Nirmal Bhakti Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines – Sri Nama Hatta Center Isyu #3
2016
Ang Mapahalubilo at Mapasama sa Mabubutingtao – Sila ang Buhay nang mga Deboto Purihin si Sri Guru at si Sri Gauranga Turong-aral ng Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupad Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Sa mga debotong Russian Noong Ika-7 ng Agosto 2002
Ang Mapasama sa mga Mabubuting-tao
1
Ang makasama at makapiling ang mga mabubuting-tao ay mahalaga, sila ang kailangan natin habang nagsasanay tayo dahil alam nila kung papaano gawin ang kamalayan kay Krsna. Dahil sa sandaling sila’y ating makasama, tiyak na hahaba ang ating buhay. Tulad ng sinabi nang Chaitanya-charitamrta, কয় । হয় ॥ 'sadhu-sanga', 'sadhu-sanga'—sarva sastre kaya lava-matra sadhu sange sarva siddhi haya '
', '
'—
Paulit-ulit na sinasabi sa atin nang mga banal na aklat, ‚makihalubilo at makisama kayo sa mga mabubuting-tao, sila ang dapat ninyong samahan.‛ [Sri Chaitanya-charitamrta, 2.22.54] Dapat sila ang sinasamahan ninyo dahil pamamagitan nila maaari ninyong makamit ang perpeksyon ng buhay. Hindi ba’t kapag sinabing sa sandaling makasama natin at maging kaibigan natin ang mabubuting-tao, magiging madali ang pagsasanay natin sa kamulatan sa kamalayan kay Krsna. Isang araw, noo’y nagkwento si Srila Guru Maharaj tungkol sa isang pangyayari mula sa aklat na Srimad Bhagavatam. Bagama’t ang istoryang ito’y narinig na ninyo, ganun pa man, hayaan ninyong muli kong ikwento parin ito. Isang araw, isang rishi ang nanghihingi nang limos at ito’y nagbabahaybahay, minsan ito’y napadako sa isang bahay at isang ibon ang nakita niyang nasa hawla. (Tulad ngayon, noong mga panahong iyon, marami din ang nag-aalaga ng iba’t-ibang klaseng ibon, tulad ng martines na masarap turuan ng iba’t-ibang salita. May nagtuturo nang, ‚Hare Krsna!‛ o kaya, ‚Tuloy po kayo,‛ at iba pa. Tulad noong nakaraan, isang araw kasama ko ang isang debotong taga-Kanluran at kami’y nagbabahay-bahay. May isang bahay ang noo’y aming kinatok, at isang tinig ang agad kong narinig na sumagot at ganito ang sabi sa akin, ‚Tuloy po kayo, ‚ ‚Maupo po Ang Mapasama sa mga Mabubuting-tao
2
kayo!‛ Nagulat ako dahil wala naman akong nakikitang tao. Sabi ko, ‚sino kaya yun, wala naman akong nakikita?‛ At noong kami’y tumuloy na, isang ibon ang nakita ko, at nagsasalita, ‚May sadhu, may sadhu, may dumating na deboto, maghanda kayo, bigyan ninyo sila ng prasādam!‛ Aba’y, talagang nagulat ako. Biruin mo ibon lang pala ‘yun.] Ganun din ang nangyari sa isang rishi at isang ibon ang nagsabing, ‚Hoy, labas! Labas kayo! Bakit kayo nandito!‛ At ganun nga ang kanyang ginawa, agad din itong lumabas. Lumipat ito ng ibang bahay at ganun din, isang ibon din ang kanyang nakita sa hawla, parehong klaseng ibon, parehong martines, kaya lamang iba ang sabi ng ibon na ito, ‚Tuloy po kayo, maupo po kayo.‛ Na talaga namang magalang. At ang pangyayaring ito’y tinanong niya kay Narada [Muni], ‚Parehong ibon, pero magkaiba ang sinasabi, yung isa ang sabi, ‘Labas, labas kayo!’ samantalang yung isa, ang sabi, ‚Maupo po kayo!?‛ Ganito ang naging paliwanag ni Narada, ‚Alam mo, sa totoo lang, iisang bahay lang ang pinanggalingan nito, sa loob ng bahay na iyon ay mayroong dalawang magkapatid na lalake, ang isa ay mabuting-tao Ang Mapasama sa mga Mabubuting-tao
3
samantalang ang isa nama’y masama at pilyo. Ang mabuting ibon ay pinalaki nang mabuting kapatid samatalang ang masamang ibon ay inalagaan naman ng masamang kapatid.‛ Sa madaling-salita, kapag masasamang-tao ang nakasama ninyo, malamang magiging masama din kayo. Kahit na kayo’y isang mabuting tao, sa sandaling mapasama kayo sa masasamang-tao malamang dimagtatagal magiging masama din kayo. Kung kaya’t madalas na inuulitulit sa atin nang mga banal na aklat na dapat pawang mabubuting-tao lang ang sinasamahan natin, dapat sa kanila tayo nakikihalubilo. Sila ang kailangan natin habang nagsasanay tayo. At bukod dito, dapat lubusan din nating isinusuko ang sarili natin sa Panginoon at sa inyong Gurudev. Tulad noong iginawad sa atin ang ikalawang binyag, diksa-kale, bhakti kare atma-samarpan, ক ক , hindi ba’t ang naging pangako natin ay, ‚Pangako, lubusan ko pong ilalaan ang aking buhay, lubusan ko pong isusuko ang aking sarili sa inyo, aking Gurudev,‛ subalit ito’y hindi lamang ganito kadali. Ang totoo’y napakahirap talaga itong gawin. Marahil ay nadinig na din ninyo ang istoryang ito sa Mahabharata. Hindi ba’t may Pancha Pandava, limang magkakapatid na pawang lalake—at ito’y sina Yudhisthir, Bhima, Arjun, Nakul, at Sahadev, at lahat sila, iisang babae lang ang napangasawa, at ito’y si Draupadi. Isang araw, tinanong ni Draupadi si Krsna, ‚Bakit noong ako’y kinakaladkad nang grupo ni Duryodhana palabas sa aking bahay at ako’y hila-hila niya sa aking buhok at walang-tigil nilang sinasaktan, bakit hindi po Kayo kumilos upang ako’y tulungan?‛ Nakangiting sinagot siya ni Krsna, ‚Bakit, Draupadi, naalala mo ba Ako noong ika’y kanilang kinakaladkad at sinasaktan? Hindi ba’t, hindi!‛ Hindi ba’t ganito pa nga ang nasa isip mo, ‚Sana nandito ang mga asawa ko, Ang Mapasama sa mga Mabubuting-tao
4
dahil tiyak na hindi nila ako pababayaan.‛ Subalit ganun pa man, wala pa rin tumulong. Hindi ba’t ang sabi mo, ‚Kung nandito lang ang mga asawa ko.‛ At noong ika’y sinasaktan na ni Duryodhana, at ikaw ay nasa harapan pa mismo nang iyong mga asawa, may nagawa ba sila? At noong hinuhubaran ka na ni Duryodhana, may nagawa ba sila? Ano ba ang nasa isipan mo noong panahong iyon? Hindi ba’t ganito, ‚Kaya ko ‘to, kaya ko!‛ Hindi ba’t nakiusap at inawat mo sila? Nuong mga sandaling iyon, tanungin kita, Ako ba’y iyong naalala? Ako ba’y tinawag mo para tulungan ka? Hindi ba’t noong hindi mo na kaya, doon mo pa lang Ako naalala? Hindi ba’t doon mo pa lang tinawag ang Aking pangalan, ‚Krsna. Krsna, tulungan Mo ako.‛ Ako ba’y nagpatumpik-tumpik pa o agad-agad na tumugon at sinaklolohan ka? Meron ba Akong ginawa o wala? Hindi mo ba napansin na noong ika’y kanila nang hinuhubaran, hindi ba’t kahit anong gawin nila’y hindi matapos-tapos at hindi maubus-ubos ang damit na nakabalot sa katawan mo? Kung ganoon, sino sa palagay mo ang may gawa nito? Hindi ba’t Ako? Ito’y isang pagpapatotoo na kapag sinabi ni Krsna, na, ‚Kapag isinuko mo nang lubusan ang iyong sarili sa Akin, walang-alinlangang tutulungan Kita.‛ Subalit kung ang pagsuko at pagpapailalim ninyo ay 50% lamang, ibig sabihin 50% lang ang makukuha mo, at kung ito’y 25%, ibig sabihin, 25% lang ng tulong ang makukuha mo. At kung ito’y 100%, 100% din. Kung ganoon, alin ang masmainam sa kanila, hindi ba’t ang lubusan?...
Ang Mapasama sa mga Mabubuting-tao
5