Ikawalong Bahagi - Ang Mapawalay kay Sri Guru

Page 1

Ikawalong Kabanata

Ang Mapawalay kay Sri Guru Noong ang Kanyang Banal na Pagpapala si Srila A.C. Bhaktivedanta Swami Prabhupad ay naririto pa hinimok niya ang kanyang mga kabig at matataas na disipulo na aniya, kapag siya’y nawala na, at kailangan nila ang payo nang mga nakakataas na deboto, magpunta sila kay Śrīla Śrīdhar Mahārāj, na nakatatanda niyang Kapatid sa Pananampalataya. At hindi lamang iyon, may mga pagkakataon na ganito ang kanyang sinabi tungkol kay Śrīla Śrīdhar Mahārāj, “Pagdating sa pagtuturo nang kamulatan para sa kamalayan kay Krsna si Śrīla Śrīdhar Mahārāj ang Siksha-guru ko, kaya kung siya’y makakasama ninyo tiyak higit na biyaya at pagpapala ang matatamo ninyo.” Kaya noong siya’y pumanaw na, naglaho na sa ating paningin, lumapit ang mga nakakatandang disipulo ni Srila A.C. Bhaktivedanta Swami Maharaj Prabhupad kay Śrīla Śrīdhar Mahārāj upang humingi ng payo kung papaano maayos na mapapatakbo itong ISKCON, ang International Society for Krsna Consciousness. At ang sumusunod na talakayan ay hango sa kanilang pakikipagpulong.

Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

1


Deboto: Pumanaw na po ang aming pinakamamahal na Maestrong Pangespirituwal, naparito kami upang mag-alay nang aming respeto at paggalang, bukod dito, nais din po sana namin mapakinggan, kung inyong mamarapatin, ang inyong payo hinggil sa ilang usapin na ilalapit po namin sa inyo, dahil para sa amin napakahalaga kung anuman ang magiging payo ninyo. Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Tungkol sa pagpanaw ng Maestrong Pangespirituwal, isang halimbawa ang binigay ng śhāstra. Ang isang disipulo ay tulad sa isang lotus. Samantalang ang Maestrong Pang-espirituwal ay tulad naman sa tubig, sa sapa o lawa. Ganundin ang Gurudeva mo, siya’y tulad din ng isang tubig sa sapa, at si Kṛṣṇa ay tulad naman ng araw. Ang lotus hangga’t nasa tubigan ito’y yumayabong at nagiging masigla kahit na mabilad sa arawan. Subalit sa sandaling ito’y mawala sa tubigan, ito’y matutuyot at masusunog dahil sa matinding sikat ng araw. Ang lotus kapag nawala sa tubigan ito’y susunugin ng Kṛṣṇang araw. Ibig sabihin, kung hindi tayo tutulungan ng Guru, walang kalalagyan ang sinumang disipulo. Kung walang Guru, lahat ng ito’y mababalewala Ang sabi ni Raghunath Das Goswami, ‚Magmula nang mawala ang aking Gurudeva, tuwing pagmamasdan ko ang Burol ng Govardhan, na ang sabi’y Siya din si Kṛṣṇa, ay parang isang napakalaking sawa na gustong sumakmal sa akin, na para bagang gusto akong lamunin nang buong-buo. At ang sinasabing Radha-kunda, nang mga taga Gaudiyasampradaya, na pinakabanal sa lahat ng banal na lugar ay parang bibig nang tigre na gustong lumapa sa akin. Marami na ang gumabay sa akin, subalit sa lahat, lalu na’t pagdating sa usaping espirituwal, ang Gurudeva ko ang pinakamataas, siya’y labis-labis kong mahal, subalit magmula nang siya’y pumanaw, ako’y labis na nalungkot at nangamba. O Gurudeva, hindi ba’t ang sabi mo mahal na mahal mo din ako, nasaan ka na, bakit hindi kita makita. Bakit, anong nangyari at ika’y nawala? Bakit parang biglang naglaho na ang lahat. Wala na kayo. Magmula nang mawala ka, nawala na rin silang lahat.‛ Alam ninyo, kapag ganito katindi ang paniniwala nang Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

2


isang disipulo sa kanyang Gurudeva, ibig sabihin matinding kalungkutan ang kanyang naramdaman dahil sa pagpanaw nang kanyang Gurudeva. Minsan, isang deboto ninyo ang narinig kong nagsasalita sa isang klase, anya, sa lahat, ang mapawalay sa Guru ang pinakamataas na kamulatan dahil sa ito’y nagpapahayag nang matinding damdamin para sa kanyang Gurudeva. Labis-labis ang naramdaman kong kasiyahan noong marinig ko mula sa kanyang mga labi ang ganoong pahayag, na sa lahat ng kamulatan, ang vipralambha, ang mapawalay sa Guru, ang siyang pinakamataas. Kung wala naman palang nawawala sa inyo, o kaya wala naman pa lang darating sa inyo, ano ang hinihintay ninyo, sino ang pinanabikan ninyong baka dumating? Hindi ba’t wala? Sa lahat ng damdamin, pagdating sa usapin nang tungkol sa kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa, ang vipralambha ang pinakamatindi, ang pinakamataas, at sa lahat ng araw, ito ang pinaka-mapagpalang-araw dahil labis-labis ninyong pinanabikan ang pagkakataon na makapiling si Kṛṣṇa. At bagama’t nakahiwalay tayo kay Kṛṣṇa, ganunpaman ang totoo, nakakunekta parin tayo sa Kanya. Kung ganoon, bagama’t nakawalay tayo kay Kṛṣṇa, sa vipralambha ligtas tayo, sa totoo lang hindi tayo mapapahamak, bagkus higit pa nga tayong masmagiging matibay at ligtas ang ating kalagayan, kaya wala tayong dapat ikatakot at ipangamba. At kapag napawalay tayo sa ating Gurudeva, dapat maging matibay tayo, dapat magpakatatag tayo, at dapat siya parin ang laman ng puso at isipan natin, at kung ganoon na tayo, ibig sabihin nakapasa na tayo sa isang pagsubok. Deboto: Noong panahon ng aming Maestrong Pang-espirituwal, sa lahat, siya po ang pinakamataas, ang pinaka-makapangyarihan at sinusunod nang lahat, kahit ng Governing Body Commission. Subalit ngayong siya’y pumanaw na, pumalit ang mga Kapatid namin sa Pananampalataya bilang bagong Maestrong Pang-espirituwal, kung ganoon ano na po ang magiging relasyon namin sa kanila at sa magiging disipulo nila? Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Dapat lahat ng gustong ipagawa nang Āchārya ay sinusunod ng bawat disipulo; at kapag ang Āchārya ay nasa piling ng Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

3


kanyang mga disipulo, dapat siya ang pinaka-makapangyarihan sa kanilang lahat, dapat ang kagustuhan niya ang nananaig at nangingibabaw. Ganunpaman, hangga’t hawak niya ang ganitong klaseng kapangyarihan, dapat ito’y kanyang iniingatan din at ang kapangyarihang ito’y hindi niya kinababaliwan at ipinagyayabang o kaya ipinagmamalaki at ipinangangalandakan. Alam ninyo, ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay isang uri din ng pratistha, isang uri din ng kahambugan, dahil magiging sikat ka, kikilalanin ka ng tao at ikaw ay tiyak na kagigiliwan nang lahat. May isang bagay na dapat din nating iwasan. Ito’y tungkol pagtingin ng isang Guru sa kanyang nasasakupan sa antas nang vatsalya-rasa, ang paraan ng pag-aalaga nang Guru sa kanyang mga disipulo. Minsan dahil sa sobra o kakaibang pagtingin ng Guru sa kanyang disipulo nababawasan ang pagtingin nito sa kanyang mga Kapatid sa Pananampalataya. Dahil habang napapalapit ang kanyang kalooban sa kanyang mga disipulo, unti-unti na itong kumikiling, dahil meron na siyang kinagigiliwan. Unti-unti na siyang nagkakaroon ng diskriminasyon. Alam ninyo, ang ganitong sitwasyon ay hindi natin talaga maiiwasan, dahil hindi ba’t totoo naman talagang masmagiliw tayo sa mga anak natin kaysa ating mga kapatid? At sa ganitong sitwasyon, mahirap talagang manimbang sa kanilang dalawa. Hindi ba’t totoo naman talagang higit tayong magiliw sa mga anak natin kaysa mga kapatid natin? At sa puntong ito, dito na natin mapapansin na medyo kumikilya na ang Guru. Alam ba ninyo kung bakit? Sa piling ng kanyang mga disipulo, ang Guru ay malayang nasusunod, lahat ng gusto niya ay nasusunod; sa piling nang kanyang mga disipulo siya ang amo nang lahat. Alam ninyo mahirap din ang ganoong kalagayan, mahirap manatiling malinis, dalisay at wagas, sa ganoong posisyon dahil palagi na lang may nakaambang tukso; at anumang sandali ay maaaring bumagsak ang sinomang Āchārya.

Ang Guru ay siyang lahat-lahat sa ating buhay Ang pagakakaroon ng solong kapangyarihan, ang pagiging awtokrata at demokrasya ay hindi maaaring magsama. Tayo ay sumusunod sa sistemang awtokrasya. Para sa atin, sa lahat, ang Guru ang pinakamakapangyarihan, ang lahat-lahat sa ating buhay. Hindi ba’t noong dumulog tayo at nagpailalim sa kapangyarihan ng ating Guru walang Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

4


anumang kundisyon. Samakatuwid kapag ang kapangyarihang ito ay binawasan o kaya nilimita nang ibang Vaiṣṇava, ito’y tiyak na lilikha

nang malaking kaguluhan at kalituhan sa isipan nang kanyang mga disipulo, sisirain lamang nito ang kanilang matibay na pananampalataya sa kanilang Guru. Mabuti na lamang pagdating sa ganitong usapin, malaki ang maititulong nang konsepto na ang Diyos ay may katauhan, at ito’y si Kṛṣṇa. Sa konsepto ng ating paniniwala, sino ba ang batang ito na pinapalo ni Yasoda dahil sa labis na kapilyuhan, hindi ba’t ito’y si Kṛṣṇa, ang pinakamataas sa lahat ng mataas? Hindi ba’t kahit na Siya pa ang Pinaka-Supremong Katauhan ng Diyos, maaari din pala Siyang utusan? Hindi ba’t inutusan Siya ni Nanda upang iabot ang kanyang sapatos? Hindi ba’t ito’y ipinatong pa ni Kṛṣṇa sa Kanyang ulo habang papalapit kay Nanda? Sa pamamagitan ng mga halimbawang ito, madali nating mailalagay sa ayos ang anumang gusot tulad sa pagitan nang di-mapapasubaliang pananalig ng isang disipulo sa kanyang Guru at ang pagiging isang ordinaryong tao nito. Sa pamamagitan ng kamulatan sa kamalayan kay Kṛṣṇa, silang dalawa ay madali nating maaayos. Dapat maging parehas tayo sa ating pananaw pagdating sa Guru. Hindi ba’t lahat tayo ay nagsasabing, sa lahat, higit na mapagmahal ang sarili nating ina? Subalit kung ating susuruin kung sino sa kanila ang pinaka, dapat wala tayong kinikilingan sa kanilang dalawa, dapat sila’y parehas nating sinusuri. Ang tawag dito’y tatastha-vichar, ang patas at walangkinikilingang pag-uuri sa mga bagay, ang halimbawang ito’y praktikal nating magagamit at mahalagang gamit din sa ating buhay. Hindi ba’t kapag sinusuri natin ang isang bagay, masbinibigyan natin nang pansin kung ano ang kanyang gamit at kahalagahan? Pagdating sa pagiging Āchārya ng isang tao, ang usaping ito’y masyadong napakasalimuot. Alam ninyo, mahirap ilagay sa ilalim nang isang panuntunan at patakaran ang isang Āchārya. Dahil mula’t-sapul ganito naman talaga ang kanyang kalagayan, walang-hangganan ang kanyang kapangyarihan. Makinig kayong maigi at sana ito’y inyong tandaan. Ang Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

5


Āchārya ay mananatiling Āchārya sinoman ang kanyang kaharap, ang mga disipulo’y ganun din, iba’t-ibang tao, iba’t-ibang klaseng pakikitungo, minsan ang pagtingin ng isang Āchārya ay tulad sa isang ina sa kanyang anak, ama sa kanyang anak, nang lalake sa kanyang asawa. Ayon sa pananaw nang mga Kapatid sa Pananampalataya ng Guru, sila’y magkakapareho lamang, subalit pagdating sa kanyang disipulo siya’y walang-kaparis at labis ang kapangyarihan. Mahirap talaga silang pagsamahin; sa totoo lang ang bagay na ito’y eternal na usapin. Tignan na lang ninyo ang Kṛṣṇa-lila, ang hidwaan sa pagitan ng nasa madhura-rasa at vatsalya-rasa, subalit ganunpaman, dahil sa kanilang wagas na katangian, ang dalawang rasa na ito ay nasa loob ng Kṛṣṇalila.

Ang Guru ay higit pa sa Diyos Para sa isang disipulo, ang kanyang Guru ang Pinaka-Supremo sa lahat, at ito’y higit pa sa Diyos. Hindi ba’t ganito naman talaga ang nasusulat sa mga banal na aklat? Hindi ba’t totoo naman talagang masmahal natin ang ating Guru kasya sa Diyos? Bakit po? Papaano tayo mapapansin ng Diyos ang dami-dami Niyang gawain, samantalang ang Guru ko asikasongasikaso ako. Sa totoo lang, masmalaki ang naitutulong ng Guru kaysa nang Diyos. Kaya kung nais talaga ninyong yumabong ang natural na pagtingin ng isang disipulo sa kanyang Guru at sa Kalubusan, dapat maluwag ang inyong samahan sa ganitong klaseng bagay, dapat hindi natin sila pinipigilan at dapat ito’y hinahayaan na lang. Ang mga batas na gusto nating ipatupad ay hindi makakatugon sa ating pangangailangan. Kaya dapat sa loob ng inyong samahan, kinakalinga nang inyong batas ang ganitong klaseng damdamin, dahil ito’y banal. Anong klaseng batas ito kung ito naman ay batas na mapaniil. Dapat pa nga, kung magpapairal tayo ng batas maslalu pa nitong pinapatatag ang ating pananalig. Alam ninyo, limitado lamang ang kapangyarihan ng śhāstra, nang mga banal na aklat. Ang totoo, ang pakay lamang nito ay tungkol sa pag-iibigan, at sa sandaling makapasok na kayo sa larangan ng pag-iibigan, tapos na siya, wala na siyang gagawin; at sa loob ng mundo ng pag-iibigan, lahat ay maayos na magkakasama at nagkakasundo. Ayon kay Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

6


Śrīla Rūpa Goswāmī, kapag ang debosyon ay nasa vaidhi-bhakti, nasa ilalim nang panuntunan at batas ng śhāstra, ang tulong nito’y limitado lamang. Tumutulong lamang ito upang gisingin ang natutulog nating pagmamahal at pag-ibig at ang gawain niya’y hanggang doon lamang, pagtapos noon ay wala na. Maaari na siyang magpahinga. At ang mga umiiral na batas, silang lahat ay magsisipagtabi na upang magbigay-daan sa rumaragasang agos ng pag-ibig. May gamit din ang batas, kailangan din natin nito lalu na ang mga nasa mababang antas, subalit dapat ang mga batas na ito’y may butas, upang malayang nakakakilos ang anumang klaseng relasyon. Sa lahat, hindi ba’t ang pagiging malaya ang pinakamahalaga. At kapag sinabing malayang paninilbihan, ibig sabihin ito’y raga-marga, at ito talaga ang totoo at tamang paninilbihan. At hindi tulad ng ika’y nakatuntong sa isang patakaran, binabantaan at pilit na pinasusunod sa umiiral na batas at patakaran. Dahil ang ganitong klaseng paglilingkod ay hindi itinuturing na totoo talagang paglilingkod. Hindi ba’t ang gusto nati’y makarating sa Vrndavan. Malayang nakakakilos upang makapaglingkod. Dahil anong halaga ng inyong paninilbihan kung ika’y hindi naman malayang nakakagalaw, hindi ba’t ito’y walang-halaga. Ang kailangan nati’y malayang nakakapanilbihan, may pag-ibig at hindi pilit lamang. Hindi ba’t ito naman talaga ang hanap natin. Oo nga’t, walang-alinlangang mahalaga din ang nasusulat na batas, subalit tandaan natin, ano ba talaga ang pakay natin, hindi ba’t ang pinakamataas na klase ng buhay, ang makamit ang banal na pag-ibig. Dapat ito ang pakay ng mga batas natin. At ang ganitong damdamin ang dapat nating sundin. Nagdadatingan ang mga baguhan, dala ang ganitong klaseng paniniwala, kaya dapat ito’y hindi natin hinahadlangan bagkus atin pang pinapalakas at inilalagay sa tamang ayos upang hindi makagambala sa paniniwala ng iba. Mga Mesiyas nang Malayang Pananalig Dapat hindi nililimitahan o kinokontrol nang anomang klaseng batas ang Āchārya dahil tutunawin lamang nito ang sraddha, ang pananalig ng kanyang mga disipulo, at ang posisyon niya’y magiging parang isang makina na lang. Dahil sa sandaling siya’y putulan o bawasan natin ng Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

7


kapangyarihan ito’y magiging materyal na at di-na espirituwal. Hindi ba’t ang sabi, tayo ang mga mesiyas ng pagbabago, dahil ang nais natin ay malaya tayong nananalig sa Panginoon. Kung ganoon, dapat ito ang inaalagaan natin, ang pananalig natin. Dapat ang ganitong klaseng halaman ang itinatanim natin sa puso, inaalagaan at dinidiligan natin. At kung magpapatupad man tayo ng anumang batas at mga panuntunan, dapat hindi nito pinapakialaman, kinakalikot at ginagambala ang mismong pananalig natin. Dapat malaya itong nakakapamuhay. Alam ninyo, sa kilusan ni Sri Chaitanya Mahaprabhu masnanaig ang puso kaysa ating katalinuhan at pag-iisip. Ito ang dapat nating tatandaan. Dapat hindi pinipigilan at hinaharang nang ating katalinuhan ang malayang paggalaw ng ating puso. Ito ang dapat nating tatandaan. Hindi ba’t kaya tayo lumabas nang ating tahanan at nakiisa sa misyong ito ay dahil sa malayang pagmamahalan, malayang pag-iibigan at malayang pananalig, dahil ang alam natin, sa lahat, ito ang pinakamahalaga at talagang kailangan natin. Kung ganoon, ito ang dapat manaig, ang malinis at dalisay na hangarin. Oo nga’t walang-duda, dapat ay may umiiral na batas din, dahil ito’y sadyang nakakatulong din sa atin, subalit dapat ang batas na ito’y hindi mapaniil, hindi mapanupil, dahil pipigilan lamang nang ganitong klaseng batas ang paglago ng pag-ibig natin, na siyang buhay natin. Dapat higit nating inuuna kung ano ang totoong diwa, ang totoong layunin nang misyong ito na pinasukan natin. At ang isa pa, dapat hindi din tayo masyadong mahigpit sa mga kasamahan natin. Hindi ba’t may kasabihan, ‚Halimbawang nakagat ng ngipin mo ang iyong dila, ibig sabihin ba, dapat ito’y ipabunot na lang natin upang hindi na muling maka-kagat?‛ Huwag nating kalilimutan lahat tayo ay magkakasama; kaya dapat pairalin natin ang pangingibabaw nang pagmamahalan, ang pagpapatawad sa mga nagkamali at nagkasala. Alam ninyo, kung gusto ninyo silang mabihag, dapat ito’y sa pamamagitan ng pagmamahalan kaysa batas na gusto nating ipatupad. Hindi ba’t lahat tayo’y pawang mga alila at katulong lamang ng Panginoon, kung ganoon sino tayo at kung anu-ano ang gusto nating ipairal at ipauso sa kanila?

Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

8


Alam ninyo, dalawang panganib ang maaaring kaharapin nang isang Āchārya. Ang una ay ang pagkakaroon ng di-pantay na pagtingin. Kapag sinabing di-pantay na pagtingin, ito’y may-kinikilingan. Ibig sabihin, higit siyang magiliw sa kanyang mga disipulo. Dahil kapag kapiling niya ang kanyang mga disipulo ganap ang kanyang kalayaan. At ang sitwasyong ito ang umaakit sa kanya. At ang ikalawang panganib ay ang paglihis naman sa landas. Ang dalawang ito, ang pagkiling at paglihis ng landas ang maaaring magpabagsak sa isang Āchārya. At ito din ang dalawang matinding kaaway ng Āchārya. Kaya dapat higit na maging maingat sa dalawang ito ang sinomang magiging Āchārya. Mapanganib ang maging isang Āchārya. Dahil ito’y punung-puno ng tukso. Samakatuwid, ang pagiging Āchārya ay hindi basta-basta. Dapat maging matatag siya sa kanyang paniniwala, dapat maging tapat din siya, at higit sa lahat dapat matindi din ang kanyang hangarin na makarating sa itaas ng kamulatan sa kamalayan kay Kṛṣṇa. Dahil kung hindi siya magiging matatag, tiyak na siya’y babagsak. Dapat huwag niyang hayaang pumasok sa kanyang isipan ang ganitong klaseng kaisipan na siya’y naging amo na nang lahat, ‚Lahat ng ito sakop ko.‛ Oo, ipagpalagay natin, hindi ba’t ito’y sa kanyang grupo lamang? Oo, doon walang-duda, siya nga ang amo. At alam mo ba kung ano ang nangyayari sa taong labis-labis ang kapangyarihan na animo isang Hari? Ito’y nagiging baliw. Kaya kapag naging Āchārya ka, tiyak labislabis ang mararanasan mong tukso. Kaya kung ang mga bagay na ito’y lingid pa sa inyong kaalaman, hindi mo pa alam, tiyak na mahihirapan ka sa posisyon mo, at ikaw ay babagsak. Mahirap para sa isang tao na ang posisyon ay tulad nang sa isang Hari, na labis-labis ang kapangyarihan, maraming salapi at tauhan, ang maging matatag sa pagiging isang alila, ang manilbihan. Dahil tiyak na guguluhin lamang nang ganitong klaseng ego, na nandoon lamang at nakaabang sa loob natin ang sinomang Guru. Huwag na huwag nating kalilimutan naririto tayo sa lupain ng pagsasamantala. Kaya dapat gising na gising na tayo sa mga kanitong klaseng bagay, dapat palagi nating sinusuri ang mga sarili natin. Alam ba ninyo kung papaano? Dapat habang tumataas ka, ganito ang nasa isipan mo, ‚ako’y bumababa.‛ Dito ninyo masusukat ang inyong sarili kung Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

9


tumataas nga ba kayo o hindi. Maaaring sa panlabas na kalagayan kayo’y mataas na, subalit dapat ganito ang palaging nasa isipan ninyo, ‚O, aking Panginoon! Tulungan po Ninyo ako. Maawa po Kayo sa akin, nawa ako’y Inyong pagpalain! Hirap na hirap na po ako.‛ Pera, mga babae at pagiging sikat Isang napakalaking kamalasan para sa isang Guru na Vaishnava ang maligaw nang landas. Ito’y pambihirang nangyayari, subalit paminsanminsan nangyayari din. Kadalasan, dahil sa tatlong palatandaan nahuhulog ang isang Guru, naliligaw nang landas, at ito ay ang kanak, kamini, at pratistha, dahil sa pera, babae at kayabangan. Una, mapapansin mo sa kanya na unti-unti nang lumalayo ang kalooban nito sa kanyang Guru, maging sa śhāstra-upadesh, sa payo nang śhāstra. At ang isa pa, kung noong una madalas nitong binabanggit ang iba’t-ibang sipi ng śhāstras at maging ang mga naging pahayag ng kanyang Guru, subalit ngayon ito’y unti-unti nang nawawala. Maging ang kanyang pananabik tungkol sa matataas na bagay, ito’y unti-unting naglalaho na rin. At ito po ay bunga ng kahambugan, nang pratistha, sa pagkakaroon ng pangalan, ang pagiging sikat. Kanak, kamini, pratistha: salapi, babae at ang pagiging sikat—ang tatlong ito ang gagamitin nating panukat sa kanila, kung sila nga ba ay totoo talagang sadhu o hindi, at kung gaano na talaga kataas sila. Sa simula, mapapansin ninyong sila’y unti-unting lumilihis sa mga turong-aral ng mga Guru nila. Dapat ito’y agad na ninyong nahahalata. Sa kanilang pratistha, sa kanilang kahambugan. Pagkatapos, mapapansin mo din sa kanila, na mahilig na silang magkamal nang yaman, biglang nahilig na sa pera, subalit ayaw namang gastusin. Oo nga’t maaari tayong mangalap ng pondo, mag-ipon ng pera, subalit dapat ito’y bilang panggastos sa sampradaya, upang makapaglingkod sa mga Vaishnavas. Subalit ang layunin nang pagkakamal ng yaman ay iba—at ito ang ikalawang senyales nang paglihis ng isang Guru sa tinatahak nating landas. At ang ikatlo ay ang pagkahilig nito sa mga babae. Oo nga’t walang-duda na kapag nandoon ka na sa ganoong posisyon may dumarating na pera at babae at ang rangya na ika’y Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

10


dinadakila nang mga disipulo mo. Ang bagay na ito’y di-maikakailang mahalaga din, kailangan din natin, subalit dapat ang tanging layunin lamang natin nito ay maipaabot sa kanila ang Kalubusan, ang banal na adhikain na mailapit sila sa Panginoon at hindi para sa pansariling kasiyahan natin. Kaya sa sandaling napansin nating ganito na ang ginagawa nila, at nagiging pang pampersonal na, at hindi na para sa layunin ng ating sampradaya, aba delikado, dapat mag-isip isip na kayo. Marahil sa simula, ang ganitong klaseng problema ay binabalewala pa natin, ayaw pa muna nating pansinin. Subalit sa sandaling ito’y nagiging madalas na, at hindi lamang miminsan nangyayari, dapat suriin na natin itong maigi. At kung kinakailangan, ilapit ninyo sa mga kinauukulan, halimbawa sa akin. At pagkatapos kung kinakailangan pa, ilapit din ninyo sa ibang matataas na tao, at maging sa ibang Āchāryas, na sa palagay ninyo ay makakatulong sa inyo. Maaari siguro na sa umpisa, ang ganitong problema ay masasabi nating maliit na bagay lamang, at ito’y hindi pa muna natin pinuna at pinapansin, subalit lingid sa ating kaalaman ito’y nakakapinsala na pala, totoo na talaga, at lumalala na, at ang pinagpipitagan nating Maestrong Pang-espirituwal ay tila gegewanggewang at mukhang pabagsak na, kung ganoon, agad ka nang kumilos para iligtas ang sarili mo. Kumilos ka na, nang hindi ka na mahawa pa sa kumakalat na epidemya. Agad mo nang iligtas ang sarili mo. At kung maaari, magligtas ka narin ng iba upang hindi na din sila madamay sa kanilang pagsasamantala. Dapat maging totoo at tapat ka din sa talagang hangarin mo. Ang bagay na ito ay maaari mong gawin din; dahil ang bagay na ito’y nasusulat din sa śhāstras, at maging sa mga narinig nating istorya sa śhāstras. Kaya dapat hindi tayo tutulug-tulog, dapat habang sumusulong tayo, palaging bukas ang ating mga mata. Iwanan ang mga bulaang-guru Deboto: Ano po ba ang dapat nating gawin sa ating Guru na siyang nagbinyag sa atin subalit bumagsak, nawala sa tinatahak nating landas, ano po ba ang dapat gawin ng isang disipulo?

Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

11


Srila Sridhar Maharaj: Muli, maaari siyang sumilong at humingi ng tulong sa Banal na Pangalan ni Krsna at maghintay nang ilang panahon. Kung ang Guru na ito ay talagang tapat na disipulo sa kanyang Mestrong Pang-espirituwal, minsan, dahil sa ilang pagkakamali at pagkakasala sa kanyang Guru, ang Maestrong Pang-espirituwal na ito’y tinitikis muna nang kanyang Guru, bunga noon, ito’y pansamantalang naligaw muna nang landas. Subalit may pagkakataon na muli parin itong nakakabalik at nakakasusunod sa pina-iiral na patakaran. Ganunpaman, may nasasabi sa Udyoga-parva ng Mahabharata [179.25]: guror apy avaliptasya karyakaryam ajanatah utpatha-pratipannasya parityago vidhiyate ‚Kapag ang Guru ay walang alam, kung alin ang tama at mali, at ang mga Guru na umalis sa landas ng debosyunal na paglilingkod, dapat sila’y iniiwan at nilalayasan na natin.‛ Ito po ang naging pahayag ni Bhisma sa Mahabharata. Hindi ba’t si Bhisma ay isa sa labindalawang Mahajanas, at ito ang sinabi niya sa kanyang astra-guru, kay Parasuram. At ayon naman kay Jiva Goswami, halimbawang ang Guru mo ay tuluyan nang naligaw nang landas, dapat ito’y atin nang iniiwan, kaya lamang, may mga pagkakataon, na di-natin mawari, minsan dahil narin sa kalooban ni Krsna, ito’y muling nakakabalik. Kaya ayon kay Srila Jiva Goswami, dapat maghintay muna tayo nang ilang panahon. Bagama’t nakakalungkot, at isang malaking kamalasan para sa isang disipulo na dumanas nito. Ang usaping ito ay mababasa ninyo sa aklat na Hari-namachintamani ni Srila Bhakti Vinod Thakur, at doon, masusi itong tinatalakay. Halimbawa, isang anak ang napariwara, naglayas at sinuway ang utos ng kanyang ama, at labis itong kinagalitan nang kanyang ama; at inalisan ng mana. Kaya lamang paglipas nang ilang panahon, ito’y nagpakabait na, naging masunurin na, at nakabalik na, hindi ba’t ibinabalik din sa kanya ang inalis na mana? Ito’y ganun din sa isang Maestrong Pang-espirituwal na sumuway sa utos nang kanyang Guru, maaaring kainisan din siya ng kanyang Guru at alisan nang mana. Subalit sa sandaling ito’y muling Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

12


bumalik at nangakong magbabago, hindi ba’t ang inalis na mana ay maaaring ibalik din sa kanya? At ang bagay na ito’y nandoon sa Bhagavadgita, api chet suduracharo. Kaya dapat huwag din tayo masyadong magpadalus-dalos sa paggawa nang desisyon tungkol sa mga kamalasang ito, dapat maghintay muna tayo ng ilan pang panahon. Magmasid at magmatyag pa muna tayo. Ibig sabihin, dapat palaging nasa tama tayo. Kapag sinuri nating maigi ang relasyon sa pagitan ng Guru at sa kanyang Kapatid sa Pananampalataya, at nang Guru sa kanyang disipulo, makikita natin ang ilang pinong damdamin na mahirap arukin. Tulad nang noong pumasok na si Kṛṣṇa sa bulwagan nina Kamsa, hindi ba’t halos lahat ng nandoon ay magkakaiba nang pananaw? Ito’y ganun din sa pagitan nang mga disipulo at sa kanilang Guru, at sa pagitan ng Guru at nang kanyang mga Kapatid sa Pananampalataya. Lahat sila’y may kanyakanyang pananaw. Iba din ang pananaw nang mga disipulo ng totoo at tunay na Guru, ayon sa kanila ang Guru nila ay personal na kasamahan ni Kṛṣṇa, subalit pagdating sa mga Kapatid ng Guru sa Pananampalataya, silang lahat ay magkakaparehas lamang, pantay-pantay lang. Sa mga nasa madhura-rasa, ibang Kṛṣṇa ang kanilang nakikita at sa mga taga vatsalya-rasa ibang Kṛṣṇa din. Pagdating kay Inang Yasoda, ibang Kṛṣṇa din ang kanyang nakikita. Sa mga nagsisilbi sa Kanya, iba din. Sa pananaw ni Garga Muni, ibang Kṛṣṇa din ang kanyang nakikita. Ang lahat ng ito’y ayon sa Kanyang kagustuhan, kung anong klaseng Kṛṣṇa ang gusto Niyang ipakita. Maaaring ayon sa inyong palagay ang Guru ninyo ay ganito, ganyan, subalit dapat, kayong mga Kapatid naman niya sa Pananampalataya, kapag nasa harapan kayo ng mga baguhan, sa mga disipulo ng Guru na ito, dapat nag-iingat kayo sa mga pinagsasabi ninyo, dahil baka nakakasakit na kayo ng damdamin. At dapat pa nga, ang mga baguhang ito ay patuloy nating inaalalayan, inaayudahan at pinapasigla ang kanilang kalooban. Hindi madaling mangumbinsi nang tao, at mapanilawa sa mga sinasabi natin, lalu na sa mga nagkasala, at dalhin ito sa ating Guru. Kaya

Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

13


dapat tignan natin kung ano ang kaya nilang gawin at pagkatapos, ito ang ialay natin sa Guru. Pagdating naman sa usapin ng mga Kapatid ko sa Pananampalataya ako na ang bahala doon. At ito’y nandoon na sa loob ng puso ko. Ganunpaman, dapat kung anoman ang palagay ko sa kanila, ito’y sa akin na lang, upang hindi na makaistorbo sa kanyang mga disipulo. At halimbawa bumagsak ang isang Āchārya, at napansin nating wala talaga itong kakayahang tumulong sa atin, at ang mga ginagawa nito’y matindi na talaga at hindi na natin maatim, aba, dapat kumilos na kakagad kayo; bagama’t labag man sa ating kalooban ang ating gagawin dapat kumilos na kayo. Sublit sana harinawa, kaawaan tayo ng Diyos sa ating gagawin, at maging iligtas sa tiyak na kapahamakan. Dapat ganito ang maging damdamin natin. At ang isa pa, dapat irespeto natin ang mga nakakatanda sa atin lalu na ang mga nauna pa sa atin. At alam natin kung saan dapat ilagay ang mga sarili natin. At dapat ang mga disipulo’y palagi nating ini-engganyo sa kanilang ginagawa. At ang mga Kapatid sa Pananampalataya naman ng Guru, dapat nirerespeto din ninyo ang kanyang posisyon at kalagayan bilang Guru sa kanyang mga disipulo. Higit sa lahat, dapat mag-ingat tayo, ang mga baguhan ay musmos pa sa kanilang kamulatan, kaya dapat huwag nating guluhin ang kanilang murang kaisipan tungkol sa kanilang Guru. Hayaan natin sila, kung inaakala ninyong masmababang-klase ang kanilang Guru, at ito’y isang adhikar, ganunpaman dapat ipakita parin ninyo sa kanila na ginagalang at nirerespeto parin ninyo ang kanilang Guru. Sa isang hukuman, may pagkakataon na hukom ang anak at ang kanyang ama ay abugado nang isang nasasakdal, hindi ba’t kahit na ito’y kanya pang anak, dapat pagdating sa loob ng hukuman ito’y kanyang nirerespeto at ginagalang. At ito po ay dahil sa kanyang posisyon. Kaya, dapat ganito din ang ginagawa natin sa loob ng ating Misyon. At kung halimbawang dadalawa na lang kayo, nang Āchārya na Kapatid mo sa Pananampalataya at nakita mong wala nang ibang tao, at wala narin ang kanyang mga disipulo, mag-usap kayo. Kahit magsampalan pa kayo, tutal Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

14


wala namang nakakakita sa inyo. Subalit sa sandaling ang Āchārya na ito’y nasa harapan na nang kanyang mga disipulo, dapat kahit na siya’y Kapatid mo lamang sa Pananamplataya, subalit bilang Āchārya ng Misyong ito, dapat nagrerespetuhan kayo, iginagalang ninyo ang bawa’tisa. Kaya kung nais ninyong maging tahimik ang inyong Misyon dapat ganitong disiplina ang palaging pinapairal ninyo. Maaaring ang bagay na ito’y hindi na alam ni Vyasa. Deboto: Ayon sa turong-aral, ang kapangyarihan ng Guru ay walanghangganan at sa lahat, siya ang pinakamataas, subalit ano naman po ang tingin nang Guru na ito sa kanyang sarili? Sril Aridhar Maharaj: Noo’y nagbigay nang kanyang komentaryo si Sridhar Swami sa Srimad Bhagavatam. Kaya lamang ang komentaryong ito ay kakaiba sa naging komentaryo nang lahat, subalit ito’y inayawan nang matatalinong-tao na dalubhasa sa usapin ng mga Banal na Aklat, lalu na nang mga kabig ni Sankara Acharya. Ayon sa kanila, ang komentaryo ni Sridhar Swami ay hindi pang-masa. Kapag binasa nang pangkaraniwangtao, ito’y mahirap intindihin. At bago nila tanggapin, ayon sa mga eksperto, dapat daw ang komentaryong ito ni Sridhar Swami ay idaan muna sa isang pagsubok. Ayon sa kanila, dapat si Visvanath ang magpasya, at ito’y idudulog muna nila sa Kanya, sa Panginoong Shiva. Ito’y iiwan muna nila sa loob ng templo ni Visvanath. At hihintayin ang Kanyang pasya. At ganito nga ang kanilang ginawa, at mula sa loob ng templo ni Shiva, isang talata ang kanilang nakita: aham vedmi suko vetti vyaso vetti na vetti va [Sri Chaitanya-charitamrta, Madhya-lila, 24.314 Ganito ang naging tugon ng Panginoong Shiva, ‚Sadyang napakahirap unawain kung ano talaga ang layunin nang Srimad Bhagavatam.‛ Kung Ako ang inyong tatanungin, alam Ko kung ano talaga ang pakay ng Bhagavatam; at sa pagkakaalam Ko, ang lahat ng ito’y alam din ni Sukadev, nang anak at disipulo ni Vyasadev, subalit pagdating kay Srila Vyasadeva, sa mayIkawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

15


akda nitong Bhagavatam, ewan ko lang. Hindi ko alam kung ito’y alam din niya.‛ Hindi ba’t noong tinuturuan din ni Mahaprabhu si Sanatan Goswami, ganito din ang Kanyang sinabi, ‚Alam mo Sanatan, talagang pinagpapala ka ni Krsna. Gusto Niyang ihayag ang Kanyang sarili sa pamamagitan Ko. Biruin mo salita ako nang salita sa iyo nang tungkol kay Krsna, na parang isang baliw, samantalang Ako, ni-hindi Ko alam kung ano ang mga pinagsasabi Ko.‛ Ang tanong, meron po bang ganito? Opo. Nangyayari po ang ganitong bagay. Hindi po ito kathang-isipan, o isang kababalaghan, at higit sa lahat, hindi din po ito mahirap unawain. Alam ninyo noong pumutok ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may isang karatula sa bandang Dalhousie Square, sa Kolkata. Isang litrato ng sundalo ang makikita ninyo. At sa ilalim ng karatulang ito ay may nakasulat, ‚Sa sandaling isuot mo ang unipormeng ito, makikita mo ang malaking pagbabago sa katauhan mo, sasabihin ng unipormeng ito kung ano ang magiging trabaho mo.‛ Ito’y tulad din sa isang tao na tapat sa kanyang paniniwala, hindi ba’t ang bawa’t-kilos at galaw nito’y ayon sa kanyang kamulatan. At kung siya’y sadya talagang totoo, tiyak na tutulungan din siya ng Diyos. Hindi ba’t ayon sa isang kasabihan, ‘Kapag tinulungan mo ang sarili mo, tutulungan ka din ng Diyos.’ Alam ninyo kapag kumilos ka, at tapat ka sa paniniwala mo at nanguna ka sa pagtugon, bagama’t hindi mo naman talaga pinangarap ang mamuno, at kapag ang pagkakataong ito’y dumating sa inyo, mararamandaman ninyo mismo sa loob kung ano ang dapat gawin, kung ano ang magiging tungkulin mo. At sa bawat-kilos at galaw tiyak meron din tugon ang Panginoon sa inyo. Huwag kayong mag-alala dahil hinding-hindi Niya kayo lolokohin, hindi Niya kayo dadayain. Hindi ba’t kaya kayo nanindigan ay dahil sa pagiging totoo at tapat ninyo, tapat sa mga itinuro sa inyo nang inyong maestro, at ang maestrong ito na nagturo sa inyo kailanman ay hindi nanloko sa inyo. Kaya huwag kayong mag-alala, tutulong din sa inyo ang inyong Guru, handa din niyang ibuhos ang lahat Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

16


nang kanyang lakas sa inyo, ‚Ito ang dapat mong gawin, ganito, ganyan. Huwag kang mag-alala nasa likuran mo lamang ako. Hindi kita iiwan. Tutulungan kita.‛ Alam ninyo, kapag sadya talagang tapat kayo at nananalig sa ginagawa ninyo, ang lahat ng ito ay tiyak na mangyayari.

Ikawalong Kabanata – Ang Mapawalay kay Sri Guru

17


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.