Ang Ipanganak at Mamatay sa Pamilyang Kinagisnan

Page 1

Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Dalisay at Wagas na Debosyon Agosto 4, 2017 Mabuhay si Śrī Guru at si Śrī Gauråíga

Ang Ipanganak at Mamatay sa Pamilyang Kinagisnan Turong-aral nang Kanyang Banal na PagpapalaOm Viṣṇupād Śrīla Bhakti Nirmal Āchārya Mahārāj

Tanong: Kanina lamang po ay kausap ko ang mga kapatid ko at ang sabi malubha na po daw ang lagay ng aking lola, at malapit nang mamatay, samantalang ang tatay ko naman po ay na stroke at paralisado na ang kalahating katawan… Gusto po nilang bumalik na po daw ako dahil baka hindi ko na sila abutan na buhay pa. Śrīla Āchārya Mahārāj: Nasa iyo ang pagpapasya. Kung anoman ang gusto mo bahala ka. Alam mo sa totoo lang, ang lahat ng ito’y nasa iyong mga kamay. Lahat tayo ay may kanya-kanyang kamulatan, at hindi pare-pareho nang takbo ng isipan. Hindi ba’t ang sabi, ang tunay na kamag-anak ay, ‚Kù£òa mata, Kù£òa pita, Kù£òa dhana-pråò. Si Kù£òa ang nanay ko, Siya din ang tatay ko, at Siya din ang buhay at kaluluwa ko.” Ibig sabihin, tanging si Kù£òa lamang talaga ang tunay na kamag-anak natin. Alam ba ninyo noong mamatay ang nanay ko, siguro halos isang buwan ang nakaraan bago ko ito malaman, alam ba ninyo kung bakit? Ito po ay dahil talagang hindi ko na sila kinontak pa, kahit sino sa mga kamag-anakan ko. Dahil ito ang naging pasya ko. Naaalala ko, noo ng ako’y brahmachåri pa lamang,sa loob ng labinlimang taon, ni isa man sa mga kamag-anak ko, wala akong pinagsabihan kung nasasaan ako, kung saan ako nakatira. Nalaman na lang nila noong ako’y nag-sannyås na. Kaya lamang, tulad ng sinabi ko, lahat tayo’y hindi magkakatulad. Pero Ang Ipanganak at Mamatay sa Pamilyang Kinagisnan

1


Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Dalisay at Wagas na Debosyon ako, matibay ang paniniwala ko sa Guru ko, matibay din ang pananalig ko sa aking Panginoon. Ewan ko, ayoko sanang sabihin ito, ang tanong ko lang, papaano halimbawa, namatay ang isa sa mga kamag-anakan mo, ano ang gagawin mo? Tanungin mo ang sarili mo, halibawang nagpasya kang umalis upang sila’y damayan, sa palagay mo kaya may magagawa ka? Meron pa ba? Hindi ba’t wala na. Papaano kung pag-uwi mo nailibing na pala sila? O kaya, na-cremate na. Sino na ang sisilipin mo? Hindi ba’t wala na. Ngunit kung magiging matibay lamang sana at walang pag-aalinlangan ang pananalig mo sa Guru mo, ganito ang isasagot mo sa mga magbabalita sa inyo, “Pasensya na, marami pa kasi akong dapat asikasuhin dito e, ang dami ko pang dapat gawin para sa Panginoon, at ganun din sa aking Guru. Alam mo sa totoo lang, ang lahat ng ito’y nasa Panginoon na, Siya na ang bahala, halimbawa gusto na Niyang kunin silang lahat, at sila’y mamamatay na, may magagawa ka ba? At kung sakaling ang sabi Niya’y walang gagalaw sa kanila, ni kahit kamatayan pagsasabihan Niya, sino sa palagay mo ang may-kakayahang kumontra? Kahit na umuwi kayo, kahit na sila’y inyo nang kapiling, anong magagawa ninyo kung oras na nila? Meron ba? Hindi ba’t wala. Ibig sabihin, hindi tayo ang magpapasya kung sino at kailan sila dapat mamatay, wala tayong pakialam doon. Ito’y nasa kamay na ng ating Panginoon. Hindi ba’t ito naman talaga ang nasusulat sa mga banal na aklat? Ito ang isa pang halimbawa, halos dalawampu’t -walong taon na ang nakakalipas ni-minsan hindi ko nasilayan kahit anino nang aking ama. Ngayong araw lamang na ito, dumating dito ang pamangkin kong lalake, ito’y taga-Iskcon, nakapagtapos ito ng kanyang pag-aaral, Ph.D pa. Ni hindi ko alam na pamangkin ko pala siya. Kasi noong huling magkita kami ng tatay niya ito’y binata pa. Kaya noong nag -asawa, hindi ko ito kilala at kung sino na ang mga naging anak niya… Ibig sabihin, ang lahat ng ito’y nasa kamay ninyo, kayo na ang bahalang magpasya, at wala na akong pakialam dito. Noon, isang sannyasi ang kasa-kasama namin dito para sa pagdiriwang nang Śrī Gaura-Pūròimå, biglang nabalitaan niyang malubha ang kalagayan ng kanyang kapatid na babae, ito’y dali-daling umalis, at iniwan ang parikramå. Anong magagawa ko kung gusto na niyang umalis? Subalit hinggil dito, ganito ang naging tugon ni Śrīla Bhakti Ang Ipanganak at Mamatay sa Pamilyang Kinagisnan

2


Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Dalisay at Wagas na Debosyon Siddhånta Saraswatī, ‚Halimbawang nalaman mo na talagang nasusunog ang bahay mo, at gusto mong tumulong sa pagpuksa ng apoy. Huwag na. Huwag ka nang pumunta, dahil wala ka din namang magagawa. Kaya dumito ka.‛ Ito ang naging tampok ng kanyang aral, at hindi ako ang nagsabi nito. Hindi ba’t ganito din ang naging kwento ni Śrīla Śrīdhar Dev-Goswåmī Mahåråj sa aklat na Centenary Antholoy. At talaga namang napakagandang halimbawa. Oo nga’t sa mundong ito, dahil sa ating ama’t-ina tayo ay naging tao, subalit napakaraming ulit na tayong ipinapanganak at namamatay, iba’t-ibang katawan at iba’t-ibang katauhan ang ating napuntahan, at doon iba’t-iba din ang ating naging ama at ina. Hindi po ba? Noo’y nagtanong si Mahåprabhu, (Cc. 2.8.247), ‚Ano sa palagay mo ang pinakamalungkot na bahagi sa buhay ng isang tao? Ito ba ay kapag namatay ang iyong ama? O ang iyong ina, ang iyong asawa, o sinoman sa mga kamag-anak mo? Alin dito? 'duḥkha-madhye kona duḥkha haya gurutara?'( হয় )?” Sagot ni Råmånanda Råy, ‚kṛṣṇa-bhakta-viraha vinā duḥkha nāhi dekhi para' (

-

), ito po ay kapag pumanaw

ang isang deboto, sa lahat, ito ang pinakamasaklap at pinakamalungkot na bahagi ng ating buhay.‛ Kahit na alagaan mo pa sila nang maigi, kahit na palibutan mo pa sila ng isang damakmak na duktor, kapag oras mo na, oras mo na. Sa ayaw at sa gusto mo, lahat ng ito, lahat ng sinasabi mong ‘iyo’ ay tiyak na iiwan mo… Kaya bilang tugon sa katanungan mo, ganito ang naging sagot ni Śrīla Śrīdhar Mahåråj, ‚Kahit na si Brahma pa ang sumundo sa akin, ganito parin ang isasagot ko sa kanya, ‚Pasensya na po kayo, Ang Ipanganak at Mamatay sa Pamilyang Kinagisnan

3


Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Dalisay at Wagas na Debosyon sobrang dami po talaga ang gawain ko dito, hanggang ngayo’y madami pa po akong dapat gawin para sa Guru ko. Sa ibang araw na lang po kayo bumalik, baka sakali, libre na po ako sa araw na iyon.‛ Kaya sadya talagang napakahalaga para sa atin ang pagkakaroon

ng

matibay

at

matatag

na

pananalig

paniniwala natin, maging sa ating Guru. Śraddhå-anusåri adhikårī

-

-

.”

sa

mga

bhakti-

Lahat ng ito’y depende sa ating

paniniwala, lahat tayo’y may kanya-kanyang katangian, may kanyakanyang konsepto ng paniniwala, sa madaling-salita, lahat tayo ay may kanya-kayang antas ng kamulatan at debosyon din.

Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines Śrī Nāma Hātta Center U.P. Campus, Diliman, Quezon City

Ang Ipanganak at Mamatay sa Pamilyang Kinagisnan

4


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.