Chapter 7 of Sri Guru and His Grace [In Filipino]

Page 1

Śrī Gurū at Kanyang Pagpapala

7

Ang Nagbinyag na Maestrong Pang-Espirituwal

Ang Maestrong Pang-espirituwal, kahit na siya’y isang pangunahing deboto, tuwing bumababa sa mundo bilang Guru, ito’y palaging nagiging debotong tagapamagitan. Bilang Guru, tungkulin niya ang maging tagapamagitan, kahit na siya’y isang madhyama-adhikari pa, at tungkulin din niyang tumanggap ng disipulo. May tatlong klaseng Maestrong Pang-espirituwal. Kapag sinabing pangunahing Guru, ibig sabihin, siya’y nagmula pa sa espirituwal na mundo, inihakbang ang isang paa sa materyal na mundo, upang kunin ang mga kaluluwang naririto. Samantalang ang Guru na nasa gitnang antas ay tagarito sa mundo, subalit ang isang paa nito’y naka-hakbang sa espirituwal na mundo at doon dinadala ang mga kaluluwang tagarito. Sa pinakamababang klaseng Guru, ang dalawang paa nito ay nakatuntong sa mundo, at habang nakatanaw sa pinakamataas na lupain, doon niya dinadala ang mga kaluluwang naririto. Ito ang tatlong klase ng Guru. Ang tatlong antas na ito ay hindi antas ng iba’t-ibang klaseng Vaishnava, kundi tatlong klaseng Guru. Ang pangunahing klaseng deboto kapag bumababa sa mundo upang gampanan ang papel nang Acharya, at kapag ang buhay niya ay ginawa din niyang halimbawa, ito ay nagiging isang tagapamagitnang deboto. Noong una, ang dalawang paa nito’y nakatuntong sa espirituwal na mundo, subalit dahil sa pagtalima sa utos ni Krsna, isang paa nito ang kanyang inihakbang sa materyal na mundo upang gampanan ang tungkulin ng isang Acharya. Kapag sinabing madhyama-adhikari, ibig sabihin, ang isang paa nito ay nakatuntong sa materyal na mundo at ang kabila ay sa espirituwal na mundo, tinatawag din siyang tagapamagitnang deboto. Maaari din siyang maging Acharya. Ito ang iba’t-ibang grado o klase ng Acharyas, ganun din sa hanay ng mga Vaishnavas iba’t-ibang antas din sila. Lahat ng ito’y nasusulat sa Srimad Bhagavatam [11.2.45-47]: Ang Tatlong Klaseng Deboto arcayam eva haraye pujam yah sraddhayehate na tad-bhaktesu canyesu sa bhaktah prakrtah smrtah ‚Ang debotong tapat na nananalig sa Imahen ng ating Poon, subalit wala namang paggalang sa mga Vaishnavas o sa tao sa kabuuan, ay matatawag na isang materyalistang deboto, ito ay Ikapitong Kabanata: Ang Nagbinyag na Maestrong Pang-espirituwal

49


Śrī Gurū at Kanyang Pagpapala itinuturing na nasa pinakamababang antas ng debosyunal na paglilingkod.‛ Ang ganitong klaseng tao ay itinuturing na pinakamababang klaseng Vaishnava. Ayon sa Srimad Bhagavatam ganito naman ang ikalawang klaseng deboto: isvare tad-adhinesu balisesu dvisatsu ca prema-maitri-krpopeksa yah karoti sa madhyamah ‚Ang debotong nasa gitnang antas ng debosyunal na paglilingkod ay tinatawag na madhyamaadhikari. Walang-alinlangang mahal niya ang Personal na Supremong Katauhan ng Diyos, mabuti din siyang kaibigan nang lahat ng deboto nang Panginoon, nahahabag din sa mga walang-muwang at mangmang subalit pagdating sa mga taong bukod sa pagiging mainggitin ay masama pa ang pag-uugali ay wala siyang pakialam.‛ Samantala, bilang karagdagan, ayon sa Srimad Bhagavatam, kapag ang isang deboto ay sinabing nasa pinakamamataas na antas ng Vaishnavaismo, siya ay ganito: sarva bhutesu yah pasyed bhagavad bhavam atmanah bhutani bhagavaty atmany esa bhagavatottamah ‚Sa pananaw ng isang pangunahing klaseng deboto, saanman niya ibaling ang kanyang paningin puro si Krsna parin ang kanyang nakikita, alam niya lahat ng ito’y nagmula kay Krsna.‛ Ito ang tatlong klaseng deboto. Ang tatlong yugtong ito ay naipaliwanag na ni Sri Chaitanya Mahaprabhu at Kanyang ikinumpara sa iba’t-ibang klaseng deboto na bumibigkas o umaawit nang banal na pangalan ni Krsna. Ayon sa Kanya, ang sinomang minsan lamang nakadinig o kaya umusal nang isang beses ng Banal na Pangalan nang Panginoon ay dapat nating ituring na deboto, na pangatlong klaseng deboto. Samantalang kapag sinabing nasa gitnang baytang, ibig sabihin ang debotong ito ay madalas umawit o bumigkas nang Banal na Pangalan ni Krsna. Sa pangunahing klaseng deboto, agad mong mararamdaman ang kanyang kapangyarihan, dahil punung-puno siya nang lakas at kapangyarihan ni Krsna, kaya lahat ng makakakita sa kanya, di-nila maiwasang masambit o usalin ang Banal na Pangalan ni Krsna. Ito ang katangian ng pinakamataas na klaseng deboto. Ang pangalawang klaseng deboto ay naiimpluwensiyahan parin ng materyal na mundo, subalit unti-unti din itong nawawala sa kanya habang sinasanay nito ang kanyang sarili sa espirituwal na paniniwala. Ang isipan nito’y doon na talaga nakatuon sa espirituwal na buhay. Walang-alinlangang naaakit talaga siya sa Personal na Katauhan ng Diyos, at gusto din niyang tumakas, kaya lamang hindi ito makahulagpos sa impluwensiya ni maya, sa ilusyon. Bagama’t alam niyang mahina siya, ganunpaman, kahanga-hanga parin ang kanyang ginagawa dahil patuloy parin siyang tumutulong sa iba. Bagama’t hindi parin niya tuluyang natatalikuran ang pagiging makamundo, ganunpaman ito’y unti-unti din niyang natatalo. Kaya sa bawat yugto Ikapitong Kabanata: Ang Nagbinyag na Maestrong Pang-espirituwal

50


Śrī Gurū at Kanyang Pagpapala nang kanyang pakikipaghamok ito’y palaging nagwawagi habang papalapit siya nang papalapit kay Krsna. Mabuti din ang kanyang hangarin dahil siya’y nangangaral din. Halos nandoon na din siya sa yugtong gusto na niyang ihiwalay ang kanyang sarili sa mundong ito, magpaalam, at pumasok sa espirituwal na mundo. Minsan ay makakakita tayo ng isang baguhang deboto na madalas magpunta at sumamba sa templo, istriktong sumusunod sa mga ipinag-uutos nang mga banal na aklat, subalit paglabas ng templo kung anu-anong kabulastugan ang pinaggagawa. At kapag siya’y nasa harap ng ibang tao, wala kang mababakas sa mga prinsipyong espirituwal na kanyang pinaniniwalaan; at kung meron man, ito’y bahagya lamang. Subalit pagdating sa gitnang baytang na deboto, ang prinsipyo sa aral nang mga banal na kasulatan ay namamayani sa kanyang buhay. Ang mga turong-aral ng mga banal na aklat ay kanya nang isinasabuhay, alam din din niya kung sino ang dapat niyang maging kaibigan, alam din niya kung anong klaseng hanapbuhay ang dapat niyang pasukan, at alam na alam din niya ang pamamaraan kung papaano pumili nang magiging kaibigan. Pakikipaghamok Laban kay Maya Kapag ang buhay ng isang deboto ay nagagabayan at naiimpluwensyahan na nang kanyang prinsipyong pinaniniwalaan, ito’y nasa ikalawang antas na, siya’y nagiging pangalawang klaseng deboto na. At kapag ang mga prinsipyong ito’y namamayani na sa kanyang buhay, ang debotong ito’y maaari nang tumulong sa iba. At habang siya’y nakikisalamuha sa iba, hindi na nila ito kayang impluwensyahan at dahil ganito na talaga ang takbo ng kanyang buhay, alam ng debotong ito kung papaano makitungo sa iba at kung papaano iangat ang kanyang espirituwal na buhay. Sa madaling-salita, maaari na rin siyang tumanggap ng disipulo. Dahil may kakayahan na siyang tumulong sa iba, at alam din niya kung papaano makiharap sa labas. Ang mga ganitong klaseng deboto ay matatag sa kanilang paninindigan, sa pakikipaglaban sa mga sugo o ahente ni maya. Dahil napatunayan na nilang manindigan sa kanilang espirituwal na paniniwala, at maaari na rin siyang asahan at pagkatiwalaan at bigyan nang kapangyarihan na maging Acharyya. Isang pananaw pa tungkol sa katangian ng isang deboto ang inilahad sa atin nang mga banal na aklat. Ayon sa kanilang pahayag, ang taong may pagtitiwala, may paggalang, at tapat na nananalig sa shastra, at buong kasiyahang ginagampanan ang lahat ng ipinag-uutos nito, sumusunod sa mga inilatag na patakaran at kapag ang buhay at gawain nito sa lipunang kanyang ginagalawan ay nakukulayan na nang pananalig sa Diyos, ang debotong ito ay matatawag na nasa gitnang klaseng deboto, siya’y nagiging tagapamagitang deboto na. Kapag ang bawat kilos o galaw ng isang tao ay naka-ayon na sa pananalig kay Krsna, at buong pusong sumasampalataya sa Kanya, kahit na anupa ang maging kalagayan niya sa buhay, ay isang pangunahing deboto. Dahil para sa kanya, kahit na anupa ang maging kalagayan niya sa buhay, ang debotong ito ay nagagabayan parin ng kanyang pananalig kay Krsna. Ang buong katauhan at kaluluwa, puso at isipan, salita at gawa, at maging sa lahat ng bagay, lahat ng ito’y Ikapitong Kabanata: Ang Nagbinyag na Maestrong Pang-espirituwal

51


Śrī Gurū at Kanyang Pagpapala pawang paglilingkod parin kay Krsna. Sa lahat ng deboto ni Krsna, ang taong ito ang pinakamataas. Ito ang iba’t-ibang pananaw para sa iba’t-ibang klaseng deboto, nang iba’t-ibang klaseng tagapaglingkod ni Krsna na isiniwalat sa atin nang mga Banal na Aklat. Saan ba Natin Makikita si Sri Guru Deboto: Hindi po ba dapat isang uttama-adhikari ang turing natin sa ating Gurudeva, na ang ibig sabihin, siya’y nasa pinakamataas na antas ng debosyunal na paglilingkod? Srila Sridhar Maharaj: Oo, dapat lamang. At dapat hindi lamang siya isang uttama-adhikari, debotong nasa pinakamataas na kalagayan, kundi dapat bilang isang espesyal na kinatawan din mismo ng Panginoon, nang Supremong kapangyarihan ng Panginoon. Dahil doon sa antas ng Madhuryya rasa, ang Gurudeva natin ay nasa katauhan ni Radharani, ni Sri Rupa Manjari. Pagdating sa Maestrong Pang-espirituwal mayroong iba’t-ibang klaseng pananaw. Na ang ibig sabihin, habang tumataas tayo, habang tumataas ang ating kamulatan sa kamalayan kay Krsna, nag-iiba din ang ating pananaw sa Maestrong Pang-Espirituwal. Hindi ba’t noong simula, noong nag-uumpisa pa lamang tayo sa debosyunal na paglilingkod, ang unang turo sa atin, si Gurudeva ay si Krsna (saksad-dharitvena samasta sastrair), mismong si Krsna. At kapag tumaas na ang ating kamulatan, mapapansin nating hindi pala siya si Krsna kundi kapangyarihan ni Krsna, isang kapangyarihan pala ni Krsna. Kaya habang tumataas tayo, namumulat tayo, nag-iiba din ang pananaw natin sa kanya. Ito’y tumataas din. Sa ating pagtaas, makikita natin ang ating Maestrong Pang-Espirituwal sa ganitong klaseng kalagayan ng debosyon, halimbawa ang pagpapaka-alipin, ang pagiging kaibigan, pagiging isang magulang o mangingibig. Iba’t-ibang kalagayan hanggang sa humantong tayo kay Krsna, sa Kanyang panloob na kapangyarihan, (sa Kanyang svarupa-shakti) na nasa loob ng Kanyang katauhan. Deboto: Ayon po sa palagay ng ibang tao, dapat daw bago tumanggap nang disipulo ang isang Guru, ito’y isang mataas na klaseng deboto na, na ang ibig sabihin, dapat talagang nagmula pa siya sa espirituwal na mundo at pumanaog sa mundong ito at gumalaw bilang pangalawang klaseng deboto. At para sa kanila, hindi daw totoong may iba’t-ibang klaseng Gurus. Ayon sa kanila, dapat doon lamang daw tayo magpabinyag o tumanggap nang pasimulang-binyag sa pinakamataas na klaseng Guru. Masakit na Ulo ni Krsna Srila Sridhar Maharaj: Noong una ay ganito din ang naging palagay ko, subalit nagbago ang paniniwala at konsepto ko. Noong umpisa, nang pumanaw na si Srila Bhakti Siddhanta Prabhupad, ayoko talagang tumanggap nang disipulo, subalit nagbago ang lahat ng ito dahil sa tatlong kadahilanan. At pagkatapos, tahimik at hamak na sinimulan ko na ang gawaing ito. Ito rin ang itinanong sa akin kahapon ng isang deboto. Ikinuwento ko sa kanya ang masakit na ulo ni Krsna. Palagay ko ay nadinig mo na ang istoryang ito. Ikapitong Kabanata: Ang Nagbinyag na Maestrong Pang-espirituwal

52


Śrī Gurū at Kanyang Pagpapala Minsan, noong nasa Dvaraka si Krsna, nasabi Niya kay Narada Muni na inaatake Siya ng matinding sakit ng ulo, at ang tanging lunas lamang ay mga alikabok mula sa paanan ng Kanyang mga deboto. Pinuntahan ni Narada ang napakaraming deboto, subalit wala ni isa man sa kanila ang lumapit upang ibigay ang alikabok sa kanilang paa. Ito ang naging tugon nila, ‚Naku, napaka-imposibleng gawin ‘yan. Ayaw namin, mahirap na, baka mapunta pa kami sa impiyerno.‛ Noo’y bigong bumalik si Narada kay Krsna. Sabi ni Krsna, ‚Aah, sobrang sakit na talaga ng ulo Ko. Dala mo na ba ang alikabok ng kanilang paa?‛ ‚Wala po, wala pong may gustong magbigay ng alikabok sa kanilang paa,‛ nanlalatang sabi ni Narada. Sagot sa kanya ni Krsna, ‚Ganoon ba. Subukan mo sa Vrndavan, doon ka magbakasali.‛ At dali-dali nga itong nagpunta sa Vrndavan, ikinuwento ni Narada ang lahat ng ito sa mga Gopis, at walang pagdadalawang-isip na agad nilang ibinigay ang alikabok sa kanilang paa. Ganito ang sabi nila, ‚Bakit hindi mo agad sinabi na may sakit pala si Krsna? At alikabok lamang pala ng aming paa ang lunas Niya? Eto po, kunin na po ninyo.‛ Nagulat si Narada, ‚Ha?‛ tanong ng kanyang isipan, ‚Noon ay walang sinumang deboto ang gustong mag-alay kay Krsna ng kanilang alikabok, subalit pagdating sa kanila, walang pagdadalawang-isip na agad nila itong ibinibigay.‛ Ganito ang sabi niya sa mga Gopis, ‚Alam ba ninyo kung ano ang maaaring mangyari sa inyo kapag ginawa ninyo ang bagay na ito?‛ Sagot nang mga Gopis, ‚Opo, habambuhay daw kaming mapupunta sa impiyerno. E, ano ngayon! Wala kaming pakialam! Kung ito naman ang lunas ng aming Panginoon. Kahit na ano pa, basta gumaling lamang Siya.‛ Ito ang isang puntong sumagi din noon sa isipan ko. At ito pa ang isa: Ayon kay Sri Chaitanya Mahaprabhu ang utos Niya’y ganito, amara ajñaya guru haña tara ei desa. ‚Ipinaguutos Ko, maging Guru kayo, iligtas ninyo ang lahat ng tao sa lupaing ito.‛ Subalit habang ito’y ginagampanan natin, huwag nating kaliligtaan ang ganitong klaseng kaisipan, ‚Oo nga’t nagkakamali din ako, subalit may ibinigay sa akin ang Guru ko, at ito’y hindi isang pangkaraniwaang bagay, ang alam ko, labis-labis ang kahalagahan nito, dahil ito’y isang nektar. Ang gusto niya’y ibigay ko din sa iba ang aral na ito na natutuhan ko sa kanya. ‘Huwag kayong matakot.’ Sabi niya. ‘Ako ang bahala sa inyo.’ Ito ang naging utos niya sa akin. Hindi ba’t ako’y kanyang alila? Kung ganoon, siya na ang bahala sa akin.‛ Sa pamamagitan ng ganitong kaisipan, dapat handa kang makipagsapalaran, at dapat ang responsibilidad na ito’y handang akuhin ng isang disipulo, ‚Anong magagawa ko kung sa impiyerno pala ang punta ko, ang tanging alam ko ay kailangang gawin ko ang utos na ito ng Gurudeva ko. Maaaring ito na ang ikamatay ko, anong magagawa ko, kundi ang sundin ang ipinag-uutos ng kumander ko.‛ Sa pamamagitan ng ganitong kaisipan, gampanan natin ang tungkuling ito, at kapag ito na ang namayani sa atin, wala tayong dapat pangambahan; subalit sa sandaling naligaw tayo ng landas at bumitaw tayo sa ating kinakapitan at naghahanap na tayo ng kamunduhan, walangdudang mapapahamak tayo. Subalit kung mananatili tayo sa landas na ito na siyang tinatahak natin, walang maaaring gumalaw sa atin. Ikapitong Kabanata: Ang Nagbinyag na Maestrong Pang-espirituwal

53


Śrī Gurū at Kanyang Pagpapala Dapat patuloy na nangingibabaw parin ang diwang pinaniniwalaan natin, dahil ito ang tunay na katangian ng isang disipulo: ‚Opo, kahit po ikamatay ko, susundin ko parin ang utos ng Gurudeva ko. Ang alam ko, nektar ang ibinigay niya sa akin, kaya dapat ibinabahagi ko din ito sa iba ng maligtas din sila.‛ Ang Sikretong Mantra ni Ramanuja Noo’y isang maselang bagay ang ginawa ni Ramanuja, at ito ay pagpapakita nang isang kakaibang halimbawa ng pakikipagsapalaran. Noo’y isang Alwar, isang Guru, mula sa Katimugang bahagi ng India ang may-tangan nang mataas na uri ng mantra. Gustung-gustong malaman ni Ramanuja kung ano ang bisa nito. Subalit may ibinigay na kundisyon ang Alwar, ‚Ibibigay ko sa iyo ang mantra na ito, subalit sa isang kundisyon, ‘huwag na huwag mo itong sasabihin sa iba.‛ Sumang-ayon si Ramanuja, at nangako pa, at ibinigay kay Ramanuja ang mantra. Batid nang publiko na may tatanggaping mantra si Ramanuja, at maraming tao ang nagaabang sa labas. Alam din nila kung ano ang naging kasunduan nina Ramanuja bago ibinigay ng Alwar sa kanya ang mantra. Subalit paglabas na paglabas ni Ramanuja sa pintuan, agad itong sinalubong ng tao at nagtanong, ‚Anong klaseng mantra ba ang ibinigay niya sa iyo? Maaari ba namin itong malaman? Ito ba’y mataas na klaseng mantra? Kaya din ba kaming iligtas nito?‛ ‚Ah oo.‛ ‚Kung ganoon ano ito?‛ ‚Ito yun.” Isiniwalat ni Ramanuja kung ano ang mantra, at pinagalitan siya ng kanyang guru.‛Bakit mo ito ginawa? Hindi mo ba alam kung ano ang magiging kaparusahan mo?‛ ‚Opo, alam ko po: habambuhay po akong mapupunta sa impiyerno, ganupaman, kahit na mapunta pa po ako sa impiyerno, dahil sa ibinigay ninyong mantra, maliligtas silang lahat.‛ Halimbawa, pinasok ninyo ang ganitong klaseng panganib, huwag kayong mag-alala dahil hindi kayo mapapahamak, dahil sa halip na mapahamak kayo, tiyak na pagpapalain pa kayo ng Guru ninyo. At kapag ang inspirasyong ito ang naramdaman ninyo, itodo na ninyo nang husto ang sarili ninyo sa ganitong gawain. At kailanman huwag na huwag ninyong iisiping baka mapahamak kayo at malagay sa alanganin ang inyong buhay. Hindi po. Huwag po kayong mag-alala dahil naroroon at nagmamatyag sa inyo ang ating Panginoon. Naroroon ang Diyos. Naroroon din ang Guru ninyo. Kaya walang-alinlangang maliligtas kayo. Tiyak na hindi nila kayo pababayaan, hindi nila kayo iiwan at ilalagay sa kapahamakan, ‚Naku, ang taong iyon na sumusunod sa mga ipinag-uutos natin ay papunta na sa impiyerno.‛ Sa palagay kaya ninyo pababayaan nilang mangyari ito? Buhay pa ba ang mga tagapangalaga natin o lahat sila’y tuluyan na talagang namatay mula nang pumanaw? Maaari nating ialay ang mga sarili natin, ‚Kahit na sa impiyerno pa ang punta ko, wala akong ibang dapat sundin kundi ang sumunod sa ipinag-uutos ng Guru ko. At ang gawaing ito Ikapitong Kabanata: Ang Nagbinyag na Maestrong Pang-espirituwal

54


Śrī Gurū at Kanyang Pagpapala ang gusto niyang ipagawa sa akin. Ito ang paniniwala ko, naniniwala din ako sa mantra, dahil ito ang nagbigay sa akin nang lakas upang magampanan ko ang tungkuling ito bilang isang Acharyya. Kaya kapag napatunayan mong, ‚naku, mabisa pala talaga ang gamot na ito; bigla akong gumaling, ang laking tulong nito sa akin,‛ at, dahil may mga taong tulad din ng sakit ko, tama lamang na bigyan ko din sila ng aking gamot. Sabi nga ni Jiva Goswami jñana sathya vittha sathya. Halimbawang may pera ako at alam kong walang-wala ka, subalit ayaw kong magpautang, at ngayo’y nanghihina ka na dahil hindi ka pa kumakain, ibig sabihin may pananagutan din ako sa dinadanas mo. Kaya, kung sa palagay ko ay may kaalaman ako , at maaari naman pala akong tumulong sa mga kapit-bahay ko, subalit ayaw ko, mananagot din ako. Nagkakasala din ako sa lipunan dahil ayaw ko silang tulungan. Minsan, noo’y nagtanong ako sa isang doktor, ‚Talaga bang kaya ninyong gamutin ang lahat ng karamdaman? Dahil kung hindi, anung silbi at nandito pa kayo? Wala pala kayong sapat na kaalaman para kami gamutin. Baka mali pa ang ibinibigay ninyong gamot.‛ Sinangayunan din ako ng kausap kong doktor. Subalit ito ang pumasok sa isipan ko, ‘Halimbawang hindi nga nila kayang gamutin ang lahat ng karamdaman, at ang sabi mo’y wala silang karapatang manggamot, kung ganoon sino sa palagay mo ang dapat tumingin sa atin kung sila’y hindi na manggagamot? At kung halimbawang hindi talaga sapat ang kanilang kakayahan, ibig sabihin ba nito’y dapat na silang tumigil, at tutal wala pala silang sapat na kaalaman sa panggagamot? Dapat ba’y ganun? Hindi po. Dapat ituloy parin nila ang kanilang panggagamot. At hindi sila dapat tumigil. Samakatuwid, kung ganoon, dapat din nating tulungan ang ibang kaluluwa, lalu na’t kung ang pagtulong na ito’y bukal talaga sa ating kalooban. Sa pamamagitan ng mabuting hangarin, kahit ano pa ang inabot ng ating kaalaman, kailangang tulungan parin natin ang iba. Sa pamamagitan ng diwang ito, maaari nating gampanan ang gawain ng isang Acharyya, dahil kung hindi, malamang baka masisi pa tayo. Subalit kailangang maging maingat pa rin tayo, halimbawa sa tabi nati’y may masmataas na Guru, tumulong na lang tayo sa kanya, ilapit natin sa kanila ang mga taong nais nating tulungan. At huwag na tayong mangahas pa. Ayon sa sinasaad sa Hari Bhakti Vilas, kung sa paligid natin ay may masmagaling at mataas na tao, dapat ang mga mabababa ay hindi na tumatanggap ng disipulo. Halimbawang ang isang magsasaka ay mayroong dalawang uri ng binhi at may maganda itong lupain na pang-sakahan, hindi ba dapat ang una muna niyang itinatanim ay itong mabuting binhi. At kung sakaling ubos na ang mabuting binhi, doon na niya maaaring itanim ang ordinaryong binhi. Kaya dapat para sa masaganang ani, ang mabuting binhi muna ang ating itinatanim. Kung talagang malinis ang ating hangarin, at kung dalisay talaga ang puso natin, at kung hindi talaga tayo makasarili, dapat ang una muna nating itinatanim ay itong mabuting binhi. At pansamantalang isinasantabi natin muna ang masmababang klaseng binhi. Kaya, kung sa paligid natin ay mayroong masmataas na Guru, dapat hindi muna nakikialam ang mga masmababang Guru.

Ikapitong Kabanata: Ang Nagbinyag na Maestrong Pang-espirituwal

55


Śrī Gurū at Kanyang Pagpapala Pinakamababa sa Lahat ng Mabababa Deboto: Hindi po ba, dapat ang tingin ng deboto sa kanyang sarili ay pinakamababa sa lahat, at dahil sa kaisipang ito, sa masmataas na Guru niya dinadala ang mga nakakausap niya. Srila Sridhar Maharaj: Ang bigat ng ating debosyon kay Krsna ang magdadala sa atin sa kaisipang, ‚Wala akong halaga. Ako ang pinakamababa sa lahat ng mabababa.‛ Subalit kapag dumating sa inyo ang inspirasyon upang kayo’y maging Guru, na ang ibig sabihin kailangan talaga ninyong magturo, sa pamamagitan ng kautusan ni Krsna, darating sa atin ang ganitong damdamin: ‚Kailangan ko na itong gawin.‛ At sa totoo lang, ito naman talaga ang gusto ni Krsna. Dahil sa paraang ito Siya dumadaloy. Sabi nga ni Chaitanya Mahaprabhu, ‚Sanatana, nararamdaman Ko ang pagpapala ni Krsna subalit ito’y napupunta sa iyo; kusa itong lumalagpas sa Akin, kung kaya’t hindi ko talaga lubos na maunawaan kung ano ang mga pinag-uusapan natin.‛ Noo’y parang ganito din ang naramdaman ko. Ginagawa ko lang ang mga ipinag-uutos Niya sa akin, na maging Acharyya. Ako’y isang hamak na tao lamang, ganunpaman, subalit ito ang utos sa akin nang aking Acharyya, kaya marapat lamang na ito’y dapat kong gawin. Kaya kapag ang pangangailangang ito’y inyong naramdaman na, maaari ninyong gawin ang trabaho ng isang Acharyya. Ito’y hindi lamang panlabas na usapin, kundi panloob na gawain din. Ito ang ibinilin sa atin ng ating Acharyya, “Magpatuloy kayo sa pangangaral; Magturo kayo. Ang bagay na ito’y ibinibigay ko sa inyo, dahil alam kong ito’y kaya ninyong gawin. Ikalat din ninyo ang mensaheng ito, katulad nang ginawa ko.‛ Kaya kung ito’y totoo talagang nararamdaman ng inyong kalooban, gawin ninyo ang trabahong ito. Ituro ninyo sa mga tao ang mga natutunan ninyo sa Guru ninyo. Dahil kung hindi, mananagot tayo sa kanya. Tiyak na pagagalitan niya kayo, ‚Ang dami mong nakuhang lakas sa akin, bakit mo itinatago lang? Pakawalan mo nang makatulong naman sa iba.‛ Kaya kapag nakaramdam kayo nang ganitong inspirasyon, gawin ninyo ang tungkuling ito, gaano pa ito kahirap gawin. Iba naman ang usapin ng gustong maging Guru, na ang gusto’y bihagin ang posisyong ito na maging isang Guru, ang matikman ang inaaning respeto kapag naging Guru; habang ginagampanan ang tungkuling ito. Dito, sa usaping ito, mahalaga ang maging tapat tayo. Bagama’t mahirap itong sundin. Walang-dudang ang bagay na ito ay talagang napakahirap; dahil kapag hindi tayo naging matagumpay, mawawala tayo at ang iba’y kasama din nating mawawala. Kaya kung talamak ka talagang mandaraya, ibig sabihin, tiyak na pawang panloloko din ang lahat ng gagawin mong pagtulong. Kaya, pag-ingatan natin ang lahat ng ibinibigay sa atin nang ating Guru, tignan din natin kung talagang karapat-dapat tayo sa pagganap sa tungkuling ito, tanungin nating maigi ang mga sarili natin, may kakayahan ba talaga tayong tumulong? Ang Bitag sa Paghuli sa Guru Deboto: Maaari po bang magbigay ng espirituwal na aral na hindi nagbibigay nang panimulang-binyag? Siguro naman maaari din nating ipaliwanag sa kanila ang mga narinig natin sa ating Maestrong Pang-espirituwal na hindi nagbibigay nang pasimulang-binyag? Ikapitong Kabanata: Ang Nagbinyag na Maestrong Pang-espirituwal

56


Śrī Gurū at Kanyang Pagpapala Srila Sridhar Maharaj: Ito’y parang isang patibong din upang hulihin ang isang Guru. Dahil sa sandaling magturo ka sa iba ng espirituwal na aral, ganito ang sasabihin sa iyo nang mga tinuruan mo, ‚Ayaw ko sa iba. Gusto ko ikaw lang. Sa palagay ko sapat na sa akin ang mga narinig ko sa iyo. Ikaw ang gusto kong maging Guru ko, ayoko sa iba.‛ Deboto: Ngunit maaari mo namang sabihin sa kanila na, ‚Kung totoong nagtitiwala kayo sa akin at ako ang gusto ninyo, kung ganoon siya ang kunin ninyo.‛ Srila Sridhar Maharaj: Ito’y kung talagang tapat siya sa kanyang nararamdaman, maaari din niyang sabihing, ‚Kung tunay ngang may pananalig kayo sa akin, sa ginoong iyon kayo lumapit.‛ Kung ito’y bukal talaga sa kanyang kalooban, at naniniwala siyang ang taong iyon ay masmataas pa sa kanya. Subalit papaano kung sa loob mismo nang kinaaaniban nating samahan ay nakikita nating nagbabagsakan ang itinalagang Acharya, ano sa palagay mo ang dapat nating gawin, ‚Mahirap magrekumenda sa kung sinu-sinong ginoo?‛ Sa panahong iyon, siya na mismo ang kikilos upang maipagpatuloy ang naiwang gawain nang kanyang Guru. Alam ninyo, lahat ng ito’y depende din sa matapat na kamulatan natin.

Ikapitong Kabanata: Ang Nagbinyag na Maestrong Pang-espirituwal

57


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.