Ang Kaisipang - Ako at ito ay akin

Page 1

Mga turong-aral ni Śrī Guru at ni Śrī Gaurāíga

Śrī Chaitanya Sāraswat Maéh Philippines U.P. Campus, Diliman, Quezon City Martes, Ika-12 ng Setyembre 2017


Mabuhay si Śrī Guru at si Śrī Gaurāíga Purihin ang Kanilang Kadakilaan

Ang mga Katagang “Ako” at “Akin” Ni Śrīla Sachchidānanda Bhakti Vinod ëhākur Sa sanaysay na ito, ipinaliwanag ni Śrīla Bhakti Vinod Ṭhākur ang paraan kung papaano maging malaya sa huling pagkakasala, tungkol sa usapin ng pagbigkas nang Banal na Pangalan. Ang mga sumusunod ay maikling sipi mula sa aklat na Śrī Hari-nāmachintāmaṇi (13.22–37). Ito’y tumutugon sa katanungang, ‘ano ang mangyayari sa mga taong bagama’t paulit-ulit na bumibigkas nang Pangalan ng Panginoon ay hindi parin sumusuko at nagpapailalim sa Kanya. śaraṇāpatti vyatīta nāmāśraye yāhā haya: ṣaḍ-vidha śaraṇāgati nāhika yāhāra se adhama ahaṁ-mama-buddhi-doṣe chhāra [22] Pagsasalin-wika ‚Hangga’t ang isang nalaglag na kaluluwa [sa materyal na mundo] ay hindi sumusuko, hindi nagpapailalim at sumusunod sa ‘anim na pamamaraan ng pagsuko’, ang pagkatao nito’y patuloy na sumasadsad at bumababa, dahil sa kaisipang, ‚Ako‛ at ‚ito’y akin.‛ se bale āmi ta kartā saṁsāra āmāra nija-karma phala-bhoga sukha duḥkha āra [23] Pagsasalin-wika ‚Akala nang mga kaluluwang ito, sila ang dahilan nang lahat ng nangyayari sa kanilang buhay, at ang tinuturing nilang pamilya ay kanilang pamilya. At dahil ganito ang lagay ng kanilang kaisipan, kung anu-anong klaseng damdamin ang kanilang naranasan, minsan masaya, at pagkaminsan nama’y malungkot.

Ang Kaisipang, “Ako” at “Ito’y akin”

2


āmāra rakṣaka āmi, āmi ta pālaka āmāra vanitā bhrātā bālikā bālaka [24] Pagsasalin-wika ‚Ako na ang bahala sa buhay ko,‛ ganito ang palaging maririnig mo sa kanila. ‚Kaya ko itong pangalagaan. Ako na rin ang bahala sa pamilya ko, sa mga kapatid ko, sa asawa at mga anak ko.‛ āmi ta arjana kari āmāra cheṣṭāya sarva kārya siddha haya sarva śobhā pāya [25] Pagsasalin-wika ‚At ang sabi pa nila, ‘dahil sa sariling pagsisikap, sipag at tiyaga, gumanda at naging matagumpay ang buhay ko.’‛ ahaṁ-mama-buddhi-krame bahirmukha jana nija jñāna bale bahu karaye mānana [26] Pagsasalin-wika ‚At dahil sa kaisipang, ‚ako‛ at ‚ito’y akin‛, na dahil daw sa kanilang husay at katalinuhan, ang damdamin at kalooban nang mga kaluluwang ito ay patuloy na lumayo sa Panginoon. sei jñāna bale śilpa vijñāna vistāre īśvarera īśitā nā māne duṣṭāchāre [27] Pagsasalin-wika At ang sabi pa nila, ‘dahil daw sa kanilang husay at katalinuhan’, kung anu-anong sining at iba’t-ibang klaseng antas ng kaalaman ang kanilang natuklasan. At dahil sa pagkakasalang ito, patuloy nilang itinatanggi at ayaw kilalanin ang kapangyarihan ng Panginoon. Komentaryo: Kadalasan, ganito ang takbo ng pag-iisip nang mga kaluluwang lapastangan [sa Panginoon], ‚Dahil sa husay at galing namin, natuklasan namin ang mga bagong kaalaman, ang sining at iba’t-ibang agham, at ang lahat ng ito’y nagdulot sa amin nang matinding kasiyahan .‛ Ang Kaisipang, “Ako” at “Ito’y akin”

3


Dahil sa ganitong kaisipan, lubusan na nilang nakalimutan, na ang lahat ng ito, kaya nangyayari ay dahil sa kagustuhan ni Kṛṣṇa. śrī-nāma-māhātmya śuni viśvāsa nā kare loka-vyavahāre kabhu kṛṣṇa-nāmochchāre [28] Pagsasalin-wika ‚Marami na sa kanila ang nakadinig sa mga kadakilaan at kaluwalhatian ng Pangalan, subalit nananatiling walang pananalig parin, ang iba nama’y maririnig mong paulit-ulit nilang binibigkas ang pangalan ni Kṛṣṇa, subalit ito’y udyok lamang ng kinagisnang kaugalian. kṛṣṇa-nāma kare tabu nāhi pāya prīti dharma-dhvajī śaṭha-jana jīvane e rīti [29] Pagsasalin-wika ‚Bagama’t paulit-ulit nilang binibigkas at inuusal ang Pangalan ni Kṛṣṇa, ganunpaman, ngunit kahit katiting wala silang pagmamahal sa Kanya. Ganito ang buhay ng mga bulaan, nang mga mapagkunwari at animo ay totoong relihiyosong tao. helāya uchchāre nāma kichhu puṇya haya prīti-phala nāhi phale sarva śāstre kaya [30] Pagsasalin-wika ‚Ayon naging pahayag nang mga banal na kasulatan, bagama’t paulit-ulit ninyong binibigkas ang Kanyang Pangalan, papaano kung ito nama’y wala naman talagang halaga sa inyong isipan at damdamin, kung ganoon, ang resulta nito’y mabuting kapalaran lamang, at hindi ang pag-ibig [sa Kanya] kailanman. ihāra mūla ki ?: Bakit naman, sa anong dahilan? māyā-baddha haite ei aparādha haya ihāte niṣkṛti-lābha kaṭhina niśchaya [31] Ang Kaisipang, “Ako” at “Ito’y akin”

4


Pagsasalin-wika Ang ganitong klaseng pagkakasala ay bunga ng pagkakagapos sa atin ng ilusyon. Kaya walang-alinlangang sadya talagang napakahirap ang makawala sa kanya. ei doṣa tyāgera upāya: Ang paraan kung papaano makakawala sa ganitong pagkakasala śuddha-bhakti-phale yāra virakti ha-ila saṁsāra chhāḍiyā sei nāmāśraya nila [32] niṣkiñchana-bhāve bhaje śrī-kṛṣṇa-charaṇa viṣaya chhāḍiyā kare nāma-saṅkīrtana [33] sei sādhu-jane anveṣiyā tāra saṅga karibe sevibe chhāḍi viṣaya-taraṅga [34] Pagsasalin-wika ‚Lumapit kayo sa sadhu, siya ang hanapin ninyo, dahil di-maikakailang ganun din ang kanyang ginawa noon, at ang ginawa niya’y nagbunga ng debosyon, at habang tinatalikuran ang materyal na buhay, siya’y sumilong sa [Kanyang] Pangalan. Bilang isang kaluluwang isinusuko na ang sarili sa Panginoon, pinagsilbihan niya ang paanan ni Śrī Kṛṣṇa, at habang inilalayo ang kanyang sarili sa usapin ng materyal na mundo, walang-sawa niyang paulit-ulit na inuusal ang Kanyang Pangalan. Kung ganoon, sa kanya kayo lumapit, siya ang dapat ninyong samahan, at dapat, siya’y inyong pinagsisilbihan, habang inilalayo din ninyo ang inyong sarili sa usapin ng materyal na mundo. krame krame nāme mati ha-ibe sañchāra ahaṁtā-mamatā yābe māyā habe pāra [35] Pagsasalin-wika ‚Hindi magtatagal, ang isipan ninyo’y mapapaloob sa Pangalan, at ang kaisipang, ‚ako‛ at ‚akin‛ ay tuluyan nang lalayo sa inyo, at ang ilusyong ito ay tiyak na matatawid na ninyo. Ang Kaisipang, “Ako” at “Ito’y akin”

5


nāmera māhātmya śuni ahaṁ-mama-bhāva chhāḍiyā śaraṇāgati bhaktera svabhāva [36] Pagsasalin-wika ‚Likas na sa mga deboto, na tuwing maririnig nila ang mga katangian at kadakilaan ng Pangalan, agad na nilang binibitiwan ang kaisipang, ‚ako‛ at ‚ito’y akin‛ at sila’y agad na sumusuko at nagpapailalim sa Panginoon. nāmera śaraṇāgata yei mahājana kṛṣṇa-nāma kare pāya prema-mahādhana [37] Pagsasalin-wika ‚Dakila ang isang kaluluwa na nagpapailalim at sumusuko sa Pangalan ni Śrī Kṛṣṇa, dahil paulit-ulit nilang binibigkas at inuusal ang Pangalan, kaya walang-alinlangang makakamit din nila ang banal na pag-ibig, na siyang pinakamataas sa lahat ng yaman. Paalala: Ang mga pahayag at komentaryo dito ay bahagi ng mga nasusulat sa Śrī Hari-nāma-chintāmaṇi, na sinulat mismo ni Śrīla Bhakti Vinod Ṭhākur.

Ang Kaisipang, “Ako” at “Ito’y akin”

6


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.