna para sa Generals na kung saan

ipinamalas nila ang kanilang balanseng opensa.

“Ginulantang nila [Pampanga Delta] kami sa unang parte ng laro pero desididong manalo ang koponan ko kaya nakahabol kami na bunga ng mga ensayo namin,” pahayag ni Bing Victoria, pinuno ng Sports Committee ng Taguig.

Maagang umabante ang Delta sa unang kalahati ng laro, 40-28, na agad binawasan ng 15 ng Generals sa pangunguna ni Gerero sa kaniyang matatag na depensa papasok ng huling yugto ng laro, 60-55.

Tinabla ng Generals agad ang laro sa iskor na 64-64 na kung saan hindi na binitawan ng Generals ang kalamangan sa kalaban at itinakas na ang laro at kampeonato sa Pampanga.

“Very sweet kasi all homegrown players at tinrabaho namin. Last season, we were number six. We proved that we can be the champions,” ani Victoria.

Napabilang sa Mythical Five ng Season 2 si Lerry Jhon Mayo na nakapaglista ng 10 puntos at 12 rebounds para sa Taguig Generals.

Pinangaralan naman si Shin Mañacsa ng Laguna bilang MVP ng torneo. Sina Mañacsa, Mayo, CJ Gania ng Pampanga, Jayar Galit ng Paranaque at Jamil Bulawan ng Camsur ang bumuo sa Mythical Five.

Hindi naging maganda ang laro ni Gania sa kaniyang limang puntos pero inako ni Primo Manaloto ang responsibilidad sa kaniyang 27 puntos na hindi sumapat para sa isang balanseng team tulad ng Generals.

lathalain

Isang gintong medalya, milyon ang pinahanga

Carlos Yulo, nagpakilala sa mundo ng gymnastics

ni JON GUMISAD

Kilala ang Pilipinas sa iba’t ibang bagay tulad na lang sa kanilang pagiging magiliw sa mga panauhin, pagiging mabait, sa mga kakaibang putahe at sa mga atletang Pinoy na ibinabandera ang watawat na may pusong palaban.

Mula sa maalamat na si Manny Pacquiao sa kaniyang 8 division titles hanggang kay Hidilyn Diaz sa kaniyang silver na medalya sa Olympics weightlifting, marami na ang mga atletang nailabas ng bansa na itinuturing na ‘world-class’.

May bagong Pilipinong nagpakilala sa buong mundo sa kaniyang pagkuha ng gintong medalya sa 2019 World Artistic Gymnastics, isang 19 taong gulang na si Carlos “Caloy” Yulo.

Ginulat ni Caloy ang buong mundo sa kaniyang biglaang pagiging kampeon sa pinakamataas na kompetisyon sa gymnastics na kaniya ring hindi inasahan.

“I just want to show the beauty of the sport through my routine and the gold medal is the icing on top,” pahayag ni Yulo.

Dahil sa kaniyang pagkapanalo, nakakuha ng ticket papuntang 2020 Tokyo Olympics na kung saan ibabandera niya ang Pilipinas at dadalhin ang pag-asa ng lahat ng Pilipino. Ngunit pagtutuunan muna ng pansin ni Yulo ang mas malapit na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa kung saan isinaad niya na mas hihirapan niya ang mga training para ipagpatuloy ang nabuo niyang ‘momentum’.

Isinaad ni Munehiro Kugimiya, tagapagsanay ni Yulo at ng Phlippine gymnastics team, na ang pagpupursige ni Caloy ang dahilan ng kaniyang pagkapanalo sa katatapos lamang na kompetisyon.

SUNDAN SA ISPORTS PAHINA 17

sa kanilang buhay-estudyante sa loob ng maikling panahon kontra sa iba’t ibang paaralan na nakilahok sa nasabing patimpalak.

“Hindi namin naisip na mananalo kami kasi hindi pa sure kung itutuloy pa rin namin dahil kulang kami sa praktis pero salamat sa Diyos at nakagawa pa rin kami ng routine at naiuwi pa naming ang ikalawang puwesto,” pahayag ni Kyle Vivas, miyembro ng SinAg Pep Squad.

SUNDAN SA ISPORTS PAHINA 17 kampus

SUNDAN SA ISPORTS PAHINA 18 PAGPAGASPAS. Jepoy Sampurna ng Taguig Generals kontra sa mga higante ng Pampanga Delta na sina Santos at Diangson | Kuha mula sa: Love Taguig komentaryo Kuha mula sa: spin.ph
DOBOL lathalaing
DRIBOL Atleta
TODO GALAW. Kasing-init ng araw ang paghataw ng Sinag Pep Squad cheerleaders sa 43rd National Milo Cheerdance Competition na ginanap sa MOA Event Grounds noong ika-28 ng Hulyo, 2019. | Kuha ni: Allysa Caranguian DI
ni JC REYES Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral ng Taguig Science High School sa larangan ng cheerleading matapos hiranging First Runner-Up sa ginanap na National Milo Marathon noong ika-28 ng Hulyo, sa SM Mall of Asia Event Grounds. Nagbunga ang lahat ng kanilang pagod sa pag-eensayo at sa pagbalanse
pampalakasan
na, sports writer pa P17
PAPATINAG NA SINAG Sinag Pep Squad, humataw sa Milo Cheedance Competition
84 75
I-SCAN ANG QR CODE PARA PANOORIN ANG BUONG LARO

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.