Śrī Guru at Kanyang Pagpapala Purihin si Śrī Guru at si Śrī Gaurāṅga
Ikalabing-isang Kabanata
Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal Deboto: Papaano po ba isinasalin ang mga turong-aral nang mga naunang Guru noong unang panahon, ano po ba ang nakapaloob na prinsipyo dito? Kasi po sa pagkakaalam ko, ang mga naipasang-aral na ito na nagmula pa mismo sa Diyos ay hindi dapat napuputol, dapat tuluy-tuloy at walang patlang, nang sa ganoon ang mga kaalamang ito na ipinapasa sa atin ay ganun parin ang ayos, hindi nakakalito at madaling nauunawaan. Kaya lamang, noong binabasa ko na po ang aklat na Bhagavad-gītā As It Is ni Bhaktivedānta Swāmī Prabhupād, tatlumpu’t-walong pangalan lamang ang nakalista, bagama’t ang sabi nila ang sistemang ito’y nagmula pa noong ika-limampung siglo, mga limampung libong taon na po katanda. Kumpleto po ba ang listahang ito, o sadya talagang hindi na isinama ang ibang pangalan sa listahan? Ano po ba ang dapat naming gawin upang higit naming maunawaan ang tila magkakasalungat na pahayag na ito? Śrīla Śrīdhar Mahārāj: Sa ating Guru-paramparā, sa pagkakasunud-sunod ng mga humaliling Guru, dito ang sinusunod na prinsipyo ay kung sino ang nakapag-ambag at nakapagpakita nang magandang-huwaran, at hindi po ang pagkakasunud-sunod ng pinasahang katawan; ito po ay hindi pagkakasunud-sunod ng mga nagbinyag na Maestrong Pang-espirituwal, kundi nang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal. Noo’y isang
Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
1
awitin tungkol sa ating Guru-paramparā ang sinulat ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati, ganito ang kanyang sinabi: mahāprabhu śrī chaitanya rādhā-kṛṣṇa nahe anya rūpānuga janera jīvana ‚Sa lahat, ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa ang siyang pinakamataas na katotohanan, na pumanaog sa mundo sa pamamagitan ng mga Śikṣā-gurus, nang mga nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal.‛ Ibig sabihin, ang nasa listahan ay mga humaliling-Guru na nagpakita lamang nang matataas na kamulatan sa ating linya. Sa madaling-salita, ang paramparā natin ay hindi grupo ng mga Dīkṣā-guru, nang mga Guru na unang nagbinyag sa atin, bilang pormal na kaanib ng kanilang adhikain. Alam ninyo, sa totoo lang, ang Dīkṣā, ang pagpapabinyag ay isang pormalidad lamang; ang higit na mahalaga ay itong Śikṣā, kung papaano tayo matututo ng mga espirituwal na aral. At kung halimbawang ang Śikṣā at Dīkṣā-guru ninyo, ang nagtuturo at ang Maestrong Pang-espirituwal na nagbigay ng pasimulang binyag ay kapwa iisa, aba ibig sabihin, sa lahat tayo ang pinaka-swerte. Alam ninyo napakaraming Maestrong Pangespirituwal, subalit sila’y magkakaiba ng antas. Nasusulat sa mga Banal na Aklat ang iba’t-ibang palatandaan kung sino ang dapat maging Guru at kung sino ang dapat maging disipulo; dapat ang Guru ay hitik nang iba’tibang klaseng katangian, at dapat ang disipulo ay ganun din. At sa sandaling silang dalawa ay magtagpo, tiyak na higit na magiging maganda ang resulta ng kanilang pagsasama. Hindi ba’t ang pakay at layon lamang natin ay kung papaano tayo matututo sa kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa? Hindi ba’t ito naman talaga ang siyang sadya at pakay natin? Ayon sa Bhagavad-gītā, lalu na sa Śrīmad Bhāgavatam, hindi ba’t ganito ang sabi ni Kṛṣṇa, ‚Sa totoo lang, Ako talaga ang nagpasimula nitong kilusan para sa kamulatan ng kamalayan kay Kṛṣṇa, kaya lamang, habang lumilipas ang panahon, dahil narin sa Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
2
pabago-bagong takbo ng panahon, ito’y unti-unting naapektuhan at nanghina. At noong napansin Kong masyado na itong nanghihina at bumababa na, Ako’y muling nagbalik sa mundong ito upang muli itong bigyan nang panibagong-lakas. Kaya lamang, muli, sa paglipas na naman nang ilang panahon, ang lakas nito’y unti-unti na namang napapawi, kung kaya’t naisipan Kong ipadala ang Aking sugo upang linisin ang kanyang dinadaanan. At upang muli siyang maging masigla at malakas, naglaan Ako sa Aking kilusan, dito sa kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa, nang panibagong puhunan,.‛ Bakit ano ba itong kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa? Hindi ba’t tama lamang na malaman natin kung ano ito. Kung ganoon, ibig sabihin, dapat sa simula pa lamang itinuturo na nang Guru sa kanyang disipulo kung ano ang panimulang aral. At dapat alam din ng Guru kung ano ang kanyang sinasabi, at ang isa pa, dapat nauunawaan din nang kanyang disipulo kung ano kanyang sinasabi. Alam ninyo, ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa ay hindi isang uri ng kalakal na inilalako; at walang sinoman din sa atin ang mayhawak o nakakaalam nito. At sa mga kaluluwang tapat talaga sa kanilang paghahanap, dapat ipagpasalamat nila ang araw na ito dahil kahit papaano nauunawaan nila kung ano ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa. Deboto: Hinggil naman po sa usapin ng kasaysayan nang ating Guruparamparā, ang pormal na pagkakasunud-sunod nang mga humaliling Guru, kasi po lumalabas na meron po talagang patlang o puwang, ibig sabihin po ba nito walang tumayong Guru noong mga panahong iyon upang magbigay nang panimulang binyag at tumanggap ng mga disipulo? Mga Espirituwal na light years Srila Sridhar Maharaj: Alam mo, huwag na nating tignan ang materyal na kuneksyon na nag-uugnay sa kanila. Huwag mo nang sayangin ang panahon mo tungkol sa mga bagay na iyon. Kapag sinabing tagapamagitan, ibig sabihin, ang tinutukoy dito ay hindi itong laman at Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
3
buto ng katawang-lupang ito, na kadalasang sinasabi nating ‘tayo, ako at ikaw’. Hindi ba’t pagdating sa siyentipikong pag-aaral, kinukunekta natin ang mga turong-aral ni Newton kay Einstein, subalit ganunpaman, hindi maikakailang sa pagitan nilang dalawa ay may ibang magagaling na siyentipiko din, subalit sila’y isinasantabi muna natin dahil hindi natin sila kailangan dahil hindi din naman ganun kabigat ang kanilang naiambag di tulad nina Newton at Einstein. Hindi ba’t habang tumatagal padami na nang padami ang nadidiskubre ang ating siyensya, hindi ba’t ito’y dahil kay Galileo, at pagkatapos ni Newton, at pagkatapos ni Einstein naman, hindi ba’t ang mga siyentistang nasa pagitan nila ay hindi na natin inililista? Hindi ba’t kapag sinusukat natin ang layo ng distansya nang isang bagay, ang mga malalapit na poste ay hindi na natin isinasama. Hindi ba’t kapag sinusukat naman natin ang distansya nang magkakalayong planeta ang ginagamit nating panukat ay itong tinatawag na ‘light years’. At hindi na tayo gumagamit nang milya o metro sa pagtantya nang distansya. Alam ninyo, pagdating sa mga humalilingGuru, tanging ang mga mabibigat at pangunahing Guru lamang ng nasa loob nang ating linya ang isinasama. Deboto: Mayroon pa po akong isang katanungan na gusto ko po sanang linawin ito po ay tungkol parin sa ating Guru-paramparā. Kasi po, halos daang taon ang agwat sa pagitan nang panahon nina Baladev Vidyabhusan at Jagannath Das Babaji Maharaj, bakit po tila wala man lang ni isang Guru ang nakalista sa pagitan nilang dalawa? Srila Sridhar Maharaj: Alam mo, pagdating sa usaping espirituwal, dapat kalimutan na muna natin ang materyal na pananaw, dapat linyang espirituwal na ang sinusunod natin. Dito sa materyal na mundo, tuwing dadaloy ang anumang bagay na espirituwal, sa pagpasok pa lamang nito sa mundo ito’y agad nang ginugulo, pinipigilan at pilit na dinudumihan nitong materyal na mundo. At kapag ito’y kanyang namatsahan na, ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa, si Kṛṣṇa ay muling pumapanaog dito upang ito’y ayusin, ilagay sa tama at ilagay sa dalisay na kalagayan, Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
4
yadā yadā hi dharmasya glānir bhavati Bhārata. Ito ang palaging ginagawa ng Panginoon at nang Kanyang mga deboto tuwing bababa dito. Alam po ninyo, ang espirituwal na katotohanan ay buhay, may-sarili po itong isip at damdamin. Huwag nating kalilimutan, tayo ay palaging pinagmamasdan nang Panginoon, andoon lamang po Siya sa itaas at palaging nakamasid sa atin, at kapag naramdaman Niyang kailangan na Niyang linisin at ilagay sa tamang ayos ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa, kung hindi man Siya ang pupunta, isang sugo ang kanyang pinapadala. Hindi ba’t ang sabi ni Kṛṣṇa kay Arjuna, ‚Maraming panahon na ang nagdaan, lahat ng sinasabi Ko sa iyo, ay nasabi Ko na din noon kay Vivasvān. Kaya lamang, dahil narin sa impluwensya nitong materyal na mundo, ang sinasabi Kong katotohanan ay tuluyan na niyang nadumihan. Kung kaya’t Ako’y muling naparito upang muli Kong ulitin sa iyo.‛ Bagong konsepto ng relihiyon Dito sa loob nitong materyal na mundo, kapag ang usapin ay palaging espirituwal ito’y palaging pinapakialaman at kinakalikot ni māyā; palagi nitong dinudumihan ang pagiging dalisay ng katotohanan. Kung kaya’t pagkaminsan, mismong si Kṛṣṇa na ang pumupunta dito, at kung hindi man Siya, Ito’y nagpapadala nang Kanyang sugo upang muling ilagay sa ayos ang dalisay na kalagayan nitong katotohanan. Dito sa materyal na mundo, kapag ang katotohanan ay masyado nang natatakpan, nagulo at nalapirot ng kapangyarihan ni māyā, nang ilusyon, ito’y mulit-muling ibinabalik sa dati niyang malinis at dalisay na kalagayan at kung hindi man nang mga deboto ng Panginoon, ang Panginoon mismo ang gumagawa nito. Dito sa mundong ito, ang katotohanan ay palaging pinapakialaman ni māyā, wala tayong magagawa dahil ganito talaga ang kalakaran sa loob ng mundong ito. Subalit para sa mga matatalinong-tao ang sitwasyong ito ay hindi nakakalito, dahil alam nila kung papaano kumilos ang mga prinsipyong Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
5
ito. Sa pagsusulat ng kasaysayan, hindi ba’t mastinatandaan natin ang mga prominenteng tao at ang mga maliliit ay kinakalimutan muna natin. Hindi ba’t dahil sa bigat nang kanilang naitulong at naiambag sa ating lahi ang kwento nila ang masbinibigyang-diin natin. Samantalang ang walang masyadong pinapel ay hindi na natin isinasama. Ganun din sa mga nagsasaliksik at uhaw sa espirituwal na katotohanan, ang interes nila’y nandoon lamang sa dalisay at wagas na linyang espirituwal ng kanilang lahi. Kung kaya’t mapapansin mo kung saan-saan nila hinanap itong ating linya, at kapag nalaman nilang nandoon pala sa bahaging iyon, ito’y agad nilang pinupuntahan, at kapag sila’y nandoon na, magugulat sila dahil nandoon din pala ang iba’t-ibang tao sa loob ng kanilang lahi, lahat ng pangunahin at matitigas na titser ay nandun din, at doon na nila masasabing, ‚Dito kami, ito ang linya namin.‛ Ang linya ng pagkakasunud-sunod nang mga disipulong pinasahan ng aral ay hindi po pagkakasunud-sunod ng katawan nang mga taong pinasahan. May mga panahon na nakalutang ang linyang ito, at pagkaminsan nama’y nakalubog at pagkaraan ng ilang henerasyon, dalawa o tatlong henerasyon, ito’y muling lumulutang, tulad sa naging pamilya ni Prahlād Mahārāj. Hindi ba’t siya’y isang dakilang deboto, kaya lamang pagdating sa kanyang anak ito’y demonyo; at pagdating sa kanyang apo, ito’y isa namang deboto. Kahit sa pisikal na kalagayan, makikita nating ito’y napuputol, nauudlot. May mga pagkakataon na doon sa linyang espirituwal, sa pinaglalagusan ng katotohanan, may naiimpluwensiyahan din ni māyā, nang maling pananaw. Kung kaya’t ang pinagtutuunan nang pansin ng mga magagaling at bihasa sa espirituwal, ay pawang mga mahalaga at importanteng tao lamang, sila lamang ang ating kinikilala at sinasabing nasa ating linya. Copernicus, Galileo, Newton, at Einstein Ang trabaho ng mga siyentista ay magsaliksik ng katotohanan. Pagkalipas ng ilang henerasyon, makikita nating ang mga ganoong pagsasaliksik ay ipinagpapatuloy ng ibang siyentista. At muli, pagkaraan Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
6
na naman nang ilang henerasyon, makikita nating ibang siyentista na naman ang nagpapatuloy sa naiwan nilang gawain. Kung uunawain nating maigi, ang mga pagsasaliksik na ito ay dumadaan sa iba’t-ibang tao, at sa kanilang pag-aaral, ang mga importanteng siyentista lamang na nakapagbigay nang malaking ambag ang kanilang binabanggit. Hindi ba’t noong nagsisimula pa lamang si Galileo sa kanyang gawain ay di-maikakailang may nai-ambag na rin si Copernicus, hindi ba’t pagkatapos nila ay si Newton naman. At di-maikakailang mahabang panahon ang kanilang pagitan? Kaya magmula kay Newton nakita nating si Einstein naman ang sumunod sa kanilang yapak. Mapapansin nating mahabang panahon ang kanilang pagitan, subalit ganunpaman, alam natin ang linyang kanilang ginagalawan ay buhay at iisa. Alam ninyo, ang mga bagay na ito’y hindi nakakalito para sa mga matatalinong-tao, dahil alam nila kung kanino ito nagsimula, kung kanino napunta, at papaanong nakarating dito. Ganito ang tamang paraan nang pagsasaliksik. Ganun din sa linyang pang-espirituwal. Ang mga nalilito ay ang mga taong ang kamulatan ay nandoon lamang sa pisikal na katauhan. Ito po’y dahil wala silang kaalaman kung sino at ano ang totoong espirituwal na katotohanan. Para sa kanila, ang Guruparamparā ay pagkakasunud-sunod ng pisikal na katauhan. Subalit para sa mga mulat at gising, na may mga matang espirituwal, ganito ang kanilang sinasabi, ‚Naku hindi. Hindi ko po nakita sa ikalawa at ikatlong Āchārya ang pagiging dalisay at wagas. Di-tulad ng naunang Āchārya. Ang ikaapat na Āchārya lamang ang nakamana.‛ Ang Gauḍīya-sampradāya ni Mahāprabhu ay nag-iisa lamang, at ang nasa loob lamang nito ay mga debotong tunay at totoo talagang nakapag-ambag. Ang mga naiambag ni Śrila Baladev Vidyabhusan sa sampradāya ay hindi maaaring tawaran at ang totoo, ito’y itinuturing pa ngang kabilang sa hanay nang mga magigiting na kabig sa ating linya. Oo nga’t kabilang siya sa ibang linya, sa Mådhva-sampradāya, subalit ito’y sa pisikal na aspeto lamang, subalit magmula nang magbigay siya ng komentaryo sa Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
7
Vedanta-sutra, marami ang nagsimulang maakit sa Vaiṣṇavaismo nang mga taga-Gauḍīya, kaya tayo, bilang mag-aaral, hindi natin ito isinasantabi at binabalewala. Sa madaling-salita, siya ay nakapag-ambag sa ating linya, at di-maikakailang ang mga naiambag niyang aral ay talaga namang napakabigat, mataas, napaka-dalisay at wagas, kung kaya’t ito’y ating tinanggap at ngayo’y gamit-gamit na nang mga Āchāryas sa ating linya. Lahat sila’y pinagsama-sama na natin, lahat ng śastra-guru, śikṣā-guru, dīkṣā-guru, mantra-guru, Nām-guru, upang malinaw nating makita kung saan talaga siya dumaan, kung saan dumaan ang pinakamataas na katotohanan na nagmula pa sa mundong iyon at bumaba dito. Ang pamamaraang ito ang ginamit na panuntunan nang mga Āchāryas natin. Ibig sabihin, lahat ng nakapag-ambag, sinoman sila, kahit na saan pa sila nanggaling, kahit na ano pa sila, basta kapag nakapag-ambag nang pinakamataas na kamulatan, dapat hindi natin sila pinipigilan, dahil ito ang kagustuhan ni Kṛṣṇa. Kaya lahat sila, lahat ng śastra-guru, śikṣā-guru, dīkṣā-guru, mantra-guru, Nām-guru, ay tinatanggap at kinikilala din natin bilang mga Guru natin. Si Rāmānuja ay nirerespeto at iginagalang din natin, bagama’t siya ang punong-maestro sa paaralan nang ibang Vaiṣṇavas, di-tulad ng mga sahajiyās, na puro pagkukunwari ang nalalaman, na sa panlabas na anyo, sa pisikal na katayuan animo kabilang sa linya ni Mahāprabhu, subalit wala namang ginawa kundi ang sirain at kalikutin ang mga tunay na aral ni Mahāprabhu. Hindi po natin sila kinikilala. Bagama’t kung titignan mo sa pisikal na kalagayan sila’y kabilang sa linya ni Mahāprabhu, nina Rūpa at Sanātan, subalit ang ginagawa nila’y malayo mismo sa umiiral na diwa ng ating linya, wala sa ating linya. At ang tanging koneksyon lamang nila kay Mahāprabhu ay ang pisikal na kuneksyon, ang kanilang mga katawan lamang. Samantala, pagdating sa usapin ng Vaiṣṇavaismo, hindi maikakailang malaki talaga ang naging kontribusyon nina Rāmānuja, Madhva Āchārya, at Nimbārka, at dahil natugunan nila ang mga pangangailangan natin, Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
8
kung ganoon sila’y dapat nating tanggapin. Subalit pagdating sa kanilang kabig na ngayo’y pisikal na nangangasiwa at namumuno sa kanilang grupo, sila’y itinatatwa natin, silang lahat ay tinatalikuran natin, dahil wala ka nang makikitang matino sa kanilang aral, kundi man nila binutinting at pinakialaman, ito’y tahasan na nilang binago. Ang sabi ng isang kasabihan, ‚Alin ang masmahalaga, ang ilong o ang hininga?‛ Kapag ang mga matatalinong-tao ang tinanong mo, ang isasagot nila’y hininga at hindi ilong. Ang sabi nga, ‘hindi baleng maputol ang ilong huwag lamang ang hininga’. Ibig sabihin, higit na masmahalaga ang hininga kaysa ilong. Kahit na maputol pa ang iyong ilong, tiyak namang ika’y makakahinga pa, subalit kapag ang naputol ay iyong hininga, ibig sabihin ika’y mamamatay na. Alam ninyo, kadalasan kaya nalilinlang ang mga tao ay dahil mahilig silang sumunod sa ayos at porma. Dito sa linya natin, hindi natin binibigyan nang halaga at importansya ang pisikal na kuneksyon ng isang tao, ang kuneksyon nang pisikal na katawan pagdating sa usapin ng pagiging isang Āchārya. Dahil ang pinaguusapan po dito ay espirituwal, kung saan dumadaloy ang espirituwal, at hindi ang pinagpasahang katawan. Hindi ba’t hindi naman lahat ng naging disipulo nang isang deboto ay nagiging tunay at totoong deboto? Hindi ba’t may umaayaw at ayaw nang maging deboto? Ang bagay na ito’y sinasang-ayunan natin, dahil marami na tayong nakitang ganito, hindi ba’t mismong Panginoon ang nagsabi pa nito sa Bhagavad-gītā (4.2): sa kāleneha mahatā yogo naṣṭaḥ parantapa ‚Dahil sa pakikialam at impluwensya nitong materyal na mundo, ang pinaglalagusan ng katotohanan ay unti-unting nasisira.‛ May nasisira din sa loob ng linya natin, may nawawala din sa tinatahak nating landas, at meron din namang umaayaw na. Alam ninyo, walang sinoman sa atin, ang makakapagsabi na kapag sinunod natin ang pisikal na pagkakasunud-sunod nang mga pinagpasahan ng mga turong-aral ay Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
9
hindi na mapapahamak. Kung ganoon, dapat ang palagi nating hinahanap at sinasaliksik ay kung saan talaga dumadaan ang espirituwal na kaalaman. Kaya kapag nakita natin, ito’y agad nating tanggapin, kahit na ito’y nagmula pa sa sampradāya nina Rāmānuja, Madhva, o kaya ni Nimbārka. Hangga’t meron tayong natututunan sa kanila, ito’y dapat nating tanggapin, at dapat, pagdating sa mga bulaan, sa mga pakitang-tao lamang, sa mga nagkukunwari, kahit na sila’y kabig at tagasunod pa ng tradisyon natin, dapat sila ay tahasan nating tinatalikuran at itinatakwil din. Hindi dahil ika’y isang pulitiko, ang anak mo ay tiyak na magiging isang pulitiko. Hindi dahil nasa dugo mo ang pagiging pulitiko, at ang mga magulang mo ay nasa pulitika, at kapag pumasok ka sa pulitika ay nakatitiyak ka na ikaw talaga ang iboboto ng publiko. Tulad din sa pagiging duktor, hindi dahil duktor ka ay magiging duktor din ang anak mo. Ganun din sa pagsasalin nang aral ng Guru. Batid nating hindi lahat ng nasa hanay natin ay nakakasunod sa mga pinaiiral na panuntunan at patakaran. Dapat ang mga sumusuway ay inaalis din natin. At kung halimbawang napansin mo na nandoon lamang sa bahaging iyon ang katotohanan, ito’y agad ninyong kunin at tanggapin. Ibig sabihin, saanman naroroon ang debosyon at ang tamang pananaw kay Śrī Chaitanya Mahāprabhu, nandoon din ang Guru natin. Bakit, ano ba sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng Guru? Siya ba’y isang pisikal na katauhan? Hindi po. Wala po siya pisikal na katauhan. Saanman naroroon ang katauhan ng malinis, dalisay at wagas na kamulatan, tulad nang itinuro sa atin ni Śrī Kṛṣṇa Chaitanya Mahāprabhu, na makakapagligtas sa atin, ibig sabihin, nandoon ang Guru natin. Si Baladev Vidyābhūṣaṇ ay taga-Madhva sampradāya. Subalit magmula nang makahalubilo si Viśvanāth Chakravartī Ṭhākur, siya’y nagka-interes na sa Vaiṣṇavaismo nang mga taga-Gauḍīya. Hindi ba’t naglabas din siya nang kanyang kumentaryo tungkol sa Śrīmad Bhāgavatam at sa Ṣaṭsandarbha ni Jīva Goswāmī. At ang kamulatang ito, na napakahalaga, ang Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
10
naging ambag niya sa ating sampradāya. Kung ganoon, hindi natin siya dapat balewalain. Sapagkat siya’y isang Guru din natin. At sa panig naman natin, dapat lahat ng ayaw sa Guru natin, o ayaw kay Mahāprabhu, ay inaayawan din natin. Ganito ang naging paliwanag ni Śrīla Bhakti Siddhānta Prabhupād tungkol sa Śikṣā-guru paramparā. Kaya kapag napansin nating dito sa bahaging ito dumaan ang linya ng pag-ibig sa Diyos, kahit sabihin pa nating, sadya talagang kakaiba at dipangkaraniwan ang Kanyang pinaglagusan, dapat ito’y suportahan natin, at dapat doon sa dakong iyon natin iyuko ang ulo din natin. Sigsag man ito o bali-baliko, subalit ganunpaman, dapat ito’y tinatanggap parin natin, dahil nandoon ang linya ng Guru natin. Ayaw natin ng porma, dahil masinteresado tayo sa nakapaloob na sustansya. Ang bali-baliko at sigsag na linya ng katotohanan Sa anong dahilan at iniwan natin ang lahat ng tungkulin at gawain sa buhay at bakit natin gustong kalasin ang napakaraming tanikalang gumagapos sa atin? Sa anong dahilan? Para kanino? Hindi ba’t ito’y para sa Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan. Kung ganoon, saanman Siya naroroon, dapat nandoon din ako, at kapag natiyak kong nandoon Siya sa bahaging iyon, doon ko din iyuyuko ang ulo ko. Ang sabi nga ng isang dakilang kaluluwa, ‚Halikayo, dito ang daan, oo nga’t ito’y sigsag at balibaliko, hindi bale dito tiyak namang mapapawi ang uhaw ninyo.‛ Ito ang dapat nating tanggapin. Ano ba talaga ang gusto natin, ang sustansyang magpapalakas sa atin o porma? Papaano kung ang sustansyang espirituwal ay sa iba dumaan, ito ba ay inyong pupuntahan, o maglalagi ka na lang sa materyal at pisikal na porma at kalagayan? Kung ito parin ang ipagpipilitan ninyo, ibig sabihin, punung-puno parin kayo ng panibugho sa katawan, punung-puno parin kayo ng inggit at selos, at bulag sa inyong paniniwala. Papaano natin mauunawaan ang kahalagahan ng espirituwal na katotohanan kung hanggang ngayo’y punung-puno parin tayo ng kamunduhan. Kung ganoon, dapat palagi tayong nag-iingat upang hindi Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
11
tayo madumihan. Gawin natin kung ano ang nararapat at kailangan, kung ano ang sa ati’y kapaki-pakinabang. Si Mahāprabhu ang pinaglilingkuran ko at hindi sina A, B, C, o kaya ni D. Kung kinakailangan akong kumaliwa doon ako gagawi sa kaliwa, at kung dapat sa bandang kanan, doon din ako sa kanan, basta makarating lamang ako sa aking Panginoon, saanman Siya naroroon, kung kinakailangan dapat doon din ako. At kapag naramdaman kong naroroon sa bahaging iyon ang aking Panginoon, dapat doon din ako pumunta. Hindi ba’t ito lamang talaga ang hangad ko, kung ganoon ano ang pakialam ko sa porma o uso? Tiyak aabalahin lamang ako nito sa aking pagsulong. Hindi ba’t ang sabi nga ni Kṛṣṇa ay, ‚Sarva-dharmān parityajya Mām ekaṁ śaraṇaṁ vraja.” Kung ganoon, saanman Siya naroroon, dapat nandoon din ako. At ang tinuturo Niyang daan ay hindi palaging tuwid at patag, minsan ito’y lubak-lubak at paliko-liko, kung saan-saan tumatakbo, at sa sandaling malaman nating nandoon pala si Kṛṣṇa, dapat nandoon din ako, kanit na anong klaseng daan, Siya’y aking pupuntahan. Dahil tanging Siya lamang talaga ang pakay ko. Kaya dapat iwasan na natin ang nakikipagtalo, ang pagkahilig sa pakikipag-debate, ‚Bakit nandoon si Kṛṣṇa at wala dito? Bakit ganyan, bakit ganito? Bakit wala dito si Kṛṣṇa? Ayoko sa inyo. Hindi ako naniniwala sa sinasabi ninyo, dito na lang ako.‛ Huwag po. Alam ninyo, kung tunay at totoo talaga ang inyong hangarin, saanman naroroon si Kṛṣṇa, dapat nandoon din kayo. Maliban lamang kung kayo’y bulag, ito’y ibang usapan na. Kung sakali man, ibig sabihin isang malaking kasawian sa bahagi natin ang malagay sa ganoong klaseng kalagayan, na maging isang bulag. Subalit hangga’t meron kayong kakahayan na ito’y maunawaan, dapat kahit na sino pa sila, sila’y ninyong nilalapitan at hinihingan ng tulong. Halimbawa, lumakas ang alon habang ika’y namamangka, at nalalagay na sa peligro ang iyong buhay, siguro naman hindi ka na mamimili kung ano ang dapat mong kapitan o kung dapat ba sa kaliwa o kanan pampang ka dapat pumunta.
Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
12
Halimbawa, kay Śiva tayo sumasamba, subalit napag-alaman nating masmataas pala sa kanya si Nārāyaṇ, aalis ka ba pa sa kanya o hanggang doon ka na lang kay Śiva? Papaano kung halimbawang si Nārāyaṇ na ang inyong sinasamba at napag-alaman ninyong masmataas pala sa kanya si Kṛṣṇa, kay Nārāyaṇ ka parin ba? May Kṛṣṇa sa Bhagavad-gītā at may Kṛṣṇa din sa Śrīmad Bhāgavatam, sino sa Kanilang dalawa ang pipiliin ninyo? Ayon sa iba, ‚Magmula nang mabasa ko ang Bhagavad-gītā, napalapit na ang kalooban ko kay Kṛṣṇa ng Bhagavad-gītā.‛ Ngunit papaano kung mabasa mo ang Śrīmad Bhāgavatam, doon tiyak na maraming Kṛṣṇa ang inyong mababasa? Hindi ba? Totoo ba talagang ang interes natin ay na kay Kṛṣṇa? Kung talagang seryoso tayo sa ating paghahanap dapat saanman Siya naroroon nandun din tayo. May isang istorya sa Bṛhad-bhāgavatāmṛta tungkol kay Gopa Kumār na dahil sa pag-usal nang Gopāl mantra, unti-unti itong tumaas. Ipinakita sa kanyang istorya ang iba’t-ibang antas ng kamulatan, mula sa pagiging karma-kāṇḍa brāhmaṇ, pagiging isang debotong-Hari, siya’y napadako kay Indra, tapos kay Brahmā, Śiva, tapos napunta kay Prahlād, at pagkatapos kay Hanumān, hanggang sa siya’y magawi sa mga Pāṇḍavas, sa mga Yādavas, kay Uddhava, at sa bandang huli, sa grupo ng mga gopīs. Ang mga dinaanang landas ni Gopa Kumār ay hindi diretso, kundi puro-paliko, kaliwa-kanan, kanan-kaliwa. Subalit dahil sa kanyang matinding pagka-uhaw sa katotohanan, lahat ng kanyang napuntahan, ni isa man sa kanila, ang nakapawi ng kanyang uhaw. Hindi ba’t kung saansaan siya dumaan, dito-doon, kaliwa-kanan, kanan-kaliwa, pataas-pababa. Lahat ng kanyang napuntahan ay may kanya-kanyang Guru-paramparā. Hindi ba’t si Prahlād ay may sariling Guru-paramparā, ganun din si Hanumān, may sarilin din itong Guru-paramparā, ang mga Pāṇḍavas meron din, si Mahādev meron din. Lahat sila, bawat grupo, ay may kanyakanya at sariling Guru-paramparā. Sina Brahmā at Mahādev ay parehong Guru; meron din silang sariling Guru-paramparā, subalit maging ang paramparā nila’y nilagpasan din ni Gopa Kumār. Ang tanong, bakit? Sa anong dahilan? Ito po ay dahil hindi parin mapawi-pawi ang pagka-uhaw Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
13
ni Gopa Kumār sa paghahanap ng katotohanan. Hindi parin mapatid-patid ang kanyang uhaw. Maliban lamang noong makarating siya sa lugar ng Vṛndāvan, hindi ba’t doon tuluyan nang napawi ang kanyang uhaw. Ayon sa Bṛhad-bhāgavatāmṛta, ganito ang linya ng ating Guru-paramparā, ito ang totoong linya, kaya dapat ganito din ang ginagamit nating pamamaraan kapag nagsasaliksik tayo. Kung totoo talaga at walang halong pagkukunwari ang paghahanap natin ng tunay na katotohanan, saanman tayo mapadpad ito’y isang aral sa atin, dahil ang mga karanasang ito ang siyang gagamitin nating halimbawa sa darating na panahon. Hindi ba’t totoo naman talagang kung saan-saang lugar na tayo napadpad dahil akala natin doon sa dakong iyon mapapawi ang ating uhaw? At dahil hindi pala, hindi ba’t ito’y atin nang nilayasan? Mabuti na lang dahil sa pagpapala at habag ng Panginoon, sa wakas natagpuan din natin ang kuneksyon sa masmataas na katotohanan. Subalit noong una ang sabi nati’y dito na tayo, dahil nakita na natin ang ating hinanahap, at pinaniwalaan nating dito na talaga mapapawi ang ating uhaw. Subalit noong hindi parin, hindi ba’t muli, makaraan ang ilang panahon, nakaramdam na naman tayo ng matinding uhaw, at ayaw na nating mamalagi dito, at ang gusto na nati’y masmataas na katotohanan na, at ito na naman ngayon ang hinahanap-hanap natin. Kung kaya’t, kung saan-saan at kung kani-kaninong Guru-paramparā tayo napupunta, hanggang sa makarating tayo dito sa Vraja-līlā ni Kṛṣṇa, na siyang tinuturo sa atin ni Śrī Chaitanya Mahāprabhu. Wala akong pakialam kung ano ang uso o naaayon sa panahon, wala din akong pakialam kung ito’y kinagawian na ng tao, o kaya maganda ang porma at kahali-halina sa ating mata. Ibig sabihin, kung gusto talaga ninyo ng tunay na katotohanan, dapat saanman ito naroroon, dito o doon, ito’y dapat nating puntahan at kunin. Hindi ba’t ang sabi ni Mahāprabhu: kibā vipra, kiba nyāsī, śūdra kene naya yei kṛṣṇa-tattva-vettā, sei ‘guru’ haya ((Śrī Chaitanya-charitāmṛta: Madhya-līlā, 8.128) Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
14
‚Kahit sino ka pa, kahit na anong lahi pa ang pinanggalingan mo, kahit na ano pa ang katayuan mo sa buhay, kung alam mo ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa, magturo ka, maging Guru ka.‛ Hindi ba’t minsan sa buhay ng isang tao, ibang tao ang nag-alaga at nagpalaki sa kanila, at hindi ang kanilang ama? Hindi ba’t minsan ito’y kanilang tiyuhin pa? Hindi ba’t ang mga bagay na ito’y nangyayari naman talaga? Ang tanong, sino ba talaga ang nag-alaga sa atin, dapat sinoman siya, siya’y importante sa atin, mahalaga sa atin. Dapat ganun ang linya natin, dahil ganun ang Śikṣāguru-paramparā natin. Alam ninyo, higit ang aking pasasalamat sa mga taong tumulong at matyagang nagturo sa akin, dahil ngayon higit ko nang nauunawaan kung ano ang mga usaping espirituwal, ang mga tinutukoy ko ay hindi lamang ang mga taong tuwirang nagturo sa akin, kundi sila na nagbukas din sa aking isipan. Dahil sa ibinigay nilang liwanag, nagawa kong kalasin ang tanikalang gumagapos sa akin dito sa materyal na mundo, pinawi din nila ang aking pagkauhaw para sa masmalalalim na kaalaman at higit sa lahat, sa totoo lang, dito talaga ako nakaramdam ng kasiyahan, kung ganoon, sila ang mga Guru ko. Dahil sa kanila, dahil sa mga Maestrong Pangespirituwal na ito, ako’y natuto sa aking buhay. Samakatuwid, silang lahat ay pawang mga Śikṣā-guru natin. Alam ninyo, sa totoo lang, lahat ng Vaiṣṇavas ay mga Maestrong Pang-espirituwal natin. Utang natin sa kanila ang ating buhay. Ngunit pagdating sa mga bulaan at nagkukunwari, sila’y tinatanggihan natin. Ang totoo, sila ang totoong kaaway natin, dahil lahat sila’y asat-saṅga, magiging masama tayo kapag sila’y ating nakasama. Bakit po? Dahil ilalayo lamang nila tayo sa totoong landas nang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa at kahit na ano pa ang gawin natin, hangga’t sila’y kasa-kasama natin, hindi tayo aasenso. Tapatin natin ang mga puso natin, ‚Kanino ba talaga ako natuto nang espirituwal na buhay?‛ Hindi ba pagdating sa ganitong klaseng usapin, dapat ang puso natin ang tinatanong natin, dahil tanging siya lamang ang talagang nakadama kung sino sa kanila ang totoo, kung sino talaga sa Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
15
kanila ang nakatulong sa atin, at hindi ang anumang hugis, itsura at pormang palaging nakikita natin. Halimbawa may dalawang banga, isa dito ang dapat nating piliin, ang isa ay gawa sa ordinaryong banga at may lamang tubig Ganges, samantalang ang natitirang banga ay gawa naman sa ginto subalit ordinaryong tubig lamang ang laman. Alin sa kanila ang inyong pipiliin. Malamang, kapag lahing brāhmaṇs, kapag matatalinongtao ang tinanong mo, tiyak na banga na may lamang banal na tubig ng Ganges ang kanilang pipiliin, kahit na ito’y nakalagay sa isang ordinaryong banga. Sa madaling-salita, masmahalaga ang laman kaysa sisidlan. Ako ba ang katawang ito? Ang katawang-lupang ito ay hindi po ako. Alam ninyo, kapag sinundan natin ang pisikal na katawan nang mga pinagpasahang Guru sa ating guru-paramparā, marami ang babatikos sa atin. Pagdating sa ganitong klaseng usapin, una sa lahat, dapat alam natin kung sino talaga tayo. ‚Tayo ba ang katawang-lupang ito o hindi?‛ Kung ang pagkatao nati’y espirituwal, dapat sa espirituwal na kalagayan din natin ito tignan, at pagdating sa ganitong usapin, dapat matang espirituwal ang ginagamit natin, dahil ang matang ito ang nakakakita sa kanila, doon natin malalaman kung sino sa kanila ang totoo at talagang sumusunod sa landas na inilatag sa atin ni Mahāprabhu. Noo’y nagpasya ang mga Pāṇḍavas sa pangunguna ni Yudhiṣṭhir Mahārāj na doon na sa Himalayas mamamalagi. Walang-sinoman sa kabig nila ang nag-akalang sila’y babagsak din. Maging si Arjuna ay ayaw maniwala. Subalit kahit siya’y bumagsak din, at noong sila’y papunta na sa Himalayas, isang aso ang sunud nang sunod kay Mahārāj Yudhiṣṭhir. Tulad din sa nangyari sa ibang kasamahan natin, hindi ba’t marami din sa hanay natin ang nalagas, ang nalaglag, at tayong naiwan hanggang ngayon ay nagpapatuloy dahil hindi parin natin nararating ang espirituwal na hantungan natin. Hindi ba’t minsan sa ating paglalakbay, meron tayong Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
16
nakakasama, at sa pag-aakalang sila’y makakatulong sa atin, hindi ba’t sumama tayo sa kanilang grupo? May malalagas at mawawala. Kahit madhyam-adhikārī guru ay nalalaglag din, kung ganoon kahit sila’y dapat din nating iwan. Isang masaklap na karanasan na ang Guru na siyang namumuno sa atin, na kasakasama at umaalalay sa atin, ay makikita nating bumabagsak. Wala tayong magagawa kundi ang manalangin, humingi ng tulong sa ating Panginoon, na sana, maging matatag at matibay tayo sa ating paglalakbay. Ang ganitong klaseng kapahamakan ay maaaring mangyari din sa atin, minsan, tayo pa nga mismo ang nakakaranas nito. Magka-ganunman, huwag kayong matakot. Mag-isa man kayo o may kasama, dapat magpatuloy parin kayo. Ang sukṛti ang maghahatid sa atin, mga nakaimbak na merito, o mabuting kapalaran, grasya at pagpapala, at pagkatapos, śraddhā natin, ng pananalig at paniniwala natin, ang dalawang ito ang magiging gabay natin. Pagdating sa pananalig, dapat ito’y maigi nating sinusuri. Dahil ang salitang śraddhā, pananalig, ay gasgas na, karaniwan na itong ginagamit nang lahat, kaya dapat alamin muna natin ang iba’t-ibang aspeto ng iba’tibang klaseng śraddhā. Dahil ang pinakamataas na klase ng pananalig ang gagawin nating pamasahe pauwi sa ating tahanan, sa piling nang Personal na Katauhan ng Diyos. May mga pagkakataon na habang tinatahak natin ang landas meron tayong nakakasama, at pagkaminsan nama’y wala, at ma-isa lamang tayo. E’ ano ngayon kung mag-isa lang? Bakit, nakatitiyak ka ba na ika’y talagang mag-isa lang? ‘Yun ba ang palagay ninyo? Hindi po. Huwag nating kalilimutan, tayo ay patuloy na pinagpapala at kasakasama parin nang mga Guru natin, at sila’y mga nakatago at nakakubli lamang, at tayo ay patuloy nilang ginagabayan. Mga Naka-kubling Guru Oo nga’t sa unang tingin, maaaring ako’y nag-iisa lamang, subalit ang totoo, marami akong kasama, at ang mga ipinakita nilang kahanga-ngang Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
17
halimbawa ang nagpapalakas ng aking kalooban, kung kaya’t hanggang ngayo’y nananatili akong masigla. Sila ang tutulong sa akin, ang mga nakakubling Guru na ito ang sasagot ng aking pamasahe. Dahil sa mga ipinakita nilang mabubuting halimbawa, nabuhayan ako ng loob at hanggang ngayo’y nananatiling masigla parin. At ito ang magiging gabay ko, ang pagkakaroon ng totoo at tapat na damdamin para sa katotohanan. Dapat ganito ang Guru-paramparā. Bakit, sino ba ang sinasabi nating Guru dito? Ang kanyang katawan ba? O ang pulubing ito, ang vairāgī na nasa harapan ko? Bakit, ano ba sa palagay ninyo kapag sinabi nating Guru, ito ba’y dahil sa pormal niyang kasuotan, papaano kung siya pala ay isang ipokrito na animo kung umasta ay isang sadhu, subalit nasa loob pala ang kulo? Kung ganoon, ano ba ang Guru? Sino ba siya? Kapag ako’y kanyang tinulungan, at itinuro sa aking kung papaano gawin ang debosyon, kung ganoon siya ang magiging gabay ko pabalik kay Kṛṣṇa, at kay Mahāprabhu. Kaya kahit na sino pa siya, siya parin ang magiging Guru ko.
‚Rāmānanda Saìvåd-ang tunay na layunin ng ating buhay.‛
Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
18
Hindi ba’t ang sabi ni Mahāprabhu kay Rāmānanda Rāy, ‚Rāmānanda, napapansin Ko, parang atubili ka sa pakikipag-usap sa akin, bakit parang naiilang ka sa Akin? Napapansin Ko, tuwing magtatanong Ako, parang halos ayaw mong sumagot. Dahil ba sa Ako’y isang sannyāsī at ika’y isang gṛhastha? At dahil ika’y gṛhastha at Ako’y isang sannyasi, sa palagay mo, dapat ikaw ang nakikinig sa halip na magturo. Ganun po ba? Huwag po. Huwag po kayong mahihiya sa Akin. Ipagpatuloy po ninyo ang pakikipag-usap sa Akin. Turuan mo parin Ako. Dahil mas-alam mo ang tungkol kay Kṛṣṇa. Kaya sa halip na Ako ang magturo nito dapat ikaw, dahil ito’y kabisado mo. Kaya huwag po kayong mahihiya sa Akin.‛ Hindi ba’t ganito naman talaga ang naging pakiusap ni Mahāprabhu kay Rāmānanda Rāy? ‚Rāmānanda, higit kang pinagpala ni Kṛṣṇa, dahil ang yamang ito’y naipagkaloob Niya sa iyo. Kaya sana, kung maaari, ambunan mo naman Ako. Alam mo ba, sa lahat, tanging ikaw lamang ang tunay na pinakamayaman. Alam mo ba kung bakit Ako naparito dito sa mundo? Dahil nais Kong ikalat sa buong mundo, nais Kong ibalita sa lahat, na tanging ikaw lamang ang katangi-tanging pinakamayaman sa buong espirituwal na sandaigdigan. At tiyak marami sa publiko ang makikinabang sa ibabalita Ko. Kaya huwag mong ipagkait sa Akin ang nalalaman mo. Huwag kang mahihiya. Ilabas mo. Turuan mo Ako.‛ At ang sagot ni Rāmānanda, ‚Totoo po ang lahat ng sinabi Ninyo. At ang isa pa, ang puhunang kong ito ay nanggaling sa Inyo mismo, Kayo po ang nagbigay nito. At parang ipinatago lamang po ninyo sa akin. At ngayong Kayo’y nandito na, maaari na po Ninyo itong kunin sa akin. Tutal, Kayo naman po talaga ang nagmamay-ari nito. Alam ko po iyon. At alam kong, kaya ninyo ako pinipilit na magsalita ay dahil nais na Ninyo itong kunin sa akin. Wala pong problema. Ako’y instrumento lamang at anumang sandali ay maaari Ninyong gamitin. At dahil ipinag-uutos po Ninyong magsalita ako, nakahanda po ako.‛ Ganito ang naging usapan nina Rāmānanda at Mahāprabhu. Subalit ang tanong, kabilang ba sa ating sampradāya itong si Rāmānanda? Hindi maikakailang malaki talaga ang utang na loob natin sa kanya, at hindi din natin maaaring tawaran o maliitin ang kanyang naiambag sa ating sampradāya. Subalit ang tanong, Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
19
bakit wala siya sa listahan ng ating Guru-paramparā? Siguro naman, kumpara sa ibang Guru na nasa loob ng ating linya, sa ating Guruparamparā, di-hamak na masmagaling siya. Hindi po ba? At tignan na lang din po natin itong si Śrīmatī Rādhārāṇī, hindi ba’t wala Siya sa listahan ng ating Guru-paramparā? Ano sa palagay ninyo ang dapat nating gawin, dapat ba natin Siyang alisin? Hindi ba dapat kapag sinabing ang taong ito’y Guru, dapat ang kasunod na tanong ay, mula sa anong paramparā? Bakit po? Dahil ang bagay na ito’y napakahalaga. Kaya kapag sinabi nilang, ‚Siya’y isang Guru.‛ Dapat kabilang siya sa listahan ng mga Guru, nandoon siya sa listahan nang pagkakasunud-sunod ng mga pinasahang Guru. Pagdating kay Alexander the Great wala siyang pakialam sa porma May mga pagkakataon na dapat isinasantabi muna natin ang porma o ayos ng isang bagay. Isang araw, noo’y naglalakad-lakad sina Alexander the Great at ang kanyang ama, at napadako sa isang karuwahe na pinagkakaguluhan ng tao, napansin nilang mahigpit ang pagkakatali nito. At sa itaas ng malaking buhol ng tali ay may isang karatula at ganito ang sinasabi, ‚Kapag natanggal ninyo sa pagkakatali ang karuwaheng ito kayo ay magiging isang sikat na Hari, na kikilalanin sa buong mundo.‛ Dahil sa kamusmusan, tinanong ni Alexander sa kanyang ama kung ano ang nakasulat sa karatula, ‚Papa, ano po ba ang nakasulat dito?‛ ‚Alam mo anak, mahabang panahon nang nakatali ang karuwaheng ito dito, at walang nakakatanggal pa nito,‛ sagot ng ama. ‚At ang sabi sa karatulang ito, ‚Kapag natanggal ninyo sa pagkakatali ang karuwaheng ito, magiging sikat na Hari kayo na kikilalanin sa buong mundo,‛ dagdag ng ama. ‚Ganun lamang po ba, ang dali pala,‛ sagot ng batang Alexander. At agad nitong kinuha ang espada sabay taga sa lubid. Malinaw di po ba? Simple lamang ang naging kasagutan. At hindi na natin kailangang sundin ang anumang pormalidad. Noong mga oras na iyon, sa di-kalayuan, isang matanda ang nakamasid at agad na lumapit sa kanila. At ganito ang sinabi, ‚Tama po. Walang-dudang ang batang ito ay kikilalanin bilang isang Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
20
magaling na Hari.‛ Ito’y sapagkat kanya munang isinantabi ang anumang pormalidad, at sinunod lamang ang inaakala niyang simple at tamang kasagutan. Hindi ba’t dahil sa kanyang ginawa, agad nang naputol ang tinatawag na ‘Godon knot.’ Alam ninyo sikat ang istoryang ito. Dahil kung puro pormalidad lang ang susundin natin, malamang hanggang ngayo’y nangangapa parin tayo. Hindi parin natin nakikita ang hinahanap natin. Hindi ba’t ganun din ang nangyari noon kay Columbus? Isang tao ang noo’y naghamon sa kanya, ‚Kaya mo bang itayo ang itlog na ito sa pako?‛ Kinuha ni Columbus ang itlog atsaka itinusok sa itlog. ‚Ayan, tapos na.‛ Hindi ba’t ito’y praktikal lamang. Kaya, pagdating sa totoo at tunay na linya nang mga humalilingdisipulo, kahit pangkaraniwang kaalaman ay maaari din nating gamitin upang mapatunayan lamang ang katotohanan ng banal na pagmamahalan. Kaya halimbawang nakita nating sinusuportahan nang nasa dakong iyon ang paniniwala natin, dapat iyuko din natin sa kanila ang ating ulo. Ibig sabihin dapat hindi lamang sa pormal nitong kalagayan natin tinitignan, kundi dapat inaalam din natin kung masustansya ba ang nasa loob nito. Ito po’y dahil, hindi po tayo mapagkunwari o kaya ay nakikiuso at nanggagaya lamang, kundi doon lamang po tayo sa tunay at totoo. Hindi po ba? Kaya dapat palaging ganoon ang ating damdamin at isipan.
Ikawalong Kabanata – Ang mga Nagtuturong Maestrong Pang-espirituwal
21