Ang mga Kapita-pitagan at Dakilang Vaishnava Ei-bara karuna kara
By Srila Narottama Das Thakur ei-bara karuna kara vaisnava gosai patita-pavana toma vine keha nai [1] O Vaishnava, tunay kang kapita-pitagan at dakila, sana po ako ay iyong kaawaan. Tanging ikaw lamang at wala nang iba ang maaaring magligtas sa tulad kong bumagsak at naging hamak. kahara nikate gele papa dure yaya emana dayala prabhu keba kotha paya [2] Lahat silang dumulog sa iyo, ang kasalanan nila’y pinawi mo. May hihigit pa ba sa pagiging mahabagin mo, o aking maestro? gangara-parasa ha-ile paschate pavana darsane pavitra kara—ei tomara guna [3] Ang sabi sinomang madampian ng tubig nang Ganges, ito’y magiging malinis, subalit ang hindi nila alam ito’y dahil sa sulyap mo dahil tangan mo ang ganoong kapangyarihan. hari-sthane aparadhe tare hari-nama toma-sthane aparadhe nahika edana [4] Hindi ba’t ang sabi sinomang magkasala sa Panginoon, ito’y inililigtas nang Banal na Pangalan, subalit kapag ikaw na ang binastos at inabuso ng sinumang tao, wala na silang kaligtasan. tomara hrdaye sada govinda-visrama govinda kahena—mama vaisnava parana [5] Si Govinda ay palaging naninirahan sa loob ng puso mo, hindi ba’t ang sabi pa nga Niya’y, “Ang mga deboto ang puso Ko.” prati janme kari asa charanera dhuli narottame kara daya apnara bali' [6] Sana tuwing ako’y isinisilang maging alikabok sa paa mo. Nawa’y kahabagan mo si Narottama, at ituring na pag-aari mo.