Nirmal Bhakti Enero 4, 2017
Isyu blg. 8, ng Unang taon
Alam Ko na ‘Yan, Narinig Ko na ‘Yan! Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupad Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Sri Nabadwip Dham. Ika 28 ng Pebrero, 2012
Ang unang naging tagapangulo ng Devananda Gaudiya Math sa Nabadwip ay walang iba kundi si Srila Sridhar Dev-Goswami Maharaj, at noong mga panahong iyon tuwing magtuturo si Srila Sridhar Maharaj bihira ang dumadalo upang makinig sa kanya. Lahat sila’y nandoon sa silid-akalatan at nagbabasa ng libro. Ilan sa mga brahmachari ang nagsasabing, ‚Bakit pa ako pupunta upang makinig sa kanya, e dati ko
1
nang nadinig ang sasabihin niya. Hindi ba’t araw-araw ganun din ang palaging sinasabi nila at ito’y paulit-ulit lang? Lahat silang sannyasi palaging ganun ang sinasabi—‚Ika’y atma at hindi ang katawang ito. Alam ko na ‘yan. Dati ko nang nadinig ‘yan. Kaya bakit pa ako pupunta kung ganun parin at paikut-ikot lang ang kanyang sinasabi?‛ Alam ninyo, ito ang palagi kong ibinibigay na halimbawa. Hindi ba’t ang sabi ni Gurudev, ‚kailanma’y hindi ka makakapag-ipon ng tubig kapag ang baso mo’y punu nang butas. Dapat wala itong butas.‛ Katulad din ng istoryang ito. Isang araw may isang mataas at magaling na sadhu ang makikitang palaging nasa isang sulok at palaging nagba-bhajan. Isang ginoo ang nagpunta sa kanya. Kaya lamang may kayabangan ang nasabing lalake, ‚Ganun din pala ang sinasabi nang sadhu na ito, walang bago at puro paulit-ulit lang. Matagal ko nang alam ang kanyang sinasabi. Ano kaya kung subukan ko kung talagang magaling siya!‛ At nagpunta nga ang nasabing ginoo sa sadhu, at ito’y nag-amerkana pa, kurbata, at talagang naka-pamporma. Naupo ito sa isang silya malapit sa nasabing sadhu at nagtanong, ‚Sadhu,‛ sabi ng ginoo. ‚Narinig ko magaling ka daw at matalino. May mataas na kaalaman at kamulatan. Kung ganoon, maaari po bang ako’y inyong turuan nang inyong nalalaman?‛ Subalit sa pangungusap pa lamang ng kaharap ay agad nang nahalata ng sadhu na ang interes nito’y makipag-diskusyon at hindi upang sumuko, at siya’y gusto lamang subukan. Subalit matapos ipahayag ang gusto ng ginoong nagpunta sa kanya, nanatiling walang– imik parin ang sadhu. (Tad viddhi pranipatena, pariprasnena sevaya, . Hindi ba’t ang sabi tatlong bagay ang kailangang gawin natin dahil ang mga ito’y napakahalaga, una ang sumuko o pumailalim, ang maging tapat sa mga pagtatanong, at ang makapaglingkod. Dahil ito ang tamang paraan papaano dumulog sa Guru. Alam ba ninyo kung ano ang ginawa ng sadhu? Naglabas ito ng isang baso na puno ng tubig at pitsel na puno din ng tubig. At habang kaharap ang lalakeng kausap ibinuhos nito ang tubig na nasa pitsel sa baso na puno din ng tubig at ito’y umapaw. Nagulat ang lalake sa ginawa ng sadhu.
2
‚Sadhu,‛ sabat ng ginoo. ‚Apaw na po ang tubig sa baso po ninyo pero sige parin ang buhos ninyo?! Akala ko pa naman matalino kayo pero bakit ganito ang ginawa ninyo.‛ Sinagot siya ng sadhu, ‚Alam mo, baba, ika’y tulad din ng basong ito, punung-puno na din ng karunungan at iba’t-ibang kaalaman, hindi ko alam kung ano ang iyong dahilan at ika’y naparito pa? Kulang pa ba ang iyong kaalaman? Halimbawang turuan kita, pero sa dami nang iyong kaalaman saan kaya sa palagay mo ito isasaksak?‛ Ito’y tulad din sa mga nagyayabang, ‚Ah, alam ko na’yan, narinig ko na ‘yan! Ibig sabihin, sa sobrang kayabangan ayaw na nilang makinig. Kaya kung pupunta kayo sa inyong Guru at ganito ang isasagot ninyo, ‚Alam ko na ‘yan,‛ ibig sabihin ayaw ninyong magpaturo sa Guru ninyo. Dapat maging mapagkumbaba kayo.
Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines U.P. Campus, Diliman, Quezon City E-mail add: scsmathphilippines@yahoo.com scsnamahatta@gmail.com Contact no. (+63)09498332414
3