Chapter 12 - Sri Sri Prema-Vivarta (in Filipino)

Page 1

Sri Sri Prema-Vivarta

Ika-Labindalawang Kabanata

MGA KADAKILAAN NG MGA

VAISHNAVAS

Debosyon kay Krsna at sa mga banal na lugar [Krsna-bhakti o tirtha] jalamaya tirtha mrtsilamaya murti bahu-kale deya jiva-hrde dharma sphurti [1] jalamaya tirtha—mga banal na tubig [at] mrtsilamaya murti—mga Imahen ng Poon; sphurti deya—na inilahad sa atin; dharma—relihiyon; jiva-hrde—na nasa puso nang lahat ng kaluluwa; bahu kale—na pinaglumaan na nang panahon. [1] Pagsasalin-wika Sa pamamagitan nang mga banal na tubigan (tulad ng mga banal na ilog, sapa, lawa, atbpa.) at mga Imahen ng ating Poon, unti-unti nating masisilayan ang dharma na nasa loob ng puso nang lahat ng kaluluwa. [1] krsna-bhakta dekhi' dure yaya sarvanartha krsna-bhakti samudita haya paramartha [2] (Subalit) dekhi’—sa sandaling makita mo; krsna-bhakta—kahit isang deboto ni Krsna; sarvanartha—lahat ng klaseng harang, kahit na pa ang mga ito; yaya—ay matatanggal; dure—nawawala; [at] paramartha—ang pinakamataas sa lahat ng yaman; krsna-bhakti—debosyon kay Krsna; samudita haya – ay magsusulputan at todong mamumukadkad. [2]

Ika-Labindalawang Kabanata

1


Sri Sri Prema-Vivarta Pagsasalin-wika Sa lahat nang debosyon, ang debosyon kay Krsna ang pinakamataas, kaya lamang ang kayamanang ito’y natatakpan at nahaharangan, [subalit] kapag nasilayan ng inyong mga mata ang kahit isang deboto ni Krsna, lahat ng nakabara at humaharang dito ay agad na mawawala, at mapapansin ninyo ang ganap na pamumukadkad nang debosyon kay Krsna. [2]

Halimbawang nakasama nga natin ang mga sadhus, ano ang ating mapapala? [sadhu-sangera phala] samsara bhramite bhava-ksayonmukha yabe sadhu-sanga-samghatana bhagya-krame habe [3] ksayonmukha—nahinto, bhagya-krame—ayon sa kanilang kapalaran; sadhu-sangasamghatana habe—maaari nang makapiling ang mga sadhus. [3] Pagsasalin-wika Higit na pinagpapala ang sinomang kaluluwa kapag sadhus ang kanilang nakasama, dahil tiyak na mahihinto ang kanilang samsara, na sila’y muli’tmuling isinisilang sa iba’t-ibang klase at uri ng buhay. [3] sadhu-sanga-phale krsne sarvesvaresvare bhavodaya haya bhai jivera antare [4] bhai—Kapatid; sadhu-sanga phale—sa sandaling makasama ninoman ang mga sadhus; sarvesvaresvare krsna bhavodaya haya – magkakaroon kayo nang debosyon kay Krsna, sa Panginoon nang lahat ng Panginoon; jivera antare—doon mismo sa loob ng puso nang lahat ng kaluluwa. [4] Pagsasalin-wika Kapatid, sa sandaling makasama ninyo ang mga sadhus, tiyak na sisibol sa loob ng puso ninyo ang debosyon kay Krsna, sa Panginoon nang lahat ng Panginoon. [4]

Ika-Labindalawang Kabanata

2


Sri Sri Prema-Vivarta Ang mga Baguhang Deboto [prakrta va kanistha bhakta] sei ta' prakrta bhakta diksita ha-iya krsnarchana kare vidhi-margete vasiya [5] sei ta’—Sila; prakrta bhakta—ang mga baguhang deboto; disita ha-iya—ay nabinyagan [at]; krsnachana kare—sinasamba si Krsna; vasiya—sumusunod na; vidhi-margete—sa mga ipinatutupad na regulasyon at pamantayan. [5] Pagsasalin-wika Magmula nang magpabinyag ang mga baguhang deboto nasa tamang pamantayan at panuntunan na ang kanilang pagsamba kay Krsna. [5] uttama madhyama bhakta na kare vichara suddha-bhakte samadara na haya tahara [6] vichara kare na – walang sinoman ang makakaalam [kung sino sa kanila] uttama madhyama bhakta – ang mataas na deboto, [at] tahara samadara haya na – kanilang binabalewala; sudha-bhakta – ang mga dalisay at purong deboto. [6] Pagsasalin-wika Dahil sa pagiging baguhan, hindi nila mawari kung sino sa mga deboto ang may mataas na kamulatan, at kung sino sa kanila ang dalisay at wagas, kung kaya’t meron parin silang tinatangi at inaayawan. [6]

Ang debotong may matataas at malawak na kamulatan [madhyama bhakta] krsne prema, bhakte maitri, mudhe krpa ara suddha-bhakta-dvesi upeksa yanhara [7] tihon ta' prakrta bhakti-sadhaka madhyama ati sighra krsna-bale ha-ibe uttama [8] tihon ta’ yanhara—lahat ng mayroong; prema – nagmamahal o may pag-ibig; krsne – kay Krsna; maitri -- nakikipagkaibigan; bhakte – sa mga deboto; krpa – mahabagin; mudhe – sa mga walang-alam at malay; ara – at; upeksa – binabalewala at hindi pinapansin; sudha-bhakta-dvesi – ang mga taong walang Ika-Labindalawang Kabanata

3


Sri Sri Prema-Vivarta modo at galit sa mga dalisay na deboto [ay]; prakrta madhyama bhakti-sadhaka – sa mga totoong tao na tunay talaga ang kanilang debosyon. Krsna-bale – dahil sa pagpapala at habag sa kanila ni Krsna; uttama ha-ibe – tumataas ang kanilang kamulatan; ati sighra – napakabilis. [7-8] Pagsasalin-wika Marami ang nagsasabing mahal daw nila si Krsna, kung ganoon, dapat kaibigan din nila ang Kanyang mga deboto, at dapat ang puso nila’y malambot, naaawa sa mga hangal at mangmang, subalit pagdating sa mga taong mahilig tumuligsa sa mga dalisay at purong deboto ito ay kanilang iniiwasan, kapag ganito ang pag-uugali nang isang deboto ibig sabihin mataas ang kanyang kamulatan pagdating sa debosyon. At dahil tumataas at lumalawak ang kanilang kamulatan, ibig sabihin sila’y pinagpapala ni Krsna. [7-8]

Ang mataas na deboto (uttama-bhakta) sarva-bhute sri-krsnera bhava sandarsana bhagavane sarva-bhute karena darsana [9] satru-mitra-visayete nahi raga-dvesa tihon bhagavatottama ei gaura-upadesa [10] tihon – lahat ng; sandarsana – nakakakita; sri-krsnera bhava – ang presensya ni Krsna; sarva-bhute – sa lahat ng nilalang [at]; darsena karena – nakikita nila; sarva-bhute – ang lahat ng nilalang; bhagavane – sa loob ng Panginoon, [at]; nahi – walang kahit anumang; raga-dvesa – hindi naaakit o kaya’y may ngit-ngit o galit; satru-mitra-visayete – sa mga kaaway, kaibigan, o sa mundo man [ay]; bhagavatottama – mataas na klaseng deboto. ei – sila [ay]; gaura-upadesa – katauhan ng mga turong-aral ni Gaura. [9-10] Pagsasalin-wika Kapag sinabing mataas na klaseng deboto, ibig sabihin nasisilayan nila ang presensya ni Krsna sa lahat ng nilalang, at sila’y nasa loob din ni Krsna, pagdating sa ibang tao at maging sa mundong ito, sinoman sa kanila ay wala silang kinagigiliwan at wala din kinaiinisan. Ito ang turong-aral ni Gaura. [9-10]

Ika-Labindalawang Kabanata

4


Sri Sri Prema-Vivarta Alamin kung papaano ginagamit nang mga matataas na deboto ang mga materyal na bagay [uttama bhaktera visaya-svikara] visaya indriya-dvare kariya svikara raga-dvesa-hina bhakti jivane yanhara [11] samasta jagat dekhi' visnu-maya-maya bhagavata-ganottama sei mahasaya [12] sei mahasaya yanhara – Ang mga dakilang debotong ito na; svikara kariya – tinanggap o kaya’y ginamit; visaya – ang mga material na bagay; indriya-dvare – sa pamamagitan ng kanilang mga pandama, (tulad ng mata, bibig at tainga, atbpa.); bhakti jivane – bilang debosyon ng (kanilang) buhay; raga-dvesa-hina – sinoman sila ay walang kinagigiliwan at kinaiinisan, (at sa sandaling); dekhi’ – kanilang masilayan; samasta jagat – ang buong sandaigdigan (na); visnu-mayamaya – na binuo mula sa lakas at kapangyarhan niVhnu, (ay); bhagavataganottama – mataas sa lahat ng deboto ng Panginoon. [11—12] Pagsasalin-wika Bagama’t ang mga dakila at matataas na kaluluwa ay gumagamit din ng materyal na bagay subalit sila’y naiiba sa kanila dahil ang buhay nila ay nasa landas ng debosyon, ganunpaman alinman sa mga materyal na bagay ay wala silang kinagigiliwan at kinaiinisan, batid nila na ang lahat ng ito maging ang buong sandaigdigan ay nagmula sa kapangyarihan at lakas ni Vishnu, kung kaya’t sa lahat ng deboto ng Panginoon, sila ang pinakamataas. [11-12]

Kayang kontrolin ng mga debotong ito ang kanilang sarili [tahara indriya-vrtti parichalana] dehendriya-prana-mana-buddhi-yukta-sabe janma nasa ksudha trsna bhaya upadrave [13] anitya samsara-dharme hana moha-hina krsna smari' kala kate bhakta samichina [14] (Bagama’t) dehendriya-prana-mana-buddhi-yukta-sabe – maeron din silang material na katawan, sariling mga pandama, tulad ng mata, tainga, at ilong, at iba pa., may sariling-buhay, sariling isip at katalinuhan; samichina bhakta – mga Ika-Labindalawang Kabanata

5


Sri Sri Prema-Vivarta matatalinong deboto; moha-hina hana – nananatiling di-naaapektuhan; janma nasa ksudha trsna bhaya udaprave – saanman sila ipanganak at papaano mamatay, kahit dumanas pa (sila) ng matinding gutom, uhaw, takot, at kaguluhan; anitya samsara-dharme -- batid nilang sa loob ng mundong ito ang lahat ng bagay tulad ng paghihirap ay pansamantala lamang; kala kate – ang panahon (nila’y palaging) palaging ginugugol sa; smari’ -- sa pagsariwa nang mga bagay tungkol; krsna – kay Krsna. [13-14] Pagsasalin-wika Ang mga debotong ito’y tulad din natin, may kamay, paa, tainga, bibig at mata, may sariling buhay, isipan at katalinuhan, ganun pa man, hindi sila apektado kung anoman ang maging kalagayan nila sa buhay, wala din silang pakialam saanman sila ipanganak, at kung papaano mamamatay, dumanas man sila nang matinding gutom at uhaw, takot at pangamba, alam nila tulad ng mundong ito, ang lahat ng ito ay pawang pansamanta at panandalian lamang. Dahil ang panahon at isipan nila ay nandoon na kay Krsna. [13-14].

Tulad natin, makikita mong sila’y kumikilos at gumalaw din subalit ito’y upang mabuhay lamang, upang maging malusog ang kanilang pangangatawan – at hindi para sa pansariling kahambugan at kayabangan [tahara karma deha-yatrarthe matra-kamera janya nahe] yanra chitte nirantara yasoda-nandana deha-yatra-matra kama-karmera grahana [15] yanra chitte – at dahil nasa puso nang mga debotong ito; yasoda-nandana – si Krsna; nirantara – palagi; grahana – ginagawa nila; kama-karmera – mga tulad na gawain sa mundo; deha-yatra-matra – upang mabuhay at maging malusog ang pangangatawan lamang. [15] Pagsasalin-wika Bagama’t ang mga debotong ito ay makikita mong kumikilos at gumagawa din ng iba’t-ibang klaseng trabaho at gawain subalit ito’y upang mabuhay lamang, at kailanma’y hindi nawala sa puso nila si Krsna. [15]

Ika-Labindalawang Kabanata

6


Sri Sri Prema-Vivarta kama-karma-bija-rupa vasana tanhara chitte nahi janme ei bhakti-tattva-sara [16] vasana – materyal na hangarin; kama-karma-bija-rupa – ang binhi ng ating kamunduhan; janme nahi – walang lumalabas; tanahara chitte – sa kanilang puso; ei – Itong; bhakti-tattva-sara – ang pinagmulan nang debosyon. [16] Pagsasalin-wika Kailanma’y hindi umusbong sa kanilang puso ang maghangad nang mga materyal na bagay, na siyang binhi ng pagiging makamundo. Ito ang diwa ng debosyon. [16]

Alam nang mga kaluluwang-nagpapailalim sa kapangyarihan ng Panginoon na hindi sila ang materyal na katawang ito [hari-jana dehatma-buddhi-hina] jnana-karma-varnasrama dehera svabhava tahe sanga-dvara haya 'aham-mama'-bhava [17] jnana-karma-varnasrama – kaalaman, mga pagkilos at galaw, at mga gawaing panlipunan (ay); svabhava – mga katangian; dehera – ng ating katawan, (at); ‘aham-mama’-bhava – ang konseptong ‘ako’ at ‘akin’; haya – ay bunga ng; sangadvara – pagkagiliw natin; tahe – sa kanila. [17] Pagsasalin-wika Sa bawat kibo, kilos at galaw marami tayong natututunan subalit ang lahat ng ito’y para lamang sa ating materyal na katawan, at tuwing sinasabi nating ‘ako’ at ‘akin’ hindi ba’t ito’y nagpapasaya sa atin. [17] deha-sattve 'aham-mama'-bhava nahi yanra hari-priya-jana tihon, karaha vichara [18] vichara karaha – bigyan natin ng pansin; tihon yanra nahi – ang mga taong ito na walang; ‘aham-mama’-bhava – wala sa kanilang isipan ang salitang ‘ako’ o kaya ‘akin’; deha-sattve – pagdating sa (kanilang) katawan (na); hari-priya-jana – mahal ng Panginoon. [18]

Ika-Labindalawang Kabanata

7


Sri Sri Prema-Vivarta Pagsasalin-wika Subalit may mga taong walang ‘ako’ o kaya ‘akin’ sa kanilang katawan, kung ganoon sila ang mahal ng Panginoon. [18]

Ang Pagiging Pantay at Parehas sa lahat ng nilalang na maybuhay [sarva-bhute sama-buddhi-sampanna] vitta-sattve tahe chhadi' sva-para-bhavana 'tumi' 'ami'-sattva-bhede mitrari-kalpana [19] sarva-bhute sama-buddhi santa yei jana bhagavatottama bali' tanhara ganana [20] anhara yei santa jana – ang mga kaluluwang tahimik at payapa ang kalooban; chhadi’ – itinatakwil; sva-para-bavana –sa kanilang kaisipan ang konsepto ng ‘ito’y akin’ at ‘aking pag-aari’ at ‘pag-aari ng iba’; vita-sattve tahe – pagdating sa mga bagay na kanilang pag-aari; sattva-bhede – wala silang sinu-sino; ‘tumi’ – ‘Ikaw’ (at); ‘ami’ – ‘Ako’, (at); mitrari-kalpana – kung sino ang kaibigan at kaaway, (at); sama-buddhi – parehas; sarva-bhute – tungo sa lahat ng nilalang (ay); ganana – itinuturing na; bali’ – na; bhagavatottama – mga matataas na klaseng deboto. [19-20] Pagsasalin-wika May mga kaluluwa na dahil sa pagkakaroon nang tahimik at payapang kalooban ay pantay-pantay at parehas ang pagtingin sa lahat ng nilalang, walang kaibigan at walang kaaway, walang inaari, na ito’y ‘Kanya’ at ‘Akin’, dahil mataas ang kanilang kamulatan. [19-20] krsna-pada-padme sei sura-mrgya dhana bhuvana-vaibhava lagi' na chhade ye jana [21] krsna-pada-smrti nimesardha nahi tyaje vaisnava-agrani tihon paranande maje [22] tihon ye jana – Sila; chhade na – hindi umalis; krsna-pada-padme – ang lotus na talampakan ni Krsna; sei sura-mrgya dhana – ang yamang minimithi-mithi ng mga matatalinong-tao; lagi’ – alang-alang sa; bhuvana-vaibhava – material na yaman, (at); tyaje nahi – hindi kinaliligtaan; krsna-pada-smrti – na maalala ang Ika-Labindalawang Kabanata

8


Sri Sri Prema-Vivarta paanan ni Krsna; nimesardha – kahit saglit; vaisnava-agrani – mga matataas na deboto (at); maje – nakalublob; paranande – sa labis-labis na banal at kalugudlugod na kaligayahan. [21-22] Pagsasalin-wika Ang gusto ng iba ay manatili sa lotus na paanan ni Krsna, ang yaman na matagal nang hinahanap-hanap nang mga matino at matatalinong-tao, kaysa maging marangya sa materyal na mundo, kahit saglit hindi nawala sa isipan nang mga ganitong tao ang lotus na paanan ni Krsna, sila ang mga debotong mataas na kaalaman at kamulatan at palaging nagtatampisaw sa banal na kalugud-lugod na kasiyahan. [21-22]

May tatlong klase ng kahirapan subalit hindi ito dinanas nang mga deboto [bhakta tritapa-mukta] krsna-pada-sakha-nakha-mani-chandrikaya nirasta sakala tapa yanhara hiyaya [23] se kena visaya-surya-tapa anvesibe hrdaya sitala tara sarvada rahibe [24] kena – bakit; se – ang kaluluwa; yanhara hiyaya – na ang puso ay; sakala – lahat; tapa – mga paghihirap; nirasta – tinataboy; krsna-pada-sakha-nakha-manichandrikaya – na tila sinag ng buwan mula sa kislap at ningning ng mga kuko sa paa ni Krsna; anvesibe – hinahanap; visaya-surya-tapa – mga paghihirap bunga ng mala-araw na sinag ng iba’t-ibang klaseng kamunduhan; tara – Kanilang; hrdaya – puso; rahibe – ay mananatiling; sitala – malamig; sarvada – palagi. [23-24] Pagsasaling-wika Kung ang lahat ng kalungkutan at paghihirap ay tinaboy na sa puso nang kaning-ningang nagmumula sa mga kuko ng daliri nang paa ni Krsna na animo ay sinag nang buwan, bakit kailangang maghanap pa kayo nang araw na punung-puno naman ng kamunduhan? Kung alam lamang sana ninyo, ang puso nang ganoong klaseng kaluluwa ay payapang-payapa na at masayang-masaya na sa kanyang kalagayan. [23-24]

Ika-Labindalawang Kabanata

9


Sri Sri Prema-Vivarta Karagdagang katangian nang mga matataas na deboto [uttama bhaktera anyanya laksana] ye bendhechhe prema-chhande krsnanghri-kamala nahi chhade hari tara hrdaya sarala [25] hari – Ang Panginoon; chhade nahi – kailanma’y di-umalis; sarala hrdaya – ang mga tapat na puso; tara ye – silang mga; bendhechhe – ginapos na; krsnanghrikamala – sa lotus na paanan ni Krsna; prema-chhande – nang lubid ng banal na pag-ibig. [25] Pagsasalin-wika Alam ba ninyo kung bakit kailanma’y hindi umalis ang Panginoon sa puso nang mga totoo at tapat na deboto? Ito po’y dahil sa mahigpit na iginapos nang mga debotong ito ang lotus na paanan ng Panginoon sa pamamagitan nang banal na pag-ibig. [25] avaseo yadi mukhe sphure krsna-nama bhagavatottama sei, purna sarva kama [26] yadi – sakali man; avaseo – kahit di-sinasadya; krsna-nama – ang Pangalan ni Krsna; sphure – magpapakita; mukhe – sa (kanilang) bibig; (kung ganoon) sei – sila (ay); bhagavatottama – debotong may mataas na kamulatan, (at); sarva kama – lahat ng (kanilang) minimithi at mga pangangailangan (ay); purna – nagkakaroon ng katuparan.[26] Pagsasalin-wika Halimbawang hindi talaga sinasadyang nabigkas nang mga matataas na deboto ang Pangalan ni Krsna, ganunpaman kung anoman ang naging kahilingan nila ay nagkakatotoo. [26] svadharmera guna-dosa bujhiya ye jana sarva dharma chhadi' bhaje krsnera charana [27] sei ta' uttama bhakta, keha tara sama na achhe jagate ara bhagavatottama [28]

Ika-Labindalawang Kabanata

10


Sri Sri Prema-Vivarta sei ta’ ye jana – Sila; bujhiya – nakakaunawa; guna-dosa – ang mga katangian at mga pagkukulang; svadharmera – nang mga gawaing panlipunan (ang iba’t-ibang tungkuling nakapaloob sa kanilang varna at asram), (kung kaya’t dahil dito); chhadi’ – isinasantabi; sarva dharma – ang lahat ng (ganoong klaseng) tungkulin at Gawain, (at); bhaje – maglingkod; charana – ang paa; krsnera – ni Krsna (ay); uttama bhakta – debotong may mataas na kamulatan; jagate – sa buong sandaigdigan; keha achhe na – walang; ara – ibang; bhagavatottama – matataas na klaseng deboto; tara sama – parehas sa kanilang lahat. [27-28] Pagsasalin-wika Lahat tayo ay may tungkulin na dapat nating gawin, may nakakaunawa kung ano ang katangian at kapintasan nang mga ginagawa natin, may mga deboto na dahil mataas ang kanilang kamulatan ito ay kanilang iniiwan dahil masninais pa nilang pagsilbihan ang paanan ni Krsna. Maglibot ka man sa buong mundo wala kang makikitang makakapantay o kaya makahihigit pa sa mga ganitong klaseng deboto. [27-28] krsnera svarupa ara namera svarupa bhaktera svarupa ara bhaktira svarupa [29] janiya bhajana kare yei mahajana tara tulya nahi keha vaisnava sujana [30] keha vaisnava sujana nahi – pagdating sa katapatan wala nang hihigit pa sa mga ganitong klaseng deboto; tulya – kapantay; tara yei mahajana – sa mga dakila at kapita-pitagang kaluluwa na; bhajana kare – naglilingkod; janiya – nakakauna; krsnera svarupa – ang totoong katayuan ni Krsna; namera svarupa – ang tunay na katangian ng Pangalan; bhaktera svarupa – ang tunay na katangian nang mga deboto; ara ara – at; bhaktira svarupa – ang tunay na katangian ng debosyon. [2930] Pagsasalin-wika Pagdating sa katapatan, wala nang makakapantay sa mga dakila at kapitapitagang deboto na patuloy na naglilingkod, dahil batid nila kung sino si Krsna, kung ano ang tunay na katangian ng Pangalan, kung ano ang katangian nang mga deboto, at kung ano ang totoo at tunay na katangian ng debosyon. [29-30] svarupa na jane tabu ananya-bhavete sri-krsne saksat bhaje nama-svarupete [31] Ika-Labindalawang Kabanata

11


Sri Sri Prema-Vivarta tihon bhaktottama bali' janibere bhai ei ajna diyachhena chaitanya gosani [32] bhai – Kapatid; janibere – batid nila; tihon – ang mga; jane na – mangmang at walang-malay; svarupa – ang mga katotohanang ito; tabu – subalit; ananyabhavete – bukod-tangi (at); saksat – tuwiran; bhaje – maglingkod; sri-krsne – Sri Krsnanama; svarupete – sa anyo ng (Kanyang); Name bali’ – na; bhaktottama – mga matataas na deboto. Chaitanya gosañi – Panginoong Chaitanya; diyachhena – nagbigay; ei – itong; ajna – kautusan. [31-32] Pagsasalin-wika Tandaan mo Kapatid, kahit na ang katotohanang ito’y hindi lubusang nauunawaan nang ilan, subalit kung katangi-tangi at direkta naman nilang pinagsisilbihan si Krsna sa anyo nang Kanyang Pangalan, dapat sila’y itinuturing na mga matataas na deboto din. Hindi ba’t ang nagsabi nito ay mismong Panginoong Chaitanya. [31-32]

Isinalin sa wikang Filipino Nang mga debotong kasapi ng Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines Sri Nama Hatta Center U.P. Campus, Diliman, Quezon City (+63) 09498332414

Ika-Labindalawang Kabanata

12


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.