Be Sincere Don't Imitate (In Filipino)

Page 1

Monday, February 20, 2017

Maging Tapat at Hindi Mapagkunwari Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala

Om Viṣṇupād Śrīla Bhakti Rakṣak Śrīdhar Dev-Goswāmī Mahārāj

Deboto: Ang sabi po ninyo huwag tayong titigil sa pagtahak sa debosyunal na landas kahit na ano pa ang mangyari. Kaya lamang, may mga bagay na noong ginagawa na natin akala po natin ay tama, ‘yun pala’y mali… Srila Sridhar Maharaj: Sa landas na ito, hindi maiwasan na tayo ay magkamali. 1


Papaano natin ito maiiwasan? Halimbawang tayo nga’y magkasala o kaya nagkamali, ano ang dapat nating gawin upang ito’y tuluyan nang mapawi sa aktin? Ito ba ang gusto mong itanong sa akin? Deboto: Papaano po natin malalaman kung tama ang ginagawa natin. Minsan kahit na tapat pa ang isang tao, ito’y nagkakamali parin, ano po ba ang dapat naming gawin upang muli kaming makabalik… Srila Sridhar Maharaj: Alam mo, ang ganitong katanungan ay napakalawak dahil tumutukoy ito sa iba’t-ibang sitwasyon o kalagayan, at kung ang tanong mo, ito ba’y makakatulong sa atin, ewan ko, hindi ko alam. Alam mo, dahil sa pagiging maliit at may-hangganan natin, walang-alinlangang lahat tayo’y tiyak na magkakamali sa harap ng Kalubusan at Walang-hangganan. Dahil likas na sa tulad nating maliliit at may-hangganan ang magkamali at magkasala. Deboto: Oo nga po. Srila Sridhar Maharaj: Mapapansin mong habang ika’y tumataas, ika’y palaging nagkakamali parin, pakiramdam mo ika’y parang palaging nagkakasala. Parang ganun. jagai madhai haite muni se papistha purisera kita haite muni se laghistha ‚Lahat na lang ata ng gawin ko’y puro mali. Bakit ganun, hindi ko maiangat ang sarili ko sa mga ipinapatupad na panuntunan.‛ Hindi ba’t ang sabi sa atin, lahat ng nasa negatibong bahagi, ay puro ganun, palaging nagkakasala at nagkakamali. Kung ganoon, 2


di-maikakailang tayo’y kabilang sa negatibong bahagi, na palaging nagkakamali at nagkakasala. At kapag namulat ka sa ganitong klaseng kamulatan, ibig sabihin, ika’y tumataas na, kung kaya’t habang tumatagal, sa bawat pagkilos at galaw ika’y higit na nag-iingat. ‚Bakit ganun, parang wala na ata ako magawang matino. Palagi na lang akong nagkakamali.‛ At sa linyang iyon, doon sa negatibong bahagi, sa aparadha, tayo dadaan, pataas. ‚Wala talaga. Kahit anong gawin ko, palagi na lang mali. Wala talaga akong kakayahan. Hindi ko kaya.‛ Hindi ba’t ganito din ang sinabi mismo ni Radharani, ‚Kulang pa. Hindi Ko parin lubusang mapaligaya si Krsna. Mabuti na lang, bagama’t hindi Ko Siya kayang pagsilbihan, dahil sa labis na kabaitan, Ako’y Kanyang pinagbigyan at tinanggap ang Aking inaalay.‛ Dapat ganito tayo, totoo at walang-halong pagkukunwari. __________ [12/13.8.81]

Śrī Gaura Vani is a page of Instruction from Sri Sri Guru and Gauranga published on the internet by Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines. Serving for the satisfaction of the Vaishnavas under the guidance of the Current President-Sevaite-Āchārya of Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh, His Divine Grace Om Viṣṇupād Śrīla Bhakti Nirmal Āchārya Mahārāj.

3


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.