Inihayag na Katotohanan
Daśa-Mūla-Tattva Ang Sampung Pangunahing Prinsipyo āmnāyaḥ prāha tattvaṁ harim iha paramaṁ sarva-śaktim rasābdhiṁ tad-bhinnāṁsāṁś cha jīvān prakṛti-kavalitān tad-vimuktāṁś cha bhāvāt bhedābheda-prakāśaṁ sakalam api hareḥ sādhanaṁ śuddha-bhaktiṁ sādhyaṁ tat-prītim evety upadiśati janān gaurachandraḥ svayaṁ saḥ (Daśa-mūla-tattva-niryāsa) iha–sa loob ng mundong ito; āmnāyaḥ–may mga kaalaman na maaari lamang nating matutunan sa pamamagitan ng Guru-paramparā; prāha–ayon dito;tattvam– ang katotohanan; harim paramam–sa lahat si Śrī Hari ang pinakamataas; sarvaśaktim–dahil tangan Niya ang lahat ng kapangyarihan; rasābdhim–isa Siyang karagatan ng rasa. jīvān cha–At ang isa pa, ang mga kaluluwa; tad bhinnāṁśān– ay pawang mga bahaging nakahiwalay sa Kanya. prakṛti-kavalitān–At kung hindi man natatakpan ni māyā; tad vimuktān cha–ang iba‟y malaya sa impluwensya ni māyā; bhāvāt–dahil ito‟y ginusto nila. sakalam api–Ganunpaman, noong nilikha itong materyal at espirituwal na mundo, silang lahat ay naging bahagi nito; bhedābheda-prakaśam–magkakatulad at magkakaiba noong nilikha; hareḥ– ni Śrī Hari. śuddha-bhaktim–Dalisay at malinis na debosyon; sādhanam–ang pamamaraan, upang; tat prītim–makamit natin ang pag-ibig para kay Śrī Hari; eva sādhyam–tanging ito lamang ang paraan. iti–Siya; saḥ–si; gaurachandraḥ–si Śrī Chaitanya Mahāprabhu; svayam–mismo; upadiśati–ang nagturo nito; janān–sa mga kaluluwa. Pagsasalin “Ayon mismo sa mga turong-aral ni Śrī Gaurachandra (1) sa pamamagitan nang mga inihayag na kaalaman, pinatotohanan nito kung ano ang Katotohanan: (2) na, sa lahat, si Hari ang pinakamataas, (3) dahil tangan Niya ang lahat ng kapangyarihan, (4) Siya ay isang karagatan ng rasa, (5) ang mga kaluluwa‟y Dasa Mula Tattva
1
Inihayag na Katotohanan Kanyang bahagi lamang, (6) nasa ilalim man sila nang materyal na kapangyarihan, (7) o naging malaya sa materyal na kapangyarihan dahil sa kanilang debosyon, (8) ganunpaman, silang lahat, malaya man o hindi, ay pawang iisa at naiiba kay Hari, (9) at sa pamamagitan ng dalisay at malinis na debosyon, na siyang gamit nating paraan (10) ang pag-ibig kay Hari ang nais nating puntahan.” Ang sabi ni Śrīla Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswāmī Mahārāj: “Sa talatang ito pa lamang, lubusan nang isiniwalat ni Śrīla Bhakti Vinod Ṭhākur ang lahat ng bagay, kung ano ang layon at pakay nitong Daśa-mūla-tattva. Dito, itinuro niya sa atin ang buong konsepto ng paniniwala ni Mahāprabhu Śrī Chaitanyadev at kung ano ang kamalayan kay Kṛṣṇa. Kaya kapag isinaulo ninyo ang talatang ito, walang-alinlangang lahat ay inyong matututunan: ang buong konsepto ng paniniwala ni Śrī Chaitanya Mahāprabhu, ni Śrīla Bhakti Siddhānta Saraswatī Ṭhākur, ni Śrīla Guru Mahārāj, Śrīla Bhakti Rakṣak Śrīdhar DevGoswāmī Mahārāj, at nitong Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh. Dahil nasa sa loob nitong talatang ito ang kabuuan nang lahat ng kaalaman, lahat ng inihayag na karunungan (āmnāya). “Subalit kailanman, huwag na huwag ninyong tatangkaing unawain o pagaralan ang talatang ito ng mag-isa. Dapat magpaturo kayo sa mga bihasa at eksperto. Hindi ba‟t ganito din ang naging payo sa atin nang lahat ng banal na aklat. „Magpaturo kayo sa mga bihasa at eksperto.‟ Kung ganoon, dapat sa mga eksperto kayo magpaturo, dahil alam nila kung ano ito. Dapat lahat nang sinasabi niya ay lubusan ninyong pinaniniwalaan, dahil sa kanya lamang natin ito mauunawaan.”
Dasa Mula Tattva
2