Alamin ang Katotohanan

Page 1

September 17, 2017

Alamin ang Katotohanan

Mula sa turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupad Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Sri Nabadwip Dham, noong Ika 27 ng Pebrero 2015

Alamin ang Katotohanan

1


September 17, 2017

Naririto tayong lahat dahil sa habag at pagpapala ni Gurudev. Hangga’t hindi mo nakakamit ang pagpapala at habag ni Gurudev kahit isang hakbang hindi ka makakakilos, hindi ka makakausad. " , yogyata vichare kichhu nahi pai: magmula nang suriin ko ang aking sarili, napansin ko, kahit ano’y wala pala talaga akong maipagmamalaki.‛ Alam ninyo ang totoo, wala talaga tayong katangian, kahit anumang kakayahan, subalit dahil sa habag at pagpapala ni Gurudev at ni Srila Guru Maharaj, maaari nating makamit ang lahat ng bagay. Hindi ba’t ganun din ang sinabi ni Gurudev, ‚ang totoo’y wala talaga akong alam. Ni hindi ko nga alam kung ano ang maaaring mangyari sa akin, subalit dahil sa aking Guru Maharaj ako’y kanyang sinagip mula sa mala-impiyernong kalagayan.‛ Lahat tayo ay pawang mga kaluluwang nalagay sa materyal na kundisyon, subalit alam ba ninyo, lahat tayo kayang iligtas ni Gurudev sa ganitong klaseng kalagayan at upang maging makatuwang din niya sa paglilingkod sa Panginoon. Walang-dudang lahat tayo ay palagi na lang nagkakasala, at halos hindi na mabilang ang nagawang kasalanan, tulad ng Vaishnava-aparadh, sevaaparadh, at iba pa., alam ba ninyo, tanging ang ating Gurudev at Vaishnava-varga lamang ang makakapawi nang lahat ng ito sa ating puso. Hangga’t patuloy tayong nagkakasala, kailanma’y hindi tayo makakausad sa ating espirituwal na buhay, dahil patuloy tayong hihilain pababa ng ating mga pagkakasala, at ang pagkakasalang ito ang pipigil sa atin upang hindi natin magawa ang tama at maayos na pagseserbisyo. Ang totoo, walang sinoman sa atin ang talagang nakakaalam kung ano ang paglilingkod at kung ano ang karma, kung ano ang kaibahan ng paglilingkod sa tungkulin. Bakit po, dahil minsan ginagawa natin ang mga bagay na hindi naman pala kanais-nais para sa ating Guru, at ayaw din Alamin ang Katotohanan

2


September 17, 2017

nang mga Vaishnavas. Bakit po? Dahil nagmula po lamang ito sa udyok ng ating isipan. ঐ aichhana amara mana phire yena andha jana supatha vipatha nahi jane

‚Tulad ng isang bulag, kung saan-saan napapadpad ang aking isipan, Hindi alam kung saan tutungo, ako ba’y didiretso, kakanan o kakaliwa.‛ ‘Thakura Vaishnava-gana’ Mula sa panulat ni Srila Narottama Das Thakur Hindi alam ng ating isipan kung saan tayo dapat magpunta, alin ang tama at kung alin ang mali, kaya nga ito ang dahilan kung bakit kailangan natin ang tulong ng mga dakilang Vaishnavas—nang ating Guru-varga, ng ating Gurudev. Ang payo nila ang kailangan natin, subalit dapat ito’y sinusunod din natin, upang makatiyak tayo sa ating patutunguhan, upang matiwasay nating naipagpapatuloy ang ating espirituwal na buhay. Kung ganoon, dapat ang paraan nila ang sinusunod natin. Napakahalagang tulong nito sa atin. Kaya lamang ang problema, masyado tayong mayabang at masyadong hambog, masyadong mataas ang ego natin. Tignan ninyo ang araw, hindi ba’t ang liwanag nito’y walang-sawa niyang ibinibigay, subalit papaano natin masisilayan ang kanyang liwanag kung may dinding na nakaharang? Tulad ng Gurudev natin, ni Gurupad-padma, at nang mga Vaishnavas, ang biyaya at pagpapala nila’y patuloy nilang ipinagkakaloob sa atin, subalit ito’y hindi natin namamalayan, hindi natin naaaninag, hindi natin napapansin, bakit po? Ito po ay dahil sa ating ego, dahil palagi na lang itong nakaharang at nakabalandra sa atin. Kaya tuloy, akala natin, malawak na talaga ang ating kaalaman, marami na tayong alam, lahat ay Alamin ang Katotohanan

3


September 17, 2017

tangan-tangan na natin. Masyado na tayong naging mayabang na akala mo ay mataas at makapangyarihan at alam na ang lahat ng bagay, ‘yun ang ating akala, subalit ang totoo’y wala, wala tayong alam, wala tayong maipagmamalaki. At ito ang dapat nating tatandaan. Hindi ba’t ang bilin sa atin ni Gurudev dapat maging magalang, mapagtimpi, mapagtiis, at mapagkumbaba tayo?… Ang tanong, ito ba’y nasusunod natin?

Ang Nirmal-Bhakti – Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon ay mula sa mga turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupad Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj na isinalin sa wikang Filipino at inilabas bilang Lingguhang Pahayagan ng Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines Sri Nama-Hatta Center Contact: (+63)09498332414

Alamin ang Katotohanan

4


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.