13 Unang Hakbang Tungo Sa Pagsuko

Page 1

Nirmal Bhakti Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines Wednesday, January 18, 2017

Blg. 12, Isyu ng Unang taon

Unang Hakbang tungo sa Pagsuko Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupad Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Sa pamamagitan ng Skype Darshan sa mga debotong taga-Russia at Ukraine. Ginanap noong ika 19 ng Abril taung 2015

1


Tanong: Papaano po ba sinisimulan ang saranagati, ano po ba ang dapat muna naming gawin? Papaano po ba ang unang hakbang tungo sa saranagati? Sagot ni Srila Acharya Maharaj: Ang mga pasimulang hakbang sa saranagati ay ang mga sumusunod: ang pagiging mapagkumbaba, ang pagalis nang ating kayabangan at kahambugan, ng ating ego, at ang maging mapagtimpi. Ito ang mga pangunahing bagay, mahalaga din ang maging mapagpasensya. Marami ang matagal nang nabinyagan, subalit hanggang sa ngayo’y ganun pa din, walang pagbabago at sila’y unti-unting nawawalan ng pag-asa. Dapat manatiling mapagtiis at mapagtimpi parin kayo, , , , , dainya, daya, anye mana, pratistha varjana. Ang ibig sabihin ng dainyata ay pagiging mapagkumbaba. Samantalang ang salitang daya ay tumutukoy naman sa pagiging mabait at matulungin sa iba. Ang anye man naman ay sa pagbibigay-respeto at paggalang. At ang salitang pratistha varjan ay tumutukoy sa pratistha, sa pag-aalis nang anumang klaseng kahambugan at kayabangan, tulad ng pagkakaroon ng magandang pangalan, ang maging sikat at dakila. Ito ang saranagati, ang pangunahing yugto papunta sa saranagati. Tanong: Gurudev, may isang babaeng deboto ang gusto pong magtanong sa inyo… Likas na sa ating lipunan na ang lahat ay nauuwi sa pag-aasawa, ang katanungan po niya’y ganito, ang gusto po niya’y si Krsna ang kanyang mapangasawa? Kasi, ayun sa kanya, ayaw niya kung ito’y isang tao lang, dahil ayaw daw niya nang ‘buhay’ sa ating mundo… Sagot ni Srila Acharya Maharaj: Bakit hindi, kung si Krsna talaga ang palaging nasa kanyang isipan, tiyak na ito’y ikatutuwa ni Krsna at ang ipinapangarap mo’y magkakatotoo. Noong Dvapara-yuga, pinangarap ni Kubja na makasama kahit na isang gabi lang si Krsna, at ang pangarap na ito’y ipinagkaloob sa kanya ni Krsna, at noong dumating na ang Panahon ni Kali, ang Kubja na ito’y naging si Kasi Mishra at alam ba ninyo gaano katagal namalagi sa kanyang

2


bahay si Mahaprabhu, labing-walong taon. Kaya kung ang pangarap talaga ng debotong ito’y mapangasawa si Krsna, tiyak na ito’y ipagkakaloob din sa kanya ni Krsna. Alam ninyo sa totoo lang, hindi naman talaga kailangang mag-asawa pa. Dahil sa panahong ito ni Kali, kapag sinabing pag-aasawa ito’y tumutugon sa pakikipagtalik, subalit sa hangaring ‘mapangasawa’ si Krsna, ito’y walang-bahid ng pakikipagtalik, kundi dalisay at wagas na transedental na pagmamahal lamang sa ating Panginoon. Subalit para sa panahong ito, kapag sinabi nating gusto na nating mag-asawa, ito’y para sa personal na kasiyahan, na matikman ang sinasabing ‘sarap’, ang indriyatarpan. Upang tayo ay magpakaligaya, subalit alam naman natin na ang ‘kaligayahang’ ito’y pansamantala lamang, panandalian lamang. Kaya kung ang hanap talaga ninyo’y pag-ibig at kaligayahan, si Krsna ang inyong hanapin, dahil tiyak na magiging permanente ang hinahanap ninyong kasiyahan, at bakit hindi? Walang-dudang lahat tayo’y magiging maligaya kapag nasa piling ni Krsna.

3


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.