Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon September 20, 2017
Śrī Chaitanya Sāraswat Maéh Philippines Nama Hatta Center U.P. Campus, Diliman, Quezon City 1101 E-mail add: scsnamahatta@gmail.com Contact (+63)09498332414
Mabuhay si Śrī Guru at si Śrī Gaurāíga Purihin ang Kanilang Kadakilaan
Nasa Inyo ang Pasya Turong-aral ng Kanyang Banal na Pagpapala Oì Vi£hòupād Śrīla Bhakti Nirmal Āchārya Mahārāj
Halimbawang nagpabinyag nga kayo subalit hindi naman ninyo lubusang nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng pagpapa-binyag, at ang mga ginagawa ninyo’y mali at wala sa tamang kaayusan, kung ganoon, ang binyag na ito’y balewala at mananatiling walang halaga. । ॥ diksa-kale bhakta kare atma-samarpana sei-kale krsna tare kare atma-sama (Sri Chaitanya-charitamrita, Antya-lila, 4.192)
Nasa Inyo ang Pasya
1
Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon September 20, 2017
Kapag sa oras ng panimulang-binyag ay lubusang isinuko nang isang deboto ang kanyang sarili sa gawain ng paglilingkod sa Panginoon, sa sandaling iyon, ang debotong ito ay agad nang kinukubkob at inaangkin ni Kù£òa. (Śrī Chaitanya-charitāmréa, Antya-līlā, 4.192). Alam ninyo, kapag sinabing nagpa-binyag, dīk£hā, ibig sabihin, tinatanggap ninyo ang banal na kaalaman, ang divyajñana. Sa oras ng ating binyag, ganito ang palaging nasa isipan ni Kù£òa, ‚Akin na ang kaluluwang ito.‛ Subalit papaano kung ang bagay na ito’y hindi natin lubusang nauunawaan, hindi natin naiintindihan, papaano tayo susulong sa ating espirituwal na buhay? Tandaan natin, anumang oras maaari tayong mawala sa gawain ng paglilingkod. At kailanman, ang panloloko, ang kapatata, at ang pagiging mapagkumbaba ay hindi maaaring magsama. Kapag ang sinasabi ninyo ay iba sa ginagawa ninyo, ang tawag dito ay kapatata, isang panloloko, isang pagsisinungaling, panlilinlang ng kapwa, at ika’y nagiging isang bulaan. At kung halimbawang, ikaw nga’y ganito, sinungaling at Nasa Inyo ang Pasya
2
Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon September 20, 2017
nanloloko lamang, kung ganoon, walang-alinlangang bukasmakalawa, tiyak na mawawala ka sa landas, maliligaw ka ng landas…Alam ninyo, sa totoo lang, mababa ang kalooban nang mga Vai£hòavas, saral, , ang puso nila’y kamala-sraddha, malambot din, bukod dito’y mabait at magalang din, at higit sa lahat, sila’y maunawain. Kung ganoon sila, dapat ganun din tayo, dapat ganun din ang puso at isipan natin, tapat at totoo. Madalas sabihin noon ni Gurudev ang mga katangang, ‚Huwag na huwag ninyo akong gagamitin. Ayokong ako’y inyong ginagamit. Ayoko. Ako ang gagamit sa inyo.‛ Kung ganoon, ito ang dapat nating palaging tatandaan. Kapag ang lahat ng ginawa ninyo ay para sa paglilingkod sa Guru, Vai£hòava, Bhagavan, walang-alinlangang pinakamataas na biyaya at pagpapala ang inyong mapapala. Subalit dapat ang lahat ng ito’y nasa tamang ayos. Ano ba ang binigay sa inyo ni Gurudev? Ito ba’y pera, lupain at ari-arian, at iba pa? Hindi po. Wala pong kwenta ang lahat ng ito, wala po itong halaga. Ang Banal na Pangalan (ni Kù£òa), po ang binigay ni Gurudev, at kanyang inilagay sa loob ng puso natin. Kung ganoon, papaano po natin malalaman kung ang bhajan ba nati’y pausad o paatras? Dapat ang Banal na Pangalan na ito’y sumasayaw sa ating bibig. Dapat lahat ng hindi natin kailangan, lahat ng kutinati, at maging ang asat-sanga, masasamang kaibigan ay atin nang tinatalikuran at iniiwasan. Dapat puro mabubuting kaibigan ang palagi nating sinasamahan. Dahil hangga’t malayo tayo sa kanila, malayo din ang kinabukasan natin. Kung ganoon, sadhu-sanga, Bhagavat-sanga, ang kailangan natin. Ang makasama ang mga Nasa Inyo ang Pasya
3
Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon September 20, 2017
deboto ng Panginoon. At tanging ito lamang ang paraan. Tulad ng isang uling, kahit na ito’y paliguan mo pa nang 50galon ng gatas, ito’y mananatiling maiitim parin at kailanma’y hindi mo kayang paputiin. Ibig sabihin, dapat palagi nating pinapalakas ang espirituwal na buhay natin. Kahit na nag-iisa lang ang deboto dito ni Kù£òa sa buong sandaigdigan, ito’y sapat na para sagipin ang buong sangkatauhan. At kung halimbawang nais talaga ninyong maging totoong deboto ni Kù£òa, dapat ang Kanyang mga deboto ang inyong sinasamahan. Dapat palagi kayong nasa kanilang piling. Dahil kailanman, hindi kayo maaaring maging deboto ni Kù£òa kapag kayo’y nag-iisa at walang-kasamang deboto sa inyong buhay… Tignan ninyo ang isang bukirin, hindi ba’t habang tumutubo ang palay, kasama din nitong tumutubo ang mga damo at ligaw na halaman? Hindi ba dapat ito’y inaalis din natin upang higit na maging mayabong ang ating pananim? Ito’y kahalintulad din sa paghahangad natin ng mga materyal na bagay, nang pagkakaroon natin ng masamang hangarin, kung tawagin ay anya abhilasa, , na patuloy na nananatiling nandoon parin sa loob ng ating isipan. Kaya dapat ito’y lubusan na din nating inaalis, tuluyan na nating binubunot, upang maslalu pang maging malago ang ating pananim. Subalit hangga’t patuloy tayong nakakagawa nang Vai£hòava-aparādh, ng sādhu-aparādh, Guru-aparādh, at iba pang aparādh, ito’y tiyak na magdudulot sa atin ng kamalasan at kapahamakan, at siguradong bukas-makalawa, maraming-marami na sila, at sila Nasa Inyo ang Pasya
4
Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon September 20, 2017
na ang naghahari at nangingibabaw sa atin, at habang dumadami sila, unti-unti namang nawawala ang lahat ng natutunan nating kabutihan sa ating Guru, sa mga Vai£hòava, at kay Bhagavān. At ito’y dahil lamang sa ganitong klaseng kaisipan, ‚Alam ko na ‘yan. Natutunan ko na ang lahat ng ‘yan! Mali po ito. Dapat kahit na ito’y mula pa sa isang musmos na bata, dapat ganito pa din ang ating kaisipan, ‚Siguro kahit papaano, may matutunan akong aral sa batang ito, sa batang Brahmachārī na ito, o kaya, ‚Kahit sa ibang tao, may mapupulot din akong aral sa kanila.‛ Kaya habang ang aham-buddhi at ang ahaíkār ang magiging rason natin, ‚Alam ko na ‘yan. Dati ko nang alam ‘yan,‛ at palagi nating sinasabing, ‚Dati ko nang alam ‘yan.‛ Kung ganoon, ang ganitong pag-uugali at isipan ang mismong magbabagsak sa inyo, at tiyak na mawawala sa inyo ang pagkakataon upang muli kayong makapaglingkod. Kaya, sa madaling-salita, dapat bukas na bukas ang ating isipan, na kahit saan, kahit kaninong-tao, kahit anumang bagay ay may kapupulutang-aral. Iskolar man sila o hindi. Walang-halaga. Lahat sila’y patuloy nating irerespeto at igagalang. Lalu na sa taong tumulong upang tayo’y mabinyagan, kahit na ito’y kahapon lamang nangyari. Ito ang tamang asal ng pakikitungo sa ibang Vai£hòava, ang tamang etiketa. Ito ang tunay Vai£hòavaismo. At dapat ito ang palaging ginagawa natin. Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur also said that we must give honour to everybody because we do not know who comes in front of you—we do not know if Brahma comes, Vishnu, Siva, or even Narad Muni comes. How will we know it? We Nasa Inyo ang Pasya
5
Nirmal Bhakti – Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon September 20, 2017
cannot, so we must respect everybody. You have no enemy in this world—you yourself are your enemy and you yourself are your friend (niji-i nijer bandhu, niji-i nijer satru, , ). Alam ninyo, noo’y may naging tagublin si Prabhupād Śrīla Bhakti Siddhānta Saraswatī Ṭhākur, ang sabi niya, ‚Dapat kahit sino, anoman ang kanilang kalagayan sa buhay, sila’y inyong nirerespeto at ginagalang, dahil walang nakakaalam sinoman sa atin, kung sino ang kaharap natin, malay mo, baka sila’y si Brahma na, o kaya si Vi£hòu, si Śhiva, malay ninyo baka siya’y si Nārada Muni na. Masasabi ba ninyo kung sino sila? Hindi po. Walang sinuman ang makapagsasabi kung sino sila, kung ganoon, kahit na sino pa sila, dapat silang lahat ay ginagalang at nirerespeto natin. Alam ninyo, dito sa loob ng mundong ito, wala tayong kaaway. Ang kaaway natin, sa totoo lang, ay itong sarili lamang natin. At siya din ang kaibigan natin, niji-i nijer bandhu, niji-i nijer satru, , . Subalit dapat ang lahat ng ito’y wasto nating nauunawaan at palagi nating tinatandaan. Kayo ang bahalang magpasya. Dahil bukod dito’y wala nang ibang solusyon, at tanging ito lamang ang tamang paraan…
Nasa Inyo ang Pasya
6