Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan
2 Santo Banal na Aklat at Guru Anong dahilan at tayo’y nagpupunta sa mga banal na lugar hindi ba’t dahil ang sabi nandoon ang mga banal na tao. Ang artikulong ito ay sipi ng talakayan sa pagitan nina Srila Sridhar Maharaj at nang tatlong mag-aaral na taga-Europa na noo’y nagpunta sa India upang maghanap ng katotohanan.
Ikalawang Bahagi: Mga Santo, Mga Banal na Aklat, at Guru
11
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Srila Sridhar Maharaj: Anong dahilan at kayo’y naparito sa India? Estudyante: Gusto po sana naming magpunta sa mga banal na pook tulad ng Nabadwip, Vrndaban, at Jagannath Puri. Ito po ang pangunahing dahilan kung bakit nandito po kami sa India. Srila Sridhar Maharaj: Papaano ninyo nalaman ang mga bagay na ito? May nabasa ba kayong libro? Estudyante: Opo, mga libro ni Srila Prabhupada. Srila Sridhar Maharaj: Anong libro? Estudyante: Bhagavad-gita po. Srila Sridhar Maharaj: Maharaj.
Aah. Yung Bhagavad-gita As It Is ni Bhaktivedanta Swami
Estudyante: Opo. Ang sabi ng Bhagavad-gita: “Ikaw Lamang ang Makakagamot sa Sarili Mo” Srila SridharMaharaj: Maraming taon na ang nakakalipas, isang iskolar na Aleman ang nagpahayag nang kanyang saloobin tungkol sa Bhagavad-gita, ayon sa kanya, sa lahat ng nabasa niyang literaturang pang-espirituwal, ito na ang pinakamataas. Ang punto niya’y ganito, ayon sa Bhagavad-gita sa halip na paligid natin ang binabago natin, dapat ang sarili na lang natin, at silang naka paligid sa atin, anoman sila ay huwag na nating kalabanin, kundi pakisamahan na lang natin. Ang susi sa kasagutan ng usaping ito ay nasa payo ng Bhagavad-gita: ‚Ikaw lamang ang makakagamot sa sarili mo.‛ Dahil sa totoo lang, wala naman talaga tayong sapat na kapangyarihan upang baguhin ang nasa paligid natin. Dahil ang lahat ng ito’y pawang kagustuhan ng Diyos. Lahat ng ito, ay mga pinagsamang lakas nang lahat ng nasa labas natin, at ito’y hindi natin kayang alisin. Wala tayong sapat na kakayahan para pakialaman ang nasa paligid natin; mapapagod lamang tayo, sayang lang ang lakas natin. Sa halip, ang mga sarili na lang natin ang ating baguhin, at iayon ito sa mga nangyayari sa labas: ito ang susi sa tagumpay ng ating buhay. tat te ‘nukampam susamiksamano. Lahat tayo, ang bawat-isa sa atin ay may mga tungkulin na dapat nating gawin, subalit kahit na ano pa ang resulta nito huwag na huwag natin itong pakikialaman, titikman o kaya’y pagnasaan; dapat Ikalawang Bahagi: Mga Santo, Mga Banal na Aklat, at Guru
12
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan ang lahat ng ito’y ipinauubaya na ninyo kay Krsna. karmany evadhikaras te ma phalesu kadacana. Ang tungkulin lamang natin, ang bawa’t-isa sa atin ay magbigay ng kanyang ambag; may gumagawa din sa mga ginagawa ninyo, milyun-milyong iba pa ang nagbibigay din ng kanilang ambag, na lumilikha ng ating kapaligiran. Sa madaling salita, gawin na lang natin kung anuman ang kailangan nating gawin, at tanggapin ang resulta nito bilang pinakamagaling, dahil ang Kalubusan ang may gawa nito. Maraming bagay ang nagaganap sa ating buhay, ang mahalaga dapat alam natin kung ano ang kahalagahan nito sa atin, kung bakit ganito ang binigay sa atin ng kalubusan at kung papaano natin iaakma ang sarili natin. Ang tanging responsibilidad lamang natin ay ang mga tungkulin na dapat nating gawin. At kailanma’y huwag nating pakialaman ang nasa paligid natin; dahil kusa itong kikilos ayon sa paraan ng Kalubusan. Wala tayong kapangyarihan upang ito’y baguhin. Sa halip, ang sarili na lamang natin ang pagsikapan nating baguhin upang maging maayos ang pakikitungo sa mga nakapaligid sa atin. Huwag na tayong makialam kahit na ano pa ang naging resulta nito. At kung sakaling hindi natin makamit ang mga inaasam-asam natin, huwag tayong magtatampo o kaya mawawalan ng gana. Huwag po. Dapat ipagpatuloy parin natin kung anoman ang dapat nating gawin. Gawin natin ang lahat ng maaari nating gawin para sa Kalubusan dahil ito ang magiging ambag natin, bilang alay natin sa Kalubusan, at iwan natin sa Kanya ang pasya, bahala na Siya kung anoman ang gusto Niyang gawin. Sabi nga ni Krsna, ‚Kailanma’y huwag kang maghahangad ng anumang partikular na reaksyon sa ginagawa mo. Ang mahalaga, ika’y kumikilos. At hindi ka tatamad-tamad. Gawin mo kung anoman ang tungkulin mo subalit kailanman huwag na huwag mong titikman ang resulta nito.‛ Estudyante: Ibig sabihin po ba nito dapat habang ginagawa namin ang aming tungkulin si Krsna ang nasa isipan namin? Srila Sridhar Maharaj: Oo. Ito’y upang palagi nating naiuugnay, naikukunekta ang mga sarili natin sa Kanya, dahil sa paraang ito, mapapansin ninyong mababait pala ang nasa paligid natin. At kapag naubos na ang lahat ng reaksyon sa ginawa natin, mapapansin ninyong lahat ng nasa paligid nati’y parang mga alon na tuwing hahampas sa atin ay may dalang mabuting balita. At kapag naglaho na ang pagiging makasarili natin, mamamalayan nating nasa gitna pala tayo nitong kahali-halinang alon. Kaya magmula ngayon, kung may nagawa man kayong pagkakamali, ito’y inyo nang kalimutan. Ang mahalaga ay kung ano ang ginagawa natin ngayon at kung
Ikalawang Bahagi: Mga Santo, Mga Banal na Aklat, at Guru
13
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan anoman ang resulta nito, dapat ito’y hindi natin tinitikman, hindi natin pinagnanasaan, kundi, dapat ito’y ipinapasa natin sa kalubusan. Ang Paglusaw sa ating Ego Darating din ang araw, ang makasariling pag-iisip natin ay tuluyang malulusaw din, at ang tunay na pagkatao natin, na kabilang sa daigdig ng kalubusan, na nasa loob natin, ang sisibol at magigising, na palutang-lutang sa napakasarap at kahali-halinang alon na naka paligid sa atin. At doon sa lugar na iyon, mauunawaan ninyong lahat ng naroroon ay pawang mababait at kahali-halina. Ang simoy ng hangin ay kahali-halina, maging ang inuming tubig ay sobrang sarap at kahali-halina, ang mga puno ay kahalihalina, lahat ng naroroon ay ubod ng lambing at sobrang kahali-halina, at tunay talagang napakasarap, masarap na masarap. Kaya ang totoong kalaban talaga natin ay itong ating internal na ego, ang pagiging makasarili natin. Kung ganoon, ano ang dapat nating gawin upang tuluyan na itong malusaw, una sa lahat huwag nating isipin na dapat lahat ng mangyayari sa buhay natin ay nakaayon sa gusto natin. At bilang pananggalang sa ganitong klaseng kaisipan, ang proseso ng karma-yoga ang gagamitin natin, dahil sa karma-yoga, nilulusaw nito ang maling ego natin, na ang gusto’y palaging kabaluktutan; at sa sandaling ang maling ego na ito’y tuluyan nang nalusaw, doon naman lulutang ang higit na masmalawak at masmalapad na ego na nasa loob natin, at kahit nandito pa kayo sa loob ng sandaigdigang ito, magiging mapayapa ang buhay ninyo. Isang mapayapang daigdig ang bubungad sa inyo, at mapapansin ninyo ang makasariling damdamin na dati’y bumabalot sa atin ay wala na, tuluyan nang naglaho. Wala sa labas kundi nasa loob natin ang dahilan ng pagkakasakit natin. Subalit para sa isang paramahamsa Vaishnava, sa pinakamataas na klaseng santo, wala siyang nakikitang problema, dahil lahat ay nasa maayos na kalagayan. Wala siyang nakikitang dapat nating ireklamo. Alam ninyo, kapag ganito na ang pananaw ninyo, na ang lahat ay maayos at kahali-halina, ibig sabihin ang buhay ninyo’y nasa yugto na nang kabanalan. Alam nila lahat ng ito, lahat nang kaguluhan ay likha nang maling-ego natin, at ang maling ego na ito ang dapat nating lusawin. At hindi natin dapat sinisisi ang nasa paligid natin. Kaya sa halip na sila ang ating sisihin, pagtuunan na lang natin ng pansin ang pagpapala ng Diyos. Pilitin nating hanapin ang Kanyang pagpapala sa mga bagay na dumarating sa atin, kahit na sa palagay mo ay kontra at kaaway pa natin. Hindi ba’t ang sabi sa atin ang lahat ng bagay ay pawang pagpapala nang Panginoon, kaya lamang ang problema, ito’y hindi natin napapansin; sa halip, pawang kabaligtaran ang nakikita natin. Alam ba ninyo kung bakit, ito’y sapagkat marumi ang mata natin. Ikalawang Bahagi: Mga Santo, Mga Banal na Aklat, at Guru
14
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Ang totoo, lahat ng bagay ay sagrado at banal. Pawang pagpapala nang Panginoon. Ang mata lamang natin ang may sakit. Sa ngayon, lahat tayo ay may sakit, at sa sandaling tayo’y gumaling, mapapansin natin mapagpala pala ang mundong ito na tinitirhan natin. Hindi natin kaagad nakita dahil natatakpan nang pagnananasa natin. At para sa isang tunay na estudyante ng debosyunal na pag-aaral ang ganoong klaseng pakikitungo sa kapaligiran ay katanggap-tangap na landas patungo sa Panginoon. Kaya magmula ngayon ilagay natin sa ating isipan, lahat ng ito, lahat nang nangyayari sa atin ay pawang kagustuhan ng Diyos. Kahit damo, hindi maaaring gumalaw hangga’t walang kapahintulutan ng Supremong Awtoridad. Dahil tanging Siya lamang ang may kontrol at nakakaalam kung ano ang nararapat sa ating lahat. Kaya ilagay natin sa ating isipan, lahat ng nasa paligid natin ay nagdudulot nang kabutihan sa atin. Tayo lamang ang nagpapasama nito sa atin. Ang ego natin ang dahilan nang lahat ng kasamaan natin. Mga Walang-hangganang Kasiyahan Ito ang Vaishnavaismo. Kaya kapag ganito na tayo, di-magtatagal, mawawala na ang sakit natin at malalagay na tayo sa kalagitnaan ng walang-hangganang kasiyahan. Hindi ba’t madalas ang nakikita nating problema ay puro nasa labas lang natin? Hindi ba’t madalas ganito ang takbo ng ating isipan, ‚Gusto ko ganito, gusto ko ganyan, gusto ko ako lang ang may-kontrol nang lahat ng ito, ako lang ang magpapatakbo nito. Masmaligaya ako kapag nasunod ang gusto ko.‛ Hindi po ba. Kung ganoon, dapat tigilan na natin ang ganitong klaseng damdamin. Hindi ba’t ang sabi ni Mahaprabhu: trnad api sunicena taror api sahisnuna amanina manadena kirtaniyah sada harih Huwag nating kalabanin ang nasa paligid natin. At kahit na ayaw ninyo sa nangyayari sa atin, dapat ito’y maluwag parin nating tinatanggap, at dapat hindi tayo nagpapaapekto. At kung sakaling tayo’y kanilang pinagmamalupitan, dapat hindi parin tayo maging marahas; dapat ito’y tinitiis pa rin natin hanggang sa pinakasukdulan. Dapat, lahat sila’y patuloy pa rin nating iginagalang; at kailanman huwag na huwag nating isipin na dapat tayo ay kanilang nirerespeto at iginagalang din. Ito ang gagamitin nating paraan, para hindi tayo mahirapan sa pagpunta sa pinakamataas na hantungan: sa mismong lupaing iyon na tinitirhan ni Krsna. Hindi Ikalawang Bahagi: Mga Santo, Mga Banal na Aklat, at Guru
15
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan ba’t ang sabi, ito ang pinakamataas at pangunahing antas ng buhay. Kung ganoon ibig sabihin, kapag sinunod pala natin ang pamamaraang ito, sa panahong iyon, lahat ng bumabalot sa kaluluwa natin ay unti-unting mamamatay, lahat sila’y unti-unting mawawala, at ang kaluluwa, na nandoon lamang sa loob natin, ang siya namang magigising. At sa kanyang pagkamulat, mapapansin nito na siya’y naglalaro sa isang matamis na alon, sumasayaw at nakikipagsaya sa mga taga-Vrndaban, kasama si Krsna at nang Kanyang mga deboto. Bakit ano ba ang Vrndaban? Ito ba’y isang alamat, o istoryang ginawa lamang ng mga ninuno natin? Hindi po. Alam ninyo, sa buong sandaigdigan, may isang lupain na sadya talagang pinakamalawak at pinakamalaki sa lahat ng lupain at ang lugar na ito’y punung-puno ng kariktan, kagandahan, katamisan, at kasiyahan, at ang lahat ng ito’y naroroon sa Vrndaban. Ano ang dapat nating gawin upang makarating sa lugar na iyon? Una, higit sa lahat kailangang sumisid muna tayo sa loob ng katotohanan. Ngayon, tayong lahat ay naririto sa magulong mundo, lahat tayo ay nakapaloob sa ilusyon, kay maya, ang ilusyon, siya ang nagdala sa atin dito, nang ego natin. Magmula nang magsarili tayo, magmula nang maghangad tayo ng pansariling kasiyahan, kung anu-anong bagay na ang pumasok sa ating isipan, na pawang maling-palagay at akala. Kung ganoon, dapat pala’y agad na nating tunawin ang maling-ego, ang ganitong klaseng damdamin. Nang tuluyan ng makalabas ang ginintuang katauhang nandoon sa loob natin, na masmasaya ang kalagayan, dahil kasa-kasama natin si Krsna sa loob ng Vrndaban. Ang sinasabing “Taimtim na Hangarin” ni Hegel Ayon sa naging pahayag ni Hegel, ang tawag sa ganitong kamulatan ay ‘matinding paniniwala.‛ Na ang ibig sabihin, dapat nating paniwalaan hanggang sa ating kamatayan. Kaya dapat ang materyal na buhay nating ito at maging ang lahat ng materyal na pag-uugali natin ay iniiwan na natin; kaya kung nais nating magkaroon nang tunay na buhay dapat ang paniniwalang ito ang ating dalhin hanggang sa kamatayan. At ang maling ego ay iniiwan na natin. Bakit po? Tignan ninyo, mula nang isinilang tayo at napunta sa iba’t-ibang uri ng buhay, sa hayop, sa puno, at iba pa., iba’tibang materyal na pag-uugali din at asal ang ating nakuha, at ang pinong anyong ito, ay naimbak sa ating ego. Kaya kapag sinabing kamulatan sa kamalayan kay Krsna, ibig sabihin, ito ay lubusang paglusaw sa maling ego. Ang totoo, ang katauhang ito, ang maling ego, na sadya talagang makasarili, ay naroroon lamang sa loob natin, at ito’y nilikha nang kalaban natin. Samantalang ang tunay na katauhan natin ay kaawa-awang tinabunan nitong maling ego. Dahil sa sobrang lalim nang pagkakabaon nito sa atin,
Ikalawang Bahagi: Mga Santo, Mga Banal na Aklat, at Guru
16
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan tuluyan na nating nakalimutan ang sarili natin. Kaya, katulad ng sinabi ni Hegel na isang pilosopong Aleman, ‚mamatay upang mabuhay.‛ Ang realidad ay para sa Kanya at ito’y Kanyang gawa. Ang mundo ay nilikha hindi upang pagsilbihan ang mga makasariling hangarin natin; kundi, ito po ay may pangsandaigdigang layunin, at tayo’y kanyang bahagi at piraso lamang. Kaya marapat lamang na maging kaisa tayo sa kabuuan. Ang ganap na kabuuang ito ay si Krsna at Siya’y sumasayaw, nakikipaglaro, at umaawit ayon sa Kanyang kagustuhan. Kaya tama lamang na sumali tayo sa kanilang masayang sayawan. Kaya bang kontrolin nang mga katiting na tulad natin, ang walang-hangganan? At kaya din ba nating pagalawin ang lahat ng bagay ayon sa kapritso natin? At kung sa akala ninyo’y oo, ibig sabihin ganito na kayabang ang isipan ninyo, at sa lahat, ito na ang pinaka-baluktot, and pinaka kasuklam-suklam na bagay na naisip natin, at naging sakit na talaga natin. Ito ang tunay na problema ng ating lipunan. Kaya dapat ang solusyon sa katanungang ito ang itinatanong natin. Estudyante: Ibig sabihin po ba nito dapat agad-agad na naming bitiwan ang materyal na buhay namin? Srila Sridhar Maharaj: Hindi naman kaagad. Dapat unti-unti ang pagtaas natin, sabagay ito’y depende din sa partikular na kalagayan natin. Halimbawa, masyado tayong mahilig sa makamundong buhay at ito’y agad-agad nating binitiwan, malamang hindi natin matutupad ang mga ipinangako natin; at maaari tayong muling bumagsak. Kaya, ayon sa personal na kakayahan natin, dapat unti-unti tayong susulong paitaas. Ito ang maaari muna nating gawin, bukod dito, dapat kinasasabikan din natin ang pagbitaw sa lahat ng bagay at ilaan ang sarili natin tanging para sa pinakamataas na gawain. Subalit may mga taong buo talaga ang kalooban, at sila’y handang tumalon sa walang-katiyakan, dahil ganito ang umiiral sa kanilang isipan, ‚Bahala na si Krsna, sa ngalan ng Diyos ako’y tatalon na. Hindi ba’t ang sabi si Krsna, Siya’y nasa lahat ng bagay; kung ganoon bahala na Siyang kumalinga sa akin. Kaya kung tunay at makatotohanan talaga ang nagnanasa mo sa katotohanan, tumalon ka na. Estudyante: May problema po ako. Ito po’y sampung taon ko nang ginagawa. Sa loob po ng sampung taon, hindi na po talaga ako kumakain ng karne, isda, at itlog. Wala na po akong hangarin para sa mga materyal na bagay—at hindi na rin po ako nananabik sa mga ganoong pagkain. Lahat ng ito’y tuluyan ko nang iniwan. Ang problema, may isang bagay na gusto kong bitiwan subalit paulit-ulit ko namang ginagawa. Ito po ay ang ganja (marijuana). Ikalawang Bahagi: Mga Santo, Mga Banal na Aklat, at Guru
17
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan Srila Srila Sridhar Maharaj: Maliit na bagay lamang ito. Mayroong tatlong bagay na sadya talagang mahirap alisin: una ay babae, pangalawa ay pera, at ang pangatlo, ay ang magkaroon ng pangalan at maging tanyag. Ang tatlong ito ang talagang kalaban natin. Ang paggamit ng marijuana ay maliit na bagay lamang. Ito’y madali lamang bitiwan. Subalit ang tatlong ito ang pangunahing hangarin ng bawat hayop, puno, ibon, tao, at mga diyus-diyosan. Ang tatlong ito ay naroroon sa lahat ng bagay. Subalit ang pagkagumon sa droga at sa iba pang pabugsu-bugsong pag-uugali ay maliit na bagay lamang at ito’y madaling sugpuin. Katulad din ng unti-unting pagkagumon sa mga nakalalasing na inumin, dapat unit-unti din nating iniiwasan; unti-unti at hindi agad-agad. Tulad sa nangyari kay Goering, ang punung-heneral ni Hitler noong Ikawalang Digmaang Pandaigdig, nabasa namin sa pahayagan, noong patapos na ang digmaan, masyado daw itong nagumon sa pag-inum ng alak. At noong siya’y makulong, hindi na ito muling nakatikim pa nang kahit anupamang klaseng alak. At nang tumagal ay nagkasakit, ginamot hanggang sa gumaling. Pinainom siya nang gamot hanggang sa gumaling. Madami narin ang nagpupunta dito at sumasapi sa aming templo, subalit tumitikim pa din ng opyo, ngunit sa pagtagal ang bisyo nila’y unti-unting nawala na din. Maraming mga tinaguriang ‚sadhu‛ ang humihitit din ng marijuana. Ayon sa kanila nakakatulong daw ito sa konsentrasyon ng kanilang isipan, subalit ito’y para sa ating materyal na kaisipan lamang. Alam ninyo ang totoo, ginugulo lamang nito, nang ganitong klaseng bisyo ang pananalig natin, ang paniniwala natin. Ito ang kalaban ng ating paniniwala. Tanging ang pananalig lamang ang aakay sa atin patungo sa minimithi nating lugar, at hindi dahil sa anupamang bagay na nakakalasing. Akala nang mga naliligaw na kaluluwa, ang marijuana, ang hashish, at marami pang ibang bagay ay nakakatulong sa ating meditasyon, sa pagninilay-nilay natin. Marahil kung ang usapin ay tungkol sa ibang bagay, sa mga bagay na materyal, subalit tandaan ninyo sa bandang huli, pawang kabiguan lamang ang dala nito sa panahon ng ating pangangailangan. Dahil hindi tayo kayang dalhin nito hanggang doon sa kaitaastaasan. Sex, Droga, at Ginto Ayon sa naging payo ng Srimad Bhagavatam (1.17.38) dapat ang limang bagay na ito ang tinatalikuran natin: ang dyutam, ang pagsusugal, o ang pagiging madiplomasya, mahilig makipagsapalaran at magbaka-sakali; ang panam, ang pag-inum nang mga bagay na nakalalasing, tulad ng tsaa, kape, nga-nga, at lahat nang iba pang bagay na Ikalawang Bahagi: Mga Santo, Mga Banal na Aklat, at Guru
18
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan nakakahilo at nakakalasing; ang striyah, ang labag sa batas at illegal na pambababae o illegal na pakikipag-relasyon sa iba; ang suna o ang pumatay nang mga bagay na maybuhay, at ang pangangalakal ng ginto. Sa pangangalakal ng ginto, sa halip na ituon natin ang ating isipan sa mga espirituwal na bagay, inaalis nito, ang ating interes sa linyang espirituwal. Ang limang ito ang labis na bumibighani sa atin. Kailanman, hindi natin maaaring sang-ayunan ang kanilang sinasabi na ang paginum nang mga nakalalasing na inumin ay nakakatulong sa transedental na meditasyon, hindi ba’t ang sabi ni Devarsi Narada, yamadibhir yoga-pathaih kama-lobhahato muhuh: kahit sa meditasyon ay walang permanenteng solusyon. Bakit po? Dahil tanging ang wagas na pananalig lamang sa linya ng purong debosyon ang talagang makakatulong sa atin. Ang Mga Santo ay Buhay na mga Banal na Aklat Estudyante: Kung ganoon, papaano po namin mapapalawak ang aming kamulatan sa kamalayan kay Krsna? Srila Sridhar Maharaj: Papaano ba ninyo nalaman ang kamalayan kay Krsna? Estudyante: Sa pagbabasa po ng Bhagavad-gita. Srila Sridhar Maharaj: Sa Bhagavad-gita. Ibig sabihin mula sa mga banal na aklat. At sino sa palagay ninyo ang sumulat naman nito? Hindi ba’t ang mga santo. Kung ganoon, napakahalaga nilang dalawa at sila ang dapat nating nakakasama, ang mga santo at payo ng banal na aklat. Ang mga santo ay mga buhay na banal na aklat, at ang banal na aklat bagama’t nagbibigay ng payo sa atin, ay hindi naman natin maaaring kausapin. Ang mga buhay na santo ay maaari nating kausapin, samantalang ang mga banal na aklat ang biyaya nila’y nakapaloob sa kanilang payo. Kaya kapag silang dalawa, ang mga banal na aklat at mga santo ay kapwa natin nakasama, walangalinlangang ang pinakasukdulang antas ng ating paniniwala ay ating mararating: saddhu shastra krpaya haya. Subalit sa kanilang dalawa, ang mga santo ang higit na makapangyarihan. Sila ang mga taong nabubuhay sa payo ng mga banal na aklat. Kaya kapag sila’y ating nakasama, at tayo’y kanilang pinagpala, ang mga matataas at lihim na karunungan at paniniwala ay ating matututunan. Kung ang hangad talaga ninyo ay ang makarating sa pinakasukdulang lugar huwag nating ipagpilitan ang mga pamamaraang gusto natin; dahil tanging ang pananalig lamang ang maaaring magdala sa atin. Napakalayo ng espirituwal na mundo, ito’y Ikalawang Bahagi: Mga Santo, Mga Banal na Aklat, at Guru
19
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan lagpas pa sa ating paningin, lagpas pa sa mga naging karanasan natin, at lagpas pa maging sa kayang abutin ng ating isipan. Dahil ang naranasan ng ating mata, tainga, at isipan ay napakaliit at limitado lamang, subalit ang lugar na ito, ang transedental na lupaing ito’y naaabot at napapasok lamang sa pamamagitan ng pananalig. Kaya kapag ang mga naging katuwang natin ay ang mga santong ito at ang mga banal na aklat, tiyak na magiging malago ang pananalig natin. Handa nila tayong tulungan na maunawaan kung ano ang espirituwal na mundo at kung ano ang mundong ito, at alin sa kanila ang totoo. At sa panahong iyon, ang materyal na mundong ito’y magiging gabi para sa atin, samantalang ang espirituwal na mundo nama’y magiging araw na sa atin. Sa kasalukuyan, ang eternal na daigdig ay kadiliman para sa atin, habang gising tayo sa mortal na daigdig na ito. Hindi ba’t may mga tao na, ang araw nila’y parang gabi at ang gabi nila’y parang araw. Ang kamulatan nang mga banal ay iba kaysa mga bulaan at sinungaling. Ang mundo nila’y magkahiwalay. Iba ang mundo ng mga siyentista kaysa mga pasaway at magugulo. Ang araw nila’y gabi. Ang nakita nina Einstein at Newton ay hindi nakita ng ordinaryong tao, at ang nakita nang ordinaryong tao ay pinagwawalang-bahala naman ng mga matataas na tao. Ibig sabihin, gisingin natin ang ating interes hinggil sa sinasabing lupain, kaya lamang ang gusto nang lupaing ito na ngayo’y tinutuntungan natin ay huwag nating pansinin ang nasa mataas na lupain. Ika-3 Digmaang Pandaigdig: Hayaan Hinyo ito Estudante: Maraming tao ang natatakot sa digmaang nukleyar. Ayon sa kanila malapit na itong mangyari. Srila Sridhar Maharaj: Ito’y isa lamang tuldok sa isang linya, isang linyang nasusulat sa isang kapatagan, isang kapatagan na nakapatong sa isang solidong tuntungan. Maraming ulit nang dumating at lumipas ang maraming digmaan; maraming ulit nang ang araw, ang mundo, at ang solar system natin ay nawala, at muling lumabas. Tayo ay nasa kalagitnaan nang walang katapusang ganitong klaseng kaisipan. Ang digmaang nukleyar na ito ay isa lamang maliit na tuldok; ipagpalagay nating ito’y talagang malapit nang dumating? Hindi ba’t sa araw-araw at bawat sandali marami ang namamatay? Kung ganoon, ano ang kaibahan nito; hindi ba’t ganito din ang maaaring mangyari sa ating mundo, na ito’y mamamatay din, hindi ba’t maging ang buong sangkatauhan ay mawawala din. Ganoon talaga. Ano ang dapat mong ipangamba. Kung ganoon dapat doon na tayo manirahan, doon sa lugar na iyon na walanghangganan; at dapat ito’y hindi lamang para sa isang partikular na panahon o Ikalawang Bahagi: Mga Santo, Mga Banal na Aklat, at Guru
20
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan kalagayan. Kundi dapat ihanda din natin ang mga sarili natin para sa eternal na biyayang makakamtam natin, at hindi sa isang panandaliang lunas lamang. Ang araw, ang buwan, at maging ang lahat ng planeta ay lumilitaw at naglalaho: sila’y namamatay, at muling nililikha. Tayo’y nabubuhay sa loob ng walang-katapusang siglo ng buhay. Kaya kapag ganito na ang aspeto ng usapin, dito na pumapasok ang usapin nang relihiyon. Hindi ba’t ang paniniwala nati’y ganito? Na hindi lamang ang katawang ito, kundi maging ang buong sangkatauhan, ang mga hayop, ang mga puno, ang buong mundo, at maging ang araw, lahat sila’y mawawala, at muling lilitaw. Nililikha, ginugunaw, muling nililikha at ginugunaw—lahat ng ito’y walang katapusang nagaganap dahil sa maling paniniwala. At lingid sa ating kaalaman may isa pa palang mundo at ang mundong ito’y eternal; at tayong lahat ay inaanyayahang doon na pumunta, at sa kapatagang iyon manirahan, dahil ang lupaing iyon kailanma’y hindi pa pumasok sa bibig ng kamatayan, o may takdang-panahon. Ganito ang nakasulat sa Bhagavad-gita (8.16): abrahma-bhuvanal lokah punar avartino ‘rjuna mam upetya tu kaunteya punar janma na vidyate ‚Maging ang Panginoong Brahma, na mismong lumikha nang ating mundo, ay namamatay. Magmula sa pinakamataas na planeta, sa buong Brahmaloka, ang buong materyal na mundo, ang kapangyarihan ay nagbabago.‛ Subalit kung matatawid natin ang lugar ng maling-kamulatan at makakapasok tayo sa lugar ng tamang kaalaman, doon sa lugar na iyon walang nililikha at walangginugunaw. Dahil ang lugar na ito’y eternal, walang-hangganan, at ang isa pa, lahat tayo’y tagarito, mga anak ng nasabing lupain. Tanging ang mga katawan at isipan lamang natin ang anak ng lupaing ito na isinisilang, iniluluwal at nawawala, nililikha at namamatay. Kaya tama lamang na umalis na tayo sa mundong ito na may kamatayan. Zona ng Nektar Ngayon, di-maikakaila lahat tayo ay nandito sa lugar na ito. Subalit ano ang dapat nating gawin? Pilitin nating makalikas sa mortal na lugar na ito. Hindi ba’t ganito ang naging bilin sa atin nang mga banal na santo, ‚Umuwi kana kaibigan, halikana’t umuwi na tayo sa ating tahanan. Bakit kailangang maghirap ka pa sa ibayong lupain? Ang espirituwal na mundo ay tunay; samantalang ang materyal na mundong ito’y hindi: Ikalawang Bahagi: Mga Santo, Mga Banal na Aklat, at Guru
21
Ang Paghahanap kay Sri Krsna – Ang Kaakit-akit na Katotohanan lumalabas at nawawala, dumarating at umaalis, hindi ba’t ang kalagayang ito’y katawa-tawa! Kaya magmula sa mundo ng katatawanan halikayo at doon tayo pumunta sa katotohanan. Dito sa materyal na mundong ito, hindi lamang isang digmaan ang ating mararanasan, kundi muli’t-muling darating ang marami pang digmaan, digmaan nang digmaan, at marami pang paparating na digmaan. Subalit mayroong isang zona ng nektar, ang totoo tayong lahat ay anak nang nektar at tayong lahat ay eternal, kailanma’y hindi namamatay. srnvantu visve amrtasya putrah. Kaya lamang nalinlang tayo kaya tayo napunta dito, at ang totoo, tayong lahat ay eternal, dahil tagaroon tayo, tagaroon sa lupaing iyon at doon sa lupaing iyon walang sinuman ang ipinapanganak at wala ring namamatay. Kaya kung gusto mo talaga itong puntahan dapat ito’y bukal sa inyong kalooban. Hindi ba’t ito naman talaga ang ipinahayag ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, nang Bhagavad-gita, at ng Upanishads, hindi ba’t ganun din ang tiniyak sa atin nang Srimad Bhagavatam. Hindi ba’t ang sabi ito naman talaga ang ating tahanan, na sa lahat pinakamasarap tirhan, kung ganoon dapat gawin natin ang lahat ng maaari nating gawin makabalik lang sa Diyos, makauwi lang tayo sa ating tahanan, at kung maaari ay magsama narin tayo ng iba.
Ikalawang Bahagi: Mga Santo, Mga Banal na Aklat, at Guru
22