Sining Collective: "Talop"

Page 1

SINING COLLECTIVE

talop

Tomo I Bilang 2


TALOP

2


SINING COLLECTIVE

3


Franchesca Jinel Franco Founder Paul Gaborni Editor in Chief Rian Magtaan

Feature and Literary Editor

Cybyll Viray Layout Artist Frederick Deserva Layout Artist Photographer Jan Benedict Photographer

SINING ZINE: TALOP Tomo I Bilang 2 Karapatang-ari Š2017 Nananatili sa indibiduwal na may-akda o may-dibuho ang karapatang-ari ng bawat piyesang ipinalimbag dito. Hindi maaring ipalathala muli o gamitin sa anumang paraan ang alin man sa mga nilalaman nang walang karampatang pahintulot sa may-akda o may-dibuho.

Ang mga kumento at mungkahi ay maaring ipahatid sa:

E-mail address : siningcollective@gmail.com Issuu: issuu.com/siningcollective Facebook: www.facebook.com/sangalanngsining Sound Cloud: soundcloud.com/siningcollective

Ang pabalat ay likha nila Bjan Bernabe at Joed Baralas Ang LARAWAN ay likha ni Bjan Bernabe Ang logo ay likha nila Ivan Laurenciano at Ed Brendon Enclona


SINING COLLECTIVE

S

INTRODUKSYON

Sa ayaw natin at sa hindi, ang pag-aalaga at pagpapayabong sa isang kultura ay isang mahirap ngunit mapagpalayang gawain. Sa bawat gawaing pangkultural, tulad ng pagguhit, pagtula, pagkukuwento, pagtatanghal, pagpipinta, potograpiya at kahit pagluluto ng putahe, ang isang artista ay tila gustong bigyan ng kulay, katuwiran o ekspresyon ang isang mundong blangko’t walang kulay—kadalasang pinupunan nito ang kakulangan ng isang pagiral—na maihahalintulad sa isang bahay na nais maging tahanang puno ng pag-asa at pag-ibig. Totoo nga’t magastos ang maging isang alagad at bagani ng sining, at hanggat maaari nais maging makabuluhan ang kanilang gawain lalo na sa panahong halos nakikita natin na maraming nakikisangkot sa gawaing pangkultural, minsan nakikipagpaligsah-

an pa kung sino ang may “katotohan, kabutihan, at kagandahan” sa kanilang mga likhang gawa, mapa larawan, tula, kuwento, spoken word, musika, guhit, pinta, o kung anuman na minsan ay nilalangkapan ng pera at oras para sa isang obra. Sa isyu na ito, may mga bagong obra na nais ipakita at personalidad na nais maging maging gabay o inspirasyon sa ating mga gawain bilang alagad at bagani ng sining. Kaya’t halina, mamangha sa sensibilidad ng mga manlilikha ng sining na tumutugon sa pangangailangan ng panahon, maging inspirado at ipagpatuloy ang pagiging masikhay mula sa ating sala-salabat na ideya na sa huli’y nagiging isang obra. Pagyamanin natin ang ating danas at gunita. Pagyamanin natin ang sining at kultura ng ating bansa! Paul Gaborni Punong Panugot Sining Collective

i


NILALAMAN

LARAWAN

3

Neil Kenneth Sael

6,59

Apple Seed

7,9

Joed Baralas

13,79

Arthur Jumagdao

15

Nathaniel Estenzo

17,18

54

Ian Kristoffer

19

Ronald Liwanag

22

Sean Olalo

Joel Martinez 23 Eugene Cidro 53,54 Max Vargas 56 Kix Navidad 62 JanJan Capili 63,66 Rhy Paralijas 67,68

18

Augustus Salvador 71,72 Alfonso Villas 74

SINING Helen Blue 2,61,73 Jen Samudio 5 Teo Esguerra 11,12 Noel Placino 52

57

Elaine De Guzman

57,69

Christian Rocha 78


13 22 TULA Ang Babaeng Tinalupan Seph Amandy

4 Orange 65

Pearl 8 Lorenz Alano

Paul Allen Gonzales

May Tattoo 70

Natanaw Ko Minsan Edilfa Mae Manlunas

13

Ken Sarmiento

Tara Po! 74

Her Shadow 17 Ken Sarmiento

Atmospera 21 June Kiervin Dioso

Sugat 55

Marky Panganiban

Crucifixions Peps

75

REBOLUSYON 77 Billy Ibara

John Christian Reontoy

Hubad na katotohanan Melanie Barquilla

60

MGA TAMPOK NA MANLILIKHA 27

Bjan Bernabe

33

Aia De Leon

37

Dirty Kids South

66

12


UNANG BAHAGI


SINING COLLECTIVE

SINING: Helen Blue

2


TALOP

LARAWAN: Neil Kenneth Sael 3


Ang Babaeng Tinalupan Seph Amandy

SINING COLLECTIVE Walang sino man ang makapagsasabing wala siyang patutunguhan Ang mapanghusgang lipunan ay hindi s’yang gagawa ng kanyang tadhana Hindi ang kanyang katayuan at pisikal na kaanyuan Ang magiging batayan sa daan na kanyang paruruunan Dahil ang daan mismo ang magbibigay katangian Sa babaeng tinalupan. Hinubog na ng panahon Pinunlaan na ng lipunan ng sandamakmak na hamon Diligin man ng nakakalunod na diskriminasyon Patuloy siyang aahon, uusbong gamit ang kanyang mga sanga dulot ng pagsubok Dahil ang mga sanga mismo ang magbibigay bunga Sa babaeng tinalupan. Namumulaklak na ang sanhi ng kanyang nakaraan Ang sakit at mga parusa ay kanyang ginawang kalakasan Ngayong siya ay hinog na at hitik na hitik na sa bunga Halos ang mundo ay nag-iba Lahat ng lumait sa kanya at nang-alipusta ay giliw ng sumusunod Sa babaeng tinalupan. Likas ngang wala sa panlabas na kaanyuan Ang tunay na kagandahan at nilalaman Dahil ito’y pang-akit lamang sa matang makasalanan Sapagkat hindi lahat ng maganda sa pisikal na katangian Ay siya ring kasing linis ng busilak na kalooban tulad Sa babaeng tinalupan. Kaya’t umibig ka sa babaeng may talop na Sapagkat siya’y nahubaran na ng kanyang mga pinagdaanan Na siya mismong nagbigay sa kanya ng magandang katangian Hindi mo man makita sa panlabas Panigurado namang malalasap mo ang tamis ng kanyang kalooban, ang biyaya ng Ang babaeng tinalupan.

4


TALOP

SINING: Jen Samudio

5


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Apple Seed

6


LARAWAN: Joed Baralas


SINING COLLECTIVE

Pearl

Lorenz Alano Winter has arrived and my days of exploring you are now over. As I reminisce the days I spent with you, I can feel the gravity slowly pulling my body into the ground. I feel our memories sink deeper within me. I remember your northern breath as you whispered, tingling me from my nape to the bottom of my spine. Your cool presence refreshes me in this humid setting. I explored more of you, down to your abdomen. Your belly was full of fluttering butterflies as I traced your lines and curves. The atmosphere was vibrant and outgoing, with a tender embrace that swallowed me whole. I wasn’t contented so I ventured further down to your southern seas. The salty waves and the lush forests drowned me in its beauty. But here I have dwelled upon your busy and bustling heart. I have remained in this concrete jungle where my feet only touched the cold, hard cement. I longed to set foot again on your soft earth—to be sucked in like quicksand—so that I might never be separated from you. You’re that exceptional gem in the rough and to be with you once more quenches my thirst for you. I close my eyes.

8


TALOP

LARAWAN: Joed Baralas 9


SINING COLLECTIVE

Untitled Joed Baralas

10


TALOP

SINING: Teo Esguerra

11


SINING COLLECTIVE

12


TALOP

Natanaw Ko Minsan

Edilfa Mae Manlunas

Natanaw ko minsan, pinagbawalan ka nila sa hangganan. Doon sa dulo na bawal lakaran. Doon sa dulo na bawal tapakan. May harang ang daraanan, may bantay sa bawat tarangkahan. Hindi raw maaari ang estranghero, sapagkat para lang sa kanila ang natatagong paraiso. Ngunit nangahas ka, kaibigan, sinubukang hangganan ay lagpasan. Inakyat ang bakal na bakod at sa laksang bantay ika’y nagpaanod. Natanaw ko minsan, katawan mong nasa lansangan. Itim ang kulay, putol ang ulo, putol ang paa’t kamay. Nahuli ka raw ng kataas-taasan, pinarusahan, pinugutan saka iniwan. Katawan mo’y sumisigaw ng sakit sapagkat pagpunta sa hanggana’y iyong ipinilit. Hindi ka na lang kasi nakuntento sa patak ng grasyang inyong natatamo. Naghangad ng pang-Haring buhay, oh hayan at ikaw ang ninakawan ng buhay. Natanaw ko minsan, kabiyak mong tumatangis ng marahan habang inaalo mga anak ninyong ayaw tumahan. Hinahanap ka nila, oh kaibigan. Kailan nga ba nila magigisnan, buhay sa likod ng sakdal na hangganan. Nais lang naman nilang matanaw, iyong natanaw ko minsan...

13


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Arthur Jumagdao

14


TALOP

15


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Nathaniel Estenzo 16


TALOP

Her Shadow

Ken Sarmiento

She, who writes about her Dreams and frustrations With teardrops On her face, covering her Inner self with joy Just to make the people Around her see the smile That conceals every tragic Memory she has. She, who sings like Kurt Cobain does During his hard times, who stares at her guitar That knows her like a mother knows her daughter Like a house that knows the family Nobody else matters, but herself. She, who sleeps at night, wakes up in the morning Just to face tragic moments on a daily basis But still manages to paint her face with a beautiful shadow that follows her frailty. She, who dances when the rain comes her way She loves every drop that she cries With the sky that knows her pain. She, who lives in the mad world of black and white Loves herself, until she’s gone.

17


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Ian Kristoffer

18


TALOP

19


SINING COLLECTIVE

20


TALOP

Atmospera June K. G. Dioso

Kung lilisanang kariktan. Kung magbaklas at mag-aklas mga saplot at mabalot ng kahubdan. Malubayan niyong damit mayro’ng langit bang ma’kita? At ‘bisita ang gunita ng ‘yong pita. Kung tikatik ay malimit pagkatalsik ng ‘ting damit may langit pang mag-aabang? Sa pagsayaw ng paggunaw, may lilitaw,maaninaw ba’ng mesiyas? magliligtas o s’yang lunas ba ang hudas? Kung katawan matalupan at tuyuin pawis natin mauuhaw lu—papanaw santinakpan walang liban ‘pag nayanig maririnig iyong hiyaw magsi’sigaw kikitlin ang --daigdigan

21


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Sean Olalo 22


TALOP

LARAWAN: Joel Martinez 23


SINING COLLECTIVE

24


MGA TAMPOK NA MANLILIKHA


BJAN BERNABE AIA DE LEON DIRTY KIDS SOUTH



BJAN

BERNABE

bjan.bernabe@gmail.com


1.) Ilan taon ka unang nagkatato? At anong rason na tila naenganyo ka sa pagtatato? 22, first sweldo ko. Noong una gusto ko lang maging cool. Mandala ng Hindu mantra na Oh Mani Padme Hum pina-tattoo ko. Hindi ko pa alam nun na mahihilig ako sa Hinduismo at Pagta-tattoo. Dahil sa mag-asawang Reynaldo Calleja at Minnehaha Calleja ng Good Hand Tattoo. Kung hindi dahil sa kanila malamang kinain na ko ng sistema. Kinupkop nila ko bilang isang kapatid. Noong una nagpa-tattoo lang ako kay Ryan (Reynaldo). Pagkatapos ng isang taon at isang sleeve nagkaroon ako ng kaibigan at kapatid. Noon ako nagsubok gumuhit. Naging illustrador muna ako kasabay ng trabaho sa ahensya bilang Art Director. Hindi ako nagi-illustrate para sa pera gusto ko lang talaga magwala kumbaga. Ayaw ko mag-tattoo nun pangarap ko maging ilustrador lang. ‘Yun pala naghahanda lang ako maging ganap na mananato. Matapos ang dalawang taon ng pag-iillustrate, sinubukan ko. Nakakaadik mag-tattoo. Isang taon na ko nagta-tattoo ngayon. 2.) Sa pagtatato ano o sino ang iyong mga inspirasyon? Sa pagta-tattoo unang-una ang pamilya ko sa Good Hand. Ry at Mini Calleja, Oben Miralles, Tox Fresco, Kiyo Tawara, Kean Mendez, Jef Quintano at Ernie Barbon. Yung style ko galing sa kanila. Pinaghalo-halo ko lang at nilagyan ng sariling timpla.Yung sarili kong timpla. Galing sa mga lumang tao, luma din ata kaluluwa ko eh. Mahilig ako magbasa ng Edgar Allan Poe at HP Lovecraft mga horror writers sila. Hindi naman ako nananakot pero galing sa kanila yung luma at mahiwagang dating ng mga gawa ko. Idol ko din si MC Escher at Gustave Dore mga sikat silaprintmakers noong unang panahon. Sa ngayon sa kanila ko hinuhugot ang mga impluwensya ko.



3.) Since nakarami ka ng customer ano ang pinakagusto nila na ilagay sa kanilang balat? At saan? Hindi ko masabing marami na ko nata-tattoo dahil maikli pa ang isang taon para sa isang disiplina. Sa ngayon pinakagusto nila ay kamay, ‘yun kasi lagi kong ginagawa. Ang kamay kasi kaya magkwento kahit walang bibig. Madalas pinapalagay nila sa forearm tingin ko dun kasi pinakaideal na paglagyan. Madali ibagay ang disenyo sa forearm. 4.) Besides sa pagtatato may mga obra ka din na nagawa na minsa’y nakakatempt ilagay sa balat? (na instead napunta sa canvas) Wala pa. Baliw ‘yung mga ginagawa ko dati nilagay ko lang lahat ng puwede. Gusto ko gumawa lang ng simple at madaling intindihin na tattoo. Singular ang tawag ko dun. Isang malakas na simbolo ng isang mensahe.


5.) Ano ba ang pinakamabigat na hamon bilang isang alagad ng sining? Ang mabuhay sa sining. Sa ngayon nabubuhay pa ko sa trabaho ko at malaking bagay sakin na nakakaipon ako dun pero pag dumating na ang tamang panahonkailangan ko na tumawid at sumugal. 6.) Batay sa iyong eksperiyensya, Ano ang pinakaimportanteng katangian bilang isang alagad ng sining na mainam icultivate? Pasensya at disiplina. Hindi kada hindi maganda ang gawa mo ngayon o hindi mo pa nahahanap ang sarili mong style magmamaktol ka na o kaya susuko. Kailangan mo ng “iron will� at puso ng leon para tumuloy. Limang taon ako bago ko nahanap ang style ko na magbabago din naman. Dalawang taon para matuto mag-illustrate. Ngayon kailangan ko ng isang lifetime para sa tattoo, kung pwede dalawa game lang. 7.) Any message for deserving artists? Kailangan mo pag-isipan maigi ang ginagawa mo. Isipin mo siya habang natutulog, habang gising, habang nasa byahe, nasa labas, nasa loob, nasa trabaho, habang gumagawa ka dapat iniisip mo pa rin ‘yung sining mo. Kahit saan, kahit anong oras dapat iniisip mo. Pero relax ka lang din pwede naman mag-isip ng walang stress. Tandaan mo ikaw ang sining at hindi ang nilagay mo sa papel. Wag ka matakot na wala kang katulad mag-isip dahil yun ang alas mo sa mundong pinipilit kang maging tulad ng lahat.


AIA

DE LEON

facebook.com/aiadeleonmusic spotify:artist:24mz8QcWgmN8oGnuSY9Ftb



1.) First and foremost, when did you started to sing? And what kind of song did you remember much since childhood? I have no recollection on when I first started singing, my father didn’t really encourage my interest in arts. When he passed away, that’s when friends called me put on my musical potential. 2.) What brought you to the band scene? Any inspiration? I had at that time wanted to write songs and sing. Then an opportunity to do just that came around when I got a call from Zach the drummer. More than inspiration, it was hope and freedom that drove me to go for it. 3.) What do you think is the most important trait that a person needs to make it as an artist? Self trust. 4.) What is the biggest challenge, the hardest thing of being a musician? The biggest challenge is to know the difference between well meaning advice vs other people’s agenda.


5.) As a musician, do you often collaborate with others in making a good piece? Successful event? I collaborate with people I like and trust, and when a connection is real, it results in a good song. Successful event? When they trust my artistry and protect it. 6.) Besides music, what are your interests to cherish with? Reading, dreaming about having a dog 7.) What can you say about the future of the music sector in the Philippines? More alive than ever 8.) Any message for fans? I am extremely and incessantly grateful for the privilege of your admiration.



DKS

(Dirty Kids South)

facebook.com/DK-DirtyKidSouthCrew



1. What drives you to create? Are there any unique features that makes your kind of street art different from the others? Spoof: sinubukan ko sarile ko kung kaya ko ba gawin sa wall ang mga drawing ko sa papel...Color pallete, gusto ko makulay yung gawa ko para malameg sa mata ng tao. Ezzek: sometimes anger and pain is the root of all motivation to create , it depends on my emotion and what I feel. Madalas Skull & Leaves to make me feel comfort. Color Palletes & Weird Stuffs. Live Fun: What drives me is the unknown force from my childhood days that tells me to create and never stop exploring what you want to express by my own art. Before I focus on my character named Liby and Bahay (House Head) and I shift now, what my art unique from my past style is because I used to experiment now From Geometric Figures and Abstract objects to form an Image and I really love doing what I want to express. Ron Yra: Yung hype ko. Naiinis ako kapag nakikita ko ung street names ng ibang graffiti artist sa mga magagandang spot. Gusto kong tapalan ung gawa nila at palitan ng gawa ko. Ganun ako ka hype kaya I treasure every chances to paint. Deep: Hypeness ko. Anytime na makakakita ako ng wall kahit na alam kong illegal spot basta na hype ako magpinta game lang eh wala ng bawal bawal. Eric Buada: isa sa mga nghikayat sakin ll mgpinta ay ang mga nangyayari sa paligid sa pagawa narin ng isang art kagaya ng graffiti namin naipapahayag ang aming mga saloobin. kaloy sperm monster: yung mashare lang ang art sa iba yun talaga yung point ng street art at gawin lang yun dahil gusto mong gawin ang nagtutulak na mag street art. halo-halo rin namang inspirasyon ang style ko kaya di ko masabing akin lang pero syempre ginagawa ko yun eh may touch pa rin na akin. sabi nila yung mata daw eh ako ewan basta hehe.


2.) How did you start the graffiti crew? Are there any influences prior to setting up a crew and create visual street art? Spoof: Bali sya sa isang skatecrew, tapos dinala namen ang dks sa streetart at graffii year 2012, impluwensya namen sa pagpupinta ay cvty isang grupo din ng streetartist sa cavite. Ezzek: Nagstart ako magpinta sa kalye when I was in 4th yr. High school. Sila spoof , daga at semaj ang mga nagimpluwensya sakin gumawa at magpinta sa kalye. Si daga at spoof ang nakaisip ng DKS hanngang sa nadagdagan ng mga kaibigan at kapatid na nagpipinta sa kalye. Ron Yra: Nagsimula ako sa paggawa ng street arts sa lugar namin, and then nagkakilakilala kami sa FB. Nagkayayaan magpinta at ayun sinali nila ako sa grupo nila. Simula nun mas lalo akong namulat na madami pa pala akong kailangan pagdaanan pagdating sa streetart para may mapatunayan. Deep: Nung una kase puro sketch lang ako tapos tinatry ko siya i’apply sa wall tapos pinopost post ko lang sa Facebook. Hanggang sa isa sa member sa grupo nila si semaj ang nagsama sakin magpinta sa las piùas hanggang sa nahype nalang din ako mag streetart hanggang sa Isali nalang din nila ako sa grupo nila, at doon sa samahan na yon lalo nila akong hinasa mag streetart. kaloy sperm monster: di talaga ako kasama sa orig na members ng DKS, nasali lang ako dahil mga nakilala ko sila sa eksena. tapos disconnect 6 sticker fest nung sinali nila ako, nung time na yun kakaalis ko lang sa dati kong grupo.



3. What do you think is the most important trait that a person needs to make it especially in creating graffiti? Spoof: wag lalake ang ulo, stay humble, paa sa lupa, lageng tumuklas o dumiskubre ng bagong style sa pagpipinta Ezzek: first inspired yourself from others second you don’t need fame just love what you’ve doin. Last be Inspiration to others . Repeat. Live Fun: No Fear,Being Extrovert and passionate on what art he/she do I used “Live Fun” as a name when I do street art. Ron Yra: Pagiging humble. Nagsisimula naman lahat sa pagiging toy (pangit gumawa). Kaya pagdating ng time na you have many experiences na at magaling kana gumawa ng graffiti, dapat yung ugali mo eh katulad padin ng dati nung ikaw ay toy palang din. As an artist hindi ka dapat makarinig ng beef(panlalait) galing sa kapwa mo artist. Deep: Being humble. Nagsimula naman ang lahat sa Wala eh, Hindi mo kelangan maging mapagmataas sa iba kahit na alam mo sa sarili mo na medyo natututo kana. Bilang artist kase isa sa pinaka magandang maririnig mo sa ibang tao yung puri nila na Hindi mo ineexpect sa sarili mo. kaloy sperm monster: basta gusto niya gawin ang mag-art. kase sa isang banda parang bisyo ang street art. gumagastos ka sa paints pero walang bayad ang ginagawa mo ginagawa mo lang kase gusto mo siyang gawin. saka dapat laging may room para mag improve.



4. What’s the hardest thing about being a street artist? And how do you resolve in it? Spoof: discrimination!!! Tingen samen ng tao madume,nakakatakot yung pinipinta,vandalism daw,Kame naman tuloy lang sa pagpipinta, sa pagsubok lalo kameng lumalakas. Ezzek: pinakamahirap? Siguro ung husgahan ka ng tao sa kasuotan mo’ kesho madami kng tattoo at madami kng pintura sa damit o kamay hehehe d na siguro masosolve yun every peoples eye are different. Ikaw ang uunawa at magaadjust haha. Live Fun: The Hardest thing for me is to be more active on street and balancing different things in life I resolved it simply by making my self more inspired and by doing that I might go to somewhere where I inspire myself to do more Ron Yra: The hardest part sa amin ay kapag yung mismong family mo eh hindi ka sinusupportahan sa gusto mong gawin katulad ng paggawa ng graffiti. Sa tinagal naman eh pinakita ko sakanila na may magandang epekto ito sakin kaysa naman malulong ako sa masamang bisyo e magpipinta nalang ako atleast may nakakaappreciate na ibang tao. Deep: The hardest part para sakin or siguro sa iba na din na gumawa ng paraan para ma’suportahan ka ng sarili mong pamilya, ayan din kase yung isa sa magpapahype sayo para gumawa ng mga obra sa kalsada o kung saan man. Pero ng dahil sa mga dumadating na opportunities para sakin mas naiintindihan na nila na mas masama ang magbisyo kesa sa ginagawa ko. Eric Buada: para sakin ang pinakamahirap n bagay sa pagging graffiti artist ay ang mga sidecomment na sinasabi ng tao tungkol sa graffiti na ito raw isang uri ng vandalism pero kahit na ganun pinagppatuloy ko pa rin ang pagpinta kasi ito ang aking paraan maipahayag ang aking saloobin‌ kaloy sperm monster: meron pa ring sarado isip sa street art. akala nila vandals lang hehe. may iba minsan sa ibang gumagawa din sa kalye yung angasan, pataasan ng ihi, yabangan lalo sa mga bago lang. meron din sa pamilya yung hindi tanggap yung pag-aart, yun yung wala namang pera sa art. pinansyal syempre. pero dagdag sipag lang yung panapat sa struggle.




4. Besides graffiti, what are your any interests? Spoof: bukod sa pagpipinta ang ibang libangan naman magluto,magskate,maglinis ng bahay para goodshot sa nanay hahahahaha Ezzek: I like girls hahaha joke, besides of graffiti I love to eat solo lang para walang kahati hahaha. If ever trip ko magexercise Nagbibike ako. Live Fun: I also love the Outdoors and Organizing Mountain Climb/Hike. Ron Yra: Photography, Digital arts, and traveling around the country. Deep: Street art and Printing t-shirts. Eric Buada: maliban sa pagpipinta ang iba ko pang ginagawa ay ngffucos sa trabaho ko bilang operator ng heavy equipment. kaloy sperm monster: minsan magsulat frustrated writer eh pero arts lang talaga talent ko. 4. What Do you get out of making graffiti art on the streets? Spoof: passion namen to, dito din kame kumikita ng pera, masaya kame pag nagpipinta sa streets madameng nakikilalang bagong friends Ezzek: besides of achievement na napintahan mo yung gusto mong pintahang pader. Nagiging masaya ko kada gawa ko no one can compares my feelings every time na nakakapagpaint ako sa kalye tsaka bonding na din nmen mgkakaibigan. Live Fun: Happiness and Self Contentment and sometimes cash from commissioned work and Project. Ron Yra: Wala naman, respect from other artists lang. Deep: Wala naman. Respetohan lang din sa isa’t isa. Eric Buada: when im making graffiti narerelax ang aking isipan na animoy wala kang problema na dinadamdam. kaloy sperm monster: satisfaction na nagawa mo ang gusto mong gawin at yung nashare mo art mo sa ibang tao na di pumapasok sa mga art gallery.


4. Any words to say about people acknowledging graffiti as an art besides the usual “vandalism?� And what can you say about the future of graffiti as an art form? Spoof: ang graffii o ang streetart depende yan kung paanoIni-express ng isang artist, hindi ito matatawag na vandalism, kasi para din itong trabaho, sisimulan mo sa mababa patungo sa pataas, Ezzek: what if your sons or daughters love to paint on walls? Every child is an artist it depends on how they will produce it to theirselves .. Mahal namen ung ginagawa namen tulad ng pagmamahal namen sa aming mga magulang. Acceptance that we are in modern days. Graffiti is a form of Art kung panu iexpr Live Fun: Continue to support our local artists who strive day by day to share there talents on streets. The future is so bright although we are late more than a decade from other countries, the art scene looks bright from old to young emerging artist to the art scene. Ron Yra: Mas mabuti ng intindihin nilang maigi yung ginagawa namin kaysa ijudge nila. Kasi kung tutuusin mas malawak ang graffiti at mas malalim kaysa sa mga normal na art forms dyan. Hindi lang kami basta sa pader gumagawa, kaya din namin ang mga ginagawa ng iba dyan. Deep: Mahalagang maintindihan muna nila kung mas tama ba ang pag puna nila sa ginagawa namin or mas tama ba ang ginagawa namin na ginagawa lang namin kung anong samin at Hindi pinapansin yung kung anong ginagawa nila. Eric Buada: ang masasabi ko lang graffiti is an art not a vandalism kasi mssabi mong vandalism ang isang bagay kung ito ay illegal mong gagawin sa mga pribadong lugar...someday ang graffiti ayy maituturing na rin na isa sa mga klase ng art na hindi basta basta ngagawa ng ibang tao and graffiti exist. kaloy sperm monster: maraming salamat sa mga sumusuporta sa mga street artist at graffiti artist. salamat sa malawak nilang isip. yung simpleng pagbili ng mga merch kagaya ng shirt at sticker para may pambili ng paints malaking bagay. tapos yung mga tao na naiinspired sa mga gawa sa kalye sila yung mas nagiging inspirasyon kase nakakataba ng puso yung malaman na may naiimpluwensyahan pala kame. walang pera pero masaya art hehehe



PANGALAWANG BAHAGI


SINING COLLECTIVE

SINING: Noel Placino

52


TALOP

LARAWAN: Eugene Cidro

53


SINING COLLECTIVE

54


TALOP

Sugat

John Christian Reontoy Ganito ba talaga kasakit ang mga markang iniwan mo? Isang markang hindi ko alam kung hanggang kailan nga ba maghihilom, Markang hindi ko inaasahan na manggagaling pa sa’yo, Markang patuloy na lumuluha ng mapula’t malapot kong dugo. Hindi naglaon ay unti-unti itong namuo, Bumuo ng isang kasuklam-suklam na imahe mo, Hindi ko mapigilan ang galit ng kalooban, Ang makita ka’y sumpa sa aking kasalukuyan. Kaya naman agad-agad kong tinalop ang markang iyong iniwan. Tinanggal ko ang bawat namumuong ugnayan na may kinalaman sa’ting pagmamahalan, Ngunit ‘di ko lubos akalain na mas masakit pala ang limutin ka nang pilit. Muling dumanak ang dugo at nakaramdam ng dalawang patong na sakit. Paano pa nga ba kita malilimutan, Kung ang sakit na dulot mo’y parte na ng aking katawan? Hanggang ngayon ay hindi ko makayanan, Hapdi at pighati na lamang ang aking nararamdaman. Hindi ko na tatangkain pang talupan ang iyong iniwang marka, Hindi ko na susubukan pang kalimutan ang pinagsamahan nating dalawa, Hahayaan na lamang na lumipas ang panahon, At ang alaalang iniwan mo’y tuluyan ding maglalaon.

55


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Max Vargas

56


TALOP

57


SINING COLLECTIVE

SINING: Elaine De Guzman

58


TALOP

LARAWAN: Apple Seed

59


SINING COLLECTIVE

Hubad na katotohanan

Melanie Barquilla

Ilaw ang syang sumisilaw sa malamlam, bilog at marikit na mga mata Sa bawat paghagupit ng tugtog ay ang pagsabay sa indak ng musika Sa umaga ay tulog at ang gabi’y nagsisilbing umaga Ito ang mundong aking kinalakihan Ang mundo ng pagtatanghal Nakabibinging musika Nakabibinging tawanan at hiyawan Nakasisilaw ang mga ilaw na kumukuti-kutitap Ito ang hubad na katotohanan Kapalit ng kaunting barya ay ang dangal Hinayaan na marumihan Hubaran Tanggalan ng pagkatao at dangal Katakot-takot ang araw-araw na aking nasasaksihan Bawat haplos, halik, indayog ng aking balakang Sa paglubog ng araw at pagsilip ng buwan, ay ang oras ng aking pagtatanghal Bagamat, matagal nang ginagawa at halos nakakasanayan na, Ngunit hindi pa rin maikukubli ang hangarin kong makalaya Makaalis sa madilim na mundong ginagalawan Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapanggap na masaya Hanggang kailan ako magpapanggap na maayos ang mundong aking kinalakihan Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba Dahil, sa totoo lang wasak na wasak na Maraming beses na akong nahusgahan ng lipunan Masasakit na salita at mura ang natatanggap mula sa kanila Ngunit hindi nila alam na may dahilan kung bakit mas pinili ko ang ganitong buhay Maaaring lumaki akong mahirap o kawalan ng direksyon sa buhay Maraming beses na akong nahubaran, tinanggalan ng dangal at dignidad Ngunit, hindi ibig sabihin noon ay wala akong karapatang magbago para sa sarili kong pangarap Balang araw, iiwanan ko ang mundo ng pagtatanghal At ang gabi’y hindi na magsisilbing umaga Masisilayan ko rin ang pagsikat ni Haring Araw sa pagputok ng bukang liwayway

60


TALOP

SINING: Helen Blue

61


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Kix Navidad

62


TALOP

LARAWAN: JanJan Capili

63


SINING COLLECTIVE

64


TALOP

Orange

Gonzales, Paul Allen M.

By the layers of spontaneous existence Of this magnificent layers of bitterness. The orangey color of the magical fruit It’s glaring vibrance I can not dispute. In the presence of this rough coat Lies the sour taste that could rip a throat But the glimpse of its sweetness lies beneath The bitterness of this orangey stealth. Hence, the magic of everything Lies behind its pain could bring, So don’t be afraid to peel the cover It may behold the treasure to ponder. Until you peel the life’s bitterness That then you could taste its sweetness.

65


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Joed Baralas

66


TALOP

67


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Rhy Paralijas 68


TALOP

SINING: Elaine De Guzman

69


SINING COLLECTIVE

May Tattoo

Ken Sarmiento

Maganda ka Oo, maganda ka hindi dahil Sa mga pino-post mong selfie Hindi dahil sa kutis mo O sa kulay ng buhok mo, o sa kung anong suot na damit mo Kundi dahil sa tattoo mo Na sana at dapat Ay iyong ipakita. Tama ka, hindi ko makita, kasi nga Ay hindi mo pinapakita Pero ramdam ko, kahit hindi Nakaukit sa balat mo at wala sa mga Mata ng tao, may tattoo ka Na matagal mo nang tinatago, na minsan Ay gusto ring makita ng mundo, na minsan Ay gusto ring kumawala nito upang ipinta Sa mga pader na nais makinig Ng istorya mo. Pagbigyan mo na ang tattoo mo Sasamahan ka nito sa mundo Na nais mong puntahan, sa mundo na maglalagay Sa iyo sa isang LARAWAN Na hindi mo malilimutan Sa mundo na kasama ang iyong sarili Bilang kaibigan sa paanan ng walang hanggan. Sa walang hanggan na maririnig mo ang musika Na taglay ng tattoo mo Sa walang hanggan na malalasahan mo ang sarap Ng maganda mong pagkatao Sa walang hanggan na mararamdaman mo Ang sakit na bumuklat sa iyo Bilang libro. Magpasalamat ka sa tattoo mo Bukod sa astig ka Uulitin ko, maganda ka.

70


TALOP

71


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Augustus Salvador

72


TALOP

SINING: Helen Blue

73


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Alfonso Villas

Tara Po!

Marky Panganiban Magandang araw! Nag-uulat Marky Panganiban mula Betsinartparasites! Isang praning sa kanto na nag-aabang ng pandesal sa alas-kuwatro ng umaga. Mga nagbebenta ng mga pangakong may dalang talinhaga, kasinungalingan. Inaasam ang palaman ng pagbabago. Pero pang-gagago ang laman. Ang guro ang nagsabi na isang may pangalan ang magbibigay dapat ng pagbibigay lakas loob na mensahe, pero tinawag na lang ang mga magulang at binigyan ng tiglimang daan, kalokohan. Tinawag ang prinsipal para bigyan ng ekskursiyon na para daw sa mga guro. Kagaguhan. Isang trycicle driver ang nagsabi na ang isang may katungkulan na nagpapakita lamang sa lugar kapag malapit na ang halalan. Mas madalas pa sa coffee shop kesa sa mga lugar na ang mga tao ay nangailangan ng pagkalinga. Pakitang tao. Ayon sa isang nasunugan, isang may kapangyarihan, na nadumihan sa mga abo ng sunog, nakikihalubilo sa mahihirap, kakain sa baso, para masabing nakikisalo. Dilawa. Isang pulis sa kanto ang nagsabi na isang may posisyon ang naglalakad kasama ng maraming nakabarong at may mahabang sasakyan na pilak ang plaka. Nag-aalok ng trabaho na may kasamang pakikipagkamay tapos bulong “pakitandaan yung pangalan ko sa halalan�. Muli po, Marky Panganiban mula Betsinartparasites. Tara po, trapo. Makinig tayo sa daing ng sambayanang pilipino.

74


TALOP

Crucifixions Peps

Were created as punishments Designed to remove the will from the flesh. The flesh reduced to a sadist’s hands. The hands strapped on wood. The wood—splintered, slivers sticking to the back. The back, bent, broken from the weight. The weight of the sinner’s own body, supported by nails. The nails, driven through blood and bone and every scream for Penitence. Help. Mercy. And they say we have ours to bear, To carry our own crosses. FACT: An average roman cross weighs 200 kilograms. It is not the cross that kills. ALSO FACT: The nails are driven through wrists or hands that are strapped to a wooden stake, to inflict maximum pain while keeping the sinner alive. It is not the nails that kill. The sinner is left for days to slowly die of asphyxiation. As the air slowly creeps out of his chest for the lack of a better lung to shelter in. It is not the heft, It is not the pain, It is not the stress, Or the loss, Or the trauma That ends us. What kills us; Is our own inability, To carry ourselves. But how do we move on, When our limbs Are impaled on stakes When all we can do is look up to the skies. How can the “good” people Have the audacity To claim someone dies for our sins. When we are already, slowly dying for ours. Father, forgive them, for they do not know what they are doing.

75


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Frederick Deserva 76


TALOP

REBOLUSYON

Billy Ibarra

“Tayo’y di mga pantas, kaya hindi mariringal na talumpati at di maririkit na sulat ang ating idaraos; sa gawa natin dadaanin. Ang Katubusa’y hindi makukuha sa salita o sa sulat: kinakamtan sa pagsasabog ng dugo.” - Andres Bonifacio (Pahayag ni Bonifacio sa pagkatatag ng Katipunan) Tatlong daang taon inalipin ng Espanya Itinutok sa lalamunan ang krus at espada Pilit pinaluhod sa pananampalataya Mahabagin ang Diyos ngunit hindi ang mga banyaga Mi Patria, matagal kang nagdusa Nasadlak sa pagkaduhagi at dalita Itinuring na pilibustero’t erehe ang sinumang sumalungat Pinapaslang ang mga tumutubong ugat Ginarote ang tatlong Paring martir doon sa Bagumbayan Nag-iwan ng lumuluhang damdamin sa ating Inang Bayan Itinanim ng mga prayle sa mga indio ang kahirapan Yumabong ang galit hanggang mamunga ng himagsikan Pinangunahan ng Supremo, Gat. Andres Bonifacio Ang pagsasandugo para sa Rebolusyong Pilipino Matatapang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan Nagnasa ng isang malayang lipunan Pinunit ang mga sedula sa unang sigaw sa Pugad Lawin Tanda ng pag-uumpisa ng paglaya sa pagkaalipin Nakipagsapalaran sa parang ng digma Nagtagumpay at nabigo sa bawat sigwa Bawat sugat ay nagsilbing katapangan Upang magpatuloy sa pakikipaglaban Subalit hindi naiwasan ang gusot sa Magdalo at Magdiwang Si Bonifacio ay pinatay ng sarili niyang kababayan O aking bayan, hindi pa tapos ang ating laban Hindi ka pa rin nakalaya sa kamay ng dayuhang bayan Nasa iyo pa ring kandungan ang mga mapagsamantala Dahilan upang ikaw ay magdusa, maghirap sa higpit ng tanikala Lingunin ang kahapon at gawin itong inspirasyon Hindi pa natatapos ang ating rebolusyon Makakalaya lamang tayo kung papawiin ang bawat alinlangan Kung ikaw at ako ay makikiisa sa demokratikong rebolusyong bayan Sapagkat ang pagbabago’y makakamit lamang sa pagsasaboy ng dugo Kung ang masa’y makikilahok sa bawat sulok ng pulo Tangan-tangan ang panibagong tipo ng rebolusyon ni Bonifacio Tungo sa isang lipunan na may perspektibang sosyalismo

77


SINING COLLECTIVE

SINING: Christian Rocha

78


TALOP

79


SINING COLLECTIVE

LARAWAN: Arthur Jumagdao

80


TALOP

Sa Likod ng Maya’t Baybayin

Sapagkat wala pang logo ang ating kolektib, ang ating butihing lakambini na si Francesca Jinel Franco ay nagpasimula ng isang logo making contest noong Nobyembre 4, 2016 at halos naipasa bago noong Nobyembre 30, 2016. Maraming draft na ipinakita noon sa page ng ating kolektib, iba’t ibang pananaw, iba’t ibang istayl, pero ibig nilang ipakita na ang sining ay di lang basta pakitaan ng galing o husay bagkus ito ay paghubog ng isang tao sa isang indibiduwal na may bukas ang isipan. At isa sa mga tampok na obra sa artikulong ito ay ang logo na batay sa ibong maya na sumasagisag sa isang malayang ekspresyon singtulad ng ibong lumlipad patungo sa kanyang paroroonan, gayundin ang baybayin na tila kinikilala ang diwa ng Kapilipinuhan di dahil ang mga manlilikha ay mga Pilipino bagkus tulad ng mga ibang kolektibo, ang SINING ay katuwang sa paghuhubog muli ng kamalayang Pilipino tungo sa nais na pagbabago gamit ang kultura. 81

May iba’t ibang sangay ng SINING, iba’t iba din ang pangalan. Subalit, sino ba ang hindi humahagkan sa paanan ng mga dakilang diwata ng SINING? Nariyan ang Sining ng Paglililok, Pagguhit, Pag-awit, Pagtula, Pagsulat, Potograpiya, Pagtatanghal, pinagsamang midya, at marami pang iba ngunit sila din ay iisa at dahil ito ay SINING at ito ay napapaloob sa mga tao na nais ipakita ang kagandahan, kabutihan, at katotohanan sa iba’t ibang paraan ng paglikha. Sapagkat ang SINING ay isang kolektibong hangad ang saysay at pagiging makalangit ng isang manlilikha. Tulad ng ibon at ang baybayang gamit bilang logo, ang bawat hagod ng brotsa ay tila pinapakita ang tiyaga upang makita sa madla ang ganda na nais ilahad at ang katotohanan at ang katuwiran na napapaloob nito. Bakit nga ba ibon? Bakit nga ba baybayin? Bakit nga ba dapat parang hinagod ng brotsa pwede namang singtulad ng bolpen pag sinulat, o ng makinilya o mas mainam ang kompyuter para angkop sa ating panahon!? Ayon sa ideya sa likod ng pantatak, na ang ‘Maya at ang baybayin ng SINING ay kap’wa representasyon ng pagkapilipino, nahahati man tayo sa 7107 na pulo may mga bagay na nagbubuklod sa atin bilang

isang manlilikha: Isang Maya na sagisag ng aming pagiging Payak ngunit Malaya; birtud ng isang kolektiba ang pagiging Payak sa lahat ng aspekto, at Malaya sapagkat palaging hinahangad ang lumaya upang makapagmulat at magpakilos para sa pagbabagong hinahangad, na maging “tao” ang isang madla sa panahong halos kinakalimutan na ang kanyang pagkatao; bakit nga ba baybayin ng ginamit sa salitang Sining? Sapagkat ito ay ang pagkakakilanlan bilang Pilipino. Di dahil ito ang ating unang alpabeto at sa dumadaloy ang mga alpabetong ito ang diwa ng pagiging Pagkapilipino: ang pagiging Malaya at maginoo bago pa man tayo masakop ng mga dayuhan. At dahil din diyan, kinakatawan nito ang yaman ng kasaysayan ng ating mga ninuno na aminin natin: halos kinakalimutan at nais itong hanguin muli at maging parte ng ating paghubog at pagmulat, pagkilos. Ito ang aming mukha. Naniniwala ang kolektibang SINING sa mga Maya at ang pagkapilipino ng SINING na ang pinakaesensiya at pag-iral ay ang maging MALAYA!

Mga nagwagi sa patimpalak ng paggawa ng logo: Ed Brendon R. Enclona www.behance.net/photographed Ivan Laurenciano www.behance.net/gallery/24847115/MOCKINGJAY-CRESSIDA



TALOP

SINING COLLECTIVE 2017

83


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.