Dapat ay Mamulat na Tayo

Page 1

Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon

Purihin si Sri Guru at si Sri Gauranga

Dapat ay Mamulat na Kayo Turong-aral mula sa Kanyang Banal na Pagpapala Oì Visnūpåd Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj Noong Ika 26 ng Mayo 2015, sa Sri Nabadwip Dham.

Mayroong apat na klaseng tao ang dumudulog sa kamalayan kay Kṛṣṇa at sila ay ang arto, artharthi, jijñasur, jñani ( , , র, , Bg, 7.16). Ang arto ay mga matatanda sa ating lipunan, kapag sinabing artharthi ito ay ang mga taong ang hiling ay pera, samantalang ang jijnasur ay mga taong kung anu-ano at samut-sari ang kahilingan sa buhay, at ang

1


Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon jñani ay mga taong naghahanap nang kaalaman, sila ang mga taong matatalino. Sila ang apat na klaseng tao na lumalapit at pumapasok sa kamalayan kay Kṛṣṇa. Subalit hangga’t wala sa tamang kaayusan ang kanilang ginagawa, sila’y hindi maaaring ituring na tunay talagang mga deboto ng Panginoon. Marami ang nagpupunta dito. Kung sinu-sinong tao. Labas-pasok sa templo, subalit hindi nila alam ang tunay na kahalagahan ng lugar na ito, nang Sri Nabadwip Dham. Ayon sa mga banal na aklat ang lugar na ito’y walang-kaparis, kung ganoon, sa sandaling ihambing natin ito sa ibang lugar tayo ay magkakasala, at ang tawag sa pagkakasalang ito ay Dham aparadh, seva aparadh, Nama aparadh – lubhang napaka-mapanganib ang magkaroon tayo ng ganitong klaseng pagkakasala… Marahil ay narinig na ninyo ang istorya tungkol kay Draupadi. Isang araw, noo’y nagdaos sila ng Vaishnav-seva, kung anu-anong klaseng putahe ang kanilang iniluto at ang mga inihanda nila’y talaga namang engrande, at ang lahat ng ito’y personal mismong niluto ni Draupadi, subalit isa sa naging bisita nila ay isang sapatero na isang Vaishnava din, subalit dahil nga sa walang-aral at talaga namang mula sa mababanglipunan, lahat ng pagkain ay kanyang pinaghalu-halo. Na mismong nakita ni Draupadi, ‚Ngek! Ano ba ‘yan. Ginawa niyang kalamay ang lahat ng niluto ko. Papaano niya matitikman ang sarap nito kung lahat ng ulam ay pinaghalu-halo niya …‛ Ito’y mali at isang Vaishnava-aparadh. Noo’y may sinabi din sa amin si Gurudev (si Srila Bhakti Sundar Govinda Maharaj), aniya, ‘sa totoo lang, hindi ganun kadali ang manirahan sa Nabadwip Dham.’ Kasi madalas ang akala natin kapag umaalis na tayo dito ito’y dahil gusto na nating umuwi, o sa anupamang bagay. Ang hindi natin alam, ito’y kusang nangyayari—lalu na kapag seva-aparadh, Vaishnavaparadh, Nama-aparadh, dahil nawawala sa atin ang pagkakataon na makapaglingkod, at ang pagkakataon na ito’y kusang nawawala sa atin.

2


Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon Dahil sa sukriti, marami ang umaanib sa atin at tumitira sa ating templo. Subalit ano ang silbi na nasa loob ka ng templo subalit wala ka namang ginagawa, sayang, dahil mauubos lang ang baon ninyong sukriti at sa pagtagal mamamalayan mo nandoon na pala kayo sa labas. মর ব য হ , ' পরম , tomara sevaya yata haya duhkha, seo ta' parama sukha (Saranagati, 16.4), labis na nakakalungkot, napakaraming problema ang dumarating sa atin, napakaraming balakid ang nakaharang sa ating espirituwal na buhay—kaya kailanma’y hindi talaga magiging madili at magiging patag ang dinadaanan natin. Ang espirituwal na buhay ay tulad sa paglalakad sa ibabaw ng talim ng isang labaha; na anumang oras maaari tayong mahiwa at masugatan. Halimbawang masugatan ka—dapat huwag na huwag kang titigil o hihinto sa gawain ng paglilingkod kay Gauranga, sa paglilingkod sa Panginoon, kahit na ano pa ang mangyari. Kahit na ika’y nagkasala, huwag kang mag-alala dahil tatanggapin parin ng Panginoon ang paglilingkod mo. Ang Panginoon, ang Guru ay kapwa mahabagin, sila’y labis-labis na maawain—si Nityananda Prabhu ay ganoon din, labis-labis na mabait din. Dahil ang gusto Niya’y palagi tayong nagsisilbi sa Panginoon. ম,

ধম, র ব র। য প , র র র॥ uttama, adhama, kicchu na kare vichara ye age padaye, tare kraye nistara Walang-pakialam si Nityananda Prabhu kung ikaw ma’y mabuti o masamang-tao, kahit sino, kapag nakita Niyang nagmamakaawa ka sa Kanya, tiyak na ililigtas ka Niya. Sri Chaitanya-charitamrita, Adi-lila, 5.208-209 ‚Para kay Nityananda Prabhu, ang lahat ay pantay-pantay, wala Siyang pakialam kung ikaw ma’y isang uttam o kaya adham—kung sino ang 3


Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon pinakamabuti sa lahat, at kung sino ang pinakamasama—kahit sino, basta sumuko lamang kayo sa Kanya, Kanya nang ililigtas.‛ রর প র হই’ ভ র র। য ব ব, ভ ই র॥ samsare para hai' bhaktira sagare ye dubibe, se bhajuka nitaichandere Harinawa, lahat kayong nagnanais na makatawid sa samsara at ang gusto’y sumisid sa karagatan ng debosyon ay naglilingkod din kay Sri Nitaichand. Sri Chaitanya-bhagavat, Adi-khanda, 1.77 ‚Kung gusto ninyong lupigin si maya, kung gusto ninyong maputol na ang mrtyu-rup samsara ninyo, (ang paglilibot sa mundong ito na may kamatayan), kailangang manalig kayo, pagsilbihan ninyo si Nityananda Prabhu, dahil Siya ang Guru natin.‛ Marami sa atin ang hambog, kadalasan ganito ang pag-iisip, ‚Kung hindi dahil sa akin, hindi ito tatakbo,‛ ‘yun ang akala ninyo, lahat ay kikilos, gagalaw, at tatakbo, kahit wala kayo—dahil hindi kayo ang nagpapatakbo nang gawain ng paglilingkod sa Panginoon. Isang araw, may nagtanong sa akin, ‚Papaano po kung lahat ng tao ay naging sannyasi at naging brahmachari na, papaano na po ang mundong ito. At kung lahat tayo’y nandoon na kay Krsna, sino pa ang matitira sa mundong ito? Anong klaseng tanong ito, puro kayo kalokohan? Hayaan na lang natin ito sa kamay ng Panginoon. Bakit? Tao ba ang nagpapagalaw nang mundong ito? Kahit sino sa atin ay walang kakayahang kumontrol sa nangyayari sa mundo. Wala na tayong pakialam dito. ‘Gustuhin’ man natin, hindi parin. Dahil nga wala tayong kakayahan at kapangyarihan upang ito’y kontrolin.

4


Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon র পরম ব হ । র ব র র ম॥ isvarah paramah krsnah sach-chid-ananda-vigrahah anadir adir govindah sarva-karana-karanam Ang may kontrol nang lahat ng ito ay si Krsna, na kilala sa tawag na Govinda. Ang katauhan Niya’y espirituwal, eternal, walang-hangganan at Siya’y palaging masaya. Lahat ay nagmula sa Kanya. Siya ang dahilan nang lahat ng bagay, ang bukal na pinanggagalingan nang lahat. Sri Brahma-samhita, 5.1 Ang lahat ng nangyayari dito ay pawang Kanyang kagustuhan—noong sinabi Niyang magkaroon ng buwan at araw, agad na nagkaroon. At noong sinabi niyang umihip ang hangin, nagkaroon ng hangin, at iba pa., kaya lamang lahat ng ito’y nakalimutan na natin. Na Siya ang maygawa at lumikha nang lahat. Marami na Siyang ibinigay sa atin, tulad ng asawa, mga anak, kaibigan, kapatid, magulang, at iba pa. Maging ang nararanasan nating kaligayahan, ito’y nagmula din sa Panginoon, kaya lamang nakalimutan natin Siya—huwag nating kalilimutan ang kaligayahang ito’y maaari din Niyang palitan, maaari din Niyang bawiin. May napupunta sa impiyerno at may napupunta din sa langit; may nagiging hayop, nagiging ibon, o kaya diyus-diyosan sa kalangitan— walang katapusang pag-inog sa mga ganitong klaseng nilalang. Subalit ngayon, kayo ay naging tao, ibig sabihin nasasainyo ang pagkakataon upang wakasan ang ating samsara, ang paglilibot sa iba’t-ibang klase at anyo ng nilalang na may buhay. Ang maging isang tao ay isang napakagandang pagkakataon na bigay sa atin ng Panginoon, kaya lamang ayaw parin nating manalig sa Panginoon, ayaw parin natin sa Kanya. Kung ganoon, ito ang dapat ninyong malaman at kailangang tandaan, kapag Siya’y hindi natin sinamba, dinakila at kinilala, at kung sakaling siya’y pinaglilingkuran na natin, subalit ito’y hindi naman sa maayos at wastong pamamaraan, tayo ay paulit-ulit na muli’t-muling ipapanganak pa rin sa mundong ito, muli’t-muling mamamatay at isisilang—janma5


Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon mrtyu-jara-vyadhi ( ম র ব ধ, dito sa mundong ito lahat ay isinisilang, namamatay, tumatanda, at nagkakasakit, Bg. 13.9). Kung ikaw ay naging masama, tiyak na pupunta ka sa impiyerno; kung magiging mabuti ka naman, ika’y pupunta ng langit; matapos kang mamuhay alinman sa mga lugar na ito, mulit-muli kang babalik sa mundong ito at dito, paulit-ulit ka na namang isisilang. Ibig sabihin ba nito magpapaikot-ikot na lang ba tayo dito? Kung ganoon, ano ang solusyon upang ito’y matigil na at tuluyan na tayong makawala? ধপ ব বর । 
 ধ প ই঱ ॥ sadhu paoya kasta bada jivera janiya sadhu-bhakta-rupe krsna aila nadiya At ang hirap lamang kapag namulat ka na sa ganitong bagay Mahirap maghanap ang isang kaluluwa nang tunay na sadhu, Subalit huwag kayong mag-alala dahil pumanaog na dito si Krsna at Siya’y nasa anyo nang Kanyang dalisay at malinis na deboto. Sri Sri Prema-vivarta, 7.8 Sa panahong ito, ngayong Kali-yuga, napakahirap ang maghanap nang totoong sadhu, ng Guru, kung kaya’t naisipan ni Krsna na Siya na mismo ang bababa dito bilang sadhu, at gaganap na Guru. Oo nga’t pumanaog Siya upang turuan tayo, kaya lamang sinayang natin ang pagkakataong ito, ni hindi natin tinanggap ang mga turo Niyang aral, at kadalasa’y puro salita lang. রর ম, রর ম‛ ম ব ঱ ঱ হ ঱ । 
 রর র, র র ব র ঱ই ঱ ফ঱ ফ ঱ ॥ "gorara ami, gorara ami" mukhe balile nahi chale gorara achara, gorara vichara la-ile phala phale

6


Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon ‚Hindi dahil sinabi mo lang na Gora, Gora, ay ayos na. Hindi po. Kung nais mong matikman ang resulta ng mga turong-aral ni Gora, dapat ito’y sinusunod mo.‛ Sri Sri Prema-vivarta, 8.6 ঱ র ভ ঱ ম ধর। 
 প র র ধ র র॥ loka dekhana gora bhaja tilaka matra dhari' gopanete atyachara gora dhare churi Hindi dahil nakikita ka nang publiko na naka-tilak subalit puro kalokohan naman ang pinaggagawa mo, ay ayos na, at maaari mo nang sabihing ika’y tagapaglingkod na ni Gora. Isa kang kawatan. Bakit, akala mo ba maitatago mo kay Gora ang ginagawa mong kalokohan! Sri Sri Prema-vivarta, 8.7 Madalas, Vaishnava-aparadh ang nagagawa natin… Napakaraming klaseng Vaishnava-aparadh, ngayon ay panahon ni Kali, sa panahong ito napakarami ang gumagawa nang Vaishnav-aparadh—alam ba ninyo kung sino? Tignan lamang ninyo ang Facebook, o kaya magkwento lang kayo ng tungkol sa ibang tao ay Vaishnava-aparadh na agad, at may mga tao na kung anu-ano ang ikinukwento sa kanilang e-mail, at iba pa. Ito’y isang uri din ng Vaishnava-aparadh. Kung ganoon, lahat tayo, nagkakasala sa mga Vaishnava. Hindi ba’t palagi nating sinasabing tayo ay mga deboto ni Gauranga Mahaprabhu? Alam ba natin kung ano ang ibig sabihin nito, alam ba natin kung ano ang tungkulin nang isang deboto? ধ , ম ,ভ ব ব । ম রব , ম র ব ॥ sadhu-sanga, nama-kirtana, bhagavata-sravana mathura-vasa, sri-murtira sraddhaya sevana

7


Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon Makihalubilo kayo sa mga deboto, bumigkas at umawit nang paulit-ulit ng Banal na Pangalan nang Panginoon, makinig ng mga talakayan tungkol sa Srimad Bhagavatam, manirahan sa Mathura at sumamba sa ating Imahen nang buong pananalig at pagtitiwala. Sri Chaitanya-charitamrita, Madhya-lila, 22.124 Dapat mabubuting-tao ang pinakikisamahan natin at dapat ginagawa natin ang Nama-sankirttan, nakikinig nang mga aral tungkol sa Panginoon, sumasamba at nananalig sa Poon at nakatira sa isang banal na lugar. At kung meron man tayong pamilya, dapat ang nasa sentro nito’y si Krsna, dahil tayo ang Kanyang pamilya. মঠ ম

঱ ব র র । র ভ ই যম ভ঱ ॥ ই বম ব র। 
 ঱- ঱ রধ র ব ধর ॥ matha mandira dalana badira na kara prayasa artha thake kara bhai yemana abhilasa artha nai tabe matra sattvika seva kara jala-tulasi diya giridharike vakse dhara ‚Huwag na kayong mag-abala sa paggawa nang monasteryo, kumbento o simbahan, o kaya ang magpatayo ng malalaking bahay, tulad ng mansyon at palasyo, at iba pa., lalu na’t wala naman kayong pera o kakayahan. Subalit kung meron naman kayo, bakit hindi. At kung sakaling walangwala talaga kayo, ang dalisay na pananalig at pagsamba’y sapat na. Magalay kayo ng Tulasi kay Giridhari at pagkatapos, ilagay sa inyong diddib.‛ Sri Sri Prema-vivarta, 9.29-30 Kung wala kayong pera, walang problema. Tubig at Tulasi lang, tapos taimtin kayong manalangin sa Panginoon, tapos na. Kahit sino ay maaaring sumalok ng tubig Ganges, at kung malayo kayo sa ilog ng Ganges, maaari kayong gumawa nito sa pamamagitan ng mantra; kahit saang lugar at bahay ay maaaring magtanim ng Tulasi. Kapag may 8


Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon halaman na kayong Tulasi, dapat madalas na ninyong sinasamba ang Panginoon, tubig at dahon lang ng Tulasi, pagkatapos itago ninyo sa puso ninyo ang Panginoon. Ganun lamang. Subalit, kung ang lahat ng ito’y hindi natin susundin, anong saysay ang pagbabasa natin nang mga banal na aklat, sayang at mababalewala din. Mababalewala lang ang lahat ng ito… Kung ganoon, anoman ang ating gawin, kahit na magsilbi parin tayo nang magsilbi, ngunit ang lahat namang ito’y punung-puno ng Namaaparadh, mababalewala lang ang ating seva. Hindi ba’t ganito ang naging bilin ni Mahaprabhu kay (Raghunath) Das Goswami Prabhu, ম ব, ম ব হ ব। ভ঱ ই ব রভ঱ পর ব॥ ম ম হ ম ঱' ব । রধ ব ম র ব॥ gramya-katha na sunibe, gramya-varta na kahibe bhala na khaibe ara bhala na paribe amani manada hana krsna-nama sada la'be vraje radha-krsna seva manase karibe ‚Huwag na huwag kang makikipag-tsismisan o kaya ang makikinig sa pinag-uusapan nang mga pangkaraniwang-tao. Dapat ang kinakain mo ay hindi masyadong masarap, at hindi din katakam-takam. At ang mga isinusuot mong damit dapat hindi mamahalin, magarbo at masyadong maganda din. Iwaksi mo din sa inyong isipan na dapat nirerespeto at iginagalang ka ng ibang tao, kundi, dapat sila ang ginagalang mo. Dapat palagi kang nagdarasal, umaawit at umuusal nang Banal na Pangalan ng Panginoong Kṛṣṇa, habang pinaglilingkuran mo sa loob ng iyong isipan sina Radha at Krsna.‛ Sri Chaitanya-charitamrita, Antya-lila, 6.236-237 Pagsilbihan sina Radha at Kṛṣṇa, ngunit dapat pinaglilingkuran mo din si Mahaprabhu, dahil kung hindi, sayang lang ang ginagawa mong 9


Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon paglilingkod kina Kṛṣṇa. Bakit ano sa palagay ninyo karami ang nakakaintindi ng kautusang ito? ধ

র -ম ধ হ বহ ' '। -ম ধ এ ' ' ॥ -ম ধ হ এ 'ম ' । ম -ম ধ ' ভ' এ -ভ ॥ dharmachari-madhye haya bahuta 'karmanistha' koti-karmanistha-madhye eka 'jnani' srestha koti-jnani-madhye haya eka-jana 'mukta' koti-mukta-madhye 'durlabha' eka krsna-bhakta ‚Karamihan sa tao ang dharma nila’y karma. Sa milyun-milyong karmis, maswerte na kung may isang matalino. At sa milyun-milyong matatalinong-tao, iisa lamang sa kanila ang talagang malaya, malayang kaluluwa. At sa grupo ng milyung-milyong malayang tao, maswerte na ang makakita ka ng deboto talaga ni Krsna.‛ Sri Chaitanya-charitamrita, Madhya-lila, 19.147-148 Sa madaling-salita, dapat palagi ninyong naaalala ang mga turong-aral ng Panginoon. Ang sabi ni Jagadananda Pandit, dapat ganito ang ginagawa ninyo, য

হ র র র । হর র য ম ॥ yadi chaha pranaya rakhite gaurangera sane chhota haridasera katha thake yena mane Upang hindi mawala o masayang ang ating pagmamahal kay Gauranga dapat ganito ang ginagawa ninyo, huwag lamang ninyong kalilimutan ang istorya ng buhay ni Chhota Haridas. Sri Sri Prema-vivarta, 7.12

10


Nirmal Bhakti: Ang Landas ng Dalisay at Malinis na Debosyon Kung ang sabi ninyo’y nauunawaan at tanggap ninyo ang mga turongaral ni Mahaprabhu, kung ganoon dapat alam din ninyo kung ano ang inyong tungkulin? Hindi ba’t ito’y nakapaloob sa tatlong bagay, hindi ba’t ito ang jive doya, Name ruchi, Vaishnava seva, ( ব , ম , ব ব ব ). Hindi ba’t ganun lamang…

Isinalin sa wikang Filipino Nang mga kasapi ng Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines Sri Nama Hatta UP Campus, Diliman, Quezon City

11


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.