Nirmal Bhakti Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines Isyu Blg. 11, ng Unang Taon
Saturday, January 7, 2017
Hindi Natin Dapat Ipinagwawalang-Bahala Purihin si Guru at si Sri Gauranga Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Viṣṇupād Śrīla Bhakti Nirmal Āchārya Mahārāj Tagapangulo at Pandaigdigang Acharya ng Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Ika 19 ng Maro 2014
Hindi Natin Dapat Ipinagwawalang-bahala
Page 1
Ano ang katuturan na ika’y nagpabinyag subalit ayaw mo namang maglingkod, ayaw mong ma-seva, hindi ba’t ito’y pagwawalang-bahala at pagsasayang lamang ng ibinigay na pagkakataon. । ॥ diksa-kale bhakta kare atma-samarpana sei-kale krsna tare kare atma-sama
Sa oras ng binyag, lubusang isinusuko nang isang deboto ang kanyang sarili sa gawain ng paglilingkod sa Panginoon, at sa oras na iyon, siya’y lubusang inaari din ni Krsna at itinuturing na di-na naiiba sa Kanya. (Sri Chaitanya-charitamrta, Antya-lila. 4.192) Sa oras na kayo ay magpabinyag, ginawaran ng diksa, ibig sabihin, mapapasa-inyo ang banal na kaalaman, magkakaroon kayo nang divyajñana. Sa oras ng ating binyag, ganito ang nasa isipan ni Krsna, ‚Akin na ang kaluluwang ito.‛ Subalit papapaano kung hindi natin nauunawaan kung ano ang ibig Niyang sabihin, papaano kung hindi pa tayo mulat sa ganitong kaalaman, papaano tayo makakausad sa ating espirituwal na buhay? Alam ninyo, anumang sandali ay maaari tayong mawala sa gawain ng paglilingkod. Tandaan ninyo, ang pagkukunwari, ang kapatata, , at pagiging mapagkumbaba ay hindi maaaring magsama. Kapag sinabing kapatata, ang ibig sabihin, ‘iba ang sinasabi mo sa ginagawa mo,’ kung ganoon ito’y isang pagkukunwari, pagbabalat-kayo, pagiging doble-kara, isang panloloko, at walang-katapatan. Kaya sa sandaling hindi ka na naging tapat, at ika’y palagi na lang nagsisinungaling, darating din ang araw na ika’y mawawala sa landas na tinatahak natin… Simple lamang ang buhay nang mga Vaishnava, saral, , dahil nasa puso nila ang kamala-sraddha, ang pagiging mahinahon, pagiging mabait at matulungin. Sa madaling-salita, dapat ganun din tayo, simple at tapat. Hindi Natin Dapat Ipinagwawalang-bahala
Page 2
Noo’y madalas sabihin sa akin ni Gurudev, ‚Huwag na huwag ninyo akong gagamitin. Sa halip, ‘Ako’ ang gagamit sa inyo.‛ Dapat ito ang palagi nating tatandaan. At kung halimbawang kayo’y nakakapaglingkod na sa Guru, Vaishnava, Bhagavan, ibig sabihin nakamit natin ang pinakamataas na biyaya, dahil ang pagkakataong ito ang pinakamataas na pagpapala. Kung ganoon, dapat ang bawa’t-kilos at galaw ninyo’y nasa tamang ayos. Bakit ano ba ang ibinigay sa inyo ni Gurudev? Ito ba’y pera? Maaari ba natin itong pagkakitaan? Ito ba’y lupain at iba pa.? Hindi po. Dahil lahat ng ito’y walang-halaga. Ang binigay po niya ay ang Banal na Pangalan, at ito po ang inilagay niya sa loob ng puso natin. Hindi ba’t ang sabi, dapat kapag inuusal natin ang Banal na Pangalan Siya ay napapasayaw natin sa bibig natin? Subalit papaano kung hindi? Kung hindi, dapat suriin nating maigi ang mga sarili natin kung ang bhajan ba nati’y tumataas o bumabagsak? Dapat lahat ng hindi natin kailangan, ang mga kutinata sa ating buhay, at maging ang asat-sanga, lahat ng masasamang-kaibigan ay tuluyan na nating nilalayuan. Dapat pawang mabubuting-tao na lang ang sinasamahan natin. Dahil kung hindi, sayang, walang mangyayari sa mga pinaggagawa natin, mababale-wala lamang ang lahat, hindi ba’t ang palaging sinasabi sa atin ay sadhu-sanga, Bhagavat-sanga, ang makihalubilo at sumama sa grupo nang mga deboto ng Panginoon. Bakit po? Dahil tanging ito lamang ang paraan, at wala nang iba pa, upang makalabas tayo sa ating kinasasadlakan. Tulad ng isang uling, kahit na ano pa ang iyong gawin, paliguan mo man ito ng galun-galon na gatas, ito’y ganun parin, uling parin. At kailanman hindi maaaring pumuti. Kaya dapat tumataas at hindi bumababa ang ating espirituwal na buhay. Kahit iisa lang ang deboto ni Krsna sa mundo, ito’y sapat na upang iligtas ang buong sankatauhan, ang buong sandaigdigan. At kung nais mo namang maging deboto ni Krsna, dapat palagi kayong nasa piling nang mga deboto… Dahil kailanman, hinding-hindi ka magiging totoong deboto ni Krsna kung malayo kayo sa kanilang piling. … Hindi Natin Dapat Ipinagwawalang-bahala
Page 3
Sa isang kabukiran, magkakasamang tumutubo ang damo at palay. Kung gusto mong maging malago at yumabong nang husto ang inyong pananim, dapat binubunot ninyo ang mga damo at ibang halamang humahalo dito. Ito’y tulad din ng iba’t-ibang materyal na hangarin, mga masasamang hangarin na nasa loob ng isipan natin, ang anya, abhilasa, , dapat ang lahat ng ito’y binubunot din natin, dahil kung hindi, bukas-makalawala maraming-marami na sila, naglalakihan na, malalago na. Kaya kung ang puso ninyo’y meron pang Vaishnava-aparadh, sadhuaparadh, Guru-aparadh, at iba pa. at hindi parin ninyo binubunot, lahat ng ito’y nanganganak, parami na nang parami, at ang mga namana ninyong mabubuting katangian sa Guru ninyo, sa mga Vaishnavas, at kay Bhagavan, ay unti-unti nilang natatabunan hanggang sa ito’y mawala na. Alam ba ninyo, maging ang mga magagaling at matataas na Vaishnavas, na talaga namang mababait at mabubuting-tao at bihasangbihasa talaga sa kaalaman ay bumabagsak din—dahil patuloy parin nilang kinikipkip sa puso nila ang masamang pag-iisip, at ito’y dahil lamang sa kanak, kamini, at pratistha. Akala nila, ‘alam na alam na nila ang lahat ng bagay.‛ Kaya dapat ganito parin ang pag-uugali natin, ‚Kahit na ang taong ito’y musmos pa ang kaisipan, siguro nama’y may dala din itong aral, na dapat kong matutunan,‛ ‚kahit ang isang baguhang brahmachari, na bagong-sali lang, maging siya’y may dalang aral din sa akin, na dapat kong matutunan.‛ ‚kulang parin ako nang mga kaalaman, marami pa akong dapat matutunan.‛ Subalit kung mananatili tayong hambog, mayabang at mapagmalaki, aham-buddhi, ahankar, at palagi nating sinasabing, ‚Alam ko na ‘yan,‛ ‚madali lang ‘yan… ako pa.‛ Hindi magtatagal mawawala ka sa gawain ng paglilingkod. Sa totoo lang, marami tayong dapat matututunan sa mga nakakaharap natin, matatalino man sila o kaya mangmang, basta ang mahalaga lahat sila’y iginagalang natin—lalu na sa mga taong nabinyagan na, kahit na sila’y mga baguhan pa. Ito ang tamang-asal para sa isang Vaishnava, ito ang tunay na Vaishnavaismo, at dapat ganito ang ginagawa natin.
Hindi Natin Dapat Ipinagwawalang-bahala
Page 4
At ang isa pa, ang sabi ni Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, walang-sinoman sa atin ang nakakaalam kung sino ang mga taong ito na nakakaharap at nakakausap natin, kaya dapat silang lahat ay iginagalang din natin.. Malay ninyo baka si Brahma na pala ang kausap natin, o kaya si Vishnu, si Shiva, o kaya si Narad Muni. Bakit, may kakayahan ba tayo para malaman kung sino sila? Wala po. Kung ganoon, dapat silang lahat, lahat ng tao ay iginagalang at nirerespeto natin. Ang totoo, wala naman talaga tayong kaaway sa loob ng mundong ito, kundi ang sarili natin, tayo din ang kalaban at kaibigan ng sarili natin, niji-i nijer bandhu, niji-i nijer satru, , . Kaya dapat ang lahat ng ito’y maayos nating nauunawaan, at palaging naaalala at inilalagay sa ating isipan. Dahil wala naman talagang ibang solusyon, kundi tanging ito lamang…
Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines U.P. Campus, Diliman, Quezon City E-mail add: scsmathphilippines@yahoo.com scsnamahatta@gmail.com Contact no. (+63)09498332414
Hindi Natin Dapat Ipinagwawalang-bahala
Page 5