Tinig Luzon Tomo LXXIII COVID-19 Special Issue

Page 1

T inig Luzon malaya. mulat. mapanagutan. Lungsod Sorsogon, Rehiyon V – Bicol

NILALAMAN

Pag-atake sa mga mamamahayag, naganap matapos iratsada ang ATL BALITA | pahina 4

Kalampag ng Danas EDITORYAL | pahina 5

Magpabakuna? O maghintay na lang muna? AGTEK | pahina 15

Dibuho ni JOVAN HERNANDEZ.

Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon COVID-19 SPECIAL ISSUE Tomo LXXIII Bilang I Nobyembre 2020–Hulyo 2021

/SNHSTinigLuzon/

snhs.tinigluzon@gmail.com


balita

02

Tinig Luzon

Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

BALITANG PAMPAARALAN

Bagyong Rolly, nag-iwan ng bakas sa Sorsogon High ni USHA RENA BAUTISTA

M

alaki ang naiwang bakas at pinsala ng nagdaang bagyong Rolly (Goni) sa pagpasok nito sa bansa noong Nobyembre 1, 2020, kung saan kabilang ang Rehiyon V sa mga naapektuhan, pati na rin ang Sorsogon National High School (SNHS). Sinasabing ang bagyong Rolly ang pinakamalakas na bagyong pumasok sa bansa nitong 2020. Matapos ang bagyo, mga bakas ng sirang bubong, bintana, at iba pang gamit sa paaralan ang naiwan ni Rolly dahil sa lakas ng hangin at ulan na dala nito. Hindi rin inasahan ng marami ang higit isang linggong pagkawala ng kuryente sa probinsiya, kung kaya’t namroblema nang husto ang mga guro at mag-aaral dahilan ng bagong normal na edukasyon sa gitna ng pandemya. Nahinto ang pagsagawa ng online classes sa mga sumunod na araw kasabay ng pahirapan sa paghanap ng signal at hindi pirming data connection. Kaugnay nito, nagbigay ng advisory ang Sorsogon Electric Cooperative (SORECO) sa kawalan ng kuryente dahil sa isinagawang pag-aayos at pag-iinspeksyon ng mga sirang kable at poste sa mga lugar.

BalikEskuwela sa Pandemya

PRIMYIR SA KADALUBHASAAN. Inihayag ng Sorsogon National High School ang malaking bilang ng mga nakapagpatalang estudyante sa nasabing paaralan ngayong taong panuruan 2020-2021 kaysa sa nakaraang taong pampaaralan. Kuha ni CARL DONOR.

Enrollment rate ng Sorsogon High ngayong taunang pasukan, tumaas T ni ZEPHRA BORJA

umaas ang enrollment rate ng Sorsogon National High School (SNHS) na may naitalang kabuoang 9,960 na magaaral para sa taunang pasukan 2020-2021 sa kabila ng kinakaharap na pandemya.

Batay sa ulat mula kay Francois L. Detera, SNHS Quality Management Representative, mayroon nang 2,954 enrollees para sa Senior High School (SHS) at 7,006 naman para sa Junior High School (JHS). Nakapagtala ang JHS ng 6,390 na mag-aaral sa ilalim ng Modular Distance Learning (MDL) at 616 naman sa Online Distance Learning (ODL); habang ang 2,597 na mga magaaral sa SHS ay pinili ang MDL at 357 naman sa ODL. Ang ODL ay isang modalidad ng pag-aaral kung saan ginagamit ang iba’t ibang teknolohiya upang makapagbigay kaalaman ang mga guro, samantala ang MDL naman ay maaaring digital o printed ang gamit na panturong

materyal sa mga mag-aaral. Sa nakaraang taunang pasukan may naitalang 7,225 na estudyante sa JHS at 2,518 naman sa SHS na kung ihahambing sa bilang ng estudyante ngayon ay makikitang bumaba ng 3.03% ang enrollment rate sa JHS, habang tumaas naman ng 14.76% ang enrollment rate sa SHS. Ipinaliwanag naman ni Detera ang mga dahilan ng pagbaba at pagtaas ng enrollment rate sa SHS at JHS na may malaking kaugnayan sa kasalukuyang pandaigdigang krisis sa kalusugan. Wika niya, “May mga mag-aaral na kinailangang lumipat ng paaralan dahil sa lokasyon ng kanilang lugar; may iba namang mag-aaral na nagpasyang ipagpaliban na muna ang pag-enroll

ngayong taon.” Idinagdagdag pa niya ang mga dahilan kung bakit tumaas ang enrollment rate sa SHS. Ayon sa kaniya, “Ang ibang mag-aaral sa ika-12 baitang na lumipat ay natanggap; karamihan ng nakapagtapos sa ika-10 baitang ay piniling mag-enroll sa mga programa ng SNHS para sa SHS. Ang mga magaaral namang naninirahan sa labas ng lungsod ng Sorsogon ay piniling magenroll sa SNHS sa pamamagitan ng ODL modality.” Samantala, ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) naman ay nakapagtala ng 806,671 na magaaral sa buong rehiyon ng Bicol sa pamamagitan ng online at dropbox enrollment ngayong taunang pasukan.

BALITANG PAMPAARALAN

Dahil sa sunod-sunod na bagyong dumaan sa Sorsogon

Brownout, sagabal sa pag-aaral ni HANNAH SALVANTE

M DAGSA NG PANAHON. Nasira ang iilang mga istruktura sa Annex Campus ng Sorsogon National High School dahil sa nagdaang Super Typhoon Rolly, noong ika-1 ng Nobyembre, 2020. Larawan mula kay MARILYN DIVINA.

SA MGA NUMERO

Matinding Pinsala ng Bagyong Rolly sa Sorsogon php 180m

Kabuoang Halaga ng Pinsalang Dulot ng Bagyo

20 Bilang ng mga Nasirang Linya ng Kuryente

Sanggunian: PHILIPPINE NEWS AGENCY

16,000 Bilang ng mga Apektadong Pamilya

7 araw Araw na Walang Kuryente sa Probinsya (Nobyembre 1-7)

Disenyo ni CARL DONOR

akaraan nang naapektuhan ang mga klase dahil sa sunod-sunod na power interruption na dulot ng dumaang mga bagyo sa Rehiyon ng Bicol mula noong Nobyembre 2020. Isa ito sa mga naging malaking sagabal sa mga mag-aaral at guro sa pagsasagawa ng online classes ngayong panahon ng pandemya. Kadalasan ay umaabot ng hanggang 12 oras ang brownout sa mga probinsiya na nagiging sanhi ng pagkaudlot ng mga gawain, lalong-lalo na ang pagdalo sa mga virtual class at pagsagot ng mga modyul at pagsasanay. “May mga pagkakataon na nawawalan ng kuryente tuwing gabi. Para sa karamihan sa mga mag-aaral, ito lamang ang oras na nakakapahinga sila sa paggawa ng kanilang mga takdang-aralin at gawaing-bahay. Kaya isa itong malaking suliranin para sa akin bilang isang mag-aaral,” pahayag ng mag-aaral na si Deober Lubiano. Samantala, pati ang mga guro ay hirap din sa pagpapatuloy ng kanikanilang mga leksyon tuwing may mga power interruption. “Malaking sagabal ang kawalan ng kuryente, lalo na ngayong gumagamit tayo ng distance learning, dahil minsan ay may mga gawain tayong hindi natatapos. Nagiging sagabal din ito sa

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

pagkakaroon ng synchronous lesson sa mga online distance learning (ODL) na mag-aaral. Mas nahihirapan akong habulin ang aralin dahil sa biglang pagkawala ng kuryente," ayon naman kay Roquessa Dechavez, isang guro sa Sorsogon National High School.

Malaking sagabal ang kawalan ng kuryente, lalo na ngayong gumagamit tayo ng distance learning. ROQUESSA DECHAVEZ

Guro sa Sorsogon National High School

Mayroon namang abiso ang Sorsogon Electric Cooperative (SORECO) 1 at 2 sa tuwing magkakaroon ng brownout, ngunit hindi naiiwasan ang pabigla-biglang pagkawala ng kuryente na nagbibigay limitasyon sa paggamit ng mga gadget at iba pang de-kuryenteng kagamitan na kinakailangan sa pag-aaral.

OBLIGADONG MAMAMAYAN. Tiniis ng mga mamamayan sa Lungsod ng Sorsogon na maghintay sa mahabang pila upang mabayaran ang mataas na singil sa kuryente kahit na taliwas ito sa ipinapakitang serbisyo ng SORECO, ika-6 ng Nobyembre, 2020. Kuha ni VINZ ANGELO IMPERIAL.

malaya. mulat. mapanagutan.


balita 03

TINIG LUZON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

BALITANG PAMPAARALAN

SILENSYO SA LUGAR NG PAGKATUTO. Nagsilbing quarantine facility ang Sorsogon National High School simula nang paglubha ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Sorsogon.

Kaugnay ng bagong normal sa edukasyon

Kauna-unahang PLAF 2020, ginanap online

Kuha ni CHRISTINE HERMOSA.

ni LOREEN MAE LADISLA

I

dinaos ang kauna-unahang online Primyir Literary Arts Festival (PLAF) na may temang "Unearthing Normalcy amidst the Covid-19 Pandemic" noong buwan ng Nobyembre 2020 sa pangunguna ng Coordinator of the Co-curricular Learning, Culture, and the Arts na si Hannah F. Deuna, sa ilalim ng pangangasiwa nina Francois L. Detera, Director of the Office of the Student Affairs and Services (OSAS), at Marilyn B. Divina, dating School Principal IV.

Hinggil sa operasyon ng Sorsogon High bilang quarantine facility

Kaguruan sa SNHS, ikinadismaya ang pahayag ni Dr. Apin ni ROBERT SEVA

I

kinadismaya ng kaguruan ng Sorsogon National High School (SNHS) ang pahayag ni Dr. James Apin hinggil sa kawalan ng suporta ng pamunuan ng paaralan sa pagpapanatili at pagsisiguro nito bilang isa sa mga quarantine facility sa lalawigan. Kaugnay nito ang idinaraing ng mga locally stranded individual (LSI) at person under monitoring (PUM) hinggil sa kakulangan ng maayos na mga palikuran, kawalan ng tubig, kuryente, at iba pa sa naturang paaralan. Ayon kay Apin, ang kakulangan sa nasabing pasilidad ay dahil sa kawalan ng suporta ng pamunuan ng paaralan, kung kaya ang City-LGU na ang gumagawa ng paraan para tugunan ang nabanggit na mga problema. Tugon naman ng ilang guro, hindi dapat sa kanila sisihin ang lahat ng problema, sapagkat ang kanilang badyet ay nakalaan lamang sa kakailanganin nila sa pagtuturo at hindi sa ipinapasang tungkulin sa kanila ng pagmamantina sa paaralan bilang isang quarantine facility. “Una sa lahat, ang SNHS ay eskwelahan at hindi ospital para tugunan ang kakulangan ng mga naapektuhan at

nagkasakit ng COVID-19. Kung may kailangan din na paggastusan ang paaralan, uunahin ang mga preparasyon para sa modules or learning materials ng mga estudyante,” pahayag ni Zarren Benzon— isang guro ng SNHS. Bukod pa rito, wala naman aniyang alokasyong pangkalusugan buhat ng pandemya ang SNHS, kun’di ang gobyerno o LGU lamang. Batay sa kondisyong nakasaad sa Memorandum No. 025 ng Kagawaran ng Edukasyon ukol sa paggamit ng paaralan bilang quarantine facility, ang LGU ang may responsibilidad sa pamamahala at pagmamantina ng paaralang gagamitin at paniniguro na may sapat na suplay ng tubig at iba pang kailangan ng mga naquarantine. Ang kawani naman ng paaralan ang tutulong sa LGU sa pagsasakatuparan nito. Gayunpaman, iniudyok ng mga opisyal sa mga nanunuluyan sa quarantine

facility na intindihin na lamang ang sitwasyon lalo’t hindi biro ang halaga ng pondong inilalaan ng lokal na pamahalaan sa pagmantina ng naturang pasilidad. Dagdag pa ni Apin, mayroong iba pang mga proyekto ang City-LGU bukod sa mga quarantine facility na kailangan paglaanan din ng badyet. Ito rin umano ang isa sa mga rason kung bakit pinahihintulutan mag-home quarantine na lamang ang mga LSI at PUM na pumasa sa binuong assessment upang kahit papaano ay makatipid. Samantala, ang karamihan sa mga kawani ng paaralan ang pinagbawalang pumasok dito dahil sa restriksyon upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan. Nabawasan ang kawani tulad ng janitor at maintenance na kinakailangan para sa pagpapanatili ng mga pasilidad at kaayusan sa paaralan.

Implasyon sa pagkain at transportasyon, patuloy ang pagtaas ni CAITLIN DELA FUENTE

PRESYONG ABOT-TALUKTOK. Nababahala ang mga Sorsoganon sa presyuhan ng mga gulay at sariwang pagkaing ibinebenta sa pamilihang-bayan ng Sorsogon dahil sa patuloy na pagtaas ng implasyon sa pagkain na sanhi ng pagbaba ng ekonomiya ng bansa, ika-6 ng Nobyembre, 2020. Kuha ni VINZ ANGELO IMPERIAL.

atuloy ang pagtaas ng implasyon sa pagkain at transportasyon dahil sa walang tigil na pagbaba ng ekonomiya ng bansa. Nobyembre 2020 nang maitala ang halos 4.3% na antas ng implasyon sa pagkain at 37.6% naman sa transportasyon. Mas mataas ito kumpara sa nakaraang taon kung saan ang kabuoang implasyon ay 1.3% lamang. Dahil dito, maraming konsyumer ang umalma sa pagtaas ng singil sa pampublikong transportasyon at maging sa pagmahal ng mga produktong pagkain partikular sa gulay, karne, at bigas. “Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo na ang pagkain at inumin, kakaunti na lamang ang nabibili ng limang daang piso, minsan hindi na rin ito sapat para makabili ng para sa isang araw na pagkain,” pahayag ni Mae Dionela, isang residente ng Barangay Sampaloc, Sorsogon. Sa kabila ng kawalan ng trabaho ngayong pandemya, naitala pa rin ang pagtaas sa 3.5% ng kabuoang implasyon sa bansa sa pagsapit ng huling buwan ng 2020.

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

#PLAF2020

mga ito ng PHP 50 load. Matapos nito, ang mga sumusunod naman ay ang mga patimpalak na ginanap para sa mga guro at estudyante: Creative Calligraphy Challenge na ginanap nitong ika-17; Pen-Demic: Email Writing Contest na ginanap nitong ika-18; Digital Advocacy Poster Design Making & Statement Crafting on Self-Empowerment; at Photo Essay Contest na parehong ginanap noong ika-20; Tulaang Krisis; at #DigitallyYours: Comic Strip Competition na pareho ring ginanap noong ika-23. Sa kabuoan, tinatayang 90 ang nagparehistro at inanunsyo naman ang mga nanalo sa mga nasabing patimpalak nitong ika-11 ng Disyembre sa pamamagitan ng ‘virtual awarding’ sa Facebook Page ng OSAS kung saan ang bawat kalahok na nanalo ay nakatanggap ng sertipiko at cash prize na handog ng iba't ibang mga isponsor. Disenyo ni CARL DONOR

Mga Kampeon ng 2020 Primyir Literary Arts Festival JED PONTERO

CAITLIN DELA FUENTE

GILLIANE RODRIGUEZ

JAN CURT JAZMIN

JAN ANDRE ESCUETA

MAXINE GARALDE

JETHRO TUQUERO

LOURDES PURA

JOSEPHINE ALABIN

GLENN SENTES

Tulaang Krisis: Pagsulat ng Tula

BALITANG LOKAL

P

“Ang Primyir Literary Arts Festival ay nagnanais na alukin ang mga magaaral na ipahayag ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng paglikha ng mga artistikong digital na nilalaman. Hinihimok nito ang mga mag-aaral na lumahok at ipakita ang kanilang mga kasanayang pampanitikan at mga kakayahang pansining. Panghuli ay nagbibigay rin ito ng pagkakataon na tangkilikin ang mga hamon sa mga sining ng panitikan,” saad ni Deuna patungkol sa layunin ng PLAF. Isinagawa ang pambungad na programa ng PLAF noong ika-16 ng Nobyembre, 2020 sa Sorsogon National High School OSAS Facebook page kung saan ay dinaluhan ito ng mga guro, estudyante, at magulang. Sa naturang pambungad na programa, isinagawa ang isang Question-and-Answer (Q&A) portion kung saan 14 estudyante ang nanalo at makakatanggap ang

Creative Calligraphy Challenge (Category A)

#DigitallyYours: Comic Strip Competition

Photography: Photo Essay Contest

Digital Poster Design (Students' Category)

Digital Poster Design (Teachers' Category)

Creative Calligraphy Challenge (Category B)

Creative Calligraphy Challenge (Category D)

Pen-Demic: Email Writing (Students' Category)

Pen-Demic: Email Writing (Teachers' Category)

Ang PLAF ay nagnanais na alukin ang mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng paglikha ng mga artistikong digital. HANNAH DEUNA

SNHS OSAS Coordinator of the Co-curricular Learning, Culture, and the Arts

Larawan mula sa SNHS OSAS.

malaya. mulat. mapanagutan.


04 balita

TINIG LUZON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

BALITANG PANGKOMUNIDAD

Right-sizing sa Sorsogon, idinaing ng mga manggagawa

Pag-atake sa mga mamamahayag, naganap matapos iratsada ang ATL ni WENZY DELADIA 52

INTIMIDASYON

ni IRENE GABION

37

LIBELO

M

araming empleyadong nawalan ng trabaho ang dumaraing dulot ng nangyayaring right-sizing o pagbabawas ng empleyado sa lalawigan ng Sorsogon na nagsimula noong ika-30 ng Hunyo, 2020. Nauna nang isagawa ang right-sizing sa siyam na ospital ng lalawigan, kung saan nasa 86 katao ang nawalan ng trabaho. Kasama sa mga apektado ay ang mga district hospital sa Bulan, Irosin, Gubat, Cumadcad, at Donsol; infirmary hospital sa Magallanes; municipal hospital sa Prieto Diaz; ospital sa Matnog (Medicare); at ang Sorsogon Provincial Hospital. Ayon sa mga pahayag ni Gov. Francis “Chiz” Escudero, ang right-sizing ay makatutulong upang solusyunan ang mga napipintong problema ng lalawigan at ng buong bansa dulot ng pagbagsak ng ekonomiya ngayong taon na pwede pang bumaba mula 10% hanggang 50%. Dahil ang ekonomiya ay nakabase sa internal revenue ng pambansang pamahalaan, kung patuloy ang pagbaba nito, maaaring wala nang ipasweldo ang gobyerno sa mga empleyado pagpasok ng 2023. “Ang pagkasayang ng budget, paulitulit na trabaho, hindi qualified na mga empleyado, at ‘ghost employees’ ang ilan sa mga dahilan ng pagra-right-size,” dagdag ni Bokal Roland Añonuevo, isa sa mga board members ng Sorsogon 2nd District. Gayunpaman, patuloy ang pagtutol ng sektor ng manggagawa sa panukalang pumapatid sa kanilang karapatan sa empleyo. Katwiran nila, sa halip na magkaroon ng right-sizing at magpatupad ng outsourcing upang kontratahin sila ng mga pribadong entidad, maaaring i-restructure na lamang silang mga manggagawa upang walang mawalan ng trabaho. Dagdag naman ni Atty. Joven Laura, hindi umano pwedeng basta-basta lamang tanggalan ng trabaho ang mga empleyado dahil mayroon silang karapatan sa security of tenure at may patakaran ang Civil Service Commission tungkol dito. Sa kabila ng patuloy na pagsasagawa ng right-sizing sa iba’t ibang kagawaran at ahensya ng lalawigan ng Sorsogon, sa pamumuno ng mga opisyal ng gobyerno, tinuran naman ng mga manggagawa ang kanilang pagtinidig para sa kanilang karapatan at pagmungkahi sa probinsyal na gobyerno sa kung anong nakabubuti para sektor na kanilang kinabibilangan.

ONLINE NA PANLILIGALIG

20 19

PAMAMASLANG

15

PAGBABANTA (SMS) PISIKAL NA PANLILIGALIG

13

PAG-ATAKE SA WEBSITE

12

PAGBABAWAL SA PAGULAT NG BALITA

12 11

PAG-ARESTO TANGKANG PAGPASLANG

8

PAGBABANTA (BERBAL)

5

MAY KAUGNAYAN SA MGA KORPORASYON

5

PANUNUNOG NG KAGAMITAN

3

PAMAMARIL

3

PAGSAMPA NG KASONG ANTI-FAKE NEWS

3

PAGBABANTA (PAMBOBOMBA)

2

PAGTANGGAL NG ARTIKULO

2

0

5

REHIYON V

4

REHIYON XII

3

REHIYON VII GITNANG KABISAYAAN

insidente ng pagaatake at pagbabanta laban sa mga mamamahayag.

2

REHIYON I

Sanggunian:

2

REHIYON XIII

PHILIPPINE CENTER FOR INVESTIGATIVE JOURNALISM (PCIJ)

2

REHIYON IX

CENTER FOR MEDIA FREEDOM AND RESPONSIBILITY

REHIYON XI

Disenyo ni CLARE CALLOS.

1

BICOL

223

SOCCSKSARGEN

ILOCOS

CARAGA

TANGWAY NG ZAMBOANGA DAVAO

Mga Banta at Atake Laban sa Pamahayagan

Ayon sa Kategorya, mula Hunyo 30, 2016-Abril 30, 2021

1

PAGPAPASARA

Mula Hunyo 30, 2016 hanggang Abril 30, 2021, nagkaroon ng

5

10

15

20

25

30

35

40

45

50

55

N

aganap ang iilang mga pag-atake sa malayang pamamahayag, partikular sa mga pahayagang pangkampus at indibiduwal na mamamahayag, sa Lungsod ng Sorsogon matapos maimplementa ang Anti-Terrorism Law (ATL). Isang araw matapos maisabatas ang ATL, nakatanggap ang Facebook page ng Tinig Luzon, ang opisyal na pahayagan ng Sorsogon National High School (SNHS), ng isang mensaheng naglalaman ng “red-tagging” mula sa isang pekeng account na nagngangalang Carla Mangampo. Ang nasabing pan-re-red-tag ay dahil sa nailathalang artikulo tungkol sa unang anibersaryo ng pagkamatay ni Ryan Hubilla— dating Senior High School na mag-aaral sa SNHS at kawani ng KARAPATAN Sorsogon—na SA MGA NUMERO

Pagbabanta sa mga Pilipinong Mamamahayag Ayon sa Salarin

Disenyo ni CARL DONOR

naglalaman ng pahayag mula sa New People’s Army (NPA) Sorsogon. Maliban sa pag-atake sa mga pahayagang pangkampus, sunodsunod din ang banta sa ilan pang mamamahayag sa Sorsogon. “Hindi na bago ang death threats sa trabaho namin,” ayon kay Robert “Maestro Obet” Laroga Apin, kapuwa mamamahayag ng pinaslang na si Jobert “Polpog” Bercasio ng Balangibog TV. Matatandaang ika-14 ng Setyembre, 2020 nang barilin si Bercasio ng riding-in-tandem

114 38

AHENTE NG ESTADO

34

34

8

PULISYA PAMBANSANG MILITAR LOKAL NA (PNP) PAMAHALAAN (AFP) PAMAHALAAN

habang sakay ng kaniyang motor papasok sa Seabreeze Homes Subdivision. Bago pa man ito, una nang nakilala si Bercasio sa kaniyang mga ulat at komentaryo tungkol sa mga lokal na isyung politikal. Mula sa ulat ng Committee to Protect Journalists (CPJ), naitala ang pangalan ni Bercasio bilang ika-17 mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, habang ang Pilipinas naman ay ikalima sa 2019 Global Impunity Index.

29

PRIBADONG MAMAMAYAN

22

ONLINE TROLL

PINAGHIHINALAANG MIYEMBRO NG NPA

1

9

'DI KILALANG NUMERO

5

'DI KILALANG WEB ATTACKER

2

METRO TABLOID

41

HINDI PA NATUTUKOY

Sanggunian: PCIJ

Matapos ang clearing operation sa plasa

Pagpapalipat sa mga manininda, walang pormal na abiso ni WENZY DELADIA

W

alang pormal na abiso ang pagpapalipat sa mga manininda sa isang water treatment facility kaugnay ng isinagawang clearing operation sa loob ng plasa, noong ika-18 ng Nobyembre, 2020 sa pumumuno ni Noli Janolan, Market Coordinator.

SA ISANG IGLAP. Hindi inaakala ng mga manininda sa pamilihangbayan ng Sorsogon na kakailanganin nilang lumipat bigla ng puwesto nang walang pormal na abisong natatanggap hinggil dito, ika-8 ng Enero, 2021. Kuha ni PAULA DEDUQUE.

Ang nabanggit na operasyon ay ipinatupad sa atas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naglalayong mawala ang mga sagabal sa daanan katulad ng mga maninindang nagkakariton at mga nagtitinda sa mga bangketa. Ayon sa mga manininda, walang pormal na abiso ang biglang pagpapalipat at nagulat na lamang silang may dumating na enforcer at isa-isang dinala ang kanilang mga kariton na may lamang mga paninda. Walang ipinakitang ordinansa si Janolan na nagsasabing alisin at ilipat sila sa water treatment facility. “Mas naging maganda ang plasa ngayon. Wala

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

kang makikitang nagsisiksikan at mas lalong naging malinis ito, ngunit masama ang naging epekto nito sa mga manininda. Halos walang dumaraang tao sa nilipatan sa kanila,” ani Josefina Docot, 47, magulang sa Sorsogon National High School (SNHS). Dagdag pa ng mga manininda na mabaho rin sa bagong puwestong kanilang nilipatan dahil tambakan iyon ng basura sa palengke. Gayunpaman, pahayag ng mga manininda na hindi umano sila kontra sa pag-aayos ng palengke ngunit hiling nila na mabigyan ng maayos na lugar na kung saan mapakikinabangan at mabibili ang kanilang paninda upang may maipakain sila sa kanilang pamilya. malaya. mulat. mapanagutan.


opinyon

Tinig Luzon

Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

05

EDITORYAL

KALAMPAG NG DANAS T inig Luzon malaya. mulat. mapanagutan. Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon COVID-19 Special Issue Tomo LXXIII Bilang I 2020-2021

PATNUGUTAN Concetta Elisha Dualin PUNONG PATNUGOT

Jovan Hernandez Franklin Tandoc

PANGALAWANG PATNUGOT

Christine Mae Floranda

Dibuho ni JOVAN HERNANDEZ.

PATNUGOT NG SIRKULASYON

Ashley Josef Tabuena

TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

N

ababalot ng karimlan ang kapuluan. Wala nang sigla ang mga lampara, at ang kabahayan ay hindi makagagap sa pamilyar na kaganapan. Ang gabi ay naging karugtong ng pagbabanat ng buto sa umaga; ngunit gumuho ang ilusyon ng ‘bagong normal’ at iniluwal ang nagliliyab na pagtindig ng kabataang mag-aaral.

Hindi na maikukubli ang masalimuot na reyalidad ng mga mag-aaral sa ilalim ng isang komersyalisado, kolonyal, at represibong edukasyon sa bansa. Ang pagtahak ng mga mag-aaral sa lansangan, sa pangunguna ng mga lider mag-aaral sa Ateneo de Manila University at Unibersidad ng Pilipinas ay nagpapakita lamang na kahit sa ipinamamandilang ‘bagong normal’ ay nananatili at higit na nagiging depektibo ang ating sistemang pang-edukasyon. Bitbit ang panawagan para sa inklusibo at makamasang edukasyon, hindi nakaligtas sa pagtanglaw ng kabataan ang pangangailangan biguin ang reaksyonaryong puwersa at lansagin ang naaagnas na imahen ng diktadura. Sa panahon ng pandemya kung saan pansamantalang isinara ang ekonomiya at lubhang apektado ang kabuhayan ng mamamayan, sapilitang isinulong ang muling pagbubukas ng klase bilang pagyuko sa pribadong interes ng mga makapangyarihan. Prenteng ibinira ng pamahalaan ang ‘flexible learning’ bagaman walang malawakang mass testing at kongkretong planong magsisiguro sa pangkalusugang kaligtasan ng kaguruan at mga mag-aaral. Dahil dito, maraming mamamayan ang napag-iwanan at napagkaitan ng kanilang karapatan sa edukasyon at empleyo. Sa katunayan, ayon sa ulat ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) Bicol, mahigit 300,000 mag-aaral sa Bicol ang hindi nakapag-enroll para sa panuruang taon 20202021. Samantala, 110 guro at 1,153 mag-aaral naman ang apektado sa pagsasara ng 46 pribadong paaralan sa rehiyon

nang dahil sa mababang enrollment na naitala sa mga ito. Ang mga numerong ito ay maiuugnay sa pagkakaroon ng hindi sapat na rekurso ng karamihan upang makasabay sa ‘distance learning’ ng gobyerno. Karamihan sa mga mag-aaral ay nawalan ng trabaho ang magulang kung kaya’t hindi na lang pag-aaral ang kanilang tuon. Marami rin ang walang akses sa pirming signal at Internet connection, dahilan upang dumayo sila sa malalayong lugar na naglalagay lamang ng kanilang buhay sa peligro. Dagdag pa, nanatiling mataas ang matrikula at iba pang bayarin tulad ng intramurals fee, recollection fee, at laboratory fee, sa ilang mga pribadong paaralan bagaman hindi magagamit sa bagong moda ng pag-aaral ngayong pandemya. Higit lamag nitong ipinangudngod na ang ‘distance learning’ ay isang kontra-mahirap na panukala. Unti-unti nang nanangay ng buhay ang tumitinding suliranin sa lipunang Pilipino. Mula sa mga ulat ng NUSPBicol at 101.5 Brigada News FM Sorsogon, mababatid na ang karahasan ng sistema ay ikinasa na sa limang mag-aaral sa Bicol: dalawa mula sa Sto. Domingo, Albay, isa mula sa Iriga City, at dalawa naman mula sa Sorsogon—kabataang nakipag-agawan ng buhay at karapatan nang dahil sa hirap ng online classes. Liban dito, patuloy ring nakararanas ng panre-red-tag at panliligalig mula sa mga ahente ng estado—tulad ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP)—ang mga guro at mag-aaral na itinataguyod ang kanilang

karapatan para sa kalusugan, kabuhayan, at edukasyon. Inianak ng krisis pangkalusugan ang reyalidad: sa lipunang pinamumugaran ng inhustisya, ang edukasyon ay hindi isang karapatan, bagkos ay isang pribilehiyo— kung saan ang masasalapi ay higit na mataas ang tiyansang makapag-aral. Bagama’t nauunawaan ang puntong hindi dapat matigil ang edukasyon sa panahon ng pandemya, marapat iukit ang katotohanang walang ligtas na paraan ng pagbabalikeskuwela hangga’t nakahapay sa neoliberalismo ang ating sistema. Noon pa man, iniinda na ng mamamayan ang kalbaryo sa ilalim ng isang neoliberal na edukasyon. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kulang sa pasilidad at kawani ang mga pampublikong edukasyonal na institusyon. Nang umarangkada ang K-12 sa Sorsogon National High School (SNHS), kagyat na napilitan ang mga mag-aaral na lumahok sa shifting sa kadahilanang hindi sapat ang bilang ng mga silid-aralan para maakomoda ang paparaming bilang ng mga mag-aaral. Hindi rin maikakaila na bagama’t ang sektor ng edukasyon ang isa sa may pinakamataas na porsiyento sa national budget, barya lamang ang halaga ng itinaas nito at hindi husto upang tugunan ang pangangailan ng mga guro at mag-aaral. Sa kabila nito, tuloy-tuloy pa rin ang pribatisasyon sa sistema ng pampublikong edukasyon. Sa paglawak ng voucher system sa bansa, tinitiyak ng gobyerno ang pagkamal ng ganansya ng mga negosyanteng edukador. Ang edukasyong minimithi ng

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

bawat Pilipino ay itinuturing na lamang na produktong ibinebenta at pinagkakakitaan ng pera; isang sistemang hinulma ayon sa edukasyon sa mga dayuhang bansa na naggagarantiya ng madaling palitan ng lakas-paggawa. Malinaw na hindi pagasa ng bayan ang turing sa kabataang mag-aaral, kundi isang kasangkapang nagpapayaman sa mga ganid at mapagsamantala. Mga piyesang patapon kapag wala nang silbi sa makina; isang nakapanlulumong katotohanan sa likod ng nagbabalat-kayong progresibong plataporma. Mabalasik ang gobyerno sa masang lumalaban para sa buhay, karapatan, at kalayaan. Ngunit umaalingasaw ang pagkahilakbot nito sa pangangalampag ng taumbayan. Nagsisimula itong mangatog at manghina sa pagkamulat ng mamamayan, kaya marapat na kaisahin ang pinakamarami upang gapiin ang reaksyonaryong puwersa. Hinog na ang kondisyon upang lansagin ang diktadura. Ang iniindang sakit ay sintomas ng bulok na sistemang nakaugat sa mga salot ng lipunang sumasadlak sa atin sa lubak ng kahirapan. Tumindig para sa mga demokratikong karapatan, ikasa ang militanteng pagkilos, at ipaglaban ang inklusibong edukasyon! Ang bagong normal na hindi maipagkaloob ng lipunan ay lilikhain ng masang lumalaban. Mula sa kanayunan at kalunsuran, ang malawak na hanay ng kabataang mag-aaral at uring mamamayan ay susulong upang maitatag ang makamasa, makabansa, at siyentipikong kulturang papatid sa tanikalang bumubulid sa taumbayan.

Loreen Mae Ladisla

PATNUGOT NG BALITA

Evangelyn Janaban

PATNUGOT NG EDITORYAL

Mae Angielou Carvajal

PATNUGOT NG LATHALAIN

Pauline Joy Zulueta

PATNUGOT NG AGHAM

Shane Heart Dreo

TAGAWASTO NG SIPI

Vinz Angelo Imperial Paula Denise Deduque Christine Mae Hermosa LITRATISTA

Joebert Dimaano DEBUHISTA

Clare Antoinette Callos GRAPHIC ARTIST

Carl Dexter Donor

TAGAANYO NG PAHINA JUNIOR STAFF

Usha Rena Bautista Zephra Borja Caitlin Gabrielle Dela Fuente Sheena Mae Espares Irene Gabion Dyan Janer Jan Curt Jazmin Dezrei Amber Lanuza Dan Mar Laurora Hannah Salvante SENIOR STAFF

Diana Ysabella Buitre Wenzy Deladia Nicole Lazona Robert Seva Denise Viktoria Valencia Joshua Oyon-Oyon TAGAPAYO

Reynante Alamo Michael Uy KASANGGUNI

Bisitahin ang opisyal ng Facebook page ng SNHS TINIG LUZON sa pamamagitan ng pagscan ng QR code. /SNHSTinigLuzon/ snhs.tinigluzon@gmail.com

malaya. mulat. mapanagutan.


06 opinyon

TINIG LUZON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

TALIBA NG KALAYAAN D

alawang mukha ang humihingi ng saklolo mula sa pagkakagapos sa mga galamay ng berdugo. Ang isa ay umuuwa at dinig ang kaluskos ng maninila, habang ang isa naman ay bihag ng kamandag ng nagbabalat-kayong tagapangalaga. Ito ang realidad ng bawat mamamayang sa murang edad ay biktima na ng sistemikong karahasan at panlilinlang sa lipunang kinamulatan. Hanggang ngayon ay nakaukit pa rin sa maraming isipan kung paano ipinagkait kay Baby River, anak ng bilanggong politikal na si Reina Nacino—ang ligtas at malayang pamumuhay kasama ang kaniyang ina. Sariwa pa ang nag-aalimpuyong galit ng mamamayan sa pamamaalam ng sanggol nang dahil sa kalupitan ng mga nanunungkulan sa mga tagapagtaguyod ng kapayapaan. Sa kasagsagan ng pagluluksa at paghahangad ng katarungan para sa bawat batang pinagkaitan ng buhay at karapatan ay iniluwal ang panibagong pagsubok. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng isang artikulo nang nagdagsaan ang sunodsunod na balita sa aking newsfeed. Madaling araw ng Disyembre 21, ramdam ang naghalong poot at pagtangis ng mamamayan sa bawat post at komentong nakabaling kay Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, salarin sa pagkamatay ng mag-inang

Gregorio. Naglabasan ang mga pahayag ng pagkondena ng bawat indibidwal at organisasyon, maging ang mga ‘meme’ ay nagsulputan. Subalit labis akong nabahala nang naging tudla ng panunuligsa ang 12 taon-gulang na anak ni Nuezca. Ilang araw matapos ang insidente, iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang bata ay kinakitaan ng mga senyas ng trauma. Bagama’t may pagpuna sa hindi wastong asal ng bata, marapat unawain ng madla na nahulma sa ganoong pag-uugali ang anak ni Nuezca nang dahil sa pag-aangkop sa kapaligirang inihapag ng kaniyang mga magulang. Hindi maikakailang makatuwiran ang panawagang panagutin ang pulis na pumaslang sa mag-inang Gregorio. Ngunit hindi nararapat na isang menor de edad ang pagbabayarin sa kasalanang biktima rin siyang maituturing.

Inilalahad ng mga salitang ‘my father is a policeman’ ang pagnonormalisa ng lipunan sa karahasan, pang-aabuso ng kapangyarihan, at pagyuko at pagpakatuta sa mga nanunungkulan. Sa maagang yugto, kagyat na iginiit sa bata ang pag-agpang sa machopyudal na kultura. Subalit hindi lamang mga magulang ng bata ang may pananagutan dito, sapagkat ang mapanupil at hindi makataong kultura ay nilalang ng estado upang pangalagaan ang kapangyarihan at interes ng malalaki at pribadong tao. Sa laot ng tunggalian ng mabuti at masama, ng naaapi at nang-aapi, sukdulan ang pamamasismo ng mga reaksyonaryo upang lumpuhin at panatilihing naghihikahos ang batayang masa. Tinitiyak ng walang habas na panrered-tag at pamamaslang sa mga inosenteng mamamayan, kabilang na ang hindi baba sa 122 kabataang pinaslang sa giyera kontra-drogang naitala ng World Organization

Against Torture (OMCT) at Children’s Legal Rights and Development Center (CLRDC), na makulimlim ang bukas ng bawat bata sa isang mapanikil na lipunan. Subalit sa pagkait ng estado sa mga demokratikong karapatan ng mamamayan, umuusbong ang ating tungkuling itaguyod ang ligtas at malayang lipunang papanday sa konsepto ng kapayapaan sa isipan ng bawat bata. Sa halip na batikusin at gawing tampulan ng pambubulas ang mga batang inakalang tama ang mali, hamon sa ating tumindig at makiisa upang basagin ang kolonyal, pyudal, at represibong kulturang bumubulid sa kanila sa siklo ng karahasan at kawalangkatarungan. Hindi habambuhay mananaig ang kadilimang tumatangay sa purong sigla ng kabataan. Hawak natin ang lakas na hahawan sa depektibong sistema. Hangga’t nakakasa ang sandata ng masa, makalalaya ang mga bata sa pugad ng maninila.

Bawal ang Pasaway

ALINGAWNGAW ni CONCETTA DUALIN

...hamon sa ating tumindig at makiisa upang basagin ang kolonyal, pyudal, at represibong kulturang bumubulid sa kanila sa siklo ng karahasan at kawalangkatarungan.

balikwas

ni NICOLE LAZONA

M

ahigit isang taon nang nakakuwarantina at nasa ilalim ng isang militaristikong lockdown ang mamamayang Pilipino nang dahil sa papalalang kaso ng COVID-19 sa bansa. Matatandaang ika-30 ng Enero 2020 nang makumpirma ang unang kaso ng sakit sa bansa. At mula sa higit-kumulang 600 kasong naitala noong Marso 2020 ay lumobo sa 474,064 ang kabuoang bilang ng kaso nito sa pagtapos ng taon. Sa kabila ng kawalan ng kongkretong plano upang matugunan ang pandemya, muling ipinasa sa mga mamamayan ang responsibilidad na ang estado dapat ang gumagampan.

Sa gitna ng pakikibaka ng taumbayan, walang pakundangang isinisi ng rehimeng Duterte sa mga Pilipino ang kabiguan nitong lutasin ang pangkalusugang krisis sa bansa. Para sa estado, ang paglala ng pandemya ay pananagutan ng mga ordinaryong mamamayang lumalabag sa quarantine protocols at walang disiplina sa kanilang mga sarili. ‘Pasaway’ o ‘sutil’ ang turing sa atin sa bawat press conference na pinagbibidahan ng mga kawani ng gobyerno. Ngunit bakit nga ba natin nagagawang lumabag sa mahihigpit na protokol? Mula noong mga nakaraang buwan hanggang sa kasalukuyan, masasabing hindi sapat ang kakarampot na ayudang ipinagmamalaki ng rehimeng Duterte. Sa tinatayang PHP 1,000–PHP 2,000 ayudang ipinamamahagi ng pamahalaan, abunado pa ang mga mamamayan upang maabot lamang ang PHP 1,064 family living wage (FLW) na naitala ng IBON Foundation noong Pebrero 2021—na kinakailangan upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng may limang miyembrong pamilya. Umabot na sa $750 milyon ang utang ng bansa sa Asian Infrastructure Investment Bank, $500 milyon sa World Bank, at $1.5 bilyon naman sa Asian Development Bank, batay sa ulat ng Department of Finance (DOF) noong 2020. Ayon sa Bureau of Treasury (BTr), tinatayang higit PHP 11 trilyon ang kabuoang utang ng pamahalaan sa pagtapos ng Hulyo 2021. Ngunit sa bilyon-bilyong pondo ng gobyerno mula sa kaliwa’t kanang kautangan sa

international financial institutions, ilan nga lang ba rito ang naipamahagi sa sambayanang Pilipino? Sa katunayan, may anim na bilyong piso pang hindi nagagalaw na pondo at PHP 173 bilyon namang hindi pa naipamamahagi sa mga ahensya ng gobyerno na dapat sana ay nakalaan para sa COVID-19 response sa ilalim ng Bayanihan 2 na nagtapos ang bisa noong Hunyo 30, 2021. Dagdag dito, maraming mga pamilya ang hindi pa rin nakatatanggap ng buong halaga ng emergency cash aid na nakapaloob sa Bayanihan 1. Hindi masisisi ang mga kababayan nating labas nang labas upang maghanapbuhay lalo’t nasa 4.2 milyong pamilyang Pilipino ang nakararanas ng kagutuman, ayon sa isinagawang sarbey ng Social Weather Stations (SWS) noong Abril 28–Mayo 2, 2021. Bukod dito, umabot na rin sa 3.7 milyong Pilipino ang walang trabaho at 5.5 milyon naman ang nangangailangan ng dagdag na trabaho sapagkat hindi sapat ang kanilang kinikita. Ika nga, kung patuloy silang aasa sa mga huwad na pangako ng gobyerno ay hindi sila sa sakit mamamatay kun’di sa gutom. Hindi makatarungan na ang taumbayang naghahanapbuhay para sa kani-kanilang pamilya ang sisisihin sa paglala ng pandemya. Sa simula pa lang, labis-labis na ang paglabag sa quarantine protocols ng mga opisyal ng gobyerno. At sa halip na pagbayarin, malugod pa silang binibigyan ng simpatiya at inaabsuwelto sa paglagay sa panganib sa buhay ng mga tao. Malinaw ang pagpabor ng estado sa mga makapangyarihang tao

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

sa bansa gaya nina Koko Pimentel, Mocha Uson, at Debold Sinas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naparurusahan ang mga tunay na pasaway sa panahon ng pandemya; samantala, ang mga mamamayang nanawagan at namimigay ng ayuda sa kapuwa Pilipino ay walang habas na inilalagay sa piitan. Saksi tayo sa patuloy na pagkalat ng virus sa halos lahat ng lalawigan sa Pilipinas. Mismong sa Sorsogon ay mayroong naitalang 202 na kaso noong ika-12 ng Disyembre, habang 180 ang gumaling at lima naman ang binawian ng buhay. Ilang guro at mag-aaral na rin sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon (PMPS) ang tinamaan ng nakahahawang sakit. Maituturing na malaking banta ito sa buhay ng lahat, partikular na sa mga Sorsoganon dahil pasakit ang patuloy na pagsasailalim sa community quarantine. Bukod sa pagkawala ng trabaho ng ilang mga

kababayan natin, nagsilbi rin itong pahirap sa mga magulang, guro, at magaaral; sapagkat, maging ang paraan ng pag-aaral ay kinakailangang dalhin sa loob ng tahanan, upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng lahat. Labis ang pagbubulag-bulagan at pagbibingi-bingihan ng kinauukulan. Habang patuloy tayong lumalaban sa hamon ng buhay, sila naman ay mistulang naghahanda ng hukay— malagasan man ng isa, sapat na ang pakikiramay. Subalit, marapat maunawaan ng estado na hindi pasismo, paninisi o kaya ay paniniil ang lunas sa dinaraing na sakit ng mamamayang Pilipino. Upang makabangon ang lipunan, nangangailangan ng malinaw at kongkretong plano at programang naglalayong makontrol ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng pandemya, kasabay na ang kalakip na pagmamalasakit sa nasasakupan.

Dibuho ni JOEBERT DIMAANO.

malaya. mulat. mapanagutan.


opinyon 07

TINIG LUZON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

BARYA-BARYANG PROGRESO K

ung susubukang maglakad sa kailaliman ng gabi, bubungad sa atin ang lipunang nababalot sa malatansong pag-unlad. Laging ibinibida ng kasalukuyan at mga nagdaang rehimen na sa panahon nila ay naigpawan na ang kahirapan sa bansa. Subalit kung sasadyaing mapagawi sa kalsada at sa masisikip na lugar, mabibigyan-turing ng ating mga mata ang paghihikahos ng napakaraming mamamayan.

BALINTUNA

ni EVANGELYN JANABAN

...mananatiling atrasado ang ating pagunlad, sapagka't nakatuon lamang tayo sa byutipikasyon nang hindi tinutuligsa ang ugat ng paghihikahos ng sambayanan.

Noong Disyembre 2020, pumutok ang balitang nasa 13 kabahayan ang kinakailangang gibain sa Barangay Talisay, Lungsod ng Sorsogon alinsunod sa programang byutipikasyon ng kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Gobernador Francis “Chiz” Escudero. Matatandaang taong 2017 nang unang pinalikas ang mga residente sa nasabing barangay. Karamihan ay naabutan ng 15 libong asistensya at relokasyon; subalit, nagsibalikan lang ang mga ito dahil naroon ang kanilang hanapbuhay at hindi naman sapat ang kakarampot na asistensyang iniabot ng gobyerno. Samantala, batay sa ulat ng Tribuna, mayroon ding pamilyang hindi nabigyan ng relokasyon, gaya ng pamilya Brioso na matagal nang naninirahan sa lugar. Sa gitna ng pandemya, kung saan labis na apektado ang kabuhayan ng mga residenteng pinaaalis sa kani-kanilang bahay, kasado na ang pasya

ng gobyerno na isulong ang pagpapatayo ng panibagong imprastruktura sa barangay. Pinatutunayan lamang ng administrasyon kung gaano ito kaaligaga sa mga proyektong byutipikasyon habang may mga Pilipinong mapag-iiwanan dahil sa kawalan ng seguridad sa trabaho at karapatan sa ligtas na tirahan. Hindi ito ang unang beses na nagbunga ng maraming mamamayang walang kabahayan ang programang byutipikasyon ng gobyerno at ng mga negosyanteng kasapakat nito. Ayon sa Alyansa ng mga Mamamayan para sa Pagtatanggol ng Kabuhayan, Paninirahan, at Kalikasan ng Manila Bay at Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYAPilipinas), sa taong 2020 ay dalawa nang insidente ng demolisyon sa komunidad ng mga mangingisda alinsunod sa programa ng gobyerno. Ang una ay sa Taliptip, Bulacan;

tuloy-tuloy na tinakot at hinaras ang mga mangingisda upang paalisin sa lupang pagtatayuan ng San Miguel Corporation ng paliparan. Ang ikalawa naman ay naganap sa Bacoor, Cavite— kung saan pinaghihinalaan ng mga residenteng sinunog ang kanilang barangay upang maikasa ang reclamation project ni Mayor Lani Mercado-Revilla. Sa kabila ng tuloy-tuloy na proyekto ng gobyerno, marahas din nitong inilantad ang kawalan ng plano para sa ating mga kababayang pinagkakaitan ng karapatang magkaroon ng sarili at permanenteng bahay. Sa katunayan, nangunguna sa listahan ang Department of Housing Settlements and Urban Development (DHSUD) sa may pinakamalaking bawas sa badyet para sa taong 2021. Mula sa dating PHP 893.06 milyon ay bumagsak na lamang sa PHP 632.60 milyon ang inilaan na pondo para sa kagawaran. Sa lawak ng lupa sa bansa ay maraming mamamayang walang matirahan. Sagana sa

rekurso ang ating bayan— napupuno ng mga yamang likas, ngunit madalas na isinasantabi ng estado—ang karapatan at pangangailangan ng batayang masa. Lumalabas lamang na ang programang byutipikasyon ng gobyerno ay isang komersyalisadong platapormang naglalayong lumikha ng pamayanang puno ng naglalakihang gusali at imprastruktura na tanging mga lokal at dayuhang kapitalista ang manginginabang. Hindi sapat ang urbanisadong lipunang nakasentro sa pagkaroon ng malalaking gusali at pagkamal ng kapital upang masabing nakaalpas na tayo sa kahirapan. Hangga’t walang pambansang industriyalisasyon na magtitiyak ng seguridad sa trabaho at karapatan sa tirahan ng bawat mamamayan, mananatiling atrasado ang ating pag-unlad sapagkat nakatuon lamang tayo sa byutipikasyon nang hindi tinutuligsa ang ugat ng paghihikahos ng sambayanan.

Reporma sa Lupa, Ipaglaban

timbangan

ni SHEENA MAE ESPARES

S

a gitna ng malalang krisis na kinahaharap ng ating bansa, patuloy na nananalasa sa kabuhayan ng mga magsasaka ang Rice Tariffication Law (RTL) o Batas Republika Blg. 11203. Pag-aangkat ng bigas ang naging batayang tugon ng pamahalaan sa presyo ng bigas na abot taluktok ang itinaas noong mga nakaraang taon. Subalit, taliwas sa inaasahang paglago, ang pagbaha ng mga imported na bigas sa merkado ay nagmistulang bangungot sa mamamayang Pilipino.

Matatandaang dalawang taon na ang nakaraan nang ipatupad ang RTL na naglalayong isamoderno ang sektor ng agrikultura upang maging "globally competitive" ito. Dagdag pa sa argumento ng gobyerno, ang pagliliberalisa ng mga imported na bigas ay susi upang matiyak ang seguridad sa pagkain sa bansa. Subalit, naging malinaw sa akin at sa iba pang mamamayan na mga magsasaka ang lubos na dehado rito. Sa aking obserbasyon, ang farmgate price ng palay ay higit na bumaba kumpara sa regular na bentahan nito dati. Ayon sa ulat ng Bantay Bigas, umabot na sa PHP 10-14 ang presyo ng palay sa Bicol. Sa katunayan, ang Bicol, kasama ang Negros Occidental, ang may pinakamababang bentahan ng palay sa taong 2020. Bilang resulta, maraming magsasaka ang umalma at hindi maitago ang disgusto sa patuloy na pagkasa ng gobyerno sa malawakang pag-angkat ng bigas. Panawagan ng mga kasamang kagaya ni Ed

Miña, magsasaka sa Albay, na itaas ang presyo ng palay at bigyan sila ng tulong sa pagsasaka. Kalunos-lunos isiping sa kasagsagan ng pandemya ay pinagkakaitan pa rin ng nakabubuhay na kita ang mga magsasaka. Gintong butil kung ituring ng mga lokal na magsasaka ang kanilang mga ani—produkto ng kanilang hirap, dugo at pawis; ngunit nang dahil sa isang batas ay madaling inialis sa kanila ang karapatang maglako at kumita nang malaya sa sariling bansa. Bukod sa mga magsasaka ay marami rin ang hindi sang-ayon sa kontra-maralitang programa ng kasalukuyang administrasyon. Ayon kay Nikki Espares, mag-aaral sa Sorsogon National High School (SNHS), maging ang kanilang pamilya na may maliit lamang na kita ay apektado; sapagkat, mahal pa rin ang presyo ng bigas, bagaman napakababa nang bentahan ng palay. Malinaw ang ginagawang panggigisa at panlulumpo ng estado sa kabuhayan ng mga

konsyumer at magsasaka. Pinatutunayan lamang ng mababang bentahan ng palay at kawalan ng suporta sa sektor ng agrikultura, ang pagsasawalangbahala ng gobyerno sa paghihikahos ng mga magsasakang bumubusog sa bawat tiyan at bulsang nanginginabang sa mga huwad na batas na kagaya ng RTL. Oras na upang ibasura ang Batas Republika 11203 at isulong ang tunay na repormang agraryo. Libreng lupang sakahan at irigasyon, murang binhi at iba pang produktong agrikultural ang kailangan ng mga magsasaka, hindi isang batas na tanging mga makapangyarihan lamang ang hinahalikan ang paa. Batas ang guguhit sa progresibong pagbabagong inaasam ng bawat isa. Ang kaangkupan ng batas na ipatutupad ng pamahalaan ang pupuksa sa karamdamang iniinda ng mga mamamayan. Kung titiyakin lamang na ang bawat hakbang at panukala ay makatarungan at patas para sa masa, matatamo ang tunay na kasaganahan at kaunlaran.

Liham sa Patnugot Mahal na Patungot, Bilang isang mag-aaral at mamamahayag pangkampus, labis akong nababahala sa kasalukuyang kalagayan ng ating lipunan. Bukod sa panganib na dala ng COVID-19 sa kalusugan ng mamamayan, isa rin sa matindi kong inaalala ang kalbaryong hatid ng distance learning. Totoo

ngang mahirap mag-aral ngayong may pandemya dahil hindi lamang mga aralin ang kailangang pagtuonan ng pansin. Kinakailangang kumayod nang higit pa sa dati, sapagkat higit na dumami ang ating mga pangangailangan at responsibilidad sa ilalim ng ‘bagong normal’ na inilalako ng estado. Subalit, higit pa sa mga nabanggit ang pangamba ko para sa ating buhay. Nang una

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

kong mabalitaang talamak ang pang-aatake at panre-red-tag sa mga mamamahayag, naghalo agad ang takot at galit sa aking puso at isipan. Isang karapatan ang malayang pamamahayag, ngunit bakit pilit na pinipilay at binubusalan ang midya? Bakit kailangang pagtangkaan ang buhay ng mga mamamayang pinipiling isiwalat ang katotohanan? Masyado nang mapanganib ang ating lipunan; marapat bang ipagpaliban

muna ang ating tungkulin? Maraming kaganapang sumusubok sa ating katatagan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, naging malinaw sa aking hindi tayo nag-iisa sa laban. Normal lamang na makaramdam ng takot, ngunit marapat na hindi tayo magpadikta rito. Hangga’t nagkakaisa tayo at tumitindig para sa ating mga karapatan, naniniwala akong madaraig natin ang mga puwersang sumusupil sa atin.

Sumasainyo,

DYAN JANER IX-Appreciativeness Special Program in Journalism

malaya. mulat. mapanagutan.


08 opinyon

TINIG LUZON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

KONTRA-MASANG ARANGKADA W

alang iniunlad ang masalimuot na kalagayan ng sektor ng transportasyon sa bansa. Puspos na panlilinlang tungo sa mga neoliberal na patakaran at plataporma ang patuloy na inilalako ng rehimeng Duterte sa mga tsuper at operaytor ng dyip upang paigtingin ang interes ng estado at mga pribadong indibidwal at organisasyon. Hindi pa man nagwawakas ang suliraning hatid ng COVID-19, ikinasa na ang malawakang reporma sa sektor ng transportasyon na layong itulak paurong ang karapatan at kabuhayan ng mamamayang Pilipino. Matatandaang Hunyo 2017 nang inilabas ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Sec. Arthur Tugade, ang Department Order No. 2017-011 o Omnibus Franchising Guidelines. Nakapaloob dito ang guidelines para sa pagbabagong bihis ng mga pampublikong sasakyan sa bansa o ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Alinsunod sa pagsulong nito, pinahihintulutan ang korporatisasyon ng pampublikong transportasyon kung saan nakaambang palitan ang luma at tradisyunal na dyip ng nagkakahalagang 1.2 hanggang 2.2 milyong pisong modernong dyip. Kung mapapansin ay nakaabot na rin sa Lalawigan ng Sorsogon ang programang modernisasyon ng administrasyon. Halimbawa rito ay ang bagong bihis ng tricycle o e-trike na makikita nang bumabandera sa kalsada, maging ang malayang pag-arangkada ng mga modernong dyip mula sa Gubat, Sorsogon. Hindi maitatanggi ang kamangha-manghang katangian

ng modernong dyip na mala-bus ang dating—may libreng Wi-Fi, CCTV, GNPS, air conditioning unit at iba pang makabagong teknolohiya. Ngunit sa kabila ng kapuri-puring paglalarawan sa naturang bagong bihis ng dyip, hindi maikakailang ang pangunahing layunin nito ay pagyamanin ang mga dayuhang kompanya at kaalyadong malalaking lokal na kapitalista na kumakamal ng kita mula sa scrap jeepney. Kung para sa iba ay kaginhawaan ang hatid ng mga panibagong tampok at katangian ng modernong dyip, ito ay malaking sampal at pasanin sa mga tsuper, operaytor, at mga konsumer; sapagkat nagtaasan ang pamasahe at mga rekisitong kinakailangan upang magpatakbo ng dyip, kagaya ng dagdag buwis mula sa 10% import duty rate sa krudo at mga produktong petrolyo na nakapaloob sa Executive Order No. 113, s. 2020. Hindi nakaligtas sa mata ng masang Pilipino ang tunay na hangarin ng reporma. Kaya naman masidhi itong tinutulan ng mga

militanteng grupo ng mga tsuper at opereytor, Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Maliliit na Opereytor Nationwide (PISTON), kasama rin ang Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO)— kung saan kapuwang naglunsad ng sunod-sunod na malawakang kilos-protesta at tigil-pasada sa parehong taon na inilabas ang nasabing programa. Tutol ang marami nating kababayan dahil maaga nating nahinuha na ang sapilitang pagpapatupad sa neoliberal na ordinansang ito ay tahasang kikitil sa hanapbuhay ng libolibong tsuper na nagtatrabaho nang marangal. Ito rin ay lantarang pagpapakita na kailanman ay hindi sa masang naghihikahos sumasandal ang pabor ng pamahalaan, kun'di sa mga dayuhang kapitalista at korporasyon, gaya ng Isuzu Motors, Hyundai, at Gazelle Motors—na patuloy na yumayaman sa kabila ng karukhaan ng ordinaryong mamamayan. Malinaw na hindi

pagbabagong bihis sa mga pampublikong sasakyan ang magaganap, kundi ang pagtatanggal sa luma at tradisyonal na pampublikong sasakyan. Kung susuriin, hindi pagbabago at lalong hindi pag-unlad ang hatid ng malawakang reporma sa sektor ng transportasyon; sapagkat hindi makamasa at nakasentro lamang sa pribatisasyon ng serbisyong pampubliko ang pagmomodernisa sa pampublikong transportasyon. Ang pagkauhaw natin sa pagbabago at pagnais na makipagsabayan sa makabagong panahon ay hindi nangangahulugang magiging bulag tayo sa mga pangako ng administrasyong Duterte— na lantarang ibinabandera ang kontra-mamamayan at neoliberal nitong anyo. Kasabay ng pagtanglaw sa mga isyung kinahaharap ng bawat sektor ng lipunan, marapat ding tumindig para sa ating karapatan upang masigurong patas at walang maiiwan sa pagsulong ng tunay na pag-unlad.

Nawawaldas na Kaban ng Bayan 33.2%

Mga Prayoridad ng Administrasyong Duterte

1.5 TRILYON

DPWH - Department of Public Works and Highways DepEd - Department of Education DSI - Debt Service-Interest DND - Department of National Defense DILG-PNP - Department of the Interior and Local Government - Philippine National Police DSWD - Department of Social Welfare and Development DOTr - Department of Transportation DOH - Department of Health SUCs - State Universities and Colleges

PHP (TRILYON)

1.25

1.0

14.8%

667.3 BILYON

0.75

Para sa piskal na taong 2021, inilaan ng pamahalaan ang halagang

PHP 4.506 TRILYON

Pambansang Badyet para sa Piskal na Taong 2021

1.5

13.5%

606.5 BILYON

...hindi makamasa at nakasentro lamang sa pribatisasyon ng serbisyong pampubliko ang pagmomodernisa sa pampublikong transportasyon.

matanglawin

ni JAN CURT JAZMIN

1.75

PITHAYA

ni DAN MAR LAURORA

para sa pambansang badyet ng Pilipinas.

PhilHealth - Philippine Health Insurance Corporation DA - Department of Agriculture CHED - Commission on Higher Education DOLE - Department of Labor and Employment DTI-TESDA - DTI - Technical Education and Skills Development Authority DAR - Department of Agrarian Reform DTI - Department of Trade and Industry DHSUD - Department of Human Settlements and Urban Development

Naging prayoridad ng administrasyong Duterte ang imprastruktura at militarismo sa halip na industriya, kalusugan, at agrikultura. Sanggunian: DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT (DBM) Disenyo ni CLARE CALLOS.

11.8%

531.5 BILYON

0.5

4.6%

4.2%

209.1 BILYON

3.8%

190.8 BILYON

171.2 BILYON

3.2%

2.9%

143.6 BILYON

131.7 BILYON

1.8%

1.6%

1.5%

1.1%

83.3 BILYON

71.4 BILYON

66.4 BILYON

0.6%

0.3%

50.9 BILYON

0.2%

27.5 BILYON

13.7 BILYON

0.2%

8.9 BILYON

0.01%

6.7 BILYON

632.6 MILYON

SUCs

PhilHealth

DA

CHED

DOLE

DTI-TESDA

DAR

DTI

DHSUD

0.25

0

IBA PA

DPWH

DepEd

DSI

DND

DILG-PNP

DSWD

DOTr

DOH

N

akareserba na ang bilyon-bilyong badyet ng pamahalaan para sa mga panahong mahaharap sa peligro ang ating bayan; kaya’t inaasahan ang agaran at sistematikong pagresponde sa anumang paparating na sakuna. Subalit taliwas sa inaasahan ng lahat ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa dulot ng huwarang pagkabulok ng ating sistema.

Maihahalintulad ko sa kuwentong pambatang pinamagatang “Ang Kuneho at ang Pagong” ang lipunang Pilipino—ang pagatol-gatol ko nang napakinggan sa mga panahong ako ay bata pa. Masasabi kong ito ay direktang sumasalamin sa isinasagawang aksiyon ng pribadong sektor at mga NGO, pati na rin ng pamahalaan. Kung saan ang pamahalaan ay mistulang mga kunehong sa umpisa lang masigasig sa paggawa at kalaunan ay pasakim nang pasakim na ang sadya; habang ang pribadong sektor at mga NGO ay nagsisimula sa maliliit na hakbang na kalaunan ay lumalabas na mabilis pa ang usad kaysa sa pamahalaan. Sa kasalukuyan, hindi maikakaila ang mabagal na aksiyon ng pamahalaan hinggil sa pandemya. Suwerte pa ang tulad naming buwan-buwang nakatatanggap ng relief goods; ngunit labis na nakapanlulumo ang nabalitaan

kong hindi lahat ay nabibigyan ng ayuda at asistensiya para sa pang-arawaraw na pangangailangan. Kamakailan lang ay isiniwalat ng Bayanihan to Recover as One Act ang maliit na porsyento ng badyet para sa mga benepisyaryo. At ito ay kalunos-lunos, sapagkat ang nawaglit na prayoridad ng pamahalaan ay siyang umaatake sa kabuhayan ng mamamayan. Kung ako ang tatanungin hinggil sa mga ganitong problema, malabo nang umusad ang ekonomiya kung walang maayos na alokasyon ng perang pinaghirapan ng bayan. Maliban sa kakarampot at limitadong ayudang ipinamamahagi sa mamamayan, kapansin-pansin din ang malaking epekto ng kakulangan sa badyet sa mga guro at mag-aaral sa kasagsagan ng pandemya. Isang patunay sa masalimuot at baluktot na sistema ang pahayag ni Joy Guarin,

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

guro sa Sorsogon National High School, “A lot of teachers don’t have a lot of budget to let their students go online, so it will really be a struggle to continue the main goal of education in providing quality education.” Mula sa naipanukalang 2021 national budget ng rehimeng Duterte, masasalamin ang kawalangprayoridad ng pamahalaan sa batayang pangangailangan ng taumbayan. Napakalaki ng itinaas ng badyet sa depensa habang kinaltasan ang budget para sa general public services. Kung hindi lang utak pulbura ang administrasyon, ang pinaghalong black budget ni Duterte at badyet para sa NTF-ELCAC ay maaari na sanang mapunta sa pamamahagi ng ayuda sa mga pamilya, pambili ng test kits, pampasahod sa mga nars, at pamamahagi ng sandamakmak na face mask at face shield. Sasapat na rin

sana ito para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan at iba pang subsidiya na kakailanganin sa edukasyon. Malinaw na ang pagsandig ng gobyerno sa pasismo ay indikasyon na hindi pagsilbi sa karapatan at pangangailangan ng taumbayan ang adhika nito. Higit na interes ng rehimen ang pagsulong sa mga huwad na programang kontra-masa na madaling mapaghuhuthutan ng pera. Marapat bigyan-halaga ng pamahalaan ang buwis na dugo at pawis na iginagapang ng bawat mamamayan. Ito ang makataong gawin sa halip na magpakain sa mapagsamantalang sistemang umaalipin sa milyon-milyong Pilipino. Sa gitna ng nagpatong-patong na krisis, ang maliit na bagay na magagawa ng rehimen ay talikuran ang pasismo at ikasa ang tunay at malawakang panlipunang serbisyo. malaya. mulat. mapanagutan.


Tinig Luzon

Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

lathalain

09

INANOD NA SALAPI ni DIANA YSABELLA BUITRE

think ‘yung pagpapasyal sa mga lugar gaya “I ng Manila Bay na may white beach, hindi mo maku-quantify ang epekto niyan pagdating sa mental health ng ating mga kababayan,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque ukol sa pagtambak ng dolomite sa Manila Bay.

PINAGKAITANG HUSTISYA NITONG PANDEMYA ni JAN CURT JAZMIN

N

asisilayan natin sa kasalukuyan ang mundo sa isang reyalidad na hindi natin akalaing mangyayari. Ito ang reyalidad na kakailanganin ang ating pakikihamok laban sa supling salikmata sa ating paningin. Nilinaw ng pandemyang COVID-19 ang ating prayoridad, mahalaga man o hindi. Ang lahat ay nakasuot ng face mask at indemand ang sangkatutak na alcohol at sanitizer. Bawat pamilya ay nakaaresto sa kani-kanilang mga tahanan. Kada bata ay nakaatas sa kung anumang gawaing-bahay at aatupagin ang pag-aaral kahit wala sa apat na sulok ng silid-aralan. Balik naman sa serbisyo publiko ang mga guro, may mapanghamong alokasyon ng badyet, at lipon ng mga ordinaryong mamamayan na nagtatayo ng maliit na negosyo dahil halos wala nang ibang paraan upang kumita muli matapos matanggalan ng trabaho sa kalagitnaan nitong pandemya. Mga katoto, hanggang kailan natin matitiis ang mga pangyayaring ito? Sa kabila nitong hamok, may mga traydor pa rin. Ito ang mga traydor na may kahiligang mangurakot. Sila ay nabibilang sa panig ng isang sistemang hindi mo maintindihan ang pinaggagawa. Ang kainutilang nangyayari sa loob at labas nitong sistema ay dumadaloy na bago pa man dumating ang pandemya. Kung minsan, may mga panahon na walang kaubrahan ang batas sa ating bansa na dapat sana ay pumoprotekta sa kalayaan at karapatan ng mamamayan. Ang ligwak ng galon ng tubig ay kasinsidhi lamang ng dahas na karga ng batas sa karapatang pantao. Nakapanlulumo. Ang mga nakapanlulumong karanasan ng mamamayang PIlipino ay sumasalamin sa kultura nating walang higkat. Sa Pilipinas, ang mapanudyong kulturang naipamalas noon pa man ay hindi na natuldukan. Walang sinumang nasa ibabaw ng batas; subalit, taliwas sa nararapat, ang nakatataas na uri sa lipunan ang umaangkin ng kapangyarihan at lumilikha ng sukatan sa kung sino lamang ang karapat-dapat mapagkalooban ng hustisya. Talagang prominente ang ating bansa sa umiiral na “impunity”— isang sistema ng hustisya na

kayang pagsilbihan ang pili lamang, sa halip na pagsilbihan ang nakararami. Darating ang punto na ang pinagkaitang hustisya nitong pandemya ay isang panibagong yugto naman ng kawalangkatarungan sa ating lipunan. Maliwanag na natutunghayan sa administrasyong Duterte ang hindi kapanapanabik na kabuktutan. Ang pagma-mañanita ng isang pulis sa kaniyang kaarawan ay malinaw na paglabag sa quarantine guidelines. Sa kabila ng kontrobersya, hindi natin akalain na mahahalal pa siya bilang panibagong hepe ng Philippine National Police (PNP). Ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) chief naman ay pinasibak lamang sa posisyon sa kabila ng katiwalian sa loob ng organisasyon, alinsunod sa Php15 bilyong pondong napunta sa bulsa ng PhilHealth ‘mafia.’ Pati ang iba pang anomalya sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binabalewala lamang. Samantalang ang simpleng hindi pagsuot ng face mask ng ordinaryong mamamayan ay sinisita agad; ang simpleng pagnakaw ng produkto sa pamilihan o anumang mamahaling bagay sa kalsada ay agad pinapasok sa piitan. Ang pakikipaghalubilo ng mga nasa posisyon sa kanilang nasasakupan ay isang kaguluhan— kaguluhang inianak ng kawalan ng hustisya at pagkapantay-pantay na sumasalamin sa baluktot na sistema. Dito sa lalawigan ng Sorsogon, naipabatid ni Gobernador Francis “Chiz” Escudero ang isang mapang-uyam na tweet na may #SalamatDOH. “No one got any benefits in violation of their contract,” pahayag ng gobernador sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) dahil sa hindi pagpapasahod sa mga frontliner, partikular ang mga nurse, makalipas ang ilang buwang pagpapakapagod nang lubos ngunit hindi agarang nabibigyan ng sahod na nararapat sa bigat ng kanilang trabaho. “Pinipili po naming manilbihan dito sa Pilipinas pero mismong gobyerno na rin po ngayon ‘yong nagbibigay sa amin

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

ng dahilan para umalis po kami,” pahiwatig ni Kristy Reyes, isang nurse na nakalaang magtrabaho sa lalawigan. Mayaman ang Pilipinas, ngunit lugmok sa kahirapan ang mga mamamayan. Ang perang dapat sana’y inilalaan para sa pangangailangan ng taumbayan ay napunta na sa ilang politiko. Sa kasagsagan ng pandemya, lantaran nilang tinalikuran ang batas, dahil alam nilang mapoprotektahan sila ng mga nasa mataas na posisyon.

Pinipili po naming manilbihan dito sa Pilipinas, pero mismong gobyerno na rin po ngayon ‘yong nagbibigay sa amin ng dahilan para umalis kami.

KRISTY REYES Nurse

Klarado ang nakasusuyang reyalidad sa loob pamahalaan; ang ‘double standards’ ang nagpapaandar sa kawalang-katarungan sa lipunan. Itong kakila-kilabot na prinsipyo ang nagpapasidhi sa hindi patas na pagkakaiba ng mayayaman at mahihirap, at ang pagitan ng mapangapi sa inaapi. Sa maikling salita, ang kapangyarihang nakakabit sa batas ay para sa iilan lamang—nanghihikayat sa mga taong nasa puwesto na kamkamin ang benepisyong para sa bawat mamamayan. Ang disenteng pamamahala na lubhang kailangan ng mamamayan sa panahon ng pandemya ay hindi nababatid ng masa. Kahit anong apela ng mamamayan ay ibinabasura lamang ang mga panawagan. Hindi maibabasura ang kulturang nagpapahirap sa sitwasyon hanggang may pasaway pa ring nakaupo sa pwesto. Kung patuloy ang krimen at pag-atake sa karapatang pantao, hindi lang COVID-19 ang kalaban natin dito, kun’di maging ang mga kawani ng gobyerno na ngayon ay ipinamamalas na ang kanilang pagiging despotiko.

Ang 28 milyong pisong proyektong ito ay parte ng “Manila Bay rehabilitation program” ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagnanais na ibalik ang dating katanyagan ng Manila Bay na sentro ng komersyo ng Pilipinas. Sa kabuoan, 389 milyon ang inilaan upang maisagawa itong programa kasama na ang pagtatanim ng mangrove, cleanup drives, at pag-relocate ng urban poor. Ika-19 ng Setyembre, 2020 nang buksan sa publiko ang white sand beach na tinambakan ng 3,500 toneladang dinurog na dolomite sa 500 metrong kahabaan ng baybayin. Sa mga unang linggo matapos itambak ang dolomite, makikitang mas malinis at kaaya-aya ang baybayin kumpara sa dating puno ng lumulutang na basura. Ngunit wika ni Lia Mai Torres, executive director ng Center for Environmental Concerns Philippines, isa lamang itong ilusyon. Hindi ibig sabihin na dahil maputi ito ay malinis na. At noong dumaan ang ilang bagyo at malalakas na pag-ulan, ang dolomite ay na-wash-out na kinailangang paulit-ulit ibalik muli nang mano-mano. Dahil dito, napapatungan ng orihinal na itim na baybay ang dolomite. Ikinabahala ito ng iba’t ibang organisasyon at institusyon sapagkat ito ay hindi lamang nakapipinsala sa kalusugan ng tao, kun’di nakasasama pa sa buhay dagat. Iminungkahi ng Department of Health (DOH) na ang dolomite dust ay maaaring magdulot ng respiratory problems. Binalaan din ng UP Marine Science Institute ang publiko na ang paghinga ng hanging may dolomite dust particles ay posibleng magdulot ng chronic health effects, problema sa dibdib, at hirap sa paghinga. Kasama sa mga obhektibo ng Manila Bay rehabilitation na mabawasan ang konsentrasyon ng heavy metals sa katubigan nito. Ngunit kung tutuusin, ang dolomite ay masaganang nagtataglay ng lead, aluminum, at mercury na daragdag sa polusyon at acidity ng dagat sa paulit-ulit na paghalo nito sa tubig. Maraming mga eksperto at dalubhasa ang nagsabing ang dolomite ay ginagamit lamang sa konstruksyon ng mga kalsada at walang ni isang artipisyal na baybayin sa mundo ang gumamit nito. Ayon sa mga environmental groups, ang pinakamalaking pagkakamali ng DENR ay hindi sumailalim sa Environmental Impact Assessment (EIA) ang proyekto upang matukoy kung makasasama o makabubuti ito sa kalikasan. Depensa naman ni Roque na ito raw ay para sa mental health ng mga Pilipino lalo na ngayon sa krisis ng COVID-19 at pati na rin sa mga hindi raw kayang pumunta sa Boracay. Sa patuloy na pagwawalangbahala ng gobyerno sa mga problemang maaaring idulot nitong proyekto, hindi masasabing epektibo ang isinagawang hakbang para sa rehabilitasyon. Sa kasagsagan ng paglaganap ng COVID-19, hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang usaping kakulangan sa salapi upang maaksyunan nang mas mabilis ang pagsugpo sa pandemyang kinakaharap ng mga Pilipino. Isang malaking palaisipan ngayon kung bakit tila sa iba nakatuon ang atensyon ng pamahalaan. Lumalabas na hindi ata praktikal ang piniling pondohang proyekto. Ito ba ay isa lamang publicity stunt? O kaya mala-Imeldific na solusyong mapaggastang walang maidudulot na kabutihan sa Manila Bay? Ang mga masusing pagsusuri mula sa mga institusyon ng agham ay nagsasabing hindi environmentally sustainable ang pagtambak ng dolomite. Tama bang ito ang isinaalang-alang sa kabila ng kinahaharap na pandemyang nagdudulot ng sanga-sangang problema? Itimbang ang kabutihan at problemang naidulot—alin ang nangingibabaw? Kung pagninilayan, tulad ng dolomite, ang pera ng bayan ay nadurog at nalusaw.

Larawan mula sa Philippine Star at Philippine News Agency.

malaya. mulat. mapanagutan.


10

lathalain

TINIG LUZON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

nilunod ni MAE ANGIE LOU CARVAJA L

A

ng kanilang tinig ang naglalagablab na gaserang nagbibigay liwanag sa karimlan na kinasasadlakan ng ating lipunan. Ang mikroponong hawak at panulat na kadalasa’y bitbit sa pagtatala at pagsisiwalat ay sandatang nagbibigay-daan sa mapayapang pakikipagbuno sa kabuktutang lumalaganap. Mga mamamahayag—nagsisilbing mata at tenga sa mga kaganapang nangangailangan ng ating kamalayan. Sila ay tagapaghatid ng mga balita, tagapagsiwalat ng katotohanan. Ngunit sa kasalukuyan, ang tinig ng kanilang sektor ay binubusalan ng malabakal na kamay ng administrasyon. Ang maiingay na lamok na paulit-ulit na bumubulong at nakatutulig ay dapat na nililipol. Kagat ma’y mumunting kati lamang ang dulot, nakapeperhuwisyo pa rin at pagkakuwa’y maaring magdulot ng suliraning magiging balakid sa sistema. Kinakailangang magsindi ng katol. Ang AntiTerrorism Law (ATL), bagama’t mag-iisang taon pa lang ang nakaraan matapos ito iratsada, ay nagsilbi nang pamatay-pesteng sinisindihan ng mga nakaupo kapag may tumutuligsa sa kanilang mga aksiyon. Ang Batas Republika Blg. 11479 o ang AntiTerrorism Act ng 2020 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-3 ng Hulyo 2020, upang maiwasan, pagbawalan, at parusahan ang anumang gawaing maituturing ng estado bilang terorismo. Sa pamosong batas, hindi kongkreto at malinaw ang depinisyon ng terorismo. Kaya naman, maging ang simpleng pamamahayag ng anumang opinyon laban sa gobyerno—mga sulatin, sagisag, banner, at iba pa, ay maaari nang patawan ng parusang labindalawang taon ng pagkabilanggo. Pinahihintulutan din nito ang pag-aresto nang walang mandamiyento sa sinumang mai-label bilang terorista. Ayon sa mga nagpetisyon upang ibasura ang ATL, ang batas na ito ay maaaring pagmulan ng pang-aabuso dahil nilalabag nito ang karapatang konstitusyonal ng isang tao—magkaroon ng due process upang maging ligtas mula sa hindi makatuwirang paghahanap ng ebidensya. “Mga miyembro ng kaliwa.” Mga katagang ipinupukol sa karamihan ng tagapagsiwalat ng balita, bagama’t ginagawa lamang ang kanilang gampanin bilang isang mamamahayag at walang lehitimong ugnayan sa Communist Party of the Philippines (CPP) o kaya sa New People’s Army (NPA). Kaliwa’t kanan ang insidente ng pamamaratang at pangaaresto. Sa kadahilanang ito ay unti-unti nang napipilayan ang industriya ng pamamahayag. Malaking dagok ito sa nasabing sektor ng lipunan. Sa halip na magawa nila nang mabuti ang kanilang tungkulin ay nagiging malapit sila sa malaking posibilidad ng pagkapahamak. Sa nasabing suliranin, naging limitado ang kakayahan at kalayaang maglahad ng katotohanan. Patalim sa leeg—ganiyan kung maituturing ang dulot ng red-tagging na higit na umigting sa pagkakapasa ng ATL. Bukod pa riyan, napuruhan din ang midya sa pagpapasara sa isa sa pinakamatagal at pinakamalaking istasyong umeere sa telebisyon, ang ABS-CBN, dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito. Mahaba rin ang naging debate tungkol sa pagpapatupad ng batas upang makakuha ng bagong prangkisa ang nasabing korporasyon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nito nakakamit ang nais. Personal na rason—kung titingnan, iyan ang lumalabas na dahilan kung bakit ayaw payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik sa ere ng ABS-CBN. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang kagustuhang magsampa ni Pangulong Duterte ng kasong estafa sa ABS-CBN dahil hindi naipalabas ng istasyon ang kaniyang political advertisement noong Eleksiyon 2016. Malaking banta sa malayang pamamahayag ang pagpapasara sa naturang istasyon;

ipinakikita nitong malaki o maliit mang entidad ay hindi makaliligtas sa pambubusal ng mga makapangyarihan. Higit na nakapanlulumong matunghayan ito lalo na’t malaki ang gampanin ng midya upang higit na mapaigting ang pagtanglaw sa mga isyung kinahaharap ng bansa sa kasagsagan ng pandemya at iba’t ibang sakuna. “Aktibismo at hindi terorismo!” Iyan ang palahaw ng mga aktibistang nabibiktima rin ng red-tagging. Noong nakaraang Disyembre 10, pitong aktibista mula sa National Capital Region (NCR) ang dinampot matapos paratangang nagtatago ng mga armas at eksplosibo sa kanilang tahanan. Kinilala ang dalawa sa pitong aktibistang inaresto bilang sina Lady Ann Salem, patnugot ng Manila Today, at Romina “Shami” Astudillo—isang organisador ng mga manggagawa at dating mamamahayag pangkampus. Madaling araw isinagawa ang pitong serye ng pang-aaresto sa NCR—kung saan sa iisang hukom lamang nagmula ang search warrant na inihain sa kanila ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP). Isa lamang ito sa mga insidente ng panghuhuli sa mga inosente at pambibintang ng mga bagay na hindi naman nila ginawa. Maging ang mga tagapagpatupad ng batas ay hindi rin ligtas sa mga akusasyon. Inakusahan ng pangulong may mga komunista sa hanay ng mga kongresista at iba pang mga kawani ng gobyerno. Kaugnay nito, nagkaroon ng panukalang gawing isang krimen ang akto ng red-tagging, subalit hindi ito binigyan-tuon ng pangulo at ginawang katawa-tawa lamang. Lubhang nababahala ang mga nasa posisyon sapagkat paano naman daw nila magagampanan ang kanilang tungkulin kung sila mismo ay inaatake na rin ng bumubuhos na paratang na pawang walang kongkretong ebidensya. Pareho rin ang dinaranas ng mga sibilyan. Ang malala pa ay sila ang pinakamadaling pag-initan dahil sa kanilang estado sa lipunan. Noong kasagsagan ng giyera kontra-droga ay kali-kaliwa ang pagpatay ng mga bihilante na nagdulot ng pangamba sa mga ordinaryong mamamayan. Sa kasalukuyang panahon, hindi na malabong maulit ang malawakang pagpapatumba sa mga itinuturing na sumasalungat sa pamahalaan. Isang doktor ang binaril ng mga hindi kilalang salaring nakamotor noong Disyembre 15 sa Guihulngan, Negros Oriental. Siya ang nagiisang doktor sa lugar at matapat na naglilingkod at tumutulong, ngunit natuldukan ang kaniyang buhay sa bintang na siya ay isang komander ng New People’s Army (NPA). Kagimbal-gimbal ang kaniyang sinapit at nagpapatunay itong nahaharap sa malaking panganib ang bawat isa sa atin. Limitado at halos paralisado ang ating lipunan. Iyan ang katotohanang hindi natin matatakbuhan. Nilunod na tinig; ang impit na mga palirit ay pilit itinitikom at iwinawaksi ng nasa taas. Ang kalansing ng kadena sa paa ay tunog ng mga bumagsak na basyo ng bala. Ang mga bibitawang kataga’y maaaring magdulot ng pagkaupos ng kandila. Ang sinasabing demokrasyang dapat nating tinatamasa ay dalisay na tubig na pinipilit ikulong sa mga palad.

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

Larawan mula sa Rappler, Bulatlat, Catholic Herald, Zlatko Plamenov, at Xinhua.

malaya. mulat. mapanagutan.


lathalain

TINIG LUZON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

11

ANALISIS

a b o m s i r o ter belyon ? ang re AYWAY ni LILANG LIW

M

adalas na ikinakawing sa salitang terorista ang Communist Party of the Philippines (CPP) New People’s Army (NPA) - National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ngunit sang-ayon man o hindi sa ipinaglalaban ng naturang grupo, makatuwiran bang ituring bilang terorismo ang armadong paglaban ng CPP at NPA?

Limampu’t dalawang taon nang iwinawagayway ng NPA—armadong pangkat ng CPP, ang armadong rebelyon at digmaang sibil laban sa gobyerno ng Pilipinas. Pinaniniwalaan ng mga pulang mandirigma at mga rebolusyonaryo na digmang bayan ang solusyon upang mabuwag ang kasalukuyang mapangaliping sistema. Sinasabing malawakang kahirapan ang nagluwal sa armadong paglaban. Hindi maikakailang mayorya ng lupaing agrikultural sa bansa ay kontrolado pa rin ng iilang tao sa lipunan. Isang retorika at huwad na pangako na lamang ang sinasabing pamamahagi ng estado ng mga lupang sakahan, sapagkat karamihan sa mga magsasaka ay wala pa ring sariling lupa. "Walang dapat ikatuwa at pawang kabaliwan ang ikagalak pa ang record-high unemployment rate na 45.5% sa bansa," pahayag ni Assistant Minority Leader France Castro, kinatawan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT). Batid ng mga mamamayan ang malawakang kontraktwalisasyon, kawalan at kakulangan ng trabaho, mababang sahod, at kawalan ng akses sa mga panlipunang serbisyo kagaya ng kalusugan, pabahay, at edukasyon. Monopolisado rin ang kagamitan sa produksyon, at pinagsasamantalahan ang lakas-paggawa ng mga mamamayan upang mamaksima ang kita ng mga kapitalista. Samakatuwid, ang sistemang pampolitika at pang-ekonomiya sa bansa ay hindi pabor sa naghihikahos na mamamayan. “Ang armadong pakikibaka ng NPA ay isang lehitimo at makatarungang pagtatanggol sa pambansa at demokratikong interes ng sambayanang Pilipino laban sa kontra-rebolusyonaryong karahasan ng mga mersenaryong tropa ng naghaharing rehimen,” ani Armando Cienfuego, tagapagsalita ng NPASouthern Tagalog (ST), nang kapanayamin ng Pinoy Weekly. Madalas sabihing ang batas militar ni dating pangulong Ferdinand Marcos, ang pangunahing rekruter ng NPA noon. Sa pandarahas at panunupil ng estado sa mga demokratikong karapatan ng mamamayan, nawalan ng kalayaan ang karamihan na tahakin ang mapayapang paglaban. Sa kasalukuyan, patuloy na sinisikap ng rehimen na pilayin ang mga plataporma kung saan mapayapang makapag-eere ng reklamo at makapaghahangad ng pagbabago ang taumbayan. Nariyan ang banta sa midya, pagharang sa mga protesta sa lansangan, at maging ang kagustuhang kontrolin ang social media kagaya ng Facebook. Hindi rin mapalalampas ang pag-atake sa mga kasapi ng mga organisasyong masa, pagsampa ng mga gawa-gawang kaso, at pamamaslang sa COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hu 2020–Hulyo 2021

sinumang maituturing na kaaway ng estado. Ang mga seryeng ito ang nag-udyok sa ilang mamamayan na iwan ang buhay na kanilang kinagisnan at tahakin ang landas ng armadong pakikibaka.

Ang armadong pakikibaka ng NPA ay isang lehitimo at makatarungang pagtatanggol sa pambansa at demokratikong interes ng sambayanang Pilipino laban sa kontrarebolusyonaryong karahasan ng mga mersenaryong tropa ng naghaharing rehimen.

ARMANDO CIENFUEGO

Tagapagsalita ng New People's Army-Southern Tagalog

Ginagabayan ng International Humanitarian Law (IHL) ang armadong pakikibaka na inilulunsad ng NPA sa pamatnubay ng CPP, kasama na ang NDFP. Ang IHL ay isang kalipunan ng mga panuntunan para sa makataong paglulunsad ng digmaan. Nililimitahan nito ang epekto ng armadong tunggalian, at pinoprotektahan ang mga indibiduwal na hindi makalahok sa labanan. Malaking bahagi ng IHL ang nakapaloob sa Geneva Conventions ng 1949 na nilagdaan ng halos lahat ng bansa sa mundo. Isa sa mga pumirma upang maging tagapagpatupad nito ay ang gobyerno ng Pilipinas. Bilang pagtalima, ipinatupad naman ng gobyerno noong 2009—ang Batas Republika Blg. 9851, isang batas laban sa paglabag ng IHL. Sa kabilang dako, nangako ang NDFP na susunod ito sa Geneva Conventions ng 1949 at Protocol I ng 1977, noong ika-5 ng Hunyo 1996. Noong 1998 naman, lumagda ang NDFP at ang gobyerno ng Pilipinas sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Ang pagkomit at paglagda ng CPP-NPA-NDFP sa IHL at CARHRIHL ay isang pangakong hindi ito gagawa ng mga hakbang na maituturing bilang terorismo. Taliwas sa naratibo ng mga ahente ng estado, ang pagtalima ng NDFP sa mga batas na gumagabay sa pakikidigma ay nangangahulugang nahihiwalay ito sa mga armadong grupo gaya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Abu Sayyaf na hindi kinikilala ang mga batas na tulad ng IHL. Subalit sa panahong ito, malaking suliranin na sadyang iniuugnay ng gobyerno ng Pilipinas ang aktibismo sa rebelyon, at ang rebelyon sa terorismo. Sa halip na maglunsad ng giyerang naaayon sa mga panuntunang saklaw ng IHL, ipinatupad naman nito ang mga kontra-insurhenisyang programa laban sa rebelyon ng mga komunista. Ang karimarimarim dito, hindi lamang mga pulang mandirigma ang itinuturing kaaway kun’di pati na rin ang mga sibilyang sinasabing sumusuporta at sumisimpatiya sa rebolusyonaryong kilusan. Dahil dito, higit na nalalagay sa kapahamakan ang buhay ng mga mamamayang Pilipino. malaya. mulat. mapanagutan.


12

lathalain

TINIG LUZON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

#DEFENDBICOL:

HULAGWAY NG PULANG UNOS ni CONCETTA ELISHA DUALIN

N

ABRIL 16, 2020: IROSIN, SORSOGON

SETYEMBRE 7, 2020: DARAGA, ALBAY

Binugbog at ninakawan ng 31st Infantry Battalion ang 13 residente sa Brgy. Gabao, Irosin, Sorsogon.

Inaresto si Ramon Rescovilla, PISTON National Vice President at CONDOR-PISTON Bicol Deputy Secretary General, habang pauwi sa kaniyang bahay. Matagal nang biktima si Rescovilla ng harassment at red-tagging ng mga puwersa ng estado. Nitong nakaraang taon, sinampahan din siya ng gawa-gawang kasong robbery.

MAYO 8, 2020: BULAN, SORSOGON 5 magsasaka ang pinaulanan ng bala ng pinagsamang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Ang mga pinaslang ay tinaniman ng matataas na kalibre ng baril, bala, at magasin.

HUNYO 17, 2020: PLACER, MASBATE 3 magsasakang kinilala bilang sina Danny Boy Pepito, Sr., Jessie Boy Pepito, at Rogen Orcales Languido, ang pinatay ng riding-in-tandem sa Mahayahay, Placer, Masbate.

HUNYO 24, 2020: JOVELLAR, ALBAY Pinaslang ng riding-in-tandem ang mga kasapi ng Organisasyon ng Magsasaka sa Albay (OMA) na sina Barangay Kagawad Jose Arthur Clemente at Barangay Treasurer Edel Brando Moina, sa San Isidro, Jovellar, Albay.

HULYO 5, 2020: MOBO, MASBATE 3 Masbateñong nagsilbing mga barangay tanod at frontliner ang pinatay ng kapulisan sa Mobo, Masbate. Kinilala ang mga biktima bilang sina Edgar Minggoy, Marlon Bajar, at Rolly de la Cruz.

HULYO 7-9, 2020: SIPOCOT, CAMARINES SUR Inaresto sina Jenelyn Nagrampa, GABRIELA National Vice Chairperson, at Pastor Dan San Andres, kasapi ng United Church of Christ in the Philippines at tagapagsalita ng KarapatanBicol, nang dahil sa gawa-gawang kasong double murder.

SETYEMBRE 6, 2020: NAGA CITY, CAMARINES SUR Iligal na inaresto ng Naga City Police si BAYAN Camarines Sur Chairperson Nelsy Rodriguez dahil sa gawa-gawang kasong murder.

ABRIL - OKTUBRE 2020

akatala sa mapa ang mga kaso ng pang-aabuso ng mga puwersa ng estado sa karapatang pantao ng mga Bikolano sa panahon ng pandemya, mula Abril 2020 hanggang Hulyo 2021. Matatandaang taong 2018 nang ipinanukala ang Memorandum Order No. 32 at Executive Order No. 70, at taong 2020 naman nang isabatas ang Anti-Terrorism Law—na naging sanhi ng pagigting ng militarisasyon sa Bicol, kung saan tahasang isiniwalat ng kapulisan at militar, partikular na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang kanilang kalupitan sa mga mamamayan, lalo na sa mga magsasaka at aktibista.

Larawan mula kina Kjerrimyr Andrés, Alecs Ongcal, at Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms (SUPER).

SETYEMBRE 14, 2020: SORSOGON CITY, SORSOGON Patay matapos barilin sa labas ng Seabreeze Homes, Brgy. Cabid-an, Sorsogon City, si Jobert “Polpog” Bercasio, media man mula sa Balangibog TV.

SETYEMBRE 21, 2020: GUINOBATAN, ALBAY Pinaslang ng mga elemento ng 49th Infantry Battalion sina Barangay Captain Luzviminda Dayandante at Barangay Treasurer Albert Orlina, sa Sitio Gumian, Sinungtan, Guinobatan, Albay, matapos nilang isiwalat ang mga pang-aabuso ng mga tropa ng militar sa kanilang barangay.

SETYEMBRE 26, 2020: MANDAON, MASBATE 3 sibilyang kinilala bilang sina Jerry Regala, Kagawad Judy Barruga, at Kagawad Joey Asne, ang kinidnap at pinatay matapos paratangang sila ay mga kasapi ng New People's Army (NPA).

OKTUBRE 16, 2020: SORSOGON CITY, SORSOGON

14

KASO NG PANG-AABUSO ABRIL-OKTUBRE 2020

15 magsasaka at maralita ang hinaras ng mahigit-kumulang 15 pulis habang nagsasagawa ng programa sa National Food Authority (NFA) sa Cabid-an, Sorsogon City bilang paggunita sa World Hunger Day.

OKTUBRE 18, 2020: BATO, CAMARINES SUR

OKTUBRE 20, 2020: LIBMANAN, CAMARINES SUR

Pinaslang ng isang armadong grupo si Joan Marpiga—sibilyang kinasuhan, pinaratangang NPA, at idinawit sa 2018 Mainit, Bato ambush. Pinalabas ng awtoridad na nanlaban si Marpiga habang hinahainan ng warrant of arrest.

Pinagbabaril ng mga 'di kilalang indibiduwal ang sasakyan ni Judge Jeaneth Gaminde-San Joaquin. Ito ay matapos pirmahan ni Judge Gaminde-San Joaquin ang release order nina Jen Nagrampa at Pastor Dan San Andres.

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

malaya. mulat. mapanagutan.


lathalain

ENERO - HULYO 2021

TINIG LUZON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

ENERO 6, 2021: IRIGA CITY, CAMARINES SUR Pinaslang ng pinagsamang puwersa ng 83rd Infantry Battalion Armed Forces of the Philippines (AFP), PNP Camarines Sur, at PNP Iriga, si Aldren Enriquez—kasapi ng Camarines Sur People's Organization (CSPO) at isa sa frontliners ng Iriga City Inter-Agency Task Force.

ENERO 24, 2021: BARCELONA, SORSOGON Pinaslang ng mga armadong tauhan ng estado si Michael Bagasala alyas Teban, sa Brgy. San Antonio, Barcelona, Sorsogon. Si Bagsala ay dating mandirigma ng NPA na sumuko sa Gobyerno ng Republika ng Pilipinas noong 2018.

PEBRERO 1, 2021: USON, MASBATE

13

Sapilitang pinasok ng 2nd Infantry Battalion Philippine Army (IBPA) at Military Intelligence Company (MICO) ang bahay ni Enrique Tumampil, isang kilalang lider-komunidad at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga magsasaka, sa Brgy. Madao, Uson, Masbate.

PEBRERO 25-26, 2021: LABO, CAMARINES NORTE

KASO NG PANG-AABUSO

Pinaslang ng kapulisan sina Kapitan Geoffrey Castillo ng Brgy. Macogon, Labo; at Melandro Verzo, Barangay Kagawad ng Dumagmang, sa kaniyang bahay sa Sitio Mineral, Brgy. Talobatib, Labo, Camarines Norte.

ENERO-HULYO 2021

MARSO 1, 2021: MERCEDES, CAMARINES NORTE

2

Sabay-sabay na pinaslang ng kapulisan ang 3 sibilyan na sina Enrique Cabiles, Arnel Candelaria at Normer Peda, matapos palabasin ng awtoridad na ang mga biktima ay nanlaban nang masilbihan ng mga warrant of arrest.

6

SANGGUNIAN BULATLAT KARAPATAN BICOL

6

DEFEND BICOL - STOP THE ATTACKS NETWORK PHILIPPINE REVOLUTION WEB CENTRAL (PRWC) TRIBUNA ANAKBAYAN SORSOGON

5 ILIGAL NA PAG-ARESTO AT PAGKULONG, PAGTATANIM NG EBIDENSYA PAMBUBUGBOG, PAGNANAKAW, HARASSMENT PAMAMASLANG, PAMAMARIL

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

MARSO 8, 2021: NAGA CITY, CAMARINES SUR Binuhusan ng isang timba ng ihi ng hinihinalang pulis ang mga nagprotesta sa Plaza Oragon, Naga City noong Pandaigdigang Araw ng Manggagawang Kababaihan. Sa parehong araw, intensyonal na binangga rin ng pulis si Jeffrey Zamora, kasapi ng Samahan ng Magsasaka sa Concepcion Grande (SMCG).

MARSO 26, 2021: IRIGA CITY, CAMARINES SUR Pinaslang ng mga elemento ng Camarines Sur Provincial PNP si Elmer Casabuena, kapitan ng Brgy. Nino Jesus sa Iriga City, matapos sapilitang pasukin ang kaniyang tirahan.

ABRIL 25, 2021: MILAGROS, MASBATE Nakaranas ng pambubugbog si Arnel Monares mula sa 2nd IBPA at 96th MICO sa Sitio Antipolo, Brgy. Magsalane, Milagros, Masbate.

MAYO 2, 2021: STO. DOMINGO, ALBAY Iligal na inaresto si Pastor Dan Balucio, pangkalahatang kalihim ng BAYAN Bicol, sa kaniyang tahanan sa Sto. Domingo, Albay.

MAYO 2, 2021: DARAGA, ALBAY Pilit na pinasok ng pinagsamang puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at PNP, at tinaniman ng mga baril at pampasabog ang bahay ni Justine Mesias, tagapagsalita ng Youth Act Now Against TyrannyBicol (YANAT Bicol), alas-4 ng madaling araw.

MAYO 15, 2021: NAGA CITY, CAMARINES SUR Nakaranas ng harassment at surveillance ang mga kawani ng Karapatan Bicol sa opisina nito sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur.

0 8

13

BARETANG BIKOLNON ONLINE

HUNYO 6, 2021: DONSOL, SORSOGON 3 magsasaka sa Donsol, Sorsogon, ang iligal na inaresto ng 31st IBPA. Kinilala ang mga magsasaka bilang sina Etoy Magdamit, Jr., Antonio Razo, Jr., at Salvador Moscoso.

HULYO 26, 2021: GUINOBATAN, ALBAY Patay matapos pagbabarilin ng mga elemento ng PNP ang dalawang aktibista sa Guinobatan, Albay na sina Jaymar Palero ng Organisasyon ng mga Magsasaka sa Albay (OMA) at Marlon Napire ng Albay People's Organization (APO) habang nagpipinta ng panawagang “DUTERTE IBAGS[AK],” ilang oras bago ang 2021 State of the Nation Address (SONA).

MGA SERYE NG PAG-ATAKE LABAN SA MASANG BICOLANO malaya. mulat. mapanagutan.


agtek

14

Kasalukuyang Sitwasyon ng Pandemyang COVID-19

Mga Paalala para sa mga Mamamayang Lumalaban

Mula Marso 27, 2020–July 31, 2021

27,889

PUMANAW

1,588,965 KUMPIRMADONG KASO

1,500,189 GUMALING

REHIYON NG BICOL

804

PUMANAW

21,295

KUMPIRMADONG KASO

17,404

GUMALING

SORSOGON

168

PUMANAW

3,139

KUMPIRMADONG KASO

2,825

GUMALING Sanggunian: DEPARTMENT OF HEALTH

!

COVID-19:

SA MGA NUMERO

PILIPINAS

Tinig Luzon

Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

Disenyo ni CARL DONOR

ni DEZREI AMBER LANUZA

S

imula pa noong ika-15 ng Marso, 2020, nailagay ang buong bansa sa ilalim ng community quarantine upang masugpo ang pandemyang COVID-19. Ilan sa mga isinagawang paghihigpit ay ang pagsara ng mga paaralan at unibersidad, mandatoryong pagsuot ng face mask at face shield kapag lalabas, social distancing, paglagay ng checkpoints sa bawat lugar upang suriin ang dahilan kung bakit bumabiyahe, pag-kuwarantina sa bawat papasok sa isang lugar, pagbawal sa mga pampublikong pagtitipon, at pagsara ng mga komersiyal at retail na negosyo. Intensyon ng gobyerno na tapusin ang community quarantine pagsapit ng ika-15 ng Mayo, 2020, ngunit biglang tumaas ang bilang ng kaso at bilang ng namatay dulot ng sakit na ito. Ang COVID-19 ay kumakalat sa pamamagitan ng bahing at ubo ng isang taong apektado ng sakit. Ang virus ay maaaring kumapit sa particle ng hangin na nasa paligid, kung saan ito ay mananatili ng tatlong oras. Maaari din itong kumapit sa cardboard box o plastik, kung saan mananatili ito mula isa hanggang tatlong araw. Pumapasok ang virus sa ating katawan sa pamamagitan ng direktang contact sa bibig, ilong, at iba pang parte ng mukha. Para makapasok sa ating sistema, ginagamit nito ang mga protina sa labas bilang susi sa mga receptor sa ating baga. Ang mga virus ay itinuturing non-living infectious agents, na ibig sabihin ay hindi nito kayang dumami nang mag-isa. Kapag pumasok ang COVID-19 virus sa ating katawan, pinapakawalan nito ang ribonucleic acid (RNA), o ang genetic na materyales upang manipulahin ang mga cell sa ating katawan na paramihin ito. Sa puntong ito, tinatawag itong incubation period na kung saan ay parami nang parami ang virus sa loob ng katawan ngunit hindi pa makikita ang sintomas ng

nasabing sakit. Ang mga pangkaraniwang sintomas ng sakit ay ang pag-ubo, pananakit ng lalamunan, kakapusan ng hininga, at pagkakaroon ng lagnat. Ang mga sintomas na ito ay hindi tiyak na nangangahulugang ikaw ay may COVID-19. Ang mga ito ay kapareho ng ibang mga karamdaman na mas karaniwan gaya ng sipon at trangkaso. Para sa ilan, maaari ding makaramdam ng pagkahilo, pagsusuka, at diarrhea. Maiiwasan ang pagkalat ng coronavirus sa pamamagitan ng ilang mga gabay na ibinigay ng mga propesyonal noong kasisimula pa lamang ng kuwarantina; tulad ng madalas na paghugas ng mga kamay upang mamatay ang virus na maaaring kumapit sa iyo. Bukod dito, iwasan ang paghawak sa mukha. Iwasan din ang direktang pakikisalamuha sa tao at pagpapahiram ng personal na gamit tulad ng cellphone o suklay. Takpan ang ilong at bibig kapag umuubo o bumabahing. Gumamit ng mga alcohol-based disinfectant sa paglilinis ng kagamitan at iba pang puwedeng kapitan ng virus. Dagdag

ni PAULINE JOY ZULUETA

Isang pag-aaral mula sa Massachusetts Institute of Technology ang nagsasabing nahahati sa limang kategorya ang mga mamimimili—kabilang na rito ang mga tradisyonal at online shopper o cybernaut. Sa Pilipinas, napag-alamang umabot na sa 53% ang bilang ng mga Pilipinong namimili online. Lumabas din sa pag-aaral na ang pinakamaraming order mula sa Southeast Asia ay ang mga produktong sports at outdoor. Ngunit, hindi ba natin napapansin na ang bawat parcel na dumarating ay may kaakibat na epekto sa kalikasan? Sinasabing ang pagkakaroon ng mabagal na shipping ay magdudulot ng mas maliit na carbon emissions kaysa sa mabilis na shipping. Sa katunayan, ang mabilis na pag-ship ng produkto ay dumudulot ng mas maraming emisyon dahil sa maraming bilang ng trak na pabalik-balik kahit hindi pa puno ang mga karga nito. Bukod pa rito, malaki ang epekto ng packaging sa carbon emission ng isang konsyumer. Pansinin ang packaging ng iyong online purchase—maraming layer ng bubble wrap, doble-dobleng kahon, at kung minsan naman ay mas maraming plastik ang nasasayang kung hiwa-hiwalay ang iyong order. Kahit napakaliit ng aytem ay malaking espasyo ang nasasayang. Ayon sa pag-aaral, mas mataas ng 35% ang emisyon kapag ipinadadala nang hiwalay ang mga order kaysa sa sabay-sabay. Napag-alaman ding mahigit 20% ng mga kahon ang nasasayang sa bawat shipment

na nagaganap. Hindi lamang ang pagtaas ng emisyon ang epekto ng online shopping sa kalikasan; maging ang hindi tamang pag-dispose ng packaging mula sa mga parcel ay maaaring dumagdag sa epekto ng plastic pollution. Tinatayang 300 milyong tonelada ng plastik ang nakokonsumo kada taon sa buong mundo. Dahil dito, idineklara na ng United Nations ang plastic pollution bilang isang epidemya. Nakalulungkot sabihin na ang Pilipinas ay pangatlo sa nangungunang prodyuser ng polusyon sa plastik sa daigdig. Matagal masira ang plastik. Dulot nito, maraming marine creatures ang namamatay nang dahil sa pagkonsumo ng plastik na hindi naitatapon nang maayos. Bagama’t mayroong plastic ban, may iilang establisyemento pa ring gumagamit nito. Sa pagtaas ng bilang ng online shoppers, nararapat lamang na maging responsable sila sa kanilang plastic waste. Makatutulong sa pagpapababa ng bilang ng plastic waste sa ating bansa ang pag-iimplementa ng mga seller at prodyuser ng plastic-free packaging. Sa kasalukuyan, marami-raming rolyo ng bubble wrap ang nagagamit sa bawat parcel upang masigurong hindi damaged ang produktong ipadadala. Kaya naman handog ng Noissue—isang komunidad na itinatag na may hangaring bigyan ang maliliit at malalaking negosyo ng access sa custom at sustainable packaging—ang ilang mga alternatibong materyales na puwedeng

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

magamit bilang panghalili sa bubble wrap. Una na rito ay ang mga compostable parcel bags. Ang mga mailer na ito ay padded envelopes na mainam gamitin sa pagsiship ng maliliit na aytem. Mas matibay ito kumpara sa tradisyonal na plastic bag at ang kagandahan nito ay nagbe-breakdown ito sa loob ng 180 na araw kahit sa domestic compost. Maganda ring alternatibo ang paggamit ng GreenWrap. Ito ay isang ganap na biodegradable, compostable, at recyclable na kahalili ng bubble wrap. Gawa ito sa dalawang layer ng hexagonal-cut kraft paper na may isang layer ng tissue paper sa pagitan. Dahil sa hugis na ito, maaaring ibigay ng GreenWrap ang lahat ng proteksyon na parang isang bubble wrap. Panghuli ay ang paper stuffing—ginagamit ito para punan ang mga puwang sa mga box at parcel; pinoprotektahan din nito ang aytem. Isa ito sa pinakasimpleng paraan sapagkat ang papel ay lubos na ginagamit. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga alternatibong materyales na puwedeng gamitin ng mga seller at establishment. Hangga’t maaari, mainam na simulan na ang pag-iimplementa ng mga ito. Bilang mga konsyumer, may mga paraan din upang mabawasan ang inyong carbon emission at ang epekto nito sa kalikasan. Inirerekomenda na pillin ang mas mabagal na shipping para mabawasan ang emisyon ng shipper. Maganda ring pagsabay-sabayin ang order kaysa sa hiwahiwalay na magreresulta sa mas maraming packaging at mas malaking emisyon.

. ctor roVe Mac

1.11, 12.12, 3.3: mapa-Lazada o Shopee man, tiyak na habol ng bawat Pilipino ang maka-check out sa mga petsang iyan. Lingid sa kaalaman ng karamihan, isa sa pangunahing epekto ng lockdown ay ang pag-usbong ng mga online business at pagtangkilik ng mga mamamayan sa online shopping.

sa mula wan Lara

PLASTIC-FREE Shopping Spree 1

pa, dumistansya ng dalawang metro sa kapuwa at iwasan ang pagtitipontipon. Iwasan din ang pagkain sa labas dahil puwedeng kumapit ang virus sa pagkain at mga kagamitan. Kung kailangang lumabas, magsuot ng face mask at face shield, at kung mayroon kang sakit o ikaw ay immunocompromised, manatili sa loob ng bahay. Mabilis ang pagkalat ng virus sa loob ng katawan, pero hindi natin ito napapansin o nakikita agad. Kapag sinususpetiyahan mong apektado ka nang sakit, ang pinakamainam na gawin ay mag-self-quarantine, at kapag lumala ang inyong kondisyon, kumonsulta na sa doktor. Isang taon na ang nakalipas magmula nang magkaroon ng lockdown sa bansa upang kontrolin ang paglobo ng kaso ng COVID-19. Gayunpaman, ang pagtaas ng mga numero ay higit na ikinababahala ng lahat. Hindi namimili ang virus na ito, kung kaya't lahat tayo ay kinakailangang mag-ingat. Kung sama-sama nating susundin ang mga protokol na pangkalusugan, mapipigilan natin ang pagkalat nito.

Nararapat ding maging responable ang bawat konsyumer sa mga basurang nalilikom mula sa pag-o-online shop. Bukod pa rito, dahil sa lockdown, inaasahan ang mga mamamayan na gumamit ng plastic-free options sa pang-araw-araw at tangkilikin ang sustainable na pamumuhay. Sa kabuoan, hindi dapat kamuhian ang online shopping. Sa katunayan, isa itong instrumento para umusbong ang mga online business. Ito rin ang isa sa mga paraan upang makabili ang mga mamamayan ng kanilang pangangailangan. Ngunit sa kabila ng mga rasong ito, dapat ay maging bukas ang isipan ng mga tao sa konseptong “think before you shop,” dahil ang bawat check-out ay hindi lamang magdudulot ng sakit bulsa; magdudulot din ito ng pangmatagalang epekto sa mundong ating ginagalawan. Kaakibat nito, mayroon ding responsiblidad ang mga prodyuser at establisyemento sa mga produktong binebenta nila na nakadaragdag sa polusyon sa plastik at emisyon ng carbon. Maaari silang magsimula sa pag-iimpleta ng sustainable options sa kanilang packaging. Nararapat tandaang ang pagtuldok sa problemang ito ay hindi lamang responsibilidad ng mga konsyumer. Hangga’t ang inilalatag na produkto sa merkado ay naka-plastik, hindi matutuldukan ang ating suliranin sa plastic pollution. malaya. mulat. mapanagutan.


TINIG LUZON | Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon

aghamatteknolohiya

15

Magpabakuna? O maghintay na lang muna? ni PAULINE JOY ZULUETA

K

asalukuyang itinala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang halos 800,000 dose ng COVID vaccine na nai-deploy sa buong bansa. Ayon din kay Secretary Francisco Duque III, katumbas ito ng 70% ng 1.1 million doses ng Sinovac at AstraZeneca na dumating sa bansa. Dagdag pa niya, patuloy ang pag-roll out ng bakuna sa iba’t-ibang rehiyon upang maubos ang 600,000 doses ng Sinovac mula sa China. Tanging prayoridad ng kagawaran na mabakunahan ang mahigit 1.7 million healthcare workers sa buong bansa. Maliban sa Sinovac at AstraZeneca, isa pang pinagkukunan ng bakuna ay ang Pfizer. Bukod pa rito, tinatayang sa kalagitnaan ng 2021 ay darating ang 20 milyong Moderna vaccine na inorder ng pamahalaan. Labintatlong milyon dito ay para sa gobyerno at pitong milyon naman ay para sa pribadong sektor. Darating din ang anim na milyong bakuna mula sa Johnson & Johnson sa kalagitnaan ng Marso. Tiyak na iba’t ibang klase ng bakuna ang dumarating sa ating Larawan mula sa USCVHH. bansa. Masasabi ba nating tiyak na epektibo at ligtas ang mga ito? Ang Sinovac o Coronavac ay ang natatanging bakunang nagmula sa China. Ang naturang bakuna ay nararapat na mapanatili sa temperaturang 2–8°C. Ang bakunang ito ay sumailalim sa tatlong clinical trial na naganap sa mga bansang Brazil, Indonesia, at Turkey. Isinigawa ang unang clinical trial sa Brazil sa mga taong moderately exposed sa COVID. Mula rito ay napag-alamang ang naturang bakuna ay mayroong efficacy rate na 50.4%. Samantala, sa isinagawang ikalawa at ikatlong clinical trial sa publiko sa Turkey at Indonesia, tinatayang mayroon itong efficacy rate na 91.25% at 65.3%. Maramirami na ring Pilipinong frontliners ang nakakuha ng bakunang ito at sinasabing mayroon itong side effect gaya ng pananakit at pamamanhid ng braso, ngunit mild lamang ito at sila’y gumaling naman kaagad. Isang kagandahan umano ng Sinovac ay ang isang vial nito ay katumbas ng isang dose na nagdudulot ng pagbabawas ng spoilage at nagpapadali ng trabaho ng mga healthcare worker na nagbibigay ng bakuna. Sa isang panayam kasama si Health Secretary Duque, patuloy ang kaniyang pag-udyok sa mga frontliner na huwag palampasin ang pagkakataong mabakunahan sapagkat sayang ito. Bukod sa Sinovac, isa pang bakuna na kasalukuyang dumating sa ating bansa ay ang AstraZeneca mula sa United Kingdom. Ayon sa World Health Organization (WHO), prayoridad na mabigyan-bakuna ang mga taong high risk gaya ng mga frontliner at matatanda partikular sa mga may edad 65 pataas. Hindi ito inirerekomenda sa mga may edad 18 pababa sapagkat kinakailangan pa nito ng masusing pagaaral. Gaya ng Sinovac, ang AstraZeneca ay inirerekomendang magkaroon ng

dalawang dosage (0.5 ml kada dosage) at mayroon itong interval na 8 hanggang 12 linggo bago ang pangalawang dosage. Ang bakunang AstraZeneca ay mayroong efficacy rate na 63.09% laban sa symptomatic SARS-CoV-2 infection. Noong Marso 4, 2021 ay dumating ang 480,000 dose ng AstraZeneca vaccine mula sa COVAX facility. Sinasabing ang bilang ng doses na ito ay makatutulong sa 20% ng populasyon ng bansa kabilang na ang frontliners at matatandang vulnerable sa sakit. Kasalukuyang inaabangan ang pagdating ng 117,000 dose ng Pfizer ngayong Abril. Ayon sa DOH, ang pagdating nito ay malaking tulong upang makamit ang projected goal na mabakunahan lahat ng healthcare workers sa katapusan ng Mayo. Ang bakuna mula sa Pfizer ay tinatayang mayroong 95% efficacy rate base sa on-going large scale clinical trial na nagaganap. Ang Pfizer ay manufactured sa Germany at naaprubahan na itong gamitin sa mahigit 19 na bansa. Bukod sa Pfizer, inaabangan din ng pamahalaan ang pagdating ng bakuna mula sa Moderna na mayroon ding 95% efficacy rate. Ang Moderna naman ay nagmula sa Amerika at naaprubahan na rin itong ipadala sa ibang bansa gaya ng South Korea at Pilipinas. Ngunit sa kabila ng iba’t ibang klase ng bakunang dumarating sa ating bansa, nananatili pa ring tanong sa madla kung nararapat ba talagang magpabakuna o piliin na lang maghintay muna. Sinasabing umaabot ng mahigit tatlong taon upang masabing epektibo ang isang bakuna. Aminado naman ang mga manufacturer ng mga bakuna na kailangan pa ng mas masusing pag-aaral upang malaman ang mga pangmatagalang epekto at kabuoang efficacy ng mga ito. Ang kondisyong

ito ay isa sa mga rason kung bakit nagdadalawang isip ang madla sa pagpapabakuna. Bukod pa rito, sa ibang bansa ay may ilang naitalang kaso ng pagkamatay matapos mabakunahan. Dagdag na rin ang naging kontrobersyal na bakuna sa dengue o ang tinatawag na “dengvaxia.” Ang pagkamatay ng karamahihan ay nagpaigting ng takot sa madla na nagresulta sa pagtaas ng porsyento ng “vaccine hesitancy” sa bansa. Panghuli, ay ang kasalukuyang breakthrough ng mga kaso ng panibagong variant ng COVID sa Amerika bagama’t bakunado na ang karamihan dito. Tiyak ngang ang mga pangyayaring ito ay nagdulot ng agam-agam sa mga mamamayan. Ngunit nararapat lamang na hindi tayo mapangunahan ng takot at mabigyan natin ng pansin ang naging epekto ng vaccination process sa ating bansa. Sa kasalukuyan, nakapagpamahagi na ng mahigit kumulang 20,863,544 dose ng bakuna sa COVID. Ipagpalagay na ang bawat tao ay nangangailangan ng 2 doses, sapat na iyon upang mabakunahan ang 9.6% na populasyon ng bansa. Nakapapanatag na walang naitalang pagkamatay matapos matanggap ng mga Pilipino ang dalawang dose ng bakuna. Samantala, inilinaw naman ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na 0.6% ng mga Pilipino ang naiulat na nakararanas ng adverse events kasunod ng pagbabakuna, at ang karamihan sa mga ito ay banayad na epekto lamang. Hinggil sa kasalukuyang breakthrough na nagaganap, mayroong kalamangan ang mga taong nabakunahan kaysa sa hindi. Napag-alamang ang mga bakunado ay nakararanas ng mild COVID illness kumpara sa hindi. Ito

?

ay batay sa isang pag-aaral na inilathala sa New England Journal of Medicine (NEJM) na tumingin sa higit 3,900 na essential workers. Ipinakikita nito na ang taong fully vaccinated ay higit sa 90% na protektado laban sa impeksyon. Kahit na ang mga taong nabakunahan nang bahagya ay makasisigurong protektado sila mula sa virus kumpara sa mga taong hindi pa nai-inoculate, sapagkat ang unang dose ng bakuna ay 81% na epektibo sa pagpapababa ng panganib na dulot ng impeksyon. Dahil sa pagpapabakuna, mas kaonti ang tiyansang makahawa ang isang tao sa kaniyang kapuwa. Gayunpaman, kung ang mga taong nakatanggap na ng isa o dalawang doses ng bakuna sa COVID ay nagkaroon ng isang "breakthrough" na impeksyon, sila ay makakukuha lamang ng 40% na mas kaonting virus sa kanilang katawan at 58% na posibilidad na magkaroon ng lagnat. Maaari din silang gumugol ng dalawang mas kaonting araw sa ospital kumpara sa mga hindi nabakunahang pasyente ng COVID. Mahigit isang taon nang lumalaban ang Pilipinas sa pandemyang ito. Bilang mga mamamayan, hindi natin maipagkakaila ang ating takot at pagdadalawang isip sa pagpapabakuna. Kung ating titimbangin talagang mabigat at mahirap ang pagpili kung magpapabakuna ba o maghihintay muna. Subalit sa palalang kondisyon ng lipunang Pilipino buhat ng COVID-19, isinisiwalat nito ang kahalagahan ng pagtangan sa ating tungkulin— ang pangangalaga sa ating sariling kalusugan at maging sa ating kapuwa, sa pamamagitan ng pagpapabakuna at pagpapalawak ng panawagan na mailunsad ng pamahalaan ang malawakan at ligtas na pagkakaloob ng bakuna sa sambayanan.

maikakaila na iba ang karanasan sa pag-aaral ngayong pandemya kung ihahambing natin sa face-to-face classes. H indi Masasabi nating mahirap at nakapaninibago ang bagong paraan lalong-lalo na sa mga mag-aaral at guro. Kalusugang tulad ng mga nakaraang taon, katrabaho, at ang home-based learning maglahad ng karunungan at payo sa mga Pangkaisipan: tutokHindi sa mga aralin ang mga estudyante ng kabataan ay may epekto sa mental at konseptong maaaring makatulong sa habang nasa kanilang mga bahay dulot ng psychosocial health ng isang tao. Kaya pagharap ng mga estudyante sa bagong Kailangang pandemya. Sa distance learning, kapuwa naman dapat tutukan at lalong palawakin sistema ng pag-aaral. Bilang tugon sa nakararanas ng mga pagsubok ang mga ang kamalayan sa mga isyu at suliraning mga isyung kaugnay ng mental health, Tutukan mag-aaral at guro; tulad ng minimal may kinalaman sa kalusugan pangkaisipan. ang Guidance and Counseling Office ni DENISE VIKTORIA VALENCIA

Larawan mula sa VectorStock.

na interaksyon sa isa’t isa, madalas at matagalang pagtutok sa screen ng mga gadyet, magastos na pag-aaral, mapagantalang bagal ng internet at hina ng signal, o minsan naman ay pagkawala ng kuryente sa kalagitnaan ng pagtuturo ng guro, at pagdami ng mga gawain ng guro at mag-aaral. Dahil sa mga balakid na kinahaharap dulot ng kasalukuyang sitwasyon, hindi maiwasang makaramdam ng stress, pagkabalisa, pagkayamot, at pagkasiphayo ang mga mag-aaral at guro na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugang pangkaisipan. Ayon sa pahayag ni Direktor Ronilda Co ng Department of Education Disaster Risk Reduction and Management Service (DepEd-DRRMS) sa isinagawang Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS) para sa mga kawani ng DepEd, ang realidad ng bagong normal na saklaw ang pagtatrabaho mula sa bahay, kawalan ng pisikal na pakikipagkita sa ibang miyembro ng pamilya, kaibigan, at

COVID-19 SPECIAL ISSUE | Tomo LXXIII Bilang I | Nobyembre 2020–Hulyo 2021

Ang mental illness ay ikatlo sa pinakakaraniwang disabilidad sa bansa. Humigit kumulang anim na milyong Pilipino ang tinatayang namumuhay na may depresyon at/o anxiety na naging dahilan upang mahirang ang Pilipinas bilang ikatlo sa mga bansang may mataas na bahagdan ng mga suliranin sa kalusugang pangkaisipan sa Kanlurang Rehiyon ng Pasipiko, batay sa pananaliksik na isinagawa noong 2020 nina Andrea B. Martinez ng University of the Philippines (UP) Manila, at Jennifer Lau at June S. L. Brown ng Institute of Psychiatry, Psychology and Neuroscience ng King’s College London. Kaugnay ng umuusbong na suliranin sa kalusugang pangkaisipan, lalo na ngayong may kinahaharap na pandemya, ang Supreme Student Government (SSG) ng Sorsogon National High School (SNHS) ay nagsagawa ng mga webinar tulad ng “KAPEmustahan,” upang kumustahin ang kalagayan ng mga mag-aaral, at

ng SNHS ay naging tagapaghatid din ng serbisyo sa mga nangangailangan ng tulong at konsultasyon. Maaaring bisitahin ang Facebook page ng naturang opisina para sa mga nais mapalawak ang kaalaman tungkol sa mental health; dito ay naglalahad ng mga edukasyonal na impormasyon ang mga guidance counselor ng paaralan. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mental at psychosocial well-being ng isang tao ay mahalaga ring bahagi para panatilihing ligtas at malusog sa panahon ng pandemya; kung kaya'y hinihikayat ang lahat na maging bukas ang pag-iisip at maging edukado tungkol sa mga isyung kinahaharap sa pangkaisipang kalusugan. Huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa guidance counselors at iba pang mental health professionals, o hindi kaya ay makipag-ugnayan sa National Mental Health Crisis Hotline sa sumusunod na numero: 0917-899-8727 kapag nangangailangan ng tulong.

malaya. mulat. mapanagutan.


#DEFEND BICOL UMABOT na sa 27 ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso ng mga puwersa ng estado sa karapatang pantao ng mga Bikolano, lalo na sa mga magsasaka at aktibista, sa panahon ng pandemya—mula Abril 2020 hanggang Hulyo 2021.

Tumindig para sa karapatan, makibaka para sa kalayaan!

LATHALAIN | PAHINA 12

#StopTheAttacks

27 KASO NG PANG-AABUSO SA REHIYON NG BICOL NGAYONG PANAHON NG PANDEMYA ABRIL 2020-HULYO 2021

Tinig Luzon

malaya. mulat. mapanagutan.

Ang Opisyal na Pahayagan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sorsogon


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.