Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon
2016
Purihin si Sri Guru at si Sri Gauranga
Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupad Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Sevaite na Tagapangulo at Acharya ng Sri Chaitanya Saraswat Math Umaga nang Ika-31 ng Disyembre 2010. Ang awiting ito, ang Sri Hari-vasare Hari-kirtana-vidhana at ang aklat na Chaitanya-bhagavat ay kapwa gawa ni Vrndavan Das Thakur…Hindi ba’t siya’y labingtatlong taung gulang pa lamang noon, ni wala pang pinagaralan. Papaano niya nalaman ang lahat ng ito? Ibig sabihin, labis-labis talaga siyang pinagpala! Si Vrndavan Das Thakur ay taga Denur, at nakikitira lamang kasama nang kanyang mga magulang sa bahay ni Ramahari Chakravartti na kilalang haciendero noong panahong iyon, alam ba ninyo habang sinusulat niya ang kanyang aklat na Chaitanya bhagavat, ito’y patuloy sa kanyang bhajan, patuloy niyang pinagsisilbihan ang vigraha nina Nitai-Gaur. At doon din sa lugar na iyon siya nangaral nang husto. Noo’y isang bagay ang ihinabilin sa kanya ni Nityananda Prabhu, “Huwag ka na munang sumama sa Akin, dumito ka na lang muna sa inyo,” at ito’y kanyang sinunod. 1
Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon
2016
ক' ক । হই ক ॥ ক এই, । ইহ ক ' ॥ 'samsara' 'samsara' ka're michhe gela kala labha na ha-ila kichhu ghatila janjala kisera samsara ei, chhayabaji praya ihate mamata kari' vrtha gela yaya Naubos nang lahat ang oras ko sa pag-aasikaso sa aking pamilya, subalit sa bandang-huli ay wala naman pala akong mapapala—ang totoo, nagsilbi pa nga silang pahirap sa akin… Ewan ko, di- ko alam kung bakit labis-labis akong nabighani sa pagkakaroon ng pamilya, Akala ko masarap ang ganitong klaseng buhay, di-ko namalayan sinayang ko ang maraming oras sa mga bagay na wala naman pa lang katuturan. Kalyana-kalpataru, 3.2.4 Hindi ba’t madalas ang bilin sa atin ay maging mapagkumbaba tayo, maging matiisin, at magalang sa ibang tao. Walang-dudang maganda ang naghihintay sa ating kapalaran, subalit dapat ang mga tagubiling ito’y atin munang sinusunod, ang pagiging mapagkumbaba, kung nais natin itong makamit. আ ক ই ক ক । ক হ' ॥ ara kabe nitaichand karuna karibe samsara-vasana mora kabe tuchha ha'be Kailan kaya ako pagpapalain ni Nitaichand? Kailan kaya Niya ako kaaawaan? 2
Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon
2016
Kailan kaya ako makakawala sa paghahangad Nang mga materyal na bagay? Mula sa ‘Prarthana’ ni Srila Narottama Das Thakur Kapag sinabing Gurudev ibig sabihin ito’y si Nityananda… Ano ba ang paglilingkod? Ang ibig sabihin nito’y pagpapakasakit, pagpapakahirap. Huwag ninyong isiping madali lamang gawain ang paglilingkod, hindi po. Ito po’y hindi talaga madaling gawin. Dahil idadaan ka pa muna ni Krsna sa isang pagsusulit, aalamin pa Niya kung ika’y totoo ba talaga o hindi: kung totoong mapagtimpi ka, kaya mo nang magtiis. Hindi ba’t madalas ninyong sabihin na talagang mahal na mahal ninyo ang Panginoon at maging ang inyong Guru? Papaano kung labislabis at sobra-sobrang pahirap na ang inyong dinadanas, ano sa palagay ninyo ang dapat ninyong gawin, ikaw ba’y aatras na? “Ayoko na, ang hirap pala. Di ko na talaga kaya!” Ito ba ang tamang damdamin kapag magsisilbi tayo? Mali po. Dapat kapag sinabing magsisilbi at maglilingkod, alam natin kung ano ang pinasok natin, na tayo ay kailangang maging mapagtiis. Hindi ba’t hindi naman lahat ng gawain ay madaling gawin? Dahil kailangan pa nating magtiis? Ang totoo, hindi dahil sinabi lang sa atin na madali itong gawin ay ganun lang ito kadali. Hindi po.
Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines Śrī Nåma Hatta Center UP Campus, Diliman, Quezon City 1101
3