Ang Dalisay na Pangalan

Page 1

Mga Banal na Aral ni Śrī Guru at ni Śrī Gaurāíga Śrī Chaitanya Sāraswat Matè Philippines

Mabuhay si Śri Guru at si Śri Gaurāíga Purihin ang Kanilang Kadakilaan!

Ang Dalisay at Malinis na Pangalan Ang sanaysay na ito ay hango sa Śrī Gauàīya Darśhan na isinalin sa wikang Filipino. Ito’y serye ng sagot sa katanungan nang mga deboto kay Śrīla Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswāmī Mahārāj tungkol sa Śrī Hari-nām.

Kahit sino, kahit hindi pa nabibigyan ng dīkṣā ay maaaring maging dalisay at malinis ang pagbigkas ng Hari-nām, na ang ibig sabihin wala itong bahid ng

kahit anumang pagkakamali o kasalanan. Dahil sa sandaling ito’y marumihan ng ating pagkakasala, hindi na ito tunay at totoong Hari-nām. Kung Ang Dalisay na Pangalan

1


ganoon, papaano natin malalaman kung ang pagbigkas nga natin nito’y walangbahid ng kahit anomang pagkakamali o kasalanan? ādau śraddhā tataḥ sādhu-saṅgo (Cc, Madhya 23.14) Mahalaga sa umpisa ang pagkakaroon natin ng śraddhā, at pagkatapos, ng sādhu-saṅga. Kapag ang Hari-nām na ito’y bigay sa inyo nang isang sādhu, ibig sabihin ito’y tunay at totoong binhi. At kapag binibigkas natin ang binhi ng Harinām, dapat wala itong bahid ng kahit anumang kasalanan. Ito’y upang pagpalain tayo ni Hari-nām at maipadama Niya sa atin ang resulta ng totoong pagbigkas nang Kanyang banal na Pangalan. Hindi na natin kailangan ng Dīkṣā, nang binyag sa gāyatrī, hindi na din natin kailangan ang anumang puraścharyā, mga ritwal upang mapatawad tayo sa ating kasalanan, at maging nang anupamang bagay. Ang mahalaga ay kung papaano natin mabibigkas nang malinis at dalisay ang Hari-nām, sa piling ng mga deboto, sa sādhu-saṅga. eka-bāra kṛṣṇa-nāme yata pāpa hare pātakīra sādhya nāhi tata pāpa kare ‚Kahit minsan lamang ninyong nabigkas ang Kṛṣṇa-nām, ang mga kasalanan ninyo’y agad nang maglalaho. Deboto: Noo’y nagbigay nang isang halimbawa si Śrīla Sanātan Goswāmī, ayon sa kanya, sa pamamagitan ng isang bato-balani, kahit na pinakamababang metal kaya nitong gawing ginto. Tama po ba, na, sa nasabing halimbawa, ang tinutukoy po dito na ‘pinakamababang-klaseng bakal’ ay itong ating pāpamaya? Śrīla Govinda Mahārāj: Ah, oo. Ang pāpamaya, ay masamang gawain, hindi banal. Deboto: Papaano po naging isang mabuting tao ang isang makasalanan kung ito’y nakukuha sa pag-usal lamang ng Hari-nām. Hindi po ba ang sabi ninyo, mabibigkas lamang namin ang Hari-nām, ang Śuddha-nām, ang dalisay at malinis na Pangalan kapag wala na kaming pagkakamali at kasalanan? Ang Dalisay na Pangalan

2


Śrīla Govinda Mahārāj: Alam mo, kapag paulit-ulit mong inuusal ang Hari-nām nang walang bahid ng kahit anumang pagkakamali at kasalanan, tinataboy nito ang lahat ng nagawa ninyong kasalanan. Devotee: Papaano nga po kung ang isang tao ay labis talaga ang pāpamaya, labis na makasalanan, paano nila mabibigkas ang Hari-nām nang walang bahid ng anumang pagkakamali at kasalanan? Śrīla Govinda Mahārāj: Tama ka. Hangga’t makasalanan ang isang tao, hindi nito mabibigkas ang Śuddha-nām. Ito ang una nating tatandaan. Pangalawa, kailanma’y hindi din kayang abutin ng ating damdamin at isipan ang Hari-nām, dahil ang damdamin nati’y materyal. Deboto: Ang sabi po kasi ni Sanātan Goswāmī, kahit na labis na makasalanan ang isang tao, ito’y kayang gawing dalisay at malinis na Vaiṣṇava ng Hari-nām. Kung ganoon, papaano po mabibigkas nang isang taong makasalanan ang Hari-nām kung siya’y meron pang aparādh, may bahid pa ng kasalanan? Śrīla Govinda Mahārāj: Una sa lahat, dapat ang Hari-nām na ito’y bigay sa atin ng isang sādhu. Siya din ang magsasabi sa atin nang paraan kung papaano binibigkas ang Hari-nām. Dapat, sinusunod din ninyo ang mga sinasabi niyang alituntunin at pamantayan. Tulad halimbawa ng sampung klase ng pagkakasala sa pagbikas ng Hari-nām, nang Nāmāparādh. ‚Iwasan mo ito. Dapat ganito, dapat ganyan.‛ Ganito ang paraan ng pagbigkas ng Hari-nām. Ganoon. Ganyan. Adau śraddhā: Dapat śraddhā muna, pananalig. ‚Nananalig tayo na sa pamamagitan ng Hari-nām, lahat ay ating makakamit.‛ Ang tawag sa ganitong paniniwala ay śraddhā. Sa sandaling meron ka nang śraddhā, dapat kasunod nito’y sādhu-saṅga. Ang makinig at sumunod sa mga payo at tagubilin ng isang sādhu tungkol sa Harinām. Ito’y upang tuluy-tuloy nang nakakapasok sa inyo ang Hari-nām. Alam ninyo, kailanma’y hindi kayang bigkasin ng materyal nating dila ang dalisay at purong Harinām. Subalit sa sandaling makapasok sa loob ninyo itong Hari-nām, ang isip at damdamin ninyo’y magiging transedental. Ang bibig ninyo’y magiging transedental at malaya na rin ninyong mabibigkas ang Hari-nām.

Ang Dalisay na Pangalan

3


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.