Śrī Chaitanya Sāraswat Maéh Philippines – Śrī Nāma Haééa Center U.P. Campus, Diliman, Quezon City 1101 E-mail: scsnamahatta@gmail.com or scsmathphilippines@yahoo.com Contact (+63)09498332414
Lunes, Setyembre 25, 2017 Mabuhay si Śri Guru at si Śrī Gauraíga Purihin ang Kanilang Kadakilaan!
Hindi Basta-Basta ang Maging Vai£hòava Noo’y nagtanong si Sanātan Goswāmī, "কই য়, koi se hita haya? Ano po ba ang dapat naming gawin upang higit na maging mabuti ang aming kalagayan?” “Maraming paraan,” ang naging sagot sa kanya, “Tulad ng, śravaòam, kīrtanam, at iba pa. য় । ॥ । ক
য় ॥
Hindi Basta-Basta ang Maging Vaishnava
1
ādau śraddhā tataḥ sādhu-saṅgo ’tha bhajana-kriyā tato ’nartha-nivṛttiḥ syāt tato niṣṭhā ruchis tataḥ athāsaktis tato bhāvas tataḥ premābhyudañchati sādhakānām ayaṁ premṇaḥ prādurbhāve bhavet kramaḥ (Brs: 1.4.15–16) “Dapat sa umpisa pa lamang ay nananalig na tayo. May Paniniwala na tayo. Dahil ito ang mag-uudyok sa atin upang makihalubilo sa mga dalisay na deboto. At sa pakikihalubilo natin sa kanila, doon naman sumisibol ang hangarin na mabinyagan tayo ng isang maestrong pang-espirituwal. At habang sinusunod natin ang mga prinsipyo at panuntunangkanyang inilatag bilang ating gabay, lahat ng balakid at masasamng pag-uugali sa atin ay unti-unti namang nawawala, bunga nito nagiging matatag na tayo sa debosyunal na gawain. Hanggang sa, lahat ng ito’y atin nang naiibigan at ayaw na nating mawala pa sa atin. Ito ang pamamaraan ng sadhana-bhakti, kung papaano ginagawa ang debosyunal na paglilingkod na naaayon sa mga panuntunan at patakarang pinaiiral. At habang ang lahat ng ito’y taimtim nating ginagawa, ang ganitong damdamin ay untiunting umiigting din, hanggang sa magising sa loob natin ang pag-ibig sa Panginoon. Kaya dapat lahat ng interesado sa kamulatan ng kamalayan kay Krsna, ay dito dumadaan, dahil sa landas na ito ninyo unti-unting makakamit ang pag-ibig sa Personal na Katauhan ng Diyos.” Bhakti-rasamrita-sindhu, 1.4.15–16 Napasarap nitong basahin. ādau śraddhā, sa umpisa ay śraddhā muna, at pagkatapos, sukùti. Alam ninyo, iisa lang ang sinabi ni Nityānanda Prabhu, at talaga namang Kanyang pinagdiinan pa, “Hindi ba’t ang tanong ninyo ay, ano ang dapat naming gawin upang higit na maging mabuti pa ang ating buhay?” " ! পড় , ক য়ক : Bhagavata pada Vaisnavera sthane, ekanta asraya kara Chaitanya-charane! Yao! “Ganito Hindi Basta-Basta ang Maging Vaishnava
2
lamang ang dapat ninyong gawin,” sabi ni Nityānanda Prabhu, “Kapag gusto ninyong matuto nang aral ng Bhāgavatam, at upang hindi din kayo mapahamak, dapat sa totoong Vai£hòava kayo nagpapaturo habang nasa ilalim kayo ng proteksyon nang lotus na paanan ni Mahāprabhu!” Ito ang naging bilin ni Nityānanda Prabhu. Tanong: Kung ganoon, papaano po namin malalaman kung sino po talaga ang totoong Vai£hòava? Śrīla Bhakti Nirmal Ächārya Mahārāj: Noo’y naimbita si Prabhupād Śrīla Bhakti Siddhānta Saraswatī ëhākur upang magbigay nang kanyang panayam sa isang lugar malapit sa Delhi. Akala ng mga dumalo, ang darating na guru ay mahaba ang buhok at mahaba ang balbas. Subalit noong dumating si Prabhupād, nagulat sila, dahil simpleng tao lamang ang kanilang nakita. Medyo nagbago ang mukha ng mga dumalo, at noong tinawag na si Śrīla Prabhupād upang magsalita, ganito ang naging bungad niya, “Napansin ko, walang sinoman sa inyo ang may sapat na kaalaman at pananaw upang makilala kung sino ang isang Vai£hòava!” Alam ninyo ang usaping ito’y matagal nang naipaliwanag noon nina Śrīla Kṛṣṇa Dās Kavirāj Goswāmī at ito’y nandun din sa konseptong itinuro sa atin ni Mahāprabhu. May mga tao na nahahanay sa pagiging ordinaryo at pangkaraniwang Vai£hòav lamang, ang iba nama’y Vai£hòavatara, na medyo maayos-ayos at matino-tinong Vai£hòav, at ang ilan naman ay Vai£hòavatama, mahusay at magiling na Vai£hòav. Ito ang tatlong katangian ng pagiging Vai£hòav. Ito’y tulad din ng isang deboto na uttamVai£hòav, madhyama-Vai£hòav, at kani£éha-Vai£hòav. Si Gurudev at ang lahat ng Ächāryas natin ay pawang uttam-adhikārī, nasa pinakamataas na kalagayan at pumanaog lamang dito, sa antas ng madhyam-adhikārī. Doon sa antas ng uttam-adhikārī Vai£hòav, saanman nila ibaling ang kanilang paningin, pawang ang Panginoon lamang ang kanilang natatanaw, at kung kaya’t ayaw nilang tumanggap ng disipulo, dahil ayon sa kanila, lahat ay nasa piling na nang Panginoon kaya hindi na Hindi Basta-Basta ang Maging Vaishnava
3
nila kailangang tumanggap pa ng disipulo. At kung nais nilang tumanggap ng disipulo dapat sila’y kailangang bumaba pa muna. Nakukuha ba ninyo ang sinasabi ko? At ang sabi pa ni Mahāprabhu, lahat ng bumigkas at umusal nang Banal na Pangalan, ng Kṛṣṇa-Nām, kahit sino pa sila, kahit na ito’y minsan lamang nilang nausal ay dapat nating ituring na isang Vai£hòav. At kapag ang isang deboto ay walang-tigil at paulit-ulit na bumibigkas nang Kṛṣṇa-
Nām ito’y isang madhyam-adhikārī. Samantala, pagdating sa uttam-adhikārī, ganito naman ang kanyang naging paliwanag. ই
ক । ' '॥ yanhara darsane mukhe aise krsna-nama tanhare janiha tumi 'vaisnava-pradhana' Sri Chaitanya-charitamrita, Madhya-lila, 16.74 May mga deboto na kapag nakita nang tao ay agad nilang nasasambit ang pangalan ni Kṛṣṇa, kung ganoon, sila’y uttam-adhikārī.” Minsan, nabanggit din ni Gurudev ang tungkol sa tatlong klase ng disipulo: Halimbawa, isang disipulo ang inutusan ni Gurudev, “Gusto ko gawin mo ito,” subalit hindi naman niya sinunod, ito’y adham, na ang ibig sabihin, sa lahat, siya ang pinaka-mababa. Subalit may mga disipulo na kapag sinabi ni Gurudev ay agad itong sinusunod. At ang ikatlo, may mga disipulo na hindi na kailangang utusan pa ni Gurudev dahil ito’y kusa na nilang ginagawa. Ito ang tatlong katangian ng iba’t-ibang klaseng deboto. Subalit may pahayag din si Prabhupād Śrīla Bhakti Siddhānta Saraswatī ëhākur hinggil dito, ang sabi niya, " , ; samsara bhitare, na bahire." Kailanma’y hindi ninyo makikilala ang isang Vai£hòav kung ang gamit ninyo’y inyong mata lamang. Dapat ibang Hindi Basta-Basta ang Maging Vaishnava
4
klaseng mata, dahil doon ninyo malalaman kung sino sa kanila ang Vai£hòav at kung sino sa kanila ang hindi. Kung nais talaga ninyong malaman kung sino ang Vai£hòav at kung sino sa kanila ang hindi, subukan ninyong gamitin ang inyong tainga!
saṁsāra bhitare, na bahire [
,
, ang pagiging materyalista, ang pagkahilig ng isang tao sa mga materyal na bagay ay hindi nakikita sa labas, kundi ito’y nasa loob natin. Ibig sabihin, hindi lamang sa suot na damit malalaman mo kung ang isang tao ay sannyāsī o hindi, kundi, dapat ang mga aral nito’y kanyang isinasa-buhay din, sumusunod din sa mga pina-iiral na alituntunin at patakaran bilang isang sannyasi. Hindi ba’t ganun din sa mga babae, kahit pagmasdan mo pa sila sa kanilang kasuotan, hindi mo pa rin malalaman kung sino sa kanila ang may asawa na.
Ang Nirmal-Bhakti ay pahayagan ng Śrī Chaitanya Sāraswat Maéh Philippines – Śrī Nāma Haééa Center mula sa mga turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Om Vi£hòupād Śrīla Bhakti Nirmal Ächārya Mahārāj na amin namang isinalin sa wikang Filipino.
Hindi Basta-Basta ang Maging Vaishnava
5