Nirmal Bhakti Ang Landas ng Wagas at Dalisay na Debosyon Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines Issue #6
December 01, 2016
Maging Maingat Turong-aral ng Kanyang Banal na Pagpapala Om Vishnupada Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Ang kapistahan nang araw ng paggunita sa Sri Jagannath Mishra Ananda-mahotsava Gabi ng Marso 24, 2016
1
Noong kayo’y nag-aaral pa, kahit saang paaralan, at hindi ka nagaaral hindi ba’t ika’y maaaring bumagsak, at halimbawang ayaw mong makinig kapag nagtuturo ang inyong propesor, at ang mga tinuro niya’y ayaw ninyong intindihin, hindi ba’t tiyak na wala kang matututunan? Ganun din dito sa kamulatan sa kamalayan kay Krsna. At para sa inyong kaalaman, ang mga itinuturo dito’y transedental na kaalaman. Kaya halimbawang nagpabinyag ka nga, at naigawad sa inyo ang mantra subalit ayaw mo namang sundin ang mga tagubilin nang inyong Guru, na ang ibig sabihin ayaw ninyong umusal, ayaw ninyong magdasal sa inyong japa-mala, at ang gayatri mantra ay sadyang kinakaligtaan na, maging ang mga tagubilin at turong-aral ni Sri Gurudev ay tahasang sinusuway, at ang pagsisilbi sa kanya’y inyo nang kinatatamaran na, kung ganoon ang binyag ninyo’y walang-silbi walang-katuturan, at walang-halaga. Ang totoo, ito’y isang bhakti-virodi, tahasang pagsalungat sa gawi nang landas ng debosyon. -
-
হ । jnana-yoga-karma-chaya mulya tara kichhu naya bhaktira virodhi yadi haya Ang sabi sa talatang ito, ang “ang gawi ng karma, jñana, yoga ay walang-halaga, walang-katuturan kung ito’y kontra sa gawi ng debosyon.” Dahil kapag ang mga pamamaraang ito ang inyong tinahak ang Panginoon ay tiyak na hindi ninyo mararating dahil ang tanging paraan ay sa pamamagitan ng paglilingkod, nang paninilbihan sa Kanya. Kaya kung halimbawang, di-ninyo nararamdaman o kaya wala kayong gana na maglingkod sa Kanya, at ayaw ninyong mag-kirttan sa Kanya, Siya’y hindi ninyo maaaring makapiling. Dahil Siya’y inyong inaayawan. "Aharnisa chinta Krsna, balaha vadane ( হ , হ ). Dapat ang Panginoon ay araw at gabi ninyong naaalala sa tuwi-tuwina. Dapat ang pangalan Niya’y palagi ninyong sinasambit-sambit.” [Chaitanya-charitamrta, 2.28.28]. Na ang ibig sabihin, dapat palagi kayong 2
nagki-kirttan, naglilingkod at muli’t-muli Siyang inaalala, at ito’y araw at gabi ninyong ginagawa. Ang tanong, ito ba’y inyong ginagawa? Halimbawa, pagka-gising. Kayo ba’y agad nang nagki-kirttansa Kanya? Ito ba’y buong araw ninyong ginagawa? Dapat ito’y beinte-kwatro oras din ninyong ginagawa. Araw-araw kayong nagki-kirttan. Hindi ba madalas ang sabi natin, aharnisa chinta Krsna, kaya lamang kapag nagki-kirttan na tayo, halimbawa naka-sampung oras na tayo, hindi ba’t di-maikakailang tayo’y pagod na, at parang ayaw na natin, subalit si Mahaprabhu, walangkapaguran, Siya’y beinte-kwatro oras na nagki-kirttan… Pagsikapan nating mapaglingkuran ang Panginoon. Dahil nasa atin na ang pagkakataong ito, ang makapag-praktis at makapaglinglod sa lotus na paanan ni Sri Gurudev, at kung ang pagkakataon na ito’y ating palalagpasin, ito’y malaking kawalan para sa atin, at hindi nang ating Guru. At ang isa pa, kailanma’y huwag ninyong isipin na kayo lamang ang maaaring gumawa nito at wala nang iba pa. Huwag po. Alam po ninyo, kahit wala po tayo, marami ang gagawa sa ginagawa natin. Kaya hindi kayo dapat magmalaki, hindi kayo dapat magyabang dahil sa pagaakalang kapag hindi tayo kumilos, wala nang ibang gagawa para kay Krsna. Mali po. Kaya dapat ito po ang dapat nating inilalagay sa ating isipan. "Ahankare matta haina, Nitai-pada pasariya, asatyere satya kori mani ( হ হ -প প ' ): sa labis na kayabangan, nakalimutan ko ang paanan ni Nitai, at ang mali ay inakala kong tama at kinilala bilang katotohanan.” Huwag nating kalilimutan, ang kamulatang ito, ang kamalayan kay Krsna ay pawang pagpapala at habag sa atin ni Gurudev, at sa sandaling ito’y ating itinigil o kaya’y kinaligtaan ang paglilingkod sa kanyang lotus na paanan, ito’y isang napakalaking kawalan sa bahagi natin, lugi tayo, at hindi ng Guru natin. Sa madaling-salita, ang kahambugan o kayabangan ay nagdudulot ng matinding kasamaan.
3
Huwag na huwag nating kaliligtaan, si maya’y nandito lamang sa ating paligid at palaging nagma-matyag, at nagmamasid, at sa sandaling ating kaligtaan o kaya kalimutan ang gawi ng paglilingkod, tiyak na tayo’y agad niyang aatakihin. Naririyan kaagad si maya, nakaabang at handang pumasok sa atin. Nag-aabang at naghahanap nang pagkakataon, ng puwang, kahit ito’y napakaikling butas lang, anumang oras, basta dumating ang pagkakataonm, tayo ay agad niyang papasukin. Dahil ito naman talaga ang kanyang gawi, ang bihagin ka at ilayo ka sa gawain ng paglilingkod sa Panginoon. Kaya lamang, higit na malakas at makapangyarihan kay maya ang Guru at ang mga Vaishnavas. Kaya kapag sila’y inintindi ninyo, pinakinggan ninyo, at sinunod ang kanilang mga tagubilin, walang-alinlangang protektado at nailalayo kayo sa mapanlinlang na kapaligiran. Samantalang ang mga suwail, ang mga lapastangan, ang pagkakataong ito na makapaglingkod sa kanila ay nawawala.
4