Ikaw, Sino ang Guru Mo?
Turong-aral nang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj
Isang araw, noo’y nagpunta kami ng Vrndavan, noong papasok na kami ng bayan napatigil dahil sa sobrang sikip ng trapiko. Lahat ng nasa sasakyan nami’y abala sa kanya-kanyang gawain, nagkataong natapat kami sa isang templo at nadidinig namin ang sinasabi ng nagsasalita sa loob, at ito’y nagtuturo nang Srimad Bhagavatam. Isang malaking pandal ang kanilang itinayo, lahat ng dumalo ay nakaupo sa sahig habang nagtuturo sila ng Srimad Bhagavatam, ang sabi ng nagtuturo, “Akoang magiging chaukidar [ চৗিকদার] ninyo, ako ang mangangalaga sa inyo, sa pamamagitan nitong Srimad Bhagavayam habang kayong lahat naman ang mga panginoon ng lupang pag-aari ninyo, dahil ang sabi ninyo kayo ang nagmamay-ari nito? At pagkatapos, isa-isa niyang tinanong ang lahat ng dumalo, aniya, “Ikaw, sino ang Guru mo?”
May sumagot na, “Ang asawa ko.” “Malamang, dahil sunud ka nang sunod sa gusto ng asawa mo,” tugon ng titser. May sumagot ng pabiro, aniya, “Ako, ang Guru ko ‘yung telebisyon ko.” “Oo nga. Kita naman. Hindi ba’t sabi mo madalas kang manuod ng telebisyon?”, sagot ng tagapagturo. “Totoo naman talaga ang lahat ng sinabi ninyo, ang totoo isang oras lang akong naging guru ninyo, hindi ba?,” patuloy ng tagapagturo. “Dahil alam ko, pagkatapos nito, tulad ng dati, pag-uwi ninyo tiyak na muli na namang nakakalimutan ninyo ang mga sinasabi ko, hindi ba? Hindi ba’t pagdating ninyo sa bahay ninyo, ano agad ang ginagawa ninyo? Hindi ba’t agad ninyong hinahanap ang ‘remote control’ ng telebisyon ninyo, dahil gusto na ninyong mapanood ang paboritong palabas sa tv ninyo? At dahil hindi ka pa nagbibihis ng damit at ibang gawain ay nakaligtaan mo, biglang mararamdaman mo pinipingot na nang asawa mo ang tenga mo! At pagkatapos, ayun, naalala mo ang dapat mong gawin, pero kailanma’y hindi ang kamalayan kay Krsna. At ito’y limut na limot mo na. Kaya tama ka, ang telebisyon mo ang guru mo at ikaw naman ang asawa mo!” Natawa ako, matapos kong marinig ang kanyang aral. Tama naman siya, di ‘ba? Dahil alam niya tuluyan na talagang ginapos ni ‘maya’ ang mga kaharap niya…