Gaura Vani: Divine Instructions from Sri Guru and Sri Gauranga
[Year]
ANG PAGIGING MALAPIT SA MGA KABABAIHAN ni Bhagavan Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur Prabhupada. Inilathala sa Śrī Gauḍīya Darśhan noong ika-17 ng Abril, taung 2015. Sa artikulong ito, malinaw na naipaliwanag ni Śrīla Bhakti Siddhānta Saraswatī Goswāmī Ṭhākur ang lugar na ayaw talagang puntahan at tirhan ng Panginoon. Ang artikulong ito ay isa sa limang Kabanata na sinulat ni Śrīla Bhakti Siddhānta Saraswatī Ṭhākur mula sa salitang Bengali at unang inilabas sa Gauḍīya, na isang babasahing magasin na Lingguhang inilalabas. Ito’y labis na kinagiliwan ni Śrīla Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswāmī Mahārāj, kung kaya’t naisipan niyang isama din ito sa Śuddha-Bhakti Sādhana-Sampada. Ang aklat na ito ay mula sa mga tinipong-aral sa salitang Bengali, na inilathala naman ng Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh. [At ngayon ay isinalin naman sa salitang Filipino nang mga debotong Filipino na kasapi nitong Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines – Sri Nama Hatta Center bilang pagaalay sa paggunita sa Araw na Nagpakita sa mundo, si Sada Shiva Gangadhara, na ginanap nitong ika-8 ng Pebrero, 2016 na aming ipinagdiwang dahil sa pagiging banal sa lahat ng araw... editor].
Pagiging Malapit sa mga Kababaihan At kapag sinabing pagiging malapit at pakikisalamuha natin sa kababaihan, ito ay may dalawang katergorya: ang iligal na pakikipagrelasyon sa mga babae, ang pagiging babaero at ang sobrang pagiging malapit ng ating kalooban sa ating asawa. Ang dalawang ito ay lugar ni Kali. Anumang lugar na wala si Dharma, tiyak at walang-duda nandoon si
Gaura Vani: Divine Instructions from Sri Guru and Sri Gauranga
[Year]
Kali. Dahil mahilig magbabad si Kali sa taong babaero. Tulad sa nangyari ay Junior Haridås, hindi ba’t ganito ang naging bilin sa atin ni Śrīman Mahāprabhu: prabhu kahe, ‚vairāgī kare prakṛti sambhāṣaṇa dekhite nā pāro āmi tāhāra vadana durvāra indriya kare viṣaya-grahaṇa dāru-prakṛti hare muner api mana mātrā svasrā duhitrā vā nā viviktāsano bhavet balavān indriya-grāmo vidvāṁsam api karṣati kṣudra-jīva saba markaṭa-vairāgya kariyā indriya charāñā bule ‘prakṛti’ sambhāṣiyā‛ (Śrī Chaitanya charitāmṛta: Antya-līlā, 2.117–118, 120; Śrīmad Bhāgavatam: 9.19.17) [Sabi ni Prabhu, ‚Hindi ko talaga maatim na tignan ang mukha ng sinasabing ‘taong-tumalikod na sa ating lipunan (tulad ng isang sannyasi), subalit mahilig makipag-usap at makihalubilo parin sa mga babae. Nakalimutan na ba nila, mahirap kontrolin ang ating mga sarili lalu na’t kapag ang kaharap mo’y nagugustuhan na ng ating mata; hindi ba’t kahit pigura lang ng isang babae na inukit sa kahoy ay maaari na tayong mahalina at madala, yun pa kaya na kaharap mo na sila? Hindi ba’t ang tagubilin sa atin, ‘kahit na katabi mo pa ang iyong ina, kapatid na babae, o anak na babae; walang matinong-tao ang makakapigil kapag ika’y binihag na nang pagnanasa.’ Hindi ba’t isang malaking kahihiyan ang mga ganitong klaseng kaluluwa lalu na’t sila’y ‘parang mga unggoy na kunwari ay tumalikod na sa lipunan’, subalit hindi naman nila kayang kontrolin ang kanilang isipan?‛]
Gaura Vani: Divine Instructions from Sri Guru and Sri Gauranga
[Year]
Kaya kapag patuloy kang nakikihalubilo parin sa kababaihan ito’y parang nagpunta ka na rin sa lugar na pinamumugaran ni Kali, kaya sino mang tao ang mahilig sa mga babae ay dapat na nating iniiwan at tinatalikuran. teṣv aśānteṣu mūḍheṣu khaṇḍitātmasv asādhuṣu saṅgaṁ na kuryāch chhochyeṣu yoṣit-krīḍā-mṛgeṣu cha (Śrīmad Bhāgavatam: 3.31.34) [‚Kailanma’y huwag na huwag kayong makikisama at makikihalubilo sa mga taong maligalig at magulo ang isipan, sa mga buwang at mang-mang, sa mga nagpapariwara na sa buhay, sa mga masasama, sa mga nakakahiya, at sa mga taong animo ay mga laruan lamang ng kababaihan.‛] Maging ang pagiging malapit natin sa ating asawa ay tanikala din ni adharma. ko gṛheṣu pumān saktam ātmānam ajitendriyaḥ sneha-pāśair dṛḍhair baddham utsaheta vimochitum (Śrīmad Bhāgavatam: 7.6.9) [‚Kung ang sobrang pagiging malapit ng ating kalooban sa ating pamilya at ang ipinapakita nilang pagmamahal ay itinuturing na tanikala sa ating buhay, paano na ang mga taong hindi marunong kumontrol ng kanilang sarili, papaano sila magiging malaya?‛] yato na kaśchit kva cha kutrachid vā dīnaḥ svam ātmānam alaṁ samarthaḥ vimochituṁ kāma-dṛśāṁ vihāra– krīḍā-mṛgo yan-nigaḍo visargaḥ (Śrīmad Bhāgavatam: 7.6.17) [‚Sa totoo lang, walang-sinuman, magmula pa noong unang panahon, ang may sapat na kakayahan na mapalaya ang kanyang sarili mula sa
Gaura Vani: Divine Instructions from Sri Guru and Sri Gauranga
[Year]
kinasasadlakang materyal na kalagayan. Sadya talagang kaawa-awa ang mga kaluluwang bumagsak at nalugmok sa materyal na kundisyon dahil matapos silang maakit nang mga kahali-halina at nagagandahang babae, ang mga anak naman nila ang humahalinhin upang bihagin din sila.‛] For inquiries:
Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines Sri Nama Hatta Center 66-D H. Ocampo St., Pook F. Amorsolo, Barangay U.P. Campus, Diliman, Quezon City Contact no. (+63) 09498332414 E-mail add: scsmathphilippines@yahoo.com scsnamahatta@gmail.com https://plus.google.com/u/0/+scsmathphilippinessrinamahatta/posts https://www.blogger.com/home