Nirmal Bhakti
Maharaj ako’y kanyang sinagip mula sa mala-impiyernong kalagayan.‛
Ang Landas ng Dalisay at Wagas na Debosyon Turong-aral ng Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj 2016
Alamin ang Katotohanan Naririto tayong lahat dahil sa habag at pagpapala ni Gurudev. Hangga’t hindi mo nakakamit ang pagpapala at habag ni Gurudev kahit isang hakbang hindi ka makakakilos, hindi ka makakausad. " , yogyata vichare kichhu nahi pai: magmula nang suriin ko ang aking sarili, napansin ko, kahit ano’y wala pala talaga akong maipagmamalaki.‛ Alam ninyo ang totoo, wala talaga tayong katangian, kahit anumang kakayahan, subalit dahil sa habag at pagpapala ni Gurudev at ni Srila Guru Maharaj, maaari nating makamit ang lahat ng bagay. Hindi ba’t ganun din ang sinabi ni Gurudev, ‚ang totoo’y wala talaga akong alam. Ni hindi ko nga alam kung ano ang maaaring mangyari sa akin, subalit dahil sa aking Guru
Lahat tayo ay pawang mga kaluluwang nalagay sa materyal na kundisyon, subalit alam ba ninyo, tayong lahat ay kayang iligtas ni Gurudev sa mga ganitong klaseng kalagayan at maging makatuwang niya sa paglilingkod sa Panginoon. Walang-dudang lahat tayo ay palagi na lang nagkakasala, dimabilang na kasalanan na ang ating nagawa, tulad ng Vaishnavaaparadh, seva-aparadh, at iba pa., alam ba ninyo, tanging ang ating Gurudev at Vaishnava-varga lamang ang makakapawi nang lahat ng ito sa ating puso. Hangga’t patuloy tayong nagkakasala, kailanma’y hindi tayo makakausad sa ating espirituwal na buhay, dahil patuloy tayong hihilain pababa ng ating mga pagkakasala, at ang pagkakasalang ito ang pipigil sa atin upang hindi natin magawa ang tama at maayos na pagseserbisyo.
Ang totoo, walang sinoman sa atin ang talagang nakakaalam kung ano ang paglilingkod at kung ano ang karma, kung ano ang paglilingkod at kung ano ang tungkulin. Bakit po, dahil minsan ginagawa natin ang mga bagay na hindi naman pala kanais-nais para sa ating Guru, at ito’y ayaw ng mga Vaishnavas. Bakit po? Dahil ito po ay udyok lamang ng ating isipan. ঐ aichhana amara mana phire yena andha jana supatha vipatha nahi jane
‚Tulad ng isang bulag, ang isipan ko ay kung saan-saan gumagala, Hindi alam saan tutungo, didiretso ba, kakanan o kakaliwa.‛ ‘Thakura Vaishnava-gana’ Mula sa panulat ni Srila Narottama Das Thakur Walang alam ang ating isipan kung saan dapat magtungo, kung alin ang tama at kung alin ang mali, ito ang dahilan kung bakit kailangan natin ang payo ng mga dakilang Vaishnava—nang ating Guru-varga, ng ating Gurudev. Ang mga payo nila ang kailangan natin, kaya dapat ito’y sinusunod din natin, ito’y
upang makatiyak tayo sa ating patutunguhan, upang matiwasay nating maipapagpatuloy ang ating espirituwal na buhay. Kaya dapat ang paraan nila ang sinusunod natin. At ang bagay na ito ay napakahalaga sa atin. Kaya lamang ang problema, masyadong mayabang at hambog natin, masyadong mataas ang ego natin. Tulad ng araw, ang liwanag nito’y patuloy niyang ibinibigay, subalit papaano natin masisilayan ang kanyang liwanag kung may dinding na na nakaharang. Tulad ng Gurudev natin, ni Gurupad-padma, at nang mga Vaishnavas, ang biyaya at pagpapala nila’y patuloy nilang ipinagkakaloob sa atin, subalit ito’y hindi natin namamalayan, hindi natin naaaninag, hindi natin napapansin, ito’y dahil sa ating ego, na palaging nakaharang at nakabalandra sa atin. Akala natin, alam na natin ang lahat ng bagay, lahat ay atin nang tangantangan, masyado na tayong naging mayabang na akala mo ay mataas at makapangyarihan at alam na ang lahat ng bagay, ‘yun ang ating akala, subalit ang totoo’y wala, wala tayong alam, wala tayong maipagmamalaki. At ito ang dapat nating tatandaan.
Hindi ba’t ang bilin sa atin ni Gurudev ay maging magalang, mapagtimpi, mapagtiis, at mapagkumbaba… Ang tanong, ito ba’y nasusunod natin?
Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines Sri Nama Hatta Center UP Campus, Diliman, Quezon City 1101 Contact no. (+63)09498332414 You may also follow us on: https://plus.google.com/+scsmathphilippinessri namahatta/posts or at www.facebook.com/scsmathphilippines
Ang babasahing ito, ang Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Wagas na Debosyon ay nagmula sa mga tinipong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupad Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj, ang Sevaite na Tagapangulo at Acharya ng Sri Chaitanya Saraswat Math. Tinipon nang mga kasapi ng aming samahan at buong pusong inalay sa lotus na paanan nang Kanyang Banal na Pagpapala, Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj, sa dalawang kadahilanan. Una, bilang paggunita sa nalalapit niyang kaarawan sa Ika-1 ng Oktubre 2016. Pangalawa, bilang pagkilala sa kanyang kadakilaan, pagiging mahabagin at mapagpala. Nawa, ang munting pag-aalay na ito ay magdulot sa kanya nang kasiyahan na siya naman talagang aming pakay. Gaura Hari bol!
Ang Banal na Templo ng Magkawalay na Pagsasama nang Sri Chaitanya Saraswat Math Na matatagpuan sa loob ng banal na lupain nang Sri Nabadwip dham, West Bengal, India.
Sa mga nais makipag-ugnayan: Sri Chaitanya Saraswat Math Road, Kolerganj, W.Bengal, Pin 741302. (Locally known as "Jal mandir") Phone: +91 9775178546. E-mail address:
Web site: www.scsmath.org. www.scsm.com www.scsmathinternational.com