Dapat nating lagpasan

Page 1

Nirmal-Bhakti – Ang Landas ng Dalisay na Debosyon

Dapat Nating Lagpasan Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj ika 19 ng Marso, 2014

Napakaraming tao sa mundo, subalit iilan lamang ang tunay na naglilingkod sa Panginoon. Ayon sa mga banal na aklat, ang sinumang nakakatulong sa inyo upang maisagawa ninyo ang kamalayan kay Kṛṣṇa ay tunay ninyong kaibigan [‚sei pita pita non, sei bandhu bandhu non, sei mata mata non…‛] Noong huling araw ni Gurudev dito sa mundo, minsan may nasabi siya sa akin, aniya, nababahala siya sa mga debotong taga India. Oo nga’t libulibong deboto ang makikita nating sumasama sa parikrama, kaya lamang, alam ba nila kung ano ang dahilan? Alam ba nila kung bakit nila ito ginagawa? Dahil marami sa kanila na sa halip na parikrama ang atupagin, kung anu-anong bagay ang ginagawa, dahil dito, tuloy nagkakasala sila sa Dham, sa mga banal na lupaing kanilang pinupuntahan. Alam ba ninyo kung papaano ginagawa ang parikrama? Dapat kapag pupunta kayo sa isang Banal na Dham, at gusto ninyo itong libutin, dapat ulo ang inyong ginagamit, at hindi mga paa. Ibig sabihin, minsan sa pagpunta ninyo sa mga Banal na Lugar, kayo’y nagkakasala, at ang mga paang ito ang mismong magtataboy sa inyo palayo sa mga Banal na Lugar na ito. হউক

। ॥

visaye ye priti ebe achhaye amara sei-mata priti hauk charane tomara

Dapat Nating Lagpasan

Page 1


Nirmal-Bhakti – Ang Landas ng Dalisay na Debosyon Tulad ng matinding pagkagiliw at pagka-humaling ko sa mga materyal na bagay, sana, ganun din ang damdamin at hilig ko sa iyong paanan.” [Gitavali, 4,5. Śrīla Bhakti Vīnod Thåkur] Hindi ba’t talaga namang malapit na malapit sa inyong kalooban ang bahay na inyong inuuwian, ang bahay na inyong tinitirhan, ang inyong salapi o kwarta, ang inyong mga ari-arian, ang inyong pamilya at mga anak, at iba pa, sana, dapat, ang mga ganoong klaseng damdamin at pagmamahal, ay sa Guru at mga Vaishnavas na lang ninyo inilalaan. Hindi ba’t lahat tayo’y nag-ukol ng pagmamahal sa ating ina, sana, dapat ang ganoong klaseng damdamin ay inilalaan din ninyo sa paglilingkod sa inyong Guru. Kaya lamang, pagdating sa mga debotong Bengali, masinuuna pa muna nila ang kanilang magulang, ang kanilang asawa, bago paglingkuran ang kanilang Guru at mga Vaishnavas. Kapag ganito tayo, di-magtatagal ang pagkakataong ito, na makapaglingkod ay tiyak na mawawala sa atin, ito’y tuluyan nang mawawala sa atin. Ngayon, batid na ninyo ang kamalayan kay Krsna, alam na ninyo kung ano ito, sa pamamagitan nito, nang kamalayan kay Krsna, hindi magtatagal ang lahat ng iba pang damdamin, mithiin at mga pangangailangan ay mapapawing lahat. Kaya dapat, higit tayong maging masmaingat sa mga ginagawa natin, habang tayo’y naglilingkod, at dapat ito’y pinag-iingatan natin. Ang totoo, walang-halaga ang ating posisyon. Na, ‚ako na ngayon ang Acharya dito,‛ ‚Naku, mataas na Guru na ako,‛ ‚Dapat, sinasamba ninyo ako,‛ ‚Dapat pinaglilingkuran ninyo ako,‛ ‚Dapat lahat kayo iginagalang ako,‛ ‚Dapat lahat kayo, nag-a arati sa akin‛—sa sandaling ganito na ang nararamdaman ninyo, ibig sabihin, pabagsak na kayo. Kaya lamang, dahil sa kahibangan natin, hindi na natin ito napapansin. Nawawala na ang katinuan nang ating pag-iisip… Ano ba ang tamang solusyon para sa panahong ito ng Kali? Hindi ba’t ito’y maraming beses nang tinalakay ng mga banal na aklat? Kung ganoon, bakit hindi parin natin sinusunod ang mga ipinag-uutos ng mga banal na aklat, bakit Dapat Nating Lagpasan

Page 2


Nirmal-Bhakti – Ang Landas ng Dalisay na Debosyon hanggang ngayo’y mali parin ang sinasamahan natin, kaya pala patuloy tayong naghihirap parin. Kaya dapat alam ninyo ang mga bagay na ito. Ang sabi ni Śrīla Prabhupād Bhakti Siddhanta Saraswatī Ṭhākur, dapat ganito ang maging damdamin natin, ‚Kahit na ano pa ang mangyari, hindi parin ako aalis o tatalikuran ang paglilingkod sa Panginoon.‛ Dapat ganito palagi ang takbo ng ating isipan. Walang-alinlangang lahat tayo’y dumaranas ng kahirapan at kalungkutan sa buhay, saanmang dako’y punung-puno ng problema, narinig na ba ninyo ang istorya ng mga Pandavas—hindi ba’t maging sila’y dumanas din nang matinding kahirapan, subalit ganunpaman, hindi parin nila iniwan si Krsna, nanatili parin sila sa Kanyang piling. " — , marabi rakhabi, yo ichchha tomara: Kahit na ano pa ang gusto Mong gawin sa amin, kahit na kami’y Iyo pang patayin—bahala po Kayo, anoman ang gusto Ninyong gawin sa amin.‛ Marami na tayong naialay kay Krsna, sa Kanyang lotus na paanan maliban ang ating sarili. At ang isa pa, dapat hindi tayo mainggitin. Kung ayaw nila ng inaalok nating kabutihan, doon tayo sa Panginoon lumapit at sa Kanya natin hingin na sana, maging mabuti din sila. Dapat mayroon tayong ganitong klaseng katangian, dapat matutunan natin kung papaano maging ganito. Naalala ko tuloy noong ako’y bata pa, tandang-tanda ko pa ang kasabihang ito, ‚Kung gusto mong magpakasama, ikaw na lang at hwag mo na akong isama.‛ Kaya dapat alam natin kung ano ang tamang pamamaraan kung papaano maglingkod. hari sevaya yaha anukula visaya baliya tyage haya bhula ‚Huwag na huwag ninyong itatapon ang mga bagay na maaari ninyong gamitin sa paglilingkod sa Panginoon, dahil lamang sila’y visaya, mga materyal na bagay.‛ Dapat Nating Lagpasan

Page 3


Nirmal-Bhakti – Ang Landas ng Dalisay na Debosyon

‘asakti-rahita,’ ‘sambandha-sahita,’ visaya-samuha sakali ‘madhava’ Sa sandaling ika’y naging malaya na at di-na naaakit sa mga materyal na bagay at ika’y mayroon nang matibay na relasyon sa Panginoon, kung ganoon, walang-alinlangang saan mo man idako ang iyong paningin, puro ang Panginoong Madhava lamang ang inyong nakikita. [Prabhupad Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur] Dapat hindi na tayo naaakit sa kahit anumang bagay, dapat tayo’y isa nang asakti-rahita, kaya dapat pagdating sa pakikipag-relasyon natin sa Panginoon—dapat lahat ng bagay, kahit na anopaman ito, ay ginagamit natin sa paglilingkod sa Panginoon. Ang mundong ito at maging ang lahat ng naririto ay nilikha hindi para sa inyo—hindi inilaan para sa inyo, dahil ito’y tanging para kay Krsna lamang. Ito’y hindi para sa inyong kasiyahan kundi tanging para sa kasiyahan lamang ni Krsna. Ito ang palagi ninyong tatandaan at dapat sundin. Sa madaling-salita, ibig sabihin, hindi kailangang maging malapit ang ating kalooban sa ating asawa, at maging sa ibang kakabaihan o kalalakihan. Ito ang palagi ninyong tatandaan, nang sa ganoon madali ninyong mauunawaan kung ano ang lahat ng ito.

Isinalin sa Wikang Filipino Nang mga kasapi ng Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines

Dapat Nating Lagpasan

Page 4


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.