Chapter 1 Ang Kamulatan Para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Pag iibigan at Kariktan

Page 1

Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan

Mabuhay si Śrī Guru at si Śrī Gaurāṅga Purihin ang Kanilang Kadakilaan

Unang Kabanata

Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Kṛṣṇa Ay Pawang Pag-iibigan at Puro Kariktan Sa pagpasok ng ika-dalawampung siglo, isang makatang taga Bengal, si Hemachandra, ang noo’y nagsulat nang ganito, “Napakaraming bansa ang pumapaimbulog sa katanyagan: ang lupaing ito, at ang lupaing iyon— tignan mo ang bansang Japan na bagama’t maliit na bansa lamang, tulad ng araw ang gusto’y sumikat din. At tanging India na lamang ang matagal nang nahihimbing.” At noong banggitin ni Hemachandra ang nasa iba pang bahagi ng mundo, ganito ang kanyang nasabi, “Pagmasdan ninyo ang pag-imbulog ng Amerika, halus lamunin na nito ang buong mundo. Palagi na lang humihiyaw at naghahamon nang pakikipagdigmaan, buong mundo’y nangangatog dahil sa labis na takot. Masyadong mainit ang bansang Amerika pati na ba naman ang mga planetang nasa kalawakan ay gusto din nitong hablutin, at pakialaman.” Ganito ang naging paglalarawan ni Hemachandra. Ito’y tulad din noong pinuntahan ni Bhaktivedānta Swāmī Mahārāj ang bansang Amerika dahil ayon sa kanya gusto din niya itong hubugin sa pamamagitan ng kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa. Ang sabi niya’y ganito, “Halikayo, samahan ninyo ako at puntahan natin ang bansang iyon at baguhin sa pamamagitan ng kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa.” Bakit, ano ba ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa? Ang kamulatang ito para sa kamalayan kay Kṛṣṇa ay tungkol sa pag-iibigan at kariktan. Ang pangingibabaw nang tunay na pag-ibig at kagandahan; at hindi ang pagiging makasarili, ang pagiging mapagsamantala. Hindi ba’t kadalasan, kapag nakakakita tayo ng isang bagay na maganda, ang gusto natin ay agad natin itong tikman, subalit ang totoo, ang hindi natin alam Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 1


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan ang kagandahang ito ang mismong bumighani sa atin, kung ganoon siya ang ating amo at tayo’y sunud-sunuran lamang sa kanya, dahil ang kariktang ito ang pangunahing prinsipyo na kumukontrol sa lahat ng bagay. At ano naman ba ang pag-ibig? Kapag sinabing pag-ibig ito ay nangangahulugan ng pasasakripisyo. Subalit ito’y hindi para sa ating interes. Kung ganoon kanino? At bakit hindi tayo ang dapat makinabang nito? Ito po ay dahil kabilang tayo sa grupo ng nagsasakripisyo: sa grupo nang mga nagpapailalim, doon sa negatibong partido, na ang ibig sabihin tayo ay kabilang sa grupo ni Mahābhāva. Ang prinsipyo ng pag-ibig ay nakabatay sa pagsasakripisyo, subalit kanino tayo dapat nagsasakripisyo? At halimbawang gusto nating magsakripisyo sino ang dapat makinabang? Dapat ang pag-ibig, dapat Siya lamang ang makikinabang. Kung ganoon, dapat pala, lahat ng ginagawa natin ay itinutuon natin sa sentrong ito, at dapat doon din natin sa Kanya binibigay ang ating ambag, at dapat ang enerhiyang ito ay sa Kanya lamang natin ginagamit at hindi sa kung saansaan at kung kani-kanino lamang. Kung ganoon, dapat pala ay sinusundan natin ang ganitong kasabihan, ang, “Mamatay upang mabuhay.” At sa pamamagitan ng diwang ito, magsama-sama tayo, magkaisa tayo, para sa iisang pagkilos para sa tunay na pag-iibigan at kariktan. Bandila ng Pag-iibigan At nang sa ganoon, maging matagumpay at manaig sa mundong ito ang kagandahan. At maging ang pag-iibigan. Ang kailangan lamang natin ay isakripisyo ang lahat ng bagay upang makita nating nagwawagayway sa buong mundo ang bandila ng banal na pag-iibigan, alam ninyo kahit na katiting lamang ang tangan ninyong banal na pag-ibig ito ay sapat na upang magdulot nang kapayapaan sa lahat ng panig nang mundo. Ang pakikipaghamok nating ito ay tulad sa pakikipaghamok nang mga sundalo sa isang digmaan, hindi ba’t maging ang kanilang buhay ay kanilang inalay para sa inang bayan, para sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon? Kung ganoon, dapat ganun din tayo, dapat handa din nating Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 2


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan isakripisyo ang ating buhay, upang makamit din natin ang tunay na kapayapaan. Alam ninyo, doon sa Vṛndāvan, doon sa lupain ni Kṛṣṇa, ang panuntunan ng pagsasakripisyo ay walang hangganan, doon silang lahat ay walang-tigil at araw-araw na nagsasakripisyo. At doon sa lugar na iyon, lahat ng naroroong deboto’y handang magsakripisyo para kay Kṛṣṇa, kahit na ano pa ang ipagawa sa kanila, ito’y handa parin nilang gawin alangalang kay Kṛṣṇa . Kaya kapag ang ganitong klaseng prinsipyo ng buhay ang siyang naghari na sa atin, walang-alinlangang agad nating makakamit ang kapayapaan. Dapat kailangang manaig ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa kaysa ibang paniniwala. Dahil silang lahat ay nasa likuran at sumusunud lamang sa kamalayan kay Kṛṣṇa. Sa Vṛndāvan, doon sa lupain ni Kṛṣṇa ang ipinakitang huwaran nang mga tagaroon ay higit na masmataas kaysa sa lahat ng iba pang huwaran. Kapag ipinaghambing natin ang konsepto ng līlā ni Śrī ChaitanyaMahāprabhu sa lahat ng iba pang konsepto nang paniniwala, makikita ninyong ito’y higit na masmataas pa sa iba. Dahil narating na nang konsepto ng paniniwalang ito ang pinaka-rurok. At sa lahat, ito na ang pinakamataas na hantungan, kaya dapat ang bagay na ito ay unti-unti din nating ipinapaliwanag sa iba, dapat ito’y pinag-iisipan nating maigi, pinaniniwalaan at ipinapangaral. Atomikong Kamatayan Dahil kung wala nito, anong klaseng kapalaran ang naghihintay sa atin, sa palagay kaya ninyo may-katuturan pa ba ang lahat ng ito? Hindi ba’t lahat ay mauuwi din sa kamatayan, at ito’y walang-alinlangang naghihintay sa atin. Kung ganoon, kung ako sa inyo, huwag kayong masyadong maging mayabang at ang mala-siyentipikong sibilisasyong ito ay palagi na lang ninyong ipinagmamalaki at ipinagyayabang. Hindi ba’t ang sabi, lahat ay nauuwi sa kamatayan, kung ganoon, ito ang naghihintay sa inyo, ang maghintay nang kamatayan dahil sa naimbento ninyong Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 3


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan bomba atomika o kung kundi man, ay natural na kamatayan. Sa madalingsalita, walang-sinoman sa atin ang makakatakas sa kamatayan. Tulad ng sinasabi ng isang isang Englishman sa kanyang tula: Magtampisaw ka man sa labis na kapangyarihan, ibandera mo man ang iyong kahambugan, Ang kariktan nito at dulot na karangyaan, Ay paroroon din sa di maiiwasang kalagayan: Hindi ba’t lahat tayo ay pauwi din sa libingan. ---Thomas Gray isang malungkot na tula para sa mga naulila ng namatay Hindi ba’t sa lahat, walang-alinlangang ito ang pinakamatinding panganib na tiyak nating haharapin? Kung ganoon, bakit ayaw parin ninyo itong pansinin? Bakit ayaw pa rin ninyong bigyan ng solusyon ang ganitong klaseng suliranin? Hindi ba’t ang sabi ninyo kayo’y mga magagaling at magigiting na tao, at iginagalang pa sa lipunan, hindi ba’t ang pinaka-problema nang bawat atomo dito sa mundo ay itong kamatayan? Kung ganoon, ano ang naging solusyon ninyo dito? Hindi ba’t sa lahat, ang kamatayan ang pinaka-mapanganib dahil lahat tayo ay gusto nitong lamunin? Hindi ba’t lahat tayo, kahit na siyentista pa kayo, insekto, o mikrobyo ay nakatakdang mamatay? Kung ganoon, ano ang naging solusyon ninyo sa kamatayan? Hindi ba’t ito naman talaga ang pinakaproblema nang buong sandaigdigan? Ito ba’y inyo nang nasolusyunan? May naisip na ba kayong paraan? O baka naman puro pagsasamantala lang ang inaatupag ninyo? Alam ninyo, magmula nang matuto ang mga tao sa mga aral ninyo, puro reaksyon at karma lang ang kanilang napala, kung kaya’y masyado nang bumaba ang buhay nila sa mundo. Hindi ba’t totoo naman talagang puro pagsasamantala lang ang ginawa ninyo sa ating kalikasan? Kaya humanda kayo, kayong lahat na nakinabang ay tiyak na magbabayad hanggang sa kaliit-liitang utang. Hindi ba’t ‘kayo’ mismo ang nagsabi nito, “sa bawat kilos at galaw ay may katumbas na reaksyon.” Ito ba’y nakalimutan na ninyo? Hindi na po ba ninyo ito natatandaan? Bakit hanggang ngayo’y hindi parin ninyo Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 4


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan malutas ang ganitong klaseng problema? Kung ganoon, samakatuwid, kayo’y palpak, hindi ba’t ang sabi ninyo gaganda ang buhay ng tao, ganoon ba ang nangyari? E, bakit nasa alanganin parin sila sa mundo, na sa halip na bumuti ang kanilang buhay ay maslalu pa silang nalagay sa tiyak na kapahamakan. Ito ba ang sinasabi ninyong nagawa ninyo? Na, sa halip na magbigay ng solusyun, lahat kayo’y nagtakbuhan, at tahasang iniwasan ang nakaambang panganib, sinayang lang ninyo ang inyong buhay. Sa madaling salita, pinagtaksilan ninyo ang ating lipunan. Kaya kung talagang matapang kayo halikayo, at ito ang harapin ninyo, ang suliraning ito ang solusyunan ninyo dahil ito ang tunay na suliranin nating lahat, na bagama’t animo ito’y isang pangkaraniwang problema lamang, subalit sa lahat, ito pala ang pinaka-mapanganib na suliranin natin; dahil kung ayaw ninyo, umalis kayo at iwan na ninyo. Kami na lang ang bahala dito. Patutunayan namin sa inyo na meron talagang perpektong mundo, at ang mundong ito ay punung-puno ng kaligayahan. viśvaṁ pūrṇaṁ sukhāyate.

Sumisid sa Ilalim ng Realidad Subalit upang ito’y ating maunawaan, kailangang sumisid muna tayo, hindi po gamit ang ating katawan at isipan, kundi sa pamamagitan mismo ng kaluluwa. Dahil ang katotohanang ito’y nandoon sa loob natin. Wala po sa labas, na maaari nating kunin o kaya hiramin. Lahat tayo ay may Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 5


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan kaluluwa, at ito’y nasa loob lamang ng ating katawan, kahit ang mga insekto, puno at halaman ay may kaluluwa din. Samakatuwid, ang usaping ito’y tungkol sa kaluluwa. Kung ganoon, kung nais talaga nating matuklasan ang sarili nating katauhan, kailangang makawala pala muna tayo sa pisikal at mental na pagkakakulong. Samakatuwid, kailangang makawala muna tayo sa pisikal at mental na pagkakakulong. Doon natin matatagpuan ang susi, ang palatandaan kung papaano natin makikita ang totoo at maayos na mundo na masarap palang tirhan. Naroroon sa lugar na iyon ang kasagutan; dahil naroroon ang maraming mahājanas, mga dakilang santo, mula sa iba’t-ibang sekta ng relihiyon na nagbibigay nang kanilang aral, subalit ito naman ang aming masasabi, alam ba ninyo tanging ang India lamang, sa pamamagitan ng Bhagavad-gītā at Śrīmad Bhāgavatam, ang nakapagbigay nang pinakamataas na konsepto o paniniwala tungkol sa espirituwal na mundo. Kung kaya’t hinahamon namin kayo, ang sinasabi nami’y hindi bunga ng imahinasyon nang aming isipan; kundi ito’y isang praktikal na kaisipan. Hindi kami takbuhin pagdating sa problema, “Naku, wala na talaga itong lunas.” Dahil hindi kami kabilang sa grupong ibig lamang magkaroon nang magandang reputasyon at magkaroon nang mabuting pangalan. Ayaw naming mapabilang sa mga ganoong klaseng mapanlinlang na tao. Kaya halikayo at tignan ninyo kung papaano matatagpuan ang lupain ng realidad. Sa kampanyang ito, hindi kayo mapapagod. Halikayo at subukan ninyo ang programa namin; halikayo, kayo mismo ang tumingin kung ano ito. Bakit kayo nandito sa mundo? Sino ba kayo? Ano ba talaga ang tunay na lagay ng mundo? Matutunghayan natin sa lahat ng Banal na Aklat kagaya ng Koran, Bibliya, at Vedas ang isang pahiwatig at pag-asa tungkol sa buhay ng realidad, tungkol sa katotohanan. Sila ba’y nanloloko lamang? Masbilib pa ba kayo sa ibinigay nang mga materyalista? Hindi ba’t ito’y para lamang sa mga utu-uto, dahil alam natin kakaladkarin lamang nila Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 6


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan tayo sa lupain ng pangungutang, kung saan ang “bawat kilos at galaw ay may katumbas na reaksyon.” Kung ganoon, tama lamang pala na ilabas natin sa mundo ang sibilisasyong ito, na isang sagradong sibilisasyon. Samakatuwid, dapat pala sinusundan natin ang landas ng mga dakilang santo at nang mga banal na aklat. Dapat pala ito ang sinusunod natin. At ito’y hindi pala isang kabaliwan. Kaya halikayo, at kami na mismo ang magpapaliwanag nito sa inyo. Sa pamamagitan ng isang matalinhagang halimbawa ibinigay ni Śrī Chaitanya Mahāprabhu ang Kanyang solusyon. Ganito ang Kanyang sinabi, “Alam Kong kayo’y mahirap lamang, subalit nakikita Ko ang isang masayang solusyon sa inyong problema. Dahil may nakabaon na kayamanan sa ilalim ng inyong tahanan. Ito’y hukayin ninyo. Subalit huwag sa dakong katimugan, sa pamamaraan ng bigay-bawi ng karma, dahil sa dakong iyon, lahat ng gagawin ninyo ay magbibigay lamang sa inyo nang reaksyon at ito ang bibihag at gagambala sa inyo, mawawalan kayo nang pagkakataong makamit ang tamang solusyon. At kung doon naman kayo dadaan sa pakanlurang bahagi, sa sistema ng yoga, na nagmamanipula sa mga pino at di nakikitang lakas ng kalikasan upang marating ang isang supernatural na mistikong kapangyarihan, doon ay aakitin din kayo upang ilayo sa direksyon ng minimithing hangarin ninyo. Ang gawing ito sa maling direksyon ay magiging balakid sa inyong patutunguhan. Ang Multong Samadhi “Kung pahilaga ka naman dadaan, doon sa bahagi nitong malawak na brahmasmi, sa impersonal na konsepto, doon sa maling interpretasyon ng lohikang Vedic, tiyak na sa eternal na samadhi kayo mapupunta, doon tiyak na lalamunin kayo nitong malawak na multong ito, at mawawala ang buong katauhan ninyo. Kung ganoon, sino sa palagay ninyo ang magtatamasa sa kayamanang dapat sana’y para sa inyo? Kaya dapat tanging sa pakanlurang bahagi lamang kayo dumaan, sa pamamagitan ng debosyon, sa pamamagitan nang pagmamahalan, doon sa bahaging iyon Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 7


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan madali lamang ninyong matatagpuan ang inyong kayamanan. Dito sumisikat ang araw, na umiilaw sa ating dinadaanan. Ang liwanag na ito’y hindi natin gawa; ito’y nagmula pa sa pinagmulan nang lahat ng liwanag, sa hayag na katotohanan. Ito’y nagmula pa sa lugar na di-abot ng ating kaisipan. At ang liwanag na ito ay ang hayag na kaalaman, ito ang bhakti, ang landas ng debosyon. Dito kayo sa landas na ito dumaan habang hinahanap ninyo ang kayamamang nasa loob ninyo, at ito’y madali lamang ninyong mahahanap. Dito matutuklasan ninyo, na ang mga sarili pala ninyo’y walangalinlangang tunay na kahanga-hanga, āścharyavat paśyati kaśchid enam. Matapos ninyong matuklasan na kahanga-hanga pala ang inyong mga sarili, mahihiya kayo, at tiyak na ganito ang sasabihin ninyo, “Bakit ko hinayaang mabighani ang sarili ko sa kariktan ng materyal na mundong ito? Hindi ko alam, na ako pala ay isang kaluluwa. Papaanong ang isang katulad ko na kahanga-hanga at napakahalaga ay nabighani at nalagay sa ilusyon ni Māyā? Ang katahimikan at kapayapaang nasa loob ko ay matagal na palang dinadakila at pinagpipitaganan nang mga taong naging matibay sa espirituwal na pamumuhay, samantalang ako’y dito naman napadako sa mortal at nakaririmatim at bulok na bagay. Papaano akong napunta dito? Kahanga-hanga nga ang katahimikang nasa loob ko, subalit hindi ko sukat-akalaing nalinlang pala ako at sa kabila ako napunta.” At magmula sa ātmā, magpunta ka sa Paramātmā, at magmula sa kaluluwa sa Super na kaluluwa ka magpunta, at pagkatapos, magmula kay Vasudeva kay Nārāyaṇ ka magpunta, at magmula kay Nārāyaṇ kay Kṛṣṇa ka magpunta, ibig sabihin, ang mga kaalaman mo tungkol sa Diyos ay nagiging progresibo na talaga at ang usaping ito’y totoo palang siyentipiko; tunay na siyentipiko. Ang tawag sa ganitong kaalaman ay vijñāna, siyentipikong kaalaman: जजनन ततऽहन सववजजनवमदन वकयजमयशतषतत । यजजजतवज नतह भभययऽनयजजजतवमववशषयतत ॥२॥ Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 8


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan jñānaṁ te ’haṁ sa-vijñānam idaṁ vakṣyāmy aśeṣataḥ yaj jñātvā neha bhūyo ’nyaj jñātavyam avaśiṣyate Ang sabi ni Krsna sa Śrīmad Bhagavad-gītā (7.2), “Arjjuna, ngayon hindi lamang mala-siyentipikong kaalaman ang ituturo Ko sa iyo kundi maging ang taglay nitong kapangyarihan. Ang kaisipan, ang mga pandama natin, at ang kalakaran o pamamaraan ng kalikasan, lahat sila’y pawang hindiātmā, ibig sabihin lahat sila’y materyal. Mayroong tuwiran at hindi tuwirang pamamaraan tungo sa realidad na ibig Kong ipaliwanag din sa iyo. Kaya makinig kang mabuti: jñānaṁ te ’haṁ sa-vijñānam . Ano ba ang ibig sabihin nito? Naririto ang Aking katauhan at ang Aking kapangyarihan, at ang jīva, ang mga nilalang Kong maybuhay, lahat sila’y pawang kabilang sa Aking marhinal na kapangyarihan, sila’y nasa gitnang kapangyarihan, na pumupuno sa lahat nitong materyal na mundo.” Kaya kapag ang jīva-śakti, ang espirituwal na kapangyarihan, ay nawala, ang lahat ng bagay ay magiging parang isang bato, ibig sabihin wala nang magsasamantala. At ang mga pag-uugali nating mahilig makipag-away, maging ang damdaming tumutulak sa atin upang magsamantala ay mawawala din kapag ang jīva, ang marhinal na kapangyarihan, ay nawala sa materyal na bagay. Lahat ay mawawalan ng buhay, magiging patay. Hindi ba’t kaya lamang gumagalaw ang isang bagay ay dahil nasa loob nito ang kaluluwa. Ito ang dapat ninyong malaman, at ito’y inyong suriin sa pamamagitan nang mala-siyentipikong pamamaraan. Ang bagay na ito’y kaya naming ipaliwanag sa pamamagitan ng mala-siyentipikong pamamaraan. Ang Mapanlinlang na Lupain Bukod sa materyal na mundong ito, may isang mundo na maspino pa dito at ang mundong ito’y masmataas ang konsepto. Totoo talagang may pinong mundo, at ito ang totoong mundo, samantalang ang lugar na ito na tinatayuan ninyo, na inaakala ninyong totoo, ay hindi talaga totoo.

Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 9


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan यज वनशज सरवरभभतजनजन तसयजन जजगररर सनयमम । यसयजन जजगवत भभतजवन सज वनशज पशयतय ममनतत ॥६९॥ yā niśā sarva-bhūtānāṁ tasyāṁ jāgarti saṁyamī yasyāṁ jāgrati bhūtāni sā niśā paśyato muneḥ “Ang tunay na interes nang buhay at maging ang tunay na katotohanan ay iyo lamang tinutulugan, subalit pagdating sa mapanlinlang na lupain, ika’y mula’t na mulat.” Kung ganoon, dapat pala’y doon sa lupain ng katotohanan tayo pumupunta, at dapat ang bagay na ito’y ipinamamalita din natin. Kaya tuwing mangangaral tayo, dapat ganito ang sinasabi natin: “Ako’y taimtim na nananalig sa kamalayan kay Kṛṣṇa at dito, labis-labis ang nararamdaman kong kaligayahan. Hindi ko namalayan nandito lamang pala ang aking kapalaran. Magmula nang ito’y aking matikman labis-labis akong nasarapan, naparito ako aking kaibigan, dahil nais kong ito’y matikam mo. Halina’t hubugin natin ang ating buhay na nakaayon sa mga prinsipyo nang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa tulad nang mga itinuro sa atin ng ating Maestrong Pang-espirituwal. Halikayo at ito’y kunin na ninyo, nang magkaroon din ng kabuluhan ang buhay ninyo.” Rasa, Kasiyahan, Ekstasi Sa pamamagitan ng pamamaraang ito, dalhin natin silang lahat sa kamulatan nang tungkol sa kamalayan sa Supremong Katauhan ng Diyos, sa kamalayan kay Kṛṣṇa. Ipakita natin sa kanila kung papaano sa bandang huli ang kamulatan para sa kamalayan sa Diyos ay sumasanib sa kamalayan kay Kṛṣṇa. Dapat sa bawat hakbang at punto maging mahusay tayo sa pagpapatunay, kung bakit si Kṛṣṇa ang bukal nang lahat ng kasiyahan, akhila-rasāmṛta-mūrtiḥ. Ano ba ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa? Hindi ba’t ang bagay na ito’y naipaliwanag na ni Rupa Goswami sa pamamagitan ng mala-siyentipikong pamamaraan? Ang rasa, ang kasiyahan, ay hindi natin maaaring iwasan o ipagwalang-bahala. Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 10


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan Lahat tayo’y naghahanap nang rasa. Ang bawat-isa sa atin, bawat yunit, maging ang pinakamaliit na yunit sa mundo ay naghahangad din ng rasa, nang kasiyahan, ng ekstasi, nang kalugud-lugod na kasiyahan, subalit ang lahat ng ito, ang bawat yugto nang rasa ay nandoon lamang sa katauhan ni Kṛṣṇa. Ito ang dapat ninyong alamin, kung bakit. Bakit, ano ba ang rasa? Ang katangian ba niya’y Likas na kakaiba sa lahat? Siya ba’y talagang kakaiba o Siya’y tulad din ng iba? Sa ganitong paraan, unti-unti natin silang dalhin sa konsepto nang paniniwala kay Kṛṣṇa bilang PinakaSupremo sa lahat ng Personal na katauhan ng Diyos. At ipaliwanag din nating maigi sa kanila na kailanman ang mga sinaunang Banal na Aklat ng India, ay hindi isang alamat. Si Kṛṣṇa ay hindi din isang alamat, kundi, ang Mismong katotohanan. Siya ay buhay nating makakaharap. Kailangang ipakita natin sa kanila kung bakit ang bagay na ito’y dapat nilang paniwalaan. Si Kṛṣṇa ang katotohanan. Siya ang realidad, at ang realidad ay para sa Kanya. Subalit bago kayo makarating sa inyong patutunguhan, dapat meron kayong dalang pamasahe, dapat may pambayad kayo. Dapat, kailangan muna kayong “mamatay upang mabuhay,” at dito ninyo mararamdaman, na, hindi pala talaga ito kalokohan. Kaya habang tumataas kayo, ganito ang mararamdaman ninyo, bhaktiḥ pareśānubhavo viraktir anyatra chaiṣa trika eka-kālaḥ. Sa bawat hakbang, sa bawat pagsulong tatlong bagay ang inyong mararamdaman; una, kasiyahan, pangalawa kayo’y magiging masigla, tatalas ang inyong pakiramdam, at pangatlo, hindi na kayo muling makakaramdam nang gutom. At unti-unti din ninyong mararamdamang nababawasan din ang inyong kalungkutan at pagnanasa. Hindi ba’t kadalasan ganito ang ating nararamdaman, “Gusto ko nito, gusto ko nyan, lahat nang ito’y gusto ko. Subalit ganunpaman, kahit na ang lahat ng ito’y tikman natin, hindi ba’t wala parin tayo nakukuntento, wala parin tayong kabusugan?” Ngunit doon sa kamalayan kay Kṛṣṇa, habang tumataas tayo, unti-unting nawawala din ang ating gutom, at ang mga bagay na akala ninyo noong una ay nagbibigay sa inyo nang sarap at ginhawa ay unti-unting nawawala din. Maging ang ibang Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 11


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan gawain ay unti-unting nawawala. Lahat sila’y mawawala na, at ang natural na pagkahilig ninyo sa espirituwal na gawain ay awtomatikong tumataas, at ang pagsulong ninyo’y nagiging mabilis na. “Ang tatlong bagay na ito ang mararamdaman ninyo, kaya halikayo at kunin ninyo ang sinasabi namin.” Ito ang ating paraan, gawin natin ang lahat ng ito, subalit hayaan natin sa Panginoon kung anoman ang kanyang resulta. Mga Bunga ng Enerhiya Lahat tayo ay pawang mga ahente lamang, ito’y ginagawa lamang natin dahil ito ang Kanyang utos sa atin, kaya tandaan nating maigi kung ano ang bhakti, kung ano ang tamang debosyon. Dapat, lahat ng gagawin ko, lahat ng kikitain ko ay para sa Kanya lamang at hindi para sa akin; dahil ako’y Kanyang ahente lamang. Dapat ang may-ari, ang maestro ko, si Kṛṣṇa lamang ang dapat makinabang nito. Ito ang dapat nating ilagay sa ating isipan, dahil ito ang tamang bhakti. Dahil kung hindi, lahat nang gagawain natin ay mauuwi lamang sa karma-khaṇḍa: ibig sabihin maghihintay tayo ng kabayaran, nag-aabang ng bunga. Ayaw kong tikman ang bunga ng aking karma, dahil ito’y para sa aking maestro lamang. Ako’y Kanyang alila, at Kanyang napag-uutusan lamang. Ako’y Kanyang alipin; kahit ano’y walang pag-aari. Samakatuwid, wala akong karapatang tikman ang bunga nang aking ginawa, kundi, dapat ang Supremong Panginoon lamang, ang maestro ng aking enerhiya ang dapat makinabang. Kung kaya’t lahat ng produkto ng ginawa ko ay ipinapasa ko sa Kanya. At dapat hindi din natin ito pinapakialaman habang ito’y dinadala natin sa Kanya. Ito ang tamang paninindigan ng bawat manggagawa. Kaya kung nais ninyong maging tunay na bhakti ang lahat ng ginagawa ninyo, ganito ang inyong gawin. Hindi natin kailangan ng biyaya; ang gusto ko’y Siya lamang. Kaya ilagay natin sa ating isipan na tanging Siya lamang ang dapat makinabang nang lahat ng ito. At kapag ito’y ating nagawa, maaari na nating sabihing tunay nga tayong Kanyang deboto. Kung ganoon, huwag na huwag natin itong pakikialaman, dahil lahat tayo’y Kanyang mga manggagawa lamang. Kaya anoman ang bunga ng ginawa natin Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 12


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan huwag na huwag natin itong pag-iinteresan. Hindi ba’t ganito naman talaga ang sinabi ng Bhagavad-gītā (2.27): कममरणयतवजवधकजरसतत मज फलतषम कदजचन । मज कममरफलहततमभम भर जर तत सङगयऽसतवकममरवण ॥४७॥ karmaṇy evādhikāras te mā phaleṣu kadāchana mā karma-phala-hetur bhūr mā te saṅgo ’stv akarmaṇi “Karapatan mong gawin ang iyong tungkulin, subalit wala kang karapatang tikman alinman sa magiging bunga nito.” Hindi ba’t ito pa lamang ay isa nang matinding babala. Ang sabi ni Kṛṣṇa, “At dahil hindi mo ito dapat pakialaman at hindi ka makikinabang, kung ganoon, huwag na huwag kang magkakamaling mag-aklas at ayaw mo ang kumilos. Dahil sa sandaling ito ang ginawa mo at tinalikuran mo ang iyong gawain, parang sinumpa mo na rin ang iyong sarili. Hindi dahil wala kang pakinabang sa ginagawa mo ay kaya ayaw mo nang magtrabaho. Alam ba ninyo kahit na ang sinasabing isang di-makasariling gawain ay tinuturing na mababang klaseng gawain din? Kaya sa halip na makataong gawain ang ginagawa natin, dapat ito’y ilaan natin sa gawaing maka-diyos, dahil mismong ang Supremong Panginoon ang napapaligaya natin. Ganito ang bhakti, ang debosyon. Ang bhakti ay may iba’t-ibang grado o antas din. Ang viddhi-bhakti at raga-bhakti ay magkaiba. Sa viddhi-bhakti, ang bhakti ay nasa ilalim ng iba’t-ibang patuntunan at regulasyon. Subalit sa raga-bhakti, ito’y bukal na umuusbong sa loob natin. Autokrata, Mapag-hari, at Sinungaling Ang Diyos ay hindi tulad ng isang haring iniluluklok, dahil mula’tsapul Siya’y dati nang autokrata, dati nang diktador. Na maylubos na kapangyarihan. Ang magtrabaho para sa isang awtokrata ay maituturing na isang napakataas na konsepto ng pagsasakripisyo. Sino sa atin ang maylakas ng loob at handang kumilos para sa isang awtokrata, na ang Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 13


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan gusto’y palagi pa Siyang bida, bukod sa pagiging sinungaling pa? Alam ninyo sa totoo lang, mula’t-sapul, Siya’y talagang ganito na. At ang paguugali Niyang ito ay hindi pasumpung-sumpong, kundi ganito na talaga. Bakit po isang awtokrata si Kṛṣṇa? Dahil lahat ng batas ay nagmula sa Kanya. Hindi ba’t kapag sinabing autokrata ito’y masmataas pa sa umiiral na batas? Hindi ba’t sa ating lipunan ay may umiiral na batas at dapat lahat tayo ay sumunod sa batas? Subalit papaano kung ika’y nag-iisa, sa palagay mo kailangan mo pang magpatupad ng batas? Hindi ba’t hindi na? Walang-alinlangang si Kṛṣṇa ay isang hari, na palaging bida sa lahat ng bagay subalit walang-alinlangang Siya’y mabuti din. Kaya kapag Siya’y pinigilan natin, ito’y isang malaking kawalan sa mundo. Hindi ba’t ang sabi sa atin, dapat patuloy at malayang dumadaloy ang kabutihan. Masama ba ito? Sino sa palagay ninyo ang ayaw nito? Samakatuwid, saanman nais umagos ng kabutihan dapat ito’y hindi natin pinipigilan. Hindi ba kapag sinabi nating huwag nating pagdudahan ang kabutihan ng Diyos dapat hindi natin ito iniisip na isang kalabisan? Bakit po? Bakit, masama ba sa iyong kalooban kapag sinabing Siya’y isang autokrata at isang diktador? Sino ba sa palagay ninyo ang dapat na maging awtokrata, ang mga ignorante at baliw ba? Hindi po, di’ ba? Kung ganoon, dapat ang Di Mapag-aalinlanganang Kabutihan ay mayroong lubos at ganap na awtokrasya. At walang anumang batas ang maaaring magtali sa Kanyang mga kamay. Kapag nangyari ito, ito’y kawalan parin sa atin. Ang sabi, si Kṛṣṇa ay isang sinungaling. Bakit po? Dahil nais Niyang hikayatin tayo at ipaunawa sa atin kung ano ang buong katotohanan. Siya’y nagsinungaling dahil nais Niyang unti-unti tayong maakit at mapalapit sa katotohanan. Tandaan natin, ang Kanyang kabutihan ay lubos, dahil lahat ng nanggaling sa Kanya ay pawang mabuti. At ang depekto’y nasa atin. Dahil mahilig tayong manghimasok sa Kanyang teritoryo. Tayo at hindi Siya. Ang mga ipinapakita Niya’y Kanyang mga paglalaro lamang, Kanyang līlā. Kasinungalingan ba kapag sinabi nating lahat ng bagay ay Kanyang pagaari? Noong sinabi Niyang, “Magkaroon ng liwanag,” hindi ba’t nagkaraoon nga ng liwanag? “Magkaroon ng tubig,” hindi ba’t nagkaroon Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 14


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan nga ng tubig? Ibig sabihin, meron Siyang espesyal na kapangyarihan, masama ba ito? Ito ba’y isang kalabisan? Kung ganoon, marapat lamang na isakripisyo natin ang mga sarili natin para kay Kṛṣṇa, dahil Siya pala ang Di Mapag-aalinlanganang Kabutihan, kagandahan, at pag-ibig. Ibig sabihin, kailangang itaas natin ang antas ng ating pananalig at ang pagiging di-makasarili natin. Kaya sa sandaling tanggapin natin na ang kamulatan sa kamalayan para kay Kṛṣṇa ang siyang pinakamataas na mithiin ng ating buhay, ibig sabihin higit na ibayong pagsasakripisyo ang kakailanganin natin, at ang pagsasakripisyong ito ay katumbas ng buhay: “Mamatay upang mabuhay.” At ang pagsasakripisyong ito ay hindi magiging kawalan sa atin. Bagkus, higit pa tayong pagpapalain kapag ibinigay natin ang mga sarili natin. Kung kaya’t tinatanggap natin ang kīrtan, ang gawain ng pangangaral bilang pamamaraan sa ating layunin. Napakaraming mga pamamaraan ng kīrtan kung papaano natin aakitin at lalapitan ang mga kaluluwa sa mundong ito. Maaaring ito’y sa pamamagitan ng direktang pakikisalamuha natin sa kanila, at maaari din naman sa pamamagitan ng mga aklat natin, at gayun din sa pagsasagawa ng saṅkīrtan, nang samasamang pag-awit ng banal na pangalan. Kaya habang tumutulong tayo sa ibang tao, natutulungan din natin ang mga sarili natin. Nagiging mabuti din ang ating kapalaran at lalung tumitibay ang ating pananalig. Hindi lamang ibang tao ang natutulungan natin sa pamamagitan ng kīrtan, kundi maging ang mga sarili din natin. Sa madaling-salita, lahat ay eternal na nabibiyayaan din. Eternal na Puwang Sabi ni Kṛṣṇa sa Bhagavad-gītā (2.27), “Gampanan mo ang iyong tungkulin, mā te saṅgo ’stv akarmaṇi, at ngayong ang bagay na ito’y alam mo na, kung ganoon Ako’y iyo nang paglingkuran, at huwag na huwag mong iisiping ito’y iyong ipagpapaliban muna at saka mo na lang Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 15


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan gagawin? Huwag mo nang hintayin na maging masaklap pa ang reaksyon nito sa iyo, dahil ika’y tiyak na masasawi lamang. At huwag na huwag mong tatangkaing ito’y hindi mo na gagawin at ika’y mag-aaklas na lang. Huwag po. Dahil ito’y isang mapanganib na puwang. Huwag kang tatalon sa eternal na puwang na iyon, sa halip kumilos ka para sa Akin, dahil tiyak na ika’y magtatagumpay.” Sabi nga ni Kṛṣṇa, “Iwan mo ang lahat ng uri ng gawain, at magpailalim ka sa Akin, sarvadharmān parityajya Mām ekaṁ śaraṇaṁ vraja. Ako’y ganito: Ako ang iyong tagapangalaga, ang iyong kaibigan, at ang lahat-lahat ng bagay sa buhay mo. Sa Akin mo lamang matatagpuan ang katuparan ng hangarin mo sa buhay. Maniwala ka sa Akin Arjjuna. Ito ang tinitiyak Ko sa iyo at kailanma’y hindi kita lilinlangin. Hindi ba’t Tayong dalawa ay magkaibigan—kung ganoon, ito ang palagi mong tatandaan.” मनमनज भव मदकय मदजजम मजन नमसकम र । मजमतववषयवस सतयन तत पवतजजनत वपययऽवस मत ॥६५॥ man-manā bhava mad-bhakto mad-yājī māṁ namaskuru mām evaiṣyasi satyaṁ te pratijāne priyo ’si me “Kapag Ako’y palaging nasa isipan mo. Tiyak na ika’y makakapunta sa Akin. Ito ang ipinapangako Ko sa iyo, mahal kong kaibigan, totoo ang sinasabi Ko. Ako ang lahat ng bagay. Halika’t subukan mo. Ako ang hantungan, ang kaganapan ng buhay, hindi lamang nang buhay mo, kundi nang lahat ng klaseng buhay. Kung titignan mo mula sa bahagi ng walang hangganan, ganito ang kalagayan Ko. Sinasabi Ko sa iyo ang bagay na ito dahil ikaw ay kaibigan Ko. Hindi kita lolokohin. Maniwala ka sa Akin. Sumpa man.” Dito, walang kahihiyang si Kṛṣṇa pa mismo ang nagsusumamo. Nakikiusap na mapakinggan, para sa ating kapakinabangan. At ito’y nakarekord sa Bhagavad-gītā upang magsilbing gabay natin. At ang Panginoong Kṛṣṇa ay pumanaog sa katauhan ni Śrī Chaitanya Mahāprabhu upang ipangaral ang Kanyang sarili. Siya’y pumanaog upang ialok ang Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 16


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa: Ang Kaakit-akit na Katotohanan Kanyang sarili kasama ang Kanyang mga eternal na kasamahan. Maging si Śrīmatī’ Rādhārāṇī, ang katauhan ng debosyon, ay dinala din Niya dito, at ganito ang Kanyang sinabi, “Ipapakita Ko sa inyo kung gaano kaganda, kahali-halina at kasaya kapag nagsimula na kayong maglingkod sa Akin, ipapakita Ko kung gaano kaganda at karangal ang debosyon sa Akin nang Aking kabiyak. Kaya, sumama na kayo sa Aking kampanya.” Kaya sumama narin si Baladeva at ito’y pumanaog na din at nag-anyong si Nityānanda na taga-kalap ng kasapi, at ang Vṛndāvan ay pumanaog din at iniaalok ang Kanyang sarili bilang Nabadwīp. Kaya, di-maikakailang malaki talaga ang pagkakautang natin sa mga bumaba at nag-anyaya sa atin, lalu na kay Kṛṣṇa na personal pa mismong bumaba dito upang ipinakita sa atin kung gaano kaganda, kung gaano kadakila, at kung papaano nagsasakripisyo ang banal na pag-ibig.

Unang Kabanata: Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Krsna ay Pawang Kariktan at Pag-iibigan 17


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.