Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh Philippines Śrī Nåma Håtta Center U.P. Campus, Diliman, Quezon City
At Dahil Ngayon Ito’y Inyong Narinig Na, Ika-12 Labas ng Unang Taon
Wednesday, February 08, 2017
At Ngayong Ito’y Inyo Nang Narinig at Naunawaan, Kung ganun, Dapat Ito’y Inyo Namang Sundin. Turong-aral mula sa Kanyang Banal na Pagpapala Om Viṣṇupād Śrīla Bhakti Nirmal Āchārya Mahārāj Ang Pandaigdigang Sevaite na Tagapangulo at Āchārya nitong
Śrī Chaitanya Sāraswat Maṭh. Ang talakayang ito ay mula sa nairekord na panayam sa internet noong Ika-30 ng Mayo, taung 2015 sa pagitan nang mga debotong taga Johannesburg, South Africa at Srila Acharya Maharaj na noo’y nasa Nabadwip Dham.
1
Di maikakailang marami na kayong alam, tungkol sa istorya ni Chapal Gopal, tungkol sa Vaishnav-aparadha, na inyong napakinggan mula sa turong-aral ni Param Guru Maharaj. Alam ninyo kung bakit napakahalaga ang pagkakaroon natin ng tamang gabay—dahil mauunawaan natin kung sino ang dapat nating makasama, kung anong gamot ang talagang makakagaling sa atin; alam din ninyo na sa lahat, ang Vaishnava-aparadh ang pinakamasaklap, mahirap iwasan subalit dapat ito’y patuloy parin nating iniiwasan, dahil ito’y makakasama sa atin. Isang araw, noo’y naglalakad-lakad sila Mahaprabhu kasama ang ilang deboto sa Nabadwip at sila’y napagawi sa isang lawa. Subalit isang batang taga-pastol ng baka ang agad na nagbigay sa kanila nang babala, anya, “Manong, huwag po kayong susulong sa tubig. May malaking buwaya po sa dakong iyan! Kahit mga baka natatakot uminom ng tubig sa lawa dahil baka sila sakmalin nitong buwaya. Lumayo po kayo mapanganib po d’yan! Subalit, lingid sa kanilang kaalaman, alam ni Mahaprabhu ang lahat ng ito, at ang dahilan kung bakit ang buwayang ito’y dito naninirahan. Agad Siyang nagbilin sa Kanyang mga kasamahan, “Huwag kayong matakot! Lahat kayo, sabay-sabay kayong umawit nang Banal na Pangalan! At ganun nga ang kanilang ginawa, malalakas ang tinig na sabay-sabay na nag-awitan nang Hare Krsna Mahamantra. At di-nagtagal, biglang may lumabas na isang bata mula sa lawa, na animo ay isang diyos ang anyo at ito’y agad na dumako sa kinatatayuan ni Mahaprabhu, nagbigay sa Kanya nang paggalang at yumukod sa lupa, kasabay nang isang panaghoy at nagsusumamo. “Bakit, anong nangyari sa iyo, bakit ka umiiyak?, tanong ni Mahaprabhu. “Prabhu,” sagot ng bata. “Alam po ninyo, noong unang panahon at isang maliit na bata pa lamang, sobra ang aking kalikutan, ako po ay palaging pasaway, sobrang kulit at labis-labis ang kapilyuhan. Ito po ang naging parusa ko, ako po ay naging buwaya, subalit ang sabi po sa akin Kayo po’y darating upang ako’y iligtas sa aking kalagayan…’Alam po ninyo, noong Satya-yuga, ako po ay isang diyos at naninirahan sa Kamvayan sa bayan ng Vrindavan. Subalit dala ng aking kapilyuhan, ginupit ko ang sikha ni Durvasa Muni, habang mahimbing itong natutulog.
2
Subalit bigla itong nagising at agad na kinapa ang buhok, at napansin niyang putol na ang kanyang sikha, at dahil sa sobrang galit, ako’y kanyang sinumpa na sana maging isang buwaya sa loob ng apat na yuga. Nag-iiyak po ako nang husto, at nagmamakaawa at ganito po ang kanyang naging pasya, “Huwag kang mag-alala, si Krsna mismo ang magliligtas sa kalagayan mo, at sa panahon ng Kali-yuga Siya’y magiging si Gauranga Mahaprabhu. Ganito ang Kanyang magiging palatandaan, palagi mo Siyang maririnig na umaawit ng Banal na Pangalan at kapag Siya’y nakaharap mo, ika’y Kanyang ililigtas.’ At ang araw na iyon na matagal ko nang pinaghihintay at pinanabikan ay dumating na.’ Alam kong Kayo na po ito na magliligtas sa akin dahil ang bilin po sa akin Kayo’y makikilala ko sa pamamagitan ng pag-awit Ninyo nang Banal na Pangalan. Salamat po, dahil bumalik ang dati kong katauhan, at ako’y muling naging diyos. Sana, ilubos na rin po Ninyo ang Inyong habag at pagpapala sa akin, gusto ko na po kasing makauwi sa aking pamilya, sa aking mga magulang…” At ipinagkaloob nga ni Mahaprabhu and kanyang bendisyon at muling nakabalik ang batang diyos sa kanilang tirahan. Kaya kung magkakasala din po kayo sa mga Vaishnava, ito po ay isang Vaishnava-aparadha, maaaring mangyari din po ito sa inyo. Alam ninyo, ang Banal na Pangalan kapag inyong inusal, anuman ang nagawa ninyong kasalanan, kahit na ito’y napakatinding kasalanan, at kahit na noong una pa kayong nabubuhay, ay mawawalang lahat. Kaya lamang kung ang debosyon naman ninyo’y mayhalong panlilinlang at pandaraya, kahit na umusal pa kayo nang umusal nang Banal na Pangalan, ito’y walangkwenta at balewala, at walang magiging resulta. Walang-alinlangang tinalikuran na ninyo ang ninyong pamilya, dahil ito’y materyal na pamilya, at sa pamilya kayo ni Krsna sumama, na alam ninyong sa lahat, ito ang pinakamahalaga. Kaya dapat ito’y palagi ninyong tinatandaan.
3
At dahil pumaloob na kayo sa pamilya ni Krsna, dapat sundin naman ninyo ang tamang etiketa, sundin ninyo ang tamang pamamaraan at patakaran, kung papaano maglingkod at kung ano ang tamang damdamin. At kung ito talaga ang inyong hangarin, siguro naman, marapat lamang nating sundin ang mga turong-aral ni Mahaprabhu, ang konsepto ng Kanyang paniniwala, dahil kung hindi, papaano natin ito mauunawaan. Hindi ba’t ang sabi, sa sandaling sundin natin ang Kanyang mga aral, magkakaroon tayo ng transedental na mata, ibig sabihin maaari na nating makita ang Panginoon. Kaya dapat maging maayos ang inyong mga pagsasanay, dapat alagaan din ninyo ang ating templo, suportahan din ninyo. Dahil ang mga ganitong klaseng pagkilos at gawain ay tiyak na makakabuti sa inyo. Kaya kayong lahat, magsama-sama kayo, sama-sama ninyong suportahan at paglingkuran ang ating templo dahil ang templo nating ito ay mismong templo ng ating Gurudeva. Mas-gagaang at dadali ang ating gawain kung tayo ay magtutulungan at magsasama-sama. Sa madaling-salita, dapat maging maayos at ilagay ninyo sa tama ang inyong ginagawa, dahil ito’y magdudulot sa inyo ng kabutihan, tiyak na kayo’y magiging mabuting tao. Kaya lamang ang problema, ang panahon natin ay palaging na kay Maya. Hindi ba’t totoo naman talagang ang panahon nati’y palaging gamit ni Maya?... At kung halimbawang ang nakakasama naman ninyo ay ayaw sa konsepto ng aral ni Srila Sridhar Maharaj, kung ganoon papaano natin masasabing sila’y kaisa natin, nasa linya natin? Kaya dapat maging maingat din tayo. Dito, dapat maging tapat at istrikto tayo sa ating paniniwala. Natatandaan ba ninyo ang istorya tungkol kay Raghunath Das Goswami? Hindi ba’t noon isang taga pastol ng baka ang madalas magdala sa kanya ng gatas, kaya lamang noong minsang maubusan ito ng lalagyan ito’y inilagay niya sa dahon ng lotus na ginawa niyang tasa, napansin ni Raghunath na tila nagbago ang kanyang lalagyan at nang kanyang usisain, ang sabi ng pastol, ito’y gawa sa lotus sa sapang malapit kina Chandravali. At dahil ang lotus na ito’y nanggaling kina Chandravali at hindi sa Radha-
4
kunda, ito’y agad niyang itinapon. Dapat ganun din tayo. Dapat maging istrikto din tayo, dahil ang bagay na ito’y sadyang napaka-mahalaga. Dahil kung hindi kayo maghihigpit, hindi kayo magiging istrikto at seryoso sa ginagawa ninyo, unti-unting mawawala ang paniniwala at pananalig ninyo sa inyong Guru, at kailanman ang inaasam-asam ninyong resulta sa ginagawa ninyo ay hindi ninyo makukuha. Ito ang tatandaan ninyo. Sa madaling-salita, dapat maging istrikto kayo, dahil napakahalaga nito. Kung kaya’t dapat maging mapili tayo sa ginagawa natin, sa mga pinupuntahan natin, at dapat hindi tayo nakikihalubilo sa kung sinusinong tao at grupo. Dahil iba tayo sa kanila, iba ang ating templo sa kanilang templo‌
5