Martes, Ika-28 ng Pebrero 2017
Ika-17 Labas ng Unang Taon
Kumalas Ka Na! Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Viṣṇupād Śrīla Bhakti Nirmal Āchārya Mahārāj Ang Kasalukuyang Tagapangulo at Sevaite-Āchārya ng Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh য় য় য় alpa-bhagye seva nahi haya koti janma thakle bhagya visaya sei haye vairagya 1
Ang paglilingkod ay hindi nakukuha sa tsambahan, swertihan o kaya sa guhit ng kapalaran. Ang pagkakataong ito, na tayo’y makapaglingkod [sa Panginoong Krsna] ay nakukuha lamang kapag sampung milyung beses na tayong naipanganak, at doon pa lamang tayo makakaalis sa materyal na mundong ito.” Ito ang sinulat ni Srila Vrndavan Das Thakur sa kanyang Chaitanya Mangal, na noong tumagal ay tinawag na Chaitanya-bhagavat. Biruin ninyo, mapapasa-atin lamang pala ang pagkakataon ito kapag naka-10 milyung beses na tayong paulit-ulit na isinisilang, at doon pa lamang tayo makakapasok sa linya ng kamulatan sa kamalayan kay Krsna, kaya lamang ang bagay na ito’y hindi madaling gawin. Oo nga’t hindi talaga madaling gawin, subalit ganunpaman, dimaikakailangang ang pagkakataaong ito’y nandito na, nasa sa atin na, ibig sabihin dapat gamitin na natin ang pagkakataong ito na makapaglingkod sa Panginoon, kaya lamang gustuhin man natin, hindi ba’t madalas tayong nalilinlang, palagi tayong itinataboy at inilalayo sa linyang ito, sa kamulatan sa kamalayan kay Krsna. Walang-alinlangang sadya talagang napakalakas ng ilusyon, at tayo’y palagi na lang nalilinlang, kung ganoon dapat tama at maayos ang ating ginagawa, dahil kung hindi, bukasmakalawa tiyak na wala na tayo sa tinatahak nating linya. Ibig sabihin, dapat maging maingat kayo. য় য় য় য়। য়॥ mayare kariya jaya chhadana na yaya, sadhur-gurur krpa vina na dekhi upaya “Papaano mo malulupig si Maya, kung ika’y nasa ilalim parin ng kanyang kapangyarihan at ang mga ginagawa mo’y palaging maya; kaya kung nais mong malupig si Maya, dapat sa Guru, Vaishnava ka humingi nang tulong dahil ang habag at papala nila ang nakakatalo kay Maya.”
2
Na ang ibig sabihin, higit tayong maging maingat, at palaging nagiingat. য়
। ণ ॥ dina yaya michha kaje nisa nidra-base nahi bhavi marana nikate achhe base “Hindi ko namamalayan lumipas at nasayang ang maraming panahon at pagkakaton, sa araw subsob sa trabaho, pagdating ng gabi tulog. Subalit nakaligtaan ko, na anumang oras at sandali, maaari na pala akong mamatay.” Mula sa tulang ‘Durlabhamanava janma labhiya’ ni Srila Sachchidananda Bhakti Vinod Thakur Napakaganda nang awiting ito, at ang isa pa ay itong Bhuliya tomare, samsara asiya (Saranagati, 2). Alam ninyo, kapag ang mga awiting ito’y araw-araw nating kinakanta, mauunawaan ninyo na napakaganda pala ng ibig ipakahulugan nito. য়
য় য়
। ণ,
য়
,
॥ bhuliya tomare, samsare asiya peye nana-vidha vyatha tomara charane, asiyachhi ami, baliba duhkhera katha O Prabhu! Walang-alinlangang Ika’y talagang nakaligtaan ko! Subalit dahil sa labis-labis na kalungkutan ako’y naparito sa lotus na paanan Mo, nagsusumamo at gusto nang sumuko.”
3
-
,
। janani-jathare, chhilama yakhana, visama bhandana-pase “Noong ako’y nasa loob pa lamang nang sinapupunan ng aking ina, sobrang hirap na ang dinanas ko.” য়
,
,
॥ eka-bara prabhu! dekha diya more vanchile e dina dase “At sa kalagayan kong iyon Ika’y nagpakita, at ngayo’y hindi na.” য়
,
। takhana bhavinu, janama paiya, kariba bhajana tava, “At sa pagkakataong iyon, ako’y nangako, na Ika’y sasambahin at palaging aawitin ang Pangalan Mo.” য়, ॥ janama ha-ila, padi' maya-jale, na ha-ila jnana-lava ,
'
“Subalit noong ako’y isinilang, agad akong inatake ni Maya, ng ilusyon. Matapos mabihag, ako’y mahigpit niyang niyapos upang hindi na makahulagpos. Wala akong magawa, dahil tuluyan na akong nasilo ni Maya.”
4
, য় । adarera chhele, svajanera kole, hasiya katanu kala, “Natatandaan ko noong ako’y bata pa, madalas akong kandungin ng aking pamilya, nang aking ama at ina, at iba pang kamag-anakan—silang lahat ay nagpakita ng giliw at pagmamahal sa akin.” -
য়
-
॥ janaka-janani- snehete bhuliya, samsara lagila bhala Akala ko, ang mga pagmamahal na iyon ay wala nang katapusan at animo ay magiging permanente na sa akin.” Hindi ba’t totoo na naman talaga na noong magkasundo pa kayo nang asawa ninyo, halos ayaw na ninyong magpunta dito? Pero noong nagsimula na kayong mag-away at ika’y halos sipain na, hindi ba’t dito na kayo nagpupunta? Tama po ba o mali? Halimbawa sinisipa na kayo ng asawa ninyo, at hirap na hirap na kayo sa buhay, hindi ba’t ganito na ang ang nasa isipan ninyo, “Ayoko na, makikipaghiwalay na ako. Sawangsawa na ako sa pagpapahirap mo.” Pero noong kayo’y naglalambingan pa, magkayapos at nagpapakita nang labis-labis na pagmamahalan, sumasagi pa rin ba sa isipan ninyo na pumasok sa ganitong klaseng buhay…
5