I The Holy Name of Krsna

Page 1

Sri Sikshastakam

Ang Dalisay at Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa Sanskrit

Roman Transliteration ceto-darpaṇa-mārjanaṁ bhava-mahā-dāvāgni-nirvāpaṇaṁ śreyaḥ-kairava-candrikā-vitaraṇaṁ vidyā-vadhū-jivanam ānandāmbudhi-vardhanaṁ prati-padaṁ pūrṇamṛtāsvādanaṁ sarvātma-snapanaṁ paraṁ vijayate śrī-kṛṣṇa-saṅkīrtanam Pagsasalin-wika “Kayang linisin nang banal na pangalan ni Kṛṣṇa ang salamin ng puso natin; Kaya din Nitong puksain ang apoy ng kalungkutan sa kagubatang may isinisilang at may namamatay. Ang lotus ay namumukadkad Dahil sa malamig na sinag ng buwan Tulad din nito, mamumukadkad din ang puso natin Kapag ito’y nagtampisaw sa nektar ng banal na pangalan. Dahil sa taglay na yamang nasa loob natin Walang-alinlangang ang kaluluwa’y mamumulat din -- at ito’y sa isang buhay, sa totoong buhay na may pag-ibig kay Kṛṣṇa. Sa sandaling maramdaman ng isang kaluluwa ang labis-labis na mala-estatikong kasiyahan Ito’y paulit-ulit na sisisid sa sa napakalawak na nektar na karagatan. Walang-alinlangang tiyak na masisiyahan at magiging dalisay ang ating buhay Sa sandaling ito’y mabihag na nang Mapagpalang impluwensya Nang banal na pangalan. Ang Banal na Pangalan ni Krsna 1


Sri Sikshastakam Paglilinaw Ang nagpasimula nang Śrī Kṛṣṇa saṅkīrttan ay si Śrī Chaitanya Mahāprabhu. At ganito ang Kanyang sinabi, “Ako’y naparito upang pasimulan ang pag-awit sa banal na pangalan ni Kṛṣṇa, at ang pangalang Ito ay makakarating sa lahat nang sulok at liblib na lugar ng sandaigdigan (pṛthivīte āche yata nagarādigrāma sarvatra pracāra haibe mora nāma).” Ano ba ang ibig sabihin ng sankīrttan? Ito ay nagsimula sa salitang samyak, na ang ibig sabihin ay “punung-puno, lubusan, atbp. Samantalang ang salitang kirttan naman ay tumutukoy sa “pag-awit o pagusal.” Kaya kapag pinagsama natin ang dalawang salitang ito ang lalabas na salita ay sankīrttan, na ang karaniwang ibig sabihin ay “sama-samang pag-awit nang banal na pangalan ni Kṛṣṇa.” Subalit ang salitang samyak ay hindi lamang tumutugon sa dami ng bilang kundi ito’y tumutukoy din sa katangian. Kapag sinabing dami ng bilang ibig sabihin marami: sama-sama. At kapag sinabi namang ganap na dami ng bilang ito ay tumutukoy sa lubusang pagpupuri. At kapag sinabing ganap na papuri ito ay tumutukoy naman sa lubusang pagdakila kay Kṛṣṇa, at hindi kailanman sa ibang diyos. Sa madaling-salita, ang ibig sabihin ng salitang sankīrttan ay ganap na pagki-kīrttan, ang pag-awit nang papuri sa Kalubusan, sa Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan; at ang lahat ng iba pa ay pawang Kanyang bahagi lamang. Kung ganoon, samakatuwid, ang ibang bahagi ay depektibo. Kung kaya’t tama lamang na si Kṛṣṇa ang ating purihin. Ang lahat-lahat ng ito’y si Kṛṣṇa, kung kaya’t marapat lamang nating awitin ang Kanyang mga kadakilaan. Siya ang Maestro nang lahat, ang tagapangasiwa nang kabutihan at kasamaan, ang Di Mapag-aalinlanganang Tagapag-kontrol nang lahat ng bagay. Ang lahat ng ito’y para sa Kanya. Tanging sa pamamagitan lamang Niya natin mararating ang mithiin sa buhay. Ang isang kabayo kapag walang renda ito’y kung saan-saan tumatakbo, saan man niya maibigan, tulad niya, dapat ang mga papuri natin kay Kṛṣṇa ay hindi din narerendahan nang anumang materyal na hangarin, dapat ito’y diretsong nakakatakbo tungo sa Pinaka-Supremong Kadahilanan nang Lahat, tungo kay Kṛṣṇa. Ang salitang śrī ay tumutukoy naman kay Lakṣmīdevī: ang kapangyarihan ni Kṛṣṇa. Kaya doon sa sankīrttan, bukod kay Kṛṣṇa, sinasamba din natin ang Kanyang kapangyarihan, dahil Ito’y palaging Kanyang kasa-kasama. Ayon kay Sri Chaitanya Mahaprabhu, dapat manaig at maging matagumpay sa buong mundo ang Śrī Kṛṣṇa Sankīrttan; dapat itong maging matagumpay at hindi nahaharangan (paraṁ vijayate śrī- kṛṣṇa sankīrtanam). Dapat tuluy-tuloy itong nakakadaloy, hindi napipigilan, at natural na umaagos. Dapat Ito’y ekslusibo, tanging para sa Kanya lamang, katangi-tangi, malaya at ginagawa natin nang walang pagaalinlangan. At dapat ang mga papuring ito kay Kṛṣṇa ay sama-sama nating ginagawa—dahil ang taginting nito ay nagdudulot ng kabutihan sa mundo. Kaya kung nais natin talagang sumali sa Śrī Kṛṣṇa Sankīrttan, dapat gawin natin ito sa pamamagitan ng pagsuko, pagpapailalim at sa pamamaraan nang dalisay na debosyon. Naglilinis sa Salamin ng Ating Isipan Habang paulit-ulit na binibigkas at inaawit natin ang Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa, iba’t-ibang klaseng antas ang ating madadaanan. Una, nililinis Nito, nang Banal na Pangalan, ang salamin ng ating isipan. Hindi ba’t kapag nababalutan nang alikabok ang salamin ng ating isipan, halos wala tayong makita, hindi natin maaninag kung ano ang sinasabi at ipinapayo nang mga banal na aklat. Kung ganoon, anong klaseng alikabok ba ang sinasabi dito? Ito po ay ang mga walang-katapusan at pabagu-bagong mithiin Ang Banal na Pangalan ni Krsna 2


Sri Sikshastakam natin sa buhay, ito po ang mga alikabok na bumabalot sa ating puso at isipan, at sila’y susun-sunong na magkakapatong. At ito ang dahilan kung bakit hindi tayo masyadong makakita; hindi makaaninag ang ating isipan dahil palagi itong nababalutan nang mga walang-katapusang hangarin sa materyal na mundong ito (bhukti-mukti-siddhi-kāmī---sakali ‘asānta). Kaya, una, sa pamamagitan nang Śrī Kṛṣṇa Sankīrttan, nililinis nito ang ating isipan. Ito’y tulad sa varnāśrama-dharma, ang sistemang panlipunang Vedic. Na kapag perpekto nating nagampanan ang mga nakasaad na gawaing panlipunan, na sa kinalaunan, hindi na tayo muling maaakit pa sa mga gawaing ito, dahil magiging malinis at dalisay na ang ating isipan—dahil ang resulta ng varnāśrama-dharma ay ang pagpasok sa unang baytang ng Nāma-Sankīrttan: ang paglilinis nang ating puso at isipan. Ito’y upang maayos nating nauunawaan ang payong Vedic. Ang sunod na epekto sa pag-awit nang banal na pangalan, pinupuksa nito ang apoy ng materyal na buhay sa kagubatan nang paulit-ulit at muli-muling namamatay at ipinapanganak. Sa ayaw natin at sa gusto, tayo ay mulit-muling napupunta dito sa mundo upang muling mamatay. Ang materyal na mundong ito’y isang alon, at sa loob nito’y lumilikha ng isang taginting na siyang umaakit sa mga kaluluwang nalagay sa materyal na kalagayan at sila’y humahalo sa kanyang alon hanggang sila’y kanya nang mabihag. Subalit sa pamamagitan ng ikalawang epekto ng Śri Kṛṣṇa Sankīrttan, at ito’y kanyang hinahadlangan at ang mga kaluluwa’y Kanyang pinapalaya. Sa unang hakbang, nagiging malinis ang ating kaisipan, hanggang sa tayo’y maging matalino. At sa ikalawang hakbang, pinapalaya nang Banal na Pangalan ang mga kaluluwa mula sa matinding apoy dulot ng tatlong uri ng kahirapan. Ang tatlong ito ay ang ādhyātmika: kahirapang nararanasan nang ating katawan at isipan, katulad ng pagkakaroon nang iba’t-ibang klaseng sakit at karamdaman, at ang pagkakaroon ng magulong isipan; ang ādhibhautika: mga kahirapang dulot ng ibang nilalang: katulad ng mga tao, hayop, insekto, at napakarami pang ibang nilalang; at ang ādhidaivika naman: ay mga sakunang dulot ng kalikasan, tulad ng tag-gutom, baha, at lindol. Tulad nang isang apoy, ang tatlong uring ito ng kahirapan na ating nararanasan sa ating buhay ang siyang pumapaso sa ating puso. Subalit ang lahat ng ito’y pinupuksa din nang ikawalang hakbang ng Nāma-Sankīrttan, upang tuluyan na at habambuhay na tayong maging ligtas. Ang Pinaka-Supremong Layunin ng Buhay Ang sunod na yugto ay ang śreyaḥ kairava candrikāvitaraṇam: doon sa yugtong iyon, ipagkakaloob sa atin nang Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa ang pinaka-supremong layunin ng buhay. Kapag ang dalawang negatibong gawaing iyon ay naitapon na natin, maaari na tayong magsimula sa positibong gawain, at sa wakas ay maaari na nating marating ang katotohanan, ang tunay na katotohanan, na eternal, walanghangganan, na sadyang napakabuti at talaga namang napakaganda. Ito ang magdadala sa atin sa kabutihan, na nasa itaas nitong mundong punung-puno nang kahirapan. At sa kabuuan, mararating din natin ang pinaka-supremong hantungan ng buhay, ang pinakamataas na yugto ng kabutihan, ang pinakamabuti sa lahat, at ito’y dahil lamang sa pag-awit at pagbigkas nang Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa. Kaya kung susuriin natin itong mabuti, sa yugtong ito, makikita natin na, dinadala tayo nang Banal na Pangalan sa personal na pakikipag-relasyon kay Kṛṣṇa, doon sa antas ng neutralidad, sa antas ng pagpapaka-alipin, pakikipag-kaibigan, at maging doon sa matinding pagmamahalan bilang Kanyang kapamilya (ang sānta, dāsya, sakhya, at vātsalya-rasa). Ang salitang śreyah naman ay tumutugon sa pagpapala ni Nityananda Prabhu, dahil sa Kanyang pagpapala natuto tayong sumamba kina Radha at Krsna sa Vrndaban (nitāiyer karuṇā habe braje rādhā kṛṣṇa pābe). At ang susunod na yugto ay ang vidyā-vadhū-jīvanam. Inihahanda tayo nang banal na pangalan para sa lubusang pagpapasakop at pagpapailalim kay Kṛṣṇa na matatagpuan lamang sa pag-iibigan nang isang Ang Banal na Pangalan ni Krsna 3


Sri Sikshastakam magsing-irog (madhurya-rasa) kung saan ang mga deboto ay walang-katapusang pumapailalim at nagpapasakop kay Krsna. At ang susunod na yugto ay ang ānandāmbudhi-vardhanam. Kapag tayo ay nasa wastong antas na nang pag-awit sa pangalan ni Kṛṣṇa, matatagpuan natin ang isang mala-transedental na karagatan na higit pa sa lahat ng nakita natin. Kaya habang bumibigat ang pagsuko at pagpapailalim natin kay Kṛṣṇa, nilulukuban naman tayo ng Pangalan, at kapag naging lubusan na ang ating pagsuko sa Kanya, makakaramdam tayo ng matinding kalugud-lugod na kasiyahan; mararamdaman natin na nandoon na pala tayo sa isang buhay na maybuhay at walang-katapusang karagatan ng kasiyahan. Doon, makakaranas tayo nang isang bagong buhay at isang bagong uri din ng kasiyahan. At ito’y hindi napapanis o nawawalan nang buhay, sa halip, sa bawat sandali matitikman natin ang walang-katapusang karagatan nang kalugud-lugod na kasiyahan. Lubusang Nitong Nililinis ang ating Sarili At bilang pinakahuling epekto, nililinis nito ang ating buhay. At hindi na tayo muling marurumihan nang mga ganitong klaseng kasiyahan—sa halip, higit pa tayong magiging malinis pa. Ang pagsasaya ay isang uri din ng pagsasamantala. Dito sa materyal na mundo, lahat ng klaseng pagsasaya ay lumilikha nang reaksyon, at ang lahat ng naghahangad nito’y kanyang dinudumihan, subalit dito, dahil si Kṛṣṇa Krsna ang lumulusob, masnagiging malinis tayo. Lahat ng klaseng kasiyahan, basta nagmula sa pinakasentro, nagmula sa isang awtokrata, basta nagmula sa kagustuhan ni Kṛṣṇa, ay ganap na nakapaglilinis sa atin. Dito sa talatang ito, ang ibig sabihin ng mga katagang sarvatma-snapanam ay, ang lahat ng iba’tibang hugis o anyo ng sarili ay ganap na masisiyahan at magiging malinis sa sandaling bigkasin natin ang Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa. At mayroon pang isang kahulugan ng sarvatma-snapanam. Kapag samasama nating pinuri si Kṛṣṇa, magiging malinis din tayo. Ang kumakanta at ang nakikinig at maging ang lahat ng naka-ugnay sa transedental na tunog na ito ay magiging dalisay, lahat sila’y magiging malinis din. Dahil ang ibig sabihin ng snapanam ay “nakapaglilinis.” Ang taginting na ito ang maglilinis sa ating lahat at sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa Kanya. Kaya nga ang sabi ni Mahaprabhu, “Sige, humayo kayo at ipagpatuloy ninyo ang Sankīrttan, ang sama-samang pag-awit nang Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa.” Subalit dapat ito’y tunay, kung ganoon, mahalagang nakakasama natin ang mga banal na santo. Dahil pagdating sa usaping ito, ito’y di-kayang arukin ng ating katalinuhan at isipan. Ang nais lamang natin ay ang mapa-ugnay tayo sa masmataas na lupaing iyon nang tayo’y kanilang matulungan. Dahil ang lupaing iyon ay hindi pa pumailalim kailanman sa materyal na kundisyon. Ito ang kailangan natin, ang magkaroon nang kunesyon sa masmataas na katotohanan, dahil sa lahat, ito ang mahalaga. Ang Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa ay hindi isang pangkaraniwang tunog na binibigkas at napapakinggan. Dahil sa sobrang taas nito, ang Banal na Pangalan ay hindi kayang bigkasin ng ating bibig, dahil lubhang napakalalim nang Kanyang kalagayan. Nāmākṣara bāhirāya baṭe tabu nāme kabhu naya. Dahil ang lahat ng ito’y pawang espirituwal. Sa ngayon, tayo ay nasa materyal na kalagayan, nasa marhinal na kapatagan, nasa kalagitnaan nang lahat, kung ganoon, papaano natin makakamit ang kanilang pagpapala kung wala tayong kuneksyon sa kanila. Sa madalingsalita, ibig sabihin, sadyang napakahalaga para sa atin ang magkaroo tayo ng kaugnayaran sa kanila, upang kahit papaano’y madampian man lamang tayo ng kanilang impluwensya at maging ang nasa labas natin nang alon na nagmumula sa kanilang nasa itaas. Saanman ito dumaloy, ang Saṅkīrttan ng Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa ay naglalabas nang pitong klaseng resulta. Ito ang ibig sabihin ng unang talata ni Mahaprabhu. Sa unang epekto, nililinis ng Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa ang ating kaluluwa na inaatake nang isang uri ng dumi, nang pagnanasa, mula sa Ang Banal na Pangalan ni Krsna 4


Sri Sikshastakam materyal na mundong ito. Sa ikalawang epekto, ito’y nagbibigay ng mukti, nang kalayaan, perpektong kalayaan mula sa kapangyarihang materyal. At ditto sa ikatlong epekto, isang kapalaran, tunay na kapalaran, ang Kanyang ipinagkakaloob: dahil binuksan nito ang yaman ng kaluluwa. Ang likas na yaman ng kaluluwa ay unti-unting nagigising dahil sa pag-usal nang Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa. Dito, isinama narin ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ang iba pang anyo ng pakikipag-relasyon ng isang kaluluwa sa Personal na Katauhan ng Kalubusan. Noong Kanyang inilalarawan ang kasunod na hakbang, ginamit ni Mahaprabhu ang damdamin para sa debosyon na nasa estado ng isang mag-asawa, kung saan ang kabiyak ay labis na naghahangad na mabigyan nang kasiyahan si Kṛṣṇa, sumusuko ng walang anumang kundisyun, nagpapailalim at ibinibigay ang lahat basta higit lamang itong makapagpapaligaya kay Kṛṣṇa. “Ang Kailangan Ko Ay Miyun-milyong Bibig!” Ang sunod na epekto nito ay ang paglasap o pagtikim sa isang kalugud-lugod na estatikong kasiyahan. Doon sa Vrndaban, doon sa lupain ni Kṛṣṇa, ang sinumang tamang umaawit o bumibigkas ng banal na pangalan ni Kṛṣṇa ay nakikitaan nang isang kakaibang uri ng ego o katauhan: tuṇḍe tāṇḍavinī ratiṁ vitanute tuṇḍāvali-labdhaye karṇa-kroḍa-kaḍambinī ghaṭayate karṇārbudebhyaḥ spṛhām cetaḥ-prāṅgaṇa-saṅginī vijayate sarvendriyāṇāṁ kṛtiṁ no jāne janitā kiyadbhir amṛtaiḥ kṛṣṇeti varṅa—dyvayī “Kapag ang banal na pangalan ni Kṛṣṇa ay namutawi na sa bibig ng isang deboto, ang debotong ito’y parang baliw na sayaw ng sayaw. At sa sandaling siya’y pasukin at hawakan nang Pangalan, sinuman ang may-ari ng labing ito ay mawawalan na nang kontrol, at ganito ang kanyang masasabi, “Kung isang bibig lang ang aking gagamitin, hindi ko kayang tipunin ang lahat ng kalugud-lugod na ekstasing ito nang banal na pangalan? Kung ganoon, milyun-milyong bibig ang kailangan ko para matikman ang walangkatapusang katamisang ito. Kaya, kailanma’y hindi ko talaga natikman nang lubusan ang kasiyahan sa pag-awit sa pamamagitan ng isang bibig lamang.” Kapag ang tunog na “Kṛṣṇa” ay pumasok na sa tainga ng isang deboto, ang transedental na tunog na ito’y pumapasok sa kanyang puso.” At masasabi niyang, ‘ano ang silbi ng dalawang tainga. Isang malaking kamalian ang nagawa ng tagapaglikha—dahil ang kailangan ko ay milyun-milyong tainga! Kahit na marinig ko pa ang matamis na pangalan ni Kṛṣṇa, hindi parin naramdaman nang puso ko ang labis-labis na kasiyahan. Kung anoon, ang kailangan ko ay milyun-milyong tainga upang mapakinggan ang kahali-halinang pangalan ni Kṛṣṇa.” Ito ang nagiging damdamin ng isang deboto kapag ang atensyon nito’y natuon na sa banal na pangalan. At pagkatapos nito, ito’y hinihimatay; nawawala sa sarili, dahil ito’y sumasanib na sa isang mala-karagatang ekstasi, sa mala-karagatang kalugud-lugod na kasiyahan at kaligayahan. Subalit makakaramdam ito nang labis na kabiguan at ganito ang kanyang sinasabi, “Bakit ganoon hindi ko parin maunawaan kung anong klase at dami ng sustansya mayroon ang pangalan ni Kṛṣṇa. Labis-labis akong naguguluhan. Anong klaseng katamisan mayroon ang mala-pukyutang ito?” Dahil dito, ang debotong ito na bumibigkas sa banal na pangalan ni Kṛṣṇa ay nahihiwagahan. Ang Mahiwagang Tugtog ng Pluta ni Kṛṣṇa Ito ang naging turo sa atin ni Śrī Chaitanya Mahāprabhu, “Dapat maayos ninyong binibigkas ang banal na pangalan, dahil ang tunog na ito’y representasyon nang katamisan ng kalubusan.” At ang katamisang ito’y matatagpuan din sa tinutugtog nang pluta ni Kṛṣṇa. Ang tugtog ng pluta ni Kṛṣṇa ay may matindi at mahiwagang kapangyarihan na bumibihag at nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng bagay. Tuwing maririnig ng Yamuna ang matamis na tunog ng pluta ni Kṛṣṇa, ito’y napaparalisa, humihinto sa pag-agos. Ang Banal na Pangalan ni Krsna 5


Sri Sikshastakam Maging ang mga puno, mga ibon, at ibang hayop ay naaakit din ng matamis na tunog ng pluta ni Kṛṣṇa. Lahat ay pawang namamangha kapag nakakarinig nang matamis na taginting ng pluta ni Kṛṣṇa. Ang taginting ng isang tunog ay lumilikha ng mga milagro; ito ay may matinding kapangyarihang maaaring bumihag sa atin. Ang isang tunog ay maaaring lumikha o sumira. Lahat ay kaya niyang gawin; dahil may kakaiba siyang kakayahan. Ito’y nagmula pa sa pinaka-pinong kapatagan, lagpas sa ether. Ang pangkalahatang tunog na ito ay ang matamis na kalubusan at kabutihan. Ito’y may sapat na kapangyarihan—kakayahang bumihag sa atin! Tulad ng isang damo na sumasayaw-sayaw, dahil sa matamis na tunog ng Banal na Pangalan, kaya niyang pasayawin ang ating mga sarili o kaya ilihis ng landas. Doon ay maaari tayong mawala sa ating mga sarili, subalit hindi tayo mamamatay; dahil ang kaluluwa ay eternal. Palanguy-langoy lamang tayo, taas-babang pasisid-sisid dahil sa kanyang paglalaro, doon sa matamis na pag-agos ng tunog na ito. Tayo ay masmababa pa kaysa sa isang damo, sa isang dahon ng damo, at ang tunog na Kṛṣṇa ay napakalaki at napakatamis at kung kanyang iibigin, tayo ay maaari niyang paglaruan. ang taglay na kapangyarihan ng pangalan ni Kṛṣṇa ay hindi natin kayang arukin, dahil ang tunog ng pangalan ni Kṛṣṇa ay maykakaibang katamisan at ito’y isang mabuting kalubusan. Hindi ba’t ang sabi ni Śrī Chaitanya Mahāprabhu ay, “Huwag ninyong pabayaan ang tunog na ito, dahil ito’y hindi naiiba kay Kṛṣṇa.” Ito’y matamis at mabuting kalubusan—lahat ay nasa sa loob na ng banal na pangalan. At inilalako sa atin ng banal na pangalan ang kanyang sarili sa napakamurang halaga lamang: ni wala kang dapat bilhin—dahil hindi mo kailangan ng pera, o kahit anumang pisikal na lakas. Lahat ng ito’y hindi natin kailangan. Kung ganoon, ano ang ating kailangan? Ang pagkakaroon lamang ng katapatan. Ang pagiging matapat. Ang sinumang taimtim at matapat na bumibigkas ng banal na tunog na ito ay pagyayamanin, magiging masagana sa buhay na kailanma’y hindi maaarok kung gaano ito kabuti sa atin at gaano ito kalaki. At ito’y makukuha nang lahat sa napakamurang halaga lamang, sa pamamagitan ng taimtim at matapat na pagbigkas nito. Na ang ibig sabihin ng buong katapatan ay pagdulog sa tamang ahente nito, sa isang santo, at kunin mula sa kanya ang banal na pangalan. Ang Śrī Kṛṣṇa Saṅkīrttan ay pinuri mismo nang nagpasimula ng kilusang saṅkīrttan, ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, Siya ay pumanaog bilang pinagsamang Rādhā at Govinda. Ang Kanyang payo ay napakahalaga para sa atin, dahil sa pamamagitan ng mataimtim na diwa maaari tayong sumali at makibahagi sa Śrī Kṛṣṇa Saṅkīrttan na ito, dahil sa lahat ng transedental na tunog, lahat ay kanyang nililinis, pinapalaya, binibigyan nang kasiyahan, at dinadala sa positibong bahagi, doon sa malakaragatang kasiyahan at di-mawawaring katamisan. Ito ang pagpapala sa atin ni Śrīman Mahāprabhu, at ito ang Kanyang pinahayag, “Palawakin ninyo sa mortal na mundong ito ang Śrī Kṛṣṇa Saṅkīrttan, nang ang lahat ay walang katapusang mabiyayaan, dahil ito ang pinakamataas at pinaka-matinding benepisyo para sa buong mundo. Ito’y para sa lahat. Ito ang magpapalaya sa atin sa lahat ng uri ng kahirapan, at ito rin ang maglalagay sa atin doon sa pinakamataas na kalagayan.” At dito sa kaimbihan at masamang panahong ito ng Kali, tanging ang Nāma Saṅkīrttan lamang ang maaaring tumulong sa atin. Bagama’t ang Nāma Saṅkīrttan ay nagbibigay nang kabutihan sa lahat ng panahon, ito’y espesyal na inirerekumenda para din sa Kali-yuga, dahil marami ang hahadlang sa ating gagawin. Kailanma’y hindi maaaring hadlangan nang anumang kaguluhan ng materyal na mundong ito ang Nāma Saṅkīrttan, kaya kunin na agad natin ito. Kapag ekslusibong inialay natin ang buhay natin dito, matatanggap natin ang pinakamataas na kasiyahan sa buhay. Wala ka nang ibang gagawin, dahil silang lahat ay pawang depektibo at may kinikilingan. Subalit ang pinaka-malawak, ang pang sandaigdigan sa lahat, ang nakakabighani, at nakakabuti para sa atin ay ang Nāma Saṅkīrttan, dahil ito ang magdadala sa Ang Banal na Pangalan ni Krsna 6


Sri Sikshastakam atin doon sa pinakamataas na hantungan. At tanging ito lamang ang makapagbibigay sa ating lahat ng kasiyahan. Ang lahat ng kaluluwang napawalay kay Kṛṣṇa ay maaari nating tulungan sa pamamagitan ng pamamaraang ito. Hindi na natin kailangan ang iba pang kilusan. Ang sabi nga ni Śrī Chaitanya Mahāprabhu sa atin ay, “Ilaan ninyo ang inyong mga sarili, tanging para lamang dito. Dahil ito ang sumasakop sa lahat ng bagay at nagbibigay-katuparan sa ating hangarin. At ito’y inyong makakamit nang walang anumang paghihirap. Ito’y inyong palawakin sa panahong ito ng Kali-yuga—palawakin ninyo para sa kapakinabangan nang buong sandaigdigan, at muli nating maibalik ang lahat ng kaluluwa sa kanilang normal na kalagayan.” At sa pagwawakas ng aklat ng Śrīmad Bhāgavatam ang huling talatang ito ang nakasulat: nāma saṅkīrtanam yasya sarva pāpa praṇāśanam praṇāmo duḥkha-śamanas taṁ namāmi hariṁ param Ang ibig sabihin ng pāpa ay lahat nang katiwalian, lahat ng di kanais-nais na bagay: mga pagkakasala. Maging ang kalayaan at kasiyahang nakukuha natin mula sa materyal na bagay ay itinuturing bilang mga katiwalian, bilang masamang gawain. Bakit naman itinuturing na pagkakasala ang pagiging malaya? Sapagkat ito’y isang abnormal na kalagayan; ang natural na gawain natin ay ang maglingkod kay Kṛṣṇa, at ito’y hindi natin magagawa sa malayang kalagayan. Ang maging malaya ay hindi maituturing na paglilingkod kay Kṛṣṇa, dahil ito’y isang abnormal na kalagayan, samakatuwid, ito’y isang pagkakasala pa rin. Ang pagbabale-wala sa natural na tungkulin natin at ang pag-iwas sa natural na kalagayang ito na makapaglingkod kay Kṛṣṇa ay matatawag na isang pagkakasala. Ang Espirituwal na Handog ni Vyasa Ganito ang sinasaad sa pagtatapos nang talata ng Śrīmad Bhāgavatam, “Iyuko natin ang ating mga sarili kay Kṛṣṇa. Dahil ang banal na pangalan ni Kṛṣṇa ang siyang makapagliligtas sa atin mula sa lahat ng mga di kanais-nais na pagkakasala, mula sa lahat ng maruruming katangian, at mula sa lahat ng kahirapan at kalungkutan.” At matapos bigkasin ang talatang ito, ang Śrīmad Bhāgavatam ay huminto na, ito’y tumigil na; at ang dakilang sulating ito ay biglang nanahimik. Ang huling salita sa Bhāgavatam ay nāma-saṅkīrttan. Binigyan ng malaking pagpapahalaga nang Śrīmad Bhāgavatam ang pag-awit at pagusal ng banal na pangalan ni Śrīmad Bhāgavatam, at mula doo’y binigyang-ayos ito ni Śrī Chaitanya Mahāprabhu. Ayon sa ginawang huling paglalathala ni Śrīla Vyāsadeva, ang nagsulat nang mga dakilang literaturang Vedic, ang teismo, ang mga paniniwalang tungkol sa katauhan ng Diyos, ay kanyang itinaas sa yugtong ito, at inihayag sa publiko, “Ito ang dapat ninyong gawin! Bigkasin ninyo ang pangalan ni Kṛṣṇa; dahil tanging ito lamang ang mahalaga sa lahat. Halikayo at kunin ito!” Ito ang pinaka-katapusan ng Śrīmad Bhāgavatam, ang pinaka-dakilang handog sa atin ni Vyasadeva: “Pasimulan ninyo ang pagbigkas nang banal na pangalan ni Kṛṣṇa at palaganapin ninyo sa madilim na kapanahunang ito ang malawak na teistikong konsepto ng kamalayan kay Kṛṣṇa.” Ang Pinaka-Nektar sa Lahat ng Nektar Maaari nating sabihing mapalad tayo dahil narating natin ang pinaka-rurok nang pinaka-mabuti at kapaki-pakinabang na isipan, na halos abot-kamay na natin, na halos ay atin na at ilutang ang ating mga sarili sa agos nito. Nalagpasan na natin ang napakaraming iba’t-ibang konsepto at mga kariktan nito, at Ang Banal na Pangalan ni Krsna 7


Sri Sikshastakam ang lahat ng ito’y ating iniwan at ngayo’y naririto na sa dalampasigan ng karagatan ng Nāma-Saṅkīrttan. Ngayon, sa pamamagitan nang pagpapala ng ating Guru at dahil narin sa habag nang mga Vaishnavas, maaari na nating ihagis ang ating mga sarili sa karagatang ito at lumangoy sa mga alon ng Nāma Saṅkīrttan, sa pinaka-nektar nang lahat ng nektar. Ang bagay na ito’y kanilang pag-aari, at tayo ay kanilang mga alipin. Kung kaya’t malakas ang ating kaloobang ihagis ang ating katawan doon sa karagatan ng Nāma Saṅkīrttan, at lumangoy sa mala nektar na karagatang ito! Ang paglangoy sa Rādha-kunda, ang pinakamataas na hantungan sa konseptong espirituwal, ay ating matatagpuan din doon sa pinakamataas na kaanyuan nang Nāma-Saṅkīrttan. Ang talatang ito ay kumakatawan sa positibong bahagi nang walang-katapusang karagatan ng Śrī Kṛṣṇa Saṅkīrttan. At ang sunod na talata ay nagpapaliwanag naman tungkol sa mga negatibong kaganapan. Ibinigay ni Śrīla Bhakti Vinod Ṭhakur ang kanyang komentaryong Sanskrit sa Śikṣhāṣṭakam, at maging ang pagsasalin nito sa wikang Bengali, at ang kanyang komentaryo ay maituturing na pinakaorihinal sa lahat ng nagpaliwanag. Ibinigay din ni Śrīla Bhakti Siddhānta Saraswatī Ṭhakur ang kanyang komentaryo sa Śikṣhāṣṭakam. Ang lahat ng ito’y dapat nating pag-aralang mabuti upang higit nating maunawaan ang mga puntong binabanggit. Inilalabas ko lamang sa talakayan nating ito ang mga bagay na nasa loob ng aking puso. Lahat nang pumapasok sa isipan ko tungkol sa mga talatang ito’y ipinapahayag ko lamang, at ang lahat ng ito’y natipon ko mula kina Śrīla Bhakti Siddhānta Saraswatī Ṭhakur, Śrīla Bhakti Vinod Ṭhakur, Śrīla Rūpa Goswāmī, Śrīla Sanātana Goswāmī, Śrī Chaitanya Mahāprabhu, at maging nang lahat ng naunang Ᾱchāryyas. Dahil sa kanilang pagpapala, ang lahat ng ito’y tinipon ko at itinago, at ang mga buod nito’y akin namang ipinamimibigay. Binibihag nang Konseptong Kṛṣṇa ang Lahat ng Bagay Kapag ang landas ng debosyon ay ating tinanggap, ang buong transpormasyon o ang pag-iibang anyo ng ating internal na sistema ay unti-unti nang magsisimula at ang pagkagiliw natin sa mundo ay unti-unti namang nawawala. Magkakaroon nang digmaan, magkakaroon nang labanan sa ating kalooban, at kapag nakapasok na ang konseptong Kṛṣṇa sa puso ng isang deboto, ang lahat ng iba pang kaisipan at mga palapalagay ay unti-unti namang mamamahinga. Ang bagay na ito’y naipaliwanag na ng Śrīmad Bhāgavatam [2.8.5]: praviṣṭah karṇa-randhreṇa svānaṁ bhāva-saroruham dhunoti śamalaṁ kṛṣṇaḥ salilasya yathā śarat Hindi ba’t kapag panahon ng tag-lagas, ang mga putik sa tubigan ay napapawi. Tulad din nito, kapag ang konsepto o paniniwala kay Kṛṣṇa ay pumasok sa loob ng puso natin, lahat ng iba pang konsepto at mga hangarin natin sa buhay ay unti-unting namamahinga din, hanggang si Kṛṣṇa na lamang ang natitira at may tangan nang lahat. Kaya kahit isang patak man lang ng kamalayan kay Kṛṣṇa ang makapasok sa loob ng ating puso, silang lahat na sumasalungat at kumalaban sa atin ay mag-aalisan dahil sila’y sasakupin ni Kṛṣṇa. Ito ang isang katangian ng kamalayan kay Kṛṣṇa: walang-sinuman ang makakahadlang, kahit sabihin pang ito’y debosyon o pamimintuho sa mga diyus-diyosan o sa iba pang paniniwala tulad ng Kristiyanismo, Islam, at iba pa. Ang lahat ng konsepto ng teismo ay mamamahinga, at ang larangang ito ay kanyang iiwan dahil sa konsepto ni Kṛṣṇa. Walang sinuman ang may kakayahan para lumaban sa kamalayan kay Kṛṣṇa, sa Kalubusan, sa napakatamis na kagandahan. Ang Banal na Pangalan ni Krsna 8


Sri Sikshastakam Ang kapangyarihan ay tinatalo nang kagandahan, tinatalo ng katamisan, at kariktan. Sa totoo lang, ang talagang hanap natin sa buhay ay kagandahan, paglalambing, habag, pagmamahal, banal na pagiibigan (prema). Ang paglusaw sa ating mga sarili—ang kusang-loob na pag-aalay ng ating lakas at mga sarili kay Kṛṣṇa—sa bandang huli, ang ganitong klaseng pagkilos ang bibihag sa ating lahat. Dahil higit na pinagpapala ang nagbibigay kaysa tumatanggap. Ang ibig sabihin nang banal na pag-ibig ay ang mamatay upang mabuhay: at hindi upang mabuhay para sa ating sarili, kundi ang mabuhay para sa iba. Ang pinaka-sukdulan nang pagwawalang-bahala sa sarili, ang pinaka-mapagpala at mapagbigay na klase ng buhay ay sa kamalayan lamang kay Kṛṣṇa natin matatagpuan. Ang kamalayan kay Kṛṣṇa ay sadya talagang napakaganda dahil kapag ito’y inyong pinalago, ang sarili mong katauhan ay mawawala, maging ang sarili mong buhay ay mawawala. Lubusan mong makakaligtaan ang iyong sarili dahil sa taglay nitong labis na kariktan. Lahat nang kontra at lumalaban sa Kanya ay agad na nadidis-armahan. Kung ganoon, sino sa palagay ninyo ang maaaring lumaban pa kay Kṛṣṇa? Sa sandaling pumasok na sa loob ninyo si Kṛṣṇa, iisa lamang ang maaaring mangyari sa inyo, kayo ay Kanyang hahawakan. Kayo ay Kanya nang aariin. Dahil sa lahat, tanging si Kṛṣṇa lamang ang napakabait, mapagbigay at pinaka-malambing: dahil Siya ang Magandang katotohanan.

Ang Banal na Pangalan ni Krsna 9


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.