Sri Gitavali – the Songs of Devotion
gurudev! krpa-bindu diya
kara' ei dase
trnapeksa ati dina sakala-sahane
bala diyakara
nija-mane sprha-hina [1] O Gurudev! ang tagapagsilbi po ninyong ito ay nagsusumamo, na sana, ako’y inyong kaawaan, kahit isang patak man lang ng inyong habag. Ano po ba ang dapat kong gawin upang higit na maging mababa pa ang aking sarili sa mga damong nasa lupa. Panalangin ko po, na sana, kung maaari ipagkaloob po ninyo sa akin ang lakas upang lahat ng ito’y aking mapagtiisan. At sana, tuluyan nang mawala din sa akin ang lahat ng kahambugan at kayabangan. sakale sammana
karite sakati
deha natha! yatha yatha tabe ta' gaiba
hari-nama sukhe
aparadha habe hata [2] O aking maestro! Ipagkaloob po ninyo sa akin ang kakayahan na maipagkaloob ko sa kanilang lahat ang kaukulang respeto at paggalang. Nang sa ganoon, tuluyan ko na talagang maramdaman ang kasiyahan sa pag-awit nang Pangalan at ganap nang mapawi ang epekto nang lahat ng nagawa kong kasalanan. kabe hena krpa
labhiya e jana
krtartha ha-ibe, natha! sakti-buddhi-hina
ami ati dina
kara more atma-satha [3] Kailan kaya, o kailan kaya ko makakamit ang ganoong pagpapala at nang malasap ko naman ang ganoong klaseng kaligayahan? O aking maestro, nawa, ako ay
1
Sri Gitavali – the Songs of Devotion inyong kaawaan, dahil sa labis na kamang-mangan at katangahan, hindi ko po alam mali pala ang aking ginagawa. Sana po, ako’y inyo nang tanggapin. yogyata-vichare kichhu nahi pai tomara karuna-sara karuna na ha-ile kandiya kandiya prana na rakhiba ara [4] Noong una, akala ko napakatalino kong tao, subalit nang sinuri ko ang aking sarili, napagtanto ko, hindi pala, hindi pala ako ganito. Ang pagpapala at habag pala ninyo ang kailangan ko sa buhay ko. Samakatuwid, hangga’t ito’y hindi ko nakakamit, walang saysay ang buhay kong ito. Wala po akong magagawa kundi ang tumangis at lumuha. Sinulat ni Srila Bhakti Vinod Thakur —:•:— Ang banal na awiting ito ni Srila Sachchidananda Bhakti Vinod Thakur ay isinalin sa wikang Filipino ng Sri Chaitanya Saraswat Math – Sri Nama Hatta Center bilang pagpupugay at pagdakila sa lotus na paanan ni Śrī Gurudev. At sa banal na araw na ito, [Setyembre 21, 2017] kami ay nakikiisa sa mundo na nagdiriwang sa paggunita nang pagpapakita sa mundo ng Kanyang Banal na Pagpapala si Om Vishnupad Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj.
2