III Humbler Than a Blade of Grass

Page 1

Sri Sikshastakam

Higit na Masmapagkumbaba Kaysa Isang Damo Sanskrit

Roman Transliteration tùòåd api sunīcena taror iva sahi£òunå amåninå månadena kīrtanīyaè sadå hariè Pagsasaling-Wika ‚Maaari mo lamang masambit at mabigkas nang tuluy-tuloy ang Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa kapag ika’y higit na masmapagkumbaba na sa damo at masmatiisin pa kaysa isang puno. MGA PAGLILINAW Dapat ilagay natin ang ating mga sarili sa loob ng ganitong damdamin: tama lamang na isipin natin, na sa lahat, tayo ang pinakamasama. Noo’y sinuri ni Śrīla Bhakti Vinod Ṭhākur kung bakit: ayon sa kanya, masmabuti pa ang damo may pakinabang samantalang ang tao’y wala. Ni hindi mo alam kung ano talaga ang pakinabang. Lalu na kung ang taong ito’y hindi Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

1


Sri Sikshastakam man lang nakapag-aral, at higit sa lahat, kung siya’y isang baliw pa. Kung kaya’t ang sabi ni Śrīla Bhakti Vinod Ṭhākur, ‚Oo nga’t may konyensya ako, may angking talino, subalit ano ang saysay nito kung ang lahat namang ito’y nasa maling-kalagayan. Masmabuti pa ang isang damo kapag naaapakan, hindi umiilag at nananatiling nakapirmis lang. Bagyuhin man at umihip ang malakas na hangin, makikita mong nandoon parin, samantalang ako, may umamba lang ng suntok agad nang nakailag. Kung ganoon, alin sa amin ng damo ang masmababa ang kalagayan? Hindi ba’t ako? Dahil sa bawa’t-kilos at galaw palagi na lang akong nangangamba at nag-aalala na baka may masamang mangyari sa akin, o kaya kaunting kibot lang ay nakaangal na kaagad at gusto nang makipagaway.‛ Kaya kung gusto nating mapalapit sa walang-hangganang kabutihan ng kalubusan, dapat ganito ang ating isipan, ‚Sadya talagang wala akong kwentang-tao. Walang-halaga at pakinabang. At kung meron man, ito ay ang pagiging negatibo ko. Dahil marami ako nito. Dahil sa tuwi-tuwina, palagi ko na lang kinakalaban at tinututulan ang lahat ng pagpapala nang Panginoon. Dahil tuwing pinagpapala ako ni Kṛṣṇa, ito’y palagi kong sinasalungat at tinatanggihan. Ganito na ata talaga ang pagkatao ko, na ang gusto’y magpakamatay na, upang tuluyan nang mamatay ang aking espirituwal na buhay. Ganoon na lang palagi, tuwing pagpapalain ako ni Kṛṣṇa, palagi ko na lang itong kinokontra: na para bagang nakalaan na ata ang aking lakas dito, at gusto na ata talagang magpakamatay. Ganito ang takbo ng aking buhay, kaya masmabuti pa ang damo, ni hindi marunong umangal, at kahit sino’y hinahayaan niyang alipustahin siya. Samantalang ako, palaging naka-kontra, kontra ng kontra, ganito na ba talaga ako kasama.‛ Dapat alam natin ito, dapat mulat na tayo sa ganitong kalagayan, ang napasukan nating buhay ay masyadong masalimuot at palagi na lang may mabigat na pasanin sa buhay. Kaya kapag ang sitwasyong ito’y namulat na sa atin, sa pagkakataong ito, maaari na nating tanggapin ang kabutihan at kabaitan ng Kalubusan, nang Di-Mapag-aalinlanganang Katotohanan na nasa anyo ng Kanyang Banal na Pangalan. Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

2


Sri Sikshastakam Ang tinatahak nating landas ay hindi patag; ibig sabihin, marami tayong haharaping suliranin, marami ang manggugulo sa atin. Hindi ba’t may mga pagkakataon na kapag nagkakantahan tayo ng Hare Kṛṣṇa sa kalye marami ang nang-aasar, ‚Hoy, mga unggoy! Mestiso nga, unggoy naman!‛ Sa madaling-salita sadyang marami talaga ang manggugulo at pipigil sa atin, upang ilayo tayo sa tinatahak nating landas, subalit huwag nating kalilimutan, dapat manatili parin tayong mapagkumbaba tulad ng isang halaman. Bakit kailangang maging parang halaman tayo? Ito’y dahil sa ganitong kadahilanan: hindi ba’t kapag nagdidilig tayo ng halaman, hindi ito umaangal? At hindi mo madidinig na sumisigaw nang, ‚Tubiiig! Tubiig! Gusto ko pa nang tubig!‛ Hindi ba’t kapag pinipitas natin ang kanyang dahon o kaya pinuputol ang kanyang mga sanga, upang gawing panggatong, hindi ba’t wala kang maririnig parin sa kanya; ni walang anumang angal. Dapat ganun din tayo, tulad ng isang halaman, dahil ito ang paraan upang maging malinis tayo, at di-magtatagal, sa darating na panahon, kung meron pa man tayong natitirang kasalanan magiging banayag na lamang ang ating kaparusahan, hanggang sa tuluyan na tayo maging malaya mula sa materyal na kalagayan. Sa pamamagitan ng kamalayan kay Kṛṣṇa, nalaman natin ang pinakamataas na hantungan nang buhay, ang pinakamataas na mithiin ng ating buhay—kung ganoon, ito ba’y kaya nating tapatan? Mahirap ata. Ni hindi nga natin kayang arukin ang nagawa Niyang kabutihan ‘yun pa kayang ito’y ating tatapatan o suklian? Kaya dapat, kahit na anupa ang dumating sa ating buhay at gustong maningil sa atin, dapat ito’y maluwag sa kaloobang tinatanggap natin, na naka-ngiti, habang tangan-tangan natin sa loob ng ating damdamin ang ating mithiin, ang pinakamataas na layunin ng buhay. Kaya kung tunay ngang naniniwala kayo, na may naghihintay sa ating magandang kinabukasan, kung ganoon, dapat bukal sa kaloobang tanggapin natin kung anoman ang kinakaharap natin sa buhay dahil ito’y kabayaran ng mga nagawa natin.

Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

3


Sri Sikshastakam Kṛṣṇa! Napaka-pilyo Mo, Lagot Ka sa Akin! Isang araw, noo’y nagbabahay-bahay si Śrīla Gaura Kiśora Dåsa Båbåjī Mahåråj, ang Maestrong Pang-espirituwal ni Śrīla Bhakti Siddhånta Saraswatī Thåkur, sa bayan ng Nabadwīp at namamalimos ng kaunting kanin o kaya bigas. May ugali ang mga tagarito, na minsan, kapag nakakasalubong nila ang mga deboto, ito’y kanilang inaalipusta, at pagkaminsan ay sinasaktan pa. Kaya minsan noong pauwi na sa kanyang tinutuluyan si Śrīla Gaura Kiśora Dåsa Båbåjī Mahåråj, pati siya na isang dakila at maringal na kaluluwa ay kanilang pinatulan pa. Ilang kabataang lalaki ang mahilig mambato at pagkaminsan nama’y putik ang isinasaboy, subalit ganito ang kaniyang itinutugon, ‚Napaka-salbahe Mo Kṛṣṇa! Isusumbong Kita sa nanay Mo, kay Nanay Yasodå, lagot Ka.‛ Ganito ang nakikita ni Śrīla Gaura Kiśora Dåsa Båbåjī Mahåråj, na si Kṛṣṇa ang maypakana nang lahat ng ito. Kaya dapat ganun din tayo, ito ang dapat nating matutunan, ang makita si Kṛṣṇa sa lahat ng pangyayari, saanmang lugar at sitwasyon, kahit na tayo’y nasasaktan na. Sa totoo lang, ayon sa ating paniniwala, lahat ng bagay ay hindi maaaring kumilos o gumalaw nang walang basbas o kapahintulutan ni Kṛṣṇa. Subalit pagdating sa mga deboto ng Panginoon, iba ang kanilang nakikita, ‚Kṛṣṇa, lagot Ka, bakit mo sinusulsulan na guluhin kami nang mga batang ito. Nakakainis Ka na sa ginagawa Mo, lagot Ka! Isusumbong na Kita sa nanay Mo, kay Nanay Yaśodå. Tiyak na mapapalo Ka.‛ Pagdating sa mga matataas na deboto, ang mga kaisipan nila’y nakapirmis na, alam nila na si Kṛṣṇa ang may gawa nang lahat ng ito, at walang-alinlangang ganito ang kanilang nakikita. Ang ganitong pag-uugali ang magiging tala din natin, dahil ito ang magiging gabay natin upang maging matatag tayo sa mga bagay na kumukontra at kumakalaban sa atin. Dapat ang ganitong klaseng pag-aaliw ang ginagawa natin, hindi ba’t ang sabi sa atin ay dapat maging mahinahon at mapagtimpi tayo tulad ng isang puno? Kung ganoon, huwag na natin itong kontrahin at tutulan pa;

Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

4


Sri Sikshastakam gaano man katindi ang dumating sa atin. Dapat tulad ng isang puno, mapagtiis din tayo. At dapat kahit sino’y iginagalang natin. Dahil sa lahat, ang kahambugan at kayabangan ang pinakamatindi at tagong kaaway nang mga deboto ni Kṛṣṇa. At ang kayabangang ito sa bandang-huli ang maghahatid sa atin sa paniniwala nang mga måyåvådīs, ng mga monist. Hindi ba’t ang palagi nilang sinasambit-sambit ay, ‘so ‘ham—na ang ibig sabihin ay, ‚Ako’y ito, mataas at nag-iisa lang sa mundo!‛ at hindi ‘dåso ‘ham, ‚Ako’y mababa at maliit lamang,‛ kundi, ‚Ako’y ito, mataas na elemento; at walangalinlangang nag-iisa lang talaga sa mundo.‛ Sa kanilang panalangin, iba ang turing nila sa kanilang mga sarili, na sila’y mataas at kahanga-hanga at hindi maliit at hindi din dumadanas ng kahirapan. At ang pagiging maliit at mababa ay tahasang binabalewala nang mga måyåvådīs, ng mga taong impersonalista, na ang paniniwala’y walang anyo at katauhan ang Diyos. At ang ganitong klaseng kahambugan [ego] at pagmamayabang ang siyang matinding kaaway natin. Kaya ayon sa talatang ito, dapat ang mga ganitong klaseng kahambugan ang pinagtutuunan natin ng pansin. Ang Lugar na Pinamumugaran nang mga Alipin ni Kṛṣṇa Ang sabi ni Śrī Chaitanya Mahåprabhu, ‚Dapat kahit sino’y iginagalang ninyo, lahat silang nasa loob ng mundong ito; at dagdag pa dito, kahit ano pa ang naging kalagayan nila sa buhay, dapat sila’y nirerespeto at iginagalang pa rin. Subalit pagdating sa atin, kailanma’y huwag na ninyong asahan at hangarin na kayo’y dapat nilang irespeto at igalang.‛ Ito ang palagi nating tatandaan, dahil ang kalaban nati’y mismong ating kahambugan at kayabangan at ito’y nagkukubli lamang, sila ang matindi nating kalaban. Kaya kung sakaling sila’y inyo nang nalupig o kaya ay naiwasan, ibig sabihin maaari na tayong pumasok sa lugar ni Kṛṣṇa, maaari na tayong magpaka-alipin at makihalubilo sa mga taong nagbuwis din ng kanilang buhay. Kaya sa kabuuan, ang ibig sabihin ng talatang ito ay, ‚Huwag na huwag tayong maghahangad nang kahit anumang posisyon o kalagayan sa buhay o kaya ang maging hambug at mayabang, saanman Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

5


Sri Sikshastakam tayo malagay. At hindi lamang iyon, sinoman sila, kahit na sa palagay mo’y hindi sila karapat-dapat, sila’y dapat parin ninyong nirerespeto at ginagalang.‛ Isang Napakatinding Insulto Noong mga unang buwan ng 1930, nagpunta ang aming maestrong pang-espirituwal, si Śrīla Bhakti Siddhånta Saraswatī Thåkur sa Vùndåvan at ito’y nakasakay sa isang kotse. Alam ninyo, noong mga panahong iyon, walang sinuman sa mga santo ng panahong iyon ang gumagamit nang mga makabagong kagamitan, tulad ng kotse. Isang araw, isang pari mula sa isang templo ang nang-insulto sa amin, aniya, masmataas pa daw sila kay Śrīla Raghunåtha Dåsa Goswåmī. Si Śrīla Raghunåtha Dåsa Goswåmī ay isa sa mga kinikilalang Guru ng ating sampradaya, at sa lahat, ang konsepto nang mga turo niya ang pinakamataas. Subalit ayon sa nasabing pari, buong yabang niyang ipinamagmalaki na, ‚Hindi lamang kami tagaVùndåvan, kundi tagarito na talaga ang lahi namin sa banal na lugar na ito, at hindi lamang iyon, ang angkan nami’y nagmula pa sa mataas na angkan ng mga paring bråhmaías. Ibig sabihin, kami ang magbibigay nang bendisyon kay Dåsa Goswåmi. Hindi ba’t mababang klase lamang ang pinagmulang lahi ni Śrīla Raghunåtha Dåsa Goswåmī? Hindi ba’t ang naging panalangin niya’y mabasbasan namin?‛ Totoo ‘yun, walang-dudang ganito talaga ang naging panalangin ni Dåsa Goswåmī, subalit ito’y bilang isang pagpapakumbaba lamang, aniya, gurau go£éhe go£éhålayi£u sujane bhūsuragaòe svamantre śrī nåmni vraja-nava-yuva-dvandva śaraòe sadå dambhaì hitvå kuru ratim apūrvåm atitaråm aye svåntarbhråtaś caéubhir abhiyåce dhùta-padah ‚O aking isipan, hindi ba’t ika’y aking kapatid! Kung ganoon, inilalatag ko sa iyong paanan ang aking sarili at nakikiusap, na sana: ‘Tukuyan mo nang iwan at talikuran ang lahat ng iyong kahambugan at kayabangan, at sana, Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

6


Sri Sikshastakam puro sarap na lang ng pag-ibig ang iyong kinababaliwan habang sinasariwa mo sa iyong isipan ang banal na gabay, ang banal na lupain ng Vùndåvan, ang mga batang lalake na tagapastol ng baka, ang mga dalagitang taga-gatas ng baka, ang mga mapagmahal na deboto ng Supremong Panginoong Kù£òa, ang mga panginoong nasa lupa, ang mga dalisay at maringal na bråhmaías, ang Gayåtri mantra, ang mga banal na Pangalan ni çrī Kù£òa at ang binatilyo at dalagitang banal na magsing-irog ng Vraja, sina çrī çrī Rådhå-Govindasundar.‛ Hindi ba’t kami yung tinutukoy ni Dåsa Goswåmi na taga Vùndåvan, mga naninirahan sa banal na lupain ng Vùndåvan? Hindi ba’t kami din ang mga bråhmaías na ito? Kung ganoon, hindi ba’t siya din mismo ang nagsabi na kailangan niya nang bendisyun namin, at ito ang kanyang ipinapanalangin?‛ Noo’y nagkataong nasa Rådhå-kuòàa ang Guru Mahåråj namin at dinig na dinig niya ang sinabi ng paring ito, at noong mismong oras na iyon nag-ayuno siya at ayaw nang kumain. Ang sabi niya sa ami’y ganito, ‚bakit ganoon, bakit kailangang marinig ko pa ang mga ganoong klaseng pangungusap? Hindi ba’t ang taong ito’y may kalaswaan pa sa katawan, may poot at galit sa isipan, ganid at kasibaan, kung ganoon, papaano niya nasabing siya ang dapat magpataw ng bendisyun kay Dåsa Goswåmi? Hindi ba’t sa lahat ng nasa linya natin, si Dåsa Goswåmi ang pinaka kapita-pitagan? Ang pinaka-dakila at pinakamataas! Kung ganoon, ano itong kamalasang ito, at narinig ko ang ganitong klaseng pahayag.‛ Subalit sa halip na gumanti at makipagtalaktakan, masginusto pa niyang mag-ayuno na lang. At huwag nang kumain ng tuluyan. Ganun din ang ginawa namin, hindi na rin kami kumain, maging ang lahat ng nasa grupo namin ay hindi na rin kumain. Isang ginoo ang napadako sa aming lugar at nalaman niya ang buong istorya. Noo’y ipinagtanung-tanong niya kung sino ang paring ito na lumapastangan sa amin at nang kanyang makausap ito’y kanyang niyakag na pumunta sa amin at iniharap sa aming Guru Mahåråj. Humingi ng kapatawaran ang nasabing pari at ito’y pinatawad din ng aming Guru Mahåråj. At dahil narin sa pakiusap nang pari, tinapos narin namin ang aming pag-aayuno. Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

7


Sri Sikshastakam Noo’y isang tao ang sumabat, ‚Mahåråj, pasensya na po kayo sa kanya, ganun talaga kapag ang kausap mo’y mang-mang. Dapat hindi kayo nagpapa-epekto sa mga ganoong klaseng tao, sana hindi na lang ninyo siya pinansin.‛ Subalit ganito ang naging tugon sa kanya nang aming Guru Mahåråj, ‚Sana kung ganun nga, kung ako’y tulad lang ng ibang båbåjī d’yan. Takpan ko lang ang tenga ko at huwag ko na siyang pansinin, ayos na. Subalit alam mo, kung ano ang masakit? Isa akong Ächårya, na dapat magpakita nang ehemplo, ng halimbawa. Anong silbi at pasakay-sakay pa ako sa isang magarang sasakyan, kung wala naman pala akong pakinabang, isang inutil at hindi kayang ipagtanggol ang kanyang gurudeva?‛ At ang bagay na ito’y paulit-ulit niyang sinasabi sa amin, ‚Para saan at ako’y naka-kotse pa kapag nagpupunta ng Vùòdåvan?, ‚Sabi pa niya, ‚Ayos lang sana kung ako’y isang pangkaraniwang niskiñcana båbåji, na taga-bundok lang, simple lang ang gagawin ko, di’ ko na lang siya papansinin, tapos na, subalit ang kaso, ako’y isang Ächårya, may tungkulin akong dapat gampanan. Kung ganoon, dapat sa harapan nila ipinagpagtanggol ko ang karangalan, ang dignidad ng mga dakila at kapita-pitagang deboto. Hindi ba’t tungkulin ko na sila’y pangalagaan at bantayan, kung ganoon, dapat hinaharap ko din ang ganitong sitwasyon. Dapat ibinubuhos ko ang lahat ng lakas ko dito at hindi ko ipinagbabawalang-bahala at basta-basta na lang pinapalampas.‛ Ibig sabihin, dapat ang pagiging mabait at mapagakumbaba ay nasa tamang kalagayan. Noon, isang templo ang basta na lang sinugod at pinasok nang mga masasamang-tao, binaril sila nang mga deboto at hindi na nakapasok sa loob. Subalit mga mga taong nagreklamo sa akin, anila, ‚akala ko ba sila’y mga deboto ng Panginoon, e bakit sila namaril ng tao? Akala ko ba mga mababait at mga mapagkumbaba silang tao? Hindi ba’t ang ginawa nila’y taliwas sa ipinag-uutos ni çrī Chaitanya Mahåprabhu, na dapat higit na maging mapagkumbaba kaysa isang damo at higit na mapagtimpi kaysa isang puno? Kung ganoon, hindi sila mga deboto!‛ Ganito din ang naging reklamo nang iba sa akin. Subalit sa halip na Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

8


Sri Sikshastakam kastiguhin ko ang mga debotong inirereklamo, sila’y ipinagtanggol ko pa. Ganito ang naging sagot ko sa mga nagrereklamo, ‚Mali kayo, tama ang ginawa nang mga debotong ito. Ang sinabi nang Panginoon na maging mapagkumbaba at mabait ay para sa mga deboto at hindi para sa mga pusakal, baliw at mga tarantadong tao.‛ Hindi ba’t karamihan sa mga tao ay mangmang at walang kaalaman. Kung ganoon, hindi lamang sila tanga, kundi mga baliw pa. Bakit? Papaano ko nasabi ito? Ito’y sapagkat hindi nila alam kung ano ang tama at kung ano ang mali, kung ano ang mabuti at kung ano ang masama. Kung ganoon, tanungin kita, may halaga ba ang ipinapahayag ng isang baliw at tangang tao? Meron ba? Hindi ba’t wala. Kung ganoon, sino sa kanila ang may karapatan na magsabing mali ang ginawa nang mga debotong ito? At ang mga debotong ito’y hindi talaga mga deboto? Sila ba ang dapat magsabi kung sino sa kanila ang talagang mapagkumbaba at hindi? Dapat ba ang mga taong ito na ang sabi nati’y mga mangmang at mga baliw ang magsasabi? Kung ganoon, dapat kapag sinasabi nating pagpapakumbaba, pagiging mabait at magalang, may mga panuntunan tayong sinusundan. Kung ganoon, dapat ito’y mula sa mga pananaw at pahayag ng mga matatalino at matataas na tao, at hindi kailanman nang mga mangmang at mga malolokong tao. Ang Batayan ng Pagiging Mabait at Mapagkumbaba Walang-duda na marami talaga ang manloloko na animo ay magalang, mabait at mapagkumbabang-tao. Alam ninyo, iba ang pagpapakita nang kabaitan sa talagang pagiging mabait, magalang at mapagkumbaba. Dahil kadalasan ito ay pawang pakitang-tao lamang. Dapat ito ay nagmumula talaga sa puso at bukal sa ating kalooban. Dapat kapag sinabing mabait, mapagkumbaba, at magalang—ito’y ayon sa pahayag nang isang normal na tao—na may matinong pag-iisip, at hindi nagmumula sa mga taong mang-mang na animo ang mga isipan at pag-uugali ay mga elepante, mga tigre at asong-ulol. Bakit, sila ba ang dapat magsabi kung sino talaga ang mabait, mapagkumbaba, magalang at tunay na may mabuting kalooban? Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

9


Sri Sikshastakam Sila ba ang magsasabi kung sino sa atin ang abusado, walang-hiya at walang-kwentang tao? Hindi po. Papaano halimbawa kung ang Poon sa loob ng ating templo ay talagang nababastos na, winawalang-hiya na, ikaw ba’y magsasawalang-kibo na lamang at mananahimik sa isang-tabi? Ito ba ay isang pagpapakumbaba at pagpapakita nang kabaitan sa kapwa? Ano sa palagay mo, ito ba ang dapat gawin nang mga deboto ng Panginoon? Papaano halimbawa, isang aso ang nakita mong pumasok sa loob ng ating templo, siya ba’y itataboy mo o hahayaan mo lang itong pumasok sa loob? ‚Naku, ‘di ba ang sabi sa atin, dapat kahit sino’y iginagalang natin, kung ganoon, hayayaan ko na lang umihi at tumae ang asong ito sa aming templo.‛ Ganun ba ang dapat nating gawin? Hindi po. Dahil hindi po ganito ang pagpapakita nang tunay na pagiging mabait at mapagkumbaba. Kung ganoon, dapat alam din natin kung ano talaga ang tunay na pananaw hinggil sa pagiging mapagkumbaba, pagiging mabait at pagiging mabuting-tao. Ito’y upang maiwasan natin ang ganitong klaseng kabalbalan, ang maling pananaw hinggil sa pagiging mapagkumbaba at pagiging magalang sa ating kapwa. Palagi ninyong ilalagay sa inyong isipan na kailanman, walang-sinoman ang maaaring kumanti, gumalaw, at manakit sa mga deboto ng Panginoon, at maging sa mga Imahen nang ating Panginoon, lalu na’t kung ito’y nasa loob ng ating templo. Walang sinoman sa kanila ang hahayaan nating malayang gagawa nito. Kahit ang mga asong gumagala sa loob ng ating templo. Dahil lamang sa kasabihang ‘sila’y dapat nating igalang’. Ang interes natin ay hindi lamang sa salitang ‘pagpapakumbaba’ at pagiging ‘mabait’, kundi maging sa tunay na kahulugan nito. Ang totoo, kapag sinabi nating ‘mapagkumbaba’, pagiging ‘mabait’, ang ibig sabihin nito’y pagpapaka-alipin sa mga debotong nakakaharap natin, sa mga Vaiṣṇavas na nakakapiling natin. Dahil ito po talaga ang gawain natin. At kung ang amo, ang Guru mo ay nakita mong binabasbos, dapat handa tayong tulungan ito, handa tayong magsakripisyo, handang isakripisyo maging ang ating buhay, ‚Masmahalaga ang buhay ng Guru ko kaysa buhay ko, dahil wala naman talaga akong kwentang-tao, kailangang Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

10


Sri Sikshastakam ipagtanggol ko ang dignidad at karangalan ng Guru ko, ang mga deboto, ang aking Panginoon at Kanyang pamilya.‛ Kaya alamin na muna natin kung sino talaga ang mga kagalang-galang, ang mga kapita-pitagan, kung sino ang dapat nating pakitaan ng kabaitan, pagpapakumbaba, at iba pa. Hindi ba’t ang hanap natin talaga ay itong pinakamataas na katotohan, ang Panginoon nang lahat ng Panginoon? Kung ganoon, dapat sa Kanya natin iukol ang ating respeto at paggalang. Kung ang nasa puso at isipan natin ay palaging nasa matataas na bagay, palaging nasa usapin ng Kalubusan, doon pa lamang ay mauunawaan mong ika’y mababa, hamak na mababa talaga sa kanilang lahat. Kung kaya’t halimbawang may nagtatangka sa buhay nang mga tagapangalaga natin, dapat sila’y handa din nating tulungan, kahit na masawi pa ang ating buhay. Ganito ang ibig sabihin ng totoong pagpapakumbaba, pagiging matulungin, pagiging mabait at magalang, at hindi ‘yung pisikal na pagpapakita nang ganitong pag-uugali, dahil ito’y pagkukunwari lamang. Kung ganoon, ibig sabihin, ang pagiging mapagkumbaba, ang pagiging matulungin, ang pagiging mabuti at mabait ay isang uri ng kamulatan. Kamulatang tunay talagang nauunawaan. Dapat ibigay natin sa Panginoon at sa mga debotong Vaishnava ang dangal at karangyaan at hindi sa kung kani-kaninong tao lamang. Kapag ang antas ng ating kamulatan sa usapin ng debosyon ay tumataas, ang pagpapakumbabang ito’y tumataas din lalu na kapag kapiling pa natin ang mga paramahamsa babaji, ang mga matataas na klaseng deboto, mga debotong animo ay mga sisne, mga pato, na kayang simipsip ng nectar mula sa nilalanguyang pusali, at dahil napakataas ang kanilang kamulatan sa usapin ng debosyon, makikita mong lahat ng materyal na kuneskyon ay kanila nang binitiwan. Samantalang ang mga debotong nasa ikalawang antas, ang mga debotong nangangaral nang salita ng Diyos, iba ang kanilang pamamaraan. Tulad ng sinabi nang aming Guru Maharaj, ‚Ayos lang sana kung ako’y tulad lang ng isang båbåjī, na walang pakialam kung anoman Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

11


Sri Sikshastakam ang nangyayari sa mundo, simple lamang ang aking gagawin, tatalikuran ko lang siya at ‘di ko na lang papansinin. Subalit papaano kung ika’y nangangaral nang mga salita ng Diyos, maaatim mo bang talikuran na lang ito? Hindi po, dahil maytungkulin po tayo na dapat nating gampanan at ito ay ang maihatid sa lupain ng Panginoon ang mga tumugon sa ating pangangaral. Kaya dapat, ilagay natin sa tamang lugar kung ano ang nararapat. Kadalasan, kapag may umaway sa atin ito’y hindi natin pinapansin, hinahayaan natin. Subalit dapat, kapag nangangaral tayo nang salita ng Diyos, ito’y sinasagot natin. At hindi natin dapat pinapalampas at binabalewala lamang. Ang sabi ni Jīva Goswåmī, ayon sa mga banal na aklat, ang pagtugon sa ganitong sitwasyon ay depende din sa ating kakayahan at kamulatan. Halimbawa, bukod sa pagiging deboto ika’y isang hari pa, at nakarating sa iyong kaalaman ang ginawang kalapastanganan at kawalang-hiyaan sa isang totoong Vaiṣṇava o sa isang banal na tao, ano ang gagawin mo? Ang sabi ni Jīva Goswåmī dapat ang mga lapastangan na ito’y ipinapakulong o kaya ipinapatapon sa malayong lugar, o kaya pinapuputol ang dila nang magtanda, Vaiṣṇava nindaka jihva hata. Subalit hindi lahat ng tao ay maaaring gumawa nito; dahil kung lahat tayo ay gagawa nito, malamang lahat ng dako’y puro gulo. Ibig sabihin, hindi natin linya ang magparusa o kaya ang manakit ng kapwa. Si Hanuman ay isang Vaiṣṇava ganunpaman, trabaho niya ang kumitil nang buhay ng iba. Si Arjuna at ibang deboto ay ganun din. Kahit sina Kṛṣṇa at Råmachandra ay ganun din, marami din Silang pinatay na demonyo. Kung ganoon, hindi ibig sabihin na maging mapagkumbaba tayo, ay hindi na tayo dapat kumibo, hindi na tayo dapat sumagot. Hindi po. Dahil ang pagiging mabait, magalang at mapagkumbaba ay pagsugpo din sa ipinapakitang kabastusan at pang-iniinsulto sa Guru o kaya sa ibang deboto.

Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

12


Sri Sikshastakam Ang sabi ni Śrīla Bhakti Vinod Thåkur sa isa niyang kanta, ‚dapat hindi lamang natin ipinag-wawalang bahala ang kawalang-hiyaan at katarantaduhan nang ibang tao sa atin, kundi dapat pinapakitaan din natin sila nang kabaitan at pagpapakumbaba. Tulad ng isang puno. Putulin mo man ang kanyang sanga ito’y hindi parin umaangal. At kapag matindi ang sikat ng araw, hahayaan ka pa rin niyang sumilong o kaya magpahinga sa ilalim ng iba pa niyang sanga. At bilang pang-wakas, dagdag pa ni Śrīla Bhakti Vinod Thåkur, ang pagiging mapagkumbaba, ang pagiging mahabagin, ang pagiging magalang at ang pagtalikod sa hangaring maging sikat at magkaroon nang mabuting pangalan at karangalan, ay ang apat na katangian upang matiwasay nating nabibigkas ang Banal na Pangalan ni Kṛṣṇa. Sa lahat tayo ang pinakamasama, tayo ang pinakamababa. Kung ganun nga ang ating paniniwala, dapat pala’y pulubi ang turing natin sa ating mga sarili. At ganito ang hinihingi nating limos, ‚Walang-alinlangang ako’y isa ngang pulubi, subalit isang bagay lamang ang hihilingan ko, na sana, kailanma’y hindi ako magsawa sa hangarin kong ito, na makamit ang pinakamataas na bagay; at sana hindi ako maapektuhan nang mga nakapaligid sa akin.‛ At dapat, kahit silang nasa paligid natin ay iginagalang at nirerespeto din natin. Kaya habang namumulat tayo sa kabanalan nang mga aral ng kamalayan kay Kṛṣṇa, dapat lahat sila, lahat nang nakakaharap natin ay iginagalang at nirerespeto natin, anuman ang kalagayan nila sa buhay. Ayon sa mga nagturo sa atin, kung nais natin talagang magpugay at magdasal nang Banal na Pangalan (Nåm-bhajan), dapat magpakaalipin muna tayo sa mga alipin na nagpapaka-alipin sa mga alipin ng Panginoon. Kung ganoon ibig sabihin, kung gusto mo talagang bumigkas, umusal, o kaya umawit ng Pangalan ni Kṛṣṇa, dapat ito’y talagang pinag-uukulan mo nang panahon at dapat hindi mo na sinasayang ang panahong ito sa mga mabababaw na bagay na nasa loob ng mundong ito. Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

13


Sri Sikshastakam Huwag mong hayaang iligaw ka nang iyong kayabangan at kahambugan, ang pagkakaroon mo nang maraming salapi at mabuting kabuhayan at maging sa tinatamasa mong ginhawa sa buhay. Tandaan mo, hindi basta-basta ang iyong kahilingan, dahil ang hinihiling mo ay ang pinakamataas at pinakadakila sa lahat, dahil alam mo ang lahat ng ito kapag pinagsama-sama natin ay katiting lamang kung ating ihahambing sa kamalayan kay Káš›ᚣᚇa. Ibig sabihin, huwag mo nang sayangin ang iyong lakas at ang napakahalagang panahon para lang sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Dapat maging masinop ka. Magtipid ka. Nasa sa iyo na ang pagkakataong ito na marating ang hantungan ng buhay.

Ika- 3 Talata: Ang Maging Mapagkumbaba

14


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.