Be clear not clever

Page 1

Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon

Huwag Maggaling-galingan—Dapat ay Sumunod Lang Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Noong Ika 11 ng Disyembre 2010

Walang-alinlangang pagkaminsa’y may dumarating sa ating problema, subalit dapat palagi nating iisipin ang mga kasagutan nito’y nagmumula sa itaas natin. Minsan, ang sabi sa akin ni Gurudev, ‚Kapag sinabi kong ikaw ang magtuturo ngayon, ibig sabihin, ibinibigay ko sa iyo ang kapangyarihan upang ito’y gawin mo.‛ At huwag na huwag kang aangal, ‚Naku, pasensya na po hindi po ako marunong, wala po akong alam, lalu na tungkol sa mga banal na aklat. Pasensya na po. Hindi ko po kasi alam kung papaano po ito sisimulan, pasensya na po...‛ Alam ninyo hindi naman talaga kayo ang gumagawa nito, si Gurudev! Hindi po ba? Halimbawa may ipinagawa sa inyo si Gurudev, ibig sabihin ‘siya’ ang gumagawa nito at hindi kayo. Kung ganoon, ano ang ikinatatakot ninyo? Natatakot kayo kasi inaangkin ninyo, akala ninyo kayo


Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon ang gagawa nito. Dehe atma buddhi( ): ito’y sapagkat hanggang ngayon inaakala parin ninyo kayo ang katawang ito, hindi ba? Kaya natatakot kayo? Kaya kapag iniutos sa inyo ni Gurudev na gawin ang isang bagay, ibig sabihin, ipinagkakaloob din niya sa inyo ang kapangyarihan at lakas upang gawin ito, kung ganoon, wala kayong dapat ikatakot. Dapat sa araw-araw, ganito lamang ang ginagawa natin habang nagsasanay tayo sa ating espirituwal na buhay, kaya hindi kayo dapat matakot. At dahil sa paniniwalang ito, ganito din ang sabi sa akin ni Gurudev, ‚Bakit ka matatakot? Huwag mong isiping ikaw ang gumagawa nito, ako ‘yun!‛ Hindi ba’t ganun din ang sabi ni Mahaprabhu kina Sanatan Goswami, tapos kay Raghunath Das Goswami, hindi ba’t ganun din ang sinabi ni Rupa Goswami kay Raghunath Das Goswami? Kaya kapag hinimay-himay ninyo ang mga sinasabi nila, mapapansin ninyong ito’y pawang pare-pareho lamang: na ang ibig sabihin, si Gurudev ang nagsasalita at hindi tayo. Noo’y ibinigay ni Srila Prabhupad Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur kung ano ang ibig sabihin ng bhajan. Karaniwan ang alam natin, kapag sinabing bhajan, ika’y nakaupo lang. Sa Kali-yuga, kapag sinabing bhajan ibig sabihin nito’y gostha bhajan, at hindi nirjan bhajan. Sa nirjan bhajan, lahat ng gumagawa nito’y lumalayo sa tao, namumundok at doon walang tigil na umuusal nang banal na pangalan—subalit dapat kapag sinabing bhajan, ito’y sama-sama sa gawain, magkatuwang, ibig sabihin sankirttan! Hindi ba’t ang sabi ng Panginoon, ‚Kung nais talaga ninyong makasama Ako, dapat ito’y sa pamamagitan ng sankirtan yajña.” Ganun lang ang Kanyang sinabi. Halimbawa sinabi ni Krsna, ‚Gusto Ko ng laddu,‛ dapat laddu lang. Ganun lang. Huwag mo nang isipin na baka gusto din Niya ng singara (samosa). Kasi madalas tayong makinig sa sinasabi ng ating isipan. Alam ninyo, kahapon habang sakay kami ng kotse, pakiramdam ko talagang inilalayo


Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon ako sa kapahamakan ni Krsna. Kasi noon ang sabi sa akin ni Gurudev, ‚Kung igagawa mo ako ng Samadhi, gusto ko puting marmol,‛ kaya lamang iba ang nasa isipan natin, kamuntik na tayong magkamali. Hindi ba’t kahapon ay tumingin-tingin tayo ng marmol, iba’t-ibang kulay ang ipinakita nila at ang gaganda pa, buti na lang bigla kong naalala ang bilin sa akin ni Gurudeva. Hindi ba’t ang gusto niya’y puti, kung ganoon ano ito at tumitingin pa ako ng ibang kulay? Buti na lang hindi ako nagpalansi sa nakikita ko. Oo nga’t ang gaganda nang mga ipinakita sa amin, pero ang lahat ng ito’y pawang ilusyon lamang. Bakit kamo? Hindi ba’t ang sabi ni Gurudev ay puti, kung ganoon dapat puti at wala nang iba pa…Ngayon nauunawaan na ba ninyo ang mga sinasabi ko?

Isinalin sa wikang Filipino Nang mga kasapi nitong Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines Śrī Nåma Hatta Center UP Campus, Diliman, Quezon City 1101


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.