Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay na Debosyon
Turong-aral mula sa Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Sri Nabadwip Dham, Ika 10 ng Pebrero 2015 Ano ang saysay nang buhay kung wala itong pakinabang, kung hindi nito kayang maglingkod…
Kahapon, ang pinuntahan natin ay lugar ng dalisay na debosyon, at ang lugar na ito’y walang kaparis. Ngunit sa susunod na Sabado, ang pupuntahan ko naman ay lugar ng mga sahajiya, ang lugar na kunwari ay tinalikuran na nila ang lipunang kanilang ginagalawan. Lahat ng lugar sa mundo’y magkakaiba, iba’t-ibang tao, at iba’t-ibang klaseng deboto—may mga taong mahilig uminom ng alak, may sumasamba kay Inang Kali, at ang ilan nama’y sa Panginoong Shiva, at iba pa. May mga taong ang ikinikilos ay nasa karma-misra bhakti, may nasa jñana-misra bhakti, ang iba’y nasa jñana-sunya bhakti, subalit pagdating sa suddha-bhakti, sa dalisay na debosyon, bibihira lamang ang gumagawa nito. Marami ang dumudulog sa lotus na paanan ni Gurudeva, subalit ilan sa mga Guru na ito ay guru-bhogi, guru-tyagi, at guru-sevi. May mga taong nananamantala sa Guru, at ang iba nama’y ayaw nang Guru, at iilan lamang, kakaunting porsiyento lamang ang talagang nagseserbisyo sa kanilang Guru. Doon sa pinuntahan natin, nakita naman ninyo labis-labis ang ipinakita nilang pagmamahal sa atin… Marahil nakita din ninyo kung papaano ako batakin at yapusin ng isang lola. Ang ginawa niya’y pagpapakita ng kanyang debosyon. Kahit na maraming tao ang nasa paligid, hindi parin Dapat Maging Istrikto Tayo
1
Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay na Debosyon siya nahihiya. Kahit na pinagtitinginan na siya. Kitang-kita naman ninyo kung papaano niya ako hilain papunta sa kanyang bahay. Deboto: Dati na po ba ninyo siyang kakilala? Srila Acharya Maharaj: Ah oo, dati na siyang nagpupunta dito, at ako nama’y ganun din, mga dalawampung taon din akong nagpapabalik-balik sa kanilang lugar. Noong pumanaw si Gurudeva, humarap ako sa ilang problema, at dahil dito, naudlot ang pagpunta ko sa kanilang lugar, subalit ganunpaman, nagpapadala parin ako ng tao sa kanilang lugar. Kaya, matagal na panahon na nila akong hinihintay para bumalik. Kahapon lang ay marami na ang nang-imbita sa akin, iba’t-ibang deboto ang nagyayaya sa akin. Kaya lamang talagang kapos na ako sa pahon para puntahan silang lahat. May ilang disipulo din sa lugar na iyon si Srila Sridhar Maharaj, subalit karamihan ay mga disipulo na ni Gurudev (Srila Govinda Maharaj). Noo’y hindi naman talaga nagbahay-bahay si Gurudev sa India. Iisang lugar lamang ang palagi niyang pinunpuntahan sa Bengal, noong 1990, kaya lamang di-nagtagal nawala na ang pananalig nila sa kanilang Guru. Ito’y tuluyan na nilang iniwan. Noong nandito pa si Gurudev, madalas niyang puntahan ang lugar na ito, subalit magmula nang mawala siya, hindi ko na ito muling binisita. At ang isa pa, ito’y dahil hindi naman talaga nila sinusunod si Gurudeva, ang linya ni Gurudeva—kahit na noong nandito pa siya, ganun na sila, ni hindi mo makitang dumadalo sa ating programa, at anumang okasyon, at iba pa. Sinubukan ko parin silang puntahan noon, mga ilang beses din, upang kakit papaano ay mabiyayaan naman sila, kaya lamang ,wala pa din, ganun pa din sila, ayaw parin nila itong tanggapin. Kaya ayaw ko nang pumunta pa din sa kanila. Dahil kapag pumunta ako, malamang kahit tubig na iumin ay matitikman ko mula sa kanila, anong saysay halimbawang ininum ko nga ito, subalit Dapat Maging Istrikto Tayo
2
Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay na Debosyon ayaw naman nilang dumalo kapag sila’y iniimbita natin? Walang-saysay, hindi ba? Kaya ito talaga ang dahilan kung bakit ayaw ko nang bumalik pa doon. Subalit ngayong ito’y akin nang binalikan, hindi na ako masyadong naglibot at nagbahay-bahay, siguro mga sampu o labingdalawang bahay lang ang napuntahan ko, konti lang, at sila na lang mismo ang nagpunta sa akin at nag-abot nang kanilang donasyon at abuloy. Subalit minsan, may ilang tao parin ang gustong hatakin ako at dalhin sa kanilang bahay, ganun lang. Alam ninyo noong dati, noong ako’y isang brahmachari pa lang, halos otsentang bahay, walumpung bahay ang kinakatok ko kada araw— limampu sa umaga at tatlumpu naman sa hapon. Pero ngayon, pa-relaks relaks na lang ako. Subalit noong nandito si Gurudev, halos lahat ng bahay dito ay kinatok ko na, may nagbibigay ng bigas, patatas, at iba pang gulay. Alam ba ninyo noong araw, malakas akong kumain—kada bahay na pinuntahan ko, mga walumpung bahay, ay nag-aabot sa akin ng lima o kaya sampung rasagulla, kaya kada-bahay isang rasagulla ang tinitikman ko, sa walumpung bahay, ibig sabihin, walumpung rasagulla din ang nakakain ko. . . Ang totoo’y nasa puso din nila ang debosyon sa Panginoon, meron din silang pag-ibig at pagmamahal, salamat naman, dahil naririto talaga ang ating kaligayahan: , pran ache yar, sei hetu prachar, Na ang ibig sabihin, hangga’t nabubuhay tayo, hangga’t nasa loob ng katawang ito ang ating kaluluwang-jiva, dapat hindi tayo tumitigil sa gawain ng pangangaral, dapat tuloy parin tayo sa ating kilusan, ang mangaral nang salita ng Diyos. Dahil isang araw ang katawang ito’y Dapat Maging Istrikto Tayo
3
Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay na Debosyon magwawakas din—lahat ng ito’y matatapos din, maglalaho din. Kaya dapat palagi natin itong tatandaan, "
, sarira avidya-jala jadendriya tahe kala jive phele visaya-sagare:
Ang katawang-lupang ito’y punung-puno nang ilusyon, at ang mga pandama natin—chaksu, karna, nasika, jihva, tvak, man, buddhi, ahankar—tukad ng ating mata, tainga, ilong, dila, balat, isip, katalinuhan, ego—ay pawang kalaban natin; dahil sila ang naghulog sa ating kaluluwa sa dagat ng kamunduhan.” Kaya sa susunod na Sabado, muli tayong lalabas upang mangaral. Gusto mo pa bang sumama o pagod ka na? Deboto: Hindi pa po, kaya lang, marami ang nagbibigay nang misti sa atin [mga pagkaing minatamis]. . . Srila Acharya Maharaj: E di, huwag mong kainin… Deboto: Kasi po, namimilit po sila, e. Srila Acharya Maharaj: Hindi naman lahat ganun…
,
। ॥
visayira anna kaile malina haya mana malina mana haile nahe krsnera smarana Kapag kumain ka nang mga pagkaing inaalok sa iyo ng ibang tao, dudumi ang isipan mo, at kapag ito’y naging marumi na, tiyak na makakalimutan mo si Kù£òa. çrī Chaitanya-charitaìrta, Antya-lila, 6.278 Dapat Maging Istrikto Tayo
4
Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay na Debosyon Ibig sabihin, hindi lahat ng pagkain ay maaari nating kainin. Minsan kapag may nag-aalok ng pagkain, dahon lang ng Tulasi ang kinukuha ko. Dahil sa sandaling tikman mo o tanggapin mo ang isang bagay mula sa kamay ng isang tao na hindi naman deboto, tulad ng mga karmi, jñani, yogi, ito’y magkakaroon nang reaksyon sa inyo. Kaya nga dapat kapag nasa labas tayo, maging istrikto tayo sa ating mga sarili at hindi tayo dapat basta kumukuha at tumatanggap ng kahit anumang bagay. At kung ika’y nasa bahay lamang, dapat ikaw mismo ang magluto, pagkatapos ialay mo sa Panginoon, sa iyong Guru, at pagkatapos, tanggapin natin ito bilang prasādam na—at tiyak na mgiging maligaya ka pa, at hindi lamang iyon, magiging maayos at palaging nasa wasto ang debosyon mo. Hindi lahat ng lugar ay mayroong prasādam. Papaano kung ang lugar na ito’y lugar ng mga mayavadi, lugar ng mga nagkukunwaring deboto lamang, o kaya lugar ng mga sahajiya. Hindi ba’t nandito ka na sa lugar nang dalisay na debosyon, kung ganoon, bakit pupunta ka pa sa mga bulaan at mga nagkukunwari lamang—kunwari’y pahawak-hawak pa ng iyong mga paa, paiyak-iyak pa, pero maramot naman. Ni singkong duling ayaw gumastos para sa ating Poon, para sa Panginoon, o kaya kahit sa Guru. Puro pakitang-tao lamang sila. Hindi ba?... Kaya dapat hindi tayo basta-basta tumatanggap ng kung anu-anong bagay at nang kung kani-kanino lamang, dapat maging istrikto naman tayo—kahit na sabihing ito’y isang prasādam—prasadam nino? Prasadam ni Inang Kali, ni Inang Durga, ni Laksmi Devi, nang mga diyus-diyosan, kanila na lang ‘yun, dahil hindi natin kailangan ang kanilang prasādam. Dahil alam natin, sa sandaling ito’y ating tikman, tiyak na may mangyayari sa atin. Hindi bale ang mga magagaling at matataas na Vaishnava, meron silang kakayahan, meron silang kapangyarihan, dahil agad nilang nalulusaw ang reaksyon nito, subalit tayo, huwag ninyong kalilimutan pawang mga bagito lamang tayo…
Dapat Maging Istrikto Tayo
5
Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay na Debosyon
Isinalin sa Wikang Filipino Nang mga kasapi ng Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines
Dapat Maging Istrikto Tayo
6